You are on page 1of 8

Panimula

Sa buhay ng isang tinedyer hindi mo maikakaila na malawak ang


kuryosidad. Sa panahong ito, “adolescences”, malikot at malikhain at
mga isipan ng mga tinedyer sapagkat gusto nilang tumuklas ng mga bagay
sa kanilang kapaligiran. Isa na rito ang unag nilang pagtikim ng alak.
Sadyang mahirap pigilan ang mga tinedyer sa panahong ito sapagkat ito
ang panahon ng mabilis na paghasa ng kanilang mga isipan. Ang alkohol
ay isang sa mga inumin na hinding-hindi matanggal sa sistema ng
Pilipinas. Ang isang dahilan dito ay ang kolonisasyon ng mga Espanyol
ay hindi lamang nagdala sa kanila ng relihiyon Romano Katoliko kundi
pati na rin sa kanilang kultura sa pag-inom. Mayroong karaniwang
positibong pananaw ng alak sa karamihan ng mga Pilipino, ngunit may
mga lumalaking pag-aalala tungkol sa epekto ng pag-inom sa pagkakaroon
ng lipunan. Maraming mga tinedyer na Pilipino, tulad ng karamihan sa
mga kabataan sa rehiyon ng Western Pacific, ay nagiging mga karaniwang
umiinom at hindi alam ang mga nakakapinsalang epekto ng pang-aabuso sa
alak.

Bakrawn

Sa mga bansa sa isla ng Pasipiko tulad ng Pilipinas, sinabi ng


Wolrd Health Organization (WHO) na ang pag-inom ng alak ay isang
pangkaraniwang kasanayan. Ang isa pang pangunahing pag-aalala ay ang
mga kabataan ay nagsisimula sa pag-inom sa mas maagang edad kaysa
dati, sinabi ng WHO “The onset of drinking at earlier ages as well as
binge or problem drinking among young people are of particular
concern". Sa buong mundo, 3.3 milyong pagkamatay bawat taon ang
resulta mula sa nakakapinsalang paggamit ng alkohol, ito ay
kumakatawan sa 5.9% ng lahat ng pagkamatay ayon sa datos ng WHO. Ang
datos na nagmula sa WHO (2011) ay nagsasaad na nasa 9% ng populasyon
ng Pilipinas na nasa taong 15 pataas ay sinasabing mayroon silang
problema sa adiksyon sap ag-inom. Sa Pilipinas, kumakatawan ito ng
0.91% ng pagkamatay sa bansa. Dahil sa mahinang pagpapatupad ng batas
at pagmomonitor sa Pilipinas, madali na lamang mabili ang alak ng mga
tinedyer sa kahit anumang establisyemento na nagbebenta nito. Sinasabi
ng Anti-Underage Drinking Act of 2011 na kahit na nakasaad sa ating
batas na hindi pwedeng bumili at pagbilhan ang mga taong mayroong edad
pababa 18, gayunpaman, ang pag-inom ng mga taong mayroong edad pababa
18 ay laganap at karaniwan. Pero hindi lahat ng mga senior high school
student ay sakop nito sapagkat may mga estudyante ng senior high
school na mayroong edad na ng 18.

Ang pag-inom ng alak ay isang malaking isyu na hinaharap ng bawat


lipunan sa atin. Marami itong epekto sa ating kalusugan katulad ng
sakit sa atay, diabetes, sakit sa puso at iba pa. Ayon sa Drug and
Rehab in Thailand (DARA) tinatayang nasa 60% ng kabataan o mga taong
mayroong edad pababa ng 18 ay nasubukan ng matikman ang alak. Dagdag
ng DARA, ang mga batang natututong uminom sa murang edad ay malaki rin
ang tiyansang malululong sila sa alak sa kanilang pagtanda sapagkat
nakikiaalaman ng alak sa pagsulong ng katawan na nangyayari sa
adolescence. Ayon kay Edwards (n.d.), nababawasan ang kamalayan na mga
tinedyer dahil sa pag-inom ng alak. Ang utak daw ng isang tinedyer na
umiinom ay mayroong tiyansang lumaki na mas maliit sa karaniwang sukat
ng ghfmmga parte ng utak. Napag-alaman ding sa mga lalaking umiinom sa
taong nasa pagitan 15 hanggang 20 ay mayroong mas malaking tiyansa na
magkaroon ng mas maikling edukasyon kumpara sa mga lalaking hindi
umiinom.

