You are on page 1of 18

KABANATA I

INTRODUKSYON

Ipinapakilala ng kabanatang ito ang introduksyong parte ng kabuuan ng

pananaliksik kabilang ang kaligiran at kasaysayan ng pag-aaral, layunin, haypotesis, batayang

konseptwal, batayang teoretikal, saklaw at limitasyon, kahalagahan ng pag-aaral at depinisyon ng

terminolohiya.

KALIGIRAN AT KASAYSAYAN NG PAG-AARAL

K-POP o Korean Pop ay isanguri ng musika na meron ang timog Korea na kung

saan iba’t ibang mgamang-aawit at mananayaw, koreana man o mga koreano pa yan. Ang K-POP

ay kasalukuyang laganap sa buong mundo at kilalang kilala ng mga kabataan maging sa mga may

edad. Dahil sa likas na mahilig ang mga Pilipino sa iba’t ibang uri ng mga musika ay nakuha ng

K-POP ang atensyon ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan. Karamihan sa mga kabataang

nahihiligang makinig ng musika nila ay halos pinapaulit-ulit nilang panuorin at pinapakinggan ang

mga musikang K-POP. Ilan sa mga mangangawit at mananayaw na tinatangkilik at hinahangaan

ng mga Pilipino lalong-lalo na ng mga kabataan ay ang Girls’ Generation, Super Junior, Exo,

Shinee, Sistar, 2pm, 2am, 4minute, Big Bang at 2ne1 na kung saan kabilang si Sandara Park na

may dugong Pilipino.(Sue Kim, 2016)

Sa pagpasok ng makabago at modernong teknolohiya sa bansa, madalian na lamang

para sa mga tao ang maghanap at tumuklas ng bagong kaalaman batay sa hilig nila. Isa nalang ang

paggamit ng internet na kung saan madalian mo na lamang mahahanap ang musikang K-POP na
gusto mo, sa isang pindot mo lamang ay marami ng lalabas na resulta base sa hinahanap mo(Jaddie

Lorzano. N.d.) Mapamusika man o larawan ng iniidolong mga koreano ay madali na lamang

malalaman dahil sa makabagong teknolohiya.

Sa mga kabataang tagahanga ng K-POP ay hindi lamang nila basta pinakikinggan

ang ganitong uri ng musika kung hindi ginagaya din nila ang kanilang mga iniidolo, ito ang

impluwensyang dulot ng musikang K-POP sa ating bansa. Gumagastos ng malaki ang mga

tagahanga ng bawat K-pop group para lang bumili ng mga album ng kanilang idolo o hindi naman

kaya ay bibili ng tiket kung may gagawing pagtatanghal ang kanilang mga idolo sa bansa .Hindi

lamang sa pagbili ng mga album o tiket natatapos ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa K-Pop, may

ibang tagahanga din ang bumibili ng mga damit, kuwentas, singsing, pamaypay, posters,

notebooks, sticker at iba’t ibang mga produkto na may imahe o kinalala man sa kanilang idolong

Koreano/Koreana (Sue Kim. 2016).

Layunin

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pananaliksik na inaaral at ito ay may

mga layunin din na dapat isaalang-alang. Ang mananaliksik ay sasagutin ang mga sumusunod na

tanong:

1. Ano nag mga rason sa pagtangkilik nating mga Pilipino sa musikang K-POP?

2. Ano ang magiging epekto nito sa musikang sariling atin?

3. Ano persepsyon ng tao sa pagdating ng musikang K-POP sa bansa?


Haypotesis

Walang makabuluhang epekto ang hindi pagtangkilik ng mga pinoy sa pag-usbong ng

K-POP sa bansa.

Batayang Konseptwal

Mga Salik ng OPM at sa Pag-usbong ng


musikang K-POP sa bansa

K-POP OPM

MgaSalik

Kultura Wika

Figure 1.

Pinapakita sa konseptwal na ito ang magiging proseso ng pag-aaral ng paksang ito. Ang

pinapakita dito ay ang takbo ng pag-aaral ng pananaliksik mula sa pinaka-problema at kung ano

ang ilang salik ng musikang K-pop at OPM hanggang sa epekto sa Pinoy ng pagkakaiba ng mga

salik ng musikang K-POP sa OPM.


Batayang Teoretikal

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng teorya upang mabigyang suporta ang

paksang tinutukoy sa pag-aaral.

Ang “Intercultural Transformation” ang ginamit na teorya sa pananaliksik na ito

dahil konektado ang pag-aaral ng paksa na ito sa tinutukoy na teoryang nakuha ng mananaliksik.

