You are on page 1of 3

Nobela

Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay[1] ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't
ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo
nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay
kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Layunin
 gumising sa diwa at damdamin
 nananawagan sa talino ng guni-guni
 mapukaw ang damdamin ng mambabasa
 magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
 nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
 nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
 nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela at maging isang malikhain

Katangian
 pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
 dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
 pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
 kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
 maraming ligaw na tagpo at kaganapan
 ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
 malinis at maayos ang pagkakasulat
 maganda
 maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan

Elemento
 tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
 tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
 banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
 pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b.
pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-
akda
 tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
 damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
 pamamaraan - istilo ng manunulat
 pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
 simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

Uri ng Nobela
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga
mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng
mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga
hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema

Kasaysayan ng Nobelang Pilipino


Panahon ng Kastila
Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang
siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.
Mga uri ng nobela sa panahon ng Kastila:
 Nobelang panrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang-asal
 Nobelang mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo
Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila:

 Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na tungkol sa paghihimagsik


 Doctrina Christiana (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon
 Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro na tungkol sa kagandahang-asal at relihiyon
 Barlaan at Josaphat (1703) ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon
 Ninay ni Pedro Paterno (unang nobela)
 Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaena noong panahon ng propaganda na tungkol sa
paghihimagsik at pag - aaklas

Panahon ng Amerikano
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano, ang Panahon
ng AklatanBayan (1900–1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922–1934) at Panahon ng
Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang nobela na
tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa
mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K.
Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.
Halimbawa ng mga pahayagan:

 Ang Kapatid ng Bayan


 Muling Pagsilang
 Ang Kaliwanagan
Halimbawa ng nobela na nilathala sa pahayagan:

 Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos


 Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan
 Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan
 Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang
 Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga nobelista na
sumulat tula at maikling kuwento.
Halimbawa ng nobela sa pahanon na ito:

 Mutyang Itinapon ni Rosalia Aguinaldo


 Magmamani ni Teofilo Sanco
Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang urin ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa
mga tula at maikling kuwento at pagbabago ng panahon

Panahon ng Hapon

1. Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales
(papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)
Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

 Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz


 Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago
 Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo
 Sa Pula, Sa Puti - Francisco Soc Rodrigo

Panahon ng Republika (1946–1972)


Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela at
naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at
naglalayong mang-aliw ng mambabasa.
Halimbawa ng nobela sa panahon na ito

 Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo Reyes


 Binhi at Bunga - Lazaro Francisco
 Dekada 70 - Lualhati Bautista
 Luha ng Buwaya - Amado V. Hernandez
 Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez
 Daluyong - Lazaro Francisco
Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)
Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela ng mga paksain tungkol
sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa
romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang pangkalakalan (commercial).
Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

 Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol


 Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon - Lualhati Bautista
Mga nobela sa Pilipinas
Mga kinathang nobela ng mga Pilipinong manunulat:

 Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos


 Kanal dela Reina ni Liwayway Arceo
 Kangkong 1896 ni Ceres Alabado
 Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa? (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
 Nena at Neneng niValeriano Hernandez Peña
 Gapô (dekada 1980) ni Lualhati Bautista
 Mag-anak na Cruz ni Liwayway Arceo
 Titser ni Liwayway Arceo

You might also like