You are on page 1of 3

PasaKalye Shelter

Barrio Bagong Buhay, Pasig City, Metro Manila, Philippines


(02) 888-1234 info@PasaKalye.com.ph

TO: Disciplinary Committee


DATE: 21 March 2018
FROM: Kris Nilo
RE: NOTICE TO EXPLAIN
==================================================================

Noong March 18, 2008 ng mga 2:30pm ay ipinatawag po ako ni mam Sonia para po
daw humingi ng suhestiyon kung paano mas makakatpid ant pagkatapos po noon ay
bumalik na po ako sa aking ginagawa dahil ako po ay nagbibilang ng mga natitita namin
na supplies ng pagkain. Nang mga bandang uwian na po, mga 5pm ng hapon na yoon, ng
pauwi na po ako at bigla nalang po ako may narinig na sumisigaw ng, “Tigilan niyo yan!
Magnanakaw yan!”. Noong una po ay hindi ko alam na ako po ang kanilang kinakausap
so nag diredirecho lang po ako palabas at bigla nalang po ako hinatak ng malakas ni
Kelvin so napa atraas po ako at nakita ko po si mam Sonia at Kelvni. Pagkatapos po noon
ay patuloy na po ako nilang pinagmumura at pinagsabihan ng kung ano anong masasakit
na salita sa harap po ng mga iba pang manggagawa ng shelter. Si mam Sonia po ay
sinabihan ako na buksan ko daw po ang aking bag at payuloy niya akong pinagsasabhian
ng “Hindi ka lang adik! Magnanakaw ka pa! Bata pa lang adik ka na, hanggan ngayon
adik ka parin , hindi ka na magbabago, hayop ka!”. Sa kadahilanang babae po sila pareho
ay hindi ko nalang po sila pinatulan at binuksan ko nlaang po ang aking bag. Noong wala
po silang nakita sa loob ng bag ko, si Kelvin po ay patuloy na nag halungkat sa aking bag
at hindi pa po nakontento at ako po ay pinaghahawakan pa sa aking katawan at ako ay
kinakapkapan na tila may hinahanap. Dahil po sa parang kung saan saan na po
nakakarating ang kaniyang kamay, kasama na po sa aking maselang bahagi, ay naitulak
ko po siya. Yoon lang po ang aking ginawa at hindi ko po siya sinuntok. Hindi rin po ako
nagwala sa kusina, ako po ay pumunta doon at nag hanap po ako sa sulong dahil sa
katunayan si Kelvin po yung lagi ko nahuhuling nagtatabi ng pagkain sa sulok ng kusina
na maaari niyo pong sabihin na siya yoong nagnanakaw. Wala po silang nakita at
ebidensiya na ako po ay may ninakaw sa shelter. Inaamin ko po na ako ay dating adik, sa
katunayan po ako rin ay dating snatcher. Pero lahat po ng yoon ay tinalikuran ko na ng
mapunta ako sa shelter noong 2010. Napaka laki po ng utang na loob ko sa shelter at
hindi ko po magagawa ang mga binibintang nila sakin. Patungkol naman po sa
pagnanakaw, mas lalo na pong hindi totoo ito dahil ni minsan po ay hindi ko naisipan na
pag nakawan ang mismong shelter na nagligtas sa buhay ko. Marahil po na tinutukoy
nila ay ang pagpasabay ko sa pag bili ng school supplies at baby products everytime na
bibili ako ng supplies ng shelter. Nagagawa ko lang naman po iyon sa kadahilanang mas
nakakatipid po ako dahil kilala ko na ang ang supplier ng shelter. Ganoon pa man, kahit
po nakikisabay ako sa pagbili ng supplies ng shelter ay hiwalay po ang aking bayad at
may sarili po akong resibo. Naka kabit po dito sa sulat ang ebidensiya ng nasabing mga
resibo noong May 14, 2017. Nais ko rin pong dalahin sa pagpupulong ang supplier ng
shelter para magpatunay na ako po ay nagsasabi ng totoo.

Alam ko po na may mga tao na hindi parin nagbabago ang tingin sa akin. Hindi ko
naman po ikinakaila na ako po ay dating adik at sa katunayan po ay proud pa po ako
sabihin yun sa mga ibang tao at kung papaano po ako nailigtas ng shelter. Ako po ay
handang sagutin ang ano mang mga paratang sa akin at harapin ang mga nag aakusa sa
akin upang magkaalaman kung sino po ang nagsasabi ng totoo. Maraming salamat po.
PasaKalye Shelter
Barrio Bagong Buhay, Pasig City, Metro Manila, Philippines
(02) 888-1234 info@PasaKalye.com.ph

Resibo ng Shelter

Resibo ng aking binili

You might also like