Ipinakilala ni Young Yun Kim ang Intercultural Transformation. Ayon sa kanya, nag-aadjust ang

mga tao sa pagbabago ng kultura kung saan lumalawak ang pananaw ng bawat isa, at natuto sila

na magdiskubre ng panibagong kaalaman. Nagkakaroon ng malakihang pagbabago sa kanilang

personalidad at nagkakaroon ng maraming pagpipilian.Ang mananaliksik ay ginamitang teoryang

Intercultural Transformation dahil konektado ito sa paksa ng pag-aaral kung saan kaya

tinatangkilik ng mga pinoy ang K-POP dahil lumalawak ang pananaw ng tao sa pagbabago ng

kultura kaya nagkakaroon ng maraming pagpipilian ang mga tao.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa persepsyon ng tao sa epekto ng

pagtangkilik nila sa K-POP kaysa sa musikang sariling atin. Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay

para sa musika lamang. May limitasyon din ang pag-aaral na ito na dapat isaalang-alang. Ang pag-

aaral na ito ay limitado lamang sa mga taong tumatangkilik sa K-POP at sa OPM.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito ang matukoy ang epekto ng pagtangkilik sa K-POP

ng mga Pinoy at mahalaga ito at makakatulong sa mga sumusunod:

Mga Tagahangang Pinoy ng K-POP- Makatutulong itong pag-aaral na ito upang magkaroon ng

kamalayan at malaman ng mga tagahangang Pinoy ng K-POP na masyado nang humihina ang

pag-usbong ng musikang Pinoy.

Mga Musikerong Pinoy- ito upang mahikayat na mas lalo pa nilang palaguin ang musikang

sariling atin nang sagayon ay maengganyo ang mga Pilipino namaganda pa ring pakingganang

musikang Pinoy.

Mga Guro- Makatutulong sa kanila ito upang maituro sa klase kung bakit mahalagang mas

tangkilikin ang musikang sariling atin kaysa sa mga musikang banyaga tulad ng K-POP.

Mga Estudyante- Magkaroon sila ng kaalaman kung gaano nga ba kagandang pakinggan ang

mga musikang gawa ng sariling bansa natin kaysa sa mga musikang hindi naman naiintidihan

tulad ng K-POP.

Sa hinaharap na mga Mananaliksik – Magiging batayan nila ito upang mas mapaayos ang

pananaliksik ng may ganitong uri ng paksa.


Depinisyon ng mga Terminolohiya

K-POP (Korean Pop Music) - ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip

hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang K-pop ay naging popular sa kultura ng

mga kabataan sa buong mundo. (Wikipedia, 2017).

OPM (Original Pilipino Music) - ay mga istilo at porma ng musika na bahagi na rin ng iba’t-

ibang kultura sa Pilipinas, gamit ang kanilang mga instrumento, wika, at pananaw.

(The Marocharim Experiment, 2010).


KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Layunin ng kabanata na ito ang ipakita ang mga mga datos na pwedeng sumuporta

sa pananaliksik. Ito ay upang makatulong na maging pamilyar sa mga impormasyon na konektado

at may pagkakapareho sa pag-aaral

KAUGNAY NA LITERATURA

DAYUHANG LITERATURA

Tunay ngang pandaigdigang penomena ang dala ng K-POP dahil sa nakaka-adik na

mga tunog na gawa nila at sa mga magagandang sayaw na pinapakita nila sa mga tao, pati na din

sa pagiging kaakiy-akit ng mga K-POP artist na nagbigay ng dahilan sa mga madla lalo na mga

kababaihan na mahalin ata idolohin sila. (Aja Romano, 2018)

Sa isang interbyu kasama ang CNN, nagpahayag ang isang senior manager galing

sa isang Korean Broadcasting System na si Sung Tae Ho. Ipinaliwanag nito na dahil sa

pagkakapareho ng kultura ng Pilipinas at ng Korea, ay walang gaanong hadlang o balakid upang

kumalat ang kultura ng bawat bansa, kahit na magkakaiba ng lengguwahe at wika,

nakakapagbahagi tayo ng iba’t ibang kaisipan sa bawat isa. (Hong Sophie, 2017)

Sa pagtangkilik ng mga Pinoy sa musikang K-POP, may mga iilang kalakasan at

kahinaang epekto ito sa mga tumatangkilik dito. Sa pagiging tagahanga ng K-POP lalo na sa mga

