You are on page 1of 2

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla.

Masaya at matalino
rin siya. Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang
siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang
gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman
nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit
sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang
dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti
ang alaalang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw niya.
Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok
niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka
niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.
Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap
ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing
manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na


nangitlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria.
Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.
At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang
alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang
saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-


araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay
pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog.
Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili
niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng
magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka
lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang
paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa


kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang
pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang
sunung-sunong.
Aral:

 Hindi masama ang mangarap. Ngunit mas mabuti kung bigyang


pansin ang kasalukuyan at mag-pokus upang makamit ang
pangarap na ninanais.
 Huwag magbibilang ng sisiw hangga’t hindi pa napipisa ang itlog.

You might also like