You are on page 1of 5

Komunikasyon at Kultura sa Wika - Filipino

1. 1. KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


2. 2. Aralin 1
3. 3. Panimu la WIKA Ano nga ba ang kahalagahang naidudulot ng wika sa buhay ng tao? Ang bawat
nilikha ay naghahangad na magkaroon ng kahusayan sa wika. Ito ay isang mahalagang kasangkapan
upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan.
4. 4. Ang kakayahan sa paggamit nito na nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang
dinamikong prosesong bunga ng kanyang karanasan- kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran at
maging ng kanyang mga pangarap at mithiin.
5. 5. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang
kanyang sarili at nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba. Dahil sa wika
nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapwa ng bisang dala ng pagbabago sa kultura at kabihasnan.
6. 6. Ano nga ba talaga ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na may kapangyarihan?
Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at
patuloy na nagbabago. Kailanman ito’y hindi static.
7. 7. Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang wika. Ito ang kasangkapan
upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang iniisip, nadarama at nakikita tungkol sa
kanyang paligid.
8. 8. Wika: Kahulugan, Katangian, Kahalagahan Aralin 1
9. 9. Iba’t Ibang Pakahulugan sa
10. 10. Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at
mithiin. (Edward Sapir)
11. 11. Matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga
gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay maaring salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis
na kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay.
12. 12. Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo na kinukontrol naman nila. Ang kakayahan ng mga tao na
kontrolin ang mga simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba ng tao sa
hayop. (Lachica , 1993)
13. 13. Si Caroll (1964) ay nagpahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan.
14. 14. Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. - hindi lamang binibigkas na tunog kungdi ito’y sinusulat din.
15. 15. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, ayon sa kanya, walang
dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.
16. 16. Ayon naman kay Bram, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga arbitraryong simbolo at
tunog na binibigkas at sa pamamagitan nito’y nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.
17. 17. Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao ayon kay
Archibald Hill.
18. 18. Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura
sa kanilang pakikipagtalastasan.
19. 19. Katangian ng
20. 20. MASISTEMANG BALANGKAS Sinasalitang tunog. arbitraryo Nakabatay ito sa kulturadinamiko -
namamatay, nabubuhay. midyum sa komunikasyon May pulitika ang wika. Makapangya- rihan Walang
Superyor na wika
21. 21. Kahalagahan ng Wika
22. 22. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung
ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa.
23. 23. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Ito ang
nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.
24. 24. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang
bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito. Ang wika ang sumasagisag sa napakaraming
aspekto ng buhay ng tao. Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan.
25. 25. Ang wika ay sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Ang wikang pambansa ay siyang susi sa
pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan.
26. 26. 4. Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika
27. 27. Pambansang Wika
28. 28. Hindi naging madali ang pagpili nito Dumaan sa mahaba at masalimuot na proseso
29. 29. Pahapyaw na Kasaysayan 1934- Nagkaroon ng Kumbensyong Konstitusyunal - Lope K. Santos at
Pangulong Manuel L. Quezon
30. 30. Pahapyaw na Kasaysayan 1935- Art. XIV Seksyon 3 ng 1935 na Saligang Batas - Batas komonwelt
Blg 184 (Surian ng Wikang Pambansa)
31. 31. Pahapyaw na Kasaysayan 1937- iprinoklama ni Pangulong Quezon ang wikang Tagalog bilang
batayan (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134)
32. 32. Pahapyaw na Kasaysayan 1940- inumpisahang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa
lahat ng paaralan- publiko at pribado
33. 33. Pahapyaw na Kasaysayan 1946- ipinahayag na Tagalog at Ingles ang opisyal na wika ng Pilipinas
(Batas Komonwelt Blg. 570)
34. 34. Pahapyaw na Kasaysayan 1959- pinalitan ng Pilipino ang wikang pambansa (Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7)
35. 35. Pahapyaw na Kasaysayan 1972- nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong
Konstitusyunal - unang na gamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang pambansa
ngunit hindi napagtibay
36. 36. Pahapyaw na Kasaysayan 1987- Art. XIV, Seksyon 6 ng S.B. - Ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino.
