You are on page 1of 732

INTRODUKSYON

“Ang Aklat ng Katotohanan – maghanda para sa Ikalawang Pagdating”

Alas-tres nang madaling araw noong Nobyembre 9, 2010 nang bigla na


lamang nagising si Maria. Pagtinging-pagtingin niya sa oras, na
namumula sa digital clock na nasa tabi ng kanyang kama, may
naramdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan. Parang wala siyang
bigat at may mainit na pakiramdam sa kanyang sikmura na parang
bumabagtas patungo sa kanyang mga paa, at ramdam ito sa bawat
madaanang himaymay at kalamnan.

Pagbukas niya ng ilaw sa tabi ng kama, sunud-sunod at matitinding


emosyong pisikal at espiritwal ang parang kuryenteng umagos sa buo
niyang katawan. Umupo siyang litung-lito at takang-taka. Agad siyang
napatingin sa isang larawan ni Jesus sa kabinet na nasa tabi ng kanyang
kama.

Biglang nagbago ang mukha sa larawan. Naging parang buhay


ito. Laking gulat niya nang ang larawan ni Jesus ay umumis sa kanya at
nagsimulang gumalaw ang Kanyang mga labi na parang Siya’y
nagsasalita. Buhay na buhay ang Kanyang mukha na may iba’t ibang
expresyon ng pagmamahal, pagaalala at pagmamalasakit. Hindi niya
naririnig ang Kanyang boses, pero pakiramdam niya’y gusto Niya siyang
kausapin.

Naramdaman niya kaagad ang presensiya ng Diyos. Parang isang


kabalintunaan na may naramdaman siyang kapayapaan gayong parang
di-kapani-paniwala ang nangyayari. Nanginginig at umaagos ang luha,
naging para siyang maliit na bata sa harap Niya. At nagkaroon siya ng
napakatinding pagnanais na isulat ang alam niya’y sinasabi ni Jesus sa
kanya.

Namalayan niyang isang pinto ang nabuksan, isang ilaw ang nasindihan,
at wala nang balikan pa.

Pagkuha niya ng isang lumang envelop at isang pen sa tabi ng kama,


nagsimula nang mabuo ang mga salita sa kanyang isipan. Isinulat niya
ang kanyang narinig kung paano ito idinikta sa kanya sa paraang maamo
pero makapangyarihan. Bawat salita ay nabuo nang malinaw, tama at
walang tigil paglapat na paglapat ng pen sa papel.

Ang unang mga salitang kanyang isinulat ay “Ang Loob Mo ay kautusan


para sa akin.” Hindi niya nauunawaan kung bakit niya ito isinulat, pero
alam niya sa kanyang puso na ito’y isang pagtugong likas at bukal sa
kalooban. Sa anu’t anuman, alam niyang ito muna ang dapat niyang
isulat. At pagkatapos ay dumating ang unang mensaheng ibinigay sa
kanya ni Jesucristo.

Ang mensaheng idinikta sa kanya ay naglalaman ng 745 salita at


eksaktong 7 minuto ang ginugol niya para isulat ang mensahe – ang
bawat salita mula simula hanggang katapusan.

Kinaumagahan, pagkasikat ng araw, nagtatalo ang kanyang damdamin.


Sa isang dako, di-kapani-paniwala ang nangyari. Sa kabilang dako, alam
niyang ang nangyari kagabi ay talagang totoo. Kaya binasa niya ang
mensahe. Nanginig siya sa pagkabigla at pagkamangha, at umagos ang
kanyang luha habang unti-unti na niyang nakikita ang katotohanan.

Matalino si Maria na isang ina na apat ang anak. Marami siyang


pinagkakaabalahan at marami ring natupad na pangarap. Sanay siyang
humarap sa mga pang-araw-araw na hamon ng pagnenegosyo kaya siya
dapat ang unang-unang bumale-wala sa mga ganitong pangyayari. Pero
alam niya sa kanyang puso na hindi katha ng kanyang isip ang mga
mensahe at, bukod dito, walang-wala siyang kakayahang gumawa ng
script na kagaya nito.

Kakaba-kabang kinuha niya muli ang larawan ni Jesus at tiningnan


ito. Naghintay. Hinahamon ang larawan na muling gumalaw. At
gumalaw nga ito. Sa pagkakataong ito, umiiyak siyang nagmakaawa kay
Jesus na bigyan siya ng tanda kung ang lahat ng ito nga ay imahinasyon
lamang niya.

Alas onse nang umaga noon. Tulad ng dati, nagbago ang larawan at
muling nagkabuhay ang mukha ni Jesus. Nakadamit siya ng puti at may
gintong palamuti sa kanyang leeg. Ang Kanyang mukha ay payat at
mahaba. Ang buhok Niya’s mamula-mula, medyo kulot at hanggang
balikat. Tumatagos ang Kanyang asul na mga mata na napapaligiran ng
nakakasilaw at nanunuot na liwanag.
Ang liwanag na ito, ayon kay Maria, ay napakalakas at hinihigop ang
iyong lakas. Maamo Niya siyang pinagmasdan, nang may pag-alala,
malasakit at malalim at walang-maliw na pagmamahal. At umumis Siya.

Ang katawan niya’y muling nakaramdam ng parehong mainit at


napagaang pakiramdam gaya noong una. Isinulat niya ang kasunod na
mensahe na para sa kanya lamang. Lubhang mas maikli kaysa nung
nagdaang gabi. Sa pagkakataong ito, sinabi ni Jesus sa kanya na huwag
matakot. At oo nga, nakikipag-usap Siya sa kanya. Pinakiusapan Niya
siyang huwag umalis at maging matatag. Tiniyak Niyang hindi
imahinasyon lamang niya ito.

Sa gayo’y nagsimula na ang mga mensahe bagamat sa simula, walang


kaide-idea si Maria kung tungkol saan o ano ang kahulugan ng mga
ito. Takot na takot siya sa reaksyon ng publiko sa gayong mga mensahe
at nakahinga siya nang maluwag nang sabihan siya ni Jesus na gusto
Niyang manatili siyang di-nakikilala sa maraming dahilan.

Unti-unti, nagising siya sa katotohanang totoo nga ang mga mensahe,


bagamat mas gusto sana niyang hindi. Kaya ipinalagay niyang siya’y isa
pang bisyonaryo, isa pang propeta.

Hindi pala. Sinabi na rin ni Jesus kung sino siya talaga. Sinabi Niya sa
kanya na siya ang propeta ng huling panahon (isang taguring hindi pa
niya narinig kailanman) at hindi siya pinili. Isinugo siya bilang pam-
pitong Sugo para ipahayag, alang-alang kay Jesus, ang mga tatak na
nilalaman sa Aklat ng Pagbubunyag para ihanda ang mundo para sa
Kanyang Ikalawang Pagdating.

Simula noon, halos araw-araw siyang nakakatanggap ng mensahe mula


kay Jesucristo. Ilan sa mga mensahe ay ibinibigay sa kanya ng Birheng
Maria, ang Ina ng Diyos na nagbigay kay Maria ng isang bagong titulo
kung paano nais niyang siya’y makilala, ang Ina ng Kaligtasan.

Ang unang mensaheng tinanggap niya mula sa Diyos Ama ay noong


Hunyo 2011. Nang matanggap niya ang mensaheng ito, katatapos
lamang niyang makatanggap ng isang mensahe mula sa Espirito Santo
na sinabing gusto siyang kausapin ng Diyos Ama.
Nanginginig siya habang sinusulat ang mensaheng ito hindi dahil sa
takot kundi dahil sa Kanyang kapangyarihan at wagas na pag-ibig para
sa buong sangkatauhan. Ipinaliwanag Niya sa kanya kung bakit Niya
talaga nilikha ang mundo. Ito’y para Siya magkaroon ng isang pamilya.

Si Maria ay isang Katoliko Romano, pero inamin niyang bago niya


tinanggap ang mga mensahe ay siya’y isang maligamgam na
Katoliko. Naniniwala siya sa Diyos pero hindi siya relihiyosa sa
tradisyunal na kahulugan. Pero sa loob ng mga buwan bago niya
natanggap ang unang mensahe, nagkaroon siya ng pagbabagong
espiritwal at napakita sa kanya ang Birheng Maria bagamat inilihim niya
ito.

Dahil sa mga aparisyon, mas nanalangin siya at dinasal ang Santo


Rosaryo. Sa pagdarasal niya ng Rosaryo sa harap ng estatuwa ng Ating
Ina noong ika-8 ng Nobyembre, binigyan siya ng Ating Ina ng isang
mensahe na isinulat niya pero hindi niya naunawaan kung ano ang ibig
sabihin.

Sinabi kay Maria na ang Ikalawang Pagdating ni Kristo ay nalalapit na at


siya ang huling sugo, ang huling propeta. Sinabi sa kanya na siya ang
ika-pitong Sugo, ang ika-pitong anghel na magpapahayag sa mundo ng
mga nilalaman ng Mga Tatak sa Aklat ng Pagbubunyag habang ang mga
ito’y binubuksan ng Kordero ng Diyos na si Jesukristo.

Ang mga mensaheng ibinibigay sa kanya ang bumubuo ng Aklat ng


Katotohanan na ipinropesiya sa Aklat ni Daniel para sa huling panahon.

Ibinibigay ang mga ito sa mundo para makatulong sa pagpapalaganap ng


pagbabalik-loob upang ang lahat ng anak ng Diyos ay mailigtas sa
antikristo na malapit nang magpakita sa mundo.

Sinasabi ni Maria na nais ng Diyos na iligtas ang bawat tao, pati ang mga
makasalanang matitigas ang puso. Ang lahat ng maliligtas ay papasok sa
isang Bagong Paraiso sa Lupa kung saan magkakaroon tayo ng isip,
katawan at kaluluwa. Mamumuhay sila sa kagandahan, pag-ibig,
kapayapaan, pagkakasundo, at wala na silang mahihiling pa. Ito ang
pamanang ipinangako ng Diyos sa lahat Niyang anak.
Mas higit pa ito sa anumang malilikha ng ating isip, sabi niya, pero ang
mga lalapit lamang sa Diyos at hihingi ng kapatawaran ang
makapapasok.

Magkakaroon sila ng buhay na walang-hanggan.

Pag tinanggihan nila ang Diyos, sila’y itatapon sa apoy ng Impiyerno


kasama ng antikristo, ng di-totoong propeta at ng lahat ng sumusunod
kay Satanas.

At wala na tayong masyadong oras.

TUNGKOL SA AKLAT NG KATOTOHANAN

Ang Aklat ng Katotohanan ay binabanggit sa Daniel 10:21. Dito


tinutukoy ang isang misteryosong Aklat ng Katotohanan.Ipinaliliwanag
ni Gabriel kay Daniel na lahat ng ibinunyag sa kanya tungkol sa
hinaharap at sa huling panahon ay matatagpuan sa Aklat ng
Katotohanan. Sinabihan si Daniel na selyuhan at sarhan ito sapagkat
ito’y para sa ibang panahon pa,na tinatawag na “Panahon ng Wakas”.

Unang Mensahe mula sa Birheng Maria

Lunes, Nobyembre 8, 2010, 3:30 pm

(Ipinahahayag ang mga propesiyang darating na tatanggapin pa ng


pribadong bisyonaryo na,sa puntong ito, ay walang kaalam-alam kung
ano ang ipinagagawa sa kanya.)

Anak ko, may tungkulin kang dapat isagawa at huwag kang papipigil
kaninuman. Kailangang lumabas ang Katotohanan. Napili ka para
isagawa ang Gawaing ito. Anak ko, magpakatatag ka. Tumingin ka sa
Diyos na nasa itaas para gabayan ka sa pagsasagawa ng aking Gawain.

Kasama mo sa iyong gawain ang lahat ng santo. Ang mga pigura (1)
(tingnan ang katapusan ng Mensahe) na nakita mo ay naroon para
tulungang kang palaganapin ang aking Mga Walang-hanggang Mensahe
para pakinggan ng buong daigdig. Inaakay ka. Hindi ka madadalian
pero nanaisin mong magtiyaga. Ang nangyayari ay naipropesiya na
lahat. Isa kang instrumento para ipahayag ang Salita ng Diyos sa lahat
Niyang anak.

Huwag na huwag mong kalilimutan na mahal ng Diyos ang lahat Niyang


anak pati ang mga makasalanang sumugat ng Kanyang
Damdamin. Humingi ka ng Awa para sa bawat isa sa inyo. Ang Banal na
Pamilya ay magkakaisang muli.

(Nagkaroon ng paghinto…sa puntong yun, nagulat ako kaya Itinanong ko


sa Ating Ina, “Tama ba ang pagka-intindi ko sa bahaging ito? Maamo
siyang umumis at nagpatuloy…)

Kunin mo ang iyong pen, tama yan, at ipakalat mo ang Katotohanan


bago maging huli ang lahat.

Ang Mga Mensaheng ito ay Mula sa Diyos at kailangang


igalang. Inaasahan kitang ipaaabot ito sa tiyak at mabisang paraan sa
isang di-naniniwalang mundo.

Mahalaga talaga na magpakatatag ka alang-alang sa aking minamahal na


Anak. Alam kong nagdurusa ka para sa Kanya, kasama Niya at sa
pamamagitan Niya. Ikatuwa mo ito sapagkat ito’y mabuti. Pinagpala ka,
anak ko, para mapili para sa ganitong Gawain. Magpakatatag ka.

Ipanalangin mo araw-araw na ika’y patnubayan. Mas lalakas ka habang


tumatagal. Huwag kang matakot; ako’y kasama mo at ng iyong pamilya
araw-araw. Pinupuspos ka ng Espirito Santo para maalis mo ang
lambong na tumatakip sa Katotohanan tungkol sa plano ng aking Ama sa
mundo.

Anak ko, alisin mo ang pagdududa. Hindi imahinasyon mo ang


Mensaheng ito mula sa Diyos. Ang Kasulatan na ipinropesiya ay malapit
nang matupad.

Ipanalangin mo ang lahat ng anak ng Diyos. Masyadong nasusugatan


ang damdamin ng aking minamahal na Anak araw-araw. Pinahihirapan
Siya ng mga kasalanan ng tao. Ang pagdurusa Niya ngayon ay umabot
na sa antas na di pa Niya naranasan mula nang Siya’y mamatay sa Krus.
Sa awa ng Diyos, nasa iyo ang lakas at espiritong kinakailangan para
isakatuparan ang iyong Misyon. Ganap na ang paglilinis sa iyo. Handa
ka na para sa labanang naghihintay sa iyo.

Hayo na, aking anak. Isuot mo ang iyong armor. Tumayo kang taas-noo
at tumulong sa paglaban kay Masama. Huwag kang mawawalan ng pag-
asa kung, paminsan-minsa’y nararamdaman mong ika’y nag-iisa. Bawat
hakbang mo’y ginagabayan ng lahat ng anghel at santo – kasama si Papa
Juan Pablo II, si Santa Faustina, at si San Jose.

Salamat, aking anak, sa pananalig na ipinakita mo. Isa kang mandirigma


at mahal na mahal ka ng Diyos Ama at ng aking pinakamamahal na
Anak. Kaisa mo si Jesus at ang iyong kamay ay pinapatnubayan ng
Espirito Santo.

Hayo na, aking anak, para isagawa ang Gawain gamit ang lahat ng
kasangkapang maaari mong hawakan, sa pinakamahalagang panahong
ito sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Pagpalain ka ng Diyos, aking anak.

Ang iyong Nagmamahal na Ina kay Kristo

Maria Reyna ng Kalupaan


 Ang mga pigurang nabanggit ay mga imahe ng mga santong
napakita sa bisyonaryo sa pribadong aparisyon, pero pagkatapos
lamang siya nagka-ideya kung sino sila, bukod sa mga kinilala na sa
itaas, halimbawa, si Papa Juan Pablo II, Santa Faustina at San Jose
at dalawa pang pigurang hindi kilala.

Unang Mensaheng natanggap mula sa Ating Tagapagligtas na


si Jesucristo

Martes, Nobyembre 9, 2010 3:00 am

Hayan, malapit na ang panahon para sabihan mo ang mundo na ang


Katarungan ay babagsak sa lahat ng tatanggi sa Akin. Walang hanggan
naman ang Aking Awa sa lahat ng umaayon sa Katotohanan ng Aking
pagdurusa sa Krus.

Matuwa yung Aking mga alagad na tumatanggi sa mga tuksong


kinakaharap nila araw-araw. Ang ibang tumalikod sa Aking Mga Aral ay
bulag sa mga ipinangako Ko nang Ako’y mamatay sa Krus para sa
kanilang mga kasalanan.

Masyadong mahapdi para sa Akin at para bang Ako’y pinabayaan na ng


Aking minamahal na mga makasalanan na alang-alang sa kanila ay
isinuko Ko ang Aking Buhay sa lupa.

Sa panahong ito, ang mundo’y nababalot sa kadiliman. Kasama Ko sa


matinding pagdurusa ang Aking mga alagad sapagkat saksi sila sa isang
mundo ng mga makasalanan na tinalikuran, hindi lamang ang Diyos na
Aking Amang Walang-hanggan, kundi pati Ako Na Siyang nagdanas ng
isang Malaking Sakripisyo para iligtas sila sa lugar ng walang- hanggang
kamatayan.

Malungkot Ako at mapait na umiiyak dahil sa kabiguan at dalamhati sa


paraan ng ikalawang pagtanggi sa Akin. Hinihimok Ko ang Aking mga
alagad na magtipun-tipon sa panahong ito ng dalamhati sa
mundo. Kailangang talikuran na nila ang kanilang pagwawalang-bahala
para manalangin at samahan Ako para tulungan yung mga kaluluwang
naagaw na ni Masama.

May panahon pa para magsisi ang mga makasalanan. Walang medaling


paraan. Kailangang manggaling ito sa puso. Mga mananampalataya,
huwag kayong matakot na sumigaw nang sabay-sabay para ipahayag
ang Aking pagmamahal sa lahat ng tao.

Mga Kristiyano, mga Muslim, mga Hindu, mga Hudyo at lahat ng


pananalig na nahinuha ng nagkakamaling isip ng sangkatauhan –
nananawagan Ako sa lahat, sa kahuli-hulihang pagkakataon, na buksan
nyo na ang inyong mga mata sa Tunay na Salita ng Diyos, ang Diyos na
nagsugo ng Salita sa pamamagitan ng mga propeta. Ang Katotohanan ay
isinulat at pinagtibay sa Banal na Salita ng Kasulatan, na walang
sinumang tao na maaring ito’y kanyang baguhin, palitan o sikaping
pilipitin ayon sa sarili niyang interpretasyon. Iisa lamang ang
Diyos. Kaya ibaba nyo na ang inyong mga sandata, imulat nyo na ang
inyong mga mata at sumunod kayo sa Akin tungo sa Buhay na Walang-
hanggan.

Ganun Ko nga kayo kamahal, lahat kayo, kaya inialay Ko ang Aking
Buhay alang-alang sa inyo. Nalimutan nyo na ba ito? Sa pamamagitan
ng Aking Dibinong Awa, nagmamakaawa Ako sa inyo na magbalik kayo
sa Akin sa huling pagkakataon. Sa pamamagitan ng Aking Awa,
nagbabalik Ako sa lupa para sikaping tulungan kayo na suriin ang inyong
puso at hanapin ang Katotohanan. Huwag nyong payagan ang
Manloloko na wasakin kayo. Hanapin nyo ang Katotohanan. Ang Pag-
ibig – ang Wagas na Pag-ibig – ang siyang daan patungo sa Kaharian ng
Aking Ama.

Pakitandaan nyo ang Aking Dibinong Awa. Mahal Ko ang bawat isa sa
inyo. Humingi na kayo ng kapatawaran. Iabot nyo ang inyong mga
kamay at magpaakay kayo sa Akin papunta sa Kaharian ng Aking
Ama. Nagbabalik Ako sa lupa gaya ng nasa propesiya. Napakabilis ng
pagdating ng panahong yun kaya maraming hindi
makapaghahanda. Ang daming mabibigla at magugulat kaya hindi
makakapaniwala sa nangyayari. Wala nang masyadong panahon para
ang Aking mga propeta ay makatulong sa paghahanda sa sangkatauhan
para sa Dakilang Pangyayaring ito.

Mga mananampalataya, nananawagan Ako sa inyong lahat na pakinggan


ang Aking Babala. Palaganapin nyo ang Katotohanan. Himukin nyo ang
mga tao na humingi ng Aking Awa. Sisikapin Kong iligtas ang bawat
kaluluwang nagsisisi, maging sa pinakahuli nilang hininga.

Hindi Ko magagawa, at hindi Ko gagawin, na panghimasukan ang


kanilang malayang loob. Isinasamo Ko sa inyo na pakinggan nyo at
sundin ang Aking Salita. Mahal Ko kayong lahat. Hinihiling Ko sa inyo
na manalangin para sa pagbabalik-loob bago dumating ang Huling
Panahon, na halos narito na. Hindi Ko gustong takutin ang Aking mga
alagad, pero isinasamo Ko ngayon sa inyong lahat na iligtas nyo ang mga
kaluluwa. Kailangang paalalahanan nyo silang lahat na kailangang
kailangan na nilang alisin sa kanilang isipan ang mga makamundong
pakay. Sa halip ay hanapin ang mga kabanalan ng simpleng kababaang-
loob kung saan wala ang sarili o anumang dini-diyos.
Ang mga ordinaryong tao ang mamumuno sa pagpapalaganap ng
Katotohanan tungkol sa Aking Ikalawang Pagdating.

Napakabilis na ng paglago ng espiritwal na kadiliman, na ikinakalat ng


ateismo at bumubugsong pagsamba kay Satanas, sa kawawa at walang-
pasalamat na mundo ngayon, kaya ang mga simpleng kaluluwa, ang mga
tunay na mananampalataya, ang kailangang magsagawa ng gawaing ito.

Ipanalangin nyo ngayon ang kaligtasan ng sangkatauhan habang


papunta na ang mundo sa Malaking Pagdurusa gaya ng ipinropesiya sa
Banal na Kasulatan. Nasa malayang loob na ng sangkatauhan kung
handa nilang hanapin ang katubusan para sa kanilang mga kasalanan o
hindi.Huwag na huwag silang matakot. Laging Maawain ang Aking Pag-
ibig.

Ang inyong Tagapagligtas na si Jesucristo

Ang sangkatauhan ay nahaharap sa huling paglilinis

Huwebes, Nobyembre 11, 2010 12:20 am

Oo, minamahal Kong anak, Ako nga. Ikaw at Ako ay magkatabing


magtatrabaho para ihanda ang mundo para sa panahong kinakaharap ng
mundo habang nahaharap ang sandaigdigan sa huling paglilinis.

Mahalagang mangyari ang paglilinis dahil kung wala ito, walang Buhay
na Walang-hanggan para sa Aking mga anak. May mga paghihirap na
daranasin ang Aking mga anak, lalo ang Aking mga alagad, sapagkat ito’y
bahagi ng pakikipaglaban para makapanalo ng mga kaluluwa.

Maging panatag ka. Damhin mo sa iyong puso ang Aking Pagmamahal,


Aking anak. Tanggapin mo ito bilang isang Kaloob mula sa akin. Baka
magulat ka, pero Ako ay iyong pamilya. Nasa bahay kang kasama Ko sa
Aking Kaharian. Ngayon, meron kang trabahong dapat
tapusin. Humawak ka sa Aking Kamay at hahawakan Ko ang iyong isip
at aakayin kita upang pabalikin ang Aking mga anak sa Aking Sagradong
Puso. Magpahinga ka na, anak Ko.

Ang iyong Mapagmahal na Kristo Jesus


Ang iyong Mapagmahal na Tagapagligtas

Ikalawang Mensahe mula sa Birheng Maria

Huwebes, Nobyembre 11, 2010 12:20 pm

Ikaw na aking malakas na anak ng Diyos ay talagang katangi-tangi. Lagi


akong makikipagtrabaho sa iyo sapagkat nakita mo na ang dalawang
mukha ng buhay dito sa mundo. Anak ko, kailangang maintindihan mo
kung ano talaga ang Gawain ng Diyos. Pagpalain ka, aking minamahal,
at salamat.

Oo, mahal kong anak, pinagkalooban ka ng mga Grasya para sa iyong


Gawain. Pagpasok na pagpasok ng Espirito Santo sa iyong kaluluwa,
naging handa ka nang magtrabaho.

Palalakasin ka ng aking walang-pasubaling pagmamahal para sa iyo


habang lumilipas ang mga araw. Pakiusap, huwag ka sanang mag-alala
sapagkat negatibo ang emosyong ito at pipigilan ka lamang nito. Araw-
araw kang manalangin sa akin, ang iyong walang-hanggang Ina. Hindi
kita kailanman iiwan o pababayaan sa iyong Gawain.

Mahal kong anak, pinagkalooban ka ng isang katangi-tanging Kaloob at


ngayo’y kailangan mo na itong gamitin sa paraang ikaw lamang ang
nakaaalam. Oo, anak ko, nauunawaan kong ito’y lubhang
nakakatakot para sa iyo ngayon. Tinitiyak ko sa iyo na lagi mo akong
kasama sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay. Sumaiyo ang
kapayapaan.
Sa iyong puso ako laging mananahan. Pagpalain ka, anak ko at salamat
sa iyong pagtugon.

Ina ng Kapayapaan at Pag-asa.

Dinudurog ng mga kasalanan ang Aking Sagradong Puso

Biyernes, Nobyembre 12, 2010 3:00am

Isulat mo ito, anak Ko. Lumilipas ang mga oras. Huwag mong bale-
walain ang Aking kahilingang ilathala ang Aking Babala sa
sangkatauhan. Kailangan na ang pagsisisi. Kailangang dinggin na
ngayon ng Aking mga anak ang Aking Babala. Anak ko, ang una mong
gawin ay kausapin ang mga Kristiyanong Grupo para sabihin ang Aking
mga kahilingan.

Magpakatatag ka. Pinili kita para sa Gawaing ito upang medaling


didinggin ang Aking mga kahilingan para sa pagtubos. Isulat mo ang
Aklat at ipahayag ang Aking Mga Mensahe gamit ang mga modernong
komunikasyon gaya ng Internet at media. Kailangang kailangan ang
Aking kahilingan pero aakayin kita para maunawaan ang Mensahe.
Mas malakas ka kaysa iyong akala. Mas manalangin ka pa, araw-araw,
sa Aking Dibinong Awa. Huwag kang matakot. Bakit ka takot na
takot? Ang Buhay na Walang-hanggan, sa pagsasanib ng Langit at Lupa,
ay dapat magiliw na tanggapin. Ito na ang siyang adhika ng tao mula pa
sa simula. Huwag kang magpalinlang sa mga pang-aakit ng
mundo. Walang kwenta ang mga ito kumpara sa kagandahan ng
Kaharian ng Aking Ama. Bibigyan ka ng tulong sa oras na simulan mo
ang pagsasagawa ng iyong plano.

Naging napakatindi ng mga huling araw para sa iyo, pero tinanggap mo


pa rin nang bukal sa iyong kalooban ang hinihiling Ko sa iyo. Mahirap
at baka medyo nakakatakot para sa iyo ang intindihan ang lahat ng ito,
pero mahalagang ikaw ay manalig sa Akin.

Kumapit ka at sumandal sa Akin sa iyong puso. Isuko mo ang anumang


dudang meron ka at magiging mas madali ang iyong gawain. Kailangang
ipagunita mo sa mga tao ang Aking pangako at banggitin ang Aking
Nakasulat na Salita. Sa Kasulatan ka sumandig para maunawaan.
Huwag na huwag kang matatakot ipaalala sa mga tao kung paanong
dinudurog ng mga kasalanan ang Aking Sagradong Puso at tinutusok ang
Kaluluwa ng Aking Walang-hanggang Ama.

Kami ng Aking Ina at lahat ng santo, ay hahawak sa iyong kamay at


bibigyan ka ng lakas. Padadalhan ka ng praktikal na gabay at
pagbubuksan ka ng pinto para tulungan ka sa iyong Gawain.

Mag-ingat ka sa mga gumagawa ng mga hadlang para pabagalin ka sa


iyong mga komunikasyon. Ipanalangin mo sila at magpatuloy ka na sa
iyong gawain. Alam Kong pagod ka na pero kailangang matugunan
kaagad ang Aking kahilingan.
Panahon na para magpahinga ka, anak Ko. Mahusay ang iyong
pagtugon, may pananampalataya at katapangan. Huwag na huwag kang
susuko.

Ang iyong Minamahal na Tagapagligtas na si Jesucristo

Ang Aklat na ito ay magbabago ng mga buhay at magliligtas ng mga


kaluluwa

Biyernes, Nobyembre 12, 2010 3:00 pm

Sige, gawin mo ang kailangang gawin para makita at marinig ng mga tao
ang Aking Mga Dibinong Mensahe.

Mahal Kong anak, may tiwala Ako sa iyo kaya gamitin mo ang anumang
paraang sa palagay mo’y makakasiguro na babasahin ng mga tao ang
Mga Mensahe. Kakailanganin mo ang iyong buong lakas para sulatin
ang Aklat.Ang Aklat na ito (2*) ay magbabago ng mga buhay, magliligtas
ng mga kaluluwa at naipropesiya na. Oo, ang Aklat ang siyang
ipinropesiya. Ikaw ang tagalusat. Ako ang Manunulat.

Huwag kang mabibigla o magugulumihanan sapagkat napaka-sagrado


ng gawaing ito at pinili ka para isagawa ang Gawaing ito na kasama
Ako. Tatagal ito ng tatlong buwan. Nais Kong ilathala mo ito sa buong
daigdig. Kailangang malaki ito, makapangyarihan at hahanapin ng
milyun-milyon kagaya ng Banal na Biblia.

Anak ko, mailalathala mo ito “sa pakikipag-usap sa lihim na propeta.”


Okey lang gawin ito. Anak Ko, bakit ka natatakot? Ginagabayan ka mula
sa langit. Magpakatatag ka. Manalig ka sa Akin. Sumuko ka. Aakayin
kita sa bawat hakbang mo sa daan. Kakausapin Kita pagkatapos.

Ang iyong Mapagmahal na Tagapagligtas na si Jesucristo

(2) *Ang aklat na tinutukoy ni Jesus ay ang unang volume ng Mga


Mensahe na ipinrisinta sa daigdig noong Pebrero 2011.

Ang Banta ng Impiyerno at ang Pangako ng Paraiso

Sabado, Nobyembre 13, 2010 3:00 am

Mahal Kong anak, dumaan ka sa isang nakakakilabot na pag-uusig na


Aking pinahintulutan para palayain ang iyong kaluluwa mula sa parusa
ng Impiyerno. Malaya ka na ngayon at bibigyang-kakayahan ka ng iyong
espirito na palaganapin ang Aking Salita para mapalaya ang
sangkatauhan mula sa pagdurusang naghihintay sa kanila kung maging
napaka-tanga nila para sumuko kay Masama.

Anak ko, isinugo ka na mula pa sa simula. Ilang araw pa lang ay


pinalakas na Kita. Sa palagay mo’y magiging ano ka sa isang linggo, o sa
isa o dalawang taon kaya? Isang mandirigma, matatag hanggang sa
huli. Makikitrabaho ka sa Akin para linisin ang mga kaluluwa ng Aking
mahal na mga anak na lubha at lubusan Kong pinagmamalasakitan. Ang
Aking Pag-ibig ay umaagos na parang ilog sa Aking Mga Ugat. Hindi
nababawasan ang Aking malasakit sa kabila ng kanilang pagtalikod.

Ililigtas Ko sila sa Parusa ng Impiyerno

Anak Ko, sabihin mo sa kanila na ililigtas Ko sila sa parusa ng


Impiyerno. Kailangang magbalik sila sa Akin sa kanilang walang-tuwa at
nalilitong kalagayan. Iisa lamang ang daan tungo sa pag-ibig at
kapayapaan. Yun ay sa Aking Bagong Paraiso pag nagsanib na ang
Langit at Lupa. Di ba nila alam ito? Di pa ba nila kailanman narinig ang
Aking pangako noong una pa man? Ang pangako ng Buhay na Walang-
hanggan, kung saan sila – lahat ng taong lalapit sa Akin – ay itataas –
katawan, kaluluwa at isipan – sa Bagong Langit at Lupa pag muling
nagsanib ang mga ito bilang siyang Paraisong napakatagal nang
ipinangako sa mga anak ng Aking Ama.

Isinasamo Ko sa inyo: maniwala kayo. Mag-isip-isip kayo. Kung hindi


pa kayo kailanman naging bukas sa Banal na Kasulatan, itanong nyo sa
inyong sarili itong simpleng katanungan: Kung nakakaramdam kayo ng
pag-ibig sa inyong puso, saan sa palagay nyo ito galing? Ito ba ang pag-
ibig kung saan nararamdaman nyong kayo’y maamo, mapagkumbaba,
maawain at walang pagka-makasarili? Kung gayon, ito nga ang pag-ibig
na ipinangangako Ko sa lahat Kong anak na magbabalik sa Akin.
Kung paanong iniiwan kayong hungkag ng makamundong mga
ambisyon

Mahal Kong mga anak, alam Kong mahirap maniwala sa isang mundong
naiiba sa inyong kinaroroonan. Kung inyong maaalala, ang mundong
ito’y Likha ng Diyos, ang Amang Walang-hanggan, at pagkatapos ay
dinumihan ng mga gawain ni Manloloko. Masyadong tuso siya, itong si
Satanas. Kayo, mga anak Ko, tiyak na alam nyong ang mga
makamundong ambisyon na hindi kayo binubusog ay hindi rin kayo
ginagawang ganap. Ramdam nyo ang isang kahungkagan na hindi nyo
maipaliwanag o maunawaan. Hindi ba? At hangad pa rin kayo nang
hangad. Pero hindi pa rin kayo masiyahan samantalang sa palagay nyo’y
ganun ang dapat mangyari. Bakit ganun? Nasuri nyo na ba ang inyong
puso at nagtanong? Bakit? Simple lang ang sagot.

Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan. Tinukso naman ni Satanas ang


sangkatauhan. Naroon si Satanas sa magandang mundong nilikha ng
Aking Amang Walang-hanggan mula sa Wagas na Pag-ibig. Malungkot
mang sabihin, mananatili si Satanas hanggang sa Aking Ikalawang
Pagdating. Doon siya malalantad dahil sa kanyang lubos na mga
kasinungalingan at panloloko, na ipinakita niya sa Aking mga anak. Sa
puntong yun, magiging huli na ang lahat para sa marami sa Aking mga
anak pati na yung mga di pa tiyak o nag-aatubili pang maniwala sa
Makalangit at Mas Mataas na Likha ng Kaharian ng Aking Ama.

Huwag Akong Itanggi

Makinig kayo! Akong si Jesucristo, ang Tagapagligtas na sinugo para


bigyan kayong lahat ng ikalawang pagkakataon para makapasok sa
Kaharian ng Aking Ama, pakinggan nyo na ngayon ang Aking
pangako. Makinig kayo sa Aking Tinig na sinugo ng Dibinong Grasya sa
pamamagitan ng Aking mga bisyonaryo at propeta sa mundong
kasalukuyan, at unawain nyo na lahat ng Aking anak ay pantay-pantay sa
paningin ng Aking Ama.
Pinagpala ang mga sumusunod sa Kanya pero dumaranas sila ng pahirap
para sa mga kaluluwang hindi naniniwala at ayaw makinig. Ang mundo
ay nilikha ng Diyos. Hindi ito basta lumitaw na lamang mula sa
kawalan. Ang tao, hindi niya inimbento, o magagawang imbentuhin ang
gayong Milagro na hindi kailanman maipaliliwanag ng siyensiya. Ang
Maka-Diyos na Makalangit ay hindi kailanman talagang mauunawaan
hanggat hindi susuko ang lahat ng anak ng Diyos sa isip, sa katawan at sa
kaluluwa, sa Wagas na Pag-ibig na Aking iniaalok.

Nakikiusap at nagsusumamo Ako sa inyong lahat, huwag nyong itanggi


ang inyong Maykapal. Huwag naman nyong pakinggan ang
mapanlinlang na mga kasinungalingang sinabi sa inyo ng mga Free
Mason, ng mga Illuminati, ng mga di-totoong propeta at ng mga kakaiba
at lubos na masamang mga kulto na umunlad dahil madaling lokohin
ang tao.

Totoo si Satanas

Ang sangkatauhan ay mahina. Maging ang mga pinakabanal na mga


alagad ay nasisilo ng walang-humpay na panunukso ni Masama. Ang
problema nga lamang ay kung sino pa yung mga naghahanap ng
kasiyahan ay siya pang hindi naniniwalang siya’y totoo. Sila ang
nagdudulot sa Akin ng pinakamalaking sama ng loob.

Mga sugat na muling bumuka at nagnanana

Gayun katindi ang Aking pagdurusa na ang Aking Mga Sugat na natamo
Ko sa Aking nakakikilabot na Pagpapako sa Krus ay muling bumubuka at
nagnanana, kaya napakahapdi ng paghihingalo ng Aking Katawan,
Kaluluwa at Pagka-Diyos. Pero hindi Ko titigilang mahalin kayong lahat.
Nananawagan Ako sa inyo mula sa Langit alang-alang sa Aking Amang
Walang-hanggan Na Siyang lumikha sa bawat isa sa inyo dahil sa Wagas
na Pag-ibig: magpakatatag kayo. Talikuran nyo si Satanas. Maniwala
kayo na siya’y umiiral. Tanggapin nyo na nariyan nga siya. Imulat nyo
ang inyong mga mata. Di nyo ba nakikita ang kaguluhang ginagawa niya
sa inyong buhay? Bulag ba kayo?

Isang Mensahe sa mayayaman

Sa mayayaman, sinasabi ko: huminto kayo. Mag-isip at itanong sa Diyos


kahit sandali: ang pagtupad at pagsasabuhay nyo ba ng mga utos ng
Diyos ay kasiya-siya sa inyo? Tama ba sa palagay nyo? Itinanggi nyo na
ba Ako dahil sa makamundong mga pagmamalabis? Ito mismong mga
pagmamalabis at mga kasiyahan ang maghahatid ng kahungkagan sa
inyong puso. Malalaman nyo sa inyong kalooban na parang hindi
tama. Pero magiging uhaw pa rin kayo para sa higit pang hungkag pero
nakapupukaw ng damdaming mga pangako na inihahain ni Satanas
kapalit ng inyong kaluluwa.

Isang Mensahe sa mga alagad ng Illuminati

Isinasamo Ko sa inyong lahat, lalo na sa Aking mga anak na naakit na ng


mga Illuminati at iba pang masasamang tao. Pag napapunta kayo roon,
nakondena na kayo sa walang-hanggang parusa. Di nyo ba alam na ang
ipinangakong kapalit sa inyong kaluluwa ay isang
kasinungalingan? Isang madaya at nakakatakot na
kasinungalingan. Hindi nyo kailanman matatanggap ang mga regalong
ipinangako ng masamang sugong ito galing sa kailaliman ng
Impiyerno. Bilang Tagapagligtas na nasa Krus, inialay Ko ang Aking
buhay para iligtas kayo. Huwag nyo namang hayaang mawala kayo sa
Akin ngayon. Mahal Ko kayo, mga anak Ko. Lumuluha Ako habang
nagsusumamo Ako sa inyo sa kahuli-hulihang pagkakataon na huwag
Akong talikuran para lamang kay Manloloko.
Patatawarin Ko lahat ng mangungumpisal

Hindi Ko maaaring pakialaman ang inyong malayang loob sapagkat isa


yun sa mga Kaloob na ibinigay sa inyo nang kayo’y isilang sa Liwanag ng
Diyos. Ako’y darating – gaya ng ipinropesiya nang di-katagalan sa
Kasulatan – nang mas maaga pa kaysa aakalain ninuman. Ang mundo’y
bubulusok sa kadiliman at kawalang-pag-asa. Pero patatawarin Ko sa
isang iglap, lahat at bawa’t isa sa Aking mga anak, pag nabunyag sa
kanila ang kanilang mga kasalanan, gaano man kabaho ang mga ito, sa
sandaling sila’y mag-Kumpisal.

Papasok sila katawan at kaluluwa sa Paraiso pag nagsanib ang Langit at


Lupa, at doon kayo’y mabubuhay nang walang-hanggan kasama ang
inyong Pamilya magpakailanman.

Mga pangakong alok ng Paraiso

Walang pagkakasakit, walang pagkabulok ng katawan, walang kasalanan


– tanging pag-ibig lamang. Ito ang pangako ng Aking Paraiso. Wala
nang mangangailangan ng anupaman. Bawat isa’y mamumuhay sa
pagkakasundo, kaligayahan at pagmamahalan.

Totoong may Impiyerno

Huwag nyong tatanggihan ang buhay na ito para sa buhay na ipinangako


sa inyo ni Satanas! Pinagsisinungalingan kayo. Pag sinundan nyo itong
landas na ang Diyos o Akong si Jesucristo ay hindi kasali, nasa landas na
kayo ng walang-hanggang kaparusahan. Mapapatili kayo sa takot pag
nakita nyo ang inyong pagkakamali. Sa puntong yun, magsusumamo
kayo ng Awa, kakalmutin nyo ang inyong mukha, bubunutin ang inyong
buhok, pero dahil sa meron kayong malayang loob, isang Kaloob mula sa
Aking Ama, hindi ito maaagaw sa inyo. Pag pinili nyo ang di-totoong
landas na ito, walang-hanggan ang inyong kaparusahan at susunugin
kayo sa Impiyerno magpakailanman. Totoo talaga ito.
Ang pinakamalaking parusa ay pag nalaman nyong hindi nyo na
kailanman makikita pa ang Mukha ng Diyos

Ang pinakamalaking parusa ay ang malaman nyo sa wakas na meron


nga palang Diyos. Na Ako nga palang si Jesucristo ay talagang umiiral at
wala nang anumang paraan pa para mailigtas nyo ang inyong sarili sa
puntong yun. Maaaring pagmasdan kayo ng inyong pamilya sa kabilang
panig. Pag nangyari yun at nalaman na nyo ang masakit na
katotohanan, huli na ang lahat. Tandaan nyo ang Mga Salitang ito.

Ang pinakamalaking parusa ay pag nalaman nyong hindi nyo na


kailanman makikita pa ang Mukha ng Diyos. Yun ang pinakamalaking
pasakit na makakasama nyo magpakailanman sa apoy ng Impiyerno
kung saan palagian at walang patid ang sakit. Sa halip na masiyahan
kayo sa Paraisong ipinangako sa inyo, dahil sa mga kasinungalingan ni
Manloloko ay sa nakakakilabot na mga pasilyo ng Impiyerno kayo
hahantong. Totoo talaga ito at dito makikita ang walang katapusang
pagdurusa.

Pakiusap, kayong mga hindi naniniwalang Ako’y nakikipag-usap sa


sangkatauhan, hinihiling Kong manalangin kayo sa Aking Sagradong
Puso. Manalangin kayo sa Aking Divine Mercy sa alas-tres nang hapon
araw-araw. Tutugunin Ko ang inyong kahilingan nang may
Pagmamahal, na kaagad nyong mararamdaman. Mga anak, humawak
kayo sa Aking Kamay. Huwag kayong bibitaw. Gayon Ko kayo kamahal,
na inialay Ko ang Aking Buhay para sa bawat isa sa inyo para kayo’y
maligtas.

Sa pagkakataong ito, dumarating Ako para Maghukom. Mahal Ko man


kayo, hindi Ko pa rin maaaring pakialaman ang malayang loob na
Kaloob sa inyo ng Aking mahal na Ama. Inaasahan Kong sa
pamamagitan ng Aking mga pangkasalukuyang bisyonaryo at mga
propeta ay makikinig din kayo sa wakas. Tandaan nyong ang
Katotohanan ang daan tungo sa walang-hanggang kaligtasan at isang
bagong simula pag ang Paraiso ay nagbalik sa Lupa.

Ang mga kasinungalingan ni Satanas

Ang mga kasinungalingan, gaano man ka-nakaaakit, ay hanggang doon


na nga lamang. Mga kasinungalingang sadyang ginawa para nakawin
ang mga mahal na kaluluwa, na hindi maaaring palayain ng Aking
Amang Maykapal at Maygawa ng Lupa.

Ang inyong Dibinong Tagapagligtas

Jesucristo

Palatandaan ng Huling Panahon pero Babalik sa Lupa ang


Kaluwalhatian

Linggo, Nobyembre 14, 2010 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, huwag mong sisihin ang iyong sarili dahil
sa mga pagdududa mo ngayong araw. Natural lamang ito. Ang
pagkaunawa mo sa pang-espiritwal na mga bagay ay di kasin-lalim ng
nararapat pero okey lang yun.

Aakayin Kita at mauunawaan mo rin, sa paglipas ng panahon, ang pakay


ng iyong Misyon. Nais Kong ikaw ay maging malakas sa iyong Gawain at
sa iyong pagsunod sa Akin. Mahirap ang gawaing ito at makakabagbag
sa iyong damdamin.
Padadalhan Kita ng iyong spiritual director. Malalaman niya ang
Katotohanan pag nagsalita ka. Sa puntong ito, naunawaan mo na ang
ilan lamang sa mga kasalanan ng sangkatauhan nitong dalawang araw na
nagdaan, sa paraang hindi mo pa nagagawa hanggang ngayon. Nakita
mo ba ang kaibhan? Kaiba ba ang nadama mo nang pagmasdan mo ang
Aking mga anak? Nakita mo sila sa ibang liwanag, hindi ba? Yun ang
Kapangyarihan ng Espirito Santo, na ipinagkaloob Ko sa iyo.

Ang pagmamahal na nadama mo sa iyong puso para sa Aking mga anak


at sa paring nakita mo sa Misa ngayong araw ay isa ring Kaloob Ko sa iyo
sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espirito Santo. Ngayo’y makikita
mo, madarama at maririnig ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa
paraang madarama mo ang hapding nadarama Ko. Makikita mo rin ang
kung anong Pagmamahal meron Ako para sa Aking mga anak sa
pamamagitan ng iyong mga mata na sumasalmin sa Aking Puso.

Huwag kang matakot sa Mga Kaloob na ito, anak Ko. Huwag mong
isiping hindi mo kaya ang gawaing ito sapagkat bibigyan ka ng lakas sa
pamamagitan ng Aking Mga Grasya at gagawin ka nitong
matatag. Hindi ka na lilingon sa likuran. At hindi mo na rin ito
nanaising gawin.

Sa pakiramdam mo’y mahina ka ngayon. Ito ang pakiramdam ng Aking


Maka-Diyos na Kapangyarihang malakas na umaagos sa buo mong
katawan. Ang init ay ang Pagmamahal Ko sa iyo. Hanggang ngayo’y di-
pangkaraniwan ang iyong lakas at pagtanggap gayong ilang araw pa
lamang ang nakalilipas mula nang una Kitang kausapin. Hindi, anak Ko,
hindi imahinasyon mo lamang ito. Patuloy mong kinu-kuwestiyon ang
iyong sarili at ang mga malapit sa iyo.
Ang mga nagbebenta ng kanilang mga kaluluwa kay Satanas

Ngayon, isulat mo ito. Ang mundo’y humihingal sa bigat ng kadiliman at


masamang plano ni Masama na patuloy na inaakit at tinutukso ang
Aking mahal na mga anak. Ganun katindi ang pagkabitag sa kanila na
kumakawag silang parang hayop maging sa harap ng
sangkatauhan. Gaano karaming kawawang mga kaluluwa , na
nabubusog sa kahalayan, katakawan at kayabangan, ang nakikita ng mga
may pananampalataya sa ganung ka-kawawang kalagayan? Akala nila,
sa kanilang kayabangan, ay meron silang tunay na kapangyarihan. Ang
kapangyarihang ipinangako sa kanila ni Satanas. Marami sa mga anak
na ito ang nagpasya nang ibenta ang kanilang mga kaluluwa at
ipinagyayabang pa nila ito.

Mas marami pa sa Aking mga anak ang naaakit sa ningning at yaman ng


kanyang mga pangako at ipinakikita pa nila ito sa buong mundo. Hindi,
hindi nila ikinahihiyang ipagmalaki na sila’y sa kanya na. Ang mga
ipinangako niya ay hindi lamang basta mga kasinungalingan, kundi
ginawa niya ito dahil sa walang-halong pagkamuhi. Kinamumuhian ni
Satanas ang sangkatauhan.

Pinagsisinungalingan niya ang Aking mga anak at sinasabi sa kanila na


kahit ano’y maibibigay niya sa kanila, pero sa kasamaang-palad, ito’y
isang kasinungalingan. Yung mga sumusunod sa kanya at sa kanyang
walang-laman na mga kasinungalingan ay hindi maliligtas at hindi
maaaring iligtas.

Manalangin, manalangin, manalangin, para sa Aking mga anak. Anak


ko, alam Kong pagod ka na, pero pakinggan mo ito. Para sa mga
mananampalatayang malahininga at hindi naman tahasan at lubusang
kakampi ni Masama – sila rin ay dapat mag-ingat. Sila, kasama ng
Aking mga alagad at ilan sa Aking mga sagradong lingkod, mga Obispo at
Kardinal na pinagtatawanan ang pananampalataya ng Aking mga
anak. Ang kanilang pagiging espiritwal ay nawala dahil sa kasakiman ng
ilang grupo na gumagamit ng ginto at kayamanan para mapawalang-bisa
ang Mga Dibinong Kaloob na ibinigay sa kanila bilang mga disipulo ng
Diyos.

Naligaw na ang Simbahan at bumubulusok ito sa kadiliman. Ito, anak


Ko, ay nai-propesiya na at ito’y palatandaan ng Huling Panahon. Ito ang
panahon na magkakaroon ng kahuli-hulihang papa at maliligaw ang
mundo sa maling pag-akay ng Di-totoong Propeta.

Anak Ko, bibigyan ka ng mga pagbubunyag tungkol sa kung ano ang


mangyayari bago sumapit ang Aking Ikalawang Pagdating. Ito’y para
pakinggan ang iyong mga salita at nang sa gayo’y maihanda ang mga
kaluluwa bago dumating ang Dakilang Babala. Huwag kang
mabahala. Magpapatuloy ang buhay. Babalik sa lupa ang
kaluwalhatian. Ang Aking mga anak ay matutubos mula sa mga kuko ni
Masama at siya nama’y mawawasak. Ang mahalaga’y hindi niya
maloko at sa gayo’y mabitbit niya ang Aking mga anak sa kailaliman ng
Impiyerno. Kailangang malakas ang dating ng Aking Salita. Kailangang
pakinggan Ako ng Aking mga anak. Kung binibigyan Ko sila nitong
Babala, ito’y dahil sa Wagas na Pagmamahal, sapagkat dumarating Ako
bilang Hukom at hindi Tagapagligtas. Kaya lamang naantala noon ang
panahon ng Paghuhukom ay dahil sa mga panalangin ng Aking Mahal na
Ina at ng Aking mga alagad. Hindi na ngayon.

Walang makaaalam ng petsa ng Ikalawang Pagdating

Ang petsa ay hindi sasabihin sa iyo o sa Aking mga anak. Hindi ito
maaaring ibunyag. Kaya mahalagang maging handa ang lahat Kong
anak. Para sa mga hindi maghahanda, hindi nila pwedeng sabihing
hindi ibinigay sa kanila ang Katotohanan. Pagsapit ng Babala,
malalaman na nila ang Katotohanan. Oo, kung mangungumpisal sila at
aaminin nila ang kanilang mga kasalanan, tatanggapin nila ang Aking
Bendisyon. Kung hindi, itatapon sila sa Impiyerno. Sa panahong yun,
tapos na ang Aking Awa.
Hayo na, Aking anak. Ihanda mo ang Salita para pakinggan ng
mundo. Sabihin mo sa Aking mga anak, ang mga sumasampalataya, na
huwag silang matakot. Sabihin mong ipanalangin nila ang mga hindi
sumasampalataya. At pagkatapos ay sabihin mo sa mga hindi
sumasampalataya na sila’y magbalik sa Akin. Gawin mo lahat ng
maaaring gawin para himukin silang buksan ang kanilang puso.

Ang inyong Tagapagligtas na si Jesucristo Na dumarating para


Maghukom sa mga nabubuhay at mga namatay.

Ang Ikalawang Pagdating

Lunes, Nobyembre 15, 2010 3:00 am

Salamat, anak Ko, at pinapagtiyagaan mo ang Aking Katotohanan at


nauunawaan mong ang Aking pakikipag-usap sa iyo ay talagang
totoo. Madarama mo ang Aking Espirito sa iyong katawan pagdating Ko
para ibunyag ang Aking Dibinong Mensahe na kailangang maunawaan
ng sangkatauhan sa panahong ito. Dala Ko ang Mensahe ng Wagas na
Pag-ibig at Pagdurusa sa mga anak ng Aking Ama. Ang Mga Mensaheng
ito ay para ipaliwanag sa lahat ng alagad ng Diyos na kailangan muna
nilang lumuhod at unawain ang Katotohanan ng Aklat ni Juan.

Ang panahon ng Aking Ikalawang Pagdating ay sumapit na. Ang Mga


Palatandaan nito’y ibinubunyag na sa mga nakakaalam ng mga
propesiyang binanggit na, matagal nang panahon ang
nakalilipas. Hayan, ano’ng nakikita nyo ngayon? Nakikita na ngayon
ang mga palatandaan. Hindi nababatid ng tao ang nakakakilabot na
pagbulusok pababa na maaari niyang pagdaanan. Ang buktot na
kasinungalingang pinangangatawanan at tinatanggap ng mga walang ka-
suspe-suspetsang mga gobyerno, ay nakatago at di-napapansin sa
balatkayo ng kaligtasan.

Makinig kayo ngayon sa Akin, mga anak Ko. Ang antikristo ay malapit
nang dumating. Magbantay kayo, at buksan nyo ang inyong mga mata at
puso sa Katotohanan, at kung hindi ay mamamatay kayo. Huwag kayong
matakot, mga mahal Kong alagad, sapagkat aakayin nyo ang Aking
kawan patungo sa Banal na Pagsamba sa Aking Amang Walang-
hanggan. Ang Pagkain ng Buhay ay magiging sagana para sa mga
sumasampalataya sa loob ng madidilim na araw na darating. Magsama-
sama kayo. Magmahalan kayo. Magbigayan kayo ng lakas sa isa’t
isa para mapag-isa nyo ang lahat ng lahi, pananalig at
mananampalataya sa lahat ng dako patungo sa Kaharian ng Aking Ama.

Ang magiging gawain nyo ay ipakita ang Pag-ibig ng Diyos, ang


kabutihan, ang pagmamahalan, ang pag-asa at ang Katotohanan ng
Buhay na Walang-hanggan, na naghihintay sa buong sangkatauhan. Sa
sama-samang pananalangin, sa pagwaksi nyo ng panlabas na pader ng
kayabangan at pagka-mahiyain, kayo’y magiging isang
makapangyarihang lakas. Sa pagsasama-sama, kayo’y lalakas. Ang
inyong pananalig sa Akin, na inyong Dibinong Tagapagligtas, ay
makakatulong para ang mga hindi sumasampalataya ay magbalik-
loob. Marami sa mga ito ay hindi nakakaalam sa Aking Pag-ibig hindi
dahil sa kagagawan nila. Maaaring nakakadama sila ng pagmamahal sa
isa’t isa pero hindi nila alam kung saan ito galing. Akayin nyo sila, Aking
mga anak ng Diyos, tungo sa Liwanag.

Ako ang Tinapay at Ako ang Liwanag. Iingatan kayong lahat ng Aking
Liwanag. Pero hinihimok Ko kayo na maging mapagbigay sa puso at
kaluluwa at alalahanin ang mga kawawang kaluluwang yun na
nangangailangan ng inyong pag-akay. Kailangang gawin nyo ito sa
pamamagitan ng halimbawa at ipakita sa mga kaluluwang yun kung
paano lalapit sa Akin. Kailangang suyuin sila sa maamo pero matatag na
paraan habang inaakay nyo sila sa daan. Mahalagang gisingin sila sa
kanilang tulog ng kamangmangan bago maging huli na ang lahat.

