You are on page 1of 1

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

SA MGA KINAUUKULAN NITO


Ang kasunduan ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong___________________________________
sa ________________________ City.

MENVILUZ GRAFANE, may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan sa 2166 Champaca St., Area B,
Camarin, Caloocan City na siyang tatawaging NAGPAPAUPA, dito kina G./ Gng. Bb. ____________________,
Pilipino, may sapat na gulang at naninirahan sa ______________________________________ na siyang
tatawaging UUPA of UMUUPA.
PAGPAPATUNAY:
Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHAN, na matatagpuan sa
_______________________________________________________________________________,

Na. ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at papaupahan ang nasabing bahay
sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng mga sumusunod.

1. Na ang UUPA ay magbibigay ng isang (1) buwang deposito at isang (1) buwan na paunang kabayaran sa upa;

2. Na ang UUPA ay magbabayad ng halagang ____________________________ bilang kabayaran o upa a loob ng


isang (1) buwan at dapat bayaran tuwing ika -___ ng bawat buwan.

3. Na ang nasabing ISANG buwang deposito ay hindi ibabalik ng NAG-PAPAUPA bagkus ay dapat tapusin muna
ng UMUUPA at ang nasabing deposito ay magagamit lamang sa huling buwang UPAHAN.

4. Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG/TELEPONO ay sa sariling gastos o gugol ng UMUUPA.

5. Na kung sakaling ang UMUUPA ay hindi makakabayad ng kaukulang UPA sa loob ng ISANG (1) buwan, ang
kasunduang ito ay mababaliwala at ang UMUUPA ay pumapayag na lisanin ang naturang paupahan sa maayos at
matahimik na paraan.

6. Na ang nasabing PAUPAHAN ay hindi gagamitin sa anumang uri ng negosyo na labag sa batas tulad ng sugal at
iba pa.

7. Na ang UMUUPA ay hindi pauupahan sa iba ng walang nakasulat na pahintulot o pag-sangayon ng nagpapaupa o
may-ari ng nasabing PAUPAHAN.

8. Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautussan at patakaran ng pangkalinisan at pangkalusugan.

9. Na anumang gagawing pagbabago sa istraktura na ikakasira nito kapag tinanggal ay reponsibilidad ng umuupa na
ayusin o kung hindi naman ito tatanggalin ay mapupunta na ang ginawang pagbabago sa istraktura sa may-ari;

10. Na hindi pinahihintulutan ng may-ari na sobrang pag-gamit sa kuryente na ikadudulot ng problema sa mga linya
nito;

11. Na ang anumang pagkasira ng nasabing PAUPAHAN dahil sa kagagawan ng UMUUPA ay ipapaayos o
ipapagawa ng UMUUPA mula sa sariling gastos o gugol.

12.Na kung sakaling aalis or lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso sa loob ng tatlumpung (30) araw
bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat.

13. Na, kung gaano kaayos ang bahay bago ito inupahan ay ganun ding lilisanin ng umuupa ang nasabing
PAUPAHAN.

14. Kung mag-aalaga nang anumang hayop, kailangan muna itong ipagbigay alam sa nagpapaupa.

15. Pagpapako sa dingding o anumang pagbabago sa anumang parte ng paupahan ay ipinagbabawal maliban kung
papapahintulitan ng UUPA

AT sa katunayan ang paupupahan na ito, ang mag-kabilang panig aynagkasundo at lumagda ngayong ika _____ ng
______________ ditto sa ______________ CITY sa tulong ng POONG Maykapal

PAGPAPATUNAY

SA HARAP KO, na isang NOTARYO PUBLIKO, ay dumudulog sina MENVILUZ GRAFANE at


_________________________, na may kaukulang pagkakakilanlan na isinulat sa itaas ay nakilala kong isyang
nagsasagawa ng nitong kasulatan ng pinatunayan nila sa harap kung Malaya at sarili nilang pagpapasya ngayong ika-
_________________________________ sa ____________ City.
SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANTATAK sa petsa at lugar na nabanggit.

______________________________ ______________________________
NAG-PAPAUPA UUPA o UMUUPA
MGA SAKSI

______________________________________ ______________________________________

You might also like