You are on page 1of 6

Mandap, Francis Peter G.

BSEd - 2B (MAPEH)

1. https://www.facebook.com/notes/interaksyon/editorial-manlaban-sa-
extrajudicial-killings/1239487059409487/
Ang pagtanggap sa extrajudicial killings - mga pagbitay na walang pahintulot
ng batas - bilang lehitimong gamot sa kalupitan at krimen ay pinsala sa ating
mga pamilya at lipunan. Ito ay paanyayang linlangin at yurakan ang ating mga
sarili, na sundin ang huwad na pangangatwiran at nagbubulag-bulagang
pagpipilit…:
… na ang may pagkakasala lamang ang mamatay.
… na hindi natin kailangan ang hukuman upang malaman kung sino nga ba
ang nagkasala.
… na kung iyon lang naman ang pag-uusapan, aba, ay buo naman nating
kayang pagkatiwalaan ang mga parak at mga tanod.
… na mabali man o maabuso ang tiwalang iyan ay OK lang, sapagkat kaunting
tiis lang naman ito habang may binubunot na bulok ang pamahalaan sa ating
katawan. Lilipas din ang bangungot at kirot sa budhi, at babangon tayo sa
bagong umaga, sa isang makintab at mabangong pagkakataong
magbagong buhay.

2. http://definitelyfilipino.com/blog/droga-at-extrajudicial-killing/

Droga at Extra Judicial Killings - Inuulan ng batikos ang mahigpit na


pagpapatupad ng batas ukol dito at ang mismong nagpapatupad nito.
Napakarami na ang namamatay at patuloy pang nadaragdagan sa bawat
oras o araw na lumilipas dahil umano sa mga user o pusher na nanlaban kaya
pinaputukan. Bukod pa sa mga pinapatay ng mga vigilante na may kinalaman
umano sa droga.

Marahil nagtataka o may mga tanong kung bakit tahimik ang publiko sa usapin
ng mga pagpatay na may kinalaman daw sa droga. Naisip nyo rin ba kung
bakit lumalabas na 91% umano ng mga Pilipino ay tiwala sa pamunuan ng
ating gobyerno ngayon? Sa kabila ng kabilaang pagpatay na nangyayari sa
ibat ibang panig ng bansa. Marahil ngayon lamang naramdaman ng mga
mamamayan ang pagkilos upang matuldukan ang seryosong problema sa
droga. Maaaring nagkaroon ng pag - asa ang karamihan na masosolusyunan
ang napakalaking suliranin na masasabi kong napabayaan sa mahabang
panahon na maaaring nakasilip ng liwanag ang mamamayan para sa mga
susunod pang henerasyon.
Mandap, Francis Peter G.
BSEd - 2B (MAPEH)

3. http://www.philstar.com/psn-opinyon/2017/03/29/1685649/mas-masahol-
ang-solusyon

Ito ang ugat nang patuloy na ingay sa labas ng bansa tungkol sa mga
pagpatay. Para sa karamihan, itoy itinuturing na extra judicial killing (EJK) o, sa
madaling salita, ang intensyonal na pagpatay nang hindi dumadaan sa
paglilitis sa korte. Kapag EJK ang pinag-uusapan, ang suspetsa lagi ay
pamahalaan mismo ang may kinalaman.

Bilang sangga sa patuloy na sumbong ni Vice President Leni Robredo sa mundo


at sa banat ng foreign media sa mga pangyayari sa bansa, nilinaw ni PNP
Director General Ronald “Bato” de la Rosa na karaniwang homicide at hindi EJK
ang nagaganap na patayan sa Pilipinas. Malisyoso naman daw masyado ang
ilang miyembro ng media at napakadaling tawagin EJK ang pagpatay.

At para namang binabasta basta lang ang kaganapan. Kahit saan anggulo ito
tingnan, kapwa Pilipino pa rin ang biktima nito. At bumaba man ang problema
ng droga, tumaas naman ang bagong problema ng murder. Nabawasan nga
ang drug addict, nadagdagan naman ang mamamatay tao. Kung ganito
lang, mas masahol pa ang solusyon sa suliranin.

4. https://brainly.ph/question/510505

Sa bansang Pilipinas ay kalat ang mga transaksyon ng droga. Isang mahigpit na


tao ang namumuno dito. Maraming nababalitaan tungkol sa nagaganap na
extrajudicial killings sa naturang bansa. Ang kadalasang biktima nito ay yaong
mga nasasangkot sa droga. Maraming nababalitaan na ang kapulisan ang
gumagawa ng pagpatay at sila'y pumapatay ng mga taong walang
kasiguraduhan ang kasalanan. Marami ang naghahanap ng hustisya. Marami
ang hindi sang-ayon. Ayon sa Bibliya, masama ang pumatay ng kapwa. Ang
Diyos ang nagbigay ng buhay sa atin, siya lang rin ang may karapatan na kunin
ito. Walang karapatan ang tao lang rin na kitilin ang buhay ng iba.

