You are on page 1of 41

KATEDRAL AT PAROKYA NI SAN PABLO UNANG ERMITANYO

ANG MGA PAGDIRIWANG NA MAY KINALAMAN


SA PANGKALAHATANG GAWAIN NG
PAGBABAYAD-PURI SA PAGLAPASTANGAN SA
PANGALAN NG DIYOS

Diyosesis ng San Pablo

1
ANG PAGDIRIWANG NG PRUSISYON

2
PASIMULA

Magtitipon ang mga ministro at mananampalataya sa harap ng Dambana ng


Sacred Heart sa may patio. Dito ay pasisimulan ng kura paroko ang
paglalakbay at pagdarasal patungong seminario.

Pari:
Sa ngalan ng Ama + at ng Anak at ng Espiritu Santo.
R. Amen.

Sumainyo ang Panginoon.


R. At sumaiyo rin.

Pari:
Mga kapatid, ang Diyos na siyang ngalan ay Awa at Pag-ibig -
-siyang lumikha sa tanan, bukal ng lahat ng karunungan at
kaalaman; siyang dahilan ng pag-unlad at pananatiling
relihiyoso ng bansang Pilipinas at patuloy na gumabay dito;
siyang pinag-alayan ng buhay ng ilan sa kanyang mga pari--
ay ating nilapastangan.

Sa ating pagtitipon ngayong umaga, hihingi tayo ng


kapatawaran at pagbabayad-puri para sa lahat ng mga
panunuya at kawalang-paggalang na naidulot sa pangalan ng
Maykapal, pagmamaliit sa mga pinuno ng Simbahang
Katolika, pagpaslang sa ating mga kaparian, pagtalamak ng
kasamaan at pagbaba ng moralidad sa mundo, pagpapabaya
sa kapakanan ng mamamayang Pilipino, at sa ating mga
sariling kasalanan na may dulot ng pinsala sa ating
komunidad.

Hilingin natin ang gabay ng Mabathalang Awa ni Hesus at


ang maka-inang yakap ng Mahal na Birheng Maria sa
pananalangin nating ito
Saglit na tatahimk ang pari. Makaraan ay kanyang sasabihin.

3
Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


sa iyong pagtataguyod,
ang aming mga ginagawa ay iyong pangunahan
at sa iyong tulong ay iyong subaybayan
upang lahat ng aming ginanap ay sa iyo magbuhat
at sa pamamagitan mo rin humantong sa wakas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Sisindi ng kandila ang mga sasama sa prusisyon mula sa liwanag na


ipamamahagi ng diyakono saka niya ipahahayag:

Diyakono:
Halina’t tayo’y lumakad sa kapayapaan at liwanag ng
Panginoon.

Magpruprusisyon ang lahat habang inaawit ang Chaplet of Divine Mercy o


kaya’y dinarasal ang Santo Rosaryo. Maaari ring umawit ng kaukulang awit.
Pagsapit sa St.Peter’s College Seminary, sa labas kapilya ay tatapusin ang
prusisyon sa panalangin.

Punong Tagapagdiwang:
Manalangin tayo.

Kapuri-puri ka Diyos Ama ng aming Panginoong Hesukristo.


Mula sa lahat ng lahi ng sangkatauhan
humirang ka ng isang bayang nagnanais
magbayad-puri sa iyong dakilang pangalan.
Ang iyong biyaya ang nagtulak sa amin
na ibigin ka nang buong puso at paglingkuran ka nang tapat.
Iniluluhog naming kami’y iyong pagpalain
upang huwag nang lumayo sa iyong piling
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon
ngayon at magpasawalang hanggan.
R. Amen.

4
ANG PAGDIRIWANG NG
BANAL NA ORAS

5
Papasok ngayon ang mga tao sa loob ng kapilya at ihahanda ang sarili para
sa pagtatanghal ng Banal na Sakramento. Ang punong tagapagdiwang
habang nakasuot ng kapa kasama ang mga tagapaglingkod ay
magpuprusisyon patungong altar samantalang nakaluhod ang lahat.
Pagkatanghal ay luluhod siya at iinsensuhan ang Banal na Sakramento.

PAMBUNGAD NA AWIT

O salutaris Hostia Uni trinoque Domino


Que caeli pandis ostium Sit sempiterna gloria
Bella premunt hostilia Qui vitam sine termino
Da robur fer auxilium Nobis donet in patria

Punong Tagapagdiwang:
Papuri sa Diyos Ama, hari ng sangkalupaan, at bukal ng lahat
ng biyaya.

R. Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.

Papuri sa bugtong na Anak, ipinanganak ng Birheng Mahal


para sa kaligtasan ng lahat

R. Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.

Papuri sa Espiritung Banal, gabay ng Simbahan tungo sa


kaganapan ng katotohanan.

R. Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.

Punong Tagapagdiwang:
Mga kapatid, sa harapan ng ating Panginoon sa kabanal-
banalang Sakramento, hiling natin ay kapatawaran sa lahat
ng mga panlilibak na ginawa laban sa pangalan ng Diyos,
paggabay sa mga pinuno ng Simbahan, katarungan para sa
mga paring pinaslang, at pananatili ng bansang Pilipinas sa
presensya ng kabutihan ng Diyos.

6
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Manalangin tayo.

Amang mapagmahal,
pinararangalan namin ang iyong Anak
na nasugatan ng mga taong lapastangan.
Ang kanyang puso ay sagisag ng tagumpay ng pag-ibig,
ang pangako ng bukas na hahantungan ng iyong sambayanan.
Turuan mo kaming makita si Kristo
sa lahat ng aming nakakadaupang palad,
marapatin mong makapaghain kami nang marapat
sa aming pagtulad sa pag-aalay sa krus ng iyong Anak
na nabubuhay at naghaharing kasama mo
at ng Espiritu Santo iisang Diyos magpasawalang hanggan.

R. Amen.

PARA SA PAGBABAYAD-PURI SA MGA KASALANAN


Magsisi nga kayo’t tumalikod sa inyong kasamaan.

PAGBASA

Pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Ezekiel (18,21-23, 30-32)

Ito ang sinsabi ng Panginoon, “Kung ang isang taong masama ay


tumalikod sa kanyang kasamaan, sumunod sa aking mga tuntunin,
at gumawa ng mabuti, siya ay mabubuhay. Kakalimutan na ang
lahat ng nagawa niyang kasalanan at mabubuhay siya dahil sa
kabutihang ginawa niya sa bandang huli. Hindi ko ikinasisiya ang
kamatayan ng masama,” sabi pa ni Yahweh. “Ang ibig ko nga,
siya'y magsisi at magbagong-buhay.
“Kaya nga, bawat isa sa inyo ay hahatulan ko ayon sa
kanyang ginawa. Magsisi nga kayo't tumalikod sa inyong
kasamaan bago bumagsak sa inyo ang parusa. Lumayo kayo sa
inyong kasamaan at magbagong-buhay sapagkat di kayo dapat

7
mamatay, mga Israelita. Hindi ko gustong mamatay ang sinuman,
kaya magpakabuti na kayo upang mabuhay.”

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos

Maglalaan ng saglit na katahimikan para sa pagninilay. Uupo ang lahat sa


pag-awit.

Likhain Mong Muli


Ilikha mo kami ng „sang bagong puso, hugasan ang kamay na
basa ng dugo. Linisin ang diwang sa halay ay puno. Ilikha mo
kami ng „sang bagong puso.

Itindig mo kami, kaming iyong bansa. Akayin sa landas patungo


sa kapwa. Ihatid sa piging na „yong inihanda. Itindig mo kami,
kaming iyong bansa .

Amang D'yos, „yong baguhin ang tao't daigdig. Sa banal na takot,


sambang nanginginig, ibalik ang puso't bayang nanlalamig likhain
mong muli kami sa pag-ibig.

Luluhod ang lahat samantalang nakatayo ang punong tagapagdiwang

Punong Tagapagdiwang:
Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


para mo nang awang dinggin ang aming mga kahilingan
at patawarin mo ang mga inaamin
naming nagawang kasalanan
upang kami’y magkamit ng iyong patawad at kapayapaan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R. Amen.

Muling mauupo ang lahat para sa pagbasa.

8
PARA SA MGA PARI
Humanda ka sa mga pagsubok.

PAGBASA

Pagbasa mula sa Aklat ni Sirach (2,1-13)

