You are on page 1of 4

SHADOWS OF URDUJA

Official Entry of the College of Industrial, Information and Communication Technology


For the 5th Panamao Film Festival – Best Documentary

Host:
John Lenard Tonido

Screenplay:
Faith Roxanne Olea

Researcher:
Reywell Mae Conise

Cameramen:
Leinard Naldoza
Shiela Mae Bacongallo

Editor:
Jonathan Cabalquinto

Consultants:
Fernando Quiroz, Jr.
Stephen Janseen Balo
Robert Logronio

Producers:
Dr. Nemesio V. Lora
Dr. Elvira S. Pecajas
Dr. Julie E. Lopez
FADE IN:

CARAY-CARAY BRIDGE

HOST
December 13, taong 2017, nang hinagupit na namang muli ng isang bagyo ang probinsya ng
Biliran. Bagamat sanay na ang mga residente ng Biliran sa mga bagyo ngunit ang hindi nila
alam na ang bagyong ito ang magdadala nang isang malagim na trahedya na siguradong
hinding-hindi malilimutan ng mga taga naturang probinsya.

Clips: News from Typhoon Urduja

HOST
Si Urduja, o may international name na Kai-tak, nag-landfall sa probinsya ng Biliran sa storm
signal number 2. Ang ganitong signal warning ay mahina lamang kung tutuusin kumpara kay
bagyong Yolanda subalit ikinagulat nang lahat na sa paghupa nang bagyo, ganito ang
lalantad.

Clips: Urduja damages

HOST
Sa tala nang National Risk Reduction and Disaster Management Office, umabot lang naman
sa halos 40 tao ang namatay dulot nang gumuhong lupa at pagtaas ng tubig sa mga bayan
nang Naval, Almeria, at Caibiran.

Clips: Lucsoon landslide

HOST
Si Aling Prodencia, nakatira sa gilid nang sapa sa may Brgy. Caray-caray ikwenento na hindi
nila inaasahan na magiging ganito kalala ang mangyayari.

Clip: Interview from Mrs. Prodencia

HOST
Samantala, malinaw pa sa isipan ni Mang Florante ang mga nangyari sa kasagsagan nang
bagyong Urduja. Ani niya, kagagawan nang buhawi kung bakit ganito kalaki ang pinsala ni
Urduja.

Clip: Short interview (then show damages while he is narrating)

HOST
Ikwenento rin ni Aling Lilia ang hindi niya malilimutang karanasan kay Urduja. Ang masakit,
tinangay nang bagyo ang kanilang bahay at mga alagang hayop. Kaya naman, nagtitiis silang
tumira sa mga tent na bigay nang mga volunteers mula sa amerika.

Clip: Show interview

Si Geralyn, biktima ding tulad ni Aling Lilia mangiyak ngiyak na nagsusumamo na tulungan
sila na magkaroon na ng permanenting tahanan.

Clip: Show interview


HOST
Ilang lingo pa lang ang nakalipas ay naging usap-usapan sa social media kung ano ba talaga
ang dahilan nang pagguho nang lupa sa mga naturang bayan at pag-apaw nang tubig mula sa
mga bundok nang Biliran. Maraming mga residente ito daw ay dulot nang buhawi, may mga
nagsasabi din na ito ay dulot nang mina at illegal na pagtotroso.

Clip: Interview some residents believing that it was cause


by Buhawi, Mining, or Illegal Logging

HOST
Para malaman kung alin nga ba ang totoong rason, at para narin malaman nang lahat, lumapit
kami at nagtanong sa mga kawani nang gobyerno na syang makakasagot sa mga kuro-kuro
nang bayan.

Ayon sa MDRRMO, ang pagguho nang lupa ay dahil sa dami nang buhos nang ulan. Ang buhos
nang tubig sa araw na iyon ay halos katumbas nang dami ng ulan sa boong taon.

Clip: Interview MDDRMO

HOST
Aminado naman ang local na opisina nang Department of Environmental and Natural
Resources na mayroon talagang illegal logging sa probinsya. Ang masaklap, wala silang
control sa mga ito sapagkat karamihan sa mga lupa na pinagpuputulan nang mga puno ay
pribadong pag-aari. Dagdagan pa ng kaunting bilang nang kanilang mga tauhan kayat hindi
nila masydong namo-monitor ang mga illegal logging na ito.

Clip: Interview DENR

HOST
Samantala, ayaw naman magbigay nang pahayag ang DENR tungkol sa sinasabing sulfur
mining sa probinsya.

Clip: Time lapse

Tunay ngang nakakapanginlabot ang iniwang pinsala ni Urduja sa probinsya nang Biliran.
Ngunit, ang mga pagkakataon ding ito, gaano man kalungkot ay nagsisilbing daan para
maging bayani kahit panandalian.

Clip: Caray-caray Bridge

Isa sa mga sobrang napinsala ni Urduja ay mga imprastraktura, katulad na lamang nang tulay
nang Caray-caray na nagsisilbing pangunahing daanan nang mga residente palabas at
papasok nang probinsya. Matapos ang bagyo, hindi madaanan ang nasabing tulay kaya
naman ang mga kawani ng BILECO gumawa nang panandaliang tulay upang makatawid ang
mga tao.

Clip: Show pictures of Caray-caray with improvised bridge

Bumuhos din ang tulong mula sa mga pribado at publikong mga ahensiya at organisasyon
upang maibsan kahit kaunti ang nararanasnag lungkot at hirap nang mga bikitima nang
bagyo.
Clip: Bangon Biliran Interview

HOST
Sinasabing ang mga Pilipino nga raw ang isa sa mga pinaka resilient o palaban na mga tao
pagdating sa mga ganitong sitwasyon, huwag nating kalilimutang

You might also like