Maraming mga bagay ang siyang dahilan kung bakit umiinom ang
isang tinedyer kagaya ng lifestyle, bisa ng mga advertisement ng mga
nagbebenta ng mga alak, panghihikayat ng mga kaibigan o peer pressure,
stress at depresyon (Díaz, 2011). Kabilang na ring mga dahilan ang
genetics, ang isyu sa pamilya ay mga kaibigan. Kahit na maliit lamang
na alak ay pwedeng humantong sa delikadong asal kagaya ng pagtataas ng
libog o kagustuhang makipagtalik, paggawa ng krimen, pakikipag-away at
pagpapakamatay (Doku, 2012).

Dahil sa pag-inom naapektuhan ang utak kung kaya nag-iiba ang


ugali ng isang taong pala-inom lalo na kapag ikaw ay isang adolescent
na kung saan nasa panahon nang mabilis na paglaki o pagbabago ng iba’t
ibang parte ng katawan lalo na sa utak. Ang mga rehiyon ng utak na
sumasailalim sa importanteng paglaki tuwing adolescence kagaya ng
cerebral cortex, cerebellum at hippocampus ay kinikilalang mga parte
ng utak sa mayroong malaking tiyansang maapektuhan ng pag-inom alak
(Jacobus et al, 2014). Napag-alamang sa tulong ng magnetic resonance
imaging (MRI) na mayroong mas maliit na cerebral cortex sa mga
tinedeyer na mayroong edad 16 hanggang 19 na umiinom at lalo itong
lumiliit kapag sa mga mas malakas uminom (Lishdahl et at., 2011).
Mahalaga ang cerebral cotex sapagkat ito ang mayroong responsibilidad
sa “sensory areas”, “motor areas” at “association areas” ng isang tao
(Bailey, 2017). Ayon kay Nagel et al. (2005), naitala nilang mas
maliit ang hippocampus ng mga adolescents na umiinom na nasa taong 13
hanggang 21. Ang hippocampus ang siyang bahala sa ating memorya, ang
pauli-ulit na pag-inom ay pwedeng nitong mapinsala ang hippocampus
kaya nagkakaroon ng problema sa kognitobong kapasidad at problema sa
memorya o ang tinatawag na memory loss (Duke University, n.d.). Ang
cerebellum, ang parte ng utak na reponsable sa koordinasyon ng
paggalaw at siguro sa pagkatuto ay sensitibo sa alak at napipinsala
ito sa madalas na pag-inom ng alak (Freudenrich, 2012).

Kahalagahan

Ayon sa pag-aaral ng World Heath Organization’s Global Burden of


Disease gumamit sila ng isang mekanismom, cause-specific disability-
adjusted life years (DALYs) para sa mga taong mayroong edad 10
hanggang 24, at napag-alamang ang alak ang siyang mayroong
pinakamalaking panganib sa kalusugan na nasa 7% DALYs (Gore et al.,
2011). Dahil dito, dapat pagtuunang pansin ng lipunan ang pag-inom ng
alak ng mga adolescents. Sa isinagawang pag-aaral ng European School
Survey Project on Alcogol and Other Drugs (ESPAD) na isinagawa sa
mahigit 37 na bansa ay napag-alamang 79% ng mga estudyante ay uminom
ng alak sa loob ng 12 na buwan at 57% naman nito ay uminom ng alak sa
loob ng 30 na araw. Ang karaniwang taon mga estudyante sa pag-aaral ay
nasa 16 taon. Ang mga taong umiinom bago pa lamang mag-16 taong gulang
ay apat na beses na mas malululong sa adiksyon ng alak. Hindi lamang
pagkakalulong sa alak ang problema kung hindi pati na rin ang
kalusugan ng utak at kung paano makihalubilo. Ang mga sektor na may
responsibilidad sa isyung ito ay dapat na magtulungan upang makahanap
ng mabisang paraan na mahinto ang pagbebenta at pag-inom ng mga
adolescents.

