You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang antas ng pamumuhay noong panahon ng panunungkulan ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos.
2. Nasusuri ang dahilan at epekto ng Batas Militar sa mamamayang Pilipino.
3. Naiisa-isa ang mga sanhi at bunga ng Martial Law.

II. Nilalaman:
A. Paksa: Ang Panahon ng Batas Militar
B. Sangguniang Aklat: Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap
Awtor: Michael DC. Rama, Jennifer G. Rama, Florencia C. Domingo Ph.D., Jayson A. Cruz
Pahina: 239-246
C. Kagamitan: pisara, yeso, pambura, larawan
D. Konsepto: Ang Panahon ng Batas ay nagbigay-daan sa mga Pilipino upang lumaban sa
diktaturyang Marcos.

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin Pagdarasal
2. Pagbati sa guro Tugon ng mga mag-aaral
3. Pagtatala ng Liban Tahimik na nakaupo

B. Balik aral
Nakaraang Paksa: Una at Pangalawang Termino ng Panunungkulan ni Pangulong Marcos.

Sino ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Si Pangulong Ferdinand E. Marcos po!


Pilipinas

Tama!
Anu-ano ang mga programa na naihain o
inihain ni Pangulong Marcos sa ilalim ng
kanyang unang termino?
1. Pagpaparami ng pananim upang
makasapat sa kailangang pagkain
2. Mahigpit na pagpapairal ng reporma sa
lupa
3. Pagpapaunlad sa pamayanan upang
lalong mapagtibay ang saligang
panlipunan, pangkabuhayan, at
pampulitika
Tama!

Kailan naganap ang pinakamadugong


demonstrasyon ng mga mag-aaral? Saan ito
naganap? Bakit ito naganap?
Naganap ito noong Enero 30, 1970. Naganap
ito sa may Mendiola, malapit sa Malacañang.
Naganap ito dahil laganap ang paghihikaos, at
suliranin ng pagpapanatili ng kaayusan at
katiwasayan.
Tama ang iyong nabanggit.

C. Pagtatalakay

Ano nga ba ang MARTIAL LAW?


Nasasaad po dito na ang Pangulo ng Pilipinas
ay may kapangyarihang magdeklara ng Batas
Militar kung may nagbabantang panganib
tulad ng rebelyon, paghihimagsik, paglusob at
karahasan
Maraming salamat sa iyong kasagutan

Ngayon naman at dumako na tayo sa mga


bunga ng deklarasyon ng Batas Militar sa
Pilipinas

Maraming Ang mga paglabag


paaralan ang sa batas at krimen
napinid ay dumami

Ang mga sektor


ng kabuhayang May
pambansa ba kapangyarihan
produktibo ay ang mga sibilyan
huminto

BUNGA NG Ang hukuman ay


Pagtigil sa mga
gawain ng BATAS hindi
makapagdulot ng
pamahalaang
pambansa at lokal
MILITAR SA katarungan sa
lahat
PILIPINAS

ANG PANAHON NG BATAS MILITAR

Anong yugto sa kasaysayan ng Pilipinas ang


naghatid ng takot sa mga mamamayang
Pilipino na nakasaksi at nakaranas ng
kalupitan?
Panahon ng Batas Militar po.

Tama ang iyong kasagutan!

Sinasabing mayroong dalawang layuning ang


pagsasailalim ng bansa sa Batas Militar, anu-
ano ang mga ito? Ang dalawang layuning po ay:
1. Upang mailigtas ang republika
2. Upang bumuo ng Bagong Lipunan

Mahusay!

D. Paglalahat

Batay sa ating natalakay, paano mo


mailalarawan ang antas ng pamumuhay noong
Panahon ng Batas Militar? Nagdulot ba ito ng
kabutihan o kasamaan? Sa aking sariling pananaw, may mga naidulot
naman itong kabutihan. Ngunit habang
tumatagal ay pasama ng pasama ang antas ng
pamumuhay dahil naging laganap ang
kahirapan, krimen, kagutuman at marami
pang iba.
Magaling!

E. Paglalapat:

Tayo ngayon ay magkakaroon ng isang debate.

Ang aking katanungan: anu-ano ang mabuti at


masamang naidulot ng panunungkulan ni
Pangulong Marcos, lalo’t higit ang
pagdedeklara ng Batas Militar?
Ipapahayag ang opinyon ng bawat isa sa
pangkat.

F. Pagpapahalaga:

Bilang isang mag-aaral, paano mo


pinapahalagahan ang mga nagawa ni Ninoy
Aquino laban sa diktadurya ni Pangulong
Marcos?
Mayroon po akong sariling paraang kung
paano ko ito pinapahalagahan. Para sa akin,
ang paggunita sa kamatayan ni Ninoy, ay isa sa
mga ito, ang kadakilaan niya sa pagtutol sa
diktadurya ang pinakadakila. Kulang ang mga
papuri at parangal, kailangang isa puso ang
diwa ng kanyang kamatayan.
Salamat sa iyong opinyon.

G. Pagtataya:
Panuto: essay, answer briefly for 5points.

Tanong:
Ano ang pakahulugan mo tungkol sa Batas Militar?

H. Takdang aralin:
Panuto: sagutin ang katanungan.

Anu-ano ang mga aral na naiwan ng rehimeng Marcos sa mga Pilipino?

Paalala: Pag-aralan ang susunod na kabanata tungkol sa People Power I

Sangguniang Aklat: Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap


Awtor: Michael DC. Rama, Florencio C. Domingo Ph.D., Jennifer G. Rama, Jayson A. Cruz
Pahina: 244-246

You might also like