37. 37. Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon
ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa
ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba- ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito, na may
iba’t ibang sanligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
38. 38.  isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa,
mga estado, at iba pang teritoryo  wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa
Wikang Opisyal
39. 39.  opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon  ang wikang ginagamit sa pagtuturo at
pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-
aralan. Wikang Panturo
40. 40.  ang pagpapatupad ng iisang wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura, (England,
Pransya, South Korea, at Japan), iisang wika sa larangan ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw- araw na buhay. Monolinggwalismo
41. 41.  Ito ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika. (Leonard Bloomfield, 1935) Bilinggwalismo
42. 42.  Taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang
unang wika. (John Macnamara, 1967). Bilinggwalismo
43. 43.  Ang pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat
ng mga pormal na transaksyon sa pamahalaan man o sa kalakalan. (Artikulo 15, Seksyon 2 at 3 ng
Saligang Batas ng 1973) Bilinggwalismo
44. 44.  Magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang wikang panturo mula Grade 1 pataas sa
mga tiyak na asignatura. (D.O. No. 25, s. 1974) Bilinggwalismo
45. 45.  ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at
katutubong wika bilang pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi
kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat Multilinggwalismo
46. 46. Mga wika/salitang partikular ang gamit sa isang tiyak na disiplina. Register ng Wika
47. 47. Ito ay pagkakaiba ng mga wikang sumusulpot at nagiging bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa
iba’t ibang larangan o panig sa bansa. Barayti ng Wika
48. 48. Homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika (Paz,
et al., 2003). Homogenous
49. 49. Heterogenous ang wika kung hindi pare-parehong magsalita ang gumagamit ng isang wika dulot
ng mga salik panlipunan Heterogenous
50. 50. binubuo ng grupo o pangkat ng mga taong kabahagi ng tradisyon, paniniwala at kaugalian at wika.
Linggwistikong Komunidad
51. 51.  Ayon kay Gumperz (1968), ang kabuuang katangian ng taong kinakatawan ng regular at
kadalasang interaksyon sa pamamagitan ng katawan at berbal na senyales at ang makabuluhang
pagkakaiba sa gamit ng wika. Linggwistikong Komunidad
52. 52.  Ito ay ang wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Kilala din itong
katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kumakatawan sa L1. Unang Wika
53. 53. - alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang
kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika - Ito ay bunga ng kanyang exposure sa iba pang wika.
Pangalawang Wika
54. 54. Idyolek- ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika. May mga taong
kilometriko at mabulaklak kung magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang magsalita nang malakas
o di kaya ay mahina. Mayroon ding mga tao na may isang salitang nakasanayan nang banggitin nang
paulit-ulit sa bawat linya ng kanilang pangungusap.
55. 55. Halimbawa: “Siguro nga ammm….dapat tayong magkaisa ok….Ito ay ammm….susi sa pagkakaroon
ng katahimikan sa bansa, ok? Kung hindi ngayon, ammm…kailan pa kaya? Dapat ay ngayon na, ok?
56. 56. Dayalekto- ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng mga taong
nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na komunidad. Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain.
57. 57. Sosyolek- sinasabi naman itong pansamantalang barayti. Tinatawag itong pansamantala dahil
nadedevelop ito sa pamamagitan ng malayang interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na
grupo ng mga tao. Halimbawa: Allergy ( Galis para sa mahihirap) Gravy ( Sarsa para sa ordinaryong tao)
Slim ( tawag sa mga payat na tao)
58. 58. Etnolek- barayti ito ng wika na nadedevelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo.
Halimbawa: Waray, Bukidnon, B’laan, T’boli
59. 59. Ekolek- tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita sa loob ng bahay.
Halimbawa: Inihaw/Sugba, Tinola/ Sinabawan/ Sinigang,
60. 60. Pidgin- ito ay tumutukoy sa wikang walang pormal na estruktura. Nadedevelop ito dahil na rin sa
pangangailangan na makabuo ng isang pahayag. Kadalasan, napaghahalu-halo ng nagsasalita ang
kanyang unang wika sa wikang sinasalita ng isang komunidad na bagong kinabibilangan niya.
61. 61. Creole- ito ay produkto ng pidgin na wika, kung saan, nadedevelop naman ang pormal na estruktura
ng wika sa puntong ito. Halimbawa: Chavacano ng Zamboanga, Chamoro ng Guam
62. 62. Maraming salamat! Madamu nga salamat! Daghang salamat! Raku nga salamat! Abo saeamat!
Thank you very much!