Ayon sa isang pag-aaral sa Lungsod ng Baguio, nasa 30.8% ng


estudyante na nasa Grade 9 hanggang Grade 10 ay umiinom (Furiscal,
2008). Batid ng mga mananliksik sa Lungsod ng Baguio, limitado lamang
ang datos na tumutukoy sa mga senior high school students sapagkat
kamakailan lamang ang naging implementasyon ng batas na K-12 kaya’t
naisipan ng mga mananaliksik na magsagawa ng ganitong pananaliksik.
Ngunit mula sa naunang pag-aaral, ang 30.8% ay napalaking porsyento na
dapat ikabahala at pagtuunang pansin.

Layunin

Gustong malaman ng pag-aaral na ito kung gaano kalala ang problema ng


pag-inom ng alak sa mga estudyante senior high school sa Lungsod ng
Baguio. Nais malaman ng pag-aaral kung ilang porsyento ng mga
estudyante sa senior high school lalo na sa University of Baguio
Senior High School at kung gaano sila kadalas uminom ng alak. Nais
ding tuklasin ng pag-aaral ang ugnayan sa pagitan ng pag-inom ng alak
at ang kognitib functions. At huli, malaman ang mga dahilan kung bakit
sila umiinom upang makahanap ng mga mabisang paraan upang ito ay
matigil.

Balangkas Konseptwal at Teoretikal

Ayon sa Newport Academy (2012), ang pag-inom ng alak ay nakakamatay ng


mga brain cells. Napag-alaman ding mas nanganganib ang mga adolescents
dito kaysa sa matatanda. Ang alak ang maaring makaapekto sa pag-unlad
ng utak lalo na sa panahong ito ng mabilis na pagbabago. Maari itong
magdulot ng permanenting pagbabago sa kapasidad na matuto at
makaalala. Dagdag ng Duke University, inaapektuhan ng alak ang
kapasidad ng utak na magpanatili ng mga impormasyon at pinipinsala ang
mga parte ng utak. Naapektuhan ng pag-inom ng alak ang cerebral cotex
sapagkat ito ang tumutukoy sa intelihensya ng isang tao, tumutukoy sa
kanyang personalidad, “function motor”, kakayahan sa pagplaplano at
organisasyon, “touch sensation”, pagproseso ng sensory na impormasyon
at pagproseso ng wika (Bailey, 2017). Ayon sa National Institute of
Alcohol Abuse and Alcoholism, ang mabilis na pagbabago sa buhay ng
isang adolescent at “developmental transitions” kagaya ng puberty at
“hormonal changes” ang isa sa mga dahilan sa pag-inom ng alak. Ang
taluktok ng puberty o ang mabilis na paglaki ng katawan ay nasa taong
15 hanggang 19 kung saan ang karamihan sa mga adolescent ay nasa
senior high school. Mula sa mga datos at impormasyon nakalap, nais
tukuyin ng pag-aaral kung gaano kalala ang epekto ng pag-inom ng alak
sa kognitib na kapasidad ng mga senior high school students sa Lungsod
ng Baguio. Sa pag-aaral na ito matutuklasan ang konkretong pag-
uugnayan ng pag-inom ng mga estudyanteng nasa senior high school sa
kanilang kognitib na kapasidad at ano ang mga kadahilanan.

Input Process Output

 Pagtala ng mga  Pagpapasagot  Talaan ng mga


tanong sa at pagtala ng kasagutan at
survey. mga kasagutan mga
 Pakikipanayam sa survey. istatistikong
sa mga  Pagtala ng mga datos.
estudyanteng kasagutan sa 
nasa senior panayam.
high school.

Paglalahad ng Suliranin

Ang adolescence ay isang panahon ng pagtutuklas ng iba’t ibang bagay


ngunit ang iba rito ay nakasasama sa kalusugan. Katulad ng pag-inom ng
alak na nakakaapekto sa paglaki at pag-unlad ng utak. Dahil ditto,
nais malaman ng pag-aaral ang mga kadahilanan ng pag-inom ng mga
estudyanteng nasa senior high school sa Lungsod ng Baguio at makahanap
ng paraan na ito’y masugpo.