Anak ko, kung nais mong maglingkod sa Panginoon,


humanda ka sa mga pagsubok. Maging tapat ka at magpakatatag,
huwag kang masisiraan ng loob sa panahon ng kasawian. Manalig
ka sa Panginoon at huwag kayong lalayo sa kanya, kung nais
mong tumiwasay habang nabubuhay. Tanggapin mo ang anumang
ipagkaloob niya sa iyo, tiisin mo ang kadustaan kahit ano ang
mangyari. Kung ang ginto ay dinadalisay sa apoy, ang banal ay
sinusubok ng Panginoon sa apoy ng pagtitiis, magtiwala ka at
tutulungan ka niya, maging tapat ka sa kanya at makakaasa ka.
Kayong may takot sa Panginoon, maghintay kayo sa kanyang
habag; huwag kayong lalayo sa kanya nang hindi kayo
mapahamak. Kayong may takot sa Panginoon, magtiwala kayo sa
kanya, at walang pagsalang tatanggap kayo ng gantimpala.
Kayong lahat na may takot sa Panginoon, umasa kayo sa kanya.
pagpapalain niya kayo, pasasaganain at paliligayahin
magpakailanman.
Tignan ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno: may
nagtiwala ba sa Diyos na nasiphayo? May nanatili bang
naglilingkod sa kanya na kanyang pinabayaan? May tumawag ba
sa kanya na hindi niya dininig? Sapagkat maawain at
mapagpatawad ang Panginoon, pinatatawad niya tayo sa ating
kasalanan, inililigtas sa kagipitan.

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos

Maglalaan ng saglit na katahimikan para sa pagninilay. Uupo ang lahat sa


pag-awit.

9
Huwag Kang Mangamba

Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisa. Sasamahan kita, saan


man magpunta. Ika'y mahalaga sa 'King mga mata. Minamahal
kita, minamahal kita.

Tinawag kita sa 'yong pangalan. Ikaw ay Akin magpakailanman


Ako ang Panginoon mo at Diyos. Tapagligtas mo at Tagatubos

Sa tubig kita'y sasagipin. Sa apoy ililigtas man din. Ako ang


Panginoon mo at Diyos. Tapagligtas mo at Tagatubos.

Luluhod ang lahat samantalang nakatayo ang punong tagapagdiwang

Punong Tagapagdiwang:
Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,


ang iyong mga pari at lahat ng mga kasambahay
ay pamalagiin mong nabubuhay
sa paghahain at sa pakikinabang
upang sa buklod ng pag-ibig na sa iyo’y nag-uugnay sa tanan
marapatin mo ang lahat na ikaw ay paglingkuran
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Muling mauupo ang lahat para sa pagbasa.

10
PARA SA MGA NAMUMUNO SA BANSA

PAGBASA
Inilagay ng Panginoon ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y
pangalagaan at pagyamanin.

Pagbasa mula sa Aklat ng Genesis (2,4b-9, 15)

Nang likhain ng Panginoon ang lupa at lahat ng bagay sa


langit, wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat
hindi pa nagpapaulan noon ang Panginoong, at wala pa ring
nagsasaka. Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa
sa lupa.
Nilikha ng Panginoon ang tao mula sa alabok, hiningahan
niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.
Naglagay ang Panginoon ng isang halamanan sa Eden, sa
dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang.
Pinasibol niya roon ang lahat ng uri ng punongkahoy na
magagandang pagmasdan at masasarap ang bunga. Sa gitna ng
halamanan ay naroon ang punongkahoy na nagbibigay-buhay, at
gayundin ang punongkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa
mabuti at masama.
Inilagay ng Panginoon ang tao sa halamanan ng Eden
upang ito'y pangalagaan at pagyamanin.

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos

Maglalaan ng saglit na katahimikan para sa pagninilay. Uupo ang lahat sa


pag-awit.
Maging Akin Muli

Manlamig man sa Akin puso mong maramdamin. Lisanin man ng


tuwa puso mong namamanglaw. Manginig man sa takot
masindakin mong puso.Mag-ulap man sa lungkot diwa mong
mapag-imbot.

11
Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo. Pag-
ibig Kong ito, isang pananabik sa puso Ko. Sa „yong pagbabalik
sa piling Kong puspos ng pagsuyo. Manahimik at makinig ka‟t
maging Akin muli.

Di mo rin akalain tinig mo‟y hanap Ko rin. Ang „yong tuwa at


sakit, Aking galak at pait. Kung lingid pa sa iyo, Aking
pakikiloob. Tuklasin mong totoo: tunay mong pagkatao.

Luluhod ang lahat samantalang nakatayo ang punong tagapagdiwang

Punong Tagapagdiwang:
Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


ikaw ang pinaglilingkuran
ng lahat ng mga pinuno ng sanlibutan.
Ang aming mga pinuno ay iyong pagkalooban ng kaunlaran
sa kanilang ginagampanang marangal
upang lagi nilang tupdin ito
nang may pitagan sa iyong kalooban
at lubos nilang mapaglingkuran
ang bansang nasa kanilang pananagutan
sa ikapagkakamit at ikapananatili ng kalayaan at kapayapaan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Mananatiling nakaluhod para sa litanya.