Mga anak Ko, hindi nyo ba nauunawaan ang Mga Aral sa Aklat ng Aking
Ama? Ang Aklat na nagbubunyag ng Palatandaan ng Aking pagbalik sa
lupa ay kailangang pag-aralan at tanggapin bilang siyang
Katotohanan. Ang Aking Amang Walang-hanggan, sa pamamagitan ng
mga propeta, ay hindi nagsisinungaling. Hindi Siya nagsasabi nang di-
totoo. Pinakikitaan na kayo ngayon ng mga makalangit na palatandaan
na nasa propesiya at kailangan na kayong maghanda. Kayo at ang
inyong mga pamilya ay itataas kasama Ko, sa isang kisap-mata.

Pakiusap, manalangin naman kayo para kayo’y gabayan. Mga


mananampalataya, maghanda na kayo ngayon para makibaka alang-
alang sa Aking Ngalan at labanan ang antikristo. Uumisan kayo ng mga
tao pag nagugunita nila sa inyo ang mga propesiyang nilalaman ng Aklat
ni Juan. Susumbatan kayo at mumurahin nang may panlalait dahil sa
inyong mga pananaw at alalahanin. Huwag nyo itong papansinin dahil
may tungkulin kayo sa Akin. Ngayon. Manalangin, manalangin at
himukin ang mga hindi sumasampalataya na tanggapin ang Mga
Aral. Huwag kayong matakot. Para sa marami sa inyo na natatakot sa
hinaharap at para sa kanilang mga pamilya, ito ang Aking
masasabi. Pagdating ng oras, kayo at ang inyong mga pamilya ay itataas
kasama Ko, sa isang kisap-mata, sa Kalangitan. At pagkatapos ay
matatanggap nyo ang Kaloob na Buhay na Walang-hanggan pag ang
Langit at ang Lupa ay nagsanib na. Ito ang ibig sabihin ng Bagong
Paraiso. Ito’y magiging isang panahon ng malaking luwalhati, pag-ibig
at perpeksiyon para sa lahat Kong alagad.

Magpakatatag kayo. Kailangan nyong dumaan sa isang maikling


panahon ng pahirap, pero pananatilihin kayong malakas ng inyong
pananampalataya. Tandaan nyong mahal Ko kayong lahat. Suklian nyo
Ako ng inyong pagmamahal at tulungan nyo Akong magligtas ng
pinakamaraming kaluluwa na maaaring iligtas. Kayo ang Aking
makapangyarihang hukbo at ito na ang oras para maghandang
lumaban. Aakayin Ko kayong lahat sa Kaharian ng Aking Ama.

Ang Mapagmahal nyong Tagapagligtas

Jesucristo

Pandaigdigang Kapangyarihan, Ang antikristo at ang Tatak ng Halimaw

Lunes, Nobyembre 15, 2010 11:00 am

Ngayo’y nauunawaan mo na ang Katotohanan at tinatanggap ang Aking


mensahe kung ano ito. Isulat mo ito, anak Ko. Ang bilis ng
pagkakatupad ng mga propesiya ay nagiging malinaw na para makita ng
lahat. Bantayan mo ang mga pagbabagong makikita sa Aking Simbahan
bilang isa sa mga unang palatandaan. Sa puntong ito ililigaw ni
Manloloko ang Aking mga disipulo.

Ang ikalawang palatandaan ay ang kawalan ng kontrol ng marami sa


inyo, sa inyong sariling mga bansa. Kasama rito ang lahat ng kontrol na
pang-materyal at pang-militar. Mga anak Ko, ang kanilang mga pinuno
at lahat ng may katungkulang alagaan ang kanilang bansa, ay lubusan
nang mawawalan ng kontrol. Sila’y magiging parang bangkang walang
timon. Ang bangkang kanilang tinitimunan ay walang direksiyon at
sila’y maliligaw.
Mga anak Ko, kailangan nyo na ngayong taimtim na manalangin para
makakalas sa mahigpit na hawak sa inyo nitong masasamang grupo ng
mga tao. Hindi sila kabilang sa Kaharian ng Diyos, at dahil sa tuso at
mapanlinlang nilang imahe, hindi nyo malalaman na sila’y isang
makapangyarihang puwersa na iniingatang huwag mabunyag ang
kanilang mga sarili.

Kayo, mga anak Ko, ay magiging walang-kaalam-alam sa mga bagay-


bagay. Aakalain nyo na mahirap lang talaga ang buhay. Pero ang
panlolokong ito ay ginawa mismo para ganito ang isipin nyo. Bangon,
Aking mga anak, ngayon na.

Ang Tatak ng Halimaw

Huwag nyong tatanggapin ang Tatak. Kung mas marami sa inyo ang
hindi tatanggap, mas magiging malakas ang inyong bilang. Ang Tatak na
ito – ang Tatak ng Halimaw – ang siya nyong magiging
pagbagsak. Hindi ito kung ano ang akala nyo rito. Pag tinanggap nyo,
mapapalayo kayo nang mapapalayo.

Mag-ingat kayo sa Plano, na itinutulak ni Manloloko, para alisin lahat ng


palatandaan ng Aking Amang Walang-hanggan at ng Mga Aral ng
Kasulatan sa inyong buhay. Makikita nyo ito sa mga paaralan, sa mga
kolehiyo, sa mga ospital, at sa saligang-batas ng inyong mga bansa. Ang
pinakamalaking kasuklam-suklam ay ang pag-aalis ng Mga Aral ng
Kasulatan sa mga nagsasagawa ng Pagsamba sa Akin, ang kanilang
Dibinong Tagapagligtas. Malapit na malapit nyo nang makita na ang
Aking Salita, at ang Pangangaral ng Katotohanan ay aalisin at
magdudulot ng kaparusahan.
Kayong Aking pinakamamahal na mga anak ay lubhang magdurusa
alang-alang sa Aking Ngalan. Ang masasamang puwersang ito ang
siyang may kagagawan nito. Pinamumunuan sila ni
Satanas. Matatagpuan nyo sila sa lahat ng dako, lalo na sa mga
pinunong nasa puwesto na inyong inaasahan para sa inyong
ikabubuhay. Mga anak, huwag kayong matakot para sa inyong sarili,
matakot kayo para sa mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwang
yun. Labis silang sinapian ni Manloloko kaya nahihirapan silang
kumawala sa mahigpit niyang hawak. Hindi dapat pagkatiwalaan ang
mga taong yun. Mag-ingat kayo sa pakikipag-usap sa
kanila. Kasinghigpit ng sipit ang magiging hawak nila sa inyo dahil
kontrolado nila ang lahat. Mahihirapan kayong lumaban sa kanila dahil
kontrolado nila pati ang inyong bangko, ang inyong ari-arian, ang inyong
buwis at ang pagkaing kailangan nyo para mabuhay.

Pero hindi ito magtatagal sapagkat bilang na ang kanilang mga


araw. Kung sila’y mananatili sa kanilang pagkaalipin sa kasamaan,
bubulusok sila pababa sa kailaliman. Sobrang nakakakilabot ang
kapalarang ito para mailarawan, at sinumang taong makakita ng pahirap
na kanilang titiisin, kahit isang minuto lamang niya ito makita, ang
taong yun ay babagsak na parang bato – patay.

Ang Laban ay malapit nang magsimula at lumawak, sapagkat ang


Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan ay mabilis na babagsak bilang
kaparusahan sa kanilang mga kasalanan. Para nga sa mga kasalanang ito
kaya Ako namatay. At ang kaparusahang ito’y masasaksihan dito sa
mundong ito. Hindi anak ng Diyos ang sinumang tao na magpapatotoo o
makikipagsabwatan sa masama pero maayos na hukbo ng pagkawasak
na ito. Ang masamang hukbong ito, na punung-puno ng mga
demonyong galing sa kailaliman ng Impiyerno, ay sobrang kasamaan
ang ginagawa, na hindi kayang tarukin ng mga inosenteng tao.

Hindi Ko gustong takutin ang Aking mga anak, pero darating ang
panahon na ang katotohanan ay mabubunyag kung ano ito. Bangon,
mga anak Ko, ngayon na. Labanan nyo ang puwersa ng kasamaan bago
kayo lipulin ng mga ito. Mag-ingat kayo sa Pandaigdigang Paghahari,
anuman ang maging hugis, laki, anyo o batas nito. Tingnan nyong
mabuti ang inyong mga pinuno at yung mga may kontrol ng inyong
pang-araw-araw na paggamit ng pera, na siyang magpapakain sa inyo at
tutustos sa inyong mga pangangailangan sa buhay. Kailangang mag-
imbak na kayo ngayon ng pagkain.

Hindi nyo tinanggap ang Mensaheng ito sa paraang sumasalmin sa


Aking Mga Aral pero pakinggan nyo Ako ngayon. Ang mga propesiyang
ito ay sinabi na noon pa. Kailangang makinig na mabuti ang Aking mga
anak. Lumalago ang espirito ng kadiliman at kayo naman, mga alagad
Ko, ay kailangang magpakatatag. Panatilihin nyong buhay ang inyong
pananalig sa Akin sa pamamagitan ng panalangin. Lahat ng Aking mga
alagad ay kailangang dasalin ang panalanging Divine Mercy araw-
araw. Palalakasin nito ang mga kaluluwa at tutulungan silang
makatagpo ng grasya sa oras ng kamatayan.

Mga anak Ko, huwag nyo namang katakutan ang Aking Mensahe. Ang
Aking mga alagad ay may tungkulin na ngayon sa Akin. Hayaan nyong
sabihin Ko ito. Mapupuspos kayo ng Espirito Santo sa sandaling
tanggapin nyo ang Aking Salita. Huwag kayong matakot dahil kayo ang
napili. Kayo, ang Aking hukbo ng mga tagasunod, ay magdadala ng
pagkatalo ni Masama. Para magawa nyo ito, kailangan nyong
manalangin.

Dumarating Akong dala ang isang Mensahe ng Wagas na Pag-ibig. Hindi


nyo ba alam na mararanasan nyo ang Paraiso pag nagsanib ang Langit at
Lupa? Walang dapat ikatakot sapagkat kayong Aking mga alagad ay
itataas kasama ang inyong katawan, kaluluwa at isip sa kinaroroonan ng
Dibinong Hirarkiya. Makikita nyo ang inyong mga mahal sa buhay. Ang
inyong mga minamahal na naging kalugud-lugod sa Aking Amang
Walang-hanggan.
Gawin nyo ang sinasabi Ko. Manalangin kayo, kausapin nyo Ako,
mahalin nyo Ako, at manalig kayo sa Akin. Bilang sukli, pagkakalooban
Ko kayo ng lakas. Ipanalangin nyong kayo’y maprotektahan sa
pagdarasal ng Santo Rosaryo na ibinigay sa inyo nang may kasamang
mga pagpapala mula sa Aking mahal na Ina. Sa isang dako, kailangang
dasalin ito para matulungan kayong maprotektahan kay Masama. Sa
kabilang dako naman ay kailangan nyong ipanalangin ang proteksiyon
para sa mga taong nakakasalamuha nyo para hindi nila kayo mahawahan
o mabawasan ang pananampalatayang iniingatan nyo sa inyong puso
para sa Akin.

Ipanalangin nyo ang Aking mga bisyonaryo at propeta para sila’y


maprotektahan. Ipanalangin nyo ang Aking mga mahal na sagradong
mga lingkod, yung mga banal at tapat na lingkod na sinugo Ko para
akayin kayo. Sila, kagaya rin ng Aking mga alagad, ay pinahihirapan ni
Masama. Hindi siya titigil sa pagsisiskap na bulagin kayo sa
Katotohanan at gagamitin niya ang lahat ng tusong paraan para
mapapaniwala kayo na ang inyong pananampalataya ay di-
totoo. Pakinggan nyo Ako. Siya, si Manloloko, ay gagamit ng lohika at
pangangatwirang nakabalot sa maamo at madaling kaayusan para
kumbinsihin kayo na siya’y nagdadala ng pag-asa sa inyong
buhay. Gagamitin niya ang antikristo para sikaping mapapaniwala kayo
na siya ang Hinirang.

Ang antikristo

Marami sa Aking mga alagad ang maloloko ng nakakagalit na


panlilinlang na ito. Maging alerto kayo. Ituturing siyang sugo ng pag-
ibig, kapayapaan at pagkakaisa sa mundo. Luluhod ang mga tao sa
kanya at siya’y sasambahin. Ipapakita niya ang kanyang kapangyarihan
at aakalain nyo na ito’y galing sa Langit. Pero hindi. Pangangaralan niya
kayo sa paraang parang kakaiba kung minsan. Malalaman ng mga tunay
na mananampalataya na hindi siya kabilang sa mga nasa Liwanag. Ang
kanyang mayabang at maseremonyang asal ay may ikinukubling purong
kasamaan. Mayabang siyang maglakad at magmumukha siyang
mapagmalasakit at mapagmahal sa lahat. Sa likod ng tabing na ito,
siya’y punung-puno ng pagkamuhi sa inyo, mahal Kong mga anak. Sa
likod ng pinto, siya’y humahalakhak.

Mga anak Ko, lilituhin niya kayo nang husto. Magmumukha siyang
makapangyarihan, may kumpiyansa sa sarili, masayahin, makalinga,
mapagmahal at ituturing siyang isang tagapagligtas. Ang kanyang
guwapong mukha ay magiging kaakit-akit sa lahat pero hindi magtatagal
ay magbabago siya. Guguluhin niya ang mundo at marami siyang
papatayin. Magiging malinaw sa lahat ang kanyang mga kakila-kilabot
na mga gawain. Wawasakin niya ang inyong kalayaan at magiging
instrumento siya para mapairal ang Tatak – ang Tatak ng Halimaw. Mga
anak Ko, kailangang magpakatatag kayo. Huwag nyong tatanggapin ang
Tatak dahil pag tinanggap nyo ito, mapapasailalim kayo ng kanyang
masamang impluwensiya gamit ang hipnosis.

Maraming mamamatay alang-alang sa kanilang pananampalataya sa


Akin. Huwag, huwag kayong matakot, sapagkat pag kayo’y nagdusa para
sa Akin, sa Akin at kasama Ko, kayo’y hinirang. Manalangin,
manalangin para hindi kayo mapasailalim sa kanyang nakakakilabot na
paghahari. Tumayo kayo at lumaban para sa Akin.

Huwag nyong hahayaang dahil lamang sa nakakaakit na pagkumbinsi ng


antikristo ay makuha niya ang inyong mga kaluluwa. Magpakarga kayo
ngayon sa Aking Mga Braso at ihehele kayo ng Aking Dibinong Grasya
para mabigyan Ko kayo ng lakas para ipaglaban ang Katotohanan. Di
kailanman magmamaliw ang Pagmamahal Ko sa inyo. Huwag na huwag
nyong pipiliin ang daang ito at kung hindi ay mawawalay kayo sa
Akin. Magiging mahirap ito, pero mabibigyan ng tulong ang Aking mga
anak sa napakaraming paraan para mabawasan ang inyong
paghihirap. Hayo na at dasalin ang Aking Divine Mercy at maghanda
para sa huling laban.

Jesucristo Hari ng Aking Bayan

Tagapagligtas at Makatarungang Hukom

UL 8 31 13

Babala sa Kaparian

Martes, November 16, 2010 09:55 am

Anak Ko, tinanggihan ka kahapon at tinangka nilang tamnan ng mga


duda ang iyong isip. Nagdusa ka dahil dito. Huwag kang mawalan ng
pag-asa. Papakinggan ang Aking Salita. Makakatagpo ka ng mga
hadlang na dahil sa mga yun ay mawawalan ka ng gana sa iyong Gawain.

Anak ko, ginagabayan kita. Tandaan mo ito at huwag na huwag mong


kalilimutan ang Aking pangako. Ginawa Ko ang hiniling mo , at
mapayapa kitang pinatulog kagabi. Mas malakas ka na ngayon. Hindi
mo ba ito nararamdaman?
Mag-ingat ka kung sinong kinakausap mo. Ang Aking mga alagad, o
yung akala mo’y Aking mga alagad, ay hindi sila laging kung anong
pagkakilala mo sa kanila. Kailangang pakinggan mo ang itinitibok ng
iyong puso.

Ang mundo’y parang laging gaya rin ng dati, pero may pagbabago at
nangyayari na ito ngayon. Ang pagbabagong ito ay inaakay ang
sangkatauhan sa isang kadilimang babalot sa kanila at palalabuin ang
kanilang pagmamahal sa Akin.

Bakit kailangang laging kwestyunin ng Aking mga anak ang


Katotohanan? Hindi sila sumusunod sa Aking Mga Aral, gayung ibinigay
sa kanila ang Kaloob na ito mula sa Aking mga apostol, na dahil sa
kanilang pagmamahal sa Akin at sa Kapangyarihan ng Espirito Santo, ay
ibinigay sa mundo ang isang napaka-natatanging Kaloob. Ang Kaloob na
Katotohanan ay itinuro at ikinalat sa lahat Kong anak sa buong
mundo. Maraming anak ang sumunod sa pag-akay na ito sa loob ng
mahabang panahon.

Ang iba naman ay alam nga ang Katotohanan pero pinili nilang pilipitin
ito at ibagay sa kanilang mga diskarte, kagustuhan, pagnanasa at
paghahangad ng kapangyarihan. Hindi na tuloy malaman ng Aking mga
alagad kung alin ang Katotohanan ng Salita ng Diyos at kung alin ang
mga kasinungalingang ikinakalat nung mga naliligaw. Ganito
magtrabaho si manloloko. Nanggugulo, nagpapahina ng loob, at
nangwawasak ng pag-asa, at ginagawa na niya ito mula pa nung
Kamatayan Ko sa Krus. Pero pakinggan nyo Ako ngayon. Hindi siya
magtatagumpay, anak Ko. Ang mga puwersa ng makalangit na gabay ay
muling patitibayin ang pananampalataya ng Aking mga anak sa
pamamagitan ng Mga Aral ng Aking mga propeta.
Sabihan mo ang Aking mga anak na maging alerto sila sa mga
pagbabagong nakikita nila sa mundo. Sabihin mong buksan nila ang
kanilang puso, mata at isip para masaksihan ang mga kasinungalingang
ikinakalat ni Satanas. Ang lumalabas sa kanya ay isang sapot ng mga
pangakong aakit sa Aking mga anak sa mga panlabas na
kababalaghan. Wala namang laman ang mga kababalaghan at pekeng
kaluwalhatian na ito.

Wala kang mababanaagang pag-ibig sa mga ito at hindi rin sila


nagdudulot ng tunay na ginhawa sa oras na mabunyag na wala nga silang
laman.

Palakas na nang palakas ang mga puwersa ng kasamaan, Aking anak, at


si Satanas ang nagpaplano nito sa pamamagitan ng kanyang hukbo ng
masasamang alagad. Mga ganid ang mga alagad na ito at kanilang sarili
lamang ang mahal nila, kaya sinusunod at sinasamba nila siya at
dadalhin niya sila sa kanyang kislap lang na paraiso. Ang paraisong
ipinangako niya ay puro maitim na kadiliman lamang at sa oras na
madiskubre ito ng Aking mga anak, nakalipas na ang panahon ng
pagtubos.

Panalangin para sa Kaligtasan

Ang lahat Kong anak, alang-alang man lamang sa pagmamahal nila sa


kanilang pamilya, ay kailangang mamulat sa kasamaang ito kung nais
nilang iligtas ang isa’t isa. Aakayin sila ng Aking Pag-ibig, kung lalapit
sila ngayon sa Akin. Hinding hindi sila dapat matakot na lumapit at
sabihing:

“O my Lord, lead me to Your Kingdom and protect me from


the darkness that has engulfed my soul. Hear me now, O
Sacred Heart, and through Your Goodness let Your Light of
Love and Protection shine through.”

Yung mga anak Kong mananalangin nito ay pakikinggan. Ang kanilang


pananalangin para sa kaligtasan, para sa sarili nila at sa kanilang mga
mahal sa buhay, ay sasagutin. Masugid Kong sinikap, sa pamamagitan
ng Aking mga bisyonaryo na ginagabayan ng Aking Pinagpalang Ina, na
magpadala ng mga babala sa mundo. Napakaraming beses na, na ang
Aking mga bisyonaryo ay tinanggihan sa simula pero tinanggap din sa
dakong huli. Sa pagkakataong ito, hindi na sila pauunlakan ng
mahabang panahon para marinig ng sapat na bilang ng Aking bayan ang
kanilang mga Mensahe.

Mag-ingat sa mga di-totoong propeta

Pero kailangang bigyan Ko ng babala ang Aking mga anak na mag-ingat


sa mga di-totoong propeta. Marami nang tunay na mga bisyonaryo ang
nailigaw. Ang tunay na mga bisyonaryo ay bibigyan ng grasyang
maghayag ng Aking Katotohanan, na may kasamang mga makalangit na
pangyayari at mga himala na hindi maaaring itanggi at hindi nga
itatanggi.

Nadudurog ang Aking Puso pag nakikita Ko kung paanong marami sa


kanila ay tinatanggihan ng Aking pinakabanal na mga
disipulo. Mismong ang mga disipulo Kong ito ay nagkukulang sa
kanilang tungkulin. Kailangan nilang lapitan na Ako ngayon para sila’y
magabayan, at manalangin para sa mga grasyang kinakailangan para
mamuno sa Aking bayan.
Ang Aking mga sagradong lingkod ay katangi-tangi, at yung mga
nakatanggap ng Mga Sakramento ay kailangang pakinggan ang Aking
kahilingan. Ang tungkulin nyo ngayon ay sa Akin. Magpanibago na kayo
ngayon ng inyong mga pangako. Manampalataya kayo at sumunod sa
Aking Sagradong Mensahe. Magpakatatag kayo, dahil kayong lahat ay
tinatawag na ngayon para patotohanan ang Katotohan sa Aklat ng
Pagbubunyag, at tanggapin na dumating na ang panahon. Paghandaan
nyo na ngayon ang Dakilang Pangyayaring ito. Huwag nyo Akong
itanggi o talikuran kaya. Mangaral kayo nang may puwersa at nag-aalab
na damdamin. Huwag nyong palabnawin ang Aking Mga Aral sa
pagsasabi sa Aking mga alagad na magiging okey lang ang lahat. Hindi
ito ang Mensahe kung bakit kayo tinawag. Ang inyong tungkulin sa
Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, ay ipaalam sa inyong kawan
ang Katotohanan.

Hindi dapat sabihin sa Aking mga anak na lahat sila’y maliligtas. Hindi
totoo ito. Dahil yun lamang mga maghahanap ng Aking kapatawaran at
susuko sa Aking Mga Aral ang siyang maliligtas.

Bakit ba hindi nyo sinusunod ang Mga Aral ng Banal na


Kasulatan? Bakit ba kayo nagdadahilan? Bakit nyo ba inililigaw ang
Aking mga anak at pinapaniwala sila na patatawarin ng Diyos ang lahat
ng tao? Ang patatawarin lamang ng Aking Amang Walang-hanggan ay
yung mga naniniwala sa Akin at yung mga nagsisisi.

Wala ba kayong natutunan sa Aking pagkamatay sa Krus? Namatay Ako


para sagipin ang sangkatauhan mula sa kamalian ni Satanas. At kayo pa,
sa inyong maling pagiging maluwag, ang nagtuturo sa Aking mga anak
ng isang kasinungalingan. Nabiktima na kayo ng pangungulit ng
sangkatauhan na ikubli ang Banal na Doktrina, na kaya kayo tinawag ay
para ipangaral ito.

Wala ba kayong hiya? Dalang-dala na kayo ng pang-aakit ng mundo


kaya sumusunod kayo sa maling doktrina na idinidikta sa inyo ng
popular na pagiging maluwag na pinauuso ni Satanas sa Aking mga
anak. Ang kawawang naliligaw na mga batang ito ay nangangailangan
ng direksiyon. Kailangan din nilang maintindihan ang kaibhan ng
interpretasyon ng tao sa maka-Diyos na pangako na ginawa Ko.

Bakit hindi maniniwala ang Aking mga anak sa panghihimasok ng


Diyos? Bakit nyo ito itinatago pag inihaharap sa inyo? Mga pari Ko,
pakinggan nyo ang Aking kahilingan. Ipanalangin nyo na ang Aking
Mensahe ng Katotohanan ay pakinggan.

Mensahe sa mga Obispo

Sa Aking mga obispo, ito ang masasabi Ko. Hubarin nyo ang inyong mga
kapa, talikuran nyo ang kayamanang pinanaligan nyo. Hanapin nyo ang
kababaang-loob na kinakailangan nyo. Sundin nyo ang Aking Salita,
ngayon na, o harapin nyo ang mangyayari. Ang tungkulin nyo ay sa Akin
at sa Aking Amang Walang-hanggan. Naging bulag na bulag na kayo.
Ang mga palatandaan ay ibinibigay na sa pamamagitan ng mga
bisyonaryo, sa himpapawid, at ni hindi nyo pinansin ang mga ito. Sa
halip, nakaupo kayo sa inyong mga palasyo at ngumingisi. Dahil dito,
hindi patatawarin ang inyong mga kasalanan.

Ang mga kasalanan ng Aking mga sagradong disipulo, yung mga pumili
sa Aking daan, ay sinusugatan nang malalim ang Aking
Damdamin. Imulat nyo ang inyong mga mata, buksan nyo ang inyong
mga puso, at balikan nyo ang Mga Aral sa Aking Sagradong Aklat.
Mensahe sa mga Kardinal

Sa Aking mga kardinal, ito ang Aking masasabi. Anong kataasan ang
naabot na nyo at nalimutan nyo na ang Mga Sakramento o ang
Katotohanan ng Aking Mga Aral para pamunuan ang Aking
kawan? Baba na, at sundin nyo ang Aking paggabay. Huwag kayong
padala sa mga kasinungalingang sumasakal sa sangkatauhan. Huwag na
huwag nyo rin Akong itatanggi.

Hinihiling Ko sa inyong lahat na ipanalangin ang Aking mahal at


matapang na Santo Papa, ang huling Tunay na Santo Papa. Kayo, mga
alagad Ko, ay inililigaw ni manloloko. Ipinakilala na niya ang kanyang
sarili sa mga pasilyo ng Aking Simbahan at nakikita na ngayon ang
kanyang masasamang pamamaraan. Yung ilan sa inyong may mata,
magmasid kayo, sa harapan at sa likuran nyo. Aagawin niya ang inyong
kaluluwa pag bumigay kayo sa kanyang panloloko.

Nakikiusap Ako, manalangin kayo, ngayon na, para sa inyong


lahat. Magsumamo kayo na kayo’y Aking gabayan. Magsumamo kayo
na kayo’y Aking patawarin at minsan pang pamunuan.

Yung ilan sa inyo na kukwestyunin ang kautusang ito, makinig kayo


ngayon. Bakit Ko kayo hindi kakausapin nang ganito? Ako ang nagturo
ng lahat sa inyo, sa pamamagitan ng mga apostol, na sa paggabay ng
Espirito Santo ay ibinigay sa mundo ang Aking Mga Mensahe, na
nabubuhay mula pa noon hanggang ngayon. Ngayo’y malapit na ang
panahon. Buong buhay nyo, ipinanalangin nyo na kayo’y
gabayan. Ngayon naman, nakikiusap Ako sa inyo, pagbigyan nyo ang
Aking kahilingan.
Ang inyong Diyos-Tagapagligtas

Jesucristo

Alisin mo ang lahat ng duda

Martes, November 16, 2010 11:00 pm

Isulat mo ito, anak Ko. Dapat lamang asahan na magkakaroon ng mga


pagdududa sa iyong isip. Oo, tinutukso kang tumalikod, pero siya, ang
manloloko, ay hindi ka kailanman maaagaw sa Akin. Mahal Kong anak,
mas malakas ka kaysa akala mo, dahil iilan lamang sa mga piniling
kaluluwa ang makakatugon sa dakila at sagradong kahilingang ito gaya
nang ginawa mo.

Kailangan ng tapang para makipag-usap sa Akin nang ganito. Hindi ka


tumakbong nanginginig sa takot. Sa simula pa lang ay alam mo na na
ito’y Pakikipag-usap sa Diyos na nasa kataas-taasan at Kabanal-banalang
Kapangyarihan. Malapit mo nang maranasan ang higit pang kaliwanagan
na papawi sa lahat mong pagdududa. Pag nangyari ito, bubukas ang
iyong isipan para tanggapin ang mga natatanging grasyang ito, na
kailangang ipagkaloob para punuin ka ng katapangan at determinasyong
kinakailangan para tulungang magkatotoo ang propesiyang ito.
Oo, anak Ko, manghang-mangha ka na ikaw ang siyang pinili para
tuparin ang mga propesiyang nakapaloob sa Aklat ni Juan para ihanda
ang sangkatauhan sa paglilinis na malapit nang mangyari. Pag nawala
na ang iyong takot, pag-aatubili at pagdududa, mahal Kong anak,
babangon ka at tatapusin mo itong napaka-espesyal na gawaing
ipinagagawa Ko sa iyo. Ngayon, gawin mo kung ano ang sinasabi
Ko. Dasalin mo ang My Divine Mercy sa alas-tres, araw-araw, para
makatulong ka sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Kailangang ipagpatuloy
mo ang pagdarasal ng Santo Rosaryo na ibinigay sa mundo ng Aking
pinakamamahal na Ina, na kasama Kong magtatrabaho para ihanda ang
Aking Ikalawang Pagdating sa Lupang ito.

Maraming kaluluwa na ngayon ang nawawala sa Akin, at parami pa nang


parami ang inaagaw sa Akin araw-araw ni masama. Hindi sila pwedeng
agawin sa Akin. Tulungan mo naman Akong iligtas ang kanilang
kawawang mga kaluluwa. Alisin mo ang lahat ng duda. Ang isipin mo na
lang ay ang iyong gawain. Tulungan mong maimulat ang kanilang mga
mata para matubos nila ang kanilang mga sarili sa Paningin ng Aking
Amang Walang-Hanggan.

Kung palagi mo lamang mailalagay sa iyong isip ang pangwakas na


resulta, mauunawaan mo kung bakit mahalaga ito at kung bakit isa itong
panawagan mula sa Dalisay na Pag-ibig na inilalaan Ko sa lahat Kong
anak sa Aking Puso.

Isipin mong parang ganito yun. Ang pag-ibig ng isang tunay na


magulang ay walang iniisip na hangganan. Kung ang isang anak ay
maliligaw at lalakad sa daan ng kapahamakan, ang pagkadurog ng puso
at dalamhating nadarama ng magulang ay parang isang patalim na
tumutusok sa puso. Sinumang magulang na nagmamahal sa kanilang
mga anak ay magsisikap lumaban hanggang wakas. Hindi sila sumusuko
– hinding-hindi. Ganun din Ako. Gagawin Ko ang lahat na nasa Aking
Dibinong Kapangyarihan, nang hindi nanghihimasok sa malayang loob
ng tao, para pabalikin ang kanilang mga puso tungo sa Aking Sagradong
Puso. Ikaw, anak Ko, ang tutulong sa Akin para gawin ito.

Hindi Ko na kailangang ipaalala sa iyo ang pangangailangan na sumunod


at lubusang sumuko sa Akin. Ito ang pagtawag na dahilan kung bakit ka
pinili. Kunin mo ngayon ang iyong tabak. Kailangang lumaban ka
kasangga ng iyong Diyos na Tagapagligtas, sa isang pangwakas na
pagsisikap, para iligtas ang lahat Kong anak, bago dumating ang Araw ng
Paghuhukom.

Lakad na, as kapayapaan at pag-ibig, para tanggapin ang Aking Katawan


ngayong araw.

Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Mensahe sa Mga Agnostiko at Mga Ateo

Huwebes, November 18, 2010 9:00 pm


Sa mga nagsasabing hindi sila naniniwala sa Akin, ito ang masasabi
Ko. Tanungin mo ang iyong sarili: May natatandaan ka bang panahon
na naniwala ka? Gunitain mo nung bata ka pa, nung naniniwala ka pa sa
Diyos. Hindi mahalaga kung ano ang relihiyon ng iyong mga
magulang. Naniwala ka ba? Ano ang nagbago? Impluwensiya ba ng
iba? Sinabi ba nila na may sagot ang isip ng tao sa iyong pag-iral?

Mula pa sa simula, naging mahirap na para sa Aking mga anak na


tanggapin ang iba pang pag-iral maliban sa isang ito. Pero lumingun-
lingon ka at pagmasdan ang mga kahanga-hangang Nilikha ng Aking
Amang Walang-hanggan. Ang araw, ang buwan, ang dagat, ang mga
ilog, ang mga halaman, ang mga hayop at lahat ng kamangha-manghang
bagay ng Sanlibutan, at sagutin mo ito: Saan galing ang lahat ng
ito? Naniniwala ka ba talaga na may iba pa itong pinagmulan maliban sa
isang Pinakamataas na Umiiral? Mag-ingat ka sa mga kasinungalingang
iyong naririnig, na ikinalat ng mga tinatawag na mga manghuhula, na
nasa Kilusang New Age. Pinapaniwala sila sa akala nila’y totoo, at
naaakit sila sa buhay na ipinangako sa kanila sa bagong panahon. Ang
bagong panahong ito, na pinapaniwala sa kanila ay isang bagong paraiso,
isang uri ng sentro ng sanlibutan na kontrolado ng tao pero
maluwalhati. Hindi totoo ang doktrinang ito.

Maraming tao na nasa panig ng Diyos, pati na yung mga


nananampalataya, ay nagkakamali, na ang kanilang paniniwala sa
doktrinang ito ay paniniwala sa Liwanag.

Inaakay sila ng mga demonyo. Alam ng ilan na ganun nga. Ang iba
nama’y hindi. Ipanalangin nyo na makita nila ang Katotohanan, bago
sila magpatuloy sa kanilang walang katuturang daan tungo sa kawalan.

Sa mga ateo na hindi naniniwala sa Diyos, ito ang masasabi Ko. Mahal
ko kayo gaano nyo man sugatan ang Aking Damdamin. Sa mga ateo na
dinadala at iniimpluwensyahan ng iba pang mga pananalig, huminto
kayo at mag-isip. Sa paghahangad nilang sumunod sa pangangatwirang
mula sa tao, naniniwala lamang sila sa iba pang pananampalataya – ang
pananampalataya na ang tao ang kumokontrol. Hindi ganun. Pero ito
mismong mga taong ito, mga mahal Kong mga anak, na Aking
ipaglalaban, ay hinihimok na sumunod kay Satanas, ang manloloko, ang
kaaway ng sangkatauhan. Tanungin nyo ang ateo, na gagawin halos
lahat para pilitin ang mga anak ng Diyos, kung bakit niya ito
ginagawa. Hindi pa ba sapat na itanggi na lamang Ako? Bakit
nagsisinungaling ang mga taong ito? Marami rito sa mga grupo ng ateo
ay may balak, at ito’y para akitin at tuksuhin ang Aking mga anak
papasok sa isang di-totoong doktrina. Walang kaduda-duda, na ang
kanilang paniniwala ay isa pang uri ng relihiyon, isang relihiyong ang
pinararangalan ay ang kapangyarihan ng katalinuhan, pangangatwiran
at kayabangan. Ginagaya nila ang mismong mga katangian ni
Satanas. Sa pagiging bulag nila, sumusunod sila sa ibang
pananampalataya – ang pagsamba sa kadiliman, kung saan walang pag-
ibig na umiiral.

Ganun kaalab ang damdamin ng mga ateong ito, ganun na lamang nila
ipagmalaki ang kanilang relihiyon, na hindi nila nauunawaan , na ang
ipinaglalaban nila ay isa ring relihiyon – ang relihiyon ni manloloko, na
pinagtatawanan ang kanilang katangahan.

Mga ateo, pakinggan nyo Ako sa kahuli-hulihang pagkakataon. Balikan


nyo ang Banal na Kasulatan, ngayon na. Basahin nyo ang Aklat ni Juan
at pag-isipan nyo ang Katotohanan habang nagsisimula na itong
mabunyag ngayon. Hindi ba parang totoo na ito sa inyo, ngayon, na
nasasaksihan nyo na ang mga pangyayari, habang unti-unting nalalantad
ang mga ito at araw-araw ay isang takip ang naaalis sa mismong harapan
nyo?

Hindi nyo ba makita na ang Aking Salita, ang Aking propesiya, na


ipinahayag sa napakatagal nang panahong nakalipas, ay maaaring
maging Totoo? Imulat nyo ang inyong mga mata at Ako’y kausapin,
nang isang beses, nang ganito:

“God if You are the Truth, reveal to me the sign of Your Love.
Open my heart to receive guidance. If You Exist, let me feel
Your Love, so I can see the Truth. Pray for me now.”

Tinatawag Kita sa kahuli-hulihang pagkakataon at sinasabi ko: Ang pag-


ibig ay hindi likha ng tao. Hindi mo ito nakikita, pero ito’y iyong
nadarama. Ang pag-ibig ay nagmumula sa Amang Walang-
hanggan. Ito’y isang Kaloob sa sangkatauhan. Hindi ito nagmumula sa
kadiliman. Ang kadilimang nadarama mo ay walang pag-ibig. Kung
walang tunay na pag-ibig, hindi mo magagawang makaramdam. Hindi
mo magagawang makita ang Liwanag. Hindi mo magagawang makita
ang anumang kinabukasan. Ako ang Liwanag. Ako ang
kinabukasan. Ibinibigay Ko sa iyo ang kaluwalhatian at buhay na
walang-hanggan. Bumalik ka, ngayon na, at humingi ka ng tulong sa
Akin. Gawin mo yun, at sasagutin Kita at yayakapin Kita ng Aking Mga
Braso.

Ang Aking Mga Luha ng Kaligayahan ang sasagip sa iyo, habang ikaw ay
nagiging Aking mahal na anak, nang minsan pa. Halika na at sumama sa
Akin sa Paraiso.

Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Pagbangon ng mga Grupong Maka-Satanas at Pagkontrol sa


Mundo

Sabado, November 20, 2010 07:20 am

Anak Ko, sabihin mo sa Aking mga anak na ang matandang ahas ay


malapit nang lumitaw. Kailangang huwag nilang hahayaang mahulog
sila sa kanyang masamang bitag dahil wala nang makababalik mula
roon.
Siya, ang matandang ahas, ay maraming balatkayo. Ang kanyang mga
alagad ay naglokohan sa pangangako ng kapangyarihan at
kaluwalhatian, at ngayo’y nagpaplano ng maraming pangyayari sa buong
mundo na magdudulot ng di-mailalarawang dalamhati, pasakit at kilabot
sa lahat ng dako.

Magiging walang kaalam-alam ang Aking mga anak. Yung mga anak na
pinakitaan na ng Katotohanan at Aking ginagabayan, ay matatapang na
kaluluwa. Ginagawa nila halos lahat para bigyan ng babala ang mundo
tungkol sa mga kilabot na mga grupong ito na kumalat na sa lahat ng
direksyon, at iisa ang pakay sa kanilang isip. Nakakalat sila sa bawat
bansa at naroon sila sa bawat antas ng kapangyarihan, at sikreto ang
kanilang pagpaplano.

Meron din namang mga inosenteng miyembro, na kasapi man sa


masamang samahan, ay hindi naman nila alam kung ano talaga ang
katotohanan. Sa halip, patuloy silang gumagawa ng mabuti, nang hindi
nalalaman ang masasamang gawain na ginagawa nang patago ng mga
nakatatanda sa kanila. Walang kaduda-duda, na ang mga
nakatatandang ito ay masugid na mga alagad ni Satanas at may mga
seremonya sila ng pagsamba na, kung makikita lamang ng ibang mga
tao, ay masusuka ang mga ito dahil sa malalaswang mga kilos ng
pagsamba kay Satanas at paniniwala sa mga pangako ni masama, na
nasa pinaka-puso ng kanilang mga organisasyon.

Kayong mga natatawa sa mga salita ng Aking matatapang na kaluluwa,


pakinggan nyo Ako ngayon. Pag hindi nyo nakita ang Katotohanan at
hindi kayo nakinig sa matatapang na tinig ng mga yun, mawawasak ang
inyong buhay, ang inyong pananampalataya at ang inyong
hanapbuhay. Ang tagal nang nagplano ng mga taong ito para
mangontrol. Nakikita ang kanilang mga gawain sa maraming maraming
bansa, pero pinapangyayari nila sa paraang yung mga musmos, na
patuloy sa kanilang pang-araw-araw na hanapbuhay, ay hindi
mahahalata ang mga nangyayari.
Ang matandang Ahas ay lilitaw na NGAYON!

Pag sinabi kong ang matandang ahas ay malapit nang lumitaw, ang ibig
Kong sabihin ay ngayon na. Siya at ang kanyang masamang hukbo na
binubuo ng mayayabang at gutom na mga halimaw, ay matatag at
mabilis na nagmamartsa sa lahat ng larangan ng buhay. Kinokontrol
nila ang inyong buhay sa mga paraang hindi nyo nalalaman.

Ginagabayan sila ni manloloko, kaya naman sila’y tuso, tsarming,


mahusay magsalita, matakaw, walang-awa, at iisa lang ang pakay. Gusto
nilang maghari sa inyong lahat gamit ang mga bangko, modernong
komunikasyon, militar, relihiyosong mga organisasyon at
gobyerno. Magbantay at makinig na kayo ngayon.

Hindi mga teoriya ng Pagsasapakatan

Ang Aking Babala at yung sa Aking mahal na mga anak, ay babale-walain


at ituturing na mga teoriya ng pagsasapakatan. Malungkot sabihin, pero
hindi. Ang sitwasyong ito, anak Ko, ay hindi bigla na lang
sumulpot. Ang grupong ito, at ang tinutukoy Ko ngayon ay isang grupo
lamang, ay maraming daan-taon nang nagpaplano, at ang kinukuha nila
para gawing mga miyembro ay yung mga nasa mataas na
lipunan. Pinagpapatay na nila yung mga nam-buko sa kanila nung
nakaraan. Pumatay na sila ng mga pinuno, pati yung mga sikat at
magagaling na mga pinuno sa loob ng mga daan-taon. Magkakapatid
sila sa dugo at nilalamon nila ang laman ng sangkatauhan.

Mga relic na maka-Satanas


Pinararangalan nila ang malalaswang relic at mga palatandaang gusto ng
matandang ahas. Walang kaduda-duda, ang grupong ito ay
makapangyarihan at nakakatakot. Ganun sila kalakas, kaya mahirap
takasan ang kanilang pagkakahawak pag ang inyong mga kabuhayan,
pagkain at pero ay nakadepende sa kanila.

Mga anak Ko, maraming tao na nasa poder, sa mga gobyerno, sa mga
bangko, sa mga negosyo ng pagkain at mga ahensya ng pagtulong, ay
hindi alam kung ano ang nangyayari, at hindi nila ito malalaman
hanggang matapos ang Malaking Pagdurusa na malapit nang mangyari.

Pagkatapos ay makikita nila ang paglitaw ng halimaw na gagawa ng


mabilis na pagbabago, kaya kailangan nyong lahat lumaban, sa paraang
hindi pa nyo nagagawa, para taguan ang kanyang masamang
pamamahala.

Sa oras na makontrol na ng halimaw at ng kanyang mga alagad ang


inyong pera, kokontrolin na nila lahat, maliban sa isang bagay. Hindi
nila magagawa, at huwag na huwag nilang tatangkain, na nakawin ang
inyong mga kaluluwa. Pero ito mismo ang pagsisikapan nilang gawin.

Yung ilan sa inyo na kinukwesyon ang Mensahe ng Katotohan na ito, na


dinala sa inyo dahil gusto Ko kayong tulungan at gabayan at ibunyag ang
Katotohanan, pakinggan nyo Ako ngayon. Kung hindi kayo naniniwala sa
Mensaheng ito, Ako, sa pamamagitan ng mga panalanging hihilingin Ko,
sa pamamagitan ng Aking mga alagad, ay ipananalangin Kong makita
nyo ang Liwanag. Magbantay naman sana kayo at maging alerto sa mga
palatandaan ng masasama at gutom-sa-kapangyarihang mga halimaw na
ito, na naglalaway sa plano at sa pekeng kaluwalhatiang idudulot
nito. Walang kaduda-duda, na hindi sapat ang kontrolin ang inyong
kakayahang kumita ng pera, at ng mapagkukunan nito. Hindi,
maraming marami pa ang gusto nilang makuha sa inyo. Gugustuhin
nilang kontrolin ang inyong kinakain, iniinom, at tinitirhan. Kaya
kailangan nyo ngayong gawin ang sumusunod para protektahan ang
inyong sarili.

Maghanap kayo ng mga tirahan

Maghanap sana kayo ng tirahan bilang mga grupo ng mga


sumasampalataya. Padadalhan Ko kayo ng Liwanag para tulungan
kayong manatiling buhay. Magsimula kayong magtanim ng inyong
sariling kakanin. Magtabi kayo ng pagkain. Magsimula na kayo ngayong
magplano na parang naghihintay ng isang bagyo. Dapat nyong malaman
na ang kadiliman ay ganun na lamang bababa kaya kailangan nyong
maghanda para manatili kayong buhay.

Pakinggan nyo ang mga propeta. Huwag nyong uulitin ang pagkakamali
ng Aking bayan na ayaw makinig sa Aking propetang si Noe. Tinalikuran
nila siya; ayaw nilang makinig, nagpatuloy sila sa kanilang pang-araw-
araw na mga gawain, habang kumakain at naghahalakhakan, at tuluyan
na nilang kinalimutan ang kahindik-hindik na kapalarang naghihintay sa
kanila.

Bumangon na kayo. Lumapit kayo sa Aking Amang Walang-Hanggan,


ang Kataas-taasan, at hingin ang Kanyang patnubay. Ihanda nyo na ang
inyong pamilya para sa sumisinip na kadiliman, na hindi pa nyo ngayon
mauunawaan. Manalangin, manalangin, manalangin para sa tapang na
huwag tanggapin ang tatak ng mabangis na halimaw. Tatangkain niya,
gamit ang kanyang masamang hukbo, na ipatupad ang, sa simula, ay
isang masamang tatak ng pagkakakilanlan. Ibibigay ito sa inyo at
sasabihing ito’y kinakailangan para makapagwidro kayo ng pera, bumili
ng pagkain, maglakbay, tumira sa inyong mga tahanan at
maghanapbuhay. Ito ang pinakamatinding pagkontrol. Kayo at ang
inyong tunay na mga pinuno sa pulitika ay walang magagawa.
Hinihimok Ko ang media, yung mga hindi nahawahan ng masamang
grupong ito, na tingnan at nang makita kung anong
nangyayari. Bukuhin nyo yung lahat ng sumusuporta sa matandang
ahas at ang kanyang hukbo, pero lumakad kayo nang buong-ingat.

Mga anak Ko, katakutan nyo ang grupo at dapat nyong malaman na
naroon talaga sila, at yung mga sinasabi nung matatapang at matatatag
na mga tao, ay totoo.

Yung ilan sa inyo na nag-iisip kung paanong ang isang Mensahe mula sa
mga maka-Diyos na pinagmumulan ay pwedeng magpasibol ng ganung
kalaking “kalokohan”, mag-isip-isip uli kayo. Balikan nyo at basahin ang
Banal na Kasulatan. Ang mga Salitang nilalaman ng Aklat ng
Katotohanan ng Aking Ama ay tama. Sinasabi ng mga ito ang mga
pangyayari mula pa sa sinaunang panahon. Ibinibigay nila ang
Katotohanan para akayin kayo papunta sa Diyos. Ang Mga Salita ng
Aking mga propeta, noon at ngayon, ay inilalarawan ang buong
Katotohanan ng buhay na darating.

Ang mga babala na nakapaloob sa Aklat ni Juan, mahirap man itong


maintindihan ng maraming tao ngayon, ay nakaugat sa mga pangyayari,
na ngayo’y mabubunyag na.

Ang Aklat ng Pagbubunyag ay nagpopropesiya nang tama sa sunud-


sunod na mga pangyayari na ilulunsad ni Satanas habang palapit na ang
pangwakas na panahon. Alam niya ang Katotohanan na bilang na ang
kanyang mga araw. Pero sinasabi niya sa kawawa Kong mga anak, na
sumasamba sa kanya, na may ibang paraiso, na mas maganda kaysa
ipinangako ng Diyos, na naghihintay sa kanila. Kaya, sa pangwakas na
pakikipaglaban sa Aking Amang Walang-hanggan, gagawin niya ang
lahat para nakawin ang mga kaluluwang ito, pinakamarami hangga’t
maaari, bago bumaba ang Poot ng Aking Ama.

Si Satanas ay nagmamadali na. Tumakbo kayo sa kabilang direksyon.


Protektahan nyo ang inyong pamilya at manalangin kayo sa paraang
hindi pa nyo ginagawa nang napakahaba nang panahon. Panalangin ang
poprotekta sa inyong lahat.

Patatagin nyo nang muli ang inyong pananampalataya, at pag bumaba


na sa Lupa ang tatlong araw na kadiliman, sila, ang Aking mga alagad, ay
madaling makakapag-ilaw sa kanilang mga tahanan. Ang nakakakilabot
na kadiliman na walang sinumang makakaunawa ay mas madilim pa
kaysa gabi.

Sa mga di-nananampalataya at sa mga umaawit ng mga papuri sa


halimaw, makikita nila ang Katotohanan sa puntong yun. Dahil hindi
nila magagawang takasan ang kaitiman habang ito’y bumababa.

Tumayo kayo, mga anak Ko, ngayon na, at lumaban. Magplano kayo
para mapanatili ang inyong buhay sa katawan at kaluluwa, habang ang
masasamang gawain ng mga taong ito ay nalaladlad sa harapan ng
inyong mga mata.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Pagbabalik-loob

Linggo, November 21, 2010 01:30 am


Ngayong araw, anak Ko, ay naghahatid Ako ng isang Mensahe ng pag-
asa at kapayapaan sa lahat Kong anak na sa palagay nila’y pagkatakot
ang inihaharap ng Mga Mensaheng ito. Ipinaaalam Ko sa inyo, na kahit
yung mga nahihirapang manampalataya sa Akin, sa Aking Amang
Walang-hanggan at sa Espirito Santo, ay hindi sila dapat mag-
alala. Marami sa inyo, mahal Kong mga anak, ay gustong
manampalataya, pero dahil sa inyong pangangatwiran at pag-iisip na
pan-tao, na kung saan ay sinusuri nyo ang lahat ng bagay batay sa
pangangatwiran ng tao, mahihirapan kayong maniwala sa makalangit.

Huwag kayong matakot. Sa pamamagitan ng pananalangin, kahit


minsan lang isang araw, at paghiling sa Aking Sagradong Puso na ibuhos
Ko sa inyo ang Aking Pag-ibig, kaagad na maiiba ang inyong damdamin.

Marami sa inyo – yung malabo ang inyong mga pinaniniwalaan – ay


naiinggit sa iba na may malalim na pananampalataya. Dapat nyong
maunawaan na mahal Ko kayong lahat. Tulad ng isang magulang, bawat
isa sa inyo ay may malalim at espesyal na lugar sa Aking Puso. Huwag
na huwag nyong iisipin na hindi kayo karapat-dapat sa Aking Pag-ibig.

Di ba’t ganun Ko kayo minahal, na maluwag sa Aking Kalooban ay


inialay Ko ang Aking buhay para sa inyo, sa pag-asang mabigyan kayo ng
isa pang pagkakataon para magbalik sa Akin?

Mga anak, lagi kayong itutulak sa isang tabi ng iba dahil sa


pagpapahayag nyo ng pananampalataya sa inyong Dibinong
Maykapal. Pag nangyari ito, gunitain nyo na ito’y isang bagay na dapat
pagdusahan ng tao sa Lupang ito, alang-alang sa pagmamahal nila sa
Akin. Huwag na huwag nyong hahayaan na ang pananampalatayang ito
sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, ay lalabo o matatago sa mga
nagmamasid at awang-awa sa inyo.

Oo, marami sa Aking mga anak, na naimpluwensiyahan ng


pangangatwiran at pag-iisip na pan-tao, na sadyang inilagay sa kanilang
saradong mga kaluluwa, ay kukwestyunin ang inyong mga
pinaniniwalaan. Para lalo pa kayong mainsulto, ikakahiya nila ang
inyong pananampalataya, at hindi man nila ito aminin nang lantaran,
nakadarama sila ng kakatwang selos. Ang selos na ito ay nanggagaling
sa pagkamulat nila sa isang katunayan, na walang laman ang loob ng
kanilang mga kaluluwa. Gaano man nila pagsikapang tingnan ang
kanilang kalooban, hindi nila maunawaan kung bakit ganito. Ikaw
naman, ang sumasampalataya, ay magdaranas ng kahihiyan dahil sa
hiyang-hiyang itsura ng mga nagmamasid na may mahina, o wala
talagang, pananampalataya.

Huwag na huwag kayong matatakot o mahihiya na amining meron


kayong pagmamahal sa inyong puso na nakalaan para sa Aking Amang
Walang-hanggan. Maging bukas kayo tungkol sa inyong
pananampalataya. Isuot nyo nang may pagmamalaki ang inyong
pagmamahal sa Akin, para makita ng lahat. Pag ginagawa nyo ito,
nagbibigay kayo ng halimbawang gagabay sa kanila.

Huwag na huwag nyong masigasig na ipipilit, gamit ang


pangangatwirang pan-tao, ang inyong mga paniniwala sa mga di-
naniniwala. Sa halip, pagmamahal at pagtulong ang ipakita nyo sa
inyong kapwa, kahit na alam nyong paggabay ang kanilang
kailangan. Pag nakita nilang bukas-loob nyong ipinararating ang inyong
pagmamahal sa Akin, nang may galak sa inyong puso, magsisimula
silang magtaka.
Kung aakayin nyo ang iba sa pamamagitan ng halimbawa ng
pagmamahal, respeto at mabubuting gawa, maaakit sila sa Liwanag. Sa
simula, marami ang hindi makakaunawa kung bakit. Pero sa katagalan,
lalo na sa kapangyarihan ng inyong mga panalangin, lalakad sila palapit
sa Akin.

Hinihimok Ko kayong lahat na ipanalangin ang pagbabalik-loob ng lahat


ng kaluluwa. Kasama rito yung mga kakilala nyo nang personal, na sa
palagay nyo ay nangangailangan ng mga panalangin, dahil sa mga
kahirapang kinakaharap nila sa buhay na ito. Ipanalangin nyo rin ang
pagbabalik-loob nung kawawa Kong mga anak na nawawala sa Akin
dahil sa kadilimang bumubulag sa kanila sa Katotohanan. Ipanalangin
nyo nang may malasakit at pagmamahal lalong-lalo na yung mga
masigasig na sinusundan ang daan ni manloloko. Sila, higit kaninuman,
ang nangangailangan ng inyong mga panalangin.

Ipagbigay-alam nyo sa lahat ng masasalubong nyo, ang mga detalye kung


paano bawat isa sa kanila ay maliligtas, sa bingit man ng kamatayan, sa
pamamagitan ng pagdarasal ng Chaplet of the Divine Mercy.

Pakiusap, ibigay nyo naman ito sa lahat ng makikinig. Himukin nyo sila,
kung kaya nyo, na basahin at sauluhin ito, dahil pag ginawa nyo ito at
dinasal nga nila ito sa mga huling hininga nila, maaari silang maligtas at
ililigtas Ko sila.

Huwag na huwag nyong ikakahiya ang mga Krus na inyong


suot

Huwag na huwag kayong mai-insulto pag tinatawanan kayo o binibiro ng


mga di-mananampalataya pag kayo’y nagdarasal. Huwag na huwag
nyong ikakahiya ang mga Krus na inyong suot para sa inyong
proteksyon. Huwag nyong itatago ang mga simbolong ito ng inyong
pagmamahal sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, sa Aking
Amang Walang-hanggan o sa Espirito Santo.

