You are on page 1of 4

======FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

Paaralang Gradwado
Lungsod ng Roxas

FIL 414: PANULAANG FILIPINO

CAMILLE P. VILLARUEL PROF. MARIBEL N. BUENAVIDES, MAT (FIL)


REY D. PEŇAROYO Guro sa Filipino
Mga Taga – ulat

ANG PANITIKAN

Bawat bansa ay may sari-sariling kultura, may sari-sariling pambansang


identidad na madaling pagkakakilanlan ng bawat isa. Kung natural lamang sa bawat isa
na magkaroon ng sariling wika, natural lamang din na magkaroon din ito ng sariling
panitikan. Panitikang magsasalamin sa tangi at tunay na sarili – pagkatao, pagkalahi at
pagkabansa.

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o


tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Ito ay may hugis, may punto de vista at
nakapagpapahaba ng interes ng mga mambabasa. Nagsasalaysay ng buhay,
pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng
iba’t ibang uri ng damdamin.

 KATUTURAN NG PANITIKAN/LITERATURE AYON SA IBA’T IBANG MANUNULAT

Ang panitikan ay hinango sa salitang titik o letra na inunlapian ng pan at


hinulapian ng an at naging panititikan o pinaikling salitang panitikan.

a. Honorio Azarias – nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa


daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa
sa bathalang lumikha.

b. Webster – anumang bagay raw na naisasatitik basta may kaugnayan sa pag-iisip at


damdamin ng tao maging ito’y totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay
maaaring tawaging panitikan.

c. Maria Ramos – kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Nasasalamin ang


mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga
mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan,
matalinghaga at masining na mga pahayag. Lumilinang ng nasyonalismo, nag-iingat
ng karanasan, tradisyon at kagandahan ng kultura.

d. Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal – ang tunay na panitikan ay walang kamatayan


nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw
na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.
 ANYO NG PANITIKAN

Ang panitikan ay naipapahayag sa tatlong (3) sumusunod na kaanyuan:


1. patula, 2. panuluyan at 3. Patanghal.

PATULA – ang anyo nito kapag taludturan at saknungan. Ang bawat talutod ay
maaaring may sukat at tugmaang pantig sa hulihan o sadyang malaya na ang ibig
sabihin ay walang sukat o tugma.

 Tulang Pasalaysay
 Epiko
 Awit at Korido
 Balad
 Sawikain
 Bugtong
 Tanaga

 Tulang Liriko
 Awiting bayan
 Soneto
 Dalit
 Oda
 Elehiya
 Pastoral

PATULUYAN – ang anyo nito kapag sa karaniwan o ayon sa tuwirang


kinasanayang pagsasalita ng tao ito ipinahahayag. Madali itong basahin at unawain,
di tulad ng patula na kailangan pang pakaintindihin dahil napakamatatalinghaga at
hindi laging naririnig ang ginagamit na mga pananalita. At kung ang patula ay
pataludturan at saknungang isinusulat, ang patuluyan ay patalata.

 Kabilang sa mga uring ito ang mga sumusunod:


 Nobela
 Maikling Kwento
 Dula
 Alamat
 Pabula
 Anekdota
 Sanaysay
 Talambuhay
 Balita
 Talumpati
 Parabula
 Kwentong Bayan

PATANGHAL – ang anyo nito kung ito’y ipinalalabas o isinasadula. Pumapailalim ito
sa dalawang nauunang anyo – patula at patuluyan – dahil ang mga diyalogo ay
maaaring isulat sa alinman dito. Pasalitaan o padiyalogo kung ito’y ilahad at
karaniwang nahahati sa yugto na maaaring iisahin, dadalawahin, o tatatluhing yugto
ang kabuuan. Ang bawat yugto ay binubuo naman ng mga tagpo.
 Tulang Pantanghalan
 Komedya
 Melodrama
 Trahedya
 Parsa
 Saynete

 Tulang Pantigan
 Karagatan
 Duplo
 Balagtasan

 ANG KAHALAGAHAN AT IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN

Mga dahilan kung bakit mahalaga ang pag-aaral ng ating sariling panitikan.
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong
mapayabong.
5. Magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

Bakit dapat pag-aralan ang panitikan ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas?


Sapag-aaral ng panitikan ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas, magkakaroon tayo
ng pagkakataon na:
1. Matuklasan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga Panitikan sa iba’t ibang
rehiyon ng ating bansa.
2. Mapahalagahan ang kultura at yaman ng Panitikan ng mga rehiyon sa Pilipinas.
3. Mailapit ang damdamin ng mga Pilipino sa isa’t isa, bagama’t mula sa iba’t ibang
rehiyon na may magkakaibang kaisipan, paniniwala at pananampalataya.
4. Mauunawaan ng bawat Pilipino na saan man tayong rehiyon nagmula, tayo ay
nagkakaisa sa adhikain na magkaroon ng isang bansang malaya at
maipagmamalaki sa buong mundo.

 ANG IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN

Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan at kabihasnan ng lahing


pinanggalingan ng akda.

Dahil sa panitikan nagkalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan.


Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at nagkakatulungan.
Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensiya sa buong daigdig:

1. Banal na Kasulatan o Bibliya – ang naging batayan ng Kakristiyanuhan.

2. Koran – ang pinaka bibliya ng mga Muslim.

3. Iliad at Odyssey – ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya.

Akda na isinulat ni Homer.

4. Ang Divina Comedia – akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng

pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano ng panahon na iyon.

5. Uncle Tom’s Cabin - akda ni Harriet Beecher Stowe. Kababakasan ito na naging

karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya.

6. Ang Mahabharata – ang ipinalalagay na pinakamahabang epiko ng daigdig.

Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalatayang Indiya.

7. Canterbury Tales – naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga

Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.

8. Ang El Cid Compeador – nagpapahayag ng mga katangiang panlahing Kastila at

ng kanilang kasaysayang pambansa.

9. Ang Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng

Pransya. Nagsasalaysay ng gintong Kakristiyanuhan ng Pransya.

10. Ang Aklat ng mga Patay – naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at

teolohiyang Ehipto.

11. Ang Aklat ng mga Araw – akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga

Instsik sa kanilang pananampalataya.

12. Isang Libo’t Isang Gabi – mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling

pampamahalaan, pangkabuhayan at panlipunan ng mga Arabo ar Persyano.

You might also like