You are on page 1of 1

“Makoy Wais”

“..hohummmm….”ang mahabang hikab ni Makoy. Nagkusot ng mata, at biglang napabalikwas ng


bangon. Tumakbo sa bintana at sumigaw ng, “ Hapi Bertdey, Makoy!”
Opo, ito ay pang-ikapitong taong kaarawan ni Makoy. Mabilis niyang inayos ang higaan at nag-
usal ng pasasalamat sa Diyos.
“Inay, inay! “ ang malakas na tawag ni Makoy sa kanyang ina, ngunit wala roon ang Nanay ni
Makoy.
“ Maligayang kaarawan, Makoy!” ang biglang sulpot ni Mang Mando mula sa pintuan.
“ Halika! Sumama ka sa akin,” aya ng kanyang tiyo papunta sa sala.
“Wowwww! may keyk at spaghetti sa mesa! Sa akin po ba ‘yan tiyo?” masayang bulalas ni
Makoy.
“Oo, sa iyo lahat iyan, Makoy! May isang sorpresa pa ako sa iyo. Bibigyan pa kita Makoy ng
limandaang piso para pambili mo ng gusto mo,” ang sabi ni Tiyo Mando.
“Salamat po, tiyo Mando,” mangiyak-ngiyak na turan ni Makoy.
Kinabukasan, habang nasa loob ng klasrum si Makoy ay marami siyang naiisip. Gusto niyang
bumili ng maraming laruan. Kaya pagdating ng recess, masayang lumabas at pumunta si Makoy sa
tindahan ng mga laruan.
“Wow! May laruang bola, kotse-kotsehan, may yoyo, may trumpo at may pogs din! Gusto kong bilhin
lahat para makita ng mga kaklase ko!” bulalas ni Makoy. Ngunit naisip nyang masisira din ang mga
laruan at masasayang lang ang kanyang pera.
“Itong kotse-kotsehan na lang ang bibilhin ko dahil pangarap kong maging isang magaling na
mechanical engineer at magkaroon ng magandang kotse paglaki.” bulong niya sa kanyang sarili.
Pagsapit ng tanghalian, nilabas ni Makoy ang kanyang laruan. “May bago akong kotse! Tara
laruin natin ang kotse-kotsehan ko, “tuwang-tuwang sabi ni Makoy sa kanyang mga kaklase.
Masayang-masaya ang mga kaklase ni Makoy habang sila ay naglalaro ng bagong laruan.
Natapos ang araw at magaan ang pakiramdam na umuwi si Makoy. “O, Makoy! kumusta ang araw
mo?” bati ng kanyang Nanay at sinabayan nya ito ng halik at yakap.
“Nanay, heto po ang natirang pera ko!” inilapag ni Makoy sa mesa ang natirang pera na binigay
ni Tiyo Mando.
“Nanay, ihuhulog ko po ito sa aking alkansiya para po hindi ko na po magagastos,” pahayag ni
Makoy.
“Tama yan, anak,” ang saad ng Nanay ni Makoy. “May kasabihan tayo na kapag ikaw ay may
isinuksok pagdating ng araw ikaw ay may madudukot.”

You might also like