Pag isinuot nyo nang may pagmamalaki ang mga tsapang ito ng banal na
karangalan, aakayin nyo ang iba palapit sa Akin. Makatikim man kayo
sa mga taong ito ng panlabas na paghamak, sa kalooban naman nila ay
kinaiingitan nila kayo dahil sa inyong pananampalataya. Marami sa mga
mirong ito ay nakadarama ng kahungkagan sa kanilang kalooban dahil
wala silang pananampalataya.

Panalangin, mga anak Ko, ang makakatulong sa Akin na mapalapit ang


kanilang mga kaluluwa. Dasalin nyo ang panalanging ito para sa kanila.

“My dear Lord, I hold out my arms to ask You to take my


beloved brother/sister into Your tender Arms. Bless them
with Your Sacred Blood and give them the grace needed to
allow them to receive the Spirit of Your Love, to lead them
into eternal salvation.”

Mga mananampalataya Ko, pag lantaran kayong hinamon ng iba tungkol


sa inyong pananampalataya, sabihin muna nyo ito:

“Alagad ako ni Kristo, Siya na dumanas ng kamatayan sa mga kamay ng


mga di-mananampalataya. Dahil dito, bilang isang alagad ni Kristo, lagi
akong makakaranas ng kahihiyan mula sa iba, alang-alang sa
pagmamahal ko sa Kanya. Yun ang Krus na aking pinapasan at
ipinagmamalaki ko ito. Siya, ang aking Tagapagligtas, ay namatay, hindi
lamang dahil sa mga kasalanan ko, kundi pati rin sa iyo.”
Pag ipinagmalaki nila ang kanilang pagiging agnostiko o ateo, sabihin
nyo ito sa kanila. Tanungin nyo sila kung iba ang magiging damdamin
nila pag nagtatapos na ang kanilang buhay sa Lupang ito. At pagkatapos
ay payuhan nyo sila nang ganito. Sa bingit ng iyong kamatayan, tandaan
mo ang panalanging ito ng Divine Mercy kahit hindi ka pa
sigurado. Buksan nyo ang inyong puso at hilingin sa Aking Amang
Walang-hanggan na sila’y patawarin. Tandaan nyo ang Pangako
Ko. Bilang Hukom, at inyo ring Tagapagligtas, magpapatawad Ako,
hanggang sa kahuli-hulihang hininga ng bawat anak Ko sa Lupang
ito. Sabihan nyo sila na taimtim na manalangin, para magawa nilang
buksan ang kanilang puso nang kahit minsan man lamang.

Ang panalangin ay inaakay ang lahat Kong anak palapit sa Aking


Kaharian sa Lupa pag nagsanib ang Langit at Lupa. Ang kapangyarihan
ng panalangin ay talagang mauunawaan lamang pag ang Aking mga anak
ay nagbukas ng kanilang puso at tumawag. Humingi kayo, at kung ito’y
Kalooban ng Diyos, sasagutin ang inyong mga panalangin.

Huwag na huwag nyong pagkakaitan ang inyong mga anak ng


Sakramento ng Binyag

Bilang panghuli, ipanalangin nyo ang maliliit na bata, ang inyong mga
anak na lalaki at babae at ang kabataan ng mundo. Bawat isa sa kanila
ay karapat-dapat pakitaan ng Katotohanan. Hindi sila pinakitaan ng
Katotohanan ng Pag-ibig ng Diyos o ginabayan ng kanilang mga
magulang, dahil sa kadilimang espiritwal, na umiral sa Lupa nitong
huling dalawang dekada. Mahina man ang inyo mismong
pananampalataya, huwag nyong tatalikuran ang inyong tungkulin, bilang
mga magulang, na mabigyan sila ng Mga Sakramento, lalo na ang
Binyag. Huwag na huwag nyong ipagkakait ang napakahalagang
Sakramentong ito sa inyong sariling anak.
Maraming magulang, na mapagmalaking ipinaninindigan at isinisigaw
pa ang kanilang pananaw sa hindi pananampalataya, ay sinisira ang
kaluluwa ng kanilang mga anak. Ibigay nyo sa inyong mga anak ang
kaloob na mga Sakramento. Darating ang araw na pasasalamatan nila
kayo dahil dito o itatanggi Ako. Nasa kanila na yun. Itanggi nyo na Ako
kung itanggi, pero huwag nyong nanakawin ang mga kaluluwa ng Aking
mga anak. Maaaring kayo ang kanilang mga magulang sa Lupa, pero
mga anak sila ng Aking Amang Walang-hanggan, ang Maykapal at
Maylikha ng lahat ng bagay. Huwag nyong tatangkaing isama sila sa
kadiliman. Minsan pa, alalahanin nyo, na sa kabila ng inyong sariling
mga paniniwala, mahal Ko kayong lahat.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas at Hukom

Jesucristo, Anak ng Amang Walang-hanggan

Panawagan sa lahat ng Simbahan at Pananalig na Magkaisa


Laban sa Kasamaan

Linggo, November 21, 2010 3:00 pm

Sa Aking mga simbahan sa buong mundo, pakinggan nyo ang Aking


panawagan. Lahat kayong mga anak at mga alagad ay Akin. Ang dami
nyong sumusunod sa mga aral ng inyong simbahan at ng Diyos na
Maylikha ng Sangkatauhan. Mabuti yun. Marami sa inyo ay
ipinaliliwanag ang Mga Aral ng Aking Amang Walang-hanggan sa iba’t
ibang paraan. Nagkaganito dahil sa mga paliwanag ng mga propeta mula
pa sa simula.
Maraming propeta ang nagpapaliwanag ng Mga Aral ng Diyos sa paraan
ng pagkatanggap nila ng Mensahe. Ang mga salita ng ilan sa Aking mga
propeta ay pinalitan. Lahat ng Aking mga propeta ay binigyan ng
Katotohanan. Hindi lahat ng Aking mga propeta ay nagawang siguruhin
na lahat ng kanilang alagad ay mananatili sa iisang daan papunta sa
buhay na walang-hanggan.

Lahat ng daan ay papunta sa Diyos na Maylikha ng sangkatauhan. Ang


mga alagad ng Diyos ay ipinaliliwanag ang Mga Aral sa iba’t ibang
paraan, at ito’y nagbubunga ng pagkalito. Sa oras na magkaroon na ng
pagkalito, makatitiyak kayo na ang tanging paraan ay pasimplihin ang
inyong mga paniniwala. Manampalataya na lamang at magparangal sa
inyong Maykapal.

Ako’y nananawagan sa lahat ng simbahan, relihiyon at pananalig sa


buong mundo na ipanalangin ang sangkatauhan at yung mga walang
pananampalataya – ngayon na. Ang pagmamahal sa Diyos ay walang
kinalaman sa pagwasak sa buhay. Walang sinumang tao na may
karapatan, sa Ngalan Ko, o ng Aking Amang Walang-hanggan, na kumitil
ng buhay sa Ngalan Niya. Sa halip ay magsama-sama at magkaisa sa
inyong pagmamahal sa inyong Maykapal sa harap ng kasamaan, habang
mabilis itong bumabangon at binabalot kayo.

Mga anak Ko, hayaan nyong ipagunita Ko sa inyo ang Mga Utos ng
Diyos. Ang Sampung Utos ay ibinigay sa inyo ng Aking Amang Walang-
hanggan, sa pamamagitan ng Kanyang kabanal-banalan at tapat na
propetang si Moises. Ang mga utos na ito ay ginawa para turuan ang
mga anak ng Diyos, kung paano Siya kailangang parangalan, para
maakay sila sa Katotohanan.

Napakaraming tao ang nakalimot na nito. Yun namang mga hindi


nakalimot ay bihirang isipin kung ano talaga ang kahulugan ng mga
ito. Yung mga hindi nakakaintindi sa Sampung Utos ay ipinaliliwanag
ang mga ito sa paraang malayong-malayo sa Katotohanan. Sa mga yun,
sinasabi Kong basahin nyo naman ang Sampung Utos at makinig, o
manganib kayo na makaharap ang Poot ng Diyos. Ang kahulugan ng
mga ito ay hindi dapat pinalalabnaw sa pagdadahilan ng pekeng
pagmamahal, pekeng malasakit o pagbibigay-katwiran sa kasalanan sa
harap ng sinabi na sa inyo.

Sinasabi sa inyo ng unang Utos, na ang sasambahin nyo lamang ay ang


kaisa-isahang Maykapal, ang Aking Amang Walang-hanggan, at iwasan
ang pagsamba sa mga diyus-diyusan.

Pero ang unang utos ay itinapon sa malayo alang-alang sa mga diyus-


diyusan. Pag sinabi Kong diyus-diyusan, hindi Ko ibig sabihin na ang
mga ito ay yun lamang mga tao na nasa matataas na puwesto o yung mga
iniaangat nang napakataas ang kanilang sarili kaya kayo, Aking mga
anak, ay nagkakandarapa sa paanan nila dahil sa sobrang
kaligayahan. Oo, isa itong paglabag at labis na nakakainsulto sa Mata ng
Diyos. Ang pagsamba sa mga diyus-diyusan na tinutukoy Ko ay ang
pagmamahal ng sangkatauhan sa kapangayarihan at pera, na nagdudulot
sa Aking mga anak ng hungkag na kawalang-pag-asa. Itong kawalang-
pag-asa ay nauuwi naman sa paglabag sa isa pang utos, ang kasalanan ng
labis na pagmamahal sa sarili. Ang pagnanasang humanap ng iyong
sariling daan sa buhay, sa kapahamakan ng iyong kaluluwa, ang siya
mong magiging pagbagsak. Ang pagmamahal sa sarili ay hindi
pagmamahal. Ito’y kabanidosohan. Pero yun ay isang popular na
doktrina ngayon. Sa likod ng pekeng pagmamahal, sarili mo ang
itinataas mo at itinatanggi mo ang Diyos. Wala kang kababaang-loob
kaya mapapahamak ka. Pag inuna mo ang iyong sarili sa iba, sila, at
marami pang iba, ay magdurusa. Ang Utos na ito ay hindi kailanman
dapat baliin. Ang pangangatwirang pan-tao, na ginagamit para bigyang-
katwiran ang kasalanan, ay isang kalokohan.

Pagkaloko sa Kasikatan
Para sa kabataan na napakatagal na hindi nagabayan, nahihigop na sila
papunta sa kailaliman ng pagsamba sa mga diyus-diyusan sa mga
paraang malinaw na nakikita ng lahat. Ang mismong mga diyus-diyusan
na sinasamba ng Aking batang mga anak, karamihan ay hindi sa
Liwanag. Marami ang nagbenta na ng kanilang mga kaluluwa sa
demonyo, at ipinagmamalaki pa nila ito.

Ang nakakatulala nilang kagandahan, gamit ang kanilang musika at mga


salita, ay napapaniwala ang Aking mga anak na ito ang tunay na daang
dapat sundan. Ang nakakaakit nilang imoralidad ay nag-uudyok sa
kanilang mga tagasunod na gayanin sila. Pag ginagawa nila ito, sila, ang
Aking mga anak, ay hinaharangan ang Liwanag, dahil sila man ay
nahihigop sa kadilimang walang-hanggan. Ang pagkaloko sa kasikatan
sa mundo ngayon ay nangangahulugang ang Aking mga anak ay laging
balisa, dahil sinisikap nilang abutin ang ganung kataas na mga
kalagayan, gaya nung sinasabing tinatamasa nung mga sumusunod kay
manloloko.

Halikayong lahat, lahat Kong anak, ng lahat ng simbahan at


pananalig. Magsama-sama kayo at ipaglaban ang karapatang panatiliin
ang pananampalataya sa Diyos Amang Walang-hanggan, ang karapatang
magmahalan, ang karapatang magkaroon ng malinis na pag-ibig, ang
Pag-ibig ng Diyos Amang Walang-hanggan, Maylikha ng Langit at Lupa.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas at Makatarungang Hukom

Jesucristo
UL 9 11 13

Ang Dakilang Babala, Isang Kaloob ng Awa

Lunes, November 22, 2010 02:00 am

Pinakamamahal Kong anak, tuwang-tuwa Ako sa ginagawa mong buong-


pusong pagsunod at pananalig sa Aking Mga Salita. Matindi ang
pagmamahal Ko sa iyo. Gayun ka rin naman sa Akin. Nadarama mo na
ngayon kung gaano Ako kalapit sa iyong puso. Kaisa mo na Ako ngayon,
anak Ko. Ako, at ang Aking Amang Walang-hanggan, pati na ang
Espirito Santo – ang Santisima Trinidad, ay nagagalak sa iyong pagtugon
sa napaka-importanteng panawagang ito. Kami, at lahat ng anghel at
santo ay kasama mo sa iyong paglakad, araw-araw, para protektahan ka
sa Pinaka-Sagradong Gawaing ito.

Lakasan mo ang loob mo at manatili kang nakahawak sa Aking


Kamay. Hayaan mong gabayan Kita sa iyong mga salita para mabigyan
ng pagkakataon ang sangkatauhan na maintindihan sa wakas ang
Katotohanan bago mangyari ang Dakilang Babala. Ang Dakilang
Babalang ito, dahil sa Awa at Pag-ibig, bilang huling Kaloob sa Aking
mga anak, ay malapit nang mangyari. Bawat isa sa Aking mga anak ay
pakikitaan ng kanilang buhay, ang kanilang mga kasalanan, ang kanilang
mga kamalian at bawat isa sa mga insultong pinag-gagawa nila sa
kanilang kapwa, at lahat ng ito ay mangyayari sa loob ng isang
misteryosong karanasan. Wala ni isang lalaki, babae o bata sa Lupang
ito ang hindi makakaranas nito.

Ang ilan ay sobrang magugulat at malulungkot dahil sa kanilang mga


kasalanan at agad lalapit sa Akin, ang kanilang Makatarungang Hukom,
at tutubusin ang kanilang mga sarili. Dahil sa pagmamahal at
kalungkutan, hihingi sila ng Awa.

Ang iba nama’y labis na sasama ang loob at masisindak sa paraan ng


pagkabunyag ng kanilang mga kasalanan kaya bigla na lamang silang
mamamatay bago pa sila magkaroon ng pagkakataong humingi ng
tawad.

Meron pang iba na sumusunod kay manloloko. Dahil sa laki ng takot


pag nakita nila ang kabuktutan ng kanilang mga kasalanan sa nakaraan
nilang buhay na biglang mumulaga sa harapan nila, sila’y
tatakas. Tatangkain nilang magtago, pero walang matataguan. Sa pag-
ilag at pag-iwas nila, aaminin nila ang kanilang nakikita at hihingi ng
tawad o tatalikod sila at mamimilipit sa hiya at takot, pero hindi sila
hihingi ng Awa.

At merong pangwakas na makasalanan. Pag ipinakita sa kanya ang


kanyang mga kasalanan, ang gagawin na lamang niya ay makipagtalo at
itanggi na ginawa niya itong grabeng mga pagkakasala sa mga Utos ng
Diyos.

Basta na lamang niya itatanggi ang katotohanan at tatalikod siya at


pupunta sa kadiliman ng Impiyernong walang-hanggan.

Wala ni isang itataboy mula sa Aking Awa

Bakit ba hindi ito maintindihan ng Aking mga anak? Kung talagang


nagsisisi sila at gusto nilang sumama at makipamuhay sa Akin sa Bagong
Lupa, kung saan ang Langit at Lupa ay magsasanib, bakit hindi sila
humihingi ng tawad? Walang itataboy mula sa Aking Awa kung
magpapakita sila ng pagsisisi. Pero abalang-abala sila sa kanilang
makasariling mga layunin kaya hindi nila makayang intindihin ang
magiging mga resulta.

Gising na, lahat kayo. Tanggapin nyo na ang mga pagbabagong malapit
nyo nang masaksihan dahil sa masasamang gawain ng sangkatauhan,
ang mga palatandaang naipropesiya na at mangyayari muna bago ang
Aking pagbabalik sa Lupa.

Magpaakay kayo sa Akin tungo sa Paraiso

Sa pamamagitan ng propetang ito at ng Aklat ng Katotohanan, minsan


pa Akong nakikiusap sa inyo, alang-alang sa Aking malaking
Pagmamahal sa inyong lahat, lumapit na kayo sa Akin, ngayon na, bago
maubos ang oras. Magpayakap kayo sa Akin. Padaluyin nyo ang Aking
Pag-ibig sa inyong isip, katawan at kaluluwa. Buksan nyo ang inyong
puso at magpaakay kayo sa Akin tungo sa Aking Paraiso, sa Lupa, kung
saan magtatamasa kayo ng buhay na walang-hanggan. Bakit nyo
gugustuhing piliin yung kabilang daan na walang patutunguhan kundi
kapahamakan, gayung ipinakita na ang Katotohanan?

Hinihingal ang Aking Puso sa pagkabahala at kalungkutan pag naiisip Ko


ang Aking mga anak na basta na lamang tinatanggihan ang Katotohanan
ng Aking pangako. Sinasabi Ko sa inyo, minsan pa, lumapit na kayo sa
Akin, ngayon na, at kausapin Ako. Hingin nyo sa Akin na Ako’y bumalik
sa inyong puso. Pagkakasyahin Ko ang Aking Sarili sa loob ng inyong
kaluluwa. Ibinibigay Ko sa inyo ang pangakong ito, pati sa mga
pinakamatigas na mga kaluluwa. Isang salita lamang ang kailangan
nyong sabihin. Hingin nyo na ipakita Ko sa inyo ang Aking Presensya sa
pagsasabing:
“Jesus, I feel lost. Open my heart to accept Your Love and
show me the Truth, so that I may be saved.”

Ang Aking Mga Salita ng Babala ay hindi pagbabanta. Ang pangyayaring


ito ay alam na noon pang Aking pagkamatay sa Krus. Bakit nyo iniisip
na hindi ito maaaring mangyari? Ang Katotohanan ay nasa Banal na
Kasulatan para maintindihan ng lahat. Kikilos Ako bilang inyong
Tagapagligtas, hanggang sa huling sandali, bago Ako dumating, bilang
Makatarungang Hukom, para sa wakas ay maakay Ko na ang Aking mga
anak sa Aking pamilya ng dakilang pag-ibig, galak at kaligayahan, kung
saan ang lahat ay mamumuhay sa pagkakasundo magpakailanman.

Si Satanas at ang kanyang mga alagad ay ihuhulog sa kadiliman


magpakailanman. Ang Aking pamilya ay masasaksihan ang kaligayahan
at Dibinong Kalangitan, na kung masusulyapan lamang ninuman at
matitikman ang pangako nito, ay hindi tatalikuran itong purong
kaligayahan sa Kaharian ng Aking Ama.

Manalangin kayo, ipanalangin nyo na kayo’y patawarin at papasukin sa


Kaharian ng Aking Ama sa kaluwalhatian kung saan kayo, at ang inyong
mga mahal sa buhay, ay mapagmahal na tatanggapin sa Liwanag ng
Purong Pag-ibig.

Ipaglalaban Kong mabawi Ko kayong lahat


Namatay Ako para sa inyong lahat at ipaglalaban Kong mabawi Ko
kayong lahat, sa kabila ng kadiliman ng kasamaan sa mundo, hanggang
sa kahuli-hulihang sandali.

Hayaan nyo namang minsan pa’y maipakita Ko sa inyo kung gaano Ko


kayo kamahal. Hawakin nyo na ngayon ang Aking Kamay, ipatong nyo
ang inyong ulo sa Aking balikat pag-aalabin ang inyong maamong
kaluluwa ng isang pagmamahal na inyo nang nakalimutan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Panawagan sa mga Sumasampalataya na papagbaliking- loob


ang mga naliligaw na mga kaluluwa

Biyernes, November 26, 2010 3 pm

Pinakamamahal Kong anak, nakikiisa sa iyo ang Santisima Trinidad para


isulong ang Katotohanan ng Diyos sa bawat kaluluwa sa mundo, at
kailangang-kailangan na itong gawin.
Nararamdaman mo ngayon, anak Ko, ang hapdi at dusa sa iyong puso na
kaisa Ko alang-alang sa sangkatauhan. Ang nawala nilang
pananampalataya ay nagdudulot sa iyo ng isang malalim na kalungkutan
at pagkatakot para sa kanilang kinabukasan.

Ang Aking mahal at tapat na mga alagad ay nagkakaisa na ngayon, sa


panahong ito, sa lahat ng dako ng daigdig sa pamamagitan ng
makapangyarihang Pag-ibig ng Diyos upang lumaban para iligtas ang
mga kaluluwa sa hatol.

Ang mga ito, na Aking mga anak ng Liwanag, ay nagmumula sa lahat ng


bansa. Makikilala nila ang bawat isa sa isang iglap, anuman ang
kanilang lahi, kulay o pananalig. Ginagabayan Ko sila para ang hukbong
ito ng pag-ibig ay makatulong na palakasin ang pananampalataya ng
sangkatauhan sa puntong ito ng kasaysayan.

Hindi Ko pa kailanman nagawa na iparamdam nang ganito ka-linaw ang


Aking Presensya sa mga puso ng mga sumasampalataya. Nadarama nila
ang pagdurusang tinitiis Ko, habang Aking nasasaksihan ang
makadurog- pusong kasamaang umaalingasaw mula sa tao, pati na yung
aakalain nyo’y mabait at may konsiderasyon. Ang pagmamahal sa sarili
ay nakakasira sa Aking mga anak.

Ang pagka-makasarili at kawalang-konsiderasyon para sa mga


nakapaligid sa iyo at para sa mahihina ay nag-iiwan ng mantsa na
mahirap alisin. Ang kalupitan na ipinapakita ng tao sa kanyang kapwa,
na isa lang ang pakay – pansariling kasiyahan – ay umabot na sa
pinakamataas na lebel. Ang pagkaloko para sa pansariling mga
pangangailangan ay isang kasalanan sa mata ng Aking Amang Walang-
hanggan.
Ang daming pekeng pagdadahilan, alang-alang sa pagbibigay-halaga sa
sarili, na lubos na di-katanggap-tanggap at salungat sa Aking Mga
Aral. Magmahalan kayo. Tratuhin nyo ang iba gaya ng inaasahan nyong
pagtrato sa inyo. Isipin muna nyo ang pangangailangan ng iba bago
yung sa inyo. Ipaglaban nyo ang mga karapatang pan-tao ng inyong
kapwa pag ginagawan sila ng kawalang-hustisya ng iba. Huwag na
huwag nyong bibigyang-katwiran ang pagparusa sa isang tao para
lamang makakuha kayo ng materyal na bentahe.

Magpakita kayo ng pagmamahal at malasakit, pati na sa inyong mga


kaaway. Hindi ito madaling gawin, dahil ang Aking mga anak ay
maraming nararamdaamang kawalan ng seguridad pagdating na sa mga
materyal na bagay. Ang mga sintomas ng pagkaloko sa kayamanan,
kagandahan at yung tinatawag na tagumpay, na akala ng marami ay mga
likas na katangian ng pagiging tao, ay nagdudulot ng katakut-takot na
kalituhan.

Matagal nang naitanim sa isip ng mga tao na dapat ay unahin muna nila
ang kanilang sariling mga pangangailangan. Bugbog-sarado na nga ang
utak nila sa pilosopiyang ito, e lalo pang pinatindi ito ng mga
kapangyarihan ng modernong komunikasyon. Pag naririnig ng Aking
mga anak ang mga mensaheng ito, halos araw-araw, sa TV, sa media, sa
sine, sa musika at sa Internet, ang nagiging dating sa kanila ay
importante ang mga mensaheng ito.

Peke ang pangakong binibitawan ng mga paniniwalang ito, pero mahirap


tanggihan dahil nakakaakit at nag-aalok ng pagbibigay ng kasiyahan sa
sarili. Kaya tinatanggap ng Aking mga anak ang kasinungalingan, ang
kasinungalingang itinanim na ni manloloko – si Satanas.

Hindi magtatagal, makadarama sila ng pagkabalisa, dahil nanlamang sila


ng kapwa, at nahihirapan silang maintindihan kung bakit sila
nababalisa. Nakuha na nila ang hinahangad na premyo, pero ang Aking
mga anak na ito ay hindi pa rin masaya. Pagkatapos ay maghahangad
sila ng ganun at ganun pa rin, dahil wala na nga silang
kabubusugan. Pero wala rin. Hindi pa rin nila mabigyan ng lubos na
kasiyahan ang kanilang sarili. Salat sila sa tunay na kaligayahan, sa likas
na kasiyahan, at hindi nila maintindihan ang kahungkagang nadarama
nila sa kanilang kalooban.

Pag inuna nyo ang inyong sarili bago ang iba, pagkamasarili yun. Pag
iniisahan nyo yung mas mahihina at mas madaling saktan kaysa inyo,
kasalanan yun. Pag sinisira nyo ang kakayahan ng taong yun na
mamuhay nang marangal at pagkatapos ay inaalisan nyo sila ng
karapatang pakanin nang sapat ang kanilang pamilya, sobrang
nasasaktan Ako. Nagdurusa Ako kasama ng mga kaluluwang ito. Gawan
nyo sila ng mali at ginagawa nyo ito sa Akin. Pag pinasasakitan nyo ang
inyong kapwa sa pamamagitan ng masasakit na salita, nagkakasala kayo
dahil sinaktan nyo ang Aking Damdamin.

Pag pinarusahan ng isang tao ang kanyang kapwa gamit ang karahasan,
pinagdaraanan Ko ang hapdi ng Aking Paghihirap sa Krus. Muli Ko
itong isinasabuhay. Nadarama Ko ang hapding nadarama nila pag
sinasaktan nyo ang kanilang katawan. Pag mamamatay-tao ka, ang
kasalanan mo ay ang pangwakas na kahihiyan ng pagpapako sa Akin sa
Krus.

Mga anak, dapat nyong malaman ito. Dadalhin kayo ng kasalanan sa


impiyerno. Nakakatakot ito para sa mga sumasampalatayang itinuturing
Ako na isang Maawaing Hukom. Ang Aking pangako ng walang-
hanggang Awa, na ibibigay Ko sa bawat isa sa inyo na magsisisi, ay
ginagarantiyahan Ko pa rin. Pero paano Ko naman ililigtas yung ayaw
makita ang kamalian ng kanilang magulong buhay?

Ang pangangaral ng Katotohanan ng Aking Mga Aral ay


importante. Pero dahil sa paglaganap ng napakaraming nakakaakit at
nakakagulong bagay, hirap na hirap ang Aking mga anak na makilala ang
Salita ng Diyos. Marami ang hindi matututunan ang Mga Aral ng Diyos
sa pamamagitan ng mga propeta o Banal na Kasulatan. Marami namang
talagang ayaw lang matuto. Ang iba nama’y ayaw makinig kahit pa ang
Salita ay ikinakalat na sa pamamagitan ng Aking mga propeta at
bisyonaryo ng panahong ito, nang may kasamang mga malinaw na
palatandaan para makita ng lahat. Kaya nga nasa sa mga
sumasampalataya na para ipanalangin ang iba. Mga natatanging
panalangin na ang kinakailangan ngayon. Sa pagdarasal ng Divine
Mercy, ang makapangyarihang panalangin, na ibinigay sa Aking mahal
na si Sister Faustina, magkakaroon ng maraming pagbabalik-loob.

Pag nangyari yun, hinihiling Ko na ang lahat Kong anak ay muling


magsama-sama sa mga prayer group para magpatuloy na ipanalangin at
gabayan ang Aking waldas na mga anak na ito – ang inyong mga
kapatid. Sa Ngalan Ko at ng Santisima Trinidad, hinihimok Ko ang
Aking mahal na mga anak na makipagsanib-puwersa sa Aking Puso at
Ako’y tulungang magligtas ng kanilang mga kaluluwa. Ganun Ko sila
kamahal, na umiiyak ako ng mapapait na luha ng kalungkutan at
matinding takot para sa kanila. Ayaw Ko silang mawala sa Akin.

Tulungan nyo Ako, Aking mga alagad ng Liwanag, na muling ipagkaisa


sa Aking pamilya ang mga naliligaw na kaluluwang ito, para sila rin ay
makaranas ng Tunay na Paraisong kapit-sa-patalim nilang
pinagsisikapan.

Ibigay nyo ang inyong kamay sa kanila. Kausapin nyo sila. Pakinggan
nyo sila. Pagmalasakitan nyo sila, kahit na pagalit nila itong ibato
pabalik sa inyong mukha. Pagpasensyahan nyo. Higit sa lahat ipadama
nyo sa kanila ang Aking Pagmamahal. Sa pamamagitan ng inyong mga
panalangin, magagawa nyong iligtas, at ililigtas nyo, ang kanilang mga
kaluluwa.

Saludo Ako sa inyo, mahal Kong mga alagad. Naluluha ang Aking Mga
Mata dahil sa pagmamahal at debosyong ipinapakita nyo sa Akin, sa
Aking Pinagpalang Ina, Reyna ng Kalangitan at sa Santisima Trinidad.
Kami, at lahat ng anghel at santo sa Langit, ay nagdiriwang dahil sa
inyong pagtugon sa panawagang ito ngayon. Kaya, sige na at gawin nyo
ang inyong Gawain sa Ngalan ng Aking Amang Walang-hanggan. Ibalik
nyo ang Aking kawan.

Ang inyong tapat na Tagapagligtas

Jesucristo

Pag-usig sa Mga Totoong Bisyonaryo

Lunes, November 29, 2010 12:48 pm

Anak Ko, isulat mo ito para bigyan ng babala ang mundo tungkol sa pag-
usig na ginagawa sa Aking hinirang na mga kaluluwa na isinugo sa
mundo para ibigay ang Katotohanan, upang iligtas ang mga kaluluwa
bago sumapit ang Aking Ikalawang Pagdating.
Mapapansin mo na ang Aking mga piniling mga bisyonaryo at propeta
ang siyang tatanggihan, agad-agad, kumpara sa mga di-totoong
propeta. Ang magaganda Kong mga kaluluwang ito, na pinili dahil sa
kanilang simpleng debosyon, ay titiising kaisa Ko ang pagtangging
naranasan Ko sa mga kamay ng sangkatauhan.

Yung mga nagdurusa sa Akin, kasama Ko at alang-alang sa Akin, ang


mga ito ang mga totoong propeta. Sila ang mga kaluluwang pahihirapan,
hahamakin at agad-agad na kokondenahin alang-alang sa Akin.
Tatanggihan din sila ng Aking sariling Simbahan, pero hindi ng lahat ng
Aking sagradong lingkod. Ang mga tapat na alagad, na sumusunod sa
Aking Mga Aral, ay matutukso ring tanggihan sila, hanggang, sa
katagalan ay unti-unti nilang makikita ang Katotohanan.

Mula pa sa simula, nang magpasya Akong magsugo ng mga propeta sa


mundo, dahil sa Aking Dibinong Awa, para ipaalala sa inyong lahat ang
tungkol sa Aking Mga Aral, iilan lang ang pinaniwalaan sa
simula. Marami ang hinamak, at itinuring na may sakit na sobrang ang
imahinasyon, depresyon, o basta na lang hinusgahan na naloko lamang.
Karamihan sa mga propetang ito ay nabalisa nang una nilang maranasan
ang enkwentro sa Diyos. Marami sa kanila ay pinagdudahan ang mga
misteryosong karanasang ito nang ilang panahon bago nila tinanggap na
totoo nga ang mga ito. Matagal-tagal din bago nila unti-unting
ibinunyag ang kanilang karanasan kaninuman. Kinailangan ang ilang
panahon para matanggap nila ito.

Lahat ng Aking piniling kaluluwa, samantalang tinatanggap nila ang


kanilang tawag, ay atubiling ibunyag ang Mga Mensahe, o mga utos
galing sa Akin, pati na yung mga madre, pari, obispo at kardinal. Kabado
sila sa mga taong ito at alam nila sa kanilang puso, na ang mga usaping
iniharap sa kanila ay napakahirap harapin. Marami sa mga tinawag ang
hindi nagbunyag ng kanilang Mga Mensahe at ang ginamit na lamang ay
panalangin at personal na pagdurusa para tuparin ang kanilang
tungkulin sa Akin. Ang iba naman, na nagbunyag nga ng Mga Mensahe,
gaya nang iniutos Ko at ng Aking Pinagpalang Ina, ay hindi
pinaniwalaan. Sa pamamagitan na nga lamang ng mga Makalangit na
pagpapakita, na naging malinaw sa paglipas ng panahon, kaya sila
pinaniwalaan.

Hinihimok Ko lahat ng Aking alagad na pakinggan ang inyong


puso. Tingnan nyo ang Mga Mensaheng ibinibigay ng Aking mahal na
mga bisyonaryo at propeta. Ang Mga Mensaheng ito ay ibinibigay sa
inyo, dahil sa Purong Pag-ibig, para gabayan kayo at magligtas ng mga
kaluluwa. Yun ang layunin. Kung sa akala nyo’y hindi Makalangit ang
pinagmumulan nito, ipanalangin nyong kayo’y gabayan. Kung ipinasiya
naman nyo na Makalangit nga, ay manalangin, manalangin, ipanalangin
nyo ang Aking mga bisyonaryo na sila’y pakinggan.

Ngayon hayaan nyong balaan kayo tungkol sa mga palatandaang dapat


bantayan pag ang Aking mga totoong bisyonaryo ay inuusig sa Ngalan
Ko. Ang mga alagad ni manloloko, pag nakita ang kanilang Liwanag, ay
tatargetin sila, hindi konti lang, kundi ganun kabangis kaya mapapa-
buntong-hininga na lang kayo. Hindi lamang nila pahihirapan ang mga
ito, sa pamamagitan ng pagkutya, kundi gagawin nila ang halos lahat ng
paraan para sirain ang kanilang kredibilidad, at lahat sa Ngalan Ko. Ang
hapding titiisin ng Aking mga alagad ay wala kumpara sa hapding
idinudulot nito sa Akin.

Ang Aking pagdurusa, nitong mga panahong ito, ay umabot na sa lebel


na muli Ko na namang isinasabuhay ang nakakakilabot na parusang
tiniis Ko nang Ako’y mamatay para sa inyong mga kasalanan, lahat ng
kasalanan, alang-alang sa buong sangkatauhan; pati na yung
nagpapahirap sa Akin at sa Aking mga bisyonaryo;
yung mga pagpaslang, yung mga taong lantaran Akong itinatanggi at
ipinagyayabang pa ito, at ang nakakakilabot na kasamaan sa mundo sa
panahong ito.

Pakinggan nyo naman ang Aking mga bisyonaryo. Madarama nyo ito sa
inyong puso pag narinig nyo ang Katotohanan. Huwag naman sana
kayong mahuhulog sa bitag ng mga umusig sa mga bisyonaryo ng Aking
Pinagpalang Ina, kasama na sina Santa Bernadette o ang Aking maliliit
na anak sa Fatima. Sobrang binastos sila, lalo na ng Aking sagradong
mga lingkod. Sila ang mga pinaka-nasasaktan, pag ang Aking
Makalangit na pagpapakita ay ibinibigay sa sangkatauhan, nang dahil sa
Pag-ibig. Lalo pang nadudurog ang Aking Puso pag hindi sila naniniwala
sa Makalangit, o nakikilala ito pag ipinapakita sa kanila.

Ipanalangin nyo naman ang Aking mga bisyonaryo, lalo na ang mga
bisyonaryo Ko na ang Mga Mensahe ay hindi pwedeng tanggihan dahil sa
pagmamahal na ipinapakita ng mga ito at sa mga babalang nilalaman ng
mga ito, dahil ang mga ito ang Aking totoong mga
bisyonaryo. Makikilala nyo sila sa mga insulto, paninirang-puri, pasakit
at abusong tinatanggap nila sa mga kamay ng Aking mga anak.

Kung titingnan nyo ang abusong tinatanggap nila at pagkatapos ay


titingnan nyo ang mga kasinungalingang ikinakalat tungkol sa kanila sa
napaka-mapanghamak na paraan, tatanungin nyo ang inyong sarili:
Kung ang taong ito ay pinahirapan na nga at hindi na pinaniwalaan, e
bakit patuloy pa rin ang napakalupit na pag-abuso sa kanya? At
makukuha nyo na ang kasagutan.

Manalangin kayo sa Espirito Santo para kayo’y gabayan para makilala


ang Aking mga totoong propeta at bisyonaryo at maihiwalay sila sa iba
na nanloloko sa inyo.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Paghahangad ng Kayamanan

Martes, November 30, 2010 12:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, pagtuunan mo ng pansin at pakinggan ang


Aking sasabihin. Ikaw ngayon ay nasa masakit na paglipat, mula sa
panahon na tinanggap mo ang unang mensahe, hanggang sa mga
kasalukuyan. Unawain mo naman sana, na ang Mga Mensaheng ito ay
galing sa Akin at sana’y itigil mo na ang iyong pagdududa. Bibigyan ka
nito ng kakayahang pagtuunan ng pansin ang Gawain, na siyang dahilan
kung bakit ka tinawag.

Tungkol naman sa mga bagay na nangyayari ngayon sa mundo, nagiging


malinaw, araw-araw, kung ano ang tinatangkang gawin sa mundo ng
masamang World Order. Ang United Nations, na isa sa maraming
pume-prente para sa New World Order na ito, ay tinatangkang burahin
lahat ng Aking Mga Aral at gagamit sila ng lahat ng pamatay na sandata
na meron sila para gawin ito.
Huwag kayong matakot, dahil ang Aking mga mananampalataya ay
lalaban nang husto at hindi Ako itatanggi, lalo na sa mga bansang yun na
ikinonsagra sa Akin at merong tapat at di-matitinag na
pananampalataya. Hindi sila aatras para payagan ang ganito. Pero para
sa marami, dahil napakalaking kailangang isakripisyo para siguruhing
ang kanilang mga anak ay magagabayan sa Liwanag, wala silang
magagawa.

Gaya ng naipaliwanag na sa iyo noon, ang Poot ng Aking Amang Walang-


hanggan ay malapit nang ipakita sa Lupa, habang ang tao ay unti-unting
umuusad sa tangka nilang itakwil Ako.

Ang mundo ay para pa ring gaya ng dati. Ang mga tao ay parang pareho
pa rin sa dati. Ang mundo ng telebisyon, na may kulay-rosas na pang-
akit, ay parang pareho pa rin sa dati. Ibinabaon ng mga tao ang kanilang
mga ulo sa buhangin. Akala nila’y mananatiling pareho pa rin ang
mundo. Malungkot mang sabihin, mali sila. Ang Aking tungkulin sa
Aking mga anak ay iligtas kayo. Hindi yung hahayaan Ko kayong
mahigop papunta sa kawalan ng pangakong napapako, pangarap na
walang katuparan, at mga ambisyong walang pupuntahan. Ang mga ito
ay yung mga kasiyahang kinasama nyo nang napakaraming taon. Ang
mga ito ay yung mga pangakong, sa hindi nyo naman kasalanan, ay
nakumbinsi kayo na ito ang daan patungo sa pagkakaroon nyo ng
sariling-pagpapahalaga. Sariling-pakinabang. Sariling-
gantimpala. Sinabihan kayo na alagaan si numero uno, anuman ang
mangyari, at si numero uno ay kayo. Kayo at ang inyong mga ambisyon,
pagnanasa sa kayamanan para sa inyong sarili at sa inyong mga anak,
pagnanais na maging mas magaling kaysa inyong mga kapatid, at isang
palagian at walang-tigil na paghahangad ng parangal-sa-sarili, at naloko
naman kayo.

Ang mga ambisyong ito, na nakakaakit at makinang, ay isinubo sa Aking


mga anak ni manloloko. Marami sa Aking anak ay pagtatawanan ang
Mensaheng ito at sasabihing hindi ito totoo. Sa kasamaang-palad, si
manloloko ay umiiral at karamihan sa Aking mga anak ay hindi ito
pinaniniwalaan.

Tuso siya, dahil tumatago siya sa likod ng mga bagay, tao, aksyon at
nakakaakit na mga panghikayat. Ganun na lang ang galing niyang
mang-akit, na sa panahong ito, pag tinanong mo ang isang tao kung ano
ang pipiliin niya – pera o pagkakataong makaisa niya ang nawalay na
pamilya – pera ang pipiliin niya. Tanungin mo ang isa pa
kung tatraidurin niya ang kanyang kapatid para magkaroon ng materyal
na pakinabang, at ang magiging sagot ay oo. Tanungin mo ang isang
bata kung ipagpaplit niya ang simple nilang buhay para sa isang buhay
na puno ng mga bagay na kamangha-mangha at nakakapukaw ng
damdamin, at ang magiging sagot ay oo.

Kaya nga bakit nahihirapan ang Aking mga anak na maunawaan kung
bakit sa oras na naibigay na ang pinakamalaking premyo sa kanila ay
nadarama nilang kailangan pa nila nang lalo at higit pa? Ang isang
mayaman na tumubo minsan ay palagi at patuloy na maghahangad ng
higit pa. Ito’y dahil ang mga regalo ni Satanas ay nag-iiwan ng hilaw at
hungkag na pakiramdam sa loob nyo, na hindi nyo maintindihan. Kaya
nagpapatuloy kayo sa paghahangad ng higit pa at karaniwan ay
naaagrabyado ang inyong kapwa. Walang sinumang tao na nagkakamal
ng malaking kayamanan na hindi nagdudulot ng paghihirap, kahit
papaano, sa mga taong nasalubong niya sa daan. Walang sinumang tao
na naging tanyag ang narating yun nang walang iba na kinailangang
mawalan niyon. Ang taong hindi nagbabahagi ng kanyang yaman ay
nahatulan na. Ang taong walang-wala ay mas nagbibigay pa kaysa mga
nabiyayaan ng materyal na mga kaginhawahan.

Ang Aking Mga Aral ay hindi maaaring palabnawin


Bakit ba hindi pinapansin ng Aking mga anak ang Mga Aral na ito, na
itinuro ng Aking mga apostol simula pa ng likhain ang bagong
Kasulatan? Bakit ba hindi nila sinusunod ang mga doktrinang nilalaman
ng mga ito? Akala ba nila’y sinulat ito ng Aking mga disipulo
para huwag pakinggan ng mga tao? Ang Mga Aral na ito ay hindi
nagbago mula pa nang umalis Ako sa Lupang ito. May dahilan kung
bakit nandyan ang mga ito. Maari nyong baguhin ang kanilang
kahulugan, palabnawin, magdagdag ng bagong kahulugan o alisin ang
ilang bahagi, pero mananatili ang isang bagay. At yun ay ang
Katotohanan. Ang Katotohanan ay laging mananatiling walang
pagbabago. Ito’y hindi maaaring baguhin o babaguhin para ibagay sa
sangkatauhan. Pakinggan nyo ngayon ito. Ayusin nyo ang inyong
pagkakaupo at kayo’y makinig. Hindi nyo pwedeng sundan ang daang
ito at aasa pa kayo na kayo’y makakapasok pa sa Kaharian ng Aking
Ama. Marami sa inyo ay binibigyang-katwiran ang nakamtan nyong
yaman at kaluwalhatian sa pagsasabing sinwerte kayo. Maaring hindi
nyo alam na marami sa inyo ay nagbenta na ng inyong mga kaluluwa kay
masama habang ginagawa nyo yun.

Alam ng ilan sa Aking mga anak na ginawa nila ang grabeng kasalanang
ito at wala lang sa kanila yun. Ang iba nama’y talagang naniniwala na
ginagawa lang nila ang pinakamabuti para sa kanila at sa kanilang
pamilya, pero kailangan nilang maintindihan na ang kasigurunang
pinansyal ay katanggap-tanggap; ang paghahangad ng kayamanan at
luho ay hindi.

Sa totoo lang, ang mga kayamanang malaki ang halaga ay nakakamtan sa


pamamagitan ng kasalanan. Ang kayamanang maaaring makamtan
nang hindi nagkakasala, ay hahantong sa pagkakasala.

Sa kabila ng pagkakaroon ng Mga Aral ng Simbahan ng Aking Ama sa


buong mundo, hindi pa rin tinatanggap ng mga tao ang Aking Aral. Ang
mayayaman, na nagsisikap na mas yumaman pa, ay may isang
Diyos. Ang mahihirap, na naghahangad ng kayamanan ay may isang
Diyos. Pareho ang mga ito. Pera. Walang silbi ang pera kung nakamit
sa masamang paraan, at kung yung mahihirap ay hindi nakinabang sa
karanasang yun.

Ang pera, materyal na yaman at lahat ng mabuting bagay na nakamtan


ng mga taong nagsasabing sila’y sinuwerte, ay kailangang ibahagi sa mga
nangangailangan nito. Ang perang ibinigay sa kawanggawa ay walang
saysay pag ginawa para hangaan o mapansin.

Sinisiguro Ko sa inyo na sa kasamaang pinaplano ngayon sa mundo, pag


ang gusto nila na limasin ang pera sa inyong bulsa ay nangyari na, saka
nyo lang malalaman kung gaano kaliit na halaga meron ang pera. Pag
sila, ang masamang grupo, ay kinontrol na ang inyong pera at inalisan
kayo ng kakayahang hawakan ito kung hindi kayo papayag sa mga
kundisyon nila, makikita nyo, sa wakas, na kailangan nyo ng ibang daan
tungo sa kaligayahan.

Mawawalan ng halaga ang inyong pera. Kaya kailangan nyong mabuhay


ayon sa batas ng kagubatan. Yung mga may likas na kakayahang
mabuhay ay mas madadalian kaysa yung mga hindi pa kailanman
nakapagtrabaho nang nakaluhod. Mas magiging mahalaga pa sa inyo
ang mga binhing pananim para magpalago ng inyong makakain kaysa
isang milyung piso. Ang isang simpleng bungang-kahoy ay magiging
mas mahalaga para sa inyo kaysa isang magarang kotse. Dahil pag
nahubaran na kayo ng lahat ng bagay, tatawag kayo sa inyong Maykapal,
ang Maylikha sa inyo. Sa puntong yun, doon nyo lamang makikita na
walang mahalaga kundi ang pagmamahal na nasa inyong puso. Dahil
kung wala ang pagmamahal, hindi kayo lalago, o makakapasok sa
Kaharian ng Aking Ama.

Mag-isip-isip na kayo. Mag-ingat kayo sa paghahangad nyo ng


kayamanan. Tigilan nyo na bago maging huli na ang lahat. Magbigay at
magbahagi at sumunod sa Aking daan. Mahirap ang leksyong ito para sa
Aking mga anak na akala nila’y laging wala silang siguridad.

Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Babala sa Sangkatauhan para maintindihan ang


Katotohanan

Martes, December 07, 2010 3:15 am

Oo, mahal Kong anak, nagbalik Ako. Isulat mo ito. Ikaw, anak Ko, na
tumalikod noon sa Akin sa pagtanggi mo sa Katotohanan, ay ngayo’y
tutulungan Akong gabayan ang Aking bayan pabalik sa Liwanag, ang
Liwanag ng Katotohanan.

Walang sinumang tao na pagkakaitan Ko ng pagkakataon na makita ang


Katotohanan ng Diyos. Papakitaan sila ng Awa sa pamamagitan ng
Kaloob na katibayan ng Aking Pag-iral na ibibigay sa kanila. Ibibigay sa
kanila ang Kaloob na ito habang nangyayari ang Babala, kung saan
malalaman nila, sa wakas, ang Katotohanan. Ang malungkot nito, kahit
sa puntong yun, hindi lahat ay lalapit papunta sa Akin o sa Kaharian ng
Aking Ama.

Anak Ko, ilang araw din Akong hindi nakipag-usap sa iyo. Sinadya Ko
ito. Binigyan ka ng panahon para maingat mong masuri ang nilalaman
ng Aking Mga Mensahe.

Ngayo’y alam mo na, na ang Mga Mensaheng ito ay mula sa Akin at


tungkol ang mga ito sa napaka-importanteng mga usapin. Sa palagay
Ko’y magagawa mo nang alamin kung alin ang Katotohanan ng Aking
Mga Aral, at alin ang nagmumula sa imahinasyon mo lamang. Anak Ko,
ngayo’y nakikita mo na ang hapdi at kawalang-pag-asang nadarama Ko
pag nasasaksihan mo, halos araw-araw, ang kabiguang nadarama Ko at
ng Aking Amang Walang-hanggan, dahil sa ugali ng malungkot, hungkag
at di-sumasampalatayang mundong ito.

Hindi lamang ang mga di-sumasampalataya ang nakakasakit sa iyo, pero


sa pamamagitan ng mga kaloob at grasyang ibinigay Ko sa iyo, nakikita
mo rin ang umiiral na pagkalito, pati na sa mga isipan ng Aking mga
alagad. Sila man ay hindi madaling kumbinsihin ng Katotohanan, pag
ito’y ibinibigay sa kanila bilang isang Kaloob ng Pag-ibig mula sa Akin, sa
pamamagitan ng Aking mga propeta.

Ang haba ng liku-likong daang ito para sa Aking mga anak, habang
hinahanap nila ang Katotohanan at ang mga pangakong binitawan Ko sa
kanila. Pag tinitingnan mo, araw-araw, ang Aking mga anak, nang
harap-harapan, sa kalye, sa TV, sa media at sa hanay ng iyong mga kapit-
bahay, nakikita mo na sila ngayon sa pamamagitan ng Aking Mga Mata.
Anong nakikita mo – lubos na pagkalimot sa mundong espiritwal at
kawalan ng tunay na layunin sa kanilang buhay, kawalang-pag-asa sa
kabila ng pagkabighani sa mga makamundong paghahangad. Hindi ito
alam ng Aking mga anak, pero isang paglilinis ang kanilang
pinagdaraanan. Ang paglilinis na ito, kung saan dama nila ang matinding
kahungkagan dahil sa kakulangan ng mga materyal na bagay, ay
pinayagan Ko. Pero kasakiman ng sangkatauhan ang sanhi
nito. Pinayagan Ko ang mga tao na gamitin ang kanilang malayang loob,
kaya ang masasamang may kagagawan sa pagbagsak ng sistemang
pinansyal sa buong mundo, ay magpapatuloy sa tuso nilang
panloloko. Pinayagan Ko ang Aking bayan, ang mga inosenteng biktima,
na dumaan sa paglilinis na ito. Importanteng gawin nila ito, dahil ang
mga hirap na kanilang titiisin ay makakatulong para linisin ang kanilang
mga kaluluwa.

Hindi magtatagal, habang kumokonti ang mga materyal na bagay at


nagiging mahirap nang makamtan, makikita nila ang buhay sa isang mas
malalim na paraan. Ang pagiging simple ay makakatulong para mamulat
sila sa Katotohanan, ang Katotohanan ng kung ano talaga ang
mahalaga. Kung wala ang paglilinis na ito, kung saan ang Aking mga
anak ay pinapayagang magdusa alang-alang sa kanilang mga kaluluwa,
hindi nila magagawang lumapit at hindi sila magiging malapit sa Aking
Puso.

Salat sa mga bagay na materyal, na parang mga diyus-diyusang


kinalolokohan nila noon, babalik na sila sa Katotohanan. Malinaw na
nilang makikita ang pagmamahal sa kaluluwa ng isa’t isa. Agad din
nilang makikita ang kasamaan, sa buong kapangitan ng luwalhati nito, sa
mga taong sumusunod sa pang-aakit ng pagkaloko-sa-sarili at
katakawan. Ngayo’y titingnan nila ang mga taong ito, na sa tingin ng
media ay dapat tingalain at hangaan, kung paano Ko sila tinitingnan. At
yun ay, nang may malalim na kawalang-pag-asa at kalungkutan.

Sige na, Aking anak, at intindihin mo nang may malinaw na paningin


ang iyong gawain. Alam mo na ngayon ang Katotohanan. Hindi ka na
nagdududa. Ikalat mo ang Katotohanan ng kaligtasan sa lalong
madaling panahon para mabigyan ang mga tao ng pagkakataong
Matubos, bago sumapit ang Dakilang Babala.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Susunod na Buhay

Sabado, December 11, 2010 09:15 am

Pinakamamahal Kong anak, ngayo’y handa ka nang umabante at


ipagpatuloy ang pagtapos sa Aking Banal na Aklat ng
Katotohanan. Anak ko, pinagdadaanan mo ang paglilinis na kailangan
para mabigyan ka ng lakas para sa Gawaing ito.

Ang Aking mga anak, na abalang-abala sa mundong ito na may dalawang


bahagi, ay hindi alam na malapit nang maging isa ang lahat. Ang
dalawang bahagi ay lungkot at tuwa. Ang lungkot ay umiiral sa mundo
sa paraang nagdudulot ng malaking kalituhan at kawalang-pag-asa. Ito’y
isang kalungkutang walang katulad mula pa nang itatag ang Lupa.
Ang lungkot na nadarama ngayon ay nakaugat sa pagkawala, na nangyari
dahil nawala ang mga materyal na bagay. Nandun din ang paghahangad
ng kapayapaan ng isip, katawan at kaluluwa. Maaari lang itong
mangyari sa pamamagitan ng kababaang-loob, pagtanggap at
pagmamahal sa Aking Amang Walang-hanggan. At nandyan din ang
tuwa. Nauumis Ako nang may pagmamahal, pag ang Aking mga anak ay
humahalakhak, umuumis at nagkakasayahan. Ito’y isang Kaloob mula sa
Akin. Ang halakhak at tuwa ay isang mahalagang Regalo sa
sangkatauhan, basta’t ito’y malinis at hindi nakakasakit sa kapwa.

Mga anak Kong maliit ang pananampalataya, alam Kong mahirap


huminto at sabihing, “Babalik na ako sa Diyos.” Napakarami sa inyo ay
hindi alam kung Sino ang Amang Walang-hanggan. Iilan lang ang may
alam na sila’y Kanyang binabantayan sa bawat araw ng kanilang buhay –
bawat isa sa kanila. Tumatawa Siya, humahalakhak, at tuwang-tuwa pag
maligaya ang Kanyang mga anak. Pero hindi Niya kinatutuwaan yung
mga natutuwa, o akala nila’y sila’y natutuwa, nang walang pagmamahal
sa puso. Ako, ang inyong Tagapagligtas na si Jesucristo, mahal Ko
kayong lahat na mga anak Ko rin. Pero Ako at ang Aking Amang
Walang-hanggan ay Iisa. Inuumisan Ko kayong lahat at umaasa Akong
kayo’y magbabalik sa Akin. Halina kayo, mga anak Ko, at sama-sama
kayong lumapit sa Akin nang may bukas na puso.

Para sa marami sa Aking mga anak, ang Mga Mensahe, na tumutukoy sa


Aking Ikalawang Pagdating sa Lupa, ay nagdudulot ng takot sa kanilang
puso. Hindi dapat matakot. Ito’y magiging isang sandali ng lubos na
tuwa, luwalhati at purong kaligayahan. Dahil para sa lahat sa inyo na
ibabalik ang inyong mga puso palapit sa Akin, aakapin Ko kayo sa Aking
Mga Braso at iiyak Ako ng Mga Luha ng Kaligayahan.

Mga mananampalataya, manalangin na naman sana kayo, para sa mga


hindi sumasampalataya o naliligaw. Ang magsasaka na tinitipon ang
kanyang kawan ay laging hahanapin nang walang tigil ang mga
nawawala. Ang tamis ng tagumpay niya pag naibalik ang mga ito sa
kanyang kawan, ay katulad ng nadarama Ko pag napapabalik Ko sa Akin
ang mga naliligaw Kong anak.

Mga anak, kahit sa mga sandali ng tuwa at halakhakan sa Lupang ito,


tandaan nyo naman sana ang isang bagay. Ito’y isa lang kisap ng purong
kaligayahan at tuwa na iiral sa Bagong Lupa paglitaw ng nawalang
Paraiso. Pag nangyari na ito, ang bayang hinirang, yung mga mabuti ang
pamumuhay at nananampalataya sa kanilang Maykapal, ay sasama sa
mga patay na muling nabuhay; ang mga taong yun, mga kaibigan at
kamag-anak na sumakabilang-buhay na, ay sasama sa Akin sa bago at
maluwalhating kawalang-hanggang ito. Tandaan nyo, mga anak, na
mahalagang huwag bale-walain ang Lupang ito. O akalaing ito’y
kontrolado nyo, dahil hindi. Habang patuloy kayong nalulubog sa mga
pangako nito, mga kabiguan, mga kaligayahan at mga kamangha-
manghang bagay na iniaalok nito, tatandaan nyo na panandalian lang
ang lugar na ito, isang lumilipas na yugto, bago pumasok sa Kaharian ng
Aking Ama – ang Bagong Langit at Lupa, na magiging iisa.

