You are on page 1of 3

1.

KOMPOSISYONG DESKRIPTIB
Hero ng Buhay Ko!

Ang aking ama ay maituturing kong hero ng buhay ko,sapagakat isang napakaresponsibilidad
niyang haligi ng aming tahanan.Hindi alintana sa kanya ang hirap na araw araw niyang nararanas
mabigyan lamang kaming pitong magkakapatid ng magandang kinabukasan. Higit sa lahat
mapagmahal siyang ama. Kahit na pagod na pagod na siya hindi niya pinapahalata sa amin ang
hirap ng buhay. Bagkus hinihikayat kami ng aming ama n bigyan ng halaga ang aming pag-aaral
sapagkat ito lang daw ang aming magiging susi sa tagumpay. Ginagawa niyang araw ang gabi.
Matustusan lamang ang lahat ng aming pangangailangan sa pang araw-araw. Ganyan kasipag
ang aking ama. Humahanga ako sa kanya dahil kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral hindi
un naging hadlang sa kanya, nagsikap sila ng aking ina na mkapag tayo nang maliit na
mapagkakakitan at ito naman ay lumago sa awa ng diyos, dahil sa kanilang pinagsamang sipag at
tiyaga at higit sa lahat may pananalig sa diyos.

Sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap nakapag aral ako sa paaralan nang Lipa City Colleges at
kasulukuyang nasa Ikatlong Taon sa kolehiyo na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in
Criminlogy. Masayang masaya ako sa mga blessing na tinatanggap ko ngayon. kung wala ang
aking pinakamamahal na magulang siguro napariwala na kming magkakapatid. Ang aking ama
din ang tumayo bilang kaibigan ko at higit sa lahat kaaway ko paminsan minsan. Ganun ang
aming samahan sa isat isa..

Minsan, pinagdarasal ko sa poong may kapal na sana bigyan pa ng mahabang buhay ang aking
ama,.Kaya dapat tayo ipadama natin sa ating mga magulang kung gaano nting sila kamahal
habang andyan pa sila.

2. KOMPOSISYONG NARATIB
Ang Aking Kaarawan

Noong nakaraang huwebes dinaos ang aking kaarawan. Wala naman sa balak ang maghanda.
Syempre dahil na din sa kagustuhan ng aking kapatid na maghanda sapagkat ngaalala siya na
baka dw may dumating akong bisita na di inaasahan. Bigla na lamang ako napaisip , oo ngat
tama ang aking kapatid hanggang sa pingusapan namin kung anu nga ba ang pwdeng ihain o
ihanda sa aking kaarawan, syempre dagdag pagod naman ang araw na yun para sa akin.

Kinabukasan, maaga akong gumising upang pumunta sa palengke at mamili ng mga kakailangin
ko sa araw ng aking kaarawan. At ito ay yung mga pagkain. Subrang sikip pa naman noong araw
na yun. Naisip isip ko na wag na lang sana ituloy subalit naimbitahan kona yung mga malalapit
naming mga kaibigan lalo tuloy akong nanlambot at napagod. Sabi kuna na lamang sa aking
sarili na kailangan ituloy baka kasi akoy mapahiya sa kanila kapag hindi ito natuloy.Hanggang sa
lahat ng mga kailangan ko ay nabili kuna. at napagdesisyunan kong umuwe na sa bahay at kung
may nakalimutan man akong bilhin iiutos ko na lamang sa aking kapatid

Ika -8 ng umaga ng umpisa na akong magluto. Syempre lahat ng pagluluto ako ang gagawa. Buti
na lamag dumating ang matalik kong kaibigan at silay tumulong sa smin ng aking kapatid andun
na yung kulitan at kwentuhan habang inaayos at hinahanda ang lahat ng mga pagkain. Katulong
ko din sila sa paggagayat ng mga sangkap para sa mga ulam na aking lulutuin. Hanggng sa lahat
ay natapos kona lutuin. Pero wala pa rin mga bisita na dumating. Pagkaraan ng ilang uras ayon
nagpagsidatingan na silang lahat sa subrang malas pa umulan pa. Peero di naman naging sagabal
un sa kanila. Nagsimula na silang kumain habang ako naman inihahanda ko ang videoke sa may
garahe, at dun nagumpisang maginuman at magkantahan silang lahat. Doon kuna nramdaman
ang abot abot na saya kahit subrang pagod ang aking naramdaman. napagtanto ko din sa aking
sarili na kaya ko pala idaos ang aking kaarawan at higit sa lahat nakapagluto pa ako ng masarap
na pagkain na subrang nagustuhan nila.

