You are on page 1of 1

HINDI NA BAHAY 'TO - INTERNET CAFE NA!

“Wala pang pagkain?! Bahay pa ba ‘to?” Sigaw ko sa kusina sabay kalampag ng mga
pinggan at kaldero. “Inay, nagtatanim ka na naman! Makakain ba namin ‘yang mga
pinagtatanim mo sa FarmVille? Pagbubunganga ko sa Nanay ko. “Pa-Tetris naman oh.”
Hirit ko. “Tigil-tigilan mo ako dyan Lucrecia ha. Pagod ako sa maghapong paglalaba.
Nag-a-unwind lang ako. At malalanta na mga tanim ko kaya nag log in na ako. Kaya
ikaw na magsaing dyan. “Pa-Tetris muna. Isang level lang. Please!” Ungot ko. “Wala ka
sa pila. Maglalaro pa daw si Kuya mo ng Cocogirl pagkatapos ko dito.” Padabog akong
bumalik ng kusina.

Tiningala ko ang lagayan ng mga panggatong na kahoy. Walang kahoy. Sumandok ako
ng tubig sa tapayan. Walang tubig. Inalog ko ang lalagyan ng bigas. Walang bigas.
“Nasaan si Itay?!” Sigaw ko sa pagkainis. “Huwag mong hanapin ang nagdo-Dota!”
Pasinghal ding sagot ni Mamaw, ang kapatid kong baby bakulaw. Makalipas ang isang
oras. “Nay, ikaw na lang ang hindi pa kumakain. Tama na ‘yang Facebook. Siguro
naman nakapag-harvest ka na sa FarmVille mo.” “Tapusin ko lang itong isang level ng
Tetris. Tatalunin ko kasi itong ka-match up ko.” Hala! Eh sino po ba kalaban nyo? “Si
Gary, kaklase mo.” “Nay, naman! Bigyan mo naman ako ng kahihiyan. Pa’no kung
natalo ka nyan, baka ako ang asarin sa klase.”

Pumasok ako sa kwarto at nag-lock ng pintuan. Madilim ang paligid sa paningin ko.
Maitim ang mga balak ko. This has to stop! Hindi na bahay ‘to. Internet café na! Wala
nang kaayusan sa pamamahay na ito. Mamyang gabi, puputulin ko ang kordon ng
internet connection. Pupuntahan ko ang kapitbahay namin at pagsasabihang lagyan na
ng password ang Wi-fi para hindi na makasagap ng signal ang mga tao sa bahay.
Bukas na bukas. Magbabago ang lahat.

You might also like