Wikang Pambansa, Opisyal at Panturo


1. 1. Introduksyon sa Wikang Pambansa, Opisyal at Panturo
2. 2. Wikang Pambansa  Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng
kaunlaran ng isang bansa.
3. 3. Wikang Pambansa  Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa.
Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng
isang bansa.
4. 4. Wikang Pambansa  Ayon sa Saligang Batas ng Biak na Bato -Ang Tagalog ang magiging opisyal na
Wika ng Pilipinas.
5. 5. PagpiliPagpili  Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 • "Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang
patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal".
6. 6. Walong PangunahingWalong Pangunahing Wika sa BansaWika sa Bansa Tagalog Cebuano
Ilokano Hiligaynon Bikol Samar-Leyte o Waray Pampango o Kapampangan Pangasinan o
Pangalatok
7. 7. PagpiliPagpili  Suriang Wikang Pambansa (SWP) • itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas
Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea) • Pinili ang Tagalog bilang
batayan ng bagong pambansang wika.
8. 8. PagpiliPagpili Disyembre 30, 1937 •Pinili at ipirinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang
batayan ng bagong pambansang wika.
9. 9. Manuel L. Quezon Amang Wikang Filipino Unang Presidenteng Komonwelt ng Pilipinas “Walang
pinakamahalagasasinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sapagkakaisang bansa,
at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang
panlahat” – halaw mulasakanyang talumpati saMalakanyang.
10. 10. PagpiliPagpili 1940 •Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at
pribadong paaralan sa buong bansa.
11. 11. Bakit pinili ang Tagalog bilangBakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?Wikang
Pambansa?  Ang Tagalog ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din
sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito.
12. 12. Bakit pinili ang Tagalog bilangBakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?Wikang
Pambansa?  Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa- hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
13. 13. Bakit pinili ang Tagalog bilangBakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?Wikang
Pambansa? Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinaka mayaman at ang pinaka maunlad at
malawak. Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong
wikang Awstronesyo.
14. 14.  Ito ang wika ng Maynila – ang kabiserang pampulitika at pang ekonomiya sa buong bansa.
15. 15. At pinakahuli ay ang Tagalog din ang wikang ginamit noong rebolusyon at ng mga katipunero kung
saan ang salik na ito ay mahalagang elemento sa kasaysayan ng Pilipinas.
16. 16. Hunyo 4, 1946 - Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng
Pilipinas. Ipinahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Blg. 570.
17. 17. 1959 - Ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN BILANG 7.
18. 18. - Nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ang gagamitin.
19. 19. Saligang Batas ng 1973 - Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO.
20. 20. 1987 -Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang
Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan
kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.
21. 21. Saligang Batas ng 1987 - FILIPINO ang ngalan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
22. 22. Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at iba pang wika’’.
23. 23. Wikang Opisyal  Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
24. 24. Wikang Opisyal  Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan
at ibang bansa sa daigdig.
25. 25. Wikang Opisyal  Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang
malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang
pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang- alang
ng ibat' ibang salik.
26. 26. Wikang Opisyal • Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
27. 27. Paano naging wikang opisyal angPaano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?Wikang
Pambansa?  Batas Komonwelt blg. 570 • Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika
simula Hulyo 4, 1946  Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3) • “Hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”
28. 28. Paano naging wikang opisyal angPaano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?Wikang
Pambansa?  Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7) • “Ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles…”
29. 29. Wikang PanturoWikang Panturo  Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal
na edukasyon.
30. 30. Wikang PanturoWikang Panturo  Ito ang wika ng talakayang guro-mag- aaral na may kinalaman sa
mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase.
31. 31. Wikang PanturoWikang Panturo  Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa
mga silid aralan.
32. 32. Wikang PanturoWikang Panturo  Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na
wika at wikang panturo sa mga paaralan.
33. 33. Mother Tongue- BasedMother Tongue- Based Multi-Lingual EducationMulti-Lingual Education  Sa
K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag- aaral ay naging opisyal na wikang
panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.