Pinoy, mas nagiging palakaibigan ang mga ito dahil maraming pwedeng makilala na kapwa nito
na pareho ng pagkahumaling sa K-POP. Natutunan din nilang maging bukas ang isipan, dahil sa

mga nalalaman nila sa K-POP, hindi lamang ang kanta at musika nito kung hindi pati na ang

kulturang meron ang mga Koreano. Natututo din nilang makita ang mga talentong meron sila tulad

ng pagsayaw at pagkanta na nailalabas nila sa pamamagitan ng musikang K-POP kahit na di

naiintindihan. Nakatutulong din ito para sa kanila dahil natututunan nilang tumanggap at

magpahalaga sa ibang musika, sayaw at pag-uugali ng ibang bansa. Ilan itong mga ito sa mga

kalakasang nakatutulong sa mga Pinoy habang sila ay tumatangkilik sa K-POP.

Hind rin nawawala ang masamang dulot ng K-POP sa mga tao. Sa pagiging isang

tagahanga ng ganitong uri ng musika, hindi na napapansin ng ilan na nagkakaroon din ng

masamang epekto sa kanila ang matinding pag-idolo sa mga hinahangaang mga K-POP groups.

Ilan lamang dito ay ang paggastos ng maraming pera para lamang makabili ng mga bagay na gusto

nila na may kinalaman sa mga iniidolo nila tulad ng mga albums, concert tickets, at mga iilang

merchandise. Nag-iiba din ang mga ugali ng iilan sa mga tagahanga pagdating sa usapin tungkol

sa mga iniidolo nitong mga K-POP groups, minsan ay hindi na nila alam na may sinasabi na silang

masakit sa iba na nagdudulot ng away o gulo sa isang grupo at dito pumapasok ang pang”babash”

ng tao dahil sa mga hindi nila nagugustuhan sa iniidolo ng ibang tao. Madalas din ay hindi na din

nabibigyang pansin ang pag-aaral ng mga ito dahil sa madalas na pagbibigay oras sa K-POP at sa

mga idolo nito. (Bernadeth Nobe, N.d)


LOKAL NA LITERATURA

Sa patuloy na pag-usbong at pagpasok ng mga bagong musika sa bansa, parang

isang bala ang K-POP na ipinatama sa mga Pinoy na kung saan naging dahilan kung bakit nila ito

tinatangkilik nang husto ngayon. “Siguro naghihintay lamang tayo ng susunod na Eraserheads o

Rivermaya.” Puna ni Deen sa isang artikulo tungkol sa K-pop at OPM, dagdag pa nya, “Siguro

kailangan nating matutunan sa mga Koreano kung paano natin hahasain ang mga musikero

pagdating sa kanilang talento, sigruo kailangan nating ibenta ang talento natin.” Naging parte na

ng globalisasyon ang Hallyu Wave na tinatawag, o ang kulturang meron ang K-POP. Tuluyang

nakapapasok na sa bansa ang iba’t ibang bago ngayon at mga Pinoy din namang itong palaging

tumatanggap sa kanila. Sa katotohanan, ang bansa ay parating gutom sa pagkakakilanlan, ngunit

kung hangarin ng bawat isa na magkaroon ng pagkakakilanlan at magkaroon ng malakas na dating

sa iba, kailangan ng bansa na hanapin ang mga bagay kung saan magaling ang mga Pinoy at

palaguin ito nang sa pagdating ng araw, hindi lang magiging tagahanga ang talentadong Pinoy

kung hindi magiging instrumento din ito upang mahalin ng bawat isa ang mga bagay na meron

tayo. (Analyn Perez. 2014)

“Ang K-POP ay may sariling pagkakakilanlan kahit na may iilang impluwensya

ang musika nito galing sa mga kanluranin.” Tinangkilik ito ng mga Pilipino dahil ang K-POP ay

may dala-dala sa mga tao na hindi madaling kalimutang musika at mga sayaw. Tulad na lamang

ng mga iniidolong grupo ng mga Pinoy ay ang Seo Taiji & The Boys, Sechs Kies, Turbo, S.E.S.,

Shinhwa, Fin.K.L. in the 90’s to Epik High, TVXQ, Super Junior, BigBang, Brown Eyed Grils,

Wonder Girls, Girls Generation in the 2000s and Infinite, Sistar, ZE:A, EXO, AOA, at BTS. Hindi

mapigilan ang pagmamahal ng mga Pinoy lalo na ang mga kababaihan sa paghanga sa mga iniidolo

nitong mga koreanong grupo. (Kristine Joyce Belonio, 2017)