Nais sagutin ng pag-aaral ang mga sumusunod na mga katanunga:

1) Ano-ano ang mga kadahilanan kung bakit umiinom ang mga senior
high school students at mga aspeto ang nakaaapekto dito?
Masasagot ang tanong ito sa pamamagitan ng isang survey o
pakikipanayam. Ang survey na ito ay naglalaman ng mga
katanungang mayroong kaugnayan sa mga dahilan kagaya ng stress
at iba pa. Naglalaman din ang survey ng mga tanong ukol sa
katayuan tulad ng katayuan pampamilya.
2) Ano-ano ang mga hakbang na pwedeng isagawa upang mabawasan ang
pag-inom ng mga senior high school students?
Masasagot ang katanungang ito ay masasagot sa pamamagitan ng
mga sagot sa survey at mga panayam. Mula sa kanilang mga
kasagutan ay puwedeng gumawa ng isang komprehensibo at
konkretong paraan kung paano maiwasan o mahinto ang pag-inom
ng alak ng mga senior high school students ng Lungsod ng
Baguio.
3) Ano-ano ang mga asignaturang bumababa o naapektuhan ng pag-
inom ng alak?
Masasagot ang tanong na ito sa pamamagitan ng isang survey o
pakikipanayam. Ang survey na ito ay naglalaman ng mga
katanungan sa kanilang mga grado. Mula ditto, maihahambing ang
kanilang mga grado simula noong sila’y nagsimulang uminom
noong hindi sila umiinom. Maihahambing rin ang kanilang mga
grado sa mga estudyanteng hindi umiinom at makikita rito kung
ano ang pagkaka-iba nila.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito naglalayong tuklasin ang ugnayan ng pag-inom ng


alak sa kapasidad na matuto. Ang integridad at katumpakan ng pag-aaral
na ito ay depende sa katapatan ng mga sumagot at tumugon sa pag-aaral.
Hindi ginagarantiya ng pag-aaral ang 100% na katumpakan sapagkat
mayroong mga tanong na puwedeng hindi sagutin ng mga tumugon o puwede
hindi sila sumagot ng buong katapatan. Gayunpaman, tinitiyak ng pag-
aaral na ginawa nito ang lahat ng kanilang makakaya upang gawing
tumpak at makabuluhan ito.

Sanggunian
ALCOHOL DEATH RATE BY COUNTRY. (n.d.). Binawi mula
http://www.worldlifeexpectancy.com/cause-of-
death/alcohol/by-country/

Alcoholism in the Philippines. (n.d.). Binawi mula


http://alcoholrehab.com/alcoholism/alcoholism-in-
the-philippines/

Bailey, R. (n.d.). Brain Anatomy: Cerebral Cortex Function.


Binawi mula https://www.thoughtco.com/anatomy-of-the-brain-
cerebral-cortex-373217

Díaz-Anzaldúa, A., Díaz-Martínez, A., & Díaz-Martínez, L. R. (2011).


The complex interplay of genetics, epigenetics, and environment
in the predisposition to alcohol dependence. Salud Mental,
34(2), 157–166.

Doku, D., Koivusilta, L., & Rimpelä, A. (2012). Socioeconomic


differences in alcohol and drug use among Ghanaian adolescents.
Addictive Behaviors, 37(3), 357–60.
http://doi.org/10.1016/j.addbeh.2011.11.020

Dryden-Edwards, R. (n.d.). Alcohol and Teens: Learn the Effects of


Teenage Drinking. Binawi mula
https://www.medicinenet.com/alcohol_and_teens/article.htm#what_ar
e_the_dangerous_effects_of_alcohol_use_in_teens

Freudenrich, C. (2012). How the Body Responds to Alcohol. Binawi


mula http://science.howstuffworks.com/alcohol6.htm

Monroe, J. (2017, April 11). Teen Alcohol Rehab. Binawi mula


https://www.newportacademy.com/resources/treatment/teen-alcohol-
rehab/
Lisdahl KM, Thayer R, Squeglia LM, et al. Recent binge drinking
predicts smaller cerebellar volumes in adolescents. Psychiatry
Res. 2013;211:17–23.

Pinoy alcohol use on the rise. (n.d.). Binawi mula


https://www.philstar.com/headlines/2006/09/22/359323/pinoy-
alcohol-use-rise

Stiles J, Jernigan TL. The basics of brain development. Neuropsychol


Rev. 2010;20:327–348.

Squeglia, L. M., Jacobus, J., & Tapert, S. F. (2014). Binawi mula


https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4321715/

You might also like