Bilang panghuling panawagan, mga anak Ko, manalangin kayo sa Akin,


sa inyong sariling mga salita. Hilingin nyo sa Akin na kayo’y Aking
patnubayan. Hilingin nyo sa Akin na ipakita Ko sa inyo ang pag-ibig at
Katotohanan sa paraang mauunawaan. Huwag nyong ibabaon sa
buhangin ang inyong ulo, dahil pag ginawa nyo yun, hindi nyo
tatamasahin ang luwalhati ng Bagong Lupa.

Daang walang laman papunta sa kawalan

Ang mga anak na humahamak at tumatanggi sa Akin, ay sasabihin sa


inyo na walang buhay pagkatapos ng buhay na ito. Sinisiguro Ko sa inyo,
pinagkakaitan nila ang kanilang sarili ng pagkakataong makarating sa
Paraiso at sa halip ay pinipili nila ang isang daang walang laman papunta
sa kawalan. May mga pagkakataon na sumasakay sila sa panloloko ni
manloloko – ni masama – na napaka-swabeng kumilos at pamatay ang
galing, kaya akala’y nila’y hindi siya umiiral, pero yun pala’y parang mga
bulag silang sumusunod, hawak ang kanyang kamay, papasok sa mga
pintuan ng Impiyerno.

Ang Aking Pagdurusa sa Hardin ng Getsemane

Pag nakikita ng Aking mga mananampalataya ang mga taong ito na


mayabang maglakad at ipinagyayabang na hindi sila nananampalataya
sa Diyos, nakadarama ang mga sumasampalataya sa Akin ng isang
nakakakilabot na pagdurusa. Silang mga nagpapasan na ng Aking Krus,
ay nadarama ang paghihingalong tiniis Ko, sa Aking panahon sa Hardin
ng Getsemane.

Dito Ko nalaman na, kahit kusang-loob Ko nang ginawa ang pangwakas


na Sakripisyo, nang tanggapin Ko ang kamatayan bilang isang paraan
para mabigyan Ko ng pagkakataon ang Aking mga anak na magkamit ng
isang lugar sa Kaharian ng Aking Ama, alam Ko sa kalooban Ko na
mababale-wala na rin ito para sa ilan sa Aking mga anak. Ito ang
pinakamasakit sa lahat, na siyang nagpapawis sa Akin ng Dugo. Ang
sobrang takot na nadama Ko, para sa mga nawalang mga kaluluwang
yun, ay nasa Akin pa rin hanggang ngayon.

Yung ilan sa inyo na nagtatanong – kung Ikaw ay Diyos, o Ikaw si


Jesucristo, e siyempre magagawa Mo kahit ano, di ba? Ang sagot ko ay,
siyempre, mapuwera sa isang bagay. Hindi Ako pwedeng manghimasok
sa inyong malayang loob na ibinigay sa sangkatauhan. Nasa sa Aking
mga anak na kung ito na ang kanilang huling disisyon ng kanilang
malayang loob.
Ang inyong nagmamahal na Kristo

Ang inyong Tagapagligtas, Jesucristo

Panawagang itigil ang Pagpatay/Aborsyon

Huwebes, December 16, 2010 1:10 pm

Isulat mo ito, anak Ko. Ang pagpatay sa mga inosenteng biktima ay isa
sa mga pinakamalaking kasalanan, na maaaring gawin ng tao sa kanyang
kapwa. Ito ang pinakagrabeng kasalanan ng laman at sobra Akong
nasasaktan nito. Ang kawalan ng pagpapahalaga ng sangkatauhan para
sa buhay ng tao sa panahong ito, ay lalo’t lalo pang nagiging malinaw sa
mundo.

Ang buhay ay isang mahalagang Kaloob mula sa Diyos. Walang


sinumang tao ang may karapatang utangin ang buhay ng kanyang
kapwa. Walang sinumang tao ang may karapatang utangin ang buhay ng
isang sanggol, na hindi pa nakukuha ang kanyang unang hininga sa
kapanganakan niya.
Ang krimeng ito ay kasuklam-suklam at walang-kapatawaran. Lahat ng
kaluluwa ay galing sa Aking Amang Walang-hanggan, at nalilikha sila sa
sandali ng paglilihi. Ang maliliit na sanggol, mga inosenteng kaluluwa,
ay walang-awang pinapatay ng mismong mga tao na sinugo para alagaan
sila – ang kanila mismong ina, na mananagot sa pagkakait sa karapatan
nilang maipanganak.

Bakit ba ang Aking mga anak ay basta nakatayo na lamang at walang


ginagawa? Sa ngalan ng kalayaan, ang maliliit na anghel na mga ito
mula sa Kaharian ng Aking Ama ay inaalis na sa Lupang ito, bago pa
man dumating ang panahon para sa kanila bilang mga anak ng Diyos.

Di ba nauunawaan ng mga babaeng ito na ang mga buhay na napakaliit


ang kanilang pagpapahalaga, ay sa Diyos? Naghihirap ang mga sanggol
na ito. Tinitiis nila ang hapdi ng paghingalo habang walang-awa silang
pinapatay, at binibigyang-katwiran ito ng mga gobyerno, ng propesyon
ng medisina, at ng mga pamilya ng mga babaeng ito. Wala ba silang
pagsisisi sa kanilang mga kaluluwa?

Di ba nila alam na ang kanilang kasuklam-suklam na gawaing ito ay


walang pinab-ibhan sa gawaing pagpatay ng tao sa kapwa tao?

Sa totoo lang, mas malaki pa ang kasalanang ito dahil ang mga sanggol
na ito ay walang-kalaban-laban. Kailangang humingi ng awa ang mga
babaeng ito, kung maysala sila. O humingi ng gabay sa Akin, kung
pinag-iisipan nila ang aborsyon. Sa anu’t anuman, hahatulan sila ayon
sa kanilang kasalanan. Ang mga kasalanan ng laman ang pinaka-
nakakasuklam sa Mata ng Aking Ama. Walang kahit anong
pangangatwiran para patayin ang kapwa, ang katanggap-tanggap sa Akin
o sa Aking Amang Walang-hanggan.
Gising na, mga anak Ko, at unawain nyo na ang pag-utang ng buhay ay
dadalhin ang mga may kagagawan nito sa mga apoy ng
Impiyerno. Walang pagbalik mula sa kailalimang ito na puno ng
demonyo. Yun mismong mga demonyo na, dahil sa kagagawan ni
manloloko – si Satanas – ay nakukumbinsi ang mamamatay-tao na tama
ang kanyang ginagawa! Halimbawa, kukumbinsihin niya sa tusong
paraan ang mga ina, na “tama ang kanilang desisyon.” Gamit ang lahat
ng paraan ng panloloko sa isip ng tao, iimpluwensyahan niya ang tao na
bigyang-katwiran ang gawain, kahit mali ito. Gagamitin niya ang
kasinungalingang ang mga mamamatay-tao ay meron ding kanilang
sariling mga karapatan. Na dapat nilang pangalagaan ang kanilang
sariling mga kapakanan, una sa lahat. Sa ngalan ng karapatang pan-tao,
itinatanghal ang kasinungalingan na ang mga karapatan ng isang ina at
ang kanyang kalayaang mamuhay, sa paraang gusto niya, ay dapat
hangaan. Kaya nakukumbinsi siya ng kasinungalingan na tama at wasto
na walang-awang patayin ang kanyang anak.

Unawain nyo naman sana na ang pagtindi ng pag-ubos ng lahi sa mundo


ay naipropesiya na. Isa ito sa maraming palatandaan na pinag-uusapan
na may kinalaman sa pangwakas na panahon.

Huminto kayong lahat, ngayon din. Makinig kayo. Ang pagpatay ng tao
ay napakalaking kasalanan. Gawin nyo ito at hindi kayo
maliligtas. Wala nang balikan. Magsisi, yung ilan sa inyo na nakagawa
ng nakakakilabot na kasalanang ito. Humingi ng tawad, ngayon
din. Ako, sa Aking Awa, ay makikinig sa inyong panalangin. Pwede
kayong maligtas, at maliligtas kayo, kung talagang pagsisisihan nyo ang
inyong malaking kasalanan. Makikinig Ako. Magpapatawad Ako. Pero
hindi nyo kakampi ang panahon.

Mga mananampalataya, taimtim nyong ipanalangin ang mga nawawala


at pagala-galang Kong mga anak na ito, na iniligaw ni manloloko at ng
kanyang mga alagad na nasa mga pwesto ng kapangyarihan. Kailangan
na nila ang inyong mga panalangin, ngayon na. Kailangang depensahan
nyo, lahat kayo, ang karapatan ng tao na mabuhay, na hindi pwedeng
pakialaman ng mga kamay ng tao, sa anumang pagkakataon.

Manalangin kayo sa Akin, araw-araw. Ialay nyo ang anumang


pagdurusang meron kayo, para sa mga inosenteng biktima.

Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Aklat ng Katotohanan

Sabado, December 18, 2010 9:40 am

O, alam mo na ngayon na pag nangako Ako, natutupad. Nagpadala na


Ako sa iyo ng isang spiritual director, ang taong pinili Ko sa simula pa
lang ng iyong paglalakbay. Kailangan din ng panahon para kunin ng
ilang mga pinili ang Kopa ng Aking Gawain. Anak Ko, kailangan mo ang
isang spiritual director, para ang Aking Mga Mensahe ay lubusang
maintindihan ng isa Kong lingkod. Sa ganun, ang Salita ay kakalat at
malalaman ng mga tao ang Katotohanan. Ang daang ito ay puno ng
lubak at maikling bahagi, na bubulagain ka at papupuntahin sa ibang
direksyon, pero huwag kang matakot. Ginagabayan ka na ngayon at
lalago ang iyong kompiyansa sa iyong Gawain.

Ngayon isulat mo ito. Ang Aklat ng Katotohanan ay ibinibigay sa


sangkatauhan para matulungan silang tubusin ang kanilang sarili sa
Aking Puso. Binibigyan sila ng pagkakataong ipahayag ang Aking
Kaluwalhatian, bago Ako bumalik bilang isang Maawaing Tagapagligtas
at Makatarungang Hukom.

Hindi Ko kailanman gustong parusahan ang Aking mga anak, pero sa


ilang pagkakataon, yung nakikisama kay manloloko nang may buong
pag-unawa, at ganun na lang nila hangaan siya at ang kanyang
masasamang alagad, hanggang sa siya’y sambahin sa harap ng altar, ay
hindi maliligtas. Alam nila kung sino sila. Mahihirapan silang bumalik
sa Akin. Ipanalangin nyo sila.

Ang inaatake ni Satanas

Konting konti na lang ang panahon ni manloloko para wasakin ang Lupa
kaya pinatitindi niya ang kanyang mga pagkilos sa lahat ng dako. Ang
tina-target niya, kalimitan, ay ang Aking sagradong mga lingkod sa
Simbahan ng Aking Ama, ang mga talubata at magaganda, pati na ang
sobrang matatalino.

Yung mga nagpapatuloy sa pagmamalaki na sila’y hindi naniniwala sa


Akin o sa Aking Amang Walang-hanggan, ay bibigyan ng isa na lamang
pagkakataon para buksan ang kanilang mga puso.
Masakit sa Akin ang pagmasdan sila. Para itong tumitingin sa isang
kotseng puno ng tao, mahal Kong mga anak, na tumatakbo sa makapal
na usok, papunta sa bangin. Nagkamali sila ng liko at ngayon, akala
nila’y pauwi na sila sa kaginhawahan ng kanilang bahay, yun pala’y
mahuhulog na sila sa madilim na kailaliman ng kawalang-pag-asa.

Ang mga Propesiyang Sinabi Noon ay Ibubunyag na ngayon

Ang sabihan ang Aking mga anak na sila’y makinig, mahal Kong anak, ay
hindi magiging madali. Kailangang magtiyaga ka sa kabila ng mga
balakid. Importante ang pasensya. Napakahalaga ng Mga Mensaheng
ito, at puno ng pagmamahal, at mga babala rin. Silang Aking mga anak,
ay kailangang tumigil at unawain na ang mga propesiyang sinabi noon,
napakahabang panahon na ang lumipas, ay ibubunyag na ngayon. Ang
mga pangyayaring ito ay parating na sa Lupang ito at konting konting
panahon na lang.

Hindi Ko kailanman ibubunyag ang petsa ng Aking Ikalawang


Pagdating

Hindi Ko kailanman ibubunyag sa iyo ang petsa ng Aking Ikalawang


Pagdating, mahal Kong anak, dahil hindi ito para malaman mo. Pero
bago Ako dumating, kinakausap Ko ang buong mundo ngayon para
magpakita sa Aking mga anak ng Aking Makatarungang Awa.

Ang Aking Ina ay gumagawa alang-alang sa Akin

Ang Aking mahal na Ina, na gumagawa alang-alang sa Akin, ay


nagpapalaganap ng Mga Mensahe sa pamamagitan ng mga piniling
bisyonaryo. Ang iba namang mga piniling propeta ay kusang-loob na
palihim na nagdurusa para magligtas ng mga kaluluwa.

Pinapayagan Ko silang danasin ang Aking Hapdi, dahil napakalaking


kabutihang-loob ang ipinapakita ng sobrang tapat na mga
mananampalatayang ito. Dahil sa kanila, maraming maliligtas. Pero
hindi lang yung mga pagdurusang tiniis Ko sa Krus ang nadarama nila,
kundi pati na yung mga pasakit na pinagdaraanan Ko ngayon. Bukod pa
rito, nagtitiis silang pagtawanan, abusuhin at hamakin paminsan-
minsan. Pero dahil sa kanilang kababaang-loob, nagtitiis sila sa
katahimikan, o sa ilang pagkakataon, lantaran at nakikita ng lahat. Ang
iba naman, ang Aking sagradong mga lingkod, na ang pinili ay buhay na
mapag-isa, ay malaki ang ginagawa nilang paglilingkod sa Akin. Ang
kanilang natatanging sakripisyo ng pagkakait-sa-sarili ay tumutulong din
na magligtas ng mga kaluluwa.

Ang Mga Regalo mula sa Diyos ay binabale-wala

Ang paghahatid ng Katotohanan sa isang modernong mundo, kung saan


ang teknolohiya ay nakaabot na sa taas na mahihilo ka, ay mahirap
gawin. Ang Aking Tinig ay parang namamaos na sigaw sa ilang, na
initsa-pwera para bigyang-daan ang nakakakiliting pakinggan.

Hindi makuhang intindihan ng Aking mga anak, na lahat ng kamangha-


manghang nalilikha para sa kapakanan ng tao, sa pamamagitan ng
teknolohiya, ay isang regalo mula sa Aking Amang Walang-
hanggan. Lahat ng kahanga-hangang pag-unlad sa gamot para sa
kabutihan ng sangkatauhan ay isa ring regalo. Pero binabale-wala ang
mga regalong ito, dahil akala ng Aking mga anak ay lahat ng ito ay
kagagawan ng tao, pero hindi ganun.

Ang Regalong talino


Ang regalong talino, gaya rin ng regalong kanta, ay isang kaloob mula sa
Makalangit na Kaharian, dahil nga mismo mga regalo ito mula sa Diyos,
kaya tina-target ang mga ito ni Satanas, si masama. Dahil sa
impluwensya niya kaya pinapakialaman ang teknolohiya para wasakin at
magdulot ng pagkawasak sa mundo. Ang halakhak niya, pag nakikita
niya ang pagputok ng mga giyera at pag ang teknolohiya ay ginagamit
para mag-espiya o pumatay. At ang halakhak niyang muli pag ang
teknolohiya ng gamot ay ginagamit hindi lang para pumatay, kundi pati
para bigyang-katwiran ang pagpatay. Lahat ng nakakatakot na krimeng
ito laban sa sangkatauhan, na binigyang-kakayahan ng teknolohiya, ay
itinatago sa maskara ng tinatawag na pagpayag.

Ang pagpayag bilang maskara para sa kasamaan

Ang pagpayag ay pwedeng maging pinaka-mainam na maskara para sa


kasamaan. Para sa sinumang naging alerto na dahil sa Aking Mga Aral,
madaling makita ang mga krimeng ito laban sa sangkatauhan, pag
nalalantad sa inyong paningin. Sa ngalan ng pagpayag, ang mga tao’y
pinapaslang, pinagkakaitan ng kalayaan, at higit sa lahat, ng karapatang
ipaglaban ang katarungang moral.

Talaga, mga anak, maging alerto kayo, maging listo at magbantay, pag
naririnig nyo ang salitang “pagpayag”, dahil ito ang isa sa mga pinaka-
paboritong laro ng panloloko ni Satanas.

Hindi nagawang ipaglaban ng mga tao ang Kristiyanismo

Ang mga anak Ko, sa kabila ng modernong komunikasyon, ay hindi


nagawang ipaglaban at aminin ang kanilang Kristiyanismo. Ito’y dahil
karamihan sa mga Kristiyano ay nakatira sa kanlurang mundo. Takot
silang pagtawanan at kaya-kayanin. Tama sila. Gaganunin talaga
sila. Pero ito ang pakinggan nyo. Ang Aking mga anak ay laging nagtitiis
ng kung anong uri ng paghamak pag pinapasan nila ang Aking
Krus. Makakasiguro sila na ginagawa nila ang Aking Gawain.

Sinumang nagdurusa, alang-alang sa Akin, ay tatanggap ng malalaking


biyaya at maraming grasya. Pero ang mga Kristiyanong ipinaglalaban
ang karapatang ipahayag nang lantaran ang Aking Ngalan, sila ang
pinaka-mahihirapan. Kailangan niyang magpakatatag. Ikaw ang Aking
Pag-asa sa Lupang ito. Kung wala ang Aking mga tapat na alagad, ang
Aking mga anak ay hindi maitatawid sa huling pintuan tungo sa
Kaharian ng Aking Ama. Mahal Ko lahat ng Aking alagad. Ako’y nasa
kanilang puso, alam nila yun.

Pakinggan nyo na, ngayon na, ang Aking Salita, sa pamamagitan ng


propetang ito. Makakatulong ang mga ito, sa pamamagitan ng pagkalat
ng usap-usapan, na magligtas ng milyun-milyong kaluluwa sa buong
mundo bago ang Aking Ikalawang Pagdating.

Hayo na sa kapayapaan at pagmamahal.

Ang inyong tapat na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Malaking Pagsubok

Lunes, December 20, 2010 10:00 am


Pakinggan mo ito, anak Ko. Ang sangkatauhan ay binabalaan, sa
pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, ng tungkol sa palakol na tatama sa
mga patuloy na tinatanggihan ang Amang Walang-hanggan. Nalalapit
na ang Pagdating ng Malaking Pagsubok. Magsisimula ang
pangyayaring ito sa pagtatapos ng taong 2012 at hindi ito dapat
ipagkamali sa oras, o petsa, ng Aking Ikalawang Pagdating sa
Lupa. Dahil ito, mga anak Ko, ay hindi ipinopropesiya sa Mga
Mensaheng ito. Ang sinumang magtangkang bigyan ng petsa ang Aking
Ikalawang Pagdating ay isang sinungaling at hindi totoong propeta. Pero
ibinubunyag Ko naman ang mga taon ng mga detalyadong pangyayari
patungo sa Aking Ikalawang Pagdating, sa pamamagitan ng propetang
ito.

Hindi papayagan ng Diyos na mangyari ang isang planong


ubusin ang populasyon ng mundo

Ang Malaking Pagsubok, na naipropesiya napakahabang panahon na ang


nakakalipas, ay ilaladlad ngayon sa paningin ng isang di-
makapaniwalang mundo. Ito’y pag ang Tabak ng Katarungan ay tataga
sa lahat ng dako. Ang Aking Amang Walang-hanggan ay hindi basta na
lamang tatayo at papayagang maisakatuparan ang masamang planong
ito, na sa mga sandaling ito ay pinaplano na nang palihim, at ang pakay
nito ay ubusin ang populasyon ng mundo.

Ang masamang grupong ito, na mga tapat na alagad ni Satanas, ay


tinangka na noon na ubusin ang lahi ng mga anak ng Aking
Ama. Nabigo sila. Nagtatangka na naman sila. Mabibigo silang muli,
pero magdudulot muna sila ng katakut-takot na pagwasak.

Ang mga Mananampalataya ay hindi dapat matakot


Ang Aking Amang Walang-hanggan, sa Kanyang Awa, ay kailangang
manghimasok para pigilin sila, kahit na masakit sa Kalooban Niya na
magpawala ng mga pandaigdigang kapahamakan, na nalalapit na. Mga
mananampalataya, huwag kayong matakot para sa inyong sarili, o para
sa inyong pamilya. Protektado kayo. Pero naman, dasalin nyo naman
ang Santo Rosaryo at ang Aking Divine Mercy, palagi, para mabawasan
at maiwasan ang ilan sa mga kapahamakang ito.

Magsimula na kayong magplano ngayon. Ang mga taong ito, habang


tinatangka nilang kontrolin ang inyong pera, kalusugan, pagkain, pati na
ang inyong pananampalataya, ay kailangang labanan. Manindigan kayo
at protektahan ang inyong sarili at pamilya sa pamamagitan ng
panalangin. Tumawag kayo sa mga santong pinararangalan nyo para
tulungan kayo bilang mga tagapamagitan ng Aking Amang Walang-
hanggan.

Mga pandaigdig na kapahamakan ay tatama

Habang nagsisimula ang mga pandaigdigang kapahamakang ito nang


may kasamang kamangha-manghang mga pagbabago ng klima – na
nagsimula na sa banayad pa nga lang na paraan – aakalaing dulot ito ng
global warming. Oo nga’t sinira ng sangkatauhan ang Lupa, sa
napakapangit na paraan, pero ang mga kapahamakang ito ay walang
kinalaman sa climate change.

Ang Aking Amang Walang-hanggan, kung ipapasiya lamang Niya, ay


pwedeng maupo na lang at walang gagawin. Sa ganun, mananalo ang
masasamang grupong ito, na uhaw sa kapangyarihan at binubuo ng mga
nalinlang pero makapangyarihan at gumagawa ng malalaking
desisyon. Kung mahihigop nila ang Aking inosenteng mga anak papasok
sa kanilang bitag na tulalang katapatan kay Satanas, si masama,
mananakaw nila ang mga kaluluwa. Hindi ito papayagan.
Panawagan sa lahat ng relihiyon na magsama-sama

Panahon na ngayon para ang mga anak at mga alagad ng Aking Ama,
pati na yung mga sumasampalataya sa Umiiral na Kataas-taasan, na
Diyos na Maykapal at Lumikha at Gumawa ng lahat ng bagay, ay
magsanib-puwersa. Hindi na bale kung anumang daan ang inyong
nilalakaran para sumunod sa Diyos, o kung sumasampalataya kayo sa
Akin, ang Kanyang bugtong at mahal na Anak, basta tumayo kayo bilang
iisa. Labanan nyo ang grupong kumakatawan kay masama. Siya ang
inyong kaaway, kung kayo’y sumasampalataya sa Diyos Amang Walang-
hanggan. Tinatangka ni masama na pigilan kayong makapasok sa
Paraiso sa pamamagitan ng pagsisinungaling sa kanyang mga alagad, na
isasama rin niya sila sa isang kapareho at kasing-gandang Makalangit na
paraiso. Ang kawawang mga nalinlang at nananalig na mga alagad na ito
ay hindi makita ang panloloko dahil binubulag sila ng pang-aakit ng
kaluwalhatiang materyal.

Ang mga propesiya sa Aklat ni Juan ay nasisinag na sa


Liwanag

Manalangin, manalangin, manalangin, kayong lahat, araw-


araw. Konting panahon na lang at mauunawaan na ng lahat ang
Katotohanan ng Banal na Kasulatan. Sa wakas ay mauunawaan ng lahat
na ang Mga Aral na nakapaloob sa Aklat ng Aking Ama ay tama. Hindi
sila nagsisinungaling. Ang mga propesiya, na inihayag na noon pa, ay
makikita na ngayon. Ang Mga Mensaheng ito, na ibinigay sa propetang
ito, ay ihahanda ang Aking mga anak para pumasok sa Kaharian ng
Aking Ama.
Sige na, at ikalat ang Aking Katotohanan. Iligtas nyo ang isa’t isa mula
sa mga kuko ni manloloko, bago pa maging huli na ang lahat.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ikatlong Mensahe mula kay Birheng Maria

Lunes, December 20, 2010 10:00 am

Pakinggan mo ako, anak ko. Kailangang magpakatatag ka, alang-alang sa


aking mahal na Anak na si Jesucristo. Napaka-importante at napaka-
espesyal Niya para talikuran mo nang may pagdududa sa iyong
isipan. Oo nga’t madaling malito sa Gawaing ito, pero kailangang buo
ang iyong pananalig sa Kanya. Kailangan Niyang ikaw ay sumuko at
manalig nang lubusan sa Kanya.

Anak ko, hindi naging madali para sa iyo ang Gawaing ito. Pero, gaya ng
sinabi ko na noon pa, gusto mong magtiyaga. Magtatagumpay ka sa pag-
kumpleto sa Gawain mo. Hinihimok kita na balikan ang iyong
nakagawiang pananalangin araw-araw. Kasi, sa pamamagitan ng aking
Santo Rosaryo, mapoprotektahan ka. Anak ko, napaka-Sagrado ng
Gawaing ito, kaya bilang pagrespeto, sundin mo naman ang aking Anak
sa pamamagitan ng lubusang pananalig sa Kanya. Isantabi mo ang iyong
mga pagdududa, anak ko, dahil pinagkalooban ka ng mga natatanging
grasya ng Espirito Santo. Ang Katotohanan ay nananahan na ngayon sa
iyong puso, kaluluwa at isipan. Ito ang dahilan kaya mas nadadalian ka
na ngayong isulat ang Mga Mensahe, na ibinibigay sa iyo ng aking
pinakamamahal na Anak.

Mahal ka Niya, anak ko, at pinili ka Niya para sa isa sa mga pinaka-
importanteng gawain sa daan-taong ito. Ang iyong Gawain ay
ikinukumpara sa ipinagawa kay Sister Faustina. Pinagdaraanan mo ang
mga kaparehong pagdurusang tiniis niya. Huwag mong katakutan ang
mga pagdurusang ito, na binubuo ng iyong kawalan ng kakayahang
manalangin at araw-araw na pagdududa, dahil normal lang ang mga
ito. Lilipas din ang mga ito. Lahat ng santo, pati si Santa Faustina, ay
kasama mo sa iyong paglakad, anak ko, at araw-araw ka nilang
ginagabayan.

Ang Gawaing ginagawa mo alang-alang sa akin at sa aking mahal na


Anak, ay naipropesiya na. Isa ito sa mga pinaka-importanteng paraan
kung saan makakapagligtas ka ng mga kaluluwa. Huwag kang manghina
o mag-atubili. Lagi, lagi kang tatawag sa iyong mahal na Ina para sa
tulong niya. Naroroon ako para sa iyo. Manalangin ka naman sa aking
Anak sa pagdarasal ng Kanyang Divine Mercy Chaplet. Sa ganun,
magiging mas malapit ka sa Kanya at madarama mo Siyang kumikilos sa
iyong puso.

Magpakatatag ka na at sumulong, ngayon na. Mapagmahal mong


tingnan ang mahalagang daan papunta sa Santisima Trinidad. Kasama
mo Silang lahat. Magdurusa ka, pero isipin mong ito’y isang biyaya,
dahil

kung walang pagdurusa, hindi mo magagawang manatiling malapit sa


Puso ng aking Anak.
Yun na lang muna. Lumapit ka at buksan na ngayon ang iyong puso sa
aking mahal na Anak na si Jesucristong Kataas-taasan.

Pag-ibig at Kapayapaan

Ating Ina ng Mga Rosas

Ang Aking Hapdi at Pagdurusa ngayon

Miyerkules, December 22, 2010 2:40 am

Anak Ko, sobra ang pagdurusa Ko dahil sa mga kasalanan ng


sangkatauhan at sa malupit na pagtanggi na Ako’y Umiiral, na napaka-
pangkaraniwan na ngayon sa mundo, at pambihira na ang dami ng mga
mananampalatayang tumalikod sa Akin.

Lalo pang tumitindi ang hapdi, paghihirap at paghihingalo habang


ipinagdiriwang ng mundo ang Pasko. Alam Ko sa Puso Ko na ito man
ang pinaka-importanteng Kapistahang Kristiyano, hindi naman
ipinahahayag ang Aking Mga Aral sa paraang nararapat.

Pinakamamahal Kong anak, kailangang tiisin mo ang iyong mga


pagdurusa, maging sa isip man ito o sa kaluluwa. Mas ilalapit ka nito sa
Aking Sagradong Puso. Sa puntong yun lang, pag tiniis mo ang mga
pagsubok ng pagdurusang ito, saka mo lang Ako makakaisa.

Anak Ko, manalangin, manalangin, ipanalangin mo na pagiginhawahin


ng ibang mga kaluluwa ang paghihingalong Aking tinitiis. Naku, kung
masasagip Ko lang kaagad ang mga kaluluwa at mayayakap Ko ng Aking
mapagmahal na Mga Braso, gagaling na sana ang Puso Ko! Pero
maraming kaluluwang ayaw bumalik sa Akin. Kailangang magtrabaho
ka nang husto para kumbinsihin sila sa Katotohanan, anak Ko. Huwag
na huwag kang susuko.

Napuno ka na rin ng mga duda, pero alam mo, sa kaibuturan ng iyong


puso, na ang Mga Mensaheng ito ng Awa, para sa ikaliligtas ng mga
kaluluwa, ay talagang galing sa Akin at sa Aking Amang Walang-
hanggan. Magtiyaga ka, tanggapin mo ang paghihirap, magpakumbaba
ka, maging pasensyosa at kumilos nang may dignidad, pag kini-kwestyon
ka sa Ngalan Ko.

Hayo na, nang may panibagong sigla, pagmamahal at lakas, para mabawi
ang mga kaluluwa ng Aking mahal na mga anak.
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Bakit Ako Naging Tao

Biyernes, December 24, 2010 8:15 pm

Mahal Kong anak, salamat at tumugon ka sa Aking tawag. Kinakausap


Kita nang may tuwa sa Aking Puso, sa espesyal na pagdiriwang na ito ng
Aking Kapanganakan. Nag-uumapaw sa pagmamahal ang Aking Puso
dahil sa pananampalataya at katapatang ipinapakita ng lahat Kong
anak. Mahalagang-mahalaga ang pag-ibig na ito sa Akin.

Ito ang panahon para ang Aking mga anak, sa lahat ng dako, ay magnilay
tungkol sa Aking buhay sa Lupa. Pag-isipan nila kung ano ang
ipinahihiwatig ng Aking kapanganakan, para sa buong
sangkatauhan. Nang dahil sa Aking kapanganakan kaya ang tao ay
makakahanap ng kaligtasan. Nang dahil sa Pag-ibig ng Amang Walang-
hanggan, para sa lahat Niyang anak, kaya Niya ginawa ang
pinakamalaking Sakripisyo. Na kinailangan pa Niyang pagmasdan
habang isinisilang ang sanggol, subaybayan ang paglaki ng
bata, hanggang sa pagtanda, ay malinaw na ipinakikita nito ang
Kanyang pagmamahal at determinasyong iligtas lahat Niyang anak.
Ganun nga Niya kamahal ang lahat Niyang anak kaya hiniling Niya sa
Akin na mamuhay bilang isang tao, at kahit alam Niyang Ako’y
hahamakin at pagtatawanan, pinayagan pa rin Niya itong mangyari.

Ang Aking Kapanganakan ay isang Palatandaan sa lahat na ang Diyos


Amang Walang-hanggan, sa laki ng Kanyang pagmamahal sa Kanyang
mga anak, ay ginawa ang napakalaking Sakripisyo. Sa pagpayag Niya na
Ako’y pumunta sa Lupa para mamuhay sa piling nyong lahat, ipinakita
Niya ang Kanyang Malasakit at kagustuhang iligtas kayo, sa pagpayag
Niya sa Aking kamatayan. Kung hindi Niya Ako sinugo, hindi sana
maliligtas ang tao. Pero yung mga tumanggi sa Akin ay hindi pa
sigurado sa Katotohanan ng mga pangakong binitiwan ng Diyos Amang
Walang-hanggan. Marami pa ring pagkalito.

Ang mahalaga na lang ngayon ay maunawaan ng sangkatauhan ang mga


pangako at katunayan ng Bagong Langit at Lupa, na itinalaga para sa
lahat ng anak ng Diyos. Ito ang pinakamalaking Regalo sa lahat, ang
Regalong ginusto Niyang makabahagi nyo, hanggang ito’y sinira lahat ni
Satanas nang tuksuhin niya si Eba.

Ang tingin ng mga tao ngayon sa Mga Aral ng Luma at Bagong Tipan, sa
maraming paraan, ay ang mga ito’y matatandang kwentong kathang-isip
lamang. Maraming hindi pa nakakaunawa na ang Mga Aral na
nakapaloob sa Kasulatang ito ay totoo noon at totoo pa rin hanggang
ngayon.

Maraming beses, ang tinutukoy ay mga nangyari sa lebel ng espiritwal,


kaya nahihirapan ang mga tao na paniwalaang pwedeng nangyari nga
ang mga ito. Ang ginagamit kasi nila sa pagsuri sa mga nilalaman ay
katwiran ng isip, base sa kung anong nangyayari sa Lupa. Pero mali sila.

Ang pagpunta Ko sa Lupa ay plinano, bilang isang huling pagkakataon


na gisingin ang mundo, para malaman ng lahat na ang Diyos ay sobrang
mapagpatawad. Ang papel na ginampanan Ko ay ipakita sa inyo, sa
pamamagitan ng Aking Mga Aral at kamatayan sa Krus, ang daan
papunta sa Langit.

Kaya alalahanin nyo, pag Pasko, na ang Aking kapanganakan ay para


tulungan kayong muling suriin ang inyong paniniwala sa Kalangitan, na
lahat kayo’y may karapatang makibahagi dito. Sa pag-alaala sa Aking
Buhay, maaari na kayong sumama sa Akin sa Kaharian ng Aking Ama,
kung bubuksan nyo ang inyong puso at hihingin sa Akin na kayo’y
minsan Ko pang akapin.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas at Makatarungang Hukom

Jesucristo

Mga Pekeng Guro at Propeta

Sabado, December 25, 2010 10:20 am

Ako ang simula at ang katapusan. Sa pamamagitan Ko nilikha ng Aking


mahal na Amang Walang-hanggan ang mundo at sa pamamagitan Ko ito
matatapos. Ako ang Liwanag at ang Tagapagligtas na Siyang magdadala
ng lahat ng nananampalataya sa Akin, sa ipinangakong Paraiso. Yung
mga ayaw pa ring tumanggap sa Akin, sa kabila ng lahat Kong Mga Aral
at mga pagsisikap ng Aking mga propeta, ay hindi papasok sa Kaharian
ng Aking Ama.

Yung ilan sa inyo na biniyayaan ng Kaloob na Katotohanan, sa


pamamagitan ng Kasulatan, ay kailangang gumising na ngayon at
tanggapin ang Aking Mga Aral at ang mga propesiyang ibinigay sa Aking
mga propeta. Malapit na ang panahon na Ako’y babalik sa Lupa para
bawiin ang Aking mahal na mga alagad. Malungkot sabihin, pero
tatanggihan pa rin Ako, sa pamamagitan ng Aking mga propeta sa
kasalukuyang panahon. Kailangang pakinggan at basahin nyong lahat
ang Mga Mensaheng galing sa Akin, na ibinibigay sa inyo, dahil sa Awa,
at dapat nyong intindihin ang kahulugan ng mga ito.

Ang Aking Mga Aral ay di kailanman nagbago

Dapat nyong tandaan na ang Aking Mga Aral ay pareho pa rin, kagaya ng
dati. Yung mga dumarating, sa Ngalan Ko, ay dapat bantayang
mabuti. Kung ipinapahayag nila ang Aking Salita, sa Liwanag sila. Pag
nakita nyong ang Aking Mga Aral ay binago, sa anumang paraan na
kakaiba sa inyo, lumakad na kayo nang palayo. Huwag kayong
makikinig. Ang mga kawawang taong mga ito ay tinukso na ni masama
para baluktutin ang Aking Mga Aral, at sinadya nila ito para iligaw at
lituhin kayo.

Anumang doktrina na hindi nagmula sa Banal na Kasulatan, at


nagsasabing ito’y nagpapahayag ng Katotohanan, ay isang
kasinungalingan. Kasalanan ito sa Akin at isang grabeng pag-atake sa
Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan.
Pekeng Mesiyas

Ang mga pekeng gurong ito ay malapit nang magsimulang ipakilala ang
kanilang mga sarili sa buong mundo. Matatagpuan nyo sila sa lahat ng
dako, na sumisigaw nang ubos-lakas. Nagpapapansin. Mapapa-bilib
nila ang ilan sa Aking mga anak, sa puntong pati na ang Aking mga tunay
na alagad ay maniniwalang sila’y may natatanging mga Makalangit na
kapangyarihan. Ang isa, lalo na, ay itataas nang napakataas ang kanyang
sarili kaya mapapagkamalan ng mga tao na siya ang Mesiyas.

Kakailanganin ang tapang, determinasyon at lakas, para makapanatili sa


Aking tabi ang Aking mga anak, at maakay Ko sila sa mapanganib na
gubat na ito, na puno ng demonyo. Ang mga demonyo, na
pinakakawalan na ngayon ni Satanas, sa pagsapit nitong mga pangwakas
na araw, ay darating na nakabalatkayo bilang mga alagad Ko at mga
propeta. Nagsasabwatan na sila ngayon para targetin ang Aking mga
tunay na bisyonaryo at propeta.

Tatangkain nilang akitin ang mga ito gamit ang pekeng


doktrina. Babaluktutin nila ang Katotohanan para ibagay ito sa
masasama nilang asal, na mahirap mahalata kung titingnan sa labas.
Makikilala naman agad ng Aking mga tapat na alagad, sagradong lingkod
at mga propeta, kung sino ang masasamang taong ito. Makikita nila na
ang mga pahayag ng mga ito ay masakit at nakakabalisa, pero ang
magdudulot ng malaking takot sa kanilang puso ay ang katunayang
napakaraming Kristiyano ang maaakit sa magagandang personalidad ng
mga ito. Ganun kalakas ang kakayahan nilang kumumbinsi kaya
mahuhuli nila sa kanilang bitag yun mismong mga sagradong lingkod
na nag-alay na ng kanilang buhay sa Akin at sa Aking Amang Walang-
hanggan.

Panawagan sa Mga Kristiyano na manindigan


Yung tapat Kong mga alagad, na biniyayaan ng mga grasya ng Espirito
Santo, nananawagan Ako sa inyo ngayon. Hawakan nyo na ang sandata
ng pananampalataya at magpakatatag. Labanan nyo sila. Ituro nyo sa
mga tao ang Katotohanan sa pamamagitan ng pagpapaalala lagi sa kanila
ng Katotohanan, na nakapaloob sa Aklat ng Aking Ama – ang Aklat ng
Katotohanan. Ang Mga Aral na ito ay tatagal magpakailanman.

Maaaring maging mahirap para sa inyo, mga anak Ko, na tumayo at


manindigan, pero pakinggan nyo na Ako ngayon. Kung gagawin nyo ito,
makakatulong kayong magligtas ng mga kaluluwa. Ang inyong mga
kapatid sa mundo ay pamilya nyo. Dadalhin Ko kayong lahat sa Paraiso,
na ipinangako Ko na sa lahat Kong anak. Parang awa nyo na, tulungan
nyo naman Ako para wala ni isa sa inyo ang maiiwan. Madudurog ang
Aking Puso pag hindi Ko nailigtas ang lahat Kong minamahal na mga
anak. Kung mananalangin, magsasakripisyo at magtitiyaga ang Aking
mga alagad sa lahat ng dako, masusunod ang Loob Ko.

Kunin nyo ang Kopa ng Kaligtasan, ngayon na, sa Ngalan Ko. Sumunod
kayo sa Akin. Magpagabay kayong lahat sa Akin. Magpaakap kayo sa
Akin sa Puso Ko habang nagsasama-sama tayo para iligtas ang
sangkatauhan kay manloloko.

Tandaan nyo ito. Ganun Ko kamahal ang bawat isa sa Aking mga anak,
na kung nagtagumpay man Ako pero hindi Ko nadala lahat sa buhay na
walang-hanggan, ang tagumpay na yun ay matamis nga pero mapait din,
at madudurog ang Aking Puso.

Manalangin, manalangin, manalangin, ngayon na, kayong lahat, at


tandaan nyo ang mga Salitang – Ako ang Alpha at ang Omega.
Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo, Hari ng Lupa at Makatarungang Hukom ng buong


sangkatauhan.

Pagdiriwang ng Pasko

Sabado, December 25, 2010 12:30 pm

Mahal Kong anak, bakit ka nag-aatubili? Di mo ba alam na ginagabayan


ka araw-araw? Siguradong alam mo na, sa iyong puso, na ang kailangan
mo lang gawin ay umupo, buksan ang iyong puso, at di magtatagal ay
maririnig mo na ang Aking Mensahe. Manalig ka sa
Akin. Sumuko. Paniwalaan mong pag ipinasa-Akin mo na ang iyong
mga takot, pangamba, alalahanin at mga tanong, at kukunin ko ang mga
ito sa iyo at tutugon Ako ayon sa nararapat. Kailangan mo na ngayong
maglaan ng panahon para pakinggan itong mga napakahalagang Mga
Mensahe para sa buong sangkatauhan. Huwag kang mag-atubiling
isulong itong napaka-Sagradong Gawaing ito.

Pakinggan mo ngayon ito, mahal Kong anak. Habang ang mga


Kristiyano sa lahat ng dako ng mundo ay nagbibigay ng parangal sa
Aking Kapanganakan sa Bethlehem, marami ang magbibigay- galang na
lamang, nang walang tunay na pagmamahal sa kanilang puso.
Marami rin naman ang mapapalapit sa Aking Puso. Ang iba naman ay
tatango na lamang, uumis, tatawa, magsasalita nang konti tungkol sa
kahulugan nitong pinaka-importanteng panahon sa pagdiriwang ng
pinakamalaking Regalo na ibinigay sa mga anak ng Aking Ama mula pa
sa simula. Kaya nga lang, pag ang Aking mga anak, ang Aking mga tapat
na alagad, ay nagdiriwang ng Pasko, nadadala sila ng mga palabas at
mga seremonyang may kaugnayan sa mga makamundong bagay.

Ilang Kristiyano ang nagpapaliwanag sa kanilang mga anak kung ano


ang kahulugan ng Aking kapanganakan? Ilan ang gumugunita sa
kababaang-loob na ipinakita ng Aking mahal na Ina at ng kanyang
kabanal-banalang kabiyak na si San Jose? Ilan ang nakakaunawa na
Ako’y naging tao para iligtas ang sangkatauhan sa daan papunta sa
Impiyerno? Ito yung simpleng Mensahe na binaluktot na sa loob ng mga
daan-taon at tinakpan ng pagpapasikatan.

Ganun pa man, tinanggap ito ng mga tapat na Kristiyano bilang panahon


para pagnilayan ang kanilang katapatan sa Akin, ang kanilang
Tagapagligtas.

Mga anak, gamitin nyo naman ang Kapistahang ito para ipanalangin
yung lahat ng nasa mundo na kailangang magising sa katotohanan na
meron silang tatanggaping pamana. Dito’y may nakareserba nang
espesyal na lugar para sa bawat isa sa kanila, sa Kaharian ng Aking ama,
kung magpapasiya silang tanggapin ito.

Ang Panahon para sa Dakilang Babala ay napagpasiyahan na

Abalang-abala ang Aking mga anak sa balita, bawat minuto ng bawat


araw, pero nakakaapekto man ito sa kanilang buhay, bale-wala naman
ito sa buhay na walang-hanggan. Mga anak, panahon na para lahat
kayo’y iksaminin ang inyong mga konsyensya, ngayon na, bago sumapit
ang Dakilang Babala, na nauuna sa Aking Ikalawang
Pagdating. Magdasal kayo sa inyong sariling simpleng pananalita para
hingin ang patnubay ng Diyos.

Ang panahon ng Dakilang Babala ay napagpasiyahan na. Maging alerto


kayo. Manatili kayong nagbabantay.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas at Makatarungang Hukom

Jesucristo

Babala sa mga Mananampalataya na huwag tanggihan ang


mga totoong Propeta

Martes, December 28, 2010 11:00 am

Mahal Kong anak, ibinibigay na sa iyo ngayon ang pangwakas na Mga


Mensahe para sa sangkatauhan, para intindihin mo, bago sumapit ang
pangwakas na panahon para mailigtas ang kanilang mga kaluluwa.
Meron na ngayong napakaraming anghel na ikinakalat sa lahat ng dako
ng mundo, gaya ng naipropesiya na, para ihanda ang Lupa para sa Aking
pagdating. Marami sa mga anghel na ito ay hugis tao, at gaya mo, mahal
Kong anak, pinili rin nila ang papel na ito na kanilang gagampanan. Ang
paglitaw nila sa kanilang kapanganakan ay ityinempo para sumabay sa
pangwakas na Babala at sa pangwakas na panahon. Gayundin, ang mga
demonyong pinalabas mula sa kailaliman ng Impiyerno ay
pinakakawalan na. Inihaharap nila ang kanilang mga sarili sa Lupang
ito sa pamamagitan ng mga pagtukso at kasinungalingan. Naaakit nila
ang Aking mga anak na bukas sa kanilang impluwensya. Sinasapian nila
yung mga kaluluwang nasa kadiliman na. Pinapasok nila ang kanilang
espirito sa pamamagitan ng pagsisinungaling sa kanila at pagkumbinsi
sa kanila na ang kanilang paniniwala sa Akin at sa Aking Amang Walang-
hanggan ay kalokohan.

Ang panlabas na anyo ng mga taong ito ay hindi nyo iuugnay sa


itinuturing nyong masama. Sa halip, magmumukha silang marunong,
matalino at nagbibigay ng inspirasyon. Magiging napaka-kapani-
paniwala rin nila pag nangangaral ng sa akala ng Aking mabubuting
anak ay katotohanan. Malungkot, pero walang pagmamahal sa kanilang
mga puso at kailangan nyong maging alerto laban sa kanilang mga aral.

Ngayo’y gusto Kong manawagan sa Aking mga mananampalataya. Kayo,


mga anak Ko, dahil sa inyong mga panalangin at pananampalataya, ay
tumanggap na ng Mga Kaloob na ipinangako Ko sa mga sumusunod sa
Akin. Binibigyan kayo ng iba’t ibang Kaloob at bawat Kaloob ay
dinisenyo para ibigay ang Aking Salita sa iba’t ibang panlabas na anyo.

Pagkilatis sa mga bisyonaryo

Yung mga binigyan Ko ng Kaloob na kaalaman para tulungan kayong


kilalanin yung mga dumarating sa Ngalan Ko at yung mga dumarating sa
ngalan ni Satanas, mag-ingat naman sana kayo. Tama lang na kayo’y
maging alerto laban sa mga pekeng propeta. Ganun pa man, huwag na
huwag nyong huhusgahan yung mga nagsasabing sila’y dumarating sa
Ngalan Ko, nang hindi muna maingat na sinusuri ang kanilang mga
mensahe.

Huwag na huwag nyong huhusgahan yung Mga Mensahe na ipinadala Ko


sa “panlabas na itsura”. Pag sinasabi ng isang tao na siya’y dumarating
sa Ngalan Ko, huwag nyong aakalain na ang inyong pagkilatis sa kanya
ay hindi magkakamali. Tingnan nyong mabuti yung mga propetang
pinagtatawanan o pinagagalitan pag sinasabi nilang sila’y tumatanggap
ng mga Makalangit na Mensahe mula sa Akin o sa Aking Pinagpalang
Ina.

Huwag kayong bibigay sa tukso na husgahan sila kaagad bago pa man


nyo maingat na pakinggan yung mga mensahe mismo. Ang Mga
Mensaheng ito ay hindi lamang may kinalaman sa Aking Mga Aral, may
kinalaman din ito sa Aking Salita at ito’y magiging puno ng
pagmamahal. Tuturuan kayo ng mga ito kung paano mamuhay sa
Ngalan Ko para makamtan ang kaligtasan.

Huwag na huwag kayong matatakot pag ang Aking mga tunay na propeta
ay nagsasabing sila’y nakakatanggap ng Mga Mensahe tungkol sa mga
pangyayari sa hinaharap, na sila’y may kaalaman dito. Huwag nyong
sikaping makagawa ng kasalanang diskriminasyon sa paghusga sa Mga
Mensaheng ito dahil sa uri ng mga tao na kinakatawan ng mga propetang
ito. Ilan sa kanila ay kulang ang pinag-aralan. Kabaligtaran naman ang
iba, na magagaling magsalita. Maraming hindi tutugma sa inyong
pagkaunawa kung paano kilalanin kung ang tao ay “banal”.

Pero may mga paraan para matiyak nyo kung sila nga’y tunay. Yung mga
nakikipag-usap sa Aking mahal na Ina, kalimitan ay masasabi ang oras at
petsa ng mga aparisyong kanyang ipinopropesiya. Maraming insidente
ang masasaksihan nung mga pumupunta sa mga aparisyong yun. Pag
Aking Mga Mensahe naman ang ibinibigay sa sangkatauhan, ibibigay ito
sa mundo nang hindi sinisikap ng propeta na siya’y maparangalan.

Paghuhusga sa Mga Tao

Bilang pangwakas, ang Aking mga mananampalataya, tapat man sila sa


Akin, ay magbubuhos pa rin ng galit sa mga nagpo-propesiya ng mga
mangyayari sa hinaharap at sisiraang-puri yung mga biniyayaan ng mga
kapangyarihang magpagaling mula sa Espirito Santo.

Tama na, gising na sa mapayapa nyong pagtulog. Sisirain talaga ng mga


propetang ito ang inyong mga regular na galaw dahil hindi sila
komportable sa inyong banal na grupo. Hindi sila tutugma sa inyong
inaasahan. Pakinggan nyo ito. Pag hinusgahan nyo ang mga taong ito
base sa sabi-sabi at tsismis o parinig ng iba, magkakasala kayo. Ang
kasalanan sa Aking mga propeta ay sobrang nakakasakit sa Akin. Pag
tinatanggihan nyo ang Aking mga tunay na bisyonaryo at propeta,
tinatalikuran nyo Ako.

Pero ito mismo ang nangyayari sa mundo ngayon habang mas maraming
bisyonaryo ang lumalantad. Hindi ito madali para sa Aking mga
mananampalataya. Basta tatandaan nyo na ang Mga Mensahe mula sa
Aking mga propeta ay dapat basahin muna bago kayo maghusga, at
kasama rito pati na yung maaaring manggaling sa mga pekeng propeta.
Humingi kayo ng gabay pag sinusuri nyo ang Mga Mensaheng ito. Ang
tunay na Mga Mensahe ay magiging puno ng pagmamahal. Pero strikto
sa pagpapatupad ang mga ito. Ang Mga Mensaheng kumu-kontra sa
lahat ng natutunan nyo tungkol sa Aking Mga Aral at sa mga aral ng
Aking mga apostol, gaano man ka-tuso, ay madaling masusuri.
Huwag kayong manahimik tungkol sa inyong
pananampalataya

Hayo na, mga anak Ko, at pagbuksan nyo ng inyong puso ang Aking mga
propeta. Nandyan sila para isiguro sa inyo na panahon na para ihanda
Ko kayong lahat para magsalita alang-alang sa Akin. Tandaan nyo, ang
luwalhati ay ibinibigay sa Aking mga propetang nagsasalita, sa kabila ng
paghamak at paglait na kailangan nilang tiisin. Parusa naman ang
ipapataw sa mga nagsasabing sila’y mga alagad Ko, pero laging
nananahimik pag tungkol na sa pananampalataya; at napakadaldal
naman pag kinokontra ang Aking mga tunay na bisyonaryo. Alam mo sa
iyong puso na yung mga hinusgahan mo ay nagpapahayag ng mga
pangyayaring darating, na para sa iyo ay mahirap tanggapin. Baka
itanong mo pa : bakit naman ang aking Tagapagligtas na si Jesucristo, ay
gagawa sa pamamagitan pa ng mga taong ito? Tutal, hindi naman sila
mga banal na alagad ayon sa aking pamantayan. E ang tanong Ko
naman sa iyo ay ito: Bakit mo inaakala na yung ilang pinili lamang, na
nag-alay ng kanilang buhay sa panalangin, ay may karapatang iitsa-
pwera yung mga nagsasalita na nasa labas ng inyong grupo? Wala ka na
bang anumang natutunan? Di mo ba alam na yung mga ginugugol ang
buo nilang buhay sa pananalangin ay pwede ring ma-biktima ni
manloloko?

Ang mga tunay Kong propeta ay kamumuhian

Tandaan nyo, Ako man ay pinagtawanan, hinamak, tinanggihan at


minaliit ng mga nakatatanda at mga pari nang Ako’y nasa Lupa. Kung
Ako’y kinamuhian, makakatiyak kayo na ang Aking mga tunay na
propeta ay sobrang kamumuhian, kung paanong sila naman ay
pararangalan sa ibang mga lugar.
Mahiya naman kayong lahat. Ang Aking mga propeta ay hindi lilitaw
mula sa inyong mga grupo, pero kailangan pa rin nyo silang
parangalan. Sila ang mga pinaka-di-nyo-akalaing propeta dahil sa
kanilang naging pamumuhay. May ilan na magmumula sa
karukhaan. May ilan namang galing sa mas mayamang kalagayan. May
ilan din na halos hindi nakapag-aral,at ang iba naman ay ipapanganak na
may Kaloob na karunungan. Ang mga ito ang Aking piniling mga
propeta. Pakinggan nyo ang kanilang tinig bago nyo sila kondenahin.

Ipanalangin nyo sila. Ipanalangin nyo na ang Aking Salita, na ibinigay sa


mga propetang ito, ay hindi tanggihan. Kayo man, huwag din nyong
tatanggihan ang Aking Salita. Ang mga di-sumasampalataya ay laging
sisikaping sirain ang kredibilidad ng matatapang na kaluluwang ito na
malakas na nagpapahayag ng Aking Salita, pero dapat lamang asahan
yun. Pero pag yung Aking mga mananampalataya na, lalo na yung mga
nasa mga prayer group, kumbento at iba pang mga ministeryo, ang
lantarang tinatanggihan ang Aking tunay na mga propeta, doon na
nadudurog ang Aking Puso. Pakinggan nyo ang Aking Mga Salita. Hindi
kailanman lilihis sa Katotohanan ang mga ito, sa parehong paraan na
kayo, mahal Kong mga alagad, ay hinding hindi rin maililiko ang
Katotohan para itugma sa inyong interpretasyon.

Imulat nyo ang inyong mga mata. Gising na. Nagsimula na ang mga
palatandaan para makita ng lahat. Kayo, mga mananampalataya Ko,
paubos na ang oras nyo. Makinig kayo. Manalangin. Magkaisa at sama-
samang ipahayag ang Aking Salita para iligtas ang mga kaluluwa bago pa
man maubos ang panahon.

Ang inyong mahal na Kristo

Jesus, ang Tagapagligtas at Makatarungang Hukom


UL 10 08 13 Ang Media at Iba pang mga pag-censor na lalabas

Sabado, January 01, 2011 02:00 am

Pinakamamahal Kong anak, panahon na para sa isa pang taon na


matuturuan Ko ang Aking mahal na mga anak kung paano baguhin ang
kanilang buhay para pagdating Ko bilang isang Hukom ay magiging
handa na ang sangkatauhan.

