You are on page 1of 3

Renato B.

Vibal
Masusing Banghay-Aralin sa
Filipino II

I-Layunin:
 Nasusunod nang wasto ang mga inihandang katanungan
 Nakakasunod nang maayos sa mga panuto

II-Paksang Aralin:
Paksa:
 Pagsagot nang wasto sa mga inihandang katanungan
 Pagsunod nang maayos sa mga panuto
Sanggunian:
 TG (p. 144-145) LM (p. 388-389)
Kagamitan:
 Tsart, Larawan

III-Pamamaraan:
 Ugnayang tanong at sagot

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


Magandang umaga/hapon mga bata! -Magandang umaga/hapon din po sir!

Bago tayo magsimula ng ating paksa, anu-ano -Huwag maingay


nga ba ang pamantayan sa pakikinig? -Nakaupo ng matuwid
-Huwag makikipagkwentuhan sa katabi
-Nakikinig sa sinasabi ng guro

Lahat ng inyong sinagot ay tama!

A. Tukoy Alam
Kanina ay ang mga pamantayan sa pakikinig ang
gating pinagusapan, ngayon ay paguusapan
naman nating kung anu-ano ang ginagawa
kapag may pagsusulit.

Anu-ano nga ba ang dapat ginagawa kapag -Makinig ng maigi at sundin ang panuto
nagsusulit? -Basahin ng mabuti at sundin ng maayos ang
mga panuto
B. Pagganyak
Ano ang salitang nababasa sa sagutang papel
kapag may pagsusulit? -Pauto
C. Paglalahad
Ano ang gating ginagawa kapag may panuto? -Binabasa
-Sinusunod

Bakit kailangan sumunod sa panuto? -Para hindi magkamali


-Para maintindihan ng maayos ang sinasagutan

D. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Mayroon akong ipapabasa sa inyong maikling
teksto. Basahin at pilliin ang kaisipan ng teksto.

Matalinong bata si Nelia, pero sa


panlalamang sa kapwa niya ginagamit ang
talinong taglay. Pinagalitan siya ng kanyang
guro at magulang dahil sa hindi magandang
ginagawa niya.
Sadyang matigas ang ulo ni Nelia. Hindi niya
sinusunod ang mga payo sa kanya, kaya marami
ang nagagalit sa kaniya. Walang nagmamahal
kay Nelia.
Isang gabi ay nanaginip siya na siya ay
nakakulong sa isang nag-aapoy na lugar dahil sa
kanyang masasamang gawain. Nagising si Nelia
at ipinangako niya sa sarili na magbabago na
siya.

Ano ang kaisipan ng teksto? -Matalinong bata si Nelia pero siya ay


nanlalamang sa kapwa
-Matigas ang kanyang ulo, hindi siya
sumusunod sa nga payo ng guro at kanyang
magulang

Ano ang natutunan ninyo sa tekstong binasa? -Huwag matigas ang ulo
-Sumunod sa mga payo ng guro at magulang
-Huwag manlamang sa kapwa

Tandaan Natin
Ang pagsunod sa panuto ay paggawa at
pagsagot ng tama.

Bakit kailangan sumunod sa panuto? -Para hindi magkamali at masagutan ng


maayos ang sinasagutan
-Para ang ginagawa ay tama
IV-Pagtataya:
Sundin ang panuto sa bawat bilang.
1. Isulat ang buong pangalan sa loob ng kahon.
2. Bilugan ang iyong apelyido.
3. Gumuhit ng isang bituin.
4. Sa gitna ng bituin, isulat ang iyong pangarap.
5. Ipaliwanag kung bakit ito ang gusto mong maging.

V-Takdang-Aralin:
Sipiin ang liham ni Connie para sa kanyang Tita beth. Isulat nang wasto ang mga makikitang
pagkakamali ditto.
Mawhal kung Teta bibeth,
Komosta ka na Tita? Mabute naman kami ditto sa Filipinas sa tulong ng dios. Sna omuwe
k na mula sa merika. Namimis ka na naming.
Gnamamahal,
conie

You might also like