You are on page 1of 1

Buod ng Bunga ng Kasalanan ni Cirio H.

Panganiban
May sampung taon nang kasal kay Rodin ang madasalin, palasimba at mapagluhod sa mga tabi
ng mga "confessionario" na si Virginia. Ngunit sa loob ng mahabang panahon na ito ng kanilang
pagsasama, gaano man sila karangya at sunod sa layaw sa buhay, ay hindi sila ganoon kaligaya
sapagkat wala silang anak na magbibigay tanglaw sana sa kanilang mag-asawa. Kahit pa ang
pamimintakasi nila kina San Pascual at Santa Clara sa Ubando, Bulacan ay hindi pa rin sapat upang
mabiyayaan sila ng anak.

Ngunit dahil sa hiwaga ng sensiya, sa wakas ay nagdalang tao si Virginia at nagsilang nang isang
malusog na sanggol na lalaki. Gayon na lamang ang katuwaan ni Rodin at nadama niya sa unang
pagkakataon ang pagiging isang ama kung kaya't inalayan niya ng isang matamis na halik, halik ng
kanyang pangalawang pag-ibig, sa noo ang kanilang panganay.

Subalit si Virginia, na palibhasa'y madasalin, marupok ang puso at may takot sa Diyos, palibhasa'y
mahina ang pangangatawan noon gayundin ang kanyang pag-iisip, ay unti unti niyang pinagdudahan
ang kalinisan niya bilang isang ina. Ibig na niyang maniwala na siya'y makasalanan, dahil sa kasakiman
nila sa kaligayahan at sa panghihinayang na wala silang anak na magmamana ng lahat ng kanilang
kayamanan at papangyarihin pa ang katarungan ng isang hamak na doktor.

Dahil sa paniniwala niyang ito, ay hinawi niya ang pag-ibig sa panganay na anak. Pinagkaitan ng
matamis na katas ng dibdib, pinagtiklupan ng duyan sa bisig ng kanyang mga kamay at pinagdamutan
ng isang halik ng isang ina. At dala na rin ng kalupitan ng kanyang pag-iisip ay ganap niyang
pinaniwalaan na ang sanggol na kanyang isinilang ay bula lamang ng mga gamot na pinaghalo-halo
ng karunungan, at tuluyan na niyang nilimot ang pagiging isang ina at wala na siyang ginawa kundi ang
magdasal sa altar ng mga Birhen at humingi ng tawad sa Diyos.

Nang minsang nakita niyang iniuwi ni Rodin ang kanilang anak ay nag-aapoy ang mga mata niyang
sinabi sa asawa na ang batang yao'y isang "Bunga ng Kasalanan" at hindi nila iyon tunay na anak.
Dumating pa sa punto na muntikan nang malagay sa peligro ang buhay ng walang malay na sanggol
ngunit salamat sa kaliwanagan ng isip na ibinigay ng Panginoon at nagising sa katotohanan si Virginia.
Kaya't pagkakita sa anak ay agad niya itong pinupog ng sanlibong halik at saka sinabing, "Ito ay aking
anak!" na sinang-ayunan naman ni Rodin.

Mababakas sa mukha ng mag-asawa ang saya sa nakikitang supling na bunga ng kanilang malinis
at tapat na pagmamahalan. Yaong kabaliwan ni Virginia ang tinatawag na bunga ng kasalanan.

You might also like