12
LITANIYA SA KAMAHAL-MAHALANG
PUSO NI HESUS

Punong Tagapagdiwang:
Panginoon kaawaan mo kami
R. Panginoon kaawaan mo kami
Kristo kaawaan mo kami
R. Kristo kaawaan mo kami
Panginoon kaawaan mo kami
R. Panginoon kaawaan mo kami

Kristo pakinggan mo kami


R. Kristo pakinggan mo kami
Kristo dinggin mo ang aming panalangin
R. Kristo dinggin mo ang aming panalangin.

Diyos Ama sa langit,


R. Kaawaan mo kami
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad, iisang Diyos,
Puso ni Hesus, Anak ng Amang Walang hanggan,
Puso ni Hesus, nilalang ng Espiritu Santo sa tiyan ng Inang
Birhen,
Puso ni Hesus, na nakikipag-isang tunay sa Verbo ng
Diyos,
Puso ni Hesus, na walang hanggan ang Kamahalan,
Puso ni Hesus, Templong Banal ng Diyos,
Puso ni Hesus, Tabernakulo ng kataas-taasan,
Puso ni Hesus, Bahay ng Diyos at Pinto ng langit,
Puso ni Hesus, maalab na siga ng pag-ibig,
Puso ni Hesus, sisidlan ng Katuwiran at Pag-ibig,
Puso ni Hesus, puspos ng kabutihan at pag-ibig,
Puso ni Hesus, kalaliman ng lahat ng kabanalan,
Puso ni Hesus, Karapat-dapat sa lahat ng pagpupuri,
Puso ni Hesus, Hari at Sentro ng lahat ng mga puso,

13
Puso ni Hesus, sisidlan ng dilang kayamanan ng
karunungan at katalinuhan,
Puso ni Hesus, tahanan ng buong pagka-Diyos,
Puso ni Hesus, kinalulugdang lubos ng Diyos Ama,
Puso ni Hesus, na sa Iyong kasaganaan ay nababahaginan
kaming lahat,
Puso ni Hesus, hangarin ng mga bulubunduking walang
hanggan,
Puso ni Hesus, matiisin at lubhang maawain,
Puso ni Hesus, kayamanan ng tanang tumatawag sa Iyo,
Puso ni Hesus, bukal ng buhay at kabanalan,
Puso ni Hesus, kabayaran ng aming mga kasalanan,
Puso ni Hesus, tinigib ng karuwahaginan,
Puso ni Hesus, na nasugatan ng dahil sa aming mga
kasalanan,
Puso ni Hesus, na masunurin hanggang kamatayan,
Puso ni Hesus, na pinaglagusan ng sibat,
Puso ni Hesus, batis ng tanang kaaliwan,
Puso ni Hesus, buhay at pagkabuhay naming mag-uli,
Puso ni Hesus, kapayapaan at pakikipagkasundo namin,
Puso ni Hesus, na inihain ng dahil sa aming mga
kasalanan,
Puso ni Hesus, kaligtasan ng mga umaasa sa Iyo,
Puso ni Hesus, pag-asa ng mga namamatay sa Iyong
grasya,
Puso ni Hesus, ligaya ng lahat ng mga Santo

Kordero ng Diyos na nakakawala ng mga kasalanan ng


sanlibutan,
R. Patawarin Mo po kami, Panginoon namin.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng
sandaigdigan,
R. Pakapakinggan Mo kami Panginoon namin.
Kordero ng Diyos na nakakawawala ng mga kasalanan ng
santinakpan,
R. Maawa Ka sa amin.

14
Hesus, maamo at mababang Puso
R. Gawin mo po na ang aming mga puso ay matulad
sa Puso Mo.

Manalangin tayo.

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos,


tunghayan Mo ang Puso ng lubhang iniibig Mong Anak
at ang mga pagpupuri at kabayaran
na kanyang inihahandog sa Iyo,
sa ngalan ng mga makasalanan.
Maglubag nawa ang Iyong loob
at marapatin Mong ipagkaloob
ang kapatawaran sa nagmamakaawa sa Iyo,
sa ngalan ni Hesukristong Anak mo,
na nabubuhay at naghaharing kasama mo
at ng Espiritu Santo magpasa walang hanggan.