5. https://www.veritas846.ph/ejk-nagiging-state-sponsored-killings-na/

Ang pananahimik ng pamahalaan at hindi pagbibigay ng konkretong solusyon


sa talamak na pagpatay at Extra judicial Killings sa lipunan ay maaring ituring na
pagbibigay ng basbas sa mga nagaganap na karahasan.
Mandap, Francis Peter G.
BSEd - 2B (MAPEH)

Ayon kay Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) Vice
Chairman Fr. Eduardo Apugan, nagdudulot ng maling pananaw at
interpretasyon sa mamamayan ang kawalang aksyon ng pamahalaan lalu na
ang pagsuporta ng Pangulong Duterte sa pagpatay sa mga sangkot sa
kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.
“Para sa amin, itong pagpapakitang marahas ng gobyerno ay nagkaroon siya
ng programa na peace and order pero ang nakikita namin dito ay naging
programa ng killings, nandiyan yung extra judicial killings, extra legal killings,
vigilante killings, itong lahat ng ito ay maituturing natin na sa kawalan ng
pagbibigay ng atensyon dito ay nagiging state sponsored killings, in fact yung
extra judicial killings ang pananahimik ng gobyerno tungkol dito at walang
pagbibigay ng solusyon and in fact ang pagsasabi niya na “it’s time to kill
criminals” yung mga statement ng isang Presidente ay parang isang
pagpapahayag na kung saan nagiging isang state policy ito,” pahayag ni
Father Apugan sa Radio Veritas.
Batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police noong ika-23 ng
Nobyembre, umaabot na sa higit 4,600 ang bilang ng mga nasasawi sa patuloy
na War on Drugs ng pamahalaan kung saan sa bilang na ito nasa 1,959-ang
napatay sa gitna ng operasyon ng mga pulis habang aabot naman sa 2,646
ang bilang ng mga biktima ng summary execution sa buong bansa.
Sa kabila nito, naunang inihayag ng PNP at maging ng Philippine Drug
Enforcement Agency na nasa higit 3 milyon pa ang gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Magugunitang, bagamat una nang nagpahayag ng pagsuporta ang
Simbahang Katolika sa layunin ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal
na droga ay binigyang diin nitong hindi nararapat malabag ang anumang
karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat kumitil ng buhay.

6. http://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reportersnotebook/5745
64/extrajudicial-killings-sisiyasatin-ng-reporter-s-notebook/story/

Mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 19, 2016, umabot na sa 2,901 ang kabuuang
bilang ng naarestong suspected drug pusher ayon sa Philippine National Police.
Umabot naman sa 194 ang bilang ng mga napatay na suspected drug pusher
matapos umanong manlaban sa mga pulis. Kung susumahin, sampung
hinihinalang drug pusher ang napapatay kada araw.
Mandap, Francis Peter G.
BSEd - 2B (MAPEH)

Sa huling tala ng Philippine National Police, hindi bababa sa 700 na kaso ang
mga napatay dahil nanlaban di-umano sa lehitimong operasyon ng pulisya.
Mahigit 1000 naman ang bilang ng mga napaslang sa pamamagitan ng
summary killings na ngayo’y “under investigation” na ng PNP. At sa patuloy na
madugong giyera na ito kontra droga, inaasahang lolobo pa raw ang bilang
na ito. Dahil sa anti-drug campaign na ito, kaliwa't kanan din ngayon ang
responde ng iba't ibang grupo ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ng
pulisya. Sa mga sinamahan ni Mav Gonzales na mga elemento ng Manila
Police District, hindi bababa sa tatlong patay ang kanilang iprinoseso sa loob
lang ng isang magdamag.

7. http://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/brigada/578650/ang-
lumalalang-mga-kaso-ng-umano-y-extrajudicial-killings-tatalakayin-sa-
brigada/story/

Ang lahat ng mata ngayo'y nakatutok sa pulisya na siyang nasa sentro ng


giyera kontra droga. Higit sa kanilang mga hakbang sa pagsugpo sa droga,
nahaharap sila ngayon sa matinding pagsisiyasat ng madla dahil na rin sa isyu
ng kung totoo nga bang nanlaban ang mga namatay sa operasyon. Bunsod
nito, gumawa si JP Soriano ng isang pag-aaral kung ano nga ba ang pulso ng
madla sa nagaganap na mga patayan kaugnay ng droga. Dito natuklasan
niyang bagamat marami ang tutol sa mga nagaganap na pagpatay, marami
rin ang tila kampante ngayon sa kanilang seguridad dahil na rin sa kampanya
ng gobyerno kontra droga.

