You are on page 1of 3

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
Division of City of San Fernando
PAMPANGA HIGH SCHOOL
PHS Blvd., Brgy., Lourdes, City of San Fernando, Pampanga
FILIPINO 10
Unang Markahan-Buwanang Pagsusulit
T.P. 2018-2019
Pangalan:__________________________________ Petsa:__/___/18__________

Pangkat: 10 -_______________________________ Marka: _________________


Paalala: Anumang uri ng pagbubura o pagpapalit ay HINDI tatanggapin.
I. PAGPIPILIAN: Piliin ang titik na inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat ang sagot bago ang
bilang. Gumamit ng MALALAKING TITIK.
1. Siya ang mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw at
panlilinlang.
A. Ares B. Hermes C. Hades D. Apollo
B.
2. Siya ang diyos na tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako
ang kanyang sandata ay kulog at kidlat.
A. Pluto B. Neptune C. Jupiter D. Mars

3. Siya ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig. Maiuugnay sa kaniya ang ibong kalapati.
A. Aphrodite B. Psyche C. Athena D. Vesta

4. Siya ang diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika at panulaan. Ang simbolo niya ay uwak at
dolphin.
A. Vulcan B. Poseidon C. Artemis D. Apollo
Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na lamang niya ang
tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,”
wika niya bago tuluyang lumipad papalayo.
5. Sino ang lalaking tinutukoy sa unang pangungusap mula sa pahayag na nabasa mula sa kahon?
A. Hari B. Kasintahan C. Cupid D. Apollo

6. Ano ang kahulugan ng pang-apat na pangungusap na binanggit sa pahayag?


A. Mahirap magtiwala lalo na sa bagong kakilala
B. Ang pundasyon ng pag-iibigan ay pagtitiwala
C. Hindi gaanong mahalaga ang tiwala
D. Mas mahalaga na pag-ibig na lamang ang mamayani

7. Ano ang mahihinuha mula sa pangyayari na nasa kahon?


A. Aalis ang lalaki, uuwi sa kanyang ina at magpapagaling
B. Hindi na sila magkikitang muli
C. Gagawa ng paraan ang babae upang hindi na sila magkita
D. Magtatanim ng sama ng loob ang lalaki dahil sa nangyari
1
.
8. Lahat ng nabanggit ay mga pagsubok na ibinigay ni Venus kay Psyche, maliban sa isa:
A. Pagsama-samahin ang magkakauring buto
B. Kumuha ng pilak na balahibo ng tupa
C. Pupunuin ang prasko ng itim na tubig
D. Kukuha ng kagandahan mula kay Proserpine

II. Tukuyin kung ano ang Gamit ng Pandiwa sa pangungusap:


A. Aksiyon B. Karanasan C. Pangyayari
9. Nalungkot si Cupid s autos ng diyos kaya minabuti niyang lumisan na lamang.
10. Umuwi si Psyche sa kaharian ni Cupid.
11. Nanibugho ang mga kapatid ni Psyche dahil sa nakita nilang kayamanan nito.

12. Mataimtim na nagdasal si Psyche sa mga diyos.

13. Ang Parabulang Tusong Katiwala ay makikita sa anong bahagi ng Bibliya?


A. Lukas 16: 1-16 C. Lukas 16: 1-15
B. Lukas 15: 1-15 D. Lukas 15: 1-16
“Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya
ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo
maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila
si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi. Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa
harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na
mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

14. Ano ang paksang diwa ng pahayag na nabasa mula sa kahon?


A. Hindi maaaring maglingkod sa dalawang panginoon
B. Hindi maaaring magmahal ng sabay at pantay
C. Maaaring maglingkod sa dalawang panginoon
D. Maaaring magmahal at maging tapat sa dalawang paginoon
15. Ano ang kahulugan ng salitang binigyan ng diin sa ikatlong pangungusap?
A. Suwail B. Ganid C. Mapagbigay D. Kuripot
16. Ano ang mahihinuhang kaisipan mula sa ikaapat hanggang panghuling pangungusap mula sa
teksto?
A. Madaling magpanggap at magkubli sa harao ng ibang tao
B. Walang lihim na hindi nabubunyag
C. Masasalamin sa pisikal na anyo ang ugali ng isang tao
D. Madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao

III. Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa loob ng panaklong
ang angkop na pang-ugnay . Isulat ang TITIK ng tamang sagot.
17. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-
arian
(A.kaya’t, B.saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 18. (A.Dahil, B. Kaya) tinawag ng
katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis. 19. (A.Saka, B.Pati) pinaupo at pinapalitan ng
limampu ang kasulatan. 20. (A.gayon din, B.dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung
kabang trigo mula sa isandaang trigo. 21. (A.gayunpaman, B. dahil sa) katalinuhan ng katiwala, pinuri
ng amo ang tusong katiwala.
2.
IV. Tukuyin kung Tama o Mali ang mga pahayag. Isulat ang T kung Tama ang pangungusap at M
naman kung Mali ang mga ito.
22. Ang sanaysay na Alegorya ay mula sa panulat at pilsopiya ni Plato.
23. May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa
kabuuan nito.
24. Sila’y naroroon mula pagtanda, at ang kanilang mga binti, kamay at leeg ay nakakadena.
25. Naging mahina ang paningin sa dilim ng bilanggo na nakalabas sa yungib.
26. Kung mayroon mang paligsahan sa pagsukat sa mga anino kasama ang mga bilanggo na
kailanman ay ‘di nakalaya mula sa yungib mananalo ang bilanggong nakalaya.

V. Piliin mula sa kahon ang angkop na Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Pananaw na bubuo sa


pangungusap.
A. Ayon sa E. Sa paniniwala ko
B. Sa ganang akin F. Palagay ko
C. Samantala G. Alinsunod
D. Sang-ayon sa H. Sa kabilang dako

27. ________ mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita ang kanilang
bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-
dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.
28. ________ tauhang si Ibarra sa Noli Me Tangere, “Habang may sariling wika ang isang bayan,
taglay niya ang kalayaan.”
29. ________, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang lansangan na
karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.
30. _________ sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pangedukasyon.”
31. ________ ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang
mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.

VI. Pagtapat-tapatin: Piliin sa Hanay B ang tutugma sa mga katangian mula Hanay A.
Hanay A Hanay B
32. Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan A. Belit-Sheri
33. Siya ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay B. Utnapishtim
34. Siya ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan C. Shamash
35. Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao D. Urshanabi
36. Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao; E. Anu
binigyan ng mga diyos ng buhay na walang F. Etana

VII. Odd-One-Out: Piliin ang naiiba hindi kabilang sa bawat bilang.

37. A. noon B. sumunod C. at saka


38. A. kabilang dito B. dulot nito C. karagdagan dito
39. A. samakatuwid B. tunay na C. higit sa lahat
40. A. resulta ng B. pagkatapos C. sa gayon

Inihanda ni: Chandi T. Santos


3.

You might also like