You are on page 1of 2

“ Lalim “

Activating Stealth mode (Beep-----Beep)

Kasabay ng pagpikit ng mga matang nasaktan ,


Unti-unting nahulog sa dagat ng kalungkutan.
Walang katapusang paghulog.
Naghihintay na sana’y mayroong tumulong.

Iniisip kung saan patungo,


Katulad ng isang nabitawang lobo.
Walang destinasyong kasiguraduhan
Walang pag-asang nasisilayan.

Sumabay sa direksyon ng agos


Nagbabakasakali na sanay makaraos.
Sa buhay na puno ng lihim,
Sa dagat na ubod ng lalim.

Hanggang sa may masilayang liwanag


Hiwatig na ako’y tinatawag
Sinubukan ko itong abutin
Ngunit ako’y nahulog lamang palalim ng palalim.

Unti-unting nahulog sa kadiliman


Nawawala na sa tamang kaisipan
Iniisip kung bakit sa iyo ito nangyari
Walang magawa kung di’ ang magsisi.

“Bakit sa akin ito nangyari?”


Paulit-ulit na tanong sa sarili.
Hindi alam kung pano susulusyunan
Hindi alam kung na saan ang kasagutan.

Nahulog sa dagat ng kalungkutan


Hindi alam kung saan ang patutunguhan
Sa buhay na puno ng lihim,
Sa dagat na ubod ng lalim.

You might also like