34. 34. Wikang PanturoWikang Panturo 19 na Wika Tagalog Kapampangan Pangasinense Iloko Bikol
Chavacano Cebuano Ybanag Ivatan Sambal Aklanon Kinaray-a Yakan Surigaonon Hiligaynon Waray
Tausug Maguindanaoan
35. 35. Wikang PanturoWikang Panturo Ang mga wika at dayalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan:
A) Bilang hiwalay na asignatura B) Bilang wikang panturo
36. 36. Wikang PanturoWikang Panturo  Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang
paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong
mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang
sosyo- kultural”
37. 37. Ilan pang mahahalagang batasIlan pang mahahalagang batas tungkol sa Wikatungkol sa Wika 
Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988) • Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto kada taon.  Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957)  idineklara naman ni
Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika
38. 38. Ilan pang mahahalagang batasIlan pang mahahalagang batas tungkol sa Wikatungkol sa Wika 
Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996) • Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng
kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam
(9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo at
KATANGIAN NG WIKA
1. ANG WIKA AY PANTAONG TUNOG- hindi lahat ng tunog na maririnig ay maituturing na wika. Ang wika
ay nabubuong tunog sa pamamagitan ng sangkap ng pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ngalangala,
babagtingang tinig at iba pang bahagi ng speech organ o mga bahagi ng katawan sa pagsasalita ng tao. Masasabing
ang wika ay wikang sinasalita, ang mga nakasulat na mga salita ay larawan o simbolo lamang ng wikang
ginagamit.
2. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS May sistema ang wika. Ito ay ang palatunugan(ponolohiya),
palabuuan(morpolohiya), at palaugnayan(sintaks). Mapapatunayan din ito sa pamamagitan ng kataga, ang gamit ng
katinig at patinig sa pagbuo ng salita (PK, KP, KPK, KKP, KPKK, KKPK, KKPKK). Gayundin ang gamit, ayos at
anyo ng pangungusap (nauuna ang simuno sa panaguri o ang panaguri sa simuno).
3. ANG WIKA AY ARBITRARYO Ang wika ay pinili at isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan sa
isang pook o lugar. Ang pagbabagong naganap ay dala marahil ng impluwensya ng ibang bansang naging kaugnay
ng isang bansa dahil sa pampulitika, panlipunan o pang- ekonomiyang karanasan. TAGALOG PAMPANGA
PANGASINAN AKLAN WARAY baliktad baligtad baliktar baliskad balikad
19. 4. ANG WIKA AY PATULOY NA NAGBABAGO O DAYNAMIKO Ang panahon ay patuloy na nagbabago
kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago din dulot ng agham at teknolohiya. Gayundin ang wika, patuloy
lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang mabago rin ang ortograpiya at alfabeto maging ang sistema ng
palabaybayan. ALIBATA (17) ABAKADA (20) ABICEDARIO (31) ALPABETO (20+8) ALFABETO (28)
5. ANG WIKA AY KABUHOL NG KULTURA Ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi pwedeng
paghiwalayin. Nakikilala ang kultura ng isang tao ayon sa kanyang wikang ginagamit. Sa pamamagitan ng wika,
nakakaalam at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala ang mga tao.
6. ANG WIKA AY KOMUNIKASYON Ang wika ay behikulo ng komunikasyon ng dalawang taong nag-uusap.
Ginagamit ang wika upang ipahayag ang ating damdamin, pangangailangan, at iniisip. Ang wika ay ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa lahat ng pagkakataon.
7. ANG WIKA AY MALIKHAIN Taglay ng wika ang set ng mga tuntunin na makapagbubuo ng kahit na anong
haba ng pangungusap. Naging malikhain din ito sa paraang nakabubuo tayo ng tula, kuwento, awitin, sanaysay at
iba pang akdang pampanitikan gamit ang wika.
8. ANG WIKA AY NATATANGI Ang bawat wika ay may kanyang set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at
kanyang sistemang palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang pansariling naiiba sa ibang wika. Walang
wika na magkatulad na magkatulad. Kung may pagkakatulad marahil ito ay nasa piling salita lamang. “kung anong
bigkas ay siyang sulat, kung anong baybay ay siyang basa”

ANTAS NG WIKA
1. PABALBAL/BALBAL- may katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
-Mga salitang pangkalye o panlansangan. -Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may
nabubuong mga salita. -Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.

-Karaniwan itong nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.
Halimbawa: parak- pulis eskapo- takas sa bilangguan istokwa- naglayas juding- bakla tiboli- tomboy balbonik-
taong maraming balahibo brokeback- lalaki sa lalaking relasyon lobat- lupaypay

2. KOLOKYAL/PAMBANSA- mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. -


Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maari rin naman maging repinado batay sa kung sino ang
nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. -Ginagamit sa okasyong impormal at isinaalang-alang dito ang
salitang madaling maintindihan. Halimbawa: alala, lika, naron, kanya-kanya- antay, lugal, utol, atsay, tisay
39. LALAWIGANIN- ang wikang ito ay ginagamit sa isang rehiyon at ang mga tagaroon lamang ang nakauunawa nito
kung ang pagbabatayan ay ang wikang pambansa.

You might also like