You are on page 1of 1

EFREN REYES ABUEG

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,


mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga
aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento.
Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng
KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993);
MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni
Alejandro G. Abadilla (1973).

Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards


for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN,
unang gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak
Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula
sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa
Nobela (1964, 1965, at 1967).

Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at


ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan,
mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit
ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor.

Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa pagtuturo ng


wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University(1965–1972), Philippine
College of Commerce(1971–1972),Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–
1977), Ateneo de Manila University (1977–1978), at De La Salle University
(1979–2006). Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino
(KAPPIL) noong 1986–1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na
direktor ng Philippine Folklore Society.

You might also like