You are on page 1of 4

MGA AKDA SA PANAHON NG PROPAGANDA AT KATIPUNAN

EDITORYAL NG LA SOLIDARIDAD (Marcelo H. del PIlar)


May hangarin ang mga Pilipino na magkaroon ng maayos na kabuhayan; ang
mamamayang bumubuwis, ang bayang kumakandili sa bandilang Kastila sa pamamagitan
ng kanyang sinasaka at ng kanyang dugo. Ang matapat na bayang ito’y mulat sa
katotohanang hindi sila mga tupa lamang.
Walang hinihiling ang bayang ito na ano mang pagpapakasakit sa panig ng
Espanya; ang tangi niyang hinihiling ay isang pamahalaang mabuti o hind mabuti, ngunit
dapat dinggin sa mga kaparaanang di-labag sa mga batas.
Hinihiling naming kami’y maging bahagi ng Espanya; hinihiling naming Kastilain
ang mga pulong iyan.

EDITORYAL NG LA SOLIDARIDAD (ni Graciano Lopez Jaena)


Ang mga hangarin naming ay lantay, tunay na lantay. Bukod sa pagiging simple,
ang aming palatuntunan ay malinaw: bakahin ang reaksyon, pigilin ang mga hakbang na
paurong, purihin at pagtibayin ang mga kaisipang liberal, ipagtanggol ang kaunlaran. Sa
katagang sabi, maging tagapagpalaganap, higit sa lahat, ng mga kaisipang demokratiko
upang ang mga ito’y mamayani sa lahat nang bansa dito (Espanya) at maging sa kabila
man ng karagatan.
Ang layunin samakatuwid ng La Solidaridad ay ang lumikom ng mga kaisipang
naghahayag ng pagsasarili na nakikita sa araw-araw sa larangan ng pulitika, sining,
panitikan, komersyo, agrikultura at industriya.
Hinggil sa Pilipinas, sapagkat kailangan niya ng tulong dahil wala siyang
kinatawan sa Cortes, ay pagpupunyagian naming ipagtanggol ang kanyang mga
karapatang demokratiko, na aming tungkuling makabayan.

FRAY BOTOD (ni Graciano Lopez Jaena)

“Wala pa sa gulang na dalampu’t isa nang dumating iyan dito sa Pilipinas.


Animo’y maamong-maano at walang kamalay-malay. Umayos ang katawan at
nagmukhang tao nang makakain ng saging at papaya. Nag-aral ng pagpapari,
naordenahan at nahirang na kura paroko ng isang malaking bayan. Naging listo at tuso,
kaya ngayon ay hari ng yaman.”
“Kura paroko! Isang prayle, kura paroko. Hindi ko alam na ang prayle ay kura
paroko sa Filipinas, sinabi sa akin iyan pero hindi ako makapaniwala.”
“Kung gayon, magmasid ka upang paniwalaan mo. Dito sa aming bansa, sila ang
makapangyarihan at nangingibabaw sa lahat ng bagay: pangkaluluwa,pampulitika, at
maging sa kahalayan.”
“Ang pagbabaraha ay pang-araw-araw na aliwan ng mga prayle sa Filipinas,
maliban kung Linggo. Sila’y pumupunta sa sabungan, dala ang kanilang mga manok.
Ang monte at mga sabunging manok ang kaibigang matalik ni Fray Botod.”
Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del Pilar

Ang Tanda

Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon naming Fraile sa
manga bangkay naming, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nang
Espiritung Bugaw. Siya naua.

Pagsisisi

Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at sumalacay
sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa lo sa iyo, ikaw nga
ang berdugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica
akong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at
pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat
nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica naman acong maglalathala nang
dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panyion
at pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.;

Ang Amain Namin

Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang
kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami
ngayon nang aming kaning iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal
para nang pag papataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa
iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.

Ang Aba Guinoong Baria

Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile’I sumasainyo bukod ka
niyang pinagpala’t pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok.
Santa Baria Ina nand Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at cami
ipapatay. Siya naua.

Ang Aba Po Santa Baria

Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Aba
bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni
Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang
pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak, ilingon
mo sa aming ang cara- i –cruz mo man lamang at saka bago matapos ang pagpanaw mo
sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas
at maalam, matunog na guinto kami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang
manga banta nang Fraile. Amen.

Ang Manga Utos Nang Fraile

Ang manga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa
lahat. Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos. Ang
ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta. Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo
sa pagpapalibing sa ama’t ina, Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang
salaping pang libing. Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua. Ang ikapito:
Huag kang makinakaw. Anh ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka
masinungalingan. Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua. Ang ikapulo: Huag
mong itangui ang iyong ari. Itong sampong utos nang Fraile’I dalaua ang kinaoouian. Ang
isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat. Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang
puri mo’t kayamanan. Siya naua.

Ang manga kabohongang asal, ang pangala’i tontogales ay tatlo.

Igalang mo …………… Katakutan mo………… Ang Fraile At Pag Manuhan mo …..

MGA ARAL NG KATIPUNAN NG MGA A.N.B.

Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na


walang lilim, kundi man damong makamandag.

Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang


gumawa ng kagalingan, ay hindi kabaitan.

Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua , at ang isukat
ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuiran.

Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring
ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda . . . , ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na
kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.
Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

Huag mong sasayangin ang panahun: ang yamang nawala’y magyayaring magbalik;
ngunit panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.

Ipagtanggol mo ang inaapi at kabakahin ang umaapi.

Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang
dapat ipaglihim.

Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung
ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.

Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuang at
karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo nang buong pagpipitagan ang
kanyang kahinaan at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nagiwi sa iyong kasanggulan.

Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa,
anak at kapatid ng iba.

Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng mukha,
wala sa pagkaparing KAHALILI NG DIOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa;
wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi ang
sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri;
yaong di napapaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap
sa bayang tinubuan.

Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan
dito sa kaabaabang Sangkapuluan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang
nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng walang katapusan, ang mga ginugol na
buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan.

You might also like