Magaganda Kong mga anak, na hawak Kong malapit sa Aking Sagradong


Puso, kailangang pakinggan nyo na Ako ngayon. Hindi Ko kailanman
kayo pababayaan pag kinikilala nyo Ako at ang Katotohanan ng Bagong
Paraiso – ang pangakong ibinigay Ko sa inyong lahat bago Ako namatay
sa Krus para sa inyong mga kasalanan. Malapit na ang panahon, mahal
Kong mga anak. Huwag na huwag kayong matatakot. Kung mahal nyo
Ako at nananampalataya kayo sa Akin, anong inyong dapat
ikatakot? Ang pag-ibig kasi ay hindi matatakutin. Ang pag-ibig ay tuwa,
kaligayahan. At para sa inyong lahat na naniniwala sa buhay na walang-
hanggan sa Langit, walang dapat katakutan. Mahal Ko kayong lahat.

Papel na gagampanan ng Ina ng Diyos sa Ikalawang Pagdating


ni Kristo

Ang Aking mahal na Ina, na umako ng pagtanggap sa Kalis ng Aking


Pag-iral, sa sandali ng Paglilihi para ipagpa-una ang isang bagong simula
para sa sangkatauhan, ay siya ring magpapa-una sa Aking Ikalawang
Pagdating.
Tutubusin Ko yung lahat ng lalapit sa Akin para sa Aking Awa. Ang
Aking Ina, na sinugo ng Amang Walang-hanggan para maghatid ng
pagtubos at kaligtasan sa mundo, ay sasamahan Ako sa ikalawang beses
na ito. Ang Aking mahal na Ina, ang Anghel ng Liwanag,
ay matagumpay na ngayong ihahatid ang Aking Awa at ipagpapa-una
ang Aking Ikalawang Pagdating sa Lupa.

Ang Aking tapat na Ina, ang Imaculada Concepcion, bilang Mediatrix, ay


tutulong na maihanda ang mundo para sa Aking Ikalawang
Pagdating. Maraming daan-taon na niyang inihahanda ang
sangkatauhan, pero ngayon, sa huling 100 taon, ay sinisikap niyang
magpasibol ng pagmamahal sa inyong mga puso, para papag-alabin ang
kung minsan ay maligamgam na pagmamahal nyo para sa Akin at sa
Aking Amang Walang-hangan.

Nagkaroon pa nga ng panahon na ang Aking Ina, sa pamamagitan ng


Makalangit na Aparisyon, ay talagang pinapansin sa Lupa. Pero ang
malungkot nito, pagkatapos ng Fatima at Garabandal, iilan na lang sa
Aking sagradong mga lingkod ang nagpapahalaga sa kanyang mga
Makalangit na aparisyon. Pati ang kanyang mga bisyonaryo, ang ilan na
pinili, ay hindi rin pinahahalagahan. Ngayon naman, sa pagsisimula ng
taon 2011, maraming maraming pagbabago ang mangyayari sa
mundo. Kasi, mga anak Ko, ang mundong nakilala nyo ay malapit nang
magbago.

Sikreto ng Fatima – ang kaugnayan sa hinaharap

Napakarami nyong mga inosente at nagtitiwalang mga kaluluwa ang


walang kamalay-malay sa kasamaang malapit nang makita. Mga anak
Ko, at isinasama Ko na rin yung ngayon pa lang nagbabasa ng Mga
Mensaheng ito para lang mag-miron, at nakakadamang may kulang sa
inyong espiritwal na kabutihan, makinig na kayo ngayon. Kayo at ang
inyong mga kapwa ay inaakay papunta sa isang mundong kontrolado ng
isang grupo, gaya ng nai-propesiya na sa huling Sikreto ng Fatima, na
hindi kayo binigyan ng pagkakataong malaman kung ano ito, at dito’y
malapit nyo nang matuklasan ang mga sumusunod:
1. Ang inyong pera ay mawawalan ng halaga at ang tanging paraan na
lang para magnegosyo ay sa pamamagitan ng ginto o pilak.

2. Kailangan nyong manalangin nang grupo-grupo at maghanap ng


isang sagradong lingkod na may sapat na tapang para labanan ang
pang-uusig.

3. Kailangan nyong maghanap ng mga kanlungan para manalangin


dahil ang inyong mga simbahan ay ibebenta para kumita ng pera.

4. Ingatan nyo ang Biblia. Maaring hindi pa nyo ito nababasa pero
makakatiyak kayo na imposible nang makabili nito sa darating na
panahon.

5. Magtatag kayo ng mga Prayer Group para ipanalangin ang


sangkatauhan. Sa loob ng tatlong taon, malalaman nyo kung bakit
importante ito.

Pag-censor sa Media

Sa media, ito ang masasabi Ko. Bilang mga tagapag-pahayag sa mundo,


ang kayabangang ipinapakita nyo ngayon ay mauuwi sa kawalang-pag-
asa pag hindi na naririnig ang inyong sinasabi. Kayo man ay mababatid
nyo ang kahalagahan ng panalangin pag ang sangkatauhan ay tumalikod
na sa Katotohanan. Ang inyong salita ngayon ay pwedeng maghayag pa
rin ng mahalaga at independenteng katotohanan. Pero ang kaloob na ito
ay aagawin na sa inyo. Sa halip, itatago na sa sangkatauhan ang
Katotohanan sa pamamagitan ng diktaduryang malapit nyo nang
masaksihan sa panahon ng Malaking Pagdurusa. Kaya ang inyong salita
ay tatanggihan din kagaya ng Aking Salita.

Ang “Sikretong Channel” ng Komunikasyon

Wala nang makikinig sa inyo dahil gagamitin ang teknolohiya para ihatid
sa mundo ang Sikretong Channel na siyang maghahatid sa kaisa-isang
salitang bibigyang-pansin ng sangkatauhan. Pupulutin kayo sa
kangkungan at mauuwi na lang kayo bilang tagapagpahayag na hindi na
pinaniniwalaan ng mundo, gaya Ko sa panahong ito, na ang inyong salita
ay hindi na pinapakinggan.

Mag-ingat sa Mga Diktador

Huwag kayong matakot, anuman ang daang pinili nyo papunta sa Diyos,
basta’t pakinggan nyo Ako ngayon. Labanan nyo yung mga nagtatatag
ng diktadurya sa inyong mundo, dahil kay Satanas sila. Huwag kayong
paloloko sa kanila, gaano man kalaki ang ibayad nila sa inyo para mag-
report ng mga kasinungalingan. Mapupunta sila sa Impiyerno kung
hindi sila magsisisi; pero hindi nila kakampi ang panahon. Ipaglaban
nyo ang kalayaang i-report ang mga kawalang-katarungang inyong
nasasaksihan. Hindi na importante kung naniniwala kayo sa Akin, dahil
pag nakita nyong nagkatotoo na ang propesiyang ito, makikita nyo ang
Katotohanan ng Aking Mga Aral.

Aklat ng Pagbubunyag
Sa panahong ito, makita nyo man na bugbog-sarado na ang ekonomiya
ng mundo, madali pa ring isipin na maaayos din ang lahat. Oo nga’t
noon ay yun ang pangkaraniwang palagay, pero hindi na ngayon. Ang
mga masasamang planong palihim na ginawa ng pinaka-sentrong grupo
ng mga organisasyon, na pandaigdig at nasa bawat bansa, na magkakabit
ang mga balakang dahil nagmula sila lahat kay Satanas, ay handa na
ngayong lumitaw. Yung ilan sa inyo na hindi naniniwala sa Akin, ngayon,
sa wakas, ay mauunawaan nyo na ang mga propesiyang nakapaloob sa
Aklat ng Aking Ama at sa Aklat ng Pagbubunyag. Huwag kayong
matakot, mga anak Ko. Lumapit kayo sa Akin at kausapin nyo Ako sa
inyong sariling pananalita, at bibigyan Ko kayo ng lakas, pag-asa at
kakayahang pagdaanan itong madilim na bahagi ng kasaysayan ng
sangkatauhan.

Yung ilan sa inyo na nagbabasa ng Mensaheng ito, mag-isip kayong


mabuti. Kung duda kayo sa nilalaman, tumingin kayo sa inyong paligid
at magpasya kayo kung mangangahas kayong pag-isipan ang tungkol sa
mga palatandaan. Napapansin nyo ba na ang kalayaan ng inyong
malayang loob, na ibinigay sa inyo bilang isang Regalo mula sa Aking
Amang Walang-hanggan, ay pinakikialaman na ngayon? Ni Ako ni ang
Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi namin kailanman pakikialaman
ang Makalangit na Regalong ito, ganun nga ka-Sagrado ang Regalong
ito. Pero kung nagdesisyon ang tao na tanggapin si Satanas at ang mga
apoy ng Impiyerno, e hayaang mangyari ito.

Ang Diyos, na Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi Niya mapipigilan


ito. Pero si Satanas, tatangkain niyang agawin sa inyo itong Regalong
malayang loob. Pag nakita na nyong inaagaw na ang inyong malayang
loob, sa pamamagitan ng mga makapangyarihang puwersa na hindi nyo
kayang kontrolin, alam nyo na, na si masama ang nasa likuran nito.

Si Satanas ay di kailanman magwawagi


Manatiling alerto naman sana kayo, mahal Kong mga anak. Huwag
kayong susuko. Kung sapat ang dami nyong mga mananalangin at
maninindigan, magliligtas kayo ng mga kaluluwa. Si Satanas at ang
kanyang hukbo ay hindi kailanman magwawagi. Hindi nila
kaya. Imposible yun. Tanging Diyos lang ang may
kapangyarihang tapusin ang nakakakilabot na giyerang ito.

Ako, ang inyong Tagapagligtas at itinalagang Hukom, ay hinihimok Ko


kayo na manindigan, maging matapang at ipaglaban ang tama, ayon sa
isinisigaw ng inyong puso, kahit na dinadaanan kayo ng takot. Si
Satanas ang nagbibigay sa inyo ng takot. Ako at ang Aking Amang
Walang-hanggan ay hindi kailanman maglalagay ng takot sa inyong
puso.

Alisin nyo ang inyong depensa at buksan ang inyong puso sa


pagmamahal, hindi sa takot. Ang pag-ibig ay galing sa Diyos. Sinabi Ko
na sa inyo na ang pag-ibig ay hindi nadarama, hanggat hindi nyo
binubuksan ang inyong puso. Ang Pag-ibig at ang Diyos Amang Walang-
hanggan, na Maylikha ng Lupang ito, ay magkahawak-kamay. Hindi sila
mapaghihiwalay. Pag pinaghihiwalay Sila, si Satanas ang may
kagagawan.

Hayo na, Aking mga anak, at magdesisyon. Ano bang gusto nyong
bumalot sa inyo, Pag-ibig ba ng Aking Sagradong Puso, o takot. Kayo
ang magpasya.

Ang inyong Diyos na Guro, Tagapagligtas at

Makatarungang Hukom ng Awa


Kung paanong ang Babala ay isang Regalo sa sangkatauhan

Linggo, January 02, 2011 9:45 pm

Bakit nakakatakot ang Mga Mensaheng ito?

Mahal Kong anak, pag narinig ng mga tao ang Mga Mensaheng ito,
kikwestyunin nila ito, kokontrahin at gugutayin. Higit pa dun, sobrang
lalaitin nila ang mga ito at itatanong: Bakit hindi tuwa at kaligayahan
ang pag-usapan ng Mga Mensaheng ito? Bakit sila nakakatakot? Pwede
ba namang manggaling kay Jesucristo ang ganitong pakikipag-usap sa
mundo? Di ba’t ang ipinangangaral ni Jesucristo ay pagmamahal at
hindi takot? Simple lang ang sagot Ko sa mga sumbat na ito. Mahal Ko
kayong lahat kaya pinagpapakitaan Ko kayo ng Aking Awa sa
pamamagitan ng Mga Mensaheng ito. Dumarating muna Ako bilang
Tagapagligtas ng lahat, para palayain kayo, at nang sa ganun ay lahat ay
makinabang ng kaligtasan. Ang Aking kamatayan sa Krus ay para bigyan
kayo ng ikalawang pagkakataon para makapasok sa Kaharian ng Aking
Ama. Sa pagkakataong ito, bumabalik Ako bilang isang Makatarungang
Hukom.

Dahil sa mahal Ko kayong lahat, ang ipinapakita Ko sa inyo ngayon ay


Awa muna. Ang Awang ito ay dumarating sa anyo ng isang paunang
Babala para tulungan kayong isaayos muli ang inyong buhay bago Ako
bumalik sa Araw ng Paghuhukom.

Nang dahil sa Aking Malasakit sa bawat isa sa inyo, binibigyan Ko kayo


ngayon ng huling pagkakataon para buksan ang inyong puso at
mamuhay sa paraang nararapat sa inyo.
Ang Kaligayahan sa Lupa ay hindi pwedeng ikumpara sa
Kaligayahan sa Langit

Talikuran nyo na ang kasalanan, magsisi at ibalik ang pananalangin sa


inyong buhay. Dahil sa Awa kaya kailangang babalaan Ko kayo tungkol
sa Katotohanan. Ang kaligayahan na sa palagay nyo’y wala sa Aking Mga
Mensahe ay dahil sa katunayang ang sangkatauhan ay tumalikod na sa
tunay na kaligayahan. Ang kaligayahang nadarama sa Langit ay hindi
pwedeng ikumpara sa tinatawag na kaligayahan na nadarama nyo sa
Lupa.

Ang kaligayahan sa Lupa, na nagmumula sa tunay na pag-ibig, ay


malinis. Ang kaligayahang nagmumula sa mga makamundong bagay ay
walang kabuluhan.

Mga anak Ko, mabilis na nawala ang tuwang dapat Kong madama sa
pagmamasid sa inyo dahil, sa kasamaang-palad, sa nasasaksihan Ko sa
Lupa ngayon. Lahat ng pinahahalagahan nyo ay nakaugat sa
makamundong mga ari-arian, o sa pagtanggap ng iba na pumupuri sa
inyo. Halos walang panahon kayong inilalaan para ihanda ang inyong
sarili para sa kabilang buhay.

Ang Babala ay isang Regalo

Ang Aking Awa ay dinadala sa inyo bilang isang Regalo. Tanggapin nyo
ito. Lasapin. Lumapit kayo sa Akin, lahat kayo. Ako ang inyong balsang
pansagip sa inyo sa isang nagngangalit na karagatang puno ng mga di-
inaasahang agos at pagsabog. Iligtas nyo na ngayon ang inyong sarili, o
harapin ang panganib na mahigop sa isang dambuhalang agos, na
magpasiya man kayo sa huling sandali na umakyat sa balsa, ay wala na
kayong lakas para gawin ito.

Ang Paglilinis sa mundo ay patuloy

Pagod na Ako, mga anak. Gaano Ko man pagsikapang makipag-usap,


marami pa rin sa inyo ang nagbibingi-bingihan. Maging ang Akin
mismong mga pari ay ayaw tumugon sa Aking panawagan pag nais Kong
ibunyag ang Aking Awa. Habang ang Paglilinis sa mundo ay patuloy at
bumibilis pa, ito na ang panahon para tumawag kayo sa Akin, mga anak.

Mga lindol at iba pang mga pandaigdigang kapahamakan

Huwag na huwag nyong katatakutan ang mga bagyo, mga lindol, mga
tsunami, mga baha, mga bulkan at matinding tag-init, na mangyayari sa
mundo para tulungang mapigilan ang antikristo at ang kanyang
hukbo. Ang Aking mga alagad ay ligtas dahil alam nila ang naghihintay
sa kanila sa Bagong Paraiso, na lilitaw pag nagsanib na at naging iisa ang
Langit at ang Lupa. Kailangang mangyari ang mga ito. Hindi na sila
mapipigilan dahil naipropesiya na ang mga ito. Pero ang mga
pangyayaring ito naman, mga anak Ko, ay madaling matatapos.

Kayong Aking mga mananampalataya, ay gagantimpalaan dahil sa


inyong pananampalataya at katatagan sa harap ng napakalaking
oposisyon. Kaya mahirap matarok ang inyong magiging tuwa, mga anak
Ko. Yung mga kasapi ng Liwanag ay babalutin ng Luwalhati at Pag-ibig
na naghihintay sa inyo. Yun namang nasa kadiliman ay hindi
matatagalan ang Liwanag. Gustuhin nyo man, sobra naman kayong
masasaktan kaya kakailanganin nyong magtago. Pero wala naman
kayong mapupuntahan kundi yung lungga ng kadiliman, na
pinaghaharian ng hari ng kadiliman mismo – si masama. Ito ba ang
gusto nyo?

Paanong magtrabaho si Satanas sa pamamagitan ng mga tao

Nauunawaan nyo ba ang kilabot na kinakatawan ni manloloko? Di nyo


ba alam na siya’y nag-aabang sa likod ng bawat akto ng pagkamakasarili,
katakawan at pagmamahal-sa-sarili? Habang isinasabuhay nyo ang sa
akala nyo’y isang buhay na nakaka-eksayt, ang saya-saya at bising-bisi,
gumagastos kayo, kumakain, nagpapaganda at walang-patid sa
paghahanap ng kasunod na pag-aaliwan, maligaya nga kayo pero wala
kayong kamalay-malay kung ano ang nasa likod ng inyong mga gawain.

Yung sikretong boses, na hindi nyo naririnig pero nararamdaman – pag


parang may pumipilit sa inyo na gumawa ng isang bagay, at sinasabihan
kayong maghanap, maghanap at maghanap pa ng dagdag na kasayahan,
nakakakilig at nakaka-eksayt na mga bagay, yung boses na yun ay
nagmumula kay masama. Paumisin man kayo ng inyong mga gawaing
ito, patawanin o papalakpakin sa kilig, bale-wala rin ang mga ito. Ang
matitinding paghahangad na ito ay isa lang ang pakay – ang itulak
kayong walang-tigil na maghangad ng pagpapasarap-sa-sarili. Ano bang
kabutihan nito? Maganda ba ang pakiramdam nyo pagkatapos
nito? Siyempre, hindi. Kung tanungin kaya nyo ang inyong sarili: paano
kung hindi ko na pwedeng gawin ang mga ito? Paano na? Magkaka-
problema kaya? Sa umpisa, oo, baka ma-irita ka, pero pag nawala na sa
iyo lahat, saka mo lang maiisip na ang kailangan mo lang ay mabuhay.

Ang pagkain ay magiging mas mahalaga kaysa mga materyal na bagay na


puro kasiyahan ang idinudulot. At pag naubusan ka na ng pagkain at
nagutom, makikita mo na yung lahat ng dati mong kinatutuwaan ay wala
palang kwenta. Ito ang paglilinis na mabilis na mangyayari sa
mundo. Sa pamamagitan ng paglilinis na ito, na isang uri ng
paghuhugas, magiging buo kayong muli. Sa puntong yun, at sa puntong
yun lamang, kayo magiging handa para tanggapin ang Katotohanan.

Paanong iniiwan kayong parang hungkag at walang laman ni


Satanas

Mga anak Ko, hindi nyo nakikita kung paano magtrabaho si


Satanas. Hindi nyo siya nakikita, pero ginugugol niya ang lahat niyang
panahon sa pagsisikap na nakawin kayo sa Akin. Matinding pasakit ang
idinudulot niya sa inyo, mga anak. Lahat ng tuksong ipinapain niya sa
inyong dadaanan ay gumagamit ng makamundong pang-aakit ng pera,
ganda, ari-arian at talento, na inyo namang nilalamon dahil sa
katakawan at pagnanasa. Akala nyo’y pag nakamtan nyo na lahat ito ay
makukumpleto na kayo. Malungkot sabihin, pero hindi totoo ito. Ito
ang kasinungalingan ginagamit ni Satanas para mambitag. Pag yung ilan
sa inyo na nakarating na sa ganun kataas na lebel ng yaman at
pagkatapos, sa anumang dahilan, ay natagpuan nyong nawala na lahat
ito sa inyo, magpasalamat kayo. Dahil pag nahubaran kayo ng lahat
nyong makamundong ari-arian, sa puntong ito lamang talagang
mapapayagan nyo Akong pumasok sa inyong puso.

Mensahe sa mayayaman

Para sa inyo na may kayamanan – hindi Ko kayo kinokondena. Hindi


dahil maykaya kayo ay nangangahulugang hindi kayo sumusunod sa
tamang daan. Pero may responsibilidad kayong bahaginan at kalingain
yung mas hindi-sinwerte kaysa inyo. Tungkulin nyo ito. Hindi ang
yaman o materyal na mga kaginhawahan ang mali. Hindi ang tuwa at
halakhak na nararanasan nyo pag nasisiyahan kayo sa buhay ang mali.
Pag nahumaling kayo at pag ang pagnanasa nyo sa maluhong
pamumuhay ay inuna nyo pa sa inyong pananampalataya at sa
kapakanan ng iba, nagiging paglabag na ito sa Mata ng Aking Ama.
Ang inyong yaman, tahanan, damit at ari-arian ay parang mga ulap na
tumatawid sa himpapawid. Naroon sa isang saglit at wala na
pagkatapos. Hindi nyo madadala ang mga ito sa kabilang buhay. Ang
inyong kaluluwa ang makakasama nyo. Ingatan nyo ang inyong
kaluluwa, magpakita ng pagmamahal sa isa’t isa at sa mga nagpapahirap
sa inyo sa buhay na ito.

Sundin nyo ang Aking Mga Aral. Hingin nyo ang Aking Awa. Saka nyo
lang Ako makakasama sa Bagong Lupa na siyang Paraiso. Huwag nyong
iwala ang inyong mana at ang inyong lugar sa Kaharian ng Aking Ama.

Ang inyong mahal na Jesucristo

UL 10 11 13 2011 Taon ng Paglilinis

Martes, Enero 11, 2011 12:30 am

Pinakamamahal Kong anak, sa wakas ay nagkasama Tayo muli. Ilang


araw na ring nasa kondisyon ang iyong isipan para tanggapin ang Aking
Mga Mensahe. Huwag kang matakot dahil kakailanganin mo na ngayon
ang panahon para pakinggan ang Aking pinaka-mahahalagang Mensahe
na ibinigay sa mundo hanggang ngayon.

2011 ang taon para sa panahon na ang pagbabago – ang paglilinis – ay


magsisimula at masasaksihan ng milyun-milyon sa buong mundo.
Makatulong man ang panalangin para mabawasan ang mga
pandaigdigang sakuna, hindi pa rin ito magiging sapat para pigilin ang
Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan, paghampas Nito sa
sangkatauhan sa nalalapit nang panahon.

Ang masamang asal at dumi ng isip, katawan at kaluluwa, na


nabubunyag na sa mundong ito sa sandaling ito, ay malinaw na nakikita
ng lahat. Para sa inyo na bising-bisi at abalang-abala sa inyong buhay,
ngayon na ang panahon para huminto at tingnan kung anong nangyayari
sa harapan mismo ng inyong mga mata.

Si masama, na nagtatrabaho sa pamamagitan nung mga nasa kadiliman,


ay lumikha na ng napakalaking gulo kung saan ang araw-araw na
patayan ay napaka-ordinaryo na kaya ang sangkatauhan ay nangimay na
at dini-dedma na lamang nila ang masasamang taong gumagawa ng mga
nakakasuklam na mga gawaing ito. Pagmamahal-sa-sarili at katakawan
ang naghahari sa inyong lipunan. Ang inyong mga pinuno at mga
pulitiko ay gutom sa kapangyarihan at maraming beses ay wala silang
pakialam sa inyong kapakanan. Dumarami ang mga pagpaptiwakal, na
bunsod ng kawalang-pag-asa na nililikha ni manloloko, si masama, sa
inyong lipunan. Siya, na hindi-hinding nagpapakita sa inyo, ay nakatago
sa likod ng bawat akto ng pagpapakita at pagpaparangal sa mga tao, ng
imoralidad na sekswal at grabeng pananakit na pisikal sa iba at sa sarili.

Ang walang-patid na paghabol sa maluluhong bagay, na inuuna nyo pa


kaysa kapakanan ng inyong pamilya, ay laganap na. Habang hinahabol
nyo, mga anak Ko, itong mga walang-kabuluhang pangarap, makikita
nyo, pagdating ng panahon, na wala na kayong makakain. Hindi nyo
naman pwedeng kanin yung mga walang-kwenta at walang-silbing mga
bagay na yun. At hindi rin naman mapupunuan ng mga yun ang inyong
mga kaluluwang walang laman, na sumisigaw para mabigyang-ginhawa
– isang kaginhawahang hindi nyo na kayang abutin. Ang
kaginhawahang ito ay makakamtan lang sa
pamamagitan ng panalangin, lalo na ng organisadong pananalangin na
ginagawa nang grupo-grupo.

Ang Paglilinis ay mangyayari bago ang Aking Ikalawang


Pagdating

Malapit ng hampasin ng mga lindol ang Lupa, habang pinapakawalan


ang poot ng Aking Ama. Kayong mga anak Ko na walang utang na loob,
at tinalikuran ang Liwanag ng Katotohanan, matakot na kayo
ngayon. Malapit nang mabunyag ang simula ng Malaking Pagdurusa,
kung saan, lalo pang lalala ang kaguluhang pang-kapaligiran. Walang
magagawa ang tao. Pagdating ng panahon, malalaman din niya at
tatanggapin na ang Aking Ama ay Umiiral at Ako, na Kanyang mahal na
Anak, ay inihahanda Ko na ang mundo para masaksihan nito ang Aking
pagbabalik sa Lupa nang pangalawang beses. Nalalapit na ang panahong
yun. Pero dapat munang pagdaanan ng mundo ang kinakailangang
paglilinis na ito.

Sa lalo pang pagdami ng mga pandaigdigang sakuna, gayundin lalo pang


dadami yung mga alagad ni Satanas. Mapanadya at mapang-himagsik
nilang ipagpapatuloy ang kanilang masasama at miserableng buhay, at
patuloy nilang sasaktan at tatakutin ang Aking mga alagad at yung mga
namumuhay nang tama.

Habang ipinapahayag ng Aking mga alagad ang Katotohanan sa di-


naniniwalang mundo, mas marami na ang makikinig at tatanggap na ang
mga pagbabago ay nangyayari na nga sa mundo. Mauunawaan kaagad
nila, sa pamamagitan nitong mga propesiyang ibinibigay Ko sa Aking
mga anak sa pamamagitan ng Aking mga piniling sugo, na ang mga
darating na mga pangyayari ay hindi pwedeng papangyarihin ng
tao. Mangyayari lang ang mga ito kung, at pag, papayagan ng Aking
Amang Walang-hanggan.

Panahon na para buksan ang Mga Tatak


Panahon na, mga anak Ko, para sa mga palatandaang nai-propesiya na,
kung kailan kailangan nang buksan ang Mga Tatak at patunugin ang mga
trompeta para i-anunsyo ang mga pagbabago. Ang kasamaan ay hindi
mapapayagan ng Diyos na Maylikha ng sangkatauhan, at tutuluyan na
Niya ito para mawala na ito nang tuluyan sa mundo. Wala ni isang
alagad ni masama, anuman ang lebel ng kanyang katapatan kay Satanas
at sa kanyang mga pangakong walang-laman, walang maliligtas, maliban
na lang kung siya’y magsisisi!

Mga anak Ko, pagpapakitaan ng pagmamahal lahat ng Aking alagad at


yung mga alagad ng Aking Amang Walang-hanggan, buksan nyo lang
ang inyong puso.

Si Satanas naman, ay napagmukha niyang siya’y napakataas, kaya


nahawahan na ng kanyang kapangyarihan ang marami sa Aking mga
anak. Hindi na tuloy nila pinaniniwalaan ang mga kabutihan tulad ng
pagiging totoo, mabubuting gawa, pagrespeto sa buhay, sa kapwa man o
sa sarili nilang mga pamilya. Nilalabanan ng kapatid na lalaki ang
kapatid na lalaki, kapatid na babae laban sa kapatid na babae, kapwa
laban sa kapwa, pari laban sa mga mas nakakataas sa kanya, Mga Obispo
laban sa Mga Aral ng Banal na Aklat.

Bakit mo Ako pinapahirapan ng iyong kawalang-pagmamahal?

Ang Mga anak Ko ay tinalikuran na rin pati ang magandang planetang


ito – na napaka-mapagmahal na iniregalo sa inyo ng Diyos Ama, ang
Maykapal at Maylikha ng lahat ng bagay. Ano itong ginawa nyo? Bakit
nyo Ako pinahihirapan ng inyong kawalang-pagmamahal para sa inyong
Tagapagligtas. Bakit nyo tinatalikuran ang inyong sariling mga
pangangailangan – ang pangangailangang pakanin ang inyong sariling
mga kaluluwa, pawiin ang uhaw nyo para sa kaalaman tungkol sa
Kaharian ng Aking Ama, na walang iba kundi ang Langit – ang
pamanang ipinangako sa inyo? Kayo, mga anak Ko, ay tinatalikuran nyo
ang inyo mismong sariling kaligtasan! Hindi nyo ba ito
nababatid? Paniwalaan nyo naman na pag hindi nyo iniksamin ang
inyong konsyensya ngayon at ipinanalanging kayo’y gabayan, ay hindi
kayo pwedeng iligtas at hindi nga kayo maliligtas!

Mga Paring binabale-wala ang Mga Aral

Ang Aking mga sagradong lingkod, ang mismong mga pastol na itinalaga
para gabayan ang Aking kawan, ay hindi pa naipapaliwanag ang pag-iral
ni masama. Sa kagustuhan nilang magmukhang moderno, bukas ang
isip at praktikal na mga guro, ay hindi nila nagawang ituro ang mga
panganib ng pagbale-wala sa Mga Aral na nakapaloob sa Aklat ng Aking
Ama. Ang Aklat na malinaw na sinasabing umiiral nga si masama at
tinatrabaho niya ang bawat isa sa inyo para alisin kayo sa inyong
pangwakas pero karapat-dapat na tahanan – ang Bagong Paraiso, na
ipinangako Ko sa inyong lahat nang mamatay Ako sa Krus alang-alang sa
inyo. Hindi para sa isang walang-mukhang pulutong ng mga tao Ako
namatay. Kundi para sa bawat isa sa inyo kaya Ko isinuko ang Aking
buhay, at nang kayo’y maligtas.

Tandaan nyo na walang-hanggan man ang pagmamahal Ko sa inyo,


nagdudulot pa rin ito sa Akin ng malaking pagdurusa. Ang pagdurusang
ito ay dahil binabale-wala nyo ang Aking Pag-iral. Mas gusto nyo pang
magbulag-bulagan at parang mga batang musmos na paniwalaang
maiibigay ng Lupa lahat nyong maaaring naisin.

Nakakalimutan nyo na ang buhay, ang buhay na susunod sa buhay na


ito, ay magpapatuloy magpakailanman.

Ang mga propesiya ay ibinibigay sa inyo nang dahil sa Awa


Ang mga palatandaan, mensahe at propesiya ay ipinadala sa inyo, mga
anak, sa loob ng maraming taon, dahil sa Aking Awa. Maliban sa Aking
mga alagad, konting-konti lang sa inyo ang nakikinig, nagmamatyag o
nag-iisip kahit sandali man lang, na itanong sa inyong sarili: Ito nga
kaya’y pakikipag-usap ng Diyos? Kung ganun, anong kailangan kong
gawin? Ang sagot: pakinggan nyo at tanggapin ang Katotohanan ng
inyong mga pagpipilian sa hinaharap. Piliin nyo ang landas na inyong
gustong tahakin. At pagkatapos ay ipanalangin nyo ang inyong kaluluwa
at yung mga kaluluwa ng inyong mga mahal sa buhay.

Para sa inyo naman, na mga mayayabang, at nananadya pang tatalikod


pag binabanggit ang Aking Ngalan, o yung mga pa-bastos na
iwawagayway ang mga kamay pag ipinapahayag ng Aking mga alagad
ang Katotohanan, wala na kayo sa Akin. Ang magagawa Ko na lamang ay
magbigay, sa pamamagitan ng Aking Awa, ng mga palatandaan at Mga
Mensahe sa mundong ito para kayo’y gabayan. Dahil nga sa Kaloob na
malayang loob, na ibinigay sa sangkatauhan ng Amang Walang-hanggan,
Diyos na Maykapal at Maygawa ng lahat ng bagay, hindi Ko kayo
pwedeng pilitin sa inyong desisyon.

Samantalang Pag-ibig at Malasakit ang mga pangunahing dahilan ng


pakikipag-usap Ko sa inyo, gayundin naman ang Aking pagdanas ng
pasakit at dalamhati.

Lalo pang lumalala ang hapdi at sakit na Aking nararamdaman habang


ang Aking mga anak ay lumulundag papunta sa mga bukas na braso ni
Satanas. Ang ibig sabihin lamang nito ay kailangan Ko na ngayong
ipakita nang malinaw sa inyo kung ano ang magiging kapalaran ng mga
tumatanggi sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan.

Totoong may Impiyerno


Piliin nyo ang mga kasinungalingang ibinibenta ni manloloko – ang
pangunahin ay ang Diyos Amang Walang-hanggan ay hindi umiiral – at
nakondena na kayo sa Impiyerno. Pagpasok na pagpasok nyo sa mga
pintuan ng Impiyerno, bigla nyong malalaman kung gaano kakilabot ang
kamaliang inyong nagawa. Maniwala kayo sa Akin, mga anak Ko, kung
masasaksihan nyo lang yung pagkabigla at pangingilabot ng mga
kaluluwang yun, pag ang pangwakas na Katotohanan pagkatapos ng
kamatayan, ay mabunyag sa kanila, hindi nyo matatagalan, kahit isang
sandali man lang, ang pahirap na ito. Kung masusulyapan nyo man lang
ang lugar na ito, sa inyong kalagayan bilang tao, patay kayong babagsak
dahil sa sobrang nakakatakot na kapalarang darating sa mga pumili ng
daan ng kasalanan.

Ang daang ito, na mukhang maganda, nakakaakit, nakakahalina,


maluwalhati at puno ng nakakamanghang bagay, ay nagbabago pag
umabot na kayo sa kalagitnaan nito. Biglang hindi na kayo
nasisiyahan. Magpapatuloy ang kakaiba, hungkag at nakaka-walang-
ganang pakiramdam na ito hanggang sa dulo ng inyong
paglalakbay. Hindi nyo alam kung bakit ganito ang inyong
nararamdaman. Ang inyong mga karanasan, na masarap sa panlabas, ay
puno ng mga di-inaasahang pakiramdam na nakakagulo at nakakainis,
na may kahalo pang galit, pagkabigo, lungkot at takot. At sa punto lang
na inyo nang makikita ang inyong idolo sa dulo ng inyong paglalakbay at
matitingnan nyo ang buktot niyang mga mata, na sasayaw-sayaw sa
mapanlait na pagkatuwa, sa puntong yun lamang kayo magsisisigaw
hanggang kayo’y mapaos. Sa huling sandaling yun lamang kayo sisigaw
para humingi sa Akin ng saklolo. Pero huli na ang lahat. Sa puntong
yun, wala nang balikan. Nagawa nyo na ang inyong desisyon sa buhay na
ito.

At umiyak man Ako ng mapapait na Luha ng dalamhati para sa bawat isa


sa Aking nawalang mga kaluluwa, hindi Ko pa rin kayo maililigtas sa
puntong yun. Ang inyong malayang loob, kung saan kayo ang pumipili
ng inyong sariling kapalaran, ay wala na talaga sa Aking Mga Kamay.
Sa pamamagitan ng Mensaheng ito, masakit man ito, ay binibigyan Ko
ang mundo ng kahuli-hulihang Babala, nang dahil sa Malinis Kong
Pagmamahal sa bawat isa sa inyo. Parang awa nyo na, sa wakas ay
pakinggan nyo na naman sana ngayon ang Aking Tinig, para mailigtas
nyo ang inyong kaluluwa.

Ang inyong mahal na Jesucristo

Tagapagligtas ng Sangkatauhan at Makatarungang Hukom

Ang Babala, ang Nalalapit na Ikalawang Pagdating,


Pagkakataon para Iligtas ang inyong mga kaluluwa

Miyerkules, Enero 12, 2011 3:00 pm


Anak Ko, masakit ang Aking Mensahe kahapon. Maraming nagbabasa
nito ay sasabihin, “hindi ganito magsalita ang Panginoon.” Pero paano
nila nalaman? Dahil sa pagdurusang tinitiis ng Aking mga mahal na
anak sa kamay ng iba, kaya kailangan Kong magsalita. Dahil sa Aking
Dibinong Awa, Ako’y nagsasalita, para tulungang mailigtas kayo, mga
Anak Ko, para makaisa Ko kayo at maging isang Banal na Pamilya tayo
sa Bagong Paraiso.

Ayaw Kong maiwala ni isang kaluluwa kay manloloko. Importanteng


ang Aking Tinig ay marinig.

Napakahirap para sa mga Di-sumasampalataya

Naiintindihan Ko na para sa marami sa Aking mga anak, lalo na yung


mga di-sumasampalataya, ay napakahirap paniwalaan ang kabilang
buhay. Sobrang nakundisyon na sila ng mga makamundong bagay kaya
sa kanilang pagsisikap na mabuhay, kinaligtaan na nila ang kanilang
espiritwalidad kaya hindi na sila naniniwalang may kabilang buhay
pa. Kailangan na nilang mag-isip-isip. Naniniwala sila na lahat ay
natatapos pag sila’y namatay, at ang mundong tinitirhan nila ngayon ang
siya lang nilang dapat pag-ukulan ng pansin. Sobra Akong nababalisa
dahil sa mga kawawang kaluluwang ito. Kung masusulyapan man lang
sana nila kung ano ang iniaalok ng Paraiso, gugugulin sana nila ang
kanilang buong panahon sa pananalangin at pagsamba sa Akin at sa
Aking Amang Walang-hanggan, sa papuri at pasasalamat.

Totoo itong Bagong Mundong ipinangako Ko sa kanila. Papuri sa mga


mananampalataya, na hindi kailanman kinalimutan ang katunayang ito,
at nananalangin pa rin araw-araw sa Akin. Ang laki ng Aking
pagmamahal sa Aking mga alagad; pero ang laki rin ng Aking
pagdurusa para sa kanila. Ang Aking mga tapat na alagad na ito ay
ginagawa ang lahat para kumbinsihin ang iba na Ako’y Umiiral. At
pagkatapos ay sila’y pagtatawanan at lalaitin alang-alang sa
Akin. Nadudurog ang Puso Ko dahil dito.
Paano pinananabikan ng mga yumao yung lahat ng naiwan
nila na di-sumasampalataya

Ang tindi ng pananabik ng inyong mga yumaong mahal sa buhay para sa


inyong lahat, mga di-sumasampalataya! Para sa inyo, na ang mga mahal
sa buhay ay namamayapa na sa Kaharian ng Aking Ama, lagi nila kayong
ipinananalangin. Ang hindi nyo alam ay ito. Kung gugugol lamang kayo
ng konting panahon para kausapin Ako ng sarilinan – sa inyo mismong
pananalita – at hihilinging kayo’y Aking gabayan, tutugon Ako, kahit na
maligamgam ang inyong pananampalataya. At malalaman nyo na
tumugon nga Ako. Lumapit na kayo ngayon sa Akin, mga anak. Sa
inyong sariling pananalita at hilingin sa Akin na ibalik ang inyong
pananampalataya.

Pag-isipan nyo ang Aking Mga Aral sa pamamagitan ng Mga Mensaheng


ito at ng Biblia, at tandaan nyo kung paano kayo kailangang
mamuhay. Ako naman, dahil sa Aking Awa, ay ibubunyag Ko sa iyo ang
inyong mga kasalanan at paglabag na ginawa mo sa buo mong
buhay. Malapit na itong mangyari.

Hindi Araw ng Paghuhukom, kundi patikim kung parang ano


ito

Ito’y isang Akto ng Awa mula sa Akin. Makikita nyo ang inyong mga
kasalanan at kaagad mauunawaan kung paano Ko nakikita ang mga
ito. Sa isang iglap, malinaw nyong mauunawaan kung gaano kalubha at
ka-mali ang mga ito. Ito na ang inyong pagkakataon, mga anak, para
magsisi. Hindi ito Araw ng Paghuhukom, kundi patikim kung parang
ano ito.

Nang dahil sa Awa, binibigyan kayo ng pinakamalaking Regalo sa lahat


bago ang Araw ng Paghuhukom – ang pagkakataong magsisi at
magbagong-buhay bago pa ang pangwakas na araw – ang panahon ng
muli Kong pagdating sa Lupang ito.

Alam nyo na naman na Ako’y dumarating, hindi bilang isang


Tagapagligtas, kundi bilang isang Makatarungang Hukom. Malapit na
ang panahong yun, mga anak Ko. Huwag kayong matakot. Mahal Ko
kayong lahat. Nasa Puso Ko kayo. Papasukin nyo na ngayon Ako sa
inyong puso at magpaakay kayo sa Akin tungo sa Kaharian ng Aking
Ama. Huwag na huwag nyong katatakutan ang kamatayan. Ang
kamatayan ay isa lang pintuan tungo sa isang bago at magandang buhay
ng walang-hanggang kaligayahan, na puno ng pagmamahal, kapayapaan
at kaligayahan.

Buhay sa Lupa – isa lamang pagdaan sa loob ng panahon

Ang inyong buhay sa Lupa ay isa lamang pagdaan sa loob ng


panahon. Maaari itong maging puno ng pag-ibig, tuwa, hapdi,
pagtanggi, takot, galit, kawalang-pag-asa, kabiguan at kalungkutan.
Pero sa paglapit nyo lang sa Akin mababawasan ang inyong
hapdi. Pinagpala yung mga nagdurusa, at lalo na kung alang-alang sa
Akin, dahil luluwalhatiin kayo sa Kaharian ng Aking Ama. Pinagpala rin
yung mga nagbabalik sa Akin, dahil sobra kayong ipagdiriwang sa
Langit.

Mainit kayong tatanggapin sa Aking Bagong Paraiso. Ipanalangin nyo


ang inyong mga kaluluwa at ang mga kaluluwa ng inyong pamilya,
ngayon na. Malapit nang mangyari ang Babala. At malalaman nyo na
rin ang Katotohanan. Kaya magkakaroon kayo ng pagkakataong tubusin
ang inyong sarili sa Paningin Ko. Mahal Ko kayong lahat. Natutuwa Ako
dahil alam Kong napakarami pa sa Aking mga anak ang babalik na sa
Akin at sa Amang Walang-hanggan, habang palapit na nang palapit ang
pangwakas na panahon. Maging handa kayo.

Ang inyong mapagmahal na Tagapagligtas


Jesucristo

Paano pumasok sa Langit – papel na ginagampanan ng


pagdurusa

Biyernes, January 14, 2011 10:00 am

Mahal Kong anak, ang paraan ng Aking pakikipag-usap sa iyo ay


nagsisimula nang magbago. Sa nakaraang mga Mensahe, binalaan Ko
ang Aking mga anak na kailangan nilang magsisi para makamtan ang
kaligtasan. Ang mga susunod Ko namang mga pakikipag-usap ay
pagtutuunan ng pansin ang pagtulong sa mga kaluluwa para makamtan
ang perpeksyong espiritwal.

Ang Paraiso, anak Ko, karapat-dapat man itong maging tahanan ng


bawat isa sa inyo, ay hindi madaling pasukin. Maliit ang pasukan at ilan
lang ang pwedeng pumasok sa bawat beses. Para makapasok, kailangang
magpakita ng kababaang-loob ang mga kaluluwa at lubusan nilang
ihabilin ang kanilang sarili sa Aking Mga Kamay.

Kailangan nilang alisin ang kayabangan, katigasan ng ulo, pananabik at


pagkaloko sa mga materyal na bagay sa Lupang ito, kung gusto nilang
pumasok sa Langit.
Lahat Kong anak na nagsisimula na sa kanilang espiritwal na
paglalakbay tungo sa Akin, ngayong alam na nila ang Katotohanan, ay
kailangan naman ngayong magtrabaho nang husto at unawain ang mga
katangiang kinakailangan para makapasok sa Kaharian ng Aking Ama.

Kahalagahan ng kababaang-loob

Ang kababaang-loob ay isang salita na nauunawaan ng marami sa Aking


mga anak sa pamamagitan ng Aking Mga Aral. Marami man sa Aking
mga alagad ang nakakaunawa kung bakit ito’y mahalaga, nalilito naman
sila kung ano ang kinakailangan nito. Ang ibig sabihin ng kababaang-
loob ay katapatan. At pagtanggap, nang may dignidad, sa mga pagsubok,
pagsalungat at pang-aabuso na kakaharapin nyo lalo na kung
dumarating kayo sa Ngalan Ko.

Ito ang maipapayo Ko. Isipin mong ikaw ay isang bata, isang simple at
inosenteng bata na walang alam tungkol sa masamang lipunan na
karaniwan mong nararanasan bilang isang matanda. Lagi mo Akong
kakausapin sa iyong pananalangin sa pamamagitan ng paningin at puso
ng isang bata.

Gawin mong laging simple ang iyong panalangin at pakikipag-


usap. Hindi Ko naman inaasahan na dadasalin mong lahat yung Mga
Panalanging ibinigay sa mundo, dahil sa Pag-ibig. Tumingala ka at
sabihin mo sa Akin ang iyong mga problema. Ibahagi mo ang iyong mga
paghihirap. Ibigay mo ang mga ito sa Akin. Malaki ang iyong magiging
gantimpala pag tinanggap mo ang kalungkutan o pagdurusa sa iyong
buhay, alang-alang sa Akin. Maaaring hindi nyo ito alam, pero pag
ginagawa nyo ito, nagliligtas kayo ng maraming kaluluwa at pinadadali
nyo ang kanilang daan para makapasok sila sa Langit. Ang katunayang
ito ay mabubunyag lamang sa inyo sa inyo ring pagpasok sa Langit, kung
saan tatamasahin nyo ang kaluwalhatian ng inyong mapagmahal na
regalo sa Akin.

Huwag iinit ang iyong ulo pag dinidipensahan mo ang iyong


Pananampalataya

Ang pagpapakita ng kababaang-loob ay nangangahulugan


ng pagtanggap sa nangyayari sa paligid mo, maging masakit man
ito. Lagi kang magpapakita ng dignidad, laitin man ang Ngalan Ko sa
harapan mo. Tama, magdepensa – nang maalab kung gusto mo – pero
huwag na huwag mong palalayuin ang nang-aabuso sa pamamagitan ng
paglait sa kanya sa harap ng mga tao.

Ipaliwanag mo ang Katotohanan ng Aking Mga Aral sa panatag na


paraan. Huwag iinit ang iyong ulo. Huwag ka ring magpapakita ng takot
sa nang-aabuso. Magpakatatag. Depensahan mo ang iyong sarili, pero
sa pamamagitan lamang ng pag-ulit sa Aking Mga Aral. Huwag na
huwag kang matatakot na sabihin ang Katotohanan sa harap ng mga
tao. Huwag mong ipagkakamali ang kababaang-loob sa karuwagan. Ilan
sa Aking mga alagad na nakakaunawa sa kahalagahan ng kababaang-
loob at ang kaugnayan nito sa pagpapabanal ng mga kaluluwa, ay
naipagkakamali ito sa pananatili nilang walang-imik pag ang Ngalan Ko
ay pinagtatawanan sa harap ng mga tao. Oo, huwag na huwag mong
huhusgahan ang taong lumalait sa Akin o sa Aking Amang Walang-
hanggan, o sa Akin ngang mahal na Pinagpalang Ina, pero panindigan
mo naman ang pag-depensa sa Katotohanan.

Kalungkutan, isang Regalo mula sa Diyos

Pag Ako’y kinakausap mo, bilang isang bata, dapat mong malaman
ito: pag binuksan nyo ang inyong puso at lubusan kayong nanalig sa
Akin, gagabayan Ko kayo pag nagdanas kayo ng kalungkutan sa Lupang
ito. Huwag nyo Akong tatalikuran. Napakasakit man nito, mga anak
Ko, ituring nyo itong isang Regalo mula sa Diyos. Isang
pagpapala. Dahil sa pamamagitan ng kalungkutan at pagdurusa
nangyayari ang paglilinis. Ialay nyo ang inyong mga pagdurusa sa
Akin. Pag ginawa nyo ito, naiibsan nyo ang pasakit na tinitiis Ko, pag
nadarama Ko ang hapdi ng Aking Paghihirap sa Krus, nang paulit-ulit,
araw-araw habang nasasaksihan Ko ang mga nakakakilabot na mga
nangyayari sa mundo ngayon.

Ang Paglilinis na nagaganap pag tinatanggap nyo ang kalungkutan o


pagdurusa, gaano man ito kagrabe, pag inialay nang may galak para sa
ikaliligtas ng sangkatauhan, ay hindi pa nyo talagang mauunawaan, mga
anak Ko. Pero habang lumalapit kayo sa Akin,sa pagbubukas nyo ng
inyong puso, at paghabilin ng inyong loob sa Akin sa lubusang pagsuko
nyo sa Akin, mas mauunawaan nyo ito. Alam nyo, ang paggawa nyo nito
ang siya lamang paraan para makaisa nyo Ako. At pag ginawa nyo ito,
maiibsan ang inyong mga pagsubok at paghihirap sa Lupa. Darating ang
panahon na tatanggapin nyo ang pagdurusa nang may galak sa inyong
puso, lalo na pag iniaalay nyo ito bilang isang regalo sa Akin.

Ang pagdurusa ay isang Regalo mula sa Diyos at ito’y pinapayagan. Ang


mga kaluluwang tutulungan nyong maligtas ang siyang garantiya nyo ng
isang lugar sa Kaharian ng Aking Ama.

Ang Mga Aral na ito ay hindi bago, mga anak Ko. Hindi lang kayo
napapa-alalahanan ng simpleng Katotohanan. Hindi kailanman
nagbago ang Aking Mga Mensahe at Mga Aral. Simple ang mga ito at
binuod sa Mga Ebanghelyo at sa Sampung Utos. Basta tandaan nyo, na
pag ibinigay nyo ang inyong sarili sa kapwa, ibinibigay nyo ang inyong
sarili sa Akin. Pag nagpakita kayo ng pagmamahal sa inyong kapwa,
nagpapakita kayo ng pagmamahal sa Akin.
Tratuhin nyo siya kung paano nyo gustong kayo’y tratuhin. At huwag na
huwag nyong kalilimutan na pag kayo’y nagagalit na sa iba at
natutuksong saktan sila, o parusahan sa anumang paraan, na Ako’y
naroroon sa kanila – maging sa mga nasusuklam sa Akin. Saktan mo
ang alinman sa Aking mga anak at ginawa mo na rin yun sa Akin.

Darating din ang panahon, mga anak Ko, na lahat ng mabubuting aktong
ito ay magkakaroon ng saysay. Ipanalangin nyo, araw-araw, na kayo’y
patatagin sa pamumuhay alang-alang sa Ngalan Ko. Dapat nyong
malaman na sa tuwing magpapatawad kayo ng inyong kapwa,
pinaluluwang nyo ang Aking Puso ng Pag-ibig at Awa. DahiI dyan,
tatanggap kayo ng walang-hanggang kaligayahan sa Langit.

Ipanalangin nyo na kayo’y maging matiyaga. Tularan nyo ang Aking


Buhay. Hindi ito magiging madali. Pero ang inyong mga akto, gaano
man kaliit, ay makakatulong sa mga kaluluwa.

Ang inyong mahal na Guro at Tagapagligtas

Jesucristo, Kaisa ng Diyos Amang Walang-hanggan at ng Espirito Santo


Pagpasan ng Aking Krus

Linggo, January 16, 2011 3:00 pm

Oo, mahal Kong anak, Ako ito. Ang daan ng iyong pag-aaral ay mahaba
at patuloy kang bubusugin ng kaalaman ng Katotohanan sa
pamamagitan ng Kaloob na Espirito Santo, na pumupuno sa iyong
kaluluwa.

Anak Ko, siguraduhin mo naman na ang Mga Mensaheng ito, na


pinaghalong mga paunang babala, mga propesiya at isang buod ng Aking
Mga Aral, ay maikalat sa bawat sulok ng mundo. Mahalagang
maunawaan ng Aking mga anak ang mga paraan ng paghahanda ng
kanilang mga kaluluwa para matubos nila ang kanilang sarili sa Mata ng
Diyos.

Ang Pagbabagong Espiritwal ay nangyayari na ngayon sa


mundo

Sa mundo ngayon ay may lumilitaw na debosyon at parangal sa Akin, sa


Aking Amang Walang-hanggan, sa Espirito Santo at sa Aking mahal na
Ina. Hindi man ito malinaw pang nakikita, makakatulong pa rin ang
pagbabagong espiritwal na ito, na protektahan ang Aking mga anak, pati
na yung mga tumalikod sa Akin, sa lahat ng dako. Ang Ebanghelyo ay
muling bibigyang-pansin, dahil magsisimula nang maramdaman ng mga
tao ang pagkagutom para sa Katotohanan. Habang patuloy na tumitindi
ang Paglilinis at lumalaganap sa buong mundo, gayundin ang mga
kaluluwang ito, na salat sa pagmamahal sa Akin, ay muling bubuksan
ang kanilang puso.

Habang bumubukadkad ang pag-ibig sa pamamagitan ng liwanag ng


Aking mga alagad, ang mga epekto ni masama at ang asal ng kanyang
mga sinapian ay hihina. Gaganti si masama.

Nabibilang na ang mga araw ni Satanas

Habang nababawasan oras-oras ang kanyang mga araw sa Lupang ito,


sisikapin niyang maminsala sa abot ng kanyang makakaya. Bibilisan ng
kanyang mga alagad ang kanilang mga ginagawa at kaagad silang
magkakalat ng kasamaan sa lahat ng dako. Ang kanilang mga kilos, na
magiging kakila-kilabot tingnan, habang ipinakikita nila ang kanilang
sarili sa namamangha nyong mga mata, ay madaling matatapos.

Ang pananampalataya, mga anak Ko, na pinatatag ng regular at araw-


araw na panalangin ay buburahin ang masasamang gawaing ito. Balik,
mga anak Ko, at diskubrihin muli ang Aking Mga Aral. Ibalik nyo Ako sa
inyong buhay. Papasukin nyo Akong muli sa inyong puso, para makarga
Ko kayo sa Aking Mga Braso. Magpaakay kayo sa Akin tungo sa
perpeksyong espiritwal, para maging handa kayo para sa buhay na
walang-hanggan, pagdating ng pinagsanib na Lupa at Langit.

Tularan nyo Ako, mga anak Ko, sa inyong pang-araw-araw na


buhay. Pasanin nyo ang Aking Krus, kahit na maging parang sobrang
pasanin na ang paggawa nito. Huwag na huwag kayong matatakot na
tanggapin ang Aking Krus, dahil ang ipapapasan Ko lamang sa inyo ay
yung makakaya nyo.
Kahulugan ng pagdurusa sa buhay na ito

Pag kayo’y nagdurusa sa buhay na ito, pinapasan nyo ang Aking Krus.
May dalawa kayong pagpipilian. Kung tatanggihan nyo ang Aking Krus,
dadaing at maghihinanakit dahil dito, lalo’t lalo pang titindi ang
pagdurusa. Kung tatanggapin nyo naman ang Krus at iaalay ang inyong
pagdurusa para magligtas ng mga kaluluwa, ito’y magiging
napakagandang regalo sa Akin. Pag tinanggap nyo ang pagdurusang ito,
ang mga pagsubok at problema, nang may galak, magiging mas magaan
ang inyong pasanin. Tutulungan Ko kayong pasanin ito. Sa ganun,
huhupa ang pananakit at ang maghahari sa inyo ay kapayapaan, pag-
ibig, tuwa at purong kaligayahan.