R. Amen.

Isusunod ngayon ang pagbabasbas. Iinsensuhan ng punong tagapagdiwang


ang sakramento at aawitin ang mga sumusunod.

BENEDICTION

Tantum ergo sacramentum Genitori genitoque


Venermur cernui Laus et jubilatio
Etr antiquum documentum Salus honor virtus quoque
Novo cedat ritui : sit et benedictio
Preastet fides supplementum procedenti abutroque
Sensuum defectui. Comparsit Laudatio

Punong tagapagdiwang:
Panem de coelo praestitisti eis.
R. Omne delectametum in se habentem.

Tatayo ng punong tagapagdiwang at darasalin ang sumusunod.

15
Oremus.
Saglit na katahimikan.Tatayo ang punong tagapagdiwag

Deus,
qui nobis sub sacramento mirabili,
passionis tuae memoriam relequisti:
tribue, quesumus,
ita nos corporis et sanguinis
tui sacra mysteria venerari
ut redemptionis tuae fructum
in nobis iugiter sentiamus.
Qui vivis et regnas in saecula saeculorum.
R. Amen.

Basbasan ng pari ang lahat gamit ang ostensoryo habang iniisensuhan ito ng
mga tagapaglingkod.

PAGPUPURI

Katawan ni Kristo ipinaglihi ng mahal na Birheng Maria:


R.Parangal at papuri ngayon at magpakailanman.
Katawan ni Kristo, inialay sa krus:
R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman:
Katawan ni Kristo muling nabuhay sa libingan:
R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman:
Dugo ni Kristo kabayaran sa ating kalayaan:
R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman:
Dugo ni Kristo tatak ng bagong ugnayan:
R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman:
Dugo ni Kristo inumin ng buhay na walang hanggan:
R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman:

16
Puso ni Kristo, sinugatan ng isang sibat:
R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman:
Puso ni Kristo bukal ng awa:
R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman:
Puso ni Kristo puspos ng pag-ibig:
R. Parangal at papuri ngayon at magpakailanman:
Tinapay ng Buhay na bumaba mula sa langit:
R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.
Salita ng Buhay mula sa Ama:
R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.
Tagapagkaloob ng Espiritu Santo:
R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.
Lalaking ikinasal sa banal na Simbahan:
R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

Tagapagligtas ng sanlibutan:
R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

Kaibigan ng kabataan at maralita:


R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

Sa pagsapit mo sa huling araw


R. Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

Itatago ng pari ang banal na sakramento habang umaawit ng “O


Sacrament most holy o anumang kaukalang awit sa Eukaristiya.
Maghahanda ngayon ang lahat para sa pagdiriwang ng Banal na Misa.

17
ANG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA
SA KARANGALAN NG MAHAL NA INA

18
PASIMULA

Sisimulan ang pagdiriwang sa pagpruprusisyon ng mga ministro at Pari


patungo sa dambana. Pagsapit sa dambana, angmga pari at mga lingkod ay
magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan. Iinsensuhan ng Pari
ang dambana at pagkatapos siya ay tutungo sa upuan at pasisimulan ang
misa sa ganitong mga pananalita.

Pari:
Sa ngalan ng Ama + at ng Anak at ng Espiritu Santo.
R. Amen.

Ang pagpapala ng Panginoong Hesukristo


ang pag-ibig ng Diyos Ama
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.
R. At sumainyo rin.

Pari:
Mga kapatid, sa paanan ng krus ay tumindig ang Mahal na
Ina, puno ng hapis sa sinapit ng kanyang pinakamamahal na
Anak. Sa pagtatapos ng ating pananalanging ito, sa pag-aalay
natin ng Banal na Sakripisyo, hilingin natin ang pagkalinga ni
Maria na siyang tumindig hanggang sa kamatayan ni Hesus.
Alalahanin natin ang ating mga nagawang pagkakasala sa
Diyos at kapwa.

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo mga kapatid na


lubha akong nagkasala sa isip, salita at gawa, at sa aking
pagkukulang, kaya‟t isinasamo ko sa mahal na birheng Maria, sa
lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo mga kapatid na ako‟y
ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

19
Pari:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos patawarin tayo sa
ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang
hanggan.
R. Amen.

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng punong tagapagdiwang:
Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


ipagkaloob mong ang iyong mga anak
ay magkamit ng paglingap
ng Mahal na Birheng Maria
at pakundangan sa kanya
ay mahango ang tanan sa lahat ng masama
at maging dapat sumapit sa ligayang walang maliw
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R. Amen.