3. KOMPOSISYON EKSPOSITORI
Ano nga ba ang RH BILL?

RH Bill. Ngayon ay ang Republic Act No. 10354 or the RH Law. Ang Reproductive Health
bill, kilala bilang ang RH bill, ay isang bill sa Pilipinas na naglalayong masiguro ang mga
pamamaraan at mga impormasyon sa birth control at maternal care. Ang bill ay naging sentro ng
isang maninit na debate sa bansa. Sa kasalukuyan ay may dalawang panukalang batas na may
parehong layunin: House Bill No 96 o ang Reproductive Health Act at Populasyon at
Development Act ng 2010 ipinakilala ng Albay1st district representative Edcel Lagman, at ang
Senate Bill No 2378 o ang Reproductive Health Actipinakilala ng Senador Miriam Defensor
Santiago.
Ang pag papasa ng Reproductive Health Bill o RH Bill sa ating bansa ay magiging magandang
tulong para sa atin, dahil una sa lahat di naman ito ipatutupad ng ating pamahalaan kung sa tingin
nila ay wala naman itong magandang maidudulot sa ating lipunan. Marami rin tayong
magandang bagay na pwedeng makuha dito katulad na lamang ng maiibsan ang patuloy na pag
kalat ng STD’s o Sexually Transmitted Diseases, katulad na lamang ng AIDS at iba pa.
Layunin ng RH Bill nang iparating sa mga mamamayang Pilipino ang tamang reproductive
health care hindi lang para sa mga mag-asawa kundi pati narin sa mga kabataan ngayon. Nais rin
nito na maiwasan ang maagang pagbubuntis at maagang pagharap ng kabataan sa mabigat na
responsibilidad bilang isang magulang. Ang paggamit ng mga contraceptives sa pagtatalik ay isa
sa paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Ngunit hindi lng dapat tayo umasa sa mga
contraceptives,kelangan din natin ang tamang sex education na sya dapat magsimula sa tahanan
at sa paaralan upang itama ang kabataan sa pananaw nila ukol sa sex.Pinakasolusyon pa din dito
ay magsisimula sa bawat indibidwal,ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili . Pagkakaroon ng
maayos na Family Planning ng bawat pamilya at tamang paghahanda sa pagharap sa mga
responsibilidad bilng isang magulang. Hindi masamang bumuo ng pamilya,basta kaya ng bawat
mag-asawa ang responsibilidad na maaari nilang harapin at mabigyan nila ng maayos na buhay
ang kanilang magiging supling.
4. KOMPOSISYONG
AGRUMENTATIB
Sang ayon ba kayo sa RH BILL?

Sa lumalaking populasyon ng ating bansa, RH Bill nga ba ang isa sa nakikitang solusyon ng
ating pamahalaan?? Ang panukalang pinagtatalunan ng pamahalaan at ng ating simbahan
hanggang sa kasalukuyan. Bilang isang estudyante, sumasang-ayon ako sa pagpapatupad ng RH
Bill o ang Reproductive Health Bill.

Isa sa mga mga mariing tumututol at kumukundena dito ay ang Simbahang Katolika sapagkat
ang batas na ito ay kinapapalooban ng ilang mga probisyong hindi nalalayo sa aborsyon o
pagkitil sa isang bata na nasa sinapupunan ng isang ina o babae. Maraming tutol, may ilan rin
namang pumapabor dito. Kung ako ang tatanungin, ako ay pumapabor sa batas na ito. Bakit?
Bakit maraming palaboy na bata sa lansangan? Bakit maraming bata ang naghihirap? Bakit
marami ang mga batang nagtatrabaho o namamalimos sa mura nilang mga edad? Bakit
maraming bata ang hindi na nagagawang makapag-aral? Marahil lahat ng ito ay dahil sa kawalan
ng kaalaman ng isang mag-asawa tungkol sa pagpaplano ng pamilya. At ito ang tingin kong
dahilan ng RH Law. Kung ating susuriing mabuti ang ating usapin tungkol sa Reproductive
Health Bill o RH Bill, marami itong mga magagandang bagay na maihahandog di lamang para sa
atin kundi para sa lahat ng Pilipino, lalo na para doon sa ating mga kababayang Pilipino na di
gaanong pinag kalooban ng magandang estado sa buhay. Dahil dito mas giginhawa ang buhay
nila ng kahit kaunti dahil sa mga tulong na maaaring maibigay ng pagpapasa ?
Ang RH BILL ang solusyon upang mabawasan ang paglaki ng populasyon at hindi naman ito
kasalanan sa diyos kasi wala namang pinapatay na buhay,ito lamang ay pumipigil upang hindi
makabuo ng isang buhay .SolusyoN din ito sa kahirapan kasi mababawasan ang bilang ng
mahihirap dahil magiging kaunti ang ating populasyon. Ito ang kadalasang namimis-interpret ng
ilan na ang RH BILL daw ay pagpigil sa buhay ng tao pero ito po ay isang proseso lamang upang
ang bawat buhay na ating pinipigil ay maihasalba sa isang mundong mas higit pa sa kamatayan
ang mararanasang paghihirap kung ito’y kanilang masisilayan. Oo nga po’t masaya ang may
malaking pamilya pero hanggang saan ang itatagal ng kasiyahang iyon kung ang sikmura ng
iyong mga anak ay kumakalam na. Ang mga problemang ito ay ilan lamang sa kinakaharap natin
ngayon dahil sa di natin pagbibigay atensyon sa “family planning”. Kung itong RH BILL ay
maipapatupad ang bawat mag-asawa ay makakapagplano kung ilang anak ang kaya nilang
suportahan, ito’y hindi lamang sa pagpaplano ng pagpapamilya kung di pati na din sa
pangangalaga ng kalusugan ng isang babae

Ang pagsang-ayon po dito ay hindi pagsalungat sa kagustuhan ng ating simbahan kung di


pagmumulat po ng ating mga mata sa reyalidad ng buhay at ang kahahantungan nito sa
hinaharap.

You might also like