Mamuhay nang simple

Mamuhay nang simple, mga anak, at gawin ang lahat ng bagay nang
katamtaman lang. Sa inyong pagkain, pag-inom, pagtulog, pahinga at
aliwan, siguraduhin nyong ginagawa nyo ito nang katamtaman
lang. Basta’t napunuan nyo na ang pangangailangan ng inyong katawan,
huwag na kayong maghahangad nang higit pa, dahil manghihina ang
inyong espirito. Ang Penitensya, mga anak Ko, ay mahalaga para kayo’y
mas makalapit sa Akin. Ang ibig Kong sabihin dito ay personal na
sakripisyo. Ang pag-aayuno ay isa lang halimbawa ng
penitensya. Ipinangaral Ko ang kahalagahan ng penitensya noong
panahon Ko sa Lupa. Ganun din ang Aking mahal na propetang si San
Juan Bautista.

Nag-ayuno Ako nang 40 araw para magpakita sa inyo ng


halimbawa. Mga anak, sa pag-aayuno nyo lang matutulungang palayasin
si masama.

Mahal Kong mga anak, ang dami nyong kakaharapin. Hindi nyo pa
nauunawaan kung ano ang kakailanganin sa inyo sa darating na mga
taon. Samantala, mahalaga na kayo’y lumapit sa Akin, para
maihanda kayo para sa mga pagsubok na kakaharapin ng mga
Kristiyano sa buong mundo.
Humayo na kayo sa kapayapaan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang daling magkasala

Lunes, January 24, 2011 10:00 pm

Ngayong araw, mahal Kong anak, naunawaan mo na rin sa wakas ang


mga panganib na dulot ni manloloko pag ibinaba mo ang iyong
panangga. Mahalaga para sa pagbabanal ng iyong kaluluwa ang
Panalangin sa Aking Amang Walang-hanggan, sa pamamagitan ng
Divine Mercy Chaplet.

Ang kasalanan, mahal Kong anak, ay mahirap iwasan. Mas mahirap


makamtan ang Aking mga natatanging grasya kaysa umiwas sa
kasalanan sa anumang uri nito. Pag tinawag ka para gawin ang
sagradong Gawaing ito,
lagi kang magiging target ni masama, na sa bawat pagkakataon ay lilikha
ng mga negatibong bagay sa iyong buhay. Gagamitin niya yung mga
taong nasa iyong paligid para umatake, kaya lagi ka dapat handa sa
kanya.

Huwag na huwag mo siyang hahayaang manalo, dahil pag nagkaganun,


nagagawa niyang sapian ang mga kaluluwa at nagdudulot siya ng
nakakakilabot na hapdi, dalamhati at pagdurusa. Nagdudulot siya ng
pagkawasak ng mga pagkakaibigan, pagkalito, kawalang-pag-asa, at
naglalagay siya ng mga di-totoong kaisipan sa mga pag-iisip ng kanyang
mga target. At pagkatapos, pag nakonsyensya na ang Aking mga anak
dahil sa kanilang kahinaan, sapagkat bumigay nga sila sa tukso,
nakakaranas sila ng isang uri ng kalungkutang nagdudulot ng kawalang-
pag-asa, pagdadalamhati at pagkalito sa kanilang buhay.

Mga anak Ko, lagi kayong tutuksuhin para magkasala. Ang perpeksyon
ng inyong kaluluwa ay napakahirap makamtan at ito’y nangangailangan
ng inyong sobrang disiplina at determinasyon. Kung sakali mang kayo’y
mahulog sa bitag ng pang-aakit ni masama at kayo’y nagkasala,
kailangang manalangin kayo kaagad mula sa inyong puso at humingi ng
tawad.

Ang regular na Kumpisal ay isang Sakramentong hindi nauunawaan ng


marami. Sa pamamagitan lamang ng linggo-linggong pangungumpisal
mapapanatili nyo ang inyong kaluluwa sa kalagayan ng grasya. Pag ang
inyong kaluluwa ay pinababanal sa ganitong paraan at sa pamamagitan
ng araw-araw na panalangin, saka nyo lang mapipigil ang mga atake ni
masama.

Ang pangongonsyensya dahil sa kasalanan


Kung kinokonsyensya ka dahil ikaw ay nagkasala, gaano man kagrabe
ang paglabag sa Paningin ng Aking Ama, huwag kang mag-
alala. Magbalik-loob ka, buksan ang iyong puso at humingi ka ng
tawad. Ang pangongonsyensya ay isang negatibong pakiramdam.

At nagsisilbi man ito bilang isang uri ng pag-gabay sa iyong konsyensya,


hindi makabubuting manatili sa ganitong kalagayan. Humingi ka ng
mga grasya, sa pamamagitan ng panalangin, para makamit ang kalinisan
ng kaluluwa na kinakailangan para Ako’y paglingkuran. Mahalaga ang
pasensya. Huwag na huwag mong hahayaang ilayo ka sa Akin ng
kasalanan. Hinding-hindi dapat maging hadlang ang pangongonsyensya
sa daan ng paghahanap ng kaligtasan.

Tandaan nyo, mga anak, na dahil sa kasalanang orihinal, ay lagi kayong


mabibiktima ng panunukso ni masama. Sa pamamagitan naman ng
panalangin, pag-aayuno at katapatan sa Banal na Eukaristiya,
mapapalapit kayo sa Akin. Siyempre, mangangailangan ito ng panahon,
na dapat nyong paglaanan.

Hayo na, Aking mga anak, at isang bagay ang inyong pakaka-tandaan –
huwag na huwag kayong matatakot na magbalik-loob sa Akin pag kayo’y
nagkasala. Huwag na huwag kayong mahihiyang humingi ng tawad pag
kayo’y talagang nagsisisi. Pero tandaan nyo rin na pag hindi nyo ito
ginawa, ay maaakit nyo nang paulit-ulit si manloloko at ang inyong
kaluluwa ay mahuhulog sa kadiliman. Ang kadiliman ay umaakit sa
dilim. Ang Liwanag ay umaakit sa liwanag. Ako ang Liwanag.

Lumapit na kayo ngayon sa Akin at hayaan nyong ang Aking Pag-ibig ay


masinag sa inyong mga kawawa at naliligaw na kaluluwa. Ganun Ko
kayo ka-mahal, mga anak Ko, na pag kayo’y nagbabalik-loob sa Akin,
gaano man kayo ka-lungkot sa inyong pag-iisa, hindi kayo kailanman
palalayasin.
Hayo na sa kapayapaan at pag-ibig,

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas

Jesucristo

Paghandaan ang Babala, ang Pagliliwanag ng Konsyensya

Biyernes, January 28, 2011 12:15 am

Ngayong gabi, pinakamamahal Kong anak, binigyan ka ng mga grasya


para gawin kang maging mas malakas para maipagpatuloy mo ang
sagradong Gawaing ito. Sa pamamagitan ng debosyon ng Aking mahal
na mga alagad, na napaka-taimtim kang ipinananalangin, ikaw, anak Ko,
ay mabilis na susulong para tapusin ang Aklat ng Katotohanan. Gaano
ka man naguguluhan, mahihirapan ka pa ring tanggihan ang iyong
tungkulin sa Akin. Ikinalulugod Ko ito pero konti na lang ang panahon
natin.
Ang mundo, Aking anak, ay binibigyan ng espesyal na Regalong ito – ang
Aklat ng Katotohanan – para ipakita sa Aking mga anak kung ano ang
kinakailangan nila ngayon para paghandaan ang Babala, ang Pagliwanag
sa Konsyensya, na ibinibigay sa sangkatauhan para matulungan silang
makapaghanda nang husto para sa Aking Ikalawang Pagdating.

Para sa mga hindi naniniwala sa Akin, kailangan pa rin silang bigyan ng


pagkakataong basahin ang Katotohanan. Pagsapit ng pangyayaring ito,
matapos ibigay sa mundo ang Mga Mensaheng ito, maiintindihan ng
mga tao ang katunayan ng Aking Mga Salita na ibinibigay sa
pamamagitan mo, Aking anak, para iligtas ang sangkatauhan.

Ang Mahiwagang Pangyayari na mararanasan ng lahat ng may


edad na higit 7 taon

Huwag kang maghinanakit pag hindi tinatanggap ng mga tao ang Mga
Mensaheng ito, anak Ko. Ipagpasalamat mo na lang na naibibigay sa
kanila ang Regalong ito. Maiintindihan nila ang Katotohanan ng
propesiyang ito, pag ang Mahiwagang Pangyayaring ito, na mararanasan
ng lahat Kong anak na may edad na higit 7 taon, sa buong mundo, ay
nangyari na. Yung mga buhay pa pagkatapos ng pangyayaring ito, ay
magiging mas maingat na tungkol sa mga nilalaman ng sagradong Aklat
na ito. Mahihirapan na silang bale-walain ito, mahina man ang kanilang
pananampalataya. Ang iba naman, na ayaw malaman ang Katotohanan,
ay dapat pa ring paalalahanan tungkol sa mga nilalaman ng Gawaing ito.

Huwag na huwag kang susuko, anak Ko, pagdating sa pagliligtas ng mga


kaluluwa. Lahat Kong mahal na anak ay isinilang nang dahil sa Pag-ibig
ng Aking Amang Walang-hanggan. Nang sila’y maligaw, wala
yun. Mahal pa rin ng Aking Amang Walang-hanggan ang bawat isa sa
Kanyang mga anak.
Ang pananampalataya, anak Ko, ay muling masisindihan ng
pananampalataya ng iba, na biniyayaan ng Espirito Santo. Ang Aking
hinirang na mga anak, na sinugo para ikalat ang Aking Salita ngayon, ay
may kakayahang magpatulo ng mga luha ng kaligayahan sa mga
kaluluwang nagsusumigaw at humihingi ng direksyon sa kanilang
walang-laman at nakakalitong buhay.

Tingnan ang bawat isa sa pamamagitan ng Aking Mga Mata

Lagi nyong titingnan ang inyong mga kaibigan, pamilya, kapit-bahay at


ka-opisina sa pamamagitan ng Aking Mga Mata. Lagi nyong hanapin ang
mabuting bahagi. Pagpakitaan nyo sila ng pagmamahal at madarama
nila ang Aking Presensya. Mapapalapit sila sa inyo at di nila alam kung
bakit.

Sa pamamagitan ng Aking halimbawa, tularan nyo Ako at matutulungan


nyo Akong mapapag-balik-loob ang Aking nawawalang mga
anak. Taimtim nyo silang ipanalangin, at inyo silang mapapalapit sa
Akin. Mag-sakripisyo kayo at tanggapin ang pagdurusa, kaisa Ko, at
makakapagligtas kayo ng mga kaluluwa. Kasama rito yung mga
kaluluwang yayao pa lang mula sa Lupang ito, pati na yung mga
naghihintay ng Paghuhukom sa Purgatoryo.

Sa huli, gusto Ko lang kayong paalalahanan, na may dalawa kayong


pagpipilian. Manampalataya sa Akin sa pagbubukas nyo ng inyong isip
sa Katotohanang nilalaman ng Ebanghelyo. Kung lubusan na kayong
nawalan ng pananampalataya, basahin nyo kahit isang bahagi lang ng
Aking Mga Aral. At pagkatapos ay hingin nyo sa Akin na ipakita sa
inyong puso ang Katotohanan. At malalaman nyo kung alin ang daang
magdadala sa inyo sa Akin sa Langit. Sa kabilang panig naman, pwede
rin namang ipikit nyo ang inyong mga mata at huwag makinig. Pag
nagkaganun, panalangin na lamang ng mga sumasampalataya ang
makakatulong sa inyo. Ang panalangin ng Aking mga alagad, kasama ang
pagdarasal ng Aking Divine Mercy Chaplet na Kaloob ng Awa ng Diyos
kay Sister Faustina noong ika-20 siglo, ay maililigtas ang inyong
kaluluwa kung kayo’y mamamatay.
Dasalin ang Divine Mercy

Manalangin, manalangin, manalangin ng Aking Divine Mercy para sa


inyong sariling mga kaluluwa at sa mga kaluluwa ng mga di-
sumasampalataya, ngayon na. Ang mga prayer group ay makakatulong
na maikalat ang Katotohanan, at magpasibol ng pananampalataya sa
mga di na alam kung sino sila at kung saan sila nagmula. Magiging
kasangkapan ito para sindihan ang pagkalat ng pang-ebanghelyong
kaliwanagan, na madarama na ngayon sa lahat ng dako ng mundo,
habang nalalapit na ang panahon na magsisimula nang mabunyang ang
mga propesiyang may kaugnayan sa Aking Ikalawang Pagdating sa Lupa,
at nakikita ang mga ito sa harap ng sunud-sunod na mga pandaigdigang
pangyayari.

Mga anak, maging handa kayo sa lahat ng oras. Manatili kayo sa


kalagayan ng grasya at ibukas nyo ang inyong puso sa Aking Mga Aral ng
pagmamahal at kapayapaan sa Lupa. Kung sinunod lang sana ng lahat
Kong anak ang Aking Mga Aral, wala na sanang mga giyera, katakawan,
pagkamuhi, o karukhaan sa mundo. Ang kailangan nyo lang gawin ay
maupo nang ayos, bawat isa sa inyo, kalahating oras lang araw-araw.

Basahin nyo ang Mga Salmo, ang Mga Parabula, at itanong nyo sa inyong
sarili, “Pwede kayang gamitin ang leksyong ito sa aking buhay sa mundo
ngayon?” Siyempre, alam nyong ang sagot ay oo. Ipanalangin nyo na
magkaroon kayo ng kakayahang baguhin ang inyong mga pananaw
tungkol sa kabilang buhay. Tandaan nyo ang importanteng leksyong
ito. Ang Lupa ay isa lang maikling paglalakbay sa loob ng panahon. Ang
tanging tunay na kaligayahan at buhay na walang-hanggan ay nasa Akin
sa Langit, Paraiso – ang Kaharian ng Aking Ama.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas


Jesucristo

UL 10 18 13 Pag-ibig ay daan tungo sa Kaligtasan

Sabado, February 05, 2011 11:50 am

Pinakamamahal Kong anak, ngayong araw ay binigyan ka ng ibayong


grasya para lalo mo Akong mapalapit sa iyo. Dahil sa pamamagitan lang
ng pagiging malapit sa Akin, magagawa mong makaranas ng
kapayapaan, pag-ibig at tuwa sa iyong puso. Sa pamamagitan lang ng
panalangin at pagsuko sa Akin ng iyong mga problema, magagawa mong
makiisa sa Akin. Pag ikaw ay sumusuko, anak Ko, at nananalig sa Akin,
saka mo mauunawaan ang Pagmamahal Ko sa iyo na iniingatan Ko sa
Aking Puso. At pag naunawaan mo na ito, lalo pang lalalim ang
pagmamahal mo sa Akin. Pag isinuko mo na ang lahat mong alalahanin
at inilagay ang mga ito sa Aking Mga Kamay, ay saka lamang maaayos
ang mga ito.

Makakapagpakita lamang kayo ng tunay na pagmamahal sa kapwa pag


mahal nyo Ako. Sa pamamagitan ng pag-ibig, ay bibiyayaan kayo ng
kaloob na makita ang inyong kapwa sa pamamagitan ng Aking Puso, na
puno ng Pagmamahal at Pagmamalasakit.

Pag pinagpakitaan nyo na Ako ng tunay na pagmamahal, ay saka lamang


magbabago ang inyong buhay at bubulwak ang tuwa sa pang-araw-araw
nyong buhay. Huwag na huwag nyong katatakutan ang Aking Pag-ibig,
mga anak Ko. Masaganang-masagana ito para sa inyong lahat, lumapit
lang kayo at hingin ito sa Akin. Pag +natanggap nyo na ang Pag-ibig na
ito, maging mapagbigay kayo nito. Ikalat nyo ang Aking Pag-ibig sa lahat
ng dako, para lahat kayo, lalo na ang maligamgam na mga kaluluwa, ay
maimbita Ako sa inyong mga kaluluwa. Ito lamang ang tanging daan
tungo sa kaligtasan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Pandaigdigang Pagbabalik-loob ay malapit nang mangyari


Linggo, February 06, 2011 1:40 pm

Pinakamamahal kong anak, isa ito sa mga pangwakas na Mga Mensahe


na dapat isama sa Aking unang bahagi ng Banal na Kasulatan na
nakapaloob sa Bahaging “Ang Babala.”

Mahal Kong mga anak, malapit nang iparamdam sa inyo ang Aking Pag-
iral sa pamamagitan ng pagpaparusa. Konting panahon na lang at ang
mga sumasampalataya sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat at ang
mga di-sumasampalataya ay parehong bibigyan ng pangwakas na Kaloob
bago ang maluwalhating araw ng Aking pagbabalik para
Maghukom. Ang Dakilang Pangyayaring ito ay bubuksan ang inyong
puso at mamamangha kayo sa kahanga-hangang Pag-ibig na Aking
ipapakita sa inyo sa Aktong ito ng Awa. Marami sa inyo ay hindi alam na
Ako, o ang Aking Amang Walang-hanggan, ay Umiiral. Para sa
napakarami sa inyong mga inosenteng kaluluwa, dapat nyong
maunawaan na ang Aking Awa ay ibinibigay sa inyo sa pangyayari ng
Babala.

Kahit ano pang ngalan na gusto nyong ibigay sa Akin, sa puntong yun
kayo magkakaroon ng bagong pang-unawa na babalot sa inyong mga
kaluluwa. Ipagpasalamat nyo pag nangyari na ito dahil ang
pagpaparusang ito ang siya nyong kaligtasan.

Pagkatapos ng pangyayaring ito, yung lahat ng sumasampalataya,


kasama yung mga magbabalik-loob dahil makikita na nila, sa wakas, ang
Katotohanan, ang siyang bubuo ng Aking bagong hukbo sa Lupa. Bawat
isa sa inyo, na nakahingi na ng tawad pag nabunyag sa inyo ang inyong
mga kasalanan, ay sisikaping ikalat ang Katotohanan sa mga nasa
kadiliman.
Ang Kaloob na ito, mga anak Ko, ay magdudulot sa inyo ng pasakit pag
pinagtawanan kayo sa Ngalan Ko. Ipagpasalamat nyo pag ito’y nangyari
na, dahil malalaman nyo, masakit man ang mga karanasang ito, na
kayo’y isang tunay Kong alagad. Sasama kayo sa Akin sa Paraiso
pagdating ng panahon. Huwag na huwag nyong katatakutan ang inyong
Pananampalataya, mga mahal Ko. Dahil kung masisilayan nyo lang,
kahit sandali, ang sobrang kagandahan na nilikha ng Aking Ama para sa
inyo sa Paraiso, hindi matatagalan ng inyong pisikal na mga mata ang
Liwanag at Luwalhati. Minsang masilayan nyo, kapit-tuko man kayo sa
Lupang ito dahil maganda nga, at likha rin nga ito ng Diyos, ay
magmamakaawa kayo para sa panahong makakasama nyo na Ako sa
Paraiso.

Mensahe ng Pagmamahal para sa mga ateong hindi


sumasampalataya

Tandaan nyo itong isang pangwakas na leksyon mula sa Akin. Kayong


mga ateo sa lahat ng dako, pakinggan nyo ang Mensaheng ito ngayon,
kahit nahihirapan kayong gawin ito. Bawat isa sa Aking mga anak sa
Lupang ito ay nakadarama ng pagmamahal sa isang yugto ng kanilang
buhay. Pag nakakaramdam kayo ng pagmamahal sa inyong puso, hindi
nyo ito nakikita, ni nahihipo, at mahihirapan kayong ilarawan
ito. Walang paraang siyentipiko na magagamit para kilatisin
ito. Ginagawa kayong mapagkumbaba ng Pag-ibig. Ginagawa kayong
mapagbigay ng Pag-ibig. Tinutulungan kayo ng Pag-ibig na gumawa ng
malalaking sakripisyo. Ang Pag-ibig ay nakakalito, pero maalab. Ang
Pag-ibig ay hindi gawa ng tao. Ito’y Kaloob na galing sa Diyos. Iisa
lamang ang Pinagmumulan ng Pag-ibig. Ang Pag-ibig ay ang Diyos. Ang
Diyos ay Pag-ibig. Ganun ka-simple yun. Buksan nyo ang inyong puso
sa Purong Pag-ibig na meron Ako, at ang Aking Amang Walang-hanggan,
para sa bawat isa sa inyo. Tingnan nyo Ako kung paanong tumingin ang
isang bata sa kanyang magulang. Tawagin nyo Ako at pupunuin Ko ang
inyong puso. Pag nangyari yun, hinding hindi na kayo tatalikod pa.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas


Jesucristo

Ilathala ang Aking Mga Mensahe sa lahat ng dako ng mundo

Lunes, February 07, 2011 10:00 pm

Anak Ko, medyo naligaw ka at ngayo’y humihingi ka ng lakas para


magkaroon ka ng kompiyansa at tapang na tuparin ang Aking mga
utos. Mabuti naman. Ibigay mo sa Akin ang iyong panahon gaya ng
ipinakiusap ng Aking mahal na Ina, dahil kailangang maging malinis ang
iyong kaluluwa pag ipinararating mo ang Aking Salita.

Kailangan Ko na ngayong hilingin sa iyo na simulan mo na ang


pagpaplano ng pagpapalabas ng Aking mahalagang Babala, isang Regalo
para sa bawat tao sa mundo. Kailangang mabigyan na sila ng mga
detalye nito sa katapusan ng Pebrero sa pamamagitan ng Internet at sa
buong mundo. Bilisan mo, anak, gawin mo ang kinakailangang gawin
para nang sa ganun ay mabigyan ng pagkakataong marinig ito ng
pinakamaraming taong maaaring bigyan. Paglaanan mo ito ng panahon,
mahal Kong anak, dahil kailangang-kailangan na ito ngayon. Ang
pakiusap na ito ay hindi para takutin ka. Ito’y para bigyang-diin ang
mahigpit na pangangailangang gawin na ito, para makapaghanda ang
pinakamaraming tao sa mundo na maaaring makapaghanda. Para nang
sa ganun, gugustuhin nilang magbalik-loob pag ang kanilang mga
kasalanan ay naladlad sa harapan mismo ng kanilang mga mata.

Sa pamamagitan ng paghahanda, sobrang makikinabang sila. Dahil sa


bahaging ito ng Kasulatan kaya nila matatagalan ang Babala. At
pagkatapos ay magiging malinis na sila, at dahil sa mga biyayang
kanilang tatanggapin ay magiging handa na silang harapin ang mga
darating na pagsubok.

Mapagmahal mong tanggapin ang Regalong ito, anak Ko. Huwag kang
matakot o mawalan ng gana. Ito’y isang Regalo para sa buong
sangkatauhan. Dahil sa pagtugon mo sa tawag na ito, nagdusa ka, pero
hindi sa paraang iyong inaasahan. Nagdusa ka dahil sa tukso. Pinigilan
ka ng iyong pagdududa na tanggapin ang kapayapaan at galak sa iyong
kaluluwa, na mapapasaiyo, kung bibigyan mo lamang Ako ng kalayaang
kunin ka at gabayan. Panahon na, anak Ko, na isuko mo lahat sa
Akin. Ibigay mo sa Akin ang iyong malayang loob bilang isang Regalo at
ibibigay Ko naman sa iyo ang pinakadakila at pinaka-ninanais na Regalo
sa lahat. Kapayapaan, tuwa at napakalaking pagmamahal sa Akin, sa
bawat parte ng iyong pagkatao. Halika na, anak Ko. Maging Akin ka. Sa
wakas ay makipag-isa ka sa Akin. Ibigay mo sa Akin lahat mong
pagmamahal, pagdurusa, pagkabahala at alalahanin. Basta pakawalan
mo na ang mga ito ngayon. Sa ganun, at sa ganun lamang ikaw
magiging talagang malaya at magaan ang puso.

Ang Gawaing ito ay mangangailangan ng lakas, anak Ko. Hindi ka


lamang yung kung tawagin ay bisyonaryo. Ibinibigay Ko sa iyo ang
Kaloob na propesiya. Bakit? Kasi, ikaw, mahal Kong propeta, ang
magiging kasangkapan para ikalat ang Mabuting Balita sa buong
mundo tungkol sa Aking Ikalawang Pagdating, pagbalik Ko sa
Lupa. Alam Kong pwedeng ikagulat mo ang balitang ito, pero matagal
mo nang pinaghahandaan ang papel na gagampanan mong ito, hindi mo
nga lang alam. Para tulungan ka sa gawaing ito, nagtalaga Ako ng ilang
santo para tulungan ka. Kasama rito sina San Benedicto, San Agustin,
Santo Papa Juan Pablo II, Santa Faustina, San Malaquias at Santa Teresa
ng Avila. Ibubunyag Ko ang iba pa pagdating ng panahon. Lahat ay
nagtatrabaho na ngayon para itaguyod ang iyong gawain, na isa sa mga
pinakamahalagang ibinigay magpa-hanggang ngayon sa sangkatauhan sa
napakahalagang panahong ito ng kasaysayan.

Huwag kang matakot, anak Ko. Sobra-sobra pa ang kakayahan mo para


sa gawaing ito. Bakit Ko pa hihilingin sa iyo ang ganitong paghihigpit, sa
palagay mo? May ilan ka pang dapat gawin para sa iyong espiritwal na
pag-unlad, pero darating ka rin doon sa paglipas ng panahon. Patuloy
Akong makikipag-usap nang sarilinan sa iyo habang ipinararating sa
mga tao ang Unang Bahagi. Mahal Kita, anak Ko. Alam Kong mahal mo
Ako. Alam Kong pwedeng maging mahirap ito para sa iyo dahil sa lahat
ng mahigpit na pangangailangang kinakaharap mo. Pero magagawa
mong magtiyaga, at lalo’t lalo pang maging malakas. Ang iyong enerhiya
at mabilis na pag-iisip ay magbibigay-katiyakan na ang mahahalagang
serye ng Mga Mensaheng ito ay maikakalat sa lahat Kong anak sa lahat
ng dako. Sa lahat ng bansa.

Yun na lang muna para sa ngayon. Salamat sa iyo at gumugol ka ng


panahon na magnilay at tumugon sa akin ngayong gabi.

Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Mensahe mula sa Espirito Santo

Sabado, February 12, 2011 3:30 pm

Panahon na para bumangon at kunin ang Kopang ito – uminom dito,


dahil ito ang Kopa ng Kaligtasan. Sa iyong pag-inom sa Kopang ito,
magiging handa ka na ngayon para ibahagi ang Kopang ito sa
sangkatauhan.

Naghahanda ka na ngayon na ihayag ang Mga Salita ni Kristo, para


maligtas ang mga kaluluwa habang nangyayari ang Babala.

Huwag kang mag-aksaya ni isang sandali dahil nalalapit na ang panahon


ng pagsapit ng Dakilang Pangyayaring ito. Kokonti lang ang magiging
panahon mo para basahin ng mundo sa Internet ang mga nilalaman
nito. Pero ang panahong ito ay magiging kasangkapan para iligtas ang
milyun-milyon sa mga apoy ng Impiyerno.

Malaking responsabilidad ito, pero handa ka na ngayon.

Hayo na sa pag-ibig at kapayapaan

Ang Espirito Santo


Pagbangon ng Arab World, 3 Pandaigdig na Pinuno ang
papatayin

Huwebes, February 17, 2011 11:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, sobrang natutuwa Ako ngayong araw,


ngayong ang mahahalagang seryeng ito ng Mga Mensahe ay inihahanda
na para iparating sa buong sangkatauhan. Kaagad mong madidiskubre
na lahat ng bansa ay hahanapin ang Mga Mensaheng ito. Huwag kang
mag-alala tungkol sa iyong kaligtasan, dahil poprotektahan kita sampu
ng iyong pamilya sa lahat ng oras.

Puno Ako ng pagmamahal para sa iyo, anak Ko, pero nadudurog ang
Aking Puso sa malaking dalamhating dala ng pagdurusang dulot ng
tusong samahan na nagpaplanong kontrolin ang mga bansa.

Gagawin nila ito sa pamamagitan ng pagtumba sa mga Pinuno sa tusong


pamamaraan.* Pagkatapos ay mag-aalok sila ng tulong. Pagkatapos ay
bibilhin nila ang pakikipag-kaibigan ng mga bagong rehimen hanggang
sa ma-kontrol nila ang mga ito. Ang bagong pag-kontrol na ito ay
magiging mas masahol at mas masama pa kaysa mga diktador na hayok
sa kapangyarihan, na itinumba sa ngalan ng kalayaan.
Bantayan mo na ngayon, anak Ko, kung gaano kabilis magkakaisa ang
Arab World laban sa Aking bayan, ang mga Hudyo. Bantayan mo kung
paano sila ilalaglag ng kanilang mga ka-alyado at iiwan silang lantad na
lantad.

Anak Ko, pag nangyari na ang Babala, mas pakikinggan na ang Aking
Salita, pagkatapos mangyari ang pagbabalik-loob. Ito na ang magiging
panahon para ang Aking banal na mga alagad ay buong-tapang na
magkakaisa laban sa diktaduryang lilitaw sa Western World lalo na sa
Europe. Ipaglaban nyo ang inyong karapatang manalangin. Pag hindi
nyo ito ginawa, hindi ito magiging giyerang pang-relihiyon, kundi
giyerang pagpuksa ng lahi.

Hindi na magtatagal, at tatlong pandaigdig na pinuno ang papatayin,


iisa-isahin sila. Tandaan nyo na bawat isa ay papatayin sa pamamagitan
ng pagsasabwatan ng masamang grupo – ang mga organisasyong
nakapaloob sa lipunan, na naghahari sa lahat ng bansa – bagamat hindi
nyo sila nakikita dahil mga duwag sila. Pero hindi na magtatagal ang
kanilang pagtatago. Pag napasa-kamay na nila ang pag-kontrol,
magiging mga kulang sa pansin na sila at sasabihan kayong sila’y inyong
irespeto.

Ang Babala ay makakatulong sa pagliligtas ng lahat Kong anak sa lahat


ng dako. Ang pagbabalik-loob, na isang Kaloob mula sa Akin, ay ibibigay
maging sa mga nagsasabwatan at nagpaplanong kontrolin ang Lupa ng
Diyos. Kung mauunawaan lang sana nila na ang kapangyarihang ito ay
hindi kailanman mapapa-sa-kanila, titigil na sana sila. Pero bulag sila.

Mas marami pa sa Aking mga anghel** na pinasok na ang Lupa bilang


mga tao, ay tutulong na ipakita ang Katotohanan sa mga kawawa at
naliligaw na mga kaluluwang ito. Marami ang magbabalik-loob. Ang iba
nama’y hindi.

Anak Ko, sige na at bilisan mo ang pagpapalaganap ng Salita. May ilang


linggo ka na lang. Gamitin mo lahat ng pwede mong
gamitin. Magpakita ka ng tapang. Gawin mo ang kalahat-lahatan para
bigyan ng pagkakataon ang lahat Kong anak, lahat ng bansa, na
maunawaan ang kahulugan ng Aking espesyal na Regalo – pag inilabas
Ko ang Aking Kamay sa Langit para sagipin ang kanilang mga kaluluwa.

Yung mga hindi muna magbabalik-loob, ay gagawin din ito bago sumapit
ang pag-uusig, kung kailan parami nang parami ang mga kaluluwang
magbabalik-loob sa Akin. Magiging napakahirap ng panahong ito para
sa lahat. Pero konting pasensya, dahil may darating namang masayang
panahon, pag nagbalik na sa Lupa ang kapayapaan. Pagkatapos ng
panawagang sila’y gumising na, ang Aking mga anak ay makikita
ang Pagmamahal na meron Ako, at tatakbo silang pabalik sa Aking Mga
Braso. At pag nangyari na yun, mabubuo na ang Aking hukbo, at
dedepensahan nito ang Aking Kaharian laban kay manloloko na ang
paghahari ay magiging napaka-igsi.

Ito’y sangandaan sa kasaysayan ng sangkatauhan, mga anak. Malapit


nyo na itong maunawaan. Sa panahong yun, kung meron man kayong
mga pagdududa sa panahon ng Babala, pag nangyari na yun,
pagbubuksan nyo na sa inyong puso ang Katotohanan.

Hayo na, anak Ko, sa kapayapaan at pag-ibig para sa buong


Sangkatauhan.

Jesucristo
Hari ng mga Hudyo

Pansinin* Nais linawin ng bisyonaryo sa mundo na ang dahilan kung


bakit hindi niya pwedeng ilista ang mga ngalan ng mga pinuno DALAWA
SA KANILA AY MULA SA ARAB WORLD AT ISA MULA SA MAINLAND
EUROPE AY BILANG PAGRESPETO SA KANILANG MGA PAMILYA
AT PARA IWASAN ANG DI-KINAKAILANGANG
PAGKABALISA. Ganun pa man, ibinigay na niya ang Mga Mensahe sa
ilang kleriko at media, pinipigilan ang paglalathala pero agad ilalathala
sa oras na mangyari ang mga pagpatay, na malapit na ( at magkakalapit
na mangyayari).

**Sa pagkaunawa ng bisyonaryo, ang mga anghel ay tumutukoy sa “mga


sugo” na pinili sa lahat ng dako ng mundo para ipahayag ang Mga
Dibinong Mensahe na makakatulong sa pagpapalaganap ng pagbabalik-
loob.

Ang Mga Propesiya – La Salette, Fatima at Garabandal, ay


nahahayag na

Sabado, February 19, 2011 3:00 pm


Pinakamamahal Kong anak, sinisikap mong mabuti na sundin ang Aking
mga utos na pabanalin ang iyong kaluluwa, at sobra Ko itong
ikinatutuwa. Bigyan mo naman sana Ako ng isang buong oras ng iyong
araw sa pananahimik kasama Ko, at hayaan mong ilapit Kita sa aking
Sagradong Puso.

Madarama mong mas malakas ka pag ginawa mo ito. Simulan mo


ngayong araw ang pag-gugol ng panahon Kasama Ko para mabigyan Ko
ng liwanag ang iyong puso at mapagaan ang iyong pasanin.

Ngayong araw, gusto Kong ihayag sa iyo ang Aking nais para sa
sangkatauhan na simulan na nilang kilatisin ang kanilang buhay bilang
paghahanda sa Babala. Anak ko, yung ilan sa inyo na hindi magagawa
ito ay mangangailangan ng panalangin, at marami nito.

Ang Babala, ang Dakilang Regalo, ay ibibigay na ngayon sa


mundo. Lahat ay bibigyan ng pagkakataong lasapin ang tuwa pag sa
wakas ay naunawaan na nila ang Katotohanan, ang Katotohanan ng
Aking Pag-iral. Ipanalangin mo ang bawat isa, anak Ko, para sila’y
magkaroon ng lakas ng loob na humingi sa Akin ng Tawad.

Sa wakas, anak Ko, ang Aking mga anak sa lahat ng dako ay nagsisimula
nang magmulat ng kanilang mga mata. Nauunawaan na nila na
nagbabago na ang mundo. Ang mundong kilala nila noon ay pumasok
na sa isang bagong yugto. Ang bagong yugtong ito ay papunta sa ilan
pang yugto bago silang mga anak Ko ay magiging handa na rin, sa
wakas, para sa Bagong Paraiso.
Ang mga linta ni manloloko, malungkot mang sabihin, ay lalaban nang
patayan hanggang sa huli. Ipanalangin nyo na ngayon ang mga kawawa
at nag-iilusyong mga kaluluwang ito, na nawa’y may isang kislap ng
liwanag na babaha sa kanilang mga puso pag nagkita sila ng Aking tapat
na mga alagad. Kayo, mga alagad Ko, ay binibigyan ng mga grasyang
tulungang magbalik-loob yung lahat ng kaluluwang naliligaw sa ilang, at
litong-lito ang kanilang mga kaluluwa gawa ni Satanas.

Ang Mga Propesiya – La Salette, Fatima at Garabandal, ay


nahahayag na

Lahat ng propesiyang ibinigay sa mga pinagpalang bisyonaryo sa La


Salette, Fatima at Garabandal, ay nahahayag na ngayon para makita ng
lahat. Para sa lahat ng libu-libong mananampalataya na alam at
tinatanggap ang mga propesiyang ito, dapat nyo nang malaman ngayon,
na Ako, ang inyong Tagapagligtas, ay nananawagan sa inyong lahat na
ipanalangin ang mga kaluluwa ng buong sangkatauhan. Minsan nyo
pang pagbuksan ng inyong mga puso ang mga bagong Mensaheng ito –
ang mga huling propesiya na ganitong klase, na ibibigay sa lahat Kong
anak, bago Ako magbalik para Maghukom.

Panawagan sa lahat ng Ministro ng mga Simbahan

Nananawagan Ako sa Aking mga sagradong lingkod ng lahat ng sektang


nagpaparangal sa Aking Amang Walang-hanggan, na kayo’y makinig na
ngayon. Huwag kayong paloloko kay manloloko, sa pamamagitan ng
kanyang pekeng propeta, at baka kayo mapapaniwala sa
kasinungalingang gagawin sa kanyang ngalan sa nalalapit na
panahon. Magiging napakahirap ng panahong ito para sa inyo na
nagmamahal sa Akin, dahil sobra kayong malilito.

Ang pekeng propeta at ang antikristo

Basta’t bantayan nyong mabuti ang pekeng propeta, na magtatangkang


pamunuan ang Aking Simbahan, dahil hindi siya nagmumula sa
Tahanan ng Aking Amang Walang-hanggan. Magmumukhang
ganun. Pero hindi. Bantayan nyo rin ang pakikipag-kaibigan niya sa
antikristo, dahil sila ang dalawang pinaka-manlolokong alagad ni
Satanas – na nakasuot ng damit ng tupa. Magkakaroon sila ng mga
kapangyarihan, na magmumukhang parang mga milagro nung unang
panahon, pero maka-Satanas ang mga kapangyarihang ito. Kailangang
lagi kayong nasa grasya sa lahat ng oras para madepensahan nyo ang
inyong Pananampalataya. Ipanalangin nyo ang Aking mga banal na
lingkod, na naging maligamgam na ang pananampalataya, at maaakit
patungo sa yakap ni manloloko. Maaakit niya sila dahil mag-aalok siya
ng mga nakakapukaw ng damdamin, maalab na emosyon, pag-ibig kuno,
na bunsod naman ng pagka-makasarili, at magpapakita siya ng karisma
na mahirap labanan. Tahakin nyo ang landas na ito, mga sagrado Kong
alagad, at mawawala na kayo sa Akin magpakailanman. Pwede nyong
itanong: Bakit ba magkaka-problema dahil sa mga pangyayaring ito? At
magtataka pa kayo kung bakit Ko pinapayagang mangyari ang mga
ganitong bagay. Si Jesus pa kaya, sa Kanyang Awa, ang magbigay ng
ganitong mga problema? Kailangan Ko ngang payagan ang mga ito,
dahil sa pamamagitan ng mga salungatang ito mapapapangyari ang
pangwakas na laban sa pagitan ng Aking Amang Walang-hanggan at ni
masama. Kung walang pangwakas na komprontasyon, siya, si Satanas,
ay hindi maitatapon, sa wakas, sa kailaliman ng Walang-hanggang
Impiyerno.

Maging alerto kaya sa panlolokong ito. Huwag nyong


hahayaang mawala ang inyong kaluluwa sa ganitong
paraan. Manalangin, manalangin, ipanalanging pagkalooban ng
pagkaunawa para makilala nyo ang pekeng propetang ito kung sino
talaga siya. Isang demonyong sinugo mula sa kailaliman ng Impiyerno,
para guluhin kayo. Ipagpasalamat nyo na kayo ang kanyang mga
target. Dahil sa inyong katapatan sa Akin, ilalagay kayo sa sukdulang
pagsubok, ang pagsubok ng inyong pananampalataya. Hindi nyo na
kailanman kakailanganin pang harapin ang ganung pagsubok. Kaya
maging handa. Lumapit kayong lahat sa Akin, mga sagrado Kong
lingkod, bago pa maging huli na ang lahat.

Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo

UL 10 25 13 Ang Babalang Mga Mensahe mula kay Jesucristo

2010 – 2011

Bahagi 1
Parte 2

Mga Mensahe 50 – 99 Mula [Huwebes, March 03, 2011


hanggang Lunes, , 2011

Ang Demokrasya ay Maglalaho – ang mga Pari ay Papatayin


alang-alang sa Pananampalataya

Huwebes, March 03, 2011 11:00 pm

Ay naku, mahal Kong anak, ikinagagalak Kong tanggapin ang iyong


presensya ngayong gabi. Medyo nasaktan Ako sa iyong pagliban, pero
alam Kong babalik ka agad.

Makinig kang mabuti. Alam Kong bising-bisi ka sa iyong pamumuhay,


pero kailangan mong maunawaan na sobrang kailangang kailangan na
ang Mensaheng ito.

Ang Aking Salita ay ibinibigay sa iyo sa pinaka-makasaysayang panahon


mula pa sa simula. Dahil sa panahong ito mararanasan ng mundo ang
mga pagbabagong hindi pa kailanman nasaksihan ng sangkatauhan
magpahanggang ngayon.

Maghanda na kayo, mga anak Ko, saanman kayo naroroon. Dahil hindi
na magtatagal at ibibigay na sa bawat isa sa inyo, dahil sa Awa Ko, ang
isa sa mga pinakamahalagang Kaloob. Ang Aking Babala, na ibinibigay
sa inyo, ay magpapalaganap ng pagbabalik-loob sa lahat ng dako. Pag
ito’y nangyari na, pagkatapos ng sandaling yun sa loob ng panahon na
ang Lupa ay mananatiling hindi gumagalaw, ang Pag-ibig na dulot ng
pagtanggap sa Katotohanan ay magiging laganap.

Ang mga alagad ni Satanas ay mahihirapang idipensa ang kanilang


masamang asal, sa harap ng pag-ibig at liwanag na sisinag mula sa loob
nyo. Pero kahit na ang dakilang pangyayaring ito, na ikakagulat nyo, ay
nagdudulot ng pagbabalik-loob, kailangan pa rin nyong paghandaan
ito. Tanggapin nyong ang propesiyang ito ay mangyayari. Iilan lang ang
itatanggi ito habang ito’y nangyayari o pagkatapos. Ganun pa man,
marami pa ring magpapatuloy na tumalikod sa Akin. Kasunod nito ang
Malaking Pag-usig.

Ang mga Pari ay magdurusa

Ang Aking hukbo na binubuo ng mga mahal na alagad, ay matapang na


babangon at didipensahan ang Aking Pag-iral. Pero maging yung mga
hindi nyo pinaka-aakalaing gagawa ng ganun, pati na ang Aking mga
Kristiyanong mga pinuno ng simbahan, ay kakampi kay masama at sa
kanyang mga linta. Maaakit sila dahil sa kahinaan ng kanilang
pananampalataya. Makikita nyo na yung Aking mga banal na kinatawan,
ang Aking tapat na mga sagradong lingkod, ay kakailanganing idipensa
ang kanilang pananampalataya. Ang lupit na ipakikita sa kanila ay
magiging katulad nung hinarap Ko sa Aking mga berdugo. Pakinggan
nyo ito, kayong lahat na sumusunod sa Akin. Huwag kayong matukso na
sumunod sa daan ng mga traidor, kahit na kayo’y natatakot. Huwag na
huwag kayong paloloko sa kanilang mga pekeng pangako. Maging
matapang. Ipanalangin nyong kayo’y bigyan ng lakas.

Ang Pag-usig ay hindi magtatagal

Magpakatatag kayo, mga mananampalataya, dahil maging yung mga


pinakamatalik sa inyo ay tatalikod sa Pananampalataya. Baka makita
nyong kayo’y naiwang nag-iisa, pinagtatawanan at nilalait sa harap ng
mga tao. Huwag nyong pansinin ang kanilang panunukso. Gagabayan
Ko kayong lahat at poprotektahan dahil hindi magtatagal ang panahong
ito. Ang pinakamasakit na mararanasan nyo ay ang kanilang pagtraidor
sa Akin, sa Katotohanan.

Ang mga di-Kristiyanong bansa ang mangongontrol

Ang Panalangin ay makakatulong sa pagbawas sa ilang malalaking


kapahamakang mangyayari. Ang pag-usig, na ihahampas sa mga
sumasampalataya sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan, ay
gagawin ng mga bansang walang pagmamahal. Pagmamahal sa
Diyos. Ang tanging pag-ibig na nasa kanilang puso ay ang pagharian ang
mga mas hindi pinalad na mga bansa. Kontrol ang pangunahin nilang
pakay. Kaluwalhatian, at paghabol sa kayamanan at pag-angkin sa inyo,
sa inyong bansa, at yung ilan sa inyo na ayaw Akong itanggi. Sumuko
kayo, mga anak Ko, at talagang mahihirapan na kayong balikan ang
inyong mga yapak na papunta sa Akin.

Mangangailangan ito ng sobrang katapangan sa harap ng napakalaking


panganib, pero magwawagi kayo. Kung ang maalab na pagmamahal sa
Diyos ang dahilan ng inyong pagdurusa, tatanggapin nyo ito nang may
galak sa inyong puso.

Ang paglitaw ng mga bagong diktador

Ang mga biglaang pagbabago ng pandaigdig na mga kalagayan, na


hanggang sa puntong ito ay parang maliliit na kaguluhan lamang, ay
magiging todo-pasang mga digmaan. Ang mga digmaan ay magdudulot
ng kakulangan sa pagkain. Ang Demokrasya ay mabilis na mawawala at
lilitaw ang masasamang diktadurya. Pero ang mga diktaduryang ito ay
todo ingat sa magiging imahe nila. Darating sila bilang mapayapang
mga negosyador at “mga tagapagligtas”. Kapalit ng pagsubo ng pagkain
sa inyong bunganga, kokontrolin nila ang inyong mga ari-arian, na
kanila nang aangkinin. Kailangan nyo pang ihingi ng pahintulot ang
pagpapakain sa inyong pamilya. Para makapaglakbay kakailanganin nyo
ang isang espesyal na klase ng ID at sasabihan kayo na tanggapin ang
tatak – ang tatak ng halimaw. Takbo, mga anak Ko. Tago. Dahil hindi
lang yun. Ididikta nila sa inyo kung paano magdasal dahil hindi sila sa
Diyos lumalapit. Sila, mga anak Ko, ang mga tropa ni Satanas, at gusto
nilang nakawin ang inyong mga kaluluwa.

Kayong mga sumasampalataya sa Akin, maghanda na. Bumalik kayo


kaagad sa inyong mga simbahan. Manalangin kayo sa Diyos Amang
Walang-hanggan. Mag-grupo-grupo kayo at manalangin, manalangin,
manalangin. Hilingin nyo na ngayon na kayo’y makapagbalik-loob, para
pag nasaksihan nyo na ang Babala, tatanggapin nyo nang may
kababaang-loob ang kalagayan ng inyong kaluluwa. Wala kayong dapat
ikatakot.

Ipanalangin nyo rin ang inyong pamilya at mga kaibigan, ang inyong
mga anak at mga kapitbahay. Lahat sila’y kailangang maghanda. Kaya
napakaraming magbabalik-loob pag nasaksihan nila ang Katotohanan ng
Aking Pag-iral. Maraming hindi matatagalan ang matinding pagkabigla
pag nakita nila kung paano nila Ako sinaktan. Ang iba nama’y walang
pakialam. Tumatakbo na ang oras.

Hilingin nyo na kayo’y Aking tulungan

Ang mga palatandaang naipropesiya na ay nasa paligid nyo na, mga


anak. Masdan nyo sila at tanggapin kung ano sila. Mga rebelyon. Mga
lindol. Mga baha. Pagbabago ng Klima. Mas titindi pa ang mga ito
ngayon. Kinukulang na ang pera at magkakaganun din ang
pagkain. Huwag nyong aakalain na wala nang pag-asa, dahil pag
humingi kayo ng tulong sa Akin, sasagutin ang inyong mga
panalangin. Hahawakan Ko kayong lahat sa kamay at tutulungan Ko
kayong makaraos sa gulong ito. Pero kailangan nyong buksan ang
inyong puso.
Hadlangan nyo ang lahat ng pagtatangkang akitin kayo para sumali sa
mga plano ni masama. Panatiliin nyo ang kalinisan ng inyong puso at
isip. Maging mapagkumbaba kayo sa inyong pananaw. Pero huwag na
huwag kayong matatakot na depensahan ang inyong karapatang
sumampalataya sa Akin.

Panahon na para ihanda ang inyong mga kaluluwa

Panahon na. Sige na, mga anak Ko, at ihanda nyo na ang inyong mga
kaluluwa. Hanapin nyo, sa pamamagitan ng Mga Sakramento, ang mga
grasyang kinakailangan para pabanalin ang inyong mga kaluluwa. At
pagkatapos ay hilingin nyo sa Akin na kayo’y Aking dalhin sa Aking Mga
Braso at hingin nyo ang kaligtasan. Ang Aking Pag-ibig at Malasakit
para sa bawat isa sa inyo ay hindi maaabot ng inyong pang-unawa. Ang
Babala, na isa sa pinakamapagbigay na Mga Kaloob na pwede Kong
ibigay sa inyong lahat bago pa mangyari ang huling paghuhukom, ay
kailangang buong-puso nyong tanggapin. Ipagpasalamat nyo na
binibigyan kayo ng kahanga-hangang Kaloob na ito. Dahil pag nangyari
ang pagbabalik-loob sa lahat ng sulok ng mundo, magiging handa na
kayo para sa Bagong Langit at Lupa, na magsasanib at magiging isa. Ito
ang Aking Paraiso at ang maluwalhating pamana na bawat isa sa inyo ay
may karapatang kunin ang inyong kaparte – kung pipiliin nyo lang.

Hintayin nyo na ngayon ang Aking Babala, mga anak Ko. Dahil malapit
na malapit na ang panahon.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Makatarungang Hukom at Maawaing Jesucristo


Lahat ng Kristiyano, Magsisi na Ngayon; Mga Katoliko,
Ipanalangin si Santo Papa Benedicto XVI

Sabado, March 05, 2011 10:00 am

Mahal Kong anak, muli tayong nagkasama. Naging bisi ka nitong


nakalipas na ilang araw. Napansin mo ba ang lakas na Aking ibinibigay
sa iyo sa pananampalataya at pati na rin sa iyong katawan? Ito’y dahil
tuwang-tuwa Ako sa iyong trabaho. Habang inilalathala mo ang Mga
Mensaheng ito, himukin mo naman yung mga kakilala mo, yung
pinakamaraming kaya mong himukin, na magbalik-loob na agad dahil sa
kanilang mga kasalanan. Hindi importante kung saang Kristiyanong
pananampalataya sila kasali. Kailangang magpakita sila ng kanilang
kababaang-loob at katapatan sa Akin sa pamamagitan ng akto ng
paghahangad ng Pagtubos.

Ang simpleng aktong ito ay palalakasin sila habang nangyayari ang


sinasabi Kong Babala. Magsisi, lahat kayo, para mailigtas nyo ang
inyong mga kaluluwa. Maghanda na agad kayo para sa Babala, dahil
yung ilan sa inyo na wala sa kalagayan ng grasya, ay maaaring hindi ito
matagalan at tuluyan nang mamatay.

Mahal Kong anak, gusto Kong mabilis mong ipagpatuloy ang


pagpapalaganap ng Salita tungkol sa Mga Mensaheng ito. Ipinaliwanag
Ko na sa iyo noon na ang mga ito ay kailangang maibigay sa
pinakamaraming tao hanggat maaari, sa pinakamadaling panahon kung
pwede. Habang nalalapit ang pangyayaring ito, ganun din ang isang
pangyayari tungkol sa Banal na Vatican.

Hilingin mo sa lahat na ipanalangin ang Aking mahal na Banal na


Kahalili na si Santo Papa Benedicto, dahil napapaligiran na siya ng mga
kaaway ng Aking Amang Walang-hanggan. Ipanalangin nyo ang mga
paring hindi kailanman natinag ang pananampalataya sa Akin o sa Aking
Amang Walang-hanggan.

Paglitaw ng pekeng propeta

Kailangang manalangin na sila ngayon ng taimtim, dahil ang


kahihinatnan ng pag-atakeng ito sa Aking Banal na Kahalili ay
masasaksihan nyong lahat. Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo
na ang pekeng propeta ay makikilala kung ano talaga siya. Bantayan nyo
ang kanyang asal. Ang kanyang pagiging papansin, ang halos sambahin
siya ng Aking mga naliligaw na mga sagradong lingkod. At pagkatapos
ay pakinggan nyong mabuti ang kanyang sasabihin. Peke ang kanyang
kababaang-loob. Masama ang kanyang pakay. At makasarili ang
kanyang ipinapakitang pagmamahal. Magmumukha siyang
tagapagtaguyod ng pagbabago, aktibo – parang sariwang ihip ng
hangin. May determinasyon nga siya at buhay na buhay, pero ang
kanyang mga lakas ay hindi mula sa Diyos Amang Walang-
hanggan. Ang mga ito ay mula kay Satanas, si masama.

Manalangin, manalangin, manalangin. Dahil kayo, mga anak Ko, ay


kailangang maging alerto. Kailangan nyo Ako para gabayan kayo
ngayon, habang ang mga propesiyang ito ay nabubunyag na sa
sangkatauhan. Maging matatag, tapat sa Aking Mga Aral. Manalangin
sa mga grupo. Dasalin ang Santo Rosaryo para humingi ng proteksyon
mula kay masama.
Tandaan nyo ang isang leksyon. Ang Aking Mga Aral ay hindi
nagbabago. Pareho pa rin sila ngayon at kailanman. Gaya ng sinabi Ko
na noon pa, pag nakita nyo na ang mga ito ay pinakialaman, pinalabnaw,
o ang mangyayari, ang mga ito ay binaluktot sa paraang kakaiba , o lihis
sa Aking Mga Aral, tumalikod na kayo at manalangin na kayo’y Aking
gabayan.

Ang inyong Dibinong Tagapagligtas

Jesucristo

Mga salitang nagpapaginhawa, tungkol sa mga kumikwestyon


sa Mga Mensaheng ito

Linggo, March 06, 2011 3:00 pm

Anak Ko, magpakatatag ka. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa
pagbasa ng mga komento sa Internet, na nagpapatunay ng pagkasuklam
sa Akin ng maraming marami sa Aking mga anak.

Ang pagtanggi sa Akin ay hindi nagmula at natapos sa Pagpapako sa


Akin sa Krus. Patuloy pa rin ito ngayon bunsod ng pagkasuklam na
ikinakalat ni Satanas sa pamamagitan ng Aking mga anak. Magdurusa
ka sa Ngalan Ko, ganun din ang Aking mga mahal na alagad na
mangangahas na depensahan Ako. Hindi na ito bago, mahal Kong
anak. Nabibigla ka lamang pag nakikita mo ito.

Maging yung Aking mga alagad na nagsasabing sila’y sumasampalataya


sa Akin, ay mahihirapang lunukin ang Mga Mensaheng ito. Darating din
ang panahon, pag nakita na ang katibayan, na yung lahat ng nagsasabing
Ako’y kanilang kinamumuhian, ay susuriing muli ang kanilang mga
pananaw. Iiyak ang ilan pag ipinakita sa kanila ang tamis ng
Katotohanan. Ang iba nama’y mangungulit sa pagkwestyon dahil mali
sila sa pagsisikap na makapagpasya gamit ang pangangatwirang pan-
tao. Sige na, at ipanalangin mo yung lahat na kumikwestyon sa Mga
Mensaheng ito. Tama lang na gawin nila ito. Dahil yung mga
dumarating sa Ngalan Ko ay kailangang tanggapin na sila’y
kukwestyunin, at tama lang yun. Kaya nga, lahat ng mensahe ay dapat
suriing mabuti.