20
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA

SALMONG TUGUNAN

MABUTING BALITA

Samantalang ginagawa ang pag-awit ng aleluya. Maglalagay ang pari ng


insenso sa insensaryo. Pagkaraan, ang diyakonong magpapahayag ng
mabuting balita ay yuyuko sa harapan ng Pari at hihilingin niya ang
pagpapala bago tumungo sa pook ng pagbasa.

+Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San N.


R. Papuri sa iyo, Panginoon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

HOMILIYA

PANALANGIN NG BAYAN

Pari:
Mga kapatid, hilingin natin sa makapangyarihang Ama na
tulad ng Mahal na Birheng Maria, tayo’y manatiling tapat sa
panahon ng ating tuwa maging sa sandali ng hapis hanggang
sa tayo’y sumapit sa luwalhating walang hanggan. Dumulog
tayo sa kanya at sabihing:

R. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

21
Lector:
Para sa simbahang katoliko, upang maging matatag ang lahat ng
mga kasapi at pinuno nito sa gitna ng mga pambabatikos at
paglapastangan sa ating relihiyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Lector:
Para sa mga pinuno ng ating pamahalaan, upang patuloy nilang
igalang ang malawak na pagkilala ng kanilang mga mamamayan
pagdating sa relihiyon at pagsamba sa Diyos, manalangin tayo sa
Panginoon.

Lector:
Para sa ating lahat, upang magising sa ating kalooban ang
kamalayan ng pagbabayad-puri ng mga kasalanan, ginawa man
natin o hindi, manalangin tayo sa Panginoon.

Lector:
Para sa lahat ng may karamdaman, nawa‟y maranasan nila na sa
kanilang paghihirap ay di sila nalilimutan ng Panginoon sa
pamamagitan ng mga taong tumutulong at sumusubaybay sa
kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Lector:
Para sa lahat ng mga yumao, nawa‟y ang walang hanggang
liwanag ay tumanglaw sa kanila hanggang sa masapit nila ang
buhay kapiling ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari:
Amang mapagmahal,
dinggin mo ang aming mga panalangin
at patnubayan mong lagi ang aming mga gawain
sa pagpapalaganap ng iyong kaharian dito sa lupa
hanggang sa matamo namin
ang gantimpalang walang hanggan
sa pamamagitan ni Kristong Panginoon namin.

R. Amen.

22
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga Diyakono ang telang


patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran ng kalis, at ang aklat ng
pagmimisa sa ibabaw ng dambana. Ngayo’y tatayo ang pari sa gawing gitna
ng dambana, habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula
sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para
maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang


dinarasal nang pabulong.

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa‟y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na napagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng punong


tagapagdiwang ang kalis habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula
sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para magiging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Pagkatapos yuyuko ang punong tagapagdiwang habang dinarasal niya ng


pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo ng buong puso.

23
Iinsesuhan ng punong tagapagdiwang ang mga alay at dambana;
pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at mga
nagsisimba. Pagkatapos tutungo ang tagapagdiwang sa gilid ng dambana,
maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
Pagbalik ng punong tagapagdiwang sa gitna ng dambana, ilalahad niya ang
kanyang mga kamay sa mga tao at ipahahayag.

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


lingapin mo ang mga alay at panalangin
ngayong ang Mahal na Ina ng Diyos ay ginugunita
upang maging kalugod-lugod sa iyo ang mga ito
at magdulot sa amin ng tulong at kapatawaran mo
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

R.Amen.

24
UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT
PASASALAMAT PARA SA PAGKAKASUNDO

Sumainyo ang Panginoon.


At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Lagi mo kaming ginagabayan


sa lalong masaganang bagong buhay.
Mapagmahal ka’t maawain
mapagpatawad at mapagpaumanhin.
Muli’t-muli mong inaalok ang iyong tipan
sapagkat nililingap mo kami kailanman
sa pamamagitan ni Hesukristo
na siyang buklod ng iyong kaugnayan sa sangkatauhan.
Ngayon nga ang panahon ng iyong pagpapaunlak
para kami’y makadulog sa iyo
bunga ng kasunduang pinapanariwa ni Hesukristo.
Inaanyayahan mo kaming maglingkod
sa kagandahang-loob ng Espirirtu Santo.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo ng


walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong
kadakilaan:
Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

25
Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,


nagmamalasakit ka sa aming kapakanan
sapagka’t niloloob mo ang aming ikababanal.
Ipinahintulot mo na kusang-loob magdusa si Hesukristo
kahit na walang pagkakasala
sapagkat ipinaubaya niya ang sarili
sa mga kamay ng nagpako sa kanya sa krus
upang sa kanyang pagkabayubay sa pagitan ng langit at lupa
maging tanda siya ng pakikipagtipan
na pinagsasaluhan sa piging ng huling hapunan.

Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at


lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Lingapin mo kaming natitipon


upang lukuban ng Espiritu Santo
na mapagindapat maging katawan at Dugo ni Hesukristo +
ang paghahandog na ito.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay


ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob


na maging handog,

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang


nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

26
Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng
katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas


sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad,
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng
katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

27
Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

_____________________________________________________

Si Kristo‟y namatay!
Si Kristo‟y nabuhay!
Si Kristo‟y babalik sa wakas ng panahon!
_____________________________________________________

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang


siya ay nagdarasal:

Ama naming maaasahan sa katapatan,


sa pag-alala kay Hesukristo
na siyang hain sa huling hapunan
ngayong ginugunita ang kanyang pagkamatay
at muling pagkabuhay
habang pinananabikan ang dakilang araw
ng lubos niyang pagbibigay-kagalakan,
inaaalay namin sa iyo ang hain niyang pagmamahal.

Tunghayan mo ang iyong pinapakinabang


sa tanging minsang pag-aalay ni Hesukristo
upang sa paglukob ng Espiritu Santo
maging isang katawan ng iyong Anak
ang mga magkasalo sa pagkahilom ng sugat
na likha ng alitan at hidwaan.

NAKIKIPAGDIWANG I

Pamalagiin mo kaming nabubuklod


sa isang puso at diwa
upang kaugnay ni Papa N,. at Obispo N,.
itaguyod mo ang pagtutulungan
ng mga naghahanda sa iyong kaharian
at sa gayon ay makadulog sa iyong luklukan

28
sa kasamahan ng mga banal
na pinangungunahan ng mahal na Birheng Maria
at ng mga apostol, kapiling ng lahat ng pumanaw
na aming inihahabilin sa iyong pagmamahal
upang pagkaparam ng kulimlim ng kamatayan
lahat kami’y sumapit sa iyong maningning na kandungan
at maligayang makaawit ng pasasalamat kailanman
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamumuno ni Hesukristo, na aming pagkabuhay.

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang patena at kalis at itataas habang


binabanggit.

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Amen.

29
PANALANGIN NG PAPURI AT PASASALAMAT II

Sumainyo ang Panginoon.


At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Bukod mong pinagpalang maging Ina ni Hesukristo


ang Mahal na Birheng nagpupuri at nagagalak sa iyo.
Ikaw ang gumawa ng tanang dakilang bagay
ikaw ang lumilingap sa lahat kailanman.
Nilingap mo ang Mahal na Birhen
bilang iyong abang alipin
na iyong binigyan ng tungkuling
kumalinga sa Anak mong manunubos namin.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo ng


walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong
kadakilaan:

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo!


Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

30
Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal,


ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at


lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at


kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo +


ng aming Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay


ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng
kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob


na maging handog,

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang


nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

31
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng
katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas


sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad,
at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng
katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.
Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

32
_____________________________________________________

Si Kristo‟y namatay!
Si Kristo‟y nabuhay!
Si Kristo‟y babalik sa wakas ng panahon!
_____________________________________________________

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang


siya ay nagdarasal:

Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alalala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t inaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

NAKIKIPAGDIWANG I

Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspsusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni N., na aming Papa
at ni N., na aming Obispo
at ng tanang kaparian.

33
NAKIKIPAGDIWANG II

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanangan.
Kaawan mo’t pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos


kaisa ni San Jose na kanyang esposo,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na nabuhay dito sa daigdig nang kalugod-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri
sa ikararangal mo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang patena at kalis at itataas habang


binabanggit.

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya, at sa kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Amen.

34
ANG PAKIKINABANG

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin
ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Sapagka‟t iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailan man! Amen.

35
Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

R. Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

R. At sumaiyo rin.

Ipahahayag ng Diyakono.

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa‟t isa.


Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa
ibabaw ng pinggan at iasasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong
niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng katawan sa dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

36
____________________________________________________

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
___________________________________________________

Magkadaop ang mga kamay ng Pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mo akong laging makasunod sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.

Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang


ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang
magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

R. Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


nguni‟t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siyay makikinabang ng magalang at nakayuko sa dambana habang patuloy


na nagdarasal:

37
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo.

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.