Sa sobrang pagmamahal ng mga Pinoy sa K-POP, halos lagi nilang pinakikinggan

ang mga kanta at mga bidyos araw-araw na kanilang nakukuha sa pamamagitan ng mga

kompyuter. Kahit na magkakaiba ng wika at kultura ang mga tao sa mundo, ang mga tagahanga

ng K-POP sa bawat bansa ay tila hindi na napipigilang mahalin pa lalo ang kulturang Hallyu. Ayon

sa manunulat ng artikulo, mayroon syang kapatid na may lahing instik, ngunit may dugong pinoy,

kahit na ganoon ay mahal nito ang Korea at ang kulturang Hallyu, maging ang K-POP. Ayon pa

dito, hindi ito gaano nagluluto ng mga lutong Pinoy, ngunit marunong sa pagkaing Korea.

Nagpapakita ito na bukas lagi ang mga Pinoy pagdating sa mga kulturang banyaga, lalo sa

kulturang Hallyu o kulturang Korea. (Kristine Joyce Belonio, 2017)

Sa pagpasok ng makabago at modernong teknolohiya sa bansa, madalian na lamang

para sa mga tao ang maghanap at tumuklas ng bagong kaalaman batay sa hilig nila. Isa nalang ang

paggamit ng internet na kung saan madalian mo na lamang mahahanap ang musikang K-POP na

gusto mo, sa isang pindot mo lamang ay marami ng lalabas na resulta base sa hinahanap mo (Jaddie

Lorzano. N.d.) Mapamusika man o larawan ng iniidolong mga koreano ay madali na lamang

malalaman dahil sa makabagong teknolohiya. (Jaddie Lorzano. N.d.)


KAUGNAY NA PAG-AARAL

DAYUHANG PAG-AARAL

“Korean Wave” o “Hallyu” na isang terminong tinatawag nila sa kultura ng K-POP

na kung saan kalat na sa buong mundo. Sinasabing ang Korea ay ang “eksporter” ng Pop na kultura

sa pamamagitan ng aliw na naging isang kalaban ng Amerika at ang bansang Europa ayon ito sa

isang pag-aaral ng isang estudyante ng Universitas Islam Negri na si Ilvi Nur Diana ng Indonesia.

Ayon din sa kanya, malakas ang impluwensya ng K-POP pagdating din sa buhay sosyal sa bansang

Indonesia, mula sa mga palabas, pananamit at kanta ay talamak dahil sa lakas ng impluwensya

nitong K-POP sa mga tao. (Ilvi Nur Diana, 2016)

Sa paglipas ng panahon, unti-unting nababago at nagiging moderno na ang mundo.

Malaki ang nagagampanan ng “internet” sa pamumuhay ng mga tao sa araw-araw. Isa na dito ang

pagtuklas ng mga bagong kaalaman na gusto malaman ayon sa sa kinahihiligan ng isang tao. Sa

simpleng pindot lamang sa kompyuter ay lalabas na ang libo- libong mga resulta ng hinahanap. Sa

K-POP, sa isang pag-aaral ni Grace Zhenlan Teo, karamihan sa mga tagahanga ng K-POP ay puro

kababaihan na kung saan madalas nagugugol ang oras nila sa internet tungkol sa K-POP. Ginawa

na mas madali at mas maraming nilalaman ang K-POP sa internet sa buong mundo. At dahil mas

malawak na ang nilalaman nito, malaking oras na ang makokonsumo at gugugulin ng mga

kababaihang mga tagahanga sa nilalaman ng K-POP sa internet. (Grace Zhenlan Teo, 2012)

“Ang musika ang pangkalahatang wika ng katauhan; ang musika ay maaring

makipag-usap rin, kung hindi kaya, magagawa ng wika“. Isang kataga ni Henry Wadsworth

Longfellow sa pag-aaral ni Taylor Powell na isang mahalagang aral na pwedeng ituro ng K-POP
sa katauhan. Nasasabing ang K-POP ay isang kakaibang porma ng libangan o aliw sa mga tao.

