You are on page 1of 2

BANGHAY – ARALIN SA PAGTUTURO SA ARALING PANLIPUNAN 9

(EKONOMIKS)

Ikalawang Araw

Pebrero 19-23, 2018


I- Mga Layunin

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag-aaral angnpang- unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga


patakarang pang- ekonomiya nito sa harap ng mga hamon atpwersa tungo
sa pambansang pagsulong at pag- unlad.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng


mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang ekonomiya nito
tungo sa pagsulong at pag- unlad

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor ng agrikultura at sektor ng industriya tungo sa pag-unlad ng


kabuhayan.

II- NILALAMAN

Kaugnayan ng sektor ng industriya sa sektor ng agrikultura

III- MGA SANGGUNIAN

1.) Mga Pahina sa Gabay ng Guro


2.) Mga Pahina sa Kagamitang pang- mag-aaral
3.) Mga Pahina sa Teksbuk
4.) Karagdagang Kagamitan Mula sa Learning Resources o ibang website.

IV- PAMAMARAAN

A.) Paghahabi ng Layunin ng Aralin

Think- Pair-Share!

Pag-uusapan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng gawaing ito ang


kanilang kasagutan sa katanungang ito:
" Ano ang kahalagahan ng sektor ng industriya sa pang-araw-araw na
pamumuhay?"

Bibigyan ng guro ng 10-15 minuto ang mga mag-aaral upang isagawa ang
gawain.

Iuulat ng mga mag-aaaral ang kanilang mga kasagutan sa klase.

B.) Pag-uugnay ng layunin sa bagong aralin

1.) Bakit mahalaga ang sektor ng industriya para sa iyo?


2.) Anu- ano ang mga nakikita mong problema sa sektor ng industriya ?

C.) Pagtalakay sa kasanayan/ Bagong Aralin

Kahalagahan ng sektor ng industriya


Mga kahinaan ng sektor ng industriya

D.) Paglinang ng kabihasaan.

1.) Anu- ano ang mga kahinaan ng sektor ng industriya?


2.) Alin sa mga ito ang pinaka- nakakaapekto sa iyong pang araw-araw na buhay
3.) Anu- ano ang mga kinakailangan upang mapalakas ang sektor ng industriya?

E.) Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay

KASUNDUAN:

1.) Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa
pagpapalakas ng sektor ng industriya?
2.) Kung ikaw ay isang opisyal ng pamahalaan, ano ang iyong gagawin upang
mapalakas ang sektor ng industriya?
3.) Paano makakaapekto ang paghina/ pagkawala ng sektor ng industriya sa
pang-araw araw na buhay?

You might also like