Pagkapakinabang ng lahat ipahahayag ng punong tagapagdiwang ang


panalangin pagkatapos ng komunyon.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Manalangin tayo,

Ama naming mapagmahal,


kaming mga tumanggap sa banal na pakikinabang
ngayong ginugunita ang Mahal na Birheng Ina ng Diyos
ay maging dapat nawang magkamit
ng iyong kaloob na pagtubos
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

Ibibigay ngayon ang mga pasasalamat sa ginanap na gawain at ilang mga


tagubilin at paalala. Matapos nito ay tutungo sa isang luhuran sa harapan
ng altar ang punong tagapagdiwang at doon ay pangungunahan ang
panalangin.

38
PANALANGIN NG PAGBABAYAD-PURI

Panginoong Jesu-Kristo, Anak ng Diyos na buhày,


dahil sa labis mong pag-ibig sa aming mga makasalanan,
nagkatawang-tao ka at nag-alay ng iyong buhay sa krus.
Nararapat kang pasalamatan, parangalan, at purihin,
ngunit may mga tao, na dahil sa maling paggamit ng kanilang
kalayaan
ay nililibak ang inyong pagka-Diyos
at ang karangalan ng iyong mga santo.

Lubos kaming nababagabag at nahihiya, Panginoong Jesus,


kaya't kami'y buong pakumbabang lumuluhod
sa harap ng inyong dakilang kamahalan
upang humingi ng kapatawaran
mula sa iyong maawain at mapagpatawad na puso
sa walang pakundangang paglapastangan
sa iyong karangalan.
Matindi ang aming pagkamuhi sa mga may kagagawan nito,
ngunit tinuruan mo kaming magpatawad
tulad ng pagpapatawad mo sa amin.
Alam man nila ang kanilang ginagawa o hindi,
ipinapanalangin namin sila:

Panginoong Jesus, pagkalooban mo sila ng biyaya


ng tunay na pagtitika
at imulat mo ang kanilang mga isip
kung ano ang marangal at maganda,
kung ano ang nagbibigay ng mabuting halimbawa
at gumagalang sa paniniwala ng iba.

Ipinapanalangin din namin ang aming sarili:


Panginoong Jesus, pagkalooban mo kami ng biyaya
na mamuhay kami bilang mga tunay na Kristiyano
upang kami'y maging mga walang bahid mong kawangis
at mga buhày na saksi ng iyong pag-ibig at pagpapatawad.
Amen.

39
Matapos nito, paparangalan ang Mahal na Birhen sa pag-awit ng Salve
Regina. Matapos nito ay muling babalik sa lugar ng pagdiriwang at ibibigay
ng punong tagapagdiwang ang pagbabasbas.

Salve Regina

Salve Regina Mater misericordiae vita dulcedo et spes nostra


salve ad te clamamus exsules filii Evae. Ad te
suspiramus gementes et flentes in hac lacrimarum valle. Eja
ergo advocata nostra illos tuos misericordes oculos ad nos
converte. Et Jesum benedictum fructum ventris tui nobis
post hoc exsilium ostende. O clemens, O Pia, O Dulcis Virgo
Maria.

V. Ora pro nobis sancta Dei Genitrix.


R. Ut digni efficiamur promisionibus Christi.

Oremus.
Omnipotens sempiterne Deus
qui gloriosae Virginis matris Mariae corpus et animam,
ut dignum Filiitui habitaculum effici mereretur,
Spiritu Sancto cooperante preparasti:
da, ut cuius commemoratione laetamur;
eius pia intercessione ab instantibus malis
et a morte perpetua liberemur.
Per eundem Christum Dominum nostrum.
Amen.

V. Divinum auxilium maneat semper nobiscum.


R. Amen.

MARINGAL NA PAGBABASBAS

Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumaiyo rin.

40
Ipahahayag ng Diyakono
Yumuko kayo at hingin ang pagpapala ng Poong Maykapal.

Magkakaroon ng saglit na katahimikan at ipahahayag ng Pari:

Ama naming mapagpala,


ipagtanggol mo at basbasan ang mga kaanib ng iyong angkan.
Ipagkaloob mo ang kalusugan ng buong katauhan,
ang walang pagiimbot na pagmamahalan
at ang walang maliw na katapatan sa iyo,
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
R Amen.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama + Anak at


Espiritu Santo.
R Amen.

Diyakono.
Tapos na ang ating pagdiriwang humayo kayong taglay ang
kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

R. Salamat sa Diyos.

41

You might also like