(Taylor Powell, 2015)

LOKAL NA PAG-AARAL

Sa pagiging popular ng K-POP, nagkalat na ang mga tagahangang mga Pinoy ng

K-POP na kung saan naimpluwensyahan na ang karamihan sa pagsusuot ng mga usong at trending

na pananamit, maging sa mga kolorete sa mukha at buhok. Kadalasan ng ginagaya ng mga

tagahanga ang mga iniidolo nilang mga K-POP artist pati na sa mga pagkilos at kung paano ito

kumanta o sumayaw. Walang dudang kalat na ang K-POP sa Pilipinas maging kultura nito ay kalat

na din. Sa isang interbyu ng pag-aaral na ito ni Kharimah Dimatanday, ayon sa respondente nyang

isang tagahanga ng K-POP, gusto nya ng musikang ito dahil naiiugnay nya ito sa musikang

kanluran, “malakas ang dating ng mga miyembro ng grupo ng K-POP tulad ng mga nasa

kanluranin, ngunit para sa kanya mas kalmang makinig ng mga musikang K-POP. (Kharimah

Dimatanday, 2013)

Sa isang konklusyon ng pag-aaral ni Sarah Kristine Alanzalon, lumabas na ang

mga kabataang Pinoy ay talaga namang mga aktibong tagahanga ng K-POP sa nakitang resulta na

laging panunuod at pakikinig ng mga music videos patungkol sa K-POP. Ginugugol din nila ang

kanilang oras hindi laman sa pakikinig ng K-POP kung hindi pati sa kanilang mga talento sa

paggawa din ng mga sayaw batay sa K-POP. Batay sa mga respondente at sa resulta ng pag-aaral

ni Sarah, hindi hadlang sa kanila ang lengguwahe nito upang mahiligan ang K-POP, sa

katotohanan nito, halos lahat sa kanila ay aral na ang lengguwahe ng korea nang sa gayon ay

maintindihan nila ang musikang K-POP. (Sarah Kristine Alanzalon, 2011)


Ang Pilipinas ay laging bukas na yakapin ang iba’t ibang musika maging mga

musikang banyaga, ngunit ang K-POP ay hindi tulad ng mga Ingles na mga kanta. Sa panahon

ngayon, hindi na tinatangkilik ng mga kabataang pinoy ang mga musikang sariling atin. Sa halip

na mga OPM albums ang bilin, mas gusto nilang bumili ng mga K-POP albums na nagkalat na sa

bansa. Sa ngayon, ang mga OPM albums ay parang siso na kung saan minsan nasa itaas, at kung

minsan nasa ibaba. Ayon kay Basijan sa pananaliksik ni Cheska Jane G. Arriola, makakatulong

ang gobyerno sa pagliligtas sa OPM sa pagpapatupad ng ilang batas na hikayatin ang mga Pilipino

na tangkilikin ang musikang sariling atin at huwag sumuporta sa dayuhang musika o Piracy.

Nawawala na din ang pagiging orihinal ng musikang atin ng dahil sa impluwensya ng iilang mga

genre. Kung ito ay papansinin, may mga iilang kanta na ginawa o kinanta lamang uli sa ibang

besyon o ang tinatawag na “revival.” (Cheska Jane G. Arriola, 2013)

SINTESIS

Sa pagkalap ng mga lokal at banyagang mga literatura at mga pag-aaral, nagkaroon

ng pagkakataon upang masuportahan ang pag-aaral ng mananaliksik. Ang bawat literatura na

nailagay sa kabanatang ito ay nagpatungkol sa kung ano ang epekto ng pagtangkilik ng mga Pinoy

sa K-POP at kung anong mga epekto nito sa musikang sariling atin at sa dalawang salik, ang wika

at kultura. At dahil ditto, nagsilbing suporta ito at ibig sabihin ay konektado ito tungol sa pag-aaral

na isinasagawa ng mananaliksik.
KABANATA III

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga parte kung saan malalaman ang mga

gamit sa pagkuha ng mga datos at respondente kasama dito ang Disenyo ng Pananaliksik, Pagpili

ng kalahok. Instrumento ng Pananaliksik, at ang Tritment ng Datos.

METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptib na

pananaliksik na pamamaraan upang ipakita at masuri ang epekto ng pagtangkilik ng Pinoy K-POP

kaysa OPM sa dalawang salik, kultura at wika.

PAGPILI NG KALAHOK

Ang mananaliksik ay gumamit ng stratified Sampling technique na kung saan

hahatiin ang isang populasyon upang makahanap ng tamang respondente para sa pag-aaral. Ang

mananaliksik ay kukuha ng 10 respondente at hahatiin ang populasyong ito sa tiglima na kung

saan ang unang lima ay ang mga tumatangkilik na lubos sa K-POP at ang isa pang lima ay ang

mga mahilig sa musikang sariling atin o OPM.


INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay magsasagawa ng isang sarbey. Ang mga mananaliksik ay

gagawa ng sarbey kwestyuner na naglalayong makapaglakap ng mga impormasyon sa mga Pinoy

na mahilig sa K-POP, upang malaman kung ano ang epekto ng pagtangkilik ng mga Pinoy sa K-

POP kaysa sa OPM. Ang sarbey kwestyuner ay ang magsisilbing instrumento upang

makapagkalap o makakuha ng at maipakita ang datos na kinakailangan upang malaman ang mga

kinakailangan ng pag-aaral para matapos ang pananaliksik.

TRITMENT NG DATOS

Kukunin ng mananaliksik ang mga porsyento ng mga sagot galing sa mga napiling

respondente upang maging basehan at matukoy ang mga sagot. Ang pagpapakita ng mga datos na

nakalap ay makakatulong upang mapadali ang pag tukoy ng sagot ukol sa pag aaral na ito.
TALASANGGUNIAN

KAUGNAY NA LITERATURA

DAYUHANG LITERATURA

 Hong, S. (2017). Why are we so obsessed with Korean Pop Culture? Kinuha noong Ika-20

ng Marso 2018 sa http://www.cleo.com.sg/entertain-me/obsessed-korean-pop-culture/

 Nobe, B. (N.d). How Influential K-Pop is to Filipino Teenagers? Kinuha noong Ika-20 ng

Marso 2018 sa https://create.piktochart.com/output/24562548-kpop-influence

 Romano, A. (2018). How K-POP become a global phenomenon? Kinuha noong Ika-20 ng

Marso 2018 sa https://www.vox.com/culture/2018/2/16/16915672/what-is-kpop-history-

explained

LOKAL NA LITERATURA

 Belonio, K. (2017). Saranghae, Korea! Bakit marami ang Pilipinong nahuhumaling sa

Musikang K-POP, K-Dramas at Kulturang Hallyu. Kinuha noong Ika-09 ng Marso sa

https://philippineone.com/saranghae-korea-bakit-maraming-pilipino-ang-nahuhumaling-

sa-musikang-k-pop-k-dramas-at-kulturang-hallyu/

 Perez, A. (2014). K-POP Fans and Stans: A deeper look into the Pinoy Hallyu fandom.

Kinuha noong Ika-09 ng Marso sa

http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/content/367076/kpop-fans-and-stans-a-

deeper-look-into-the-pinoy-hallyu-fandom/story/
 Lorzano, J. (2015). Epektong dulot ng K-POP sa Personalidad ng mga piling mag-aaral ng

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Kinuha noong Ika-22 ng Marso 2018 sa

https://www.academia.edu/10696504/Filipino-thesis

KAUGNAY NA PAG-AARAL

DAYUHANG PAG-AARAL

 Diana, I.N. (2016). The Influnce of K-POP Culture on Students’ Lifestyle and Political

Knowledge at Social Science Education Department (icp) of Fitk of Maulana Malik

Ibrahim State Islamic University Malang. Kinuha noong Ika-09 ng Marso sa

http://etheses.uin-malang.ac.id/3621/1/12130109.pdf

 Teo, G.Z. (2012). The Effects of K-POP on Singaporean fans’ Perception of Korea as

Potential Tourist Destination. Kinuha noong Ika-09 ng Marso sa

https://repository.ntu.edu.sg/handle/10356/49915

 Powell, T. (2015). K-POP: The Definition of a Global Phenomenon and its Implication for

South Korea. Kinuha noong Ika- 28 ng Pebrero 2018 sa

https://kpopgoneglobal.weebly.com/research-paper.html
LOKAL NA PAG-AARAL

 Arriola, C.J. (2013). Korean Pop invasion in the Philippines: a Threat to OPM?

Kinuha noong Ika-09 ng Marso 2018 sa

https://www.academia.edu/6416381/Korean_Pop_invasion_in_the_Philippines_a

_Threat_to_OPM

 Alanzalon, S.K. (2011). K-POPPED! : Understanding the Filipino Teens’

Consumption of Korean Popular Music and Videos. Kinuha noong Ika- 28 ng

Pebrero sa

http://iskwiki.upd.edu.ph/images/d/d5/Alanzalon,_Sarah_Kristine_Masiglat_04-

11_Kpopped!.pdf

 Dimadantay, K. (2013). Review of Related Literature. Kinuha noong Ika- 09 ng

Marso 2018 sa http://dimatanday.blogspot.com/

You might also like