You are on page 1of 2

Maria Katrina T.

Pasko
Subject: Physical Education 4

PAKSA: Paglinang ng Bilis

I. Layunin
1. Nakasusunod sa alintunin ng laro.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng bilis sa pagkapanalo sa laro.
3. Nakakikilos nang mabilis at may direksyon ayon sa tuntunin.

II. Nilalaman
Paksa: Mga gawaing pisikal na nagpapakita ng bilis
Kasanayan: Bilis
Pagpapahalaga: Sportsmanship; may pag-iingat at kasiyahan sa pagsa-
sagawa ng mga gawaing pisikal.
Sangggunian: P.E 4 Curriculum Guide, tsart ng mga gawain
Kagamitan: tsart ng mga gawain

III. Pamamaraan
A. Pang-araw–araw na gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan
2. Pampasiglang Gawain:
Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin.
Maaaring magbigay ang guro ng ibang pampasiglang gawain.
3. Balik-aral
Ipagawa sa mga bata.

Isulat ang mga pang-araw-araw na kilos o gawaing ginagawa sa paaralan o sa bahay na


nagpapahusay ng kaliksihan.

1
2
3
4
5

B. Panimulang Gawain
Sabihin sa mga bata na magkakaroon sila ng paligsahan sa pag-aabot ng mga bagay. Maghanda ang
guro ng mga premyo sa mga batang mabilis magbigay ng bagay na sasabihin ng guro. (Halimbawa:
“Bigyan ako ng isang puting panyo, isang pares ng itim na sapatos at iba pa.)
Pag-usapan ang ginawang gawain.
Ipaalala sa mga bata ang mga dapat tandaang pag-iingat kapag naglalaro.

C. Panlinang na Gawain
Ipaliwanag sa mga bata ang ibang kaalaman tungkol sa larong “Tapikan ng Tuhod”. Ipaalala muli ang
mga pag-iingat na dapat gawin.
Ihanda ang paglalaruan ng mga bata at gabayan ang mga bata sa paglalaro.
Pagkatapos ng pagsasagawa, itanong sa mga bata kung ano ang kanilang pakiramdam. Pag-usapan
ang mga naging karanasan sa paglalaro.
Talakayin at ipaliwanag ang kasanayang nililinang sa pagsasagawa ng laro.
D. Paglalapat
Talakayin ang pamamaraan sa larong Circle Chase. Ipaliwanag sa mga bata ang dapat gawin.
Pagkatapos ng gawain, magkaroon ng talakayan kung paano isinagawa ang laro at mga kasanayang
nililinang nito. Maaaring itanong ang nasa LM.

E. Paglalagom
Itanong:
Paano ninyo naipamamalas ang inyong liksi at bilis sa pang-araw-araw?
Anong mga gawain sa bahay at sa paaralan nagagamit ang inyong bilis?

IV. Pagtataya
Ipasagot sa mga bata ang mga tanong ng OO o HINDI sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa kolum ng
kanilang sagot.
Mga Tanong OO HINDI
1. Nakasunod ka ba ng may pag-iingat sa alituntunin ng laro?

2. Pinahalagahan mo ba ang mga gawaing tumutulong upang


malinang ang kasanayan sa bilis?

3. Nagsisikap ka ba na sanayin ang iyong sarili na kumilos nang


mabilis?

V. Takdang-aralin
Ipatala sa mga bata sa kanilang kuwaderno ang mga gawain sa bahay o sa paaralan na tumutulong upang
mapahusay ang kanilang bilis. Alamin ang mga paraan sa paglalaro ng Patintero para sa susunod na
aralin.

You might also like