You are on page 1of 3

Aking Pamilya

Alicia Mae N. Coronado

Sa mundong ito, simula nang ako’y isinilang,


Ang mga magulang ko ay ang una kong nasilayan.
Mga luhang sabay na pumatak sa aming mga mata,
Mga ngiti, tawa at halakhak sa amin ay nagmula.

Habang ako ay lumalaki sa kanilang piling,


Puro saya at tawa ang aming nararamdaman.
Walang sawang pag-aaruga ang kanilang ibinigay,
At patuloy saming pag-papaalala at pag-gabay.

Ang aking ina ay ang ilaw ng aming tahanan,


Siya ay nararapat sa titulong inilaan.
Umaga hanggang gabi kami ay inaalagaan
At hindi siya nagsawa na kami ay pangaralan.

Ang aking ama ang pundasyon ng aming tahanan,


Siya ay nararapat sa titulong inilaan.
Umaga hangga’t may liwanag siya ay kumakayod,
Sa kanya ay hindi alintana ang init at pagod.

Ama na ipagtatanggol ka sa oras ng unos,


Ina na nagpapangaral samin kahit may kutos.
Kami ay isang pamilya sa puso, isip at dugo,
Hindi maghihiwalay kahit maraming nangugulo.
PROYEKTO SA
FILIPINO

Alicia Mae N. Coronado Ms. Rose Marie Velez


Grade 7-SPES Guro

You might also like