8. https://www.veritas846.ph/extra-judicial-killings-hindi-dapat-maging-
new-norm-o-kultura-sa-pilipinas/

Suportado at kinatigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines


Permanent Committee on Public Affairs ang ginagawang imbestigasyon ng
Senate Committee on Justice and Human Rights sa laganap na extra-judicial
killing sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Mandap, Francis Peter G.
BSEd - 2B (MAPEH)

Iginiit ni Father Secillano na kung hindi ito gagawin ng Senado at iba pang
ahensiya ng pamahalaan ay magpapatuloy ang mga pagpatay extra-
juducially at magiging new norms ito sa Pilipinas.
Inihayag ng pari na kung walang kikilos ay dahan-dahang matatanggap ng
mga Filipino na OK lang ang pagpatay ng walang due process.
Nilinaw ni Father Secillano na sa pamamagitan ng Senate hearing ay
mapapanatili pa rin ang pagsusulong ng karapatang pantao na dapat
dumaan sa tamang proseso at paglilitis ang isang pinaghihinalaang sangkot sa
ilegal na droga.

9. http://www.philstar.com/bansa/2016/09/19/1625131/extrajudicial-killing-
di-na-gagamitin

Ngayon, hindi na gagamitin sa anumang pagdinig, imbestigasyon at report ng


isang komite sa Kamara ang salitang “extrajudicial killing”. Ito ay matapos na
mapagdesisyunan ng House Committee on Public Order and Safety na huwag
gamitin ang salitang “extrajudicial killing” at sa halip ay ang termino na lamang
na “death under investigation” na ginagamit ng Philippine National Police
(PNP). Ang hakbang ni Antipolo City, 2nd district Rep. Romeo Acop, chairman
ng komite ay bunsod sa mosyon ni Deputy Speaker Gwendolyn Garcia na
kumukwestyon sa paggamit ng nasabing termino dahil sa kawalan umano ng
capital punishment na death penalty sa bansa. Paliwanag ni Garcia, base sa
kahulugan ng terminong “extrajudicial killing”, ito ay isang pagpatay na may
kaugnayan sa pulitika ng isang tao, government authorities, o dominant
political groups nang walang kaukulang parusa, judicial proceedings o legal na
proseso. Ang nasabing termino umano ay ina-apply lamang sa 10 bansa na
mayroong parusang kamatayan kaya imposible umanong mangyari ito sa
bansa dahil wala namang death penalty sa Pilipinas.

Dahil dito, hiniling ni Garcia sa komite na huwag kilalanin sa iba pang mga
pagdinig, imbestigasyon at reports ng komite ang terminong “extrajudicial
killings” at sa halip ay gagamitin na lamang ang terminong “death under
investigation”. Sa mga naunang pagdinig, kinuwestyon din ni Quezon City Rep.
Winston Castelo ang nasabing termino kay Police Director Lazarus Vargas, ng
PNP Director for Plans. Paliwanag naman ni Vargas, ang terminong extrajudicial
killings ay hindi nila ginagamit dahil ang mga gumagamit umano nito ay isang
organisasyon na nasa labas ng PNP.
Mandap, Francis Peter G.
BSEd - 2B (MAPEH)

10. https://www.abante.com.ph/stop-ejk-ang-solusyon-sen-pangilinan.htm

Sablay ang panawagan ni Tourism Secretary Wanda Teo kay Vice President Leni
Robredo at sa media na bawasan ang pag-uulat hinggil sa extrajudicial killings
(EJKs) na nagaganap sa bansa.

Ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, kay Pangulong Rodrigo Duterte dapat
nanawagan si Secretary Teo dahil ito naman ang may pakana ng war on drugs
na siyang dahilan kung bakit maraming nagaganap na patayan. Aniya,
walang iuulat na EJKs si Robredo sa United Nations at wala ring ibabalita ang
media kung walang nagaganap na patayan dahil sa iresponsableng anti-
illegal drug campaign ang Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Oplan
Tokhang. "Ang solusyon ay itigil ang EJKs at hindi itigil ang pag - ulat dito.
Mahirap idownplay", giit ni Pangilinan. Sinabi ni kalihim Teo sa isang press
conference sa Bangkok, Thailand na nahihirapan siya sa kanyang trabaho na
isulong ang Pilipinas sa mga turista kung palagi ang paninira ni Robredo at ng
media sa imahe nag bansa dahil sa ulat ng paglala ng EJKs.