Hayo na sa kapayapaan at pag-ibig. At tandaan nyo, mahal Ko lahat ng


Aking anak, pati yung mga nagsasabing kinasusuklaman nila Ako.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas, Jesucristo

Hukom ng buong sanlibutan

Ang sangkatauhan ay pinaparusahan sa Taon na ito ng


Paglilinis

Biyernes, March 11, 2011 3:30 pm


Mahal Kong anak, ang Paglilinis, na pagdurusahan ng sangkatauhan sa
pamamagitan ng mga digmaan, lindol, pagsabog ng bulkan, tsunami,
sobrang init ng panahon at pagguho ng lupa, ay nagpapatuloy dahil sa
mga kasalanan ng sangkatauhan.

Yun lamang mga lalapit sa Akin, ang kanilang Dibinong Tagapagligtas at


ang kanilang Maykapal, ang Aking Ama, ang kanilang Ama, sila lamang
ang maliligtas. Huwag na huwag nyong katatakutan ang Aking Ama
dahil mahal Niya ang lahat Niyang anak. Pero lalapatan Niya ng parusa
yung mga ayaw tumanggap na Siya’y Umiiral.

Habang patuloy ang kasamaan, kawalan ng pananampalataya, at


malaswang pagmamahal ng tao sa kanyang sarili, ang Kanyang Pasensya
naman ay paubos na.

Ang Aking Amang Walang-hanggan, Diyos na Maykapal at Maylikha ng


lahat, ay mahal ang lahat Niyang anak nang may paglambing na
nadarama ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Pero tulad din
ng mga magulang, yung mga responsableng mga magulang, ay
pinaparusahan nila ang kanilang mga anak pag gumagawa ang mga ito
ng mapanira o di katanggap-tanggap na mga bagay. Ganun din ngayon
pakakawalan ang Poot ng Aking Ama sa mundo. Ito nga, anak Ko, ang
Taon ng Paglilinis, gaya ng sinabi Ko na noon sa iyo.

Mauunawaan ng mga tao sa lahat ng dako na ang mga pangyayaring ito


ay hindi mula sa kalikasan. Dahil ito sa panghihimasok ng Diyos para
ipaunawa sa tao, sa wakas, ang Katotohanan ng Banal na Kasulatan.

Manalangin, manalangin, manalangin para sa pagbabalik-loob.


Ang inyong mahal na Jesucristo

UL 10 29 13 Lindol sa Europe at Digmaang Pandaigdig

Biyernes, March 18, 2011 12:00 am

Pinakamamahal Kong anak, kinakausap Kita nang may napakalaking


Pagmamahal ngayong gabi. Dahil alam Ko ang hirap na iyong
tinitiis. Ang pagdurusa, na inialay mo ngayon para sa mga kaluluwa ay
nangangahulugang napunta sana sila sa Impiyerno kung hindi mo ito
ginawa nang may galak.

Anak Ko, totoo ang Mga Mensaheng ito, pero dapat ay kakausapin mo
lang Ako pag ikaw ay nananalangin o pagkatapos
manalangin. Importante ito dahil kung minsan, sinisikap ni manloloko
na mangharang maliban kung mapayapa kang nananalangin sa Akin.
Digmaang Pandaigdig

Anak Ko, ang mga propesiyang sinabi Ko ay malapit nang


mangyari. Konting panahon na lang ang natitira para sa Aking mahal na
Kahalili sa Vatican, batay sa mga nangyari noong Marso. Ang iba pang
mga pangyayaring masasaksihan ng sangkatauhan ay isang lindol sa
Europe, na makakasindak sa marami. Pero dahil sa paglilinis na ito,
magkakaisa ang mga tao, at ito’y mabuti para sa lahat. Ang iba pang
pandaigdig na mga pangyayari ay ang pagputok ng bulkan, na
mangyayari na, (ang mga detalye ng lugar at buwan ay nasa bisyonaryo)
samantalang ang giyera sa Middle East ay magsasangkot ng iba pang
mga bansa. Gaganti ang Russia at China sa ibang mga bansang
Kanluranin. Lahat ay magtatapos sa isang Digmaang Pandaigdig.

Ang panalangin ay makakabawas sa tindi ng mga


pangyayaring ito

Ang panalangin ay lilikha ng pagbabalik-loob. Mababawasan naman ng


pagbabalik-loob na dulot ng panalangin, ang lawak at tindi ng mga
pangyayaring ito.

Ang Pagdurusa ay magdudulot ng Kababaang-loob – Ang


Kababaang-loob naman ay magliligtas ng mga kaluluwa

Anak Ko, habang patuloy na pinagdaraanan ng mundo ang mga


nakakabahalang mga pangyayaring ito, silang mga nagdurusa ay
magiging mababang-loob. Sa pamamagitan ng kababaang-loob, sila’y
maliligtas. Lahat ng ito ay kinakailangan para ihanda ang mundo para
sa Aking Ikalawang Pagdating. Malapit na ang panahong ito. Anak ko,
magiging araw ito ng malaking kaluwalhatian para sa mga
mananampalataya. Bigyan nyo ng pangunahing lugar ang araw na ito sa
inyong isip dahil anumang pagdurusang tiniis nyo alang-alang sa Ngalan
Ko, ay nakalimutan nyo na sa araw na yun.

Lahat ng propesiyang binanggit sa Aklat ng Pagbubunyag ay nabubunyag


na ngayon sa mundo. Para sa mga nakakaunawa sa kahulugan ng mga
pangyayaring ito, ipaliwanag nyo naman sa iba ang kahalagahan nito at
ang pangangailangang humingi ng tawad sa Diyos na kinakailangan para
linisin ang kanilang mga kaluluwa.

Pagdududa sa Aking Mga Mensahe

Anak Ko, lagi at lagi mong pakikinggan ang Aking Mga Mensahe sa
pamamagitan ng iyong puso. Alam mong ang mga ito ay galing sa Akin,
ang iyong Diyos na Tagapagligtas, bagamat kung minsa’y nakukumbinsi
ka ng iba na hindi. Sobra Akong nasasaktan nito. Nauunawaan Ko na
marami sa iyong mga pagdududa ay dahil ayaw mong iligaw ang mga
tao. Kailangan mo nang tuluyang alisin ang ganung pag-iisip.

Isuko mo ang iyong loob sa Akin

Ikaw, anak Ko, ay mas magiging malakas kung binigyan ka sana ng


espiritwal na tulong na iyong kailangan mula sa isang pari. Malungkot
mang sabihin, wala ni isa sa kanila ang gustong kumuha sa Aking Kopa
sa tamang paraan – isang katunayang sobrang nakakainsulto sa
Akin. Kaya kailangan mo na ngayong lubusang manalig sa Akin. Isuko
mo na nang tuluyan ang iyong loob sa Akin at magmumukhang malinaw
ang lahat. Dasalin mo ang Aking Divine Mercy, gaya ng hiniling Ko na sa
iyo noon, araw-araw, pati na ang Santo Rosaryo. Pumunta ka na rin sa
adorasyon minsan sa isang linggo sa isang Simbahan. Lahat ng maliliit
na regalong ito ay ilalapit ka sa Akin. Habang mas nagiging malapit ka,
magiging mas madali at mas simple rin ang iyong mga gawain.

Depensahan mo ang Mga Mensaheng ito

Irespeto mo ang Kabanal-banalang Kasulatang ito. Depensahan mo


ito. Tanggapin mo na ito’y aatakihin at gugutayin, lalo na nung mga
nagsasabing sila’y mga eksperto. Hahanapan nila ito ng mga bahagi, na
sasabihin nila ay salungat sa Aking Mga Aral. Ang salungat lamang ay
ang kanilang maling interpretasyon ng Aking Mga Aral. Dito nila
binaluktot at minali ang interpretasyon ng Aking Banal na Salita, dahil
ibinabagay nila ito sa sarili nila.
Kahalagahan ng pananatili sa kalagayan ng grasya

Anak Ko, pinanabikan Kita at ang matalik mong pakikipag-usap sa Akin


mula sa puso. Humingi ka sa Akin ng mga grasya na magpapanatili sa
iyong matatag, at ibibigay ang mga ito sa iyo. May mga plano Ako para
sa iyo, anak Ko. Napakaimportante ng mga ito. Kaya kinakailangang
linisin ang iyong kaluluwa at manatili kang lagi sa kalagayan ng
grasya. Habang nangyayari ang iyong tuluyang pagbabago tungo sa
perpeksyong espiritwal, magdurusa ka, anak Ko. Pero ihahanda Kita
para rito. Hindi mo dapat ikabahala ang mga opinyon ng iba tungkol sa
iyo. Yung mga wala sa Liwanag, na nakakabalisa sa iyo – huwag mo
silang pansinin. Pero ipagdasal mo sila. Ganun pa man, maging alerto
ka dahil pwede ka nilang ilayo nang napakalayo sa Akin, nang hindi mo
nalalaman. At sa panahong malaman mo na, napagsarhan mo na Ako ng
iyong puso.

Sina San Agustin at San Benedicto ay parehong nagtatrabahong kasama


mo. Hingin mo ang kanilang tulong at makikita mo at magiging mas
madali lahat. Ang paggawa sa Aking Gawain at pagtupad sa mga
tungkuling kailangan mong gawin para sa Akin, ay mahirap. Bawat
hakbang mo sa daan ay magkakaroon ng mga pagtatangkang tisurin
ka. Mapapaligiran ka ng galit, pagkainis at pagtatalo, at titindi pa ang
mga ito. Ang pakay ng lahat ng ito ay sirain ang iyong loob kung
papayagan mo ito.

Kailangan mong pabendisyunan ang iyong bahay at magdala ka ng


Rosaryo, Krus ni San Benedicto at Agua Bendita sa lahat ng oras
ngayon. Maging matapang ka ngayon. Manalig ka ng lubusan sa
Akin. Tuluyan ka nang sumuko. Ialay mo na ngayon ang iyong
malayang loob at bibigyan kita ng lahat ng grasyang kinakailangan para
gawin sa perpektong paraan ang Aking Gawain.
Mahal Kita, anak Kong hirang. Patuloy Kong gagawin kang mas malakas
kaysa sa dati. Gagabayan Kita. Para talagang maging epektibo ito,
kailangang isuko mo sa Akin ang iyong katawan, isip at kaluluwa. Pero
kailangang sa iyo manggaling ang alok at ibigay bilang isang mahalagang
regalo sa Akin. Hindi Ko pwedeng basta na lang agawin ito sa iyo dahil
ang iyong malayang loob ay isang natatanging Kaloob mula sa Diyos, ang
Aking Amang Walang-hanggan.

Hayo na, anak Ko, sa kapayapaan. Ihabilin mo sa Akin ang iyong mga
pagkabalisa at alalahanin. Palayain mo ang iyong isip, katawan at
kaluluwa. At pag isinuko mo na ang iyong malayang loob, tuluyan mo na
Akong makakaisa. Ang regalong ito sa Akin ang gagarantiya na ang
Aking Salita ay mas epektibong maririnig sa buong mundo.

Ang iyong mahal na Tagapagligtas ng Sangkatauhan

Jesucristo, Makatarungang Hukom

Ipanalangin mo yung mga nananakit sa iyo

Lunes, March 21, 2011 11:00 pm


Ngayong gabi, mahal Kong anak, nakakaramdam ka ng isang
kapayapaang matagal mo nang hindi nadarama. Ikaw, anak Ko, ay
pinahirapan ni manloloko at ngayon, sa pamamagitan ng mga grasya Ko,
ay hindi mo na nararamdaman ang mga epekto ng ganung mga pag-
atake.

Nagsugo Ako sa iyo ng isang malinis na kaluluwang puno ng


pagmamahal, at gagabayan ka niya. Aakayin ka niya papunta sa Akin at
sa Katotohanan. Alam mo na ngayon, anak Ko, kung paano magdusa sa
Ngalan Ko. Alam mo na kung paano hamakin sa harap ng mga tao,
pagtawanan sa likod mo, sumbatan ng paggawa ng masama, gayong wala
ka namang sala, at lahat, sa Ngalan Ko. Magalak ka, anak Ko, dahil ang
ibig sabihin nito ay naging mas malapit ka sa pakikiisa sa Akin. Ang
panalangin, na tuluyan mo na ngayong naunawaan, ay papapanatiliin
kang nasa kalagayan ng grasya at kapayapaan.

Anak Ko, huwag mong husgahan yung mga nananakit sa


iyo. Ipanalangin mo sila. Patawarin mo sila. Pero ginawa mo na yun, di
ba? Ngayo’y nauunawaan mo na ang Katotohanan ng Aking Mga
Aral. Lalo’t lalo pa Kitang palalakasin, anak Ko. Huwag na huwag kang
matatakot. Gaya ng sinabi Ko na sa iyo noon pa, hindi kailanman
mananakaw ni manloloko ang iyong kaluluwa. Hawak Kita nang
mahigpit sa Aking Mga Braso at ipinangangako Ko na pag ikaw ay
naligaw, lagi Kitang hihilahing pabalik sa Akin.

Ngayo’y kailangan mo nang magkaroon ng lakas at tapang para ihatid


ang Aking Mga Dibinong Mensahe sa sangkatauhan. Kailangang
kailangan na ang mga ito. Alam mo na ang iyong gagawin. Tawagin mo
Ako papasok sa iyong puso sa bawat sandali ng bawat araw. Mahal Kita,
Aking matapang at mahal na anak. Ipinagmamalaki Kita dahil sa iyong
panatag na pagdepensa sa Katotohanan at hindi mo itinanggi ang Mga
Sagradong Mensaheng ito, dahil alam mo na ngayon ang Katotohanan.
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas, Jesucristo

Kahalagahan at Kapangyarihan ng Panalangin

Huwebes, March 24, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, tuwang-tuwa Ako at tayo’y muling


magkasama ngayong gabi. Puno ka na ngayon ng grasya ng pag-unawa
at malinaw na sa iyo ngayon kung alin ang tamang daan na iyong
susundan.

Sa iyong tuluyang pagsuko sa pakikiisa sa Akin, malaya ka na


ngayon. Walang pagdududa, malinis ang konsyensya, malakas kaysa
dati at handa nang ibunyag sa mundo ang Aking Pangako. Ipaparating
ng Aking Salita na kailangang kailangan nang maghanda na ibukas ang
inyong mga puso para sa sandali na ipapakita sa lahat ang kanilang mga
kasalanan.

Sa pagiging handa at paunang nasabihan, maraming marami pang


kaluluwa ang maaaring iligtas. Pag mas marami ang nagbalik-loob, mas
hihina ang pang-uusig na kasunod nito. Anak Ko, huwag kang maging
walang pakialam o di kaya’y natatakot sa mga mangyayari. Lahat ay
lilipas din at kapalit nito ay isang mas masayang mundo na mas may
pagmamahalan sa lahat ng dako.
Ang Mga Mensahe ay para lamang ipagunita sa lahat na Meron
ngang Diyos

Sabihin mo sa mga tao sa lahat ng dako na ang Mga Mensaheng ito ay


para lamang ipagunita sa lahat ng anak ng Diyos, na Meron ngang
Diyos. Dapat din nilang malaman na ang pinaka-importanteng bahagi
ng kanilang katauhan ay ang kanilang mga kaluluwa. Kailangang
alagaan nila ang kanilang mga kaluluwa kung gusto nilang makibahagi
sa napakagandang kinabukasang naghihintay sa lahat. Kailangan
lamang gunitain ng mga tao ang Sampung Utos at parangalan ang mga
ito. At pagkatapos, ang kanila na lamang kailangang gawin ay sundin
ang Aking Mga Aral at mamuhay gaya ng sinabi Ko sa kanila.

Ang dahilan kung bakit Ako’y nagbibigay ng mga propesiya ay para


patunayan sa Aking mga mahal na alagad na may nangyayaring isang
Dibinong panghihimasok. Ginagawa Ko ito dahil inaasahan Kong
bubuksan nila ang kanilang mga puso para maunawaan nila ang
Katotohanan.

Ang Pag-ibig ng Diyos ay naghahatid ng Kapayapaan

Maraming tao ang hanggang salita lamang pagdating sa Aking Mga


Aral. Para naman sa iba, nakakainip at nakakapagod ang mga ito. Kung
tutularan nila Ako, natatakot sila na baka hindi nila makamtan ang
ginhawang akala nila’y ibibigay ng mga materyal na bagay sa kanilang
buhay. Ang hindi nila alam ay ang tanging tunay na ginhawang maaari
nilang maranasan ay ang Pagmamahal ng Diyos. Ang Pagmamahal na
ito ay darating lamang sa inyong buhay sa pamamagitan ng paglapit, sa
simpleng pananalangin, sa Akin at sa Aking Amang Walang-
hanggan. Minsang maranasan nyo ang kapayapaang ito, makikita nyong
kayo’y malaya na sa mga pag-aalala at pagkabalisa.
Walang pekeng pampasigla, gaano man ito kadami, ang makakapantay
sa matinding kaligayahang nadarama pag kayo’y naging malapit sa Aking
Puso. Ang pag-ibig na ito ay hindi lamang tumatagos sa inyong buong
katawan, isip at kaluluwa, kundi binibigyan pa rin kayo nito ng isang
mas malayang buhay. Mararanasan nyo ang isang malalim na
kasiyahang hindi pa nyo naranasan kailanman. At pagkatapos ay labis
nyong ikakagulat na hindi na kayo halos naakit ng mundo ng materyal
na luho. Mawawalan na kayo ng interes sa mga bagay na ito at
magugulat na lang kayo.

Naku, mga anak, kung susubukan nyo lang lumapit sa Akin, tuluyan na
kayong magiging malaya. Hindi nyo na mararamdaman ang hungkag na
kawalang-pag-asa sa inyong mga kaluluwa. Sa halip ay kayo’y magiging
mas palagay ang loob, hindi na kayo masyadong nagmamadali, mas may
panahong magpakita ng interes sa inyong kapwa at mas
panatag. Sisinag ito mula sa inyo. Maaakit ang iba sa inyo sa napaka-
natural na paraan. Magtataka kayo kung bakit. Huwag kayong matakot,
dahil ito’y grasya ng Diyos na nagtatrabaho. Pag kayo’y puno ng grasya,
nakakahawa ito at pagkatapos ay ito’y kumakalat sa iba sa pamamagitan
ng pag-ibig. At pagkatapos ay mag-uumpisa uli ito. Kaya tandaan nyo
naman, mga anak, ang kahalagahan ng panalangin. Ang kapangyarihang
ibinibigay nito at ang bilis nitong kumalat para balutin yung lahat ng
kawawang kaluluwang naaakit sa ulap na ito ng pag-ibig.

Ang sapot ng panloloko ni Satanas ay nagdudulot ng takot

Kung paanong ang panalangin at pagmamahalan ay lumalaganap,


gayundin ang pagkasuklam na ibinubuga ni Satanas. Si Satanas ay
nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga taong ito na walang
pananampalataya, o sumasawsaw sa maiitim na mga espiritwal na laro,
kaya naikakalat niya ang kanyang panloloko. Ang kanyang sapot ng
pagkamuhi ay nabibitag maging yung mga nasa pinakamalayong mga
hangganan, na akala nila’y namumuhay na sila nang risonable at
mabuting pamumuhay. Ang tusong sapot na ito ay pwedeng bitagin ang
sinumang hindi nag-iingat. Ang magkakaparehong kalagayan nung mga
nabibitag ay lahat sila’y nakakaramdam ng pagkabalisa, pagkabahala,
kawalang-pag-asa at takot. Ang takot na ito ay napakabilis maging
pagkamuhi.

Takbo sa Akin, lahat kayo. Huwag nyo nang hintayin pang baligtarin ng
di-kinakailangang kalungkutan ang inyong buhay. Dahil lagi naman
Akong naroroon, nagmamasid, naghihintay, umaasang bawat isa sa inyo
ay bibitawan na ang kayabangan para makapasok naman Ako at maakap
Ko kayo. Pumunta na kayo sa inyong simbahan at manalangin sa
Akin. Kausapin nyo Ako sa inyong bahay, sa pagpunta nyo sa
trabaho. Saanman kayo naroroon, basta tumawag kayo sa
Akin. Malalaman nyo sa medyo madaling panahon kung paano Ako
tumugon.

Gising – Buksan ang nakasara nyong puso

Gising, mga anak. Di nyo pa ba alam hanggang ngayon na kailangan nyo


Ako? Kailan nyo pa bubuksan ang inyong nakasarang puso para Ako’y
papasukin? Huwag kayong mag-aksaya ng mahalagang oras, alang-
alang sa inyong sarili at sa inyong pamilya. Ako ay Pag-ibig. Kailangan
nyo ang Aking Pag-ibig para busugin ang inyong tuyot at gutom na mga
kaluluwa. Ang Aking Pag-ibig, minsang maranasan nyo ito, ay itataas
nito ang inyong espirito at bibigyan kayo ng kakayahang makadamang
muli ng tunay na pagmamahal. Ang pagmamahal na ito naman ay
ibubukas ang inyong isip sa Katotohanan – ang mga ipinangako Ko sa
bawat isa sa inyo nang mamatay Ako sa Krus para sa inyong mga
kasalanan. Mahal Ko kayo, mga anak. Ipakita nyo naman ang
pagmamahal na hinihingi Ko sa inyo. Huwag kayong manatiling wala sa
Akin. Konting panahon na lamang, mga anak, para magbalik sa
Akin. Huwag na kayong magpaliban pa.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Ang Kamay ng Aking Amang Walang-Hanggan ay babagsak na
ngayon sa walang-utang na loob at bulag na mundong ito

Lunes, April 4, 2011 7:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, hindi na pabor sa atin ang panahon.


Tulak. Itulak mo ang Mga Mensaheng ito sa pinakamalayong lugar na
makakaya mo. Napakalapit na ng panahon para sa Babala. Sabihin mo
sa Aking mga alagad, na alang-alang na lang sa Akin, ay tumulong sila
para mapagbalik-loob ang mga di-sumasampalataya para maghanda
para sa Babala.

Anak Ko, kung kinikwestyon mo man ang Mga Mensaheng ito, nag-
aaksaya ka lang ng mahahalagang oras. Wala nang panahon para sa
Aking mga mahal na kaluluwang nananabik matubos. Ang kasalanan,
anak Ko, ay laganap at kumakalat na parang mikrobyo sa bawat sulok ng
mundo. Ginugulo nang husto ni Satanas ang sangkatauhan. Siya’y nasa
lahat ng dako. Pinahihirapan niya ang mabubuting kaluluwa pati yung
mga nawawala na sa Akin. Kailangan siyang pigilin. Makakatulong ang
panalangin at pagpapalaganap ng Aking Salita. Sabihin mo sa Aking mga
alagad kung paano sinasapian ni Satanas ang sangkatauhan. Naroroon
siya hindi lamang sa pamamagitan ng pandaigdigang kaguluhan,
sinasapian pa rin niya yung mga nag-aakalang sila’y kumikilos para
itaguyod ang katarungan. Naroon na rin siya pati sa walang-pakialam na
pagsasama-sama ng mga kabataan, sa kanilang musika at kulturang
nagpaparangal sa mga sikat na tao.

Magligtas na kayo ngayon ng mga kaluluwa sa pagdarasal ng Aking


Divine Mercy. Ikalat nyo ang panalanging ito dahil ito’y kailangang
kailangan na. Ang pagkalito, malaking takot, pagkabalisa at mapait na
pagkamuhi na dinaranas sa mundo ay matindi Kong nadarama, Akong
Diyos na Tagapagligtas ng tao, Na walang-tigil ang pagluha para sa mga
kawawang kaluluwang ito.

Siguro nama’y hindi pwedeng hindi makita ng sangkatauhan ang


pagkasuklam nila sa isa’t isa sa bawat kanto? Di ba nila alam na ito’y si
Satanas na manloloko, na nagtatrabaho? Habang ang masamang
pagkasuklam at nakakasukang mga kasamaan ay kumakalat na parang
apoy sa kagubatan, gayundin ang Kamay ng Aking Amang Walang-
hanggan ay babagsak na ngayon sa walang-utang na loob at bulag na
mundong ito. Habang patuloy ang masasamang gawain ng tao, kung
saan sobrang nagtatakutan at nagpapatayan ang isa’t isa, gayundin
titindi ang pagpaparusa ng kalikasan sa pamamagitan ng malalaking
kapahamakan, dahil sa pagkakasala ng tao sa kanyang kapwa. Ang
parusang ito ay babagsak na ngayon sa mundo.

Ang laban para iligtas ang mga kaluluwa ay nagsimula na


Ang laban para iligtas ang mga kaluluwa ay nagsimula na. Taimtim
nyong ipanalangin ang inyong mga sarili at ang inyong pamilya. Dahil
maraming inosenteng kaluluwa ang masasangkot sa kalamidad na
ito. Huwag kayong matakot dahil yung mga tapat sa Akin at sa Aking
Amang Walang-hanggan ay maliligtas. Kung hindi pa manghihimasok
ngayon ang Aking Amang Walang-hanggan, ganun na lamang pupuksain
ng tao ang mga lahi kaya malaki ang mababawas sa populasyon ng
mundo.

Dibinong Awa

Panghawakan nyo ang inyong pananampalataya, lahat kayo, dahil kung


wala ang inyong pananampalataya, mahihirapan kayong pagtiisan ang
inyong pagdurusa. Papuri sa Aking Ama dahil pinagkalooban Niya Ako
ng Kaloob na Dibinong Grasya. Ang Aking Awa ay walang hangganan at
ito ngayo’y patutunayan sa inyong lahat. Ang dagat na ito ng puro at
walang-halong Pag-ibig ay ibubuhos sa lahat Kong anak para tulungan
kayong maligtas sa pagkasuklam at kasamaan, na ikinakalat ni
masama. Hugasan nyo na ngayon ang inyong mga kaluluwa, sa Aking
Pag-ibig, sa pamamagitan ng panalangin, dahil malapit na ang panahon.

Tandaan nyo, mahal Ko kayong lahat. Ang Kaloob Kong Awa ay para sa
lahat, maging sa mga makasalanang may kasalanang mortal. Bibigyan
sila ng pagkakataong magsisi, para talunin si Satanas, para makisali sa
Aking Laging Maawaing Kahariang darating.

Tumingin kayo patungong Langit. Hayaan nyong hawakan Ko kayo at


akapin.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas


Laging-Maawaing Hukom

Jesucristo

Huwag na huwag nyong Huhusgahan ang ibang Relihiyon,


Pananalig o opinyong sekswal

April 6, 2011 12:05 am

Pinakamamahal Kong anak, ang pahirap na tinitiis mo ay dulot ng


palagiang pagtatangka ni manloloko na tuksuhin kang iwanan na ang
Sagradong Gawaing ito. Ginugutay ka niya. Tanggapin mo na
ito. Huwag na huwag mong pagdududahan ang Aking Dibinong Salita,
gaano man ito kahirap para sa iyo. Gagantimpalaan ka ng espirito ng
kapayapaan pag sumuko ka nang talaga sa Akin. Lagi mo itong sabihin
sa Akin araw-araw. Buong araw mo itong gawin at hingan mo Ako ng
mga grasyang pupuno sa iyo ng tuwa sa sandaling atakihin ka ni
manloloko.

Magpakatatag ka, anak Ko. Huwag na huwag kang susuko. Alisin mo


ang basura sa iyong isip at pagtuunan mo ng pansin ang Aking Mga
Mensahe para sa mundo. Ang mga ito ang pinaka-importanteng Mga
Mensahe para sa sangkatauhan ngayon. Ibinibigay ang mga ito para
turuan ang sangkatauhan kung paano muling matagpuan ang tamang
daan papunta sa Akin.

Ang mga tao ay nalilito sa Aking Mga Aral

Marami nang tao ngayon ang naliligaw. Nalilito sila sa Aking Mga Aral
at sa maraming paraan kung paano ang mga ito
ipinaliwanag. Pinalabnaw. Binago. Dinagdagan. Binawasan. Kailanga
n na ngayon ng gabay ang Aking mga anak, para mahingi nila ang mga
grasyang kinakailangan para muli silang maging malakas at magaan ang
puso. Mangyayari lamang ito sa pamamagitan ng panalangin at
pagsunod sa Aking Mga Aral.

Wala Akong iniitsa-pwera ni isang kaluluwa sa mundo

Alam ito ng Aking mga anak na nagbalik-loob at napalapit na sa Aking


Puso sa pamamagitan ng Mga Sakramento. Pero para dun sa mga
naliligaw at nawawala Kong mga anak, kailangan nilang magsimula sa
simula at gunitain ang Sampung Utos na ibinigay sa mundo sa
pamamagitan ni Moises. Maraming maraming mga anak ngayon ang
hindi nakakaalam sa mga ito. Wala Akong iniitsa-pwera ni isang
kaluluwa sa mundo, anumang relihiyon ang kanilang sinasalihan.

Babala sa mga mananampalatayang humahamak sa ibang


mga pananalig

Kung ang Aking mga mananampalataya ay ibubukod ang kanilang mga


sarili at itataas nila ang kanilang mga sarili sa ikapipinsala nung mga
hindi nakakaalam sa Aking Mga Aral, umaasal silang parang mga
Pariseo. Mahiya naman yung mga akala nila’y mas mataas sila sa mga
kaluluwang nangangailangan ng kaliwanagan. Mahiya naman yung mga
nakakaalam sa Katotohanan pero pinagtatawanan yung mga iba ang
pananalig; yung mga nag-aakalang – dahil alam nila ang Katotohanan at
nakikinabang sila sa Kabanal-banalang Mga Sakramento, ay mas
importante na sila sa Mata Ko. Oo nga’t nakakatanggap Ako ng
malaking kaginhawahan at tuwa sa Aking Puso mula sa mga tapat Kong
alagad na yun. Pero pag kinondena na nila o hinusgahan ang iba dahil sa
kanilang pananampalataya, labis nila Akong sinasaktan.

Mga alagad Ko, imulat nyo ang inyong mga mata sa Katotohanan ng
Aking Mga Aral, sa pinaka-simpleng lebel. Huwag nyong husgahan ang
iba. Huwag nyong hamakin yung mga sa akala nyo’y mga makasalanan
at tinatanggihan ang Aking Mga Aral, dahil kapantay nyo sila sa Mata
Ko, kahit na binigyan na kayo ng Kaloob na Katotohanan. Matinding
hapdi ang nadarama Ko pag yung mga alagad na mabuti naman ang
intensyon, ay nagdidikta sa kawawa at naliligaw na mga kaluluwa kung
paano sila mamumuhay. Mali ang kanilang pamamaraan.

Huwag na huwag nyong pagsasabihan yung mga iba ang


pananalig o opinyong sekswal, na nakondena na sila

Kung itataguyod nyo ang Aking Mga Aral sa paraang pagsasabihan nyo
yung mga hindi alagad na sila’y matutupok o mapapahamak sa
pagsasabing ang kanilang asal ay ‘masama,’ lalo lang silang magiging
mas mahina pa kaysa dati. Maraming tatalikod na lang sa inyo. Kaya
mabibigo kayo. Sa halip na magturo ng leksyon, magpakita kayo ng
malasakit. Magturo kayo sa pamamagitan ng halimbawa. Huwag na
huwag nyong pagsasabihan ang mga taong ito na sila’y nahusgahan na sa
Mata Ko, dahil hindi.

Mahal Ko ang bawat isang kaluluwa, ng lahat ng relihiyon, ng lahat ng


kuru-kuro, ng lahat ng opinyong sekswal. Bawat isa ay isang mahal na
anak, walang mas mabuti kaysa iba. Kahit laging nandyan ang kasalanan
– tandaan nyo na makasalanan kayong lahat – nasa sa inyo na, bawat isa
sa inyo, para sundin ang Aking Mga Aral at palaganapin ang Aking
Salita.

Mag-akapan kayo. Pagmalasakitan nyo ang isa’t isa. Huwag kayong


mag-iitsa-pwera kaninuman, maging Katoliko man, o ibang Kristiyanong
sekta, Islam, Hindu, Hudyo, Budist – pati na yung ibang mga sektang
lumitaw, na hindi sumasampalataya sa Diyos Amang Walang-
hanggan. Ipanalangin nyo sila. Ituro nyo sa kanila ang kahalagahan ng
pagbubukas ng kanilang puso sa Katotohanan. Magturo kayo sa
pamamagitan ng halimbawa. Palaganapin nyo ang pagbabalik-
loob. Pero huwag na huwag nyong huhusgahan ang iba, o tangkaing
ibukod ang inyong mga sarili dun sa mga hindi nakakaunawa sa
Katotohanan.

Huwag na huwag nyong aakalain, na dahil binigyan kayo ng grasya mula


sa Langit, ay mas mabuti na kayo kaysa inyong kapwa. Oo nga’t
nagdadala kayo ng tuwa sa Aking Sagradong Puso, pero kailangang
tratuhin nyo ang iba sa mapagmahal na paraan, hindi yung para kayong
isang diktador.

Wala ni isa sa inyo ang karapat-dapat maghusga sa iba

Tandaan nyo ang leksyong ito. Wala ni isa sa inyo ang karapat-dapat
maghusga o kumilatis sa iba. Walang may kapangyarihan o Dibinong
Kaalaman para kilatisin ang moralidad ng iba. Magkaroon kayo lagi ng
bukas na isip at tandaan nyo, na sa araw na akala nyo’y kayo’y mas
mahalaga sa Mata Ko kaysa dun sa mga itinuturing nyong mga
makasalanan, yun ang araw na nawala na kayo sa Akin.

Hindi Ko iiitsa-pwera ang alinmang pananalig mula sa Mga


Mensaheng ito
Ang Aking Salita ay ibinibigay na ngayon bilang isang Regalo sa
sangkatauhan, sa bawat isa sa inyo. Sa mga pakikipag-usap na ito, hindi
Ko pagtutuunang-pansin ang isa lamang grupo ng tapat na mga
alagad. Para sa inyong nakakaunawa sa Katotohanan, hayaan nyong
ipaalala Ko sa inyo. Lahat Kong anak sa buong mundo, lalo na yung mga
makasalanang matigas ang puso, at yung mga hindi naniniwala sa Pag-
iral ng Aking Amang Walang-hanggan, ay siya na ngayong
pinakamahalaga. Nasa sa inyo na, mga alagad Ko, para taimtim na
ipanalangin at pakitaan ng pagmamahal yung mga bulag. Pero gawin
nyo ito sa paraang itinuturo Ko sa inyo. At sa huli, tandaan nyong mahal
Ko kayong lahat.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Hari ng buong Sangkatauhan

Milyun-milyong kaluluwa ang maliligtas sa pamamagitan ng


Mga Mensaheng ito

Huwebes, April 7, 2011 10:00 pm


Mahal Kong anak, ang Kaloob na Espirito Santo ay ipinagkaloob sa iyo
ngayong araw, kasama ang natatanging mga Dibinong grasya. Naisuko
mo na, anak Ko, ang iyong malayang loob, at magpapatuloy ka na para
sundin ang Aking Kabanal-banalang Loob. Mauunawaan mo na ngayon
ang kahalagahan ng lubusang pagsunod sa Akin, sa iyong isip, gawa, asal
at pananaw. Susunod ka na ngayon sa Aking paggabay at hihilingin mo
ito bago ka gumawa ng anumang aksyon alang-alang sa Akin.

Sa wakas, ay handa ka nang sumunod sa Aking ipinag-uutos. Kailangan


mo na ngayong maglaan ng di-bababa sa dalawang oras para sa Akin sa
panalangin tuwing ikalawang araw. Bukod dito, kailangan mong sundin
ang paggabay mula sa banal na spiritual director na pinadala sa iyo mula
sa Langit. Kakausapin ka niya ayon sa iuutos Ko sa kanya. Gawin mo
nang iksakto ang sasabihin niya. Sigurunin mong Ako’y kakausapin mo
araw-araw dahil marami Akong kailangang sabihin sa iyo.

Anak Ko, tanging ang Tinig Ko na lamang ang papakinggan mo mula


ngayon. Ang isusulat mo lamang ay yung tinatanggap mo mula sa
Akin. Huwag na huwag kang kukuha ng mga kahulugan tungkol sa
Kabanal-banalang Mga Mensaheng ito mula sa iba. Iisa lamang ang bibig
na ginagamit Ko para kausapin ka, at Akin yun. Manalig ka sa Akin,
anak Ko. Manalig ka nang lubusan sa Akin. Huwag na huwag mong
kikwestyunin ang Mga Mensaheng ito,dahil Ako ang nakikipag-usap sa
iyo. Lagi mo yung tatandaan. Ngayong nananalig ka na sa Akin,
magiging mas malakas ka na. Sinisiguro Ko sa iyo na mas epektibo mo
nang mahaharap ang mga atake ni manloloko.

Maging panatag ka. Bumubugso sa Puso Ko ang Pagmamahal Ko sa iyo,


anak Ko habang ang iyo namang debosyon at pagmamahal sa Akin ay
pinupuno ka at pinapapanghina. Ang makapangyarihang Pag-ibig na ito,
sa kabuuan, ay puro at hindi maihahambing sa anumang naranasan mo
na sa mundong ito.
Nagdiriwang ang langit sa iyong tuluyang pagsuko. Pero kailangan mo
na ngayong ihanda ang iyong sarili para tumulong sa pagsagip sa
milyun-milyong kaluluwa. Anak Ko, ang gawaing ipinagagawa Ko sa iyo
ay ga-higante kung titingnan sa pan-taong pananaw. Ikaw, anak Ko, ang
siyang magiging sugo na magdadala sa mundo ng pinakamakapal na
aklat ng Aking Banal na Salita, para ang mundo ay makapaghanda para
sa Aking Ikalawang Pagdating.

Silang mga mahal Kong anak, na ang init ng Pag-ibig Ko para sa kanila
ay lampas sa pwede mong maunawaan, ay kailangang mapabalik sa
Aking Pinakasagradong Puso bago maging huli na ang lahat. Ikaw, anak
Ko, ang aasahang magdadala ng Aking Salita sa sangkatauhan. Hindi
madali ang trabahong ito. Magdurusa ka dahil dito, pero dapat mong
malaman na ito ngayon ang tungkulin mo sa Akin. Tinatawag ka para
sigurunin na, sa pamamagitan ng Salita mula sa Aking Dibinong Mga
Labi, ay milyun-milyong kaluluwa ang maliligtas sa mga apoy ng
Impiyerno.

Makipag-usap ka ngayon nang ayos sa Akin. Lagi Kitang


gagabayan. Sumaiyo ang kapayapaan, anak Ko. Pinaaapaw na ngayon ng
Aking Espirito Santo ang iyong kaluluwa. Puno ka na ngayon ng
pagmamahal at tuwa, at handa ka na para sa susunod na yugto ng
Dibinong Misyong ito.

Ang iyong Tagapagligtas

Jesucristo
Ang sakit na nadarama Ko ngayon ay mas matindi pa kaysa
nung Ako’y Ipako sa Krus

Miyerkules, April 13, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, umiiyak Ako dahil sa malaking


kalungkutang dulot ng mga kasalanan ng sangkatauhan, na lalo pang
dumami at tumindi, habang nalalapit na ang panahon ng paggunita ng
mundo sa Aking Paghihirap sa Krus. Ang sakit na nadarama Ko ngayon
ay mas matindi pa kaysa nung Ako’y unang ipako sa krus. Muli Ko
ngayong isinasabuhay ang Paghihingalong Aking tiniis, habang
tumatagos sa Aking Puso ang mga kasalanan ng sangkatauhan, na
parang isang patalim na mas mahaba, mas matalas at mas
mahapdi. Pakinggan nyo ang Aking mga pagsamo. Dinggin nyo ang
Aking mga hinaing. Lahat kayo, aluin nyo Ako sa matinding
paghihingalong tinitiis Ko ngayon. Kailangan Kong saksihan, araw-
araw, ang matinding kalungkutan, ang hapdi at pahirap na ginagawa ng
tao, sa tao, ng tao, sa mga bata. Ang mga mamamatay-taong mga ito ay
walang pagsisisi, ganun nga sinapian ang kanilang maiitim na kaluluwa,
ni Satanas, ang manloloko.

Wala siyang malasakit sa sinuman sa inyo, dahil wala siyang


kaluluwa. Pero ang tao ay parang gago at parang bulag na bumibigay sa
kanyang panunukso. Ganun na lang sila nagpapakaladkad na parang
mga alipin papunta sa nakakakilabot na kadilimang ito, kaya
kinakailangan Kong asahan yung ilan sa inyong mga
mananampalataya, na taimtim na manalangin para sagipin ang ganung
mga kaluluwa.
Patindi nang patindi ang hapding nadarama Ko araw-araw. Ang
kasalanan ay hindi nakikita ng tao kung ano talaga ito. Sa pinaka-
simpleng lebel, ito’y pagmamahal-sa-sarili. Sa pinakamasamang lebel,
ito’y pagmamahal sa lahat ng bagay na nakakasakit sa iba, sa
pamamagitan ng pandaraya, karahasan, abuso at pagpatay. Bakit
nagbubulag-bulagan ang mga tao pag nakakasaksi ng ganitong mga
kasamaan? Ang mga biktimang yun ay mga tao ring katulad
nyo. Taimtim nyong ipanalangin ang mga gumagawa nito, dahil mga
biktima rin sila. Sila, mga anak Ko, ay nabitag na ni manloloko, pero
maraming hindi man lang tinatanggap na siya’y umiiral. Malapit na
ngayon ang panahong ang Aking Salita ay talagang maririnig nang muli
sa Lupa. Ipaliwanag nyo naman na ang Aking Awa ay malapit nang
masaksihan sa Lupa pag nangyari ang parating nang mistikong
pangyayari.

Importanteng sabihin sa pinakamaraming taong pwedeng sabihan, na


hilingin sa Diyos Amang Walang-hanggan, na patawarin ang bawat isa sa
inyo, sa mga nagawang kasalanan sa nakaraang panahon. Gawin nyo na
agad ito ngayon. Iligtas nyo ang inyong mga kaluluwa at yung sa
iba. Magiging laganap nga ang pagbabalik-loob, pero may ilang
sawimpalad na kaluluwa ang hindi matatagalan ang
sindak. Manalangin, ipanalangin nyo na hindi sila mamamatay na nasa
kasalanang mortal.

Gunitain nyo naman ang Aking Paghihirap sa loob ng Kuwaresma, sa


pagninilay sa Sakripisyong ginawa Ko nang maluwag sa Aking Kalooban
para sa inyong lahat para kayo’y maligtas. At pagkatapos ay unawain
nyo na Ang Babala, ang Pagliwanag ng Konsyensya, ay ang Aking
kasunod na Regalong Awa para sa sangkatauhan.

Palaganapin nyo ang pagbabalik-loob sa lahat ng dako. Tumulong


kayong talunin si manloloko sa pamamagitan ng pananalangin ng Aking
Divine Mercy para iligtas ang mga kaluluwa. Manalig na kayo ngayon sa
Akin at ibalik nyo Ako sa inyong puso. Magsama-sama kayo para iligtas
ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pag-ibig.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas, Jesucristo

Anak ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat

Maykapal at Maylikha ng lahat ng bagay

UL 11 5 13 Mga natatanging grasya ang ipinangangako pag


tinawag si Jesus kahit isang araw lang
Huwebes, April 14, 2011 11:00 am

Mahal Kong anak, salamat sa paglalaan mo ng higit pang panahon para


sa pinaka-Banal na Gawaing ito. Panahon na para lahat kayo’y
magbukas ng inyong mga puso sa Akin, kahit isang araw lang, para
mapuno Ko kayo ng mga natatanging grasya. Ang mga grasyang ito ay
ibibigay sa ilan sa inyo na nakalimutan nang Ako’y Umiiral, habang
palapit na ang Biyernes Santo.

Habang nalalapit na ang panahon ng makapangyarihang Nobena ng


Divine Mercy, ang panahong ito ay gagamitin para pabahain sa inyong
mga kaluluwa ang isang espesyal na Kaloob mula sa Akin. Gawin nyo na
ngayon ang sinasabi Ko, at manalangin kayo sa Akin ngayong araw sa
inyong sariling pananalita. Ang mga grasyang ibibigay Ko sa inyo ay
hindi lamang kayo ilalapit sa Aking Sagradong Puso, pupunuin pa kayo
nito ng Espirito Santo. Gawin nyo ang Aking Nobena mula Biyernes
Santo at isama nyo ang pinakamaraming kaluluwang maaari nyong
isama, at ililigtas Ko ang bawat isa.

Para sa ilan sa inyo na nadarapa, kahit nag-debosyon na sa Akin, paulit-


ulit Ko kayong ibabangon. Huwag na huwag kayong matatakot na
magbalik sa Akin kung kayo’y maliligaw. Hindi Ko kailanman
pababayaan yung mga balik nang balik sa Akin. Mga makasalanan nga
kayo, kaya mangyayari’t mangyayari ito. Huwag na huwag kayong
matatakot, dahil sa bawat pagkakataon, katabi nyo lang Ako at handang
akapin kayo. Ang kasalanan ay mapapatawad. Huwag na huwag kayong
makokonsyensya kung kinakailangan nyong lumapit sa Akin para
humingi ng tawad. Lagi Akong naroroon.
Mga anak Ko, gamitin nyo ang Semana Santa para ipagunita sa lahat ang
mga Sakripisyong ginawa Ko para sa mga makasalanan. Malakas pa rin
ang Aking Malasakit. Hindi ito kailanman nanghina, kahit para sa mga
tao na ang mga kasalanan ay nagdulot ng malalim na sugat sa Aking
Damdamin. Kung ang isang kaluluwa ay naghahangad ng kapatawaran,
ang kasalanang yun ay aalisin. Ang Aking Nobenang Divine Mercy ay
magbibigay ng pinakamakapangyarihang mga grasya pag dinasal mula
Biyernes Santo hanggang sa Kapistahan ng Divine Mercy siyam na araw
pagkatapos. Dasalin nyo ito at hindi lang ang inyong kaluluwa ang
inyong ililigtas kundi milyun-milyong iba pa. Gawin nyo ito para sa
Akin.

Ang inyong laging-nagmamahal at tapat na Diyos na Tagapagligtas,

Jesucristo

Naroroon Ako sa Eukaristiya sa kabila ng maling


pagpapaliwanag ng Aking Pangako

Huwebes, April 14, 2011 12:05 am


Pinakamamahal Kong anak, huwag kang mabahala. Humuhusay ka sa
paraan ng paglalaan ng panahon para manalangin sa Akin. Ngayon
naman, importanteng maunawaan ng tao, na para mapalapit sa Aking
Puso, ay dapat niyang maunawaan na kailangang tumanggap ng
Sakramento ng Kabanal-banalang Eukaristiya.

Maraming tao, pati na ang ibang mga Kristiyanong grupo, ay itinatanggi


ang Aking Tunay na Presensya sa Eukaristiya. Kung bakit pinanindigan
na nila na itanggi ang mga pangakong ginawa Ko sa Aking Huling
Hapunan, kung saan ipinangako Kong ibibigay Ko ang Aking Katawan at
Dugo bilang Pagkain at Pampalusog sa inyong mga kaluluwa, ay hindi
malinaw. Ang malinaw ay ang Milagro ng Banal na Eukaristiya, na
naroroon sa lahat ng Tabernakulo sa buong mundo, ay Umiiral sa
kasalukuyan, at naroroon para busugin ng Aking Presensya ang inyong
kawawa, kulang sa sustansya at hungkag na mga kaluluwa. Palalakasin
kayo ng Presensyang ito sa paraang, pag nakasanayan nyo na Akong
tanggapin, at napaliban kayo, ay sa pakiramdam nyo’y kayo’y nawawala.

Maraming Kristiyano ang hindi pinapansin ang isa sa mga


pinakamahalagang pangakong ginawa Ko nang Ipako Ako sa Krus: na
Ang Presensya Ko ay iiral sa Tinapay at Alak, at mag-iiwan ng isang
permanenteng tatak para tulungang palusugin ang mga kaluluwa. Dahil
sa sobrang pangangatwirang pan-tao, itinanggi na rin Ako maging ng
mga Kristiyanong mabubuti ang kalooban. Ang mismong mga
Kristiyanong ito ay hindi pwedeng tumanggap sa Banal na Eukaristiya sa
Tunay na Anyo nito. Ang Kabanal-banalang Eukaristiya ay ibinigay sa
inyong lahat

bilang isang dakilang Kaloob para sa inyong katubusan at kaligtasan. Sa


pagtanggi sa katunayang Ako ay Naroroon, ang ibig sabihin nito ay
inaalis nyo ang inyong karapatan sa mga espesyal na grasya, na bahagi
ng isang kasunduan para lalo Akong mapalapit sa inyong puso. Kung
maaalala nyo, nang mamatay Ako para sa inyo, ito’y para akayin kayo
tungo sa buhay na walang-hanggan at kaligtasan. Tanggapin nyo Ako
bilang Presensyang Buhay, at ang inyong mga kaluluwa ay magliliwanag
sa mga paraang hindi nyo pinaniwalaang pwedeng mangyari. Magbalik
kayo sa pagtanggap sa Aking Katawan at Dugo. Hayaan nyong pawiin
Ko ang inyong mga duda. Ito’y isa sa mga pinakamalaking pagkakamali
ng mga Kristiyano, na pinahindian nyo ang Aking pagpasok sa inyong
mga kaluluwa sa ganitong paraan. Ito’y napakasakit para sa Aking
Amang Walang-hanggan dahil sa Sakripisyong kinailangan para iligtas
ang inyong mga kaluluwa. Hayaan nyo Akong magdala ng Liwanag at
pagkain sa inyong buhay. Mas gugustuhin nyong tanggapin ang
Katotohanan ng Aking Mga Aral pagkatapos mangyari ang Babala.

Tandaan nyo ang ipinangako Ko noon sa Aking Huling Hapunan, na pag


kinain nyo ang tinapay at alak, ito’y magiging Aking Katawan at Dugo
para sa inyo. * Ang anupamang ibang interpretasyon ay binaluktot na ng
pangangatwirang pan-tao. Ngayon, unawain nyo na at tanggapin ang
Katotohanan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas, Jesucristo

*Para sa paliwanag tungkol sa Doktrina ng


Transubstantiation, paki-basa ang Mensaheng ibinigay
noong Biyernes, June 1, 2012 8:15 PM

“Pag nilalamon na ng antikristo ang lahat ng relihiyon, ang


tanging mga sandatang hindi niya makakayang labanan ay
ang Banal na Misa at ang Transubstantiation ng tinapay at
alak para maging Aking Katawan at Dugo, sa Banal na
Eukaristiya.” May mga natatanging grasyang ipinangako pag
tinawag si Jesus kahit sa isang araw lamang
Paano maisisiguro na ang inyong pamilya at mga kaibigan ay
makakapasok sa Langit

Biyernes, April 15, 2011 3:30 pm

Mahal Kong anak, natutuwa Ako at napakarami sa Aking mga mabubuti


at matatapat na mga alagad ay nagsasama-sama at nagkakaisa pag
Semana Santa, para parangalan ang Sakripisyong ginawa Ko para sa
lahat. Isang Sakripisyong paulit-ulit Kong gagawin kung ito ang
kinailangan para sagipin ang bawat isa sa inyo. Malalim ang Aking Pag-
ibig para sa bawat indibidwal sa mundo, na bawat isa’y nalikha sa
pamamagitan ng Banal na Loob ng Diyos Amang Walang-hanggan, ang
Maylikha ng sangkatauhan. Lahat kayo’y merong isang espesyal na lugar
sa Aking Puso, maging yung mga hindi nakakakilala sa Akin.

Kung kayo’y pinangakuan ng isang buhay sa Lupang ito na nag-aalok ng


kayamanan at kaligayahan, marami sa inyo ang susunggab sa
pagkakataong ito. Ganun nga kayo ka-desperadong busugin ang
pagnanasa ng inyong katawan. Kung ang mga tao naman ay pinag-
alukan ng Paraiso sa Langit, mahihirapan silang ipinta ito sa
isip. Nauunawaan Ko ito. Para sa maligamgam na kaluluwa,
kakailanganin niyang magkaroon ng makulay na imahinasyon para
ilarawan ang maluwalhating bagay na ito. Ang mga kaluluwa lamang na
makagagawa nito ay yung merong malakas na pananampalataya na
Merong Diyos. Ang kaisa-isang paraan para maintindihan ang alahas na
naghihintay sa bawat isa sa inyo ay ang palakasin ang inyong
pananampalataya. At ang kaisa-isang paraan para magawa ito ay ang
taimtim na manalangin para makita ang Katotohanan, ang Liwanag, ang
nagniningning na kinabukasang naghihintay sa lahat ng nagpaparangal
sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat. Mga mananampalataya,
kailangang ipagdasal nyo ang inyong mga kaibigan, asawa, kamag-anak,
magulang, kapatid na lalaki at babae, at mga anak na kokonti ang
pananampalataya. Ang Aking panalangin ng Divine Mercy, pag dinasal
nyo alang-alang sa kanila, ay magliligtas sa kanilang mga kaluluwa. Yan
ang Aking pangako ngayon sa inyo.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Gising na sa Katotohanan bago pa maging huli na ang lahat


Biyernes, April 15, 2011 11:00 pm

Mahal Kong anak, kailangang sabihin mo sa mundo na ang Aking


Kabanal-banalang Loob ay kailangang sundin, kung nais ng
sangkatauhan ng buhay na walang-hanggan. Marami mang naiaalok ang
mundong ito, hinding hindi nito mabubusog ang inyong
kagutuman. Kung hindi nga lang dahil sa mga kasalanan ng inyong
unang mga magulang na sina Adan at Eba, oo nga, naging posible nga
sanang mabuhay sa walang-hanggang kaligayahan nang walang mga
balakid sa inyong daan. Dahil ang manloloko ay nasa lahat ng dako,
hindi niya papayagan ni isa man sa inyo na ma-plano ang inyong buhay
papunta sa Akin. Tuso at sinungaling, walang-tigil niyang sisikaping
sigurunin na kayo’y mahulog sa kasalanan sa pamamagitan ng marami
niyang paraan ng pang-aakit. Pero mahihirapan talaga siyang targetin
kayo kung kayo’y nasa kalagayan ng grasya, na makakamit sa
pamamagitan ng Kumpisal at Banal na Sakramento. Ang Banal na
Rosaryo ay talagang napaka-epektibo laban kay Satanas dahil sa mga
kapangyarihang ibinigay sa Birheng Pinagpala, ang Aking Ina, ng Diyos
Amang Walang-hanggan. May napakalaking kapangyarihan siya kay
manloloko. Walang magagawa si Satanas laban sa kanya at alam ito ni
Satanas. Kung hahayaan nyong gabayan kayo ng Aking Banal na Ina
patungo sa mga grasyang maaari niyang ipamagitan alang-alang sa inyo,
hindi na kayo tatablan ng impluwensya ni manloloko.

Habang ang mga tao ngayo’y pinagsusumikapang makamtan ang


kaligayahan at kapayapaan sa Lupang ito, naghahanap sila ng sikretong
formula. Dito na sila gumugugol ng panahon sa pagsisikap na
matagpuan ang sikreto ng kaligayahan, materyal na kapakinabangan at
kapayapaan sa kanilang buhay. Nakakaisip sila ng mga bagong paraan,
mga ideya, na lahat ito’y pinalalaganap sa pamamagitan ng mga plano ng
pagpapayaman. Anumang pangangatwiran ang ibigay nila, na
karamihan sa mga ito ay nakaugat sa idealismong bunsod ng siyensya ng
kaisipan, hindi talaga pwedeng makamtan ang kapayapaan at
kaligayahan sa inyong buhay kung hindi kayo sumasampalataya sa Diyos
Amang Walang-hanggan. Siya lamang ang tanging Tagapagbigay ng
Buhay. Kung hindi kayo lalapit sa Kanya, magiging hungkag ang inyong
espirito. Yung ilan sa inyo, na gumugugol ng maraming panahon sa
pagsisikap na pabulaanan ang Aking Pag-iral, ay nag-aaksaya lang ng
panahon sa paghahabol sa mga pangarap na hindi kailanman
magkakatotoo. Ang katigasan ng inyong ulo na nagbubunsod sa inyo na
huwag kilalanin ang inyong Maykapal, ang Kataas-taasang Umiiral na
Siyang lumikha sa mundong ito, ay dadalhin kayo sa isang napakalalim
at walang-hanggang kadiliman. Maraming taong kagaya nyo, na
talagang sobrang nagsumikap na itanggi ang Pag-iral ng Diyos, sa buo
nilang buhay, sa pagkakalat ng kasinungalingang walang ganung Diyos
Ama. Malungkot mang sabihin, sila ngayo’y nasa kailaliman na ng
Impiyerno sa kanilang sariling kagustuhan. Huwag na huwag nyong
hahayaang mangyari ang ganito sa inyong mga kaluluwa; dahil yung mga
humahantong sa Impiyerno, ay nasusunog na parang sila’y nasa kanila
pa ring katawan. Ang lakas ng halakhak ni Satanas sa inyong
katangahan! Pag itinatanggi nyo ang Diyos, tinatanggihan nyo ang
inyong karapatang lumigaya magpakailanman. Ito rin ang walang-
hanggang kaligayahang hinahanap-hanap nyo sa mundong ito. Pero
hindi ito makakamtan sa Lupa.

