You are on page 1of 1

“PAGKAKAIBA NG

KAGUSTUHAN AT
PANGANGAILANGAN”
Bawat tao ay may pangangailangan, ngunit hindi matugunan ang lahat ng
ito dahil sa limitadong pinagkukunang-yaman. Dahil dito kailangang pumili
ang tao. Tuwing pumili ang tao upang bumili ng isang bagay, may iba siyang
kagustuhan na hindi niya matugunan.

Ano ba ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan ??

pangangailangan ang mga bagay na dapat na mayroon ang tao tulad ng


pagkain,damit at tirahan upang mabuhay. Pawang pangunahing
pangangailangan ang mga ito dahil alinman ang mawala,maaari itong
maging sanhi ng pagkakasakit na maaaring mauwi sa kamatayan. Kailangan
ng ating katawan ang pagkain ng gulay,isda at kanin. Gayondin ng tirahan
at damit bilang pananggalang sa iba’t-ibang uri ng panahon. Kailangan natin
ang bahay na matuluyan sa gabi upang makapagpahinga at masilungan at
kung umuulan. Samantala, nagkakaiba-iba ang pangangailangan n tao batay
sa kapaligiran, sitwasyon at kita nito.

Samantala, kagustuhan ang mga bagay na nakatutulong sa tao upang


mapagaan ang kanyang buhay. Kadalasan maaaring hindi makuha ang mga
kagustuhan at ginusto lamang ang mga ito dahil nakapagdudulot ng
kasiyahan. Sa dami ng kagustuhan ng tao, may mga pagkakataon na ang
kanyan kagustuhan ay nakasama sa kanya.

maaaring matugunan ang pangangailangan samantalang ang kagustuhan ay


hindi, sapagkat walang katapusan ang kagustuhan ng tao.

You might also like