You are on page 1of 1

BUHAY NI APEKZ

Bata pa lamang ay kinakitaan na si Apekz ng interes sa pagra-rap. Sa halip na manood ng mga


palabas na pambata mas napukaw ang atensyon niya sa panonood kina Francis Magalona at Andrew E.
Natuto na rin siyang magrap nang paunti-unti noong nasa elementarya siya. Sa paaralan ay ginagamit
niya ang rap sa panunukso at katuwaan sa loob ng klase. Noong mga panahong nauuso na ang
panonood ng Youtube, natuto na siyang manood ng mga palabas na naglalaman ng mga battle rap na
umusbong sa ibang bansa. Dito mas umigting ang interes niya sa pagra-rap.

Noong kabataan pa niya, umusbong sa kanilang lugar ang mga freestyle rap battle at sumasali
rito si Apekz, na ngayon ay sinasabayan na ng tunog. Hindi naman malayo ang paraan ng battle rap na
kinabibilangan niya noon sa fliptop ngayon. Naikuwento niya na kapag nakikipaglaban siya sa kasama
ang mga kaibigan, madalas silang napapaaway. Kaya naman, dito niya nadiskubre na hindi gusto ng
kanyang mga magulang ang libangang ito. Isang beses narinig siya ng kaniyang ama habang nagba-battle
rap sa tapat ng kanilang bahay na pinagmumumura siya ng kanyang kalaban, nagalit ang mga ito dahil
nagulat sila sa mga ikinikios ni Apekz na taliwas sa paraan ng kanilang pagpapalaki sa kaniya. Hanggang
noong 2012, isinilang ang fliptop sa Pilipinas. Dahil sa pagkahilig sa rap ay sumali siya sa organisasyon na
ito nang walang permiso sa kanyang mga magulang. Hindi rin nagtagal ay natuklasan rin ng kaniyang
mga magulang ang kaniyang pagsali sa Fliptop Battle League na mahigpit nilang tinutulan dahil noon ay
gusto ng kanyang mga magulang na maging marino ang kanilang anak pagkatapos nitong mag-aral.
Ngunit hindi tumigil si Apekz sa karerang gusto niyang tahakin. Habang siya ay nag-aaral, ipinagpatuloy
niya ang paglaban sa nasabing organisayon.

Ayon sa kaniya, matapos niyang mag-aral ay sinubukan niyang magtrabaho bilang isang marino
na siya namang gusto ng kaniyang mga magulang. Bunga na rin ng kabagutan noon sa kaniyang trabaho
ay nasabi niyang lumakas siya sa paninigarilyo. Madalas daw siyang malungkot noon dahil na rin sa
pangungulila sa kaniyang pamilya, kung kaya’t minabuti niyang itigil na ang pagmamarino at ituloy ang
pagiging isang Fliptop Emcee na siya niya namang gustong-gusto niya. Dahil sa pagmamahal ni Apekz sa
pagpi-fliptop ay unti-unti na ring natanggap ng kanyang mga magulang ang karerang pinanindigan ni
Apekz. Sa pamamagitan ng fliptop ay nakatulong rin siya sa pangangailangang pinansyal ng kaniyang
pamilya at nakapagpatayo rin sila ng sarili nilang bahay at pangkabuhayan. Commented [WU1]: Pagkakaroon ng pagpapatuloy sa buhay at
paninindigan sa desisyong napili

Sa pagpapatuloy naman ng kaniyang karera sa Fliptop ay nagkaroon siya ng mga kaibigan tulad
nina Abra, Loonie at Ron Henley na pawang kilalang mahuhusay na emcee sa mundo ng fliptop. Nakilala
ang kanilang grupong Artifice. Sa paningin ng ibang mga emcee na nakakasalamuha niya, si Apekz ay
mas mabagal ang pag-usad ng kanyang karera kumpara sa kaniyang mga matatalik na kaibigan. Kaya’t
madalas sa mga laban niya ito ang laging ipinupukol sa kanya. Madalas pa, ipinupukol sa kanya ang
pagiging mayabang at mapagmataas nito dahil sa kanyang mga sikat at mahuhusay na kaibigan. Isang
beses pa nga sa kanyang laban kay Target, bungad nito “Sa kabila ng lahat ng suliraning kinaharap ni
Apekz sa kasalukuyan niyang karera, ay nanatili pa rin sa kaniya ang maigting na kagustuhan na maging
mahusay sa pagpi-fliptop. Kaugnay sa kanyang buhay, ayon sa kanya ay nais niyang idolohin siya ng mga
kabataang nakakapanood sa kaniya sa pamamagitan ng mga nilikha niyang kanta na maaaring
magsilbing ispirasyon sa kanila sa pagtupad ng kanilang mga pangarap. Commented [WU2]: 1.Pagiging positibo sa likod ng mga
problema sa buhay

You might also like