Huwag na huwag kayong mamumuhay sa Lupa na parang ito na lamang


ang bahagi ng pagkabalangkas ng inyong pag-iral, dahil hindi
ganun. Ang inyong talagang tahanan ay sa Paraiso, kasama Ko.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Ano ang mararanasan nyo habang nangyayari ang Babala at
Panalangin para sa agarang kapatawaran

Sabado, April 16, 2011 10:00 am

Mahal Kong anak, bilisan mo ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol


sa Aking Mensahe, dahil ang Babala ay halos narito na sa
mundo. Sabihin mo sa mga kaluluwang ayaw manalangin, na isantabi
na nila ang kanilang kayabangan at disgusto, at lumapit na ngayon sa
Akin para humingi ng tawad. Dapat mong malaman na maraming
maraming kaluluwa ang hindi mananatiling buhay sa nalalapit na
pangyayaring ito. Marami sa mga kaluluwang ito ay talaga lang tamad,
at baka, sa kabila ng lahat, ay sumasampalataya sila sa Amang Walang-
hanggan, kaya iniisip nila na darating din ang panahon na aasikasuhin
nila ang kanilang mga espiritwal na paniniwala. Pero baka maging huli
na ang lahat.

Sabihin mo sa mundo na ang pangyayaring ito ang magliligtas sa


kanila. Maraming magsisisi habang nangyayari ang Mahiwagang
Karanasang ito. Makakadama sila ng nakakapasong pakiramdam, na
hindi naiiba sa nararamdaman ng mga kaluluwa sa
purgatoryo. Bibigyan sila nito ng pagkaunawa kung ano ang kailangang
pagdaanan ng mga kaluluwang hindi pa lubos na malinis, bago nila
masilayan ang Maluwalhating Liwanag ng Langit. Sa simple lamang na
pagtanggap na mangyayari nga ang pangyayaring ito, matatagalan nila
ito. Lumapit kayo sa Akin at sabihin: “Nawa’y akayin Mo ako patungo sa
Liwanag at Kabutihan ng Iyong dakilang Awa at patawarin ako sa aking
mga kasalanan.” at agad Ko kayong patatawarin. At pagkatapos ng
Babala, makakadama kayo ng isang malalim na kapayapaan at
kaligayahan sa inyong kaluluwa.

Ang mga kabataan ay nahihiyang magdasal

Maraming tao ngayon sa mundo ang ayaw magdasal. Lalo na ang


maraming kabataan na sa tingin nila ay nakakahiya at makaluma ito. Oo
nga’t sila’y may pananampalataya sa Diyos pero mali ang kanilang akala
na hindi kailangang magdasal. Hindi totoo ito.

Kinakailangan ito para makapasok sa Paraisong sobra nyong


pananabikan pagkamatay nyo. Pag kayo’y nanatili sa kasalanan, hindi
nyo matitikman ang maluwalhating kapistahang ito. Kapareho rin ng
ilan sa inyo na nagsisikap manatiling malakas, inaalagan ang katawan at
iniingatan kung ano ang kinakain para manatiling balingkinitan, ganito
rin nyo kailangang ihanda ang inyong kaluluwa. Pag hindi nyo
iningatang mabuti ang kondisyon ng inyong kaluluwa, manghihina ito at
magkukulang sa pagkaing kinakailangan para masiguro na ito’y nasa
perpektong kondisyon.

Panalangin para mapapagbalik-loob ang iba

Dahil sa kahinaan ng pananampalataya nung mga mananampalatayang


nasa mundo, kayong malakas ang pananampalataya ay may malaki
ngayong responsabilidad. Kailangan nyong dasalin ang panalanging ito
para mapapagbalik-loob ang iba.

“O Jesus, isinasamo ko, na sa iyong Dibinong Awa, ay takpan


Mo ng iyong Mahal na Dugo yung mga maligamgam na
kaluluwa, para sila’y magbalik-loob.”
Dasalin nyo ang maikling panalanging ito alang-alang sa mga taong sa
palagay nyo’y pinaka-nangangailangan nito.

Tandaan nyo, mga anak, ang Aking maluwalhating pangako. Ako’y


Magtatagumpay sa huli. Si Satanas, ang manloloko, ay hindi lang talaga
makakatagal. Hayaan nyo namang kayo’y Aking protektahan at Aking
isama. Huwag nyong ibibigay ang inyong kaluluwa kay Satanas. Mahal
Ko kayong lahat. Lagi nyong hingin sa Akin na palakasin ang inyong
pananampalataya araw-araw.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas

Hari ng Awa at Malasakit

Jesucristo

Kahit maliliit na mga Prayer Group ng Divine Mercy ay


makakapagligtas ng milyun-milyon
Sabado, April 16, 2011 10:45 pm

Mahal Kong anak, ang panahon para sa Babala ay nalalapit na at


ito’y mangyayaring simbilis ng kisap-mata. Lahat ay mapapatigil sa
kanilang pagkakatayo habang nasasaksihan nila ang Aking Dakilang
Awa. Ipanalangin nyo, una sa lahat, yung mga nasa kasalanang
mortal. Kailangan nila ang inyong mga panalangin, dahil marami sa
kanila ay babagsak na parang batong wala nang buhay dahil sa
pagkasindak pag nakita nila, sa pamamagitan ng Aking Mga Mata, ang
nakakakilabot at makasalanang mga kasamaang pinaggagawa nila. Ang
pananalangin ng Divine Mercy ay makakapagligtas ng milyun-milyon
kahit na ang nananalangin ay isa lang maliit na grupo ng tapat at
mapagmahal na mga alagad.

Hindi Kita bibigyan ng petsa, anak Ko, para sa Dakilang Pangyayaring


ito. Pero sinisiguro Ko sa iyo, anak Ko, na ang mundo ay dinatnan na ng
panahon, at habang ang kasamaan ay patuloy na lalo’t lalo pang
kumakalat sa buong mundo, gayundin naman ang Kamay ng Aking Ama
ay babagsak sa lahat ng dako. Hindi Siya basta na lamang tatayo at
papayagan ang masasamang makasalanang mga ito, na kasapi ni
Satanas, na puksain o hawahan pa ang Aking mga anak. Mahiya naman
yung mga makasalanang ang sarili nila ang kinalolokohan, na mahal Ko
pa rin sa kabila ng masamang bahid ng kanilang kasalanan. Hinihiling
Ko sa inyo na ipanalangin ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan,
ngayon na.

Dahil ang Babala ay mangyayari na, gayundin ang malalaking


kapahamakang pangkalikasan sasapit sa sangkatauhan. Panalangin na
lang ang sandata nyo ngayon, mga anak Ko, para mailigtas nyo ang
inyong mga sarili at ang sangkatauhan sa mga apoy ng Impiyerno. Sa
oras na matapos na ang Babala, ang kapayapaan at kaligayahan ay
lalaganap. At pagkatapos, ang pang-uusig ng New World Alliance ay
magsisimula na. Ang kanilang kapangyarihan ay hihina kung
magkakaroon ng sapat na bilang sa inyo na magpapalaganap ng
pagbabalik-loob at taimtim na mananalangin.

Huwag kayong matakot, mahal Kong mga alagad. Matalik kayong


sama-samang magtatrabaho para ipanalangin ang kaligtasan ng
sangkatauhan. At magliligtas kayo ng milyun-milyong kaluluwa habang
ginagawa nyo ito.

Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Plano ng New World Order na kontrolin ang inyong pera at


pagkain

Linggo, April 17, 2011 9:00 am

Mahal Kong anak, sabihin mo sa mundo na malapit na nilang


masaksihan ngayon ang ilang malalaking kapahamakang
pangkalikasan. Mangyayari ang mga ito sa pinaka-di-pangkaraniwan at
di-inaasahang mga lugar at sobra ang tindi ng mga ito. Ang
makasalanang asal ng tao ang nagdulot nito. Magsisi na, lahat kayo, at
tandaan nyo na ang malalaking kapahamakang dulot ng klima ay
gigisingin kayo sa inyong pagtutulug-tulugan at kawalan ng
pananampalataya. Nangyayari rin ang mga ito para bawasan ang epekto
ng masamang grupo ng mga pandaigdigang alyansa at ang kanilang
masasama at kalokohang mga gawain. Ang mga grupong ito, na
tatawagin Kong isang “new world government” na itinalaga na para
maglingkod, ay nagpa-plano nang lumitaw ngayon sa pamumuno ng
antikristo. Ang mga grupo ring ito ang nagpabagsak ng sistema ng
pagbabangko at ngayo’y wawasakin ang mga pera sa lahat ng dako. Ito’y
para ma-kontrol nila kayo.

Anak Ko, nang una Kong ibinahagi sa iyo ang Mensaheng ito, ilang
buwan na ang nakakalipas, akala mo’y kakaiba ang mga Mensaheng ito,
pero isinulat mo pa rin ang sinabi Ko. Ang buktot at masamang planong
ito ay matagal-tagal na ring pina-plano ng mga ahas na ito, na mga
alagad ni Satanas. Ang ilan sa kanilang mga tusong pakana ay
nabubunyag na, pero maraming tao sa mundo ang naniniwalang ang
mundo ay dumadaan lang sa isa pang krisis na pinansyal. Gising, lahat
kayo – ngayon din! Luminga-linga kayo at magmasid. Itigil nyo na ang
pagpapakahulugan na ang mundo ay dumadaan lang sa isang
depresyong pang-ekonomiya, dahil hindi ito totoo. Ang mga taong ito
ay kokontrolin ang bawat isa sa inyo sa pamamagitan ng isang
pandaigdigang pera at pagkakautang ng inyong bansa. Walang bansang
makakatakas sa kanilang mga kuko. Pakinggan nyo naman ang Aking
Salita. Ang inyong pera ay mawawalan ng halaga. Makakakuha lang
kayo ng pagkain at iba pang mga pangangailangan sa pamamagitan ng
“tatak”, ang ID na sinabi Ko na noon pa. Huwag, huwag nyo namang
tatanggapin ang tatak na ito dahil mawawala kayo sa Akin. Papatayin
kayo ng tatak na ito, hindi lamang sa pisikal na paraan kundi sa
espiritwal na paraan din. Huwag kayong pasasakop dito. Simulan nyo
nang planuhin ang inyong pag-iimbak ng pagkain, kumot, kandila at
tubig kung gusto nyong maiwasan ang pagtanggap ng tatak, ang tatak ng
halimaw.

Siya, ang antikristo, ang mamumuno sa New World Government na ito,


ay nag-aakalang mananakaw niya ang mga kaluluwa ng
sangkatauhan. Pero hindi niya ito magagawa. Kung paanong marami
ang mahuhulog sa kanyang impluwensya, gayundin ang Aking mga
alagad ay mananatiling tapat sa Akin, ang kanilang Diyos na
Tagapagligtas.

Para sa inyong lahat na pagtatawanan ang mga propesiyang ito, makinig


kayo ngayon. Magpasakop kayo sa pandaigdigang kapangyarihang ito at
kayo’y mawawala. Mangangailangan kayo ng malakas na
pananampalataya para kayo makapanatiling buhay. Tutugunin ang
inyong mga panalangin. Poprotektahan Ko kayo sa loob ng nakakatakot
na panahong ito sa Lupa. Maghanda na kayo ngayon para sa pagsasama-
sama sa pagbuo ng mga grupo, kung saan makakapagdasal kayo nang
payapa at palihim. Sila, ang New World Order, ay mananalangin din sa
loob ng kanilang masasamang simbahan. Meron nang mga ganitong
simbahan sa lahat ng dako, pero palihim nila itong itinayo. Nagdiriwang
sila ng mga sakripisyo at pinararangalan nila ang kanilang diyos na si
Satanas. Laganap na ngayon ang mga kultong ito, at lahat ay nakikiisa sa
iisang kalokohang pakay – ang kontrolin ang sangkatauhan. Gagawin
nila ito sa pagtatangkang kontrolin ang inyong pera, pagkain at
enerhiya. Labanan nyo sila sa pinaka-epektibong paraan – sa
pamamagitan ng panalangin at pagpapalaganap ng pagbabalik-
loob. Ipanalangin nyo rin ang mga nalinlang na mga taong ito, na
pinangakuan ng malaking kayamanan, teknolohiya, mas mahabang
buhay at mga milagro. Maling-mali sila! Talagang naloko sila. Makikita
lang nila ang katotohanan pag nahulog na sila sa kailaliman ng
Impiyerno at huli na ang lahat.

Manalangin, dasalin nyong lahat ang Aking Divine Mercy at ang Santo
Rosaryo, araw-araw, nang pinakamaraming beses na inyong magagawa,
para mabawasan ang epekto

ng tuso at maka-demonyong planong ito.

Ipanalangin nyo rin yung mga kaluluwa ng mamamatay sa nalalapit na


pandaigdigang kapahamakang pangkalikasang idudulot ng Kamay ng
Diyos Ama. Kailangan nila ang inyong mga panalangin. Pakinggan nyo
naman ang aking paghingi ng mga panalangin dahil tutugunin ang mga
ito.

Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Poot ng Diyos ay babagsak sa New World Order

Linggo, April 17, 2011 7:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, malaki ang dalamhati Ko dahil kailangan


Kong sabihin sa iyo ang nalalapit na malalaking kapahamakang dulot ng
kalikasan, na magdudulot ng malaking bilang ng mamamatay sa Asia,
Europe, Russia at Estados Unidos. Ang Poot ng Diyos, ang Aking Amang
Walang-hanggan, ay mabilis na babagsak sa Pandaigdigang Alyansang
ito na nagpaplano ng mga sikretong organisasyon na magdudulot ng
kamatayan sa iba pang natitirang mga bahagi ng mundo, para sa
kanilang sariling kapakinabangan. Sila ang may kagagawan ng mga
paglikha ng mayayamang bukirin at bagong teknolohiya, na sisilaw at
magpapahanga na sana sa inyo, kung hindi nga lang napakasama ng
kanilang mga pakay. Ang mga taong ito, mula sa bawat bansang first
world, ay mayayaman, makapangyarihan, matatalino; kontrolado nila
ang mga bangko, sandatahang lakas, mga pandaigdigang organisasyong
makatao, pulisya, mga gobyerno, mga nagnenegosyo ng enerhiya at ang
midya. Wala ni isa sa inyo na makakaligtas sa kanilang mga kuko kung
hindi Ko sasabihin sa inyo kung paano. Panalangin, lalo na ang
pagdarasal ng Divine Mercy, ang magpapalaganap ng pagbabalik-loob, at
sa pagdarasal ng Santo Rosaryo, pahihinain nito ang gawain nitong
masasamang linta na ang diyos ay si Satanas. Ang nakakagulat dito ay
ito. Marami sa mga panatikong ito na nabitag ng mapanlinlang na sapot
na ito, ay naniniwalang sila’y nagiging ambisyoso lamang, na may
natural na paghahangad sa kayamanan, at wala silang kahit anong
relihiyosong pananalig. Ang hindi nila alam ay sila’y niloloko na ni
Satanas at iniimpluwensyahan sila nito araw-araw, sa kanilang mga
kaisipan, adhikain, salita at gawa. Napakabulag nila!

Kung saang lugar sila nagsasama-sama, doon babagsak nang may


nakakatakot na lakas ang Poot ng Diyos. Parating na ito. Mapipigil sila
pero mangangailangan ng konting panahon. Hindi sila lubusang
mapipigil, pero mapapahina ang nakakakilabot sanang epekto ng
kanilang mga gawain. Ang Santisima Trinidad ay kumikilos na ngayon
at nakikipag-usap sa mga piniling kaluluwa sa buong mundo. Napansin
na ito ng mga mananampalataya. Yung mga hindi sumasampalataya sa
Diyos Ama, ay aakalaing ang mga taong ito ay mga baliw lamang na
nagsasabing matatapos na ang mundo. Oo nga’t maraming tao sa
mundo ngayon na pwedeng magsabi ng hindi totoo, pero huwag nyo
naman sanang bale-walain sila nang hindi muna pinakikinggan ang
kanilang sasabihin. Lagi kayong manalanging kayo’y gabayan sa
mahirap at nakakalitong mga panahong ito. Lagi nyong ituon ang
inyong pansin sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas. Hahawakan
Ko kayo sa kamay at tutulungan Ko kayo sa pinagdaraanan nyong mga
pagsubok na ito. Maraming tao, pag nasaksihan na nila na nangyayari
na ang mga propesiyang ito, ay nalilito at sobrang natatakot sa
maraming pagkakataon. Pero walang dapat ikatakot dahil ang panahong
ito ay magiging maikli lamang. At pagkatapos ay darating na ang Bagong
Langit at Lupa, kung saan kayong lahat ay mamumuhay nang payapa,
matagal at masaya kasama Ko.
Pagdami ng mga taong magbabalik sa Diyos Ama at hihilingin sa Kanya
na sila’y gabayan, paghina naman ng epekto ng masamang paghaharing
ang New World Order ang nag-plano. Hayo na sa kapayapaan.
Manalangin kayo para palakasin ang inyong pananampalataya sa Akin.

Ang inyong Maawaing Tagapagligtas at Makatarungang Hukom

UL 11 09 13 Ang Imoralidad na Sekswal ay magdadala sa


inyo sa Impiyerno

Martes, April 19, 2011 11:50 pm

Anak Ko, habang ang mundo ay nahahati sa iba’t ibang bahagi – yung
mga namumuhay nang simple at maayos, ang ilan sa kayamanan at
kapayapaan, at yung mga pinapahirapan ng karukhaan at karamdaman o
mga biktima ng giyera, at yung mga nasa poder – lahat ay manghang
masasaksihan ang magkakaparehong mga pangyayaring malapit nang
dumating.

Maraming makakakita sa malalaking kapahamakang pang-kapaligiran


bilang Kamay ng Diyos. Ang iba naman ay sasabihing ang mga ito
ay isang palatandaan ng pangwakas na panahon; at ang iba pa ay
sasabihing lahat ng ito ay may kinalaman sa global warming. Pero ang
pinakamahalaga ngayon sa panahong ito ay maunawaan ito: Ang
kasalanan, kung ito’y lalaganap sa lebel na hindi pa naaabot hanggang
ngayon, ay magdudulot din naman ng pagkawasak ng inyong maayos na
pamumuhay.
Pero kung umaabot na ito sa lebel na nararanasan at nasasaksihan nyong
lahat sa mundo ngayon, makakasiguro na kayo na ang malalaking
kapahamakang ito ay gawa na ng Kamay ng Diyos.

Ang Diyos Amang Walang-hanggan ay tumugon at kumilos na nang


ganito. Ngayon, habang nalalapit ang panahon na pupuksain na si
Satanas at ang kanyang mga alagad, mas marami pang kaguluhang
pang-kapaligiran ang pakakawalan ng Diyos, sa Kanyang Awa. Gagawin
Niya ito para pigilin si Satanas at ang kanyang masasamang tau-tauhan,
na naglalaway sa pinananabikang kayamanan at kaluwalhatiang
ipinangangako niya sa kanila sa pamamagitan ng kanyang
kapangyarihang pang-kaisipan.

Si Satanas ay nagtatanim ng masasamang kaisipan at pagkilos sa mga


kaluluwa na dahil sa kahinaan ay inilalantad nila ang sarili sa kanyang
mapang-angking kapangyarihan. Ang ganung mga tao ay may
magkakaparehong mga katangian. Sila’y makasarili, naloloko sa
makamundong mga ambisyon at kayamanan, at adik sa lisyang
sekswalidad at kapangyarihan. Sa Impiyerno silang lahat mapupunta,
kung magpapatuloy sila sa pagsunod sa pagluwalhati sa antikristo, na
malapit nang iladlad ang sarili sa mundo.

Maraming inosenteng tao ang hindi naniniwala kay Satanas, sa


antikristo, o maging sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat. Kaya
nagbubulag-bulagan sila. Gayunpaman, nagtataka sila kung bakit ang
mismong lipunang ginagalawan nila ay bumagsak na. Hindi nila
naiintindihan ang nakakatakot na bilis ng pagbagsak ng tradisyunal na
pamilya. Isinisisi nila ito sa mga sakit ng modernong lipunan. Ang hindi
nila alam ay ang pangunahing target ni Satanas ay ang pamilya. Alam
niya kasi, na pag ang pamilya ang nawasak, ay wasak na rin ang
lipunan. Alam na nga ito ng marami dahil halatang-halata na ito sa
mundo ngayon. At tingnan nyo ang imoralidad na sekswal. Magtataka
kayo kung paano nahawahan nang ganito kabulok na karamdaman ang
lipunan. Minsan pa, ang hindi nyo nalalaman ay si Satanas ang may
kagagawan ng bawat akto ng malaswang imoralidad sa
mundo. Samantalang yung ilan sa inyo ay abalang-abala sa mundo ng
malisyoso at lisyang sekswalidad at pang-aabuso sa iba, at ikakatwiran
nyo pa na ang mga ito ay aliwan at kung minsan pa nga ay
pinagkakakitaan – dapat nyong malaman na ang mga ito ang magiging
pasaporte nyo sa walang-hanggang apoy ng Impiyerno.

Sa bawat bulok na aktong sekswal na inyong salihan, kahit nasa espirito


na lamang kayo, masusunog pa rin ang inyong katawan na parang
katawang-tao, magpakailanman. Ang bawat parte ng inyong katawan na
inyong abusuhin sa pamamagitan ng kasalanang mortal, yun ang
parteng pinaka-masasaktan sa apoy ng Impiyerno. Bakit nyo ito
gugustuhin? Marami sa inyo, mga kawawa at nalinlang na mga
kaluluwa, ay hindi nyo alam na hindi pa kailanman sinabi sa inyo ang
Katotohanan, ang Katotohanang merong Langit, Purgatoryo at
Impiyerno. Marami sa Aking mabubuting-loob na mga sagradong
alagad ng Mga Simbahan, ay hindi binigyang-diin ang Mga Aral na ito sa
napakahaba nang panahon. Mahiya naman sila! Umiiyak Ako sa
pahirap nila dahil marami sa kanila mismo ay hindi talaga naniniwala sa
Impiyerno. Kaya paano nila maipapangaral ang kilabot na
Impiyerno? Hindi nila magagawa, dahil marami ay pinili ang madaling
kasagutang: “Ang Diyos ay laging Maawain. Hindi Niya kayo kailanman
papupuntahin sa Impiyerno. Di ba?”

Ang sagot ay hindi – hindi Niya gagawin. Totoo yun kasi hindi Niya
kailanman magagawang talikuran ang Kanyang mga anak. Pero ang
totoo nito, ay maraming maraming kaluluwa, na nakulong na sa
kasalanang mortal na naakit silang gawin, ay naa-adik na sa kanilang
mga kasalanan, na paulit-ulit nilang ginagawa. Nalalagay sila sa ganung
kakapal na kadiliman – na nakasanayan na nila ang kanilang sariling
imoralidad – kaya patuloy pa nilang pinipili ang kadiliman kahit sila’y
patay na. Hindi na sila maililigtas pag nagkaganun. Pinili na nila ang
daang ito sa pamamagitan ng kanila mismong malayang loob – na isang
Kaloob mula sa Diyos, na hindi Niya maaaring panghimasukan. Pero
magagawa ito ni Satanas. At ginagawa nga niya.
Piliin nyo ang buhay na gusto nyo, ang daan ng buhay tungo sa Diyos
Amang Walang-hanggan papunta sa Langit, o si Satanas na manloloko,
sa apoy ng walang-hanggang Impiyerno. Wala nang iba pang mas
malinaw na paraan para ipaliwanag ang resulta sa inyo, mga anak
Ko. Mahal Ko kayo at may Malasakit Ako sa inyo, kaya kailangan Kong
ituro sa inyo ang Katotohanan.

Pakay ng Mensaheng ito na medyo takutin kayo, dahil kung hindi Ko


naman ipapakita sa inyo kung ano ang mangyayari sa kanila, hindi Ko
ipinapakita ang Aking Tunay na Pagmamahal para sa inyong lahat.

Panahon na para harapin ang kinabukasan, hindi lamang para sa iyong


sarili, kundi para rin sa iyong mga kaibigan, pamilya at mga mahal sa
buhay, na naiimpluwensyahan mo sa pamamagitan ng iyong asal. Ang
asal ay nanganganak ng asal. Sa kaso ng isang inosente, maaaring hindi
mo sinasadya pero inaakay mo na rin sila sa daan tungo sa walang-
hanggang kadiliman dahil sa kamangmangan.

Ingatan mo ang iyong kaluluwa. Ito’y isang Kaloob mula sa Diyos. Ito
lamang ang maaari mong dalhin sa susunod na mundo.

Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo
Maging matatag laban sa mga pag-atake ni Satanas

Miyerkules, April 20, 2011 5:45 pm

Anak Ko, ang iyong pananampalataya ay patuloy na sinusubok oras-oras


sa maghapon, na pinipilit ka ng mga taga-labas na bale-walain ang Mga
Mensaheng ito. Lagi itong mangyayari. Panahon na para makasanayan
mo ang pahirap na ito. Ngayo’y nakakasiguro ka, higit kailanman, na
ang Mga Mensaheng ito ay totoo at nagmumula sa Akin, ang Diyos na
Tagapagligtas ng Sangkatauhan, na si Jesucristo.

Nalulungkot Ako, lalo na pag nakikita ko ang mga mananampalataya, na


ganun na lang nalinlang ni manloloko kaya binabale-wala nila ang Aking
Kabanal-banalang Salita pag ibinibigay ito para masaksihan ng mundo.

Anak Ko, mas malaki ang kakayahan mo ngayon na bale-walain lahat ng


boses na nagsasabing sila’y nagsasalita nang may awtoridad, na ibinigay
sa kanila mula sa Langit. Maraming pekeng propeta sa mundo ngayon,
at hindi sila yung sinasabi nilang ganun sila. Tanging ang Aking Tinig
lamang ang pakinggan mo, gaya nang sinabi Ko na noon pa. Hindi mo
kailangan ang pag-apruba ng iba para ituloy ang Sagradong Gawaing
ito. Darating ang panahon na ang mga aklat ng Mga Sagradong
Mensaheng ito ay makikita kung ano talaga ito. Huwag na huwag kang
bibigay sa panunukso ng mga nalilinlang na mga kaluluwa, na
nagsasabing sila’y sinabihan mula sa Langit, dahil hindi naman
ganun. Huwag mong pakinggan ang mga kasinungalingan ng
manlolokong si Satanas; anak Ko, gusto niyang ihinto mo ang Gawaing
ito at gagawin niya lahat para pigilan kang maisakatuparan ang Misyong
ito.
Manindigan ka na ngayon at magsalita nang may kapangyarihan ng
Espirito Santo, na ipinagkaloob na sa iyo, mahal Kong anak. Isa kang
sugo na pinili para dalhin, gaya ng nasabi Ko na, ang pinaka-
importanteng Mga Mensahe para sa sangkatauhan sa mga panahong
ito. Sobrang pinasasaya mo Ako sa ipinapakita mong lakas at tapang, sa
harap ng mga pag-atakeng tiniis mo sa mga kamay ni Satanas. Pero
tandaan mo, na dapat mong tanggapin ang Gawaing ito nang may
kababaang-loob na inaasahan sa iyo. Tanggapin mo Ako sa iyong
kaluluwa ngayon, araw-araw, para sa mas marami pang grasya. Mahal
Kita, anak Ko. Nagdiriwang ang Kalangitan dahil sa bilis ng iyong
pagtugon sa Aking Kabanal-banalang Loob.

Ang iyong Tagapagligtas

Jesucristo

Depensahan nyo ang karapatan ng inyong mga anak na


magkaroon ng Kristiyanong edukasyon
Sabado, April 23, 2011 12:05 am

Mahal Kong anak, ngayong araw ang panahon para sa lahat ng


sumasampalataya sa Pasyon ng Krus, para tumulong na ito’y pasanin
upang ang Aking Salita ay muling marinig sa mundo. Ipaalala nyo sa
kanila kung paano Ako namatay at kung bakit sinasagisag nito ang
kaligtasan. Tungkulin mo ngayon na ipaalam dun sa mga naliligaw, na
muli nilang buksan ang kanilang puso sa Katotohanan ng Aking Mga
Aral.

Manindigan na kayo ngayon at depensahan ang inyong mga karapatang


maging mga Kristiyano. Oo nga’t inaasahan Ko ang inyong pagiging
hindi istrikto – kung saan kailangan nyong irespeto ang mga pananaw ng
ibang mga pananalig – pero huwag na huwag nyo Akong iinsultuhin sa
paglalagay nyo sa inyong Kristiyanismo sa pangalawang
lugar. Mapanganib na doktrina ang ipagkakamali nyo ang pagiging hindi
istrikto, sa pagpapalit sa Katotohanan. Maging bukas kayo sa ibang mga
pananalig at tratuhin nyo nang pantay-pantay ang inyong mga
kapatid. Pero huwag kayong magpapapilit na isantabi ang inyong mga
paniniwala o ipagkait sa inyong mga anak ang karapatang magkaroon ng
Kristiyanong edukasyon. Maraming paaralang pinamamahalaan ng mga
Kristiyanong organisasyon ang sumuko na sa mga pamimilit na talikuran
na ang kanilang katapatan sa Akin. Maraming gobyerno na ang sinisikap
ipagbawal ang Kristiyanismo, sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng
mga bagong batas. Pero makikita nyo na yung ibang di-Kristiyanong
mga relihiyon ay hindi ganung kalupit tratuhin. Mas papaboran pa nga
ang kahit na anong relihiyon huwag lang ang Kristiyanismo. Ipaglaban
nyo na ngayon ang inyong pananampalataya. Ipanalangin nyo ang
pagbabalik-loob. Ipanalangin nyo na yung mga rehimeng sumisikil sa
inyong karapatang maging isang Kristiyano ay mas maging hindi
istrikto. Pag hindi natagalan ang ganitong mga paghihigpit, ang
ibubunga nito ay isang tuyot na mundo kung saan mas kokonti na lang
na mga Kristiyano ang magsasabuhay ng kanilang pananampalataya.
Pasanin nyo ang Krus mula ngayong araw, at magpakita kayo ng
halimbawa sa iba. Huwag na huwag nyong ikakahiya ang Krus.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo, Hari ng Sangkatauhan

Mangako kayo ng katapatan sa Aking Divine Mercy

Linggo, April 24, 2011 4:40 pm

Pinakamamahal Kong anak, natutuwa Ako at ang Aking mga anak ay


ipinagdiriwang ang alaala ng Aking Pagbangon. Importante ang taon na
ito dahil minanarkahan nito ang Bagong Panahon ng Kaliwanagan na
malapit nang magsimula sa mundo.

Ang Aking dakilang kaloob na Awa ay magdudulot ng malaking ginhawa


sa mga mananampalataya at lilikha ng isang malalim na kaligayahan sa
mga di-mananampalataya na magbabalik-loob. Pag nadiskubre nila ang
Katotohanan, gagaan ang kanilang kalooban at mapupuno sila ng
pagmamahal sa Diyos Amang Walang-hanggan at sa Akin, ang inyong
Diyos na Tagapagligtas. Maging ang mga di-Kristiyano ay mauunawaan
ang Katotohanan ng Aking Pag-iral. Sa wakas, lilikha ito ng malaking
tuwa at pagmamahalan sa mundo.

Ang Babala ay kailangang sundan ng panalangin

Pero importanteng tandaan ang isang mahalagang leksyon tungkol sa


Babala. Sa Dakilang Pangyayaring ito, lahat kayo’y hindi lamang
makikita ang inyong mga kasalanan kung paano Ko nakikita ang mga ito,
kundi mauunawaan nyo rin ang Katotohanan tungkol sa susunod na
buhay. Ang Pangyayaring ito ay kailangang sundan ng panalangin.

Malungkot sabihin, pero marami ang babalik muli sa kasalanan


pagkatapos. Ngayon na ang panahon para makapaghanda at maiwasan
ang sitwasyong ito sa pamamagitan ng pagdarasal ng Aking Divine
Mercy Chaplet sa bawat araw ng inyong buhay. Pag nakasanayan nyong
dasalin ang makapangyarihang panalanging ito, mapapanatili nyo ang
lebel ng inyong pagbabalik-loob at pananampalataya, na lalaganap sa
buong mundo pagkatapos.

Magdiwang, manalangin at magpasalamat kayo sa Akin, ang inyong


Diyos na Tagapagligtas, para sa dakilang Awa na ito. Lumuhod at
magparangal sa Diyos Ama, para sa Kaloob na siyang Aking
Sakripisyo. Ang panalangin ay makakatulong na bawasan ang tindi ng
pag-uusig ng Pandaigdigang Alyansang New World, na susunod. Kung
magiging sapat ang bilang nyo na mananatiling tapat sa Akin, sa Aking
Mga Aral, at magpapatuloy sa pananalangin at sa pagtanggap din ng Mga
Sakramento, mababago nyo ang takbo ng mga pangyayari, na susunod.

Ang lakas ng Aking Divine Mercy! Napakarami pa rin sa inyo ang hindi
nakakaunawa sa kahulugan nito. Malungkot sabihin, pero marami ang
hindi pa man lang nakakarinig nito.
Yung ilan sa inyo na tapat sa Akin ngayon, kailangan Kong hingin ang
napaka-espesyal na pakiusap na ito sa inyo. Ayaw Kong makita ni isa
man sa Aking mga anak na mawawasak. Ito ang dahilan kung bakit ang
Babala ay ibinibigay sa inyo. Ipapakita nito sa bawat isa sa inyo, pati sa
mga ayaw maniwala sa inyo, kung ano ang mangyayari sa Pangwakas na
Paghuhukom. Kaya para matulungan nyo Ako na magligtas ng lahat ng
kaluluwa, gusto Ko na kayo’y mangangako ng inyo mismong regalo para
tulungan Akong makakuha ng mga kaluluwa.

Lumikha kayo ng mga Divine Mercy Prayer Group sa buong mundo at


gamitin nyo ang Panalanging ito para sa lahat ng kakilala nyo na malapit
nang mamatay, dahil gagarantiyahan Ko ang kanilang kaligtasan pag
ito’y ginawa nyo.

Magtipun-tipon na kayo, Aking bayan. Sumunod kayo sa inyong


Tagapagligtas. Manalangin kayo sa paraang hindi nyo pa nagawa
kailanman, at mas maraming kaluluwa ang maliligtas. Sa ganun, lahat
kayo’y magiging bahagi ng Bagong Mundo na ipinangako Ko, pag
nagsanib na at naging iisa ang Langit at Lupa. Ang maluwalhating
kinabukasang ito ay para sa inyong lahat. Sa halip na matakot sa
malaking pagbabagong ito, buksan nyo ang inyong isip, puso at kaluluwa
sa malaking kaligayahang darating. Kung magsasama-sama kayo para
maging isang malaki at makapangyarihang grupo sa buong mundo, sa
bawat bansa, sa bawat pamilya, sa bawat simbahan at sa bawat
komunidad, makakagawa kayo ng malaking kaibhan.

Ang inyong mga panalangin ay makakatulong para pigilin ang malaking


bahagi ng pag-usig na mangyayari gaya ng nai-propesiya na. Kaya bilang
pagrespeto sa Akin, ang inyong Laging-nagmamahal na Tagapagligtas,
sumunod na kayo ngayon sa Akin.
Nabubuhay Ako sa bawat isa, sa bawat isa sa inyo. Alam Ko ang
nilalaman ng inyong puso’t kaluluwa. Pag ibinigay nyo ang inyong
pangako ng awa para sa inyong mga kapwa, tatanggap kayo ng espesyal
na mga grasya.

Ang inyong Diyos na Hari ng Awa at Makatarungang Hukom

Jesucristo

Papagbaliking-loob nyo ang iba sa bawat pagkakataon

Linggo, April 24, 2011 8:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, importante ang araw na ito dahil ang Aking
pagbangon mula sa mga patay ay katuparan ng Aking mga pangako sa
tao, na sa Aking pagbangon, tutulungan Kong maitaas kayong lahat
tungo sa Liwanag ng Langit. Bangon na, lahat kayo, at lumapit sa Akin
at sa inyo mismong kaligtasan.

Mga anak Ko, kailangan nyong papagbaliking-loob ang iba sa bawat


pagkakataon. Habang mas nagpapaliwanag kayo at mas nagpapakita
kayo sa mga mahinang kaluluwang yun, ng pagmamahal sa inyong puso,
makakamtan ang pangwakas na resulta pag napapagbalik-loob nyo ang
isang kaluluwa. Pauulanan Ko kayo ng malalaking biyaya. Ito’y isang
napaka-espesyal na Regalo mula sa Akin at isang akto ng dakilang awa
naman sa inyong parte.

Ang pagbabalik-loob, mga anak Ko, ay magliligtas ng mga kaluluwa. Pag


nagkaroon ng isang pagbabalik-loob, kakalat ito sa mga kaibigan at
kakilala ng taong nagbalik-loob. Ang pagbabalik-loob ay
nagpapalaganap ng pagbabalik-loob. Kahit na pagtawanan pa kayo, o
tratuhin kayong parang nagsasabi ng kalokohan. Kinakailangan ang
tapang sa parte nyo, mahal Kong mga alagad na tapat sa Akin. Pero sa
bawat pagkakataong itaguyod nyo at ipaliwanag ang Aking Mga Aral sa
iba, makikinig ang mga tao. Kung may ilan mang pa-umis-umis lang at
mukhang hindi kayo siniseryoso, marami namang buong-pusong
pakikinggan ang inyong sasabihin.

Pag ang Espirito Santo ay nagtatrabaho sa pamamagitan nyo habang


ginagawa nyo ang inyong trabaho, ang tumatanggap ay makakaramdam
ng isang batak sa kanilang puso. Pero hindi nila alam kung bakit. Sa
ganun, mapapalapit nyo sila sa inyo.

Magiging mabagal tumugon ang ilan. Pero maging pasensyoso


kayo. Unti-unti silang bibigay. Una muna’y tatanungin nila
kayo. Malamang ay tungkol ito sa kung tama o mali ba ang isang
bagay. Sa puntong yun magkaka-ugat ang pagbabalik-loob. Huwag na
huwag kayong susuko sa pagpapalaganap ng Katotohanan ng Aking Mga
Aral. Hindi ito kailangang gawin na parang nagsesermon. Maaari
naman itong gawin sa paraang napaka-simple at padaplis
lamang. Papagbaliking-loob nyo ang iba sa inyong pang-araw-araw na
buhay sa pamamagitan ng ordinaryong pakikipag-usap. Sa ganun, ang
mga tao ay magiging mas interesado.
Pero, mga anak Ko, masisindak kayo sa reaksyon ng ibang mga tao, lalo
na yung mga namumuhay sa pagtanggi at kadiliman. Ang pagtugon nila
ay magiging mabalasik at mapanghamak. Tatanungin kayo kung
talagang pinaniniwalaan nyo ang ganung basura. Pagkatapos ay kayo’y
mumurahin at iinsultuhin. Kikwestyunin ang inyong katalinuhan.
Susumbatan kayo, na kaya nyo binabalingan ang relihiyon, ay dahil sa
inyong personal na mga kagipitan. Mapapahiya kayo paminsan-minsan,
at maaaring mahirapan kayong depensahan ang inyong
sarili. Manahimik kayo sa ganung mga sitwasyon. At pagkatapos ay
magtanong na lang kayo paminsan-minsan.

Tanungin nyo yung ganung mga kaluluwa, “Bakit ganito ang


pakiramdam mo”? Habang dumarami ang inyong mga tanong sa kanila,
mas magsisimulang pag-isipan ng mga taong ito ang kanilang mga
sagot. Hindi nyo makukumbinsi ang bawat isa sa Katotohanan. Pero sa
bawat pagsisikap nyo, tataas kayo sa Aking Pagtingin.

Hayo na, mga Anak ko. Magpapagbalik-loob kayo sa Ngalan Ko at


pagkakalooban kayo ng maraming maraming grasya.

Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang pag-aalsa ng mga Arabo ay magpapasiklab sa kaguluhang


pandaigdig – ang Italy ang siyang pagmumulan ng alitan
Martes, April 26, 2011 8:10 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang Aking Mga Luha, na tumutulo para sa


lahat Kong mahal na mga anak sa mundo, na pinahihirapan at mga
biktima ng karahasan at pang-aabuso, ay walang patid. Ang kawawa
Kong mga anak na minamahal, ay naghihirap sa lahat ng dako, sa buong
mundo, at lalo na sa mundong Arabo. Ang laki ng pagdurusa Ko dahil sa
pagdurusa nila, yung mga kawawa at walang kalaban-labang mga
kaluluwa! Ipanalangin mo naman sila, anak Ko, sa pamamagitan ng
pag-aalay ng iyo mismong pagdurusa para sa kanila.

Malungkot sabihin, pero ang mga kasamaang ginagawa sa mundong


Arabo ay magpapatuloy, habang mas marami pang mga bansang Arabo
ang masasangkot sa sunud-sunod na labanan. Ang panahon ng una sa
mga pagpatay na sinabi Ko sa iyo nung nakaraang Pebrero ay nalalapit
na. Ang pag-aalsa ng Mundong Arabo ay magpapasiklab, bagamat hindi
sa direktang paraan, sa bawat sulok ng mundo.

Ang Italy ang siyang pagmumulan ng alitan na magsasangkot sa mga


puwersang pandaigdig sa isang digmaan – hindi na maiiwasan ang mga
pangyayaring ito, pero makakabawas ng pagdurusa ang
panalangin. Ipanalangin mo, anak Ko, na ang mga tao ay lalapit sa Akin
at hihingi ng tulong at gabay sa panahong ito ng kaguluhan.

Ayaw Kong makitang nagdurusa ang Aking mga anak. Pero magdurusa
nga sila, hanggang sa ang Katotohanan ay mabunyag habang nangyayari
ang Babala. Ipanalangin mo na ngayon yung mga naliligaw na mga
diktador na pumapatay sa mga inosenteng kaluluwa.
Nananawagan Ako sa Aking sagradong mga lingkod sa buong mundo, na
tanggapin na nila na ang mga propesiyang ginawa sa Aklat ng
Pagbubunyag, ay nabubunyag na ngayon. Ikalat nyo ang Katotohanan
ng Aking Mga Aral at iligtas ang inyong kawan bago pa man maubos ang
panahon. Sige na. Gawin nyo na ang inyong tungkulin sa
Akin. Nananawagan Ako sa ilan sa inyo na nagpalabnaw ng Aking Mga
Aral, tumigil na kayo. Tingnan nyo ang inyong mga puso at sabihin sa
Aking bayan ang Katotohanan na hindi sila maaaring maligtas, at hindi
nga sila maliligtas, hanggat hindi sila humihingi ng tawad para sa
kanilang mga kasalanan. Kinakailangang sila mismo’y magpakumbaba
sa Aking Paningin at hilingin sa Akin ang Kaloob na Pagtubos.

Kayo, mga sagrado Kong mga alagad, ay kailangan nyo na ngayong


gampanan ang papel na pinili para sa inyo. Maging matapang
kayo. Ipangaral nyo ang Katotohanan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

UL 11 13 13 Ang Mga Tao ay nahihiyang hilingin sa Akin na


sila’y patawarin sa kanilang mga kasalanan

???Huwebes, April 28, 2011 11:00 pm


Pinakamamahal Kong anak, napaka-pambihirang paglalakbay ito para sa
iyo sa napakaikling panahon. Alam Kong pagod ka na ngayon. Pero ang
bilis ng pagtanggap mo sa Mga Mensaheng ito at paglathala sa
napakaraming wika, ay nagpapakita lamang na kailangangang kailangan
na ang mga ito. Ipinapakita rin nito ang Dibinong paggabay na
gumagawa sa pinaka-perpekto nitong anyo. Ang Mga Mensaheng ito,
bagamat puno ng Aking Mga Aral, ay ibinibigay talaga para ipaliwanag
ang kahalagahan ng paghahanda ng inyong kaluluwa sa buhay na ito,
habang magagawa nyo pa. Maraming tao, pag binasa ang Mga
Mensaheng ito, lalo na yung maliit ang pananampalataya sa Diyos
Amang Walang-hanggan, ay mababalisa ng mga ito. Marami ang
magbabalik-loob. Maraming matatakot para sa kinabukasan nila at ng
kanilang pamilya at mga kaibigan. Sabihin mo naman sa kanila na
mahal Ko sila. Kung mabubuksan muna ang kanilang isip sa
katotohanang meron ngang Diyos, magiging handa sila para sa -
ikalawang yugto. Doon sila mag-iisip-isip kung bakit kaya nagkaroon pa
ng ganitong komunikasyon. Bakit si Jesucristo, ang bugtong na Anak ng
Diyos Amang Walang-hanggan, ay gagawa ng ganung ka-pambihirang
mga hakbang? At pagkatapos ay matatagpuan nila ang napaka-linaw na
kasagutan. Ito ay dahil mahal Ko ang bawat isa sa inyo kaya gusto Ko
kayong muling sagipin. Gusto Kong maglambing sa inyong lahat at
gagawin Ko ang pinaka-pambihirang mga hakbang, mapalapit Ko
lamang kayo sa Aking Puso.

Gusto Kong hipuin ang inyong puso para magdiklap ang isang liwanag sa
inyong kaluluwa. Walang dapat ikatakot sa mundong ito kung
mananalig kayo sa Akin nang lubusan. Marami Akong napaka-
gagandang plano para sa inyong lahat na lalapit sa Aking Sagradong
Puso. Mga pinaka-mahahalagang Regalo ang naghihintay sa
inyo. Huwag nyong katakutan ang makamundong kaguluhan, dahil
poprotektahan Ko yung lahat ng sumasampalataya sa Akin at ibibigay Ko
ang mga pangangailangan ng inyong katawan. Manalig kayo sa Akin,
ang Panginoon ng Sangkatauhan, na minsan pang sinugo para iligtas
kayo sa kadilimang walang-hanggan. Lapitan nyo Ako gaya ng paglapit
ng inosenteng mga bata. Hindi na kailangang matuto ng mga panalangin
kung wala kayong alam. Oo nga’t napaka-makapangyarihan at talagang
makakatulong ang mga ito, pero ang hinihingi Ko lang talaga sa inyo ay
kausapin Ako na parang nakikipag-usap kayo sa isang
kaibigan. Relaks. Magtiwala kayo sa Akin. Hingin nyo ang tulong
Ko. Punung-puno at umaapaw na nga ang Aking Awa, na naghihintay
lang na ibuhos sa inyo. Kung alam nyo lang kung gaano kalaki ang
Malasakit Ko para sa bawat tao sa Lupa – maging sa mga
makasalanan. Alam nyo, ang mga anak Ko ay mga Anak Ko, kahit na
may dungis ng kasalanan ang kanilang kaluluwa. Kinamumuhian Ko
ang kasalanan pero mahal Ko ang tao. Napakarami sa inyo ang
natatakot humingi sa Akin ng tawad, nang paulit-ulit. Pero hindi kayo
kailanman dapat mabahala. Kailanman. Kung kayo’y talagang nagsisisi,
kayo’y patatawarin.

Ang kasalanan, mga anak Ko, ay laging magiging isang problema sa


inyong buhay. Kahit ang Aking pinakatapat na mga alagad ay
nagkakasala, at paulit-ulit pa. Isa itong katunayan. Nang pakawalan si
Satanas sa mundo, lumaganap na ang kasalanan. Marami ang sobrang
nahihiya para lumapit sa Akin. Itinutungo nila ang kanilang ulo at
nagbubulag-bulagan na lamang pag umasal sila nang masama. Sa sobra
nilang kayabangan at kahihiyan, nagpapatuloy sila na parang ang
kasalanan ay malilimutan na lamang. Ang hindi nila alam ay ang
kadiliman ay umaakit ng kadiliman. Kaya pag kayo’y nagkasala, mas
madali nang magkasala muli. Pag piniringan nyo ang inyong
konsyensya, ang sunud-sunod na pagkakasalang ito ay paikot-ikot na
lang. At pagkatapos, ang makasalanan ay gagawa ng lahat ng dahilan
para bale-walain ang masamang gawain. Patuloy silang mahuhulog,
palalim nang palalim, sa paikot na sistemang ito. Dahil hindi sila
marunong humingi ng tawad. Dahil hindi nila naunawaan ang
kahalagahan ng kababaang-loob, akala nila’y imposibleng lumapit sa
Akin para sila’y mapatawad.

Alam nyo, hindi naman komplikadong humingi sa Akin ng tawad. Hindi


nyo kailanman Ako dapat katakutan. Hinihintay Ko ang bawat isa sa
inyo na may tapang na kondenahin ang inyo mismong mga
kasalanan. Pag nakaugalian nyo na ito, bibigyan kayo ng mga
pambihirang Kaloob. Matapos ikumpisal ang inyong mga kasalanan,
mapapapunta kayo sa kalagayan ng grasya. At sa pagtanggap nyo ng
Banal na Eukaristiya, makakadama kayo ng isang bugso ng kasiglahang
ikagugulat nyo. Sa puntong yun, at sa puntong yun lamang, kayo
makakatagpo ng tunay na kapayapaan.

Walang makakatinag sa inyo. Magiging malakas kayo hindi lamang sa


inyong kaluluwa. Ang inyong isip ay magiging mas panatag at mas
kontrolado. Haharapin nyo ang buhay nang may iba at mas positibong
pananaw. Sinong hindi gugustuhin ang ganung buhay?

Magbalik kayo sa Akin, mga anak, sa mga panahong ito ng dalamhati sa


mundo. Hayaan nyong ipakita Ko sa inyo ang kaligayahang
napapasainyo pag kayo’y lumalapit sa Akin. Tandaan nyo, nag-alay Ako
ng Aking Buhay para sa inyo noon. Ang Aking Pagmamahal ay walang
kinikilalang hangganan. Tutugon Ako sa inyong tawag. Ang kailangan
nyo lang gawin ay humiling.

Ang inyong mahal at nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang kababaang-loob ay kinakailangan para makapasok sa


Langit

Biyernes, April 29, 2011 3:15 pm


Pinakamamahal Kong anak, ang kababaang-loob ay isang leksyon, na
lahat ng gustong pumasok sa Aking Kaharian ay kailangang matutunan.

Ang kababaang-loob ay nagpapahayag ng inyong kaliitan sa Aking


Paningin, kung saan, pinararangalan nyo Ako, ang inyong Tagapagligtas,
ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao. Kung wala nito, kayabangan
ang manghihimasok. Wala yung saysay, kung gusto nyong ituring ang
inyong sarili na angkop sa Aking Kaharian.

Sa mundo sa kasalukuyan, ang kababaang-loob ay hindi katanggap-


tanggap, sa isang panahong ang kakapalan ng mukha, at paghahangad
na mapagtagumpayan ang pag-unlad ng sarili nang nauuna sa iba, ay
itinuturing na katangiang dapat hangaan. Yung mga hindi nagtataas ng
sarili, o hindi kompiyansa at mayabang na umuunlad sa mundo, ay hindi
pinapansin. Ang kanilang katangiang kababaang-loob at pagka-
mapagbigay sa iba ay itinuturing na isang kahinaan – hindi sila dapat
pag-aksayahan ng panahon ni isali sa kanilang grupo. Pero ang
katangiang kabaligtaran ng kayabangan ang siyang susi para makapasok
sa Kaharian ng Langit. Kaya ang itinuturing na matagumpay na paraan
para makamtan ang susi sa kayamanan at salapi sa buhay na ito ay ang
mismong pamamaraan na magdadala sa inyo sa kadiliman pag kayo’y
namatay na.

Ang kababaang-loob, kung saan tinatanggap nyo, na kailangan nyong


paglingkuran ang inyong Maykapal at Maylikha una sa lahat, ang siyang
tunay na mahalaga. Sa pagpapahayag nyo ng inyong pagiging bale-wala,
ipinapahayag nyo ang Kaluwalhatian ng Diyos. Ang kababaang-loob ay
isang mabuting katangian, na hindi lamang mahalaga sa Aking Paningin,
kundi isa ring mahalagang bahagi ng inyong espiritwal na pag-unlad.
Ang ibig-sabihin nito’y pagpapahalaga sa iba bago ang inyong sarili para
sa Luwalhati ng Diyos. Pero napakadali at napakabilis mahulog sa
kalagayan ng kayabangan.
Babala sa mga kaluluwang pinili

Halimbawa, yung mga nagtrabaho nang husto para paunlarin ang


kanilang buhay-espiritwal para matuwa Ako.

At yung mapapalad na mga kaluluwa na binigyan ng mga Kaloob, na sa


Kapangyarihan ng Espirito Santo, ay ginagampanan ang papel na mga
bisyonaryo sa mundo. Kalimitan, pag nakamtan na nila ang mga
grasyang ito, unti-unti nilang itinuturing ang kanilang sarili na mas
espesyal kaysa kanilang kapwa. Ipinagyayabang nila ang mga Kaloob na
meron sila. At pagkatapos ay nagiging mapili na sila kung paano
ibabahagi ang Mga Kaloob na ito. Kaya naaapektuhan ng kanilang
pagluwalhati sa sarili, ang kanilang kakayanang maibigay ang
Katotohanan. Ang nakalimutan na nila ay lahat ng Kaloob na ibinigay sa
kanila ay nanggaling sa Akin. Mahal Ko ang bawat isa. Ibinigay ang Mga
Kaloob na ito sa kanila para ipamahagi. Kung paanong ibinibigay Ko ang
mga Kaloob na ito sa mga piniling kaluluwa para sa kapakanan ng iba,
ganun Ko rin pwedeng alisin ang mga ito.

Ang pagluwalhati sa sarili ay pinipigilan kayong sumunod sa Aking mga


yapak. Matuto kayong maging mababang-loob, pasensyoso at hindi
mayabang. Kung magsisikap kayong maging mababang-loob, bibigyan
kayo ng isang espesyal na lugar sa Aking Puso. Pinipili Ko man ang ilang
tao bilang mga hirang na kaluluwa, kailangan pa rin nilang ituring ito
bilang isang Kaloob. Huwag na huwag nilang iisiping mas importante
sila sa Aking Paningin, dahil mahal Ko ang bawat isa. Pero
gagantimpalaan Ko ang mahusay na trabaho pag ang kababaang-loob ay
ipinakita sa Akin at sa inyong kapwa.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo.
Ang mga tao sa buong mundo ay pare-pareho ang mga
katangian

Sabado, April 30, 2011 8:45 pm

Natutuwa Ako ngayong gabi, mahal Kong anak, dahiI sa paraan ng


pagsunod mo sa Akin. Ang pagsunod mo sa pagpunta araw-araw sa
Misa at pagtanggap ng Kabanal-banalang Eukaristiya, ay ikinalulugod
Ko. Nagiging mas malakas ka na ngayon sa isip at espirito para mabilis
na tumugon sa Aking Kabanal-banalang Loob. Marami ka pang dapat
gawin para ihanda ang iyong kaluluwa, anak Ko, tungo sa perpeksyong
kinakailangan sa iyo. Huwag na huwag kang matatakot dahil
ginagabayan Kita sa bawat paghakbang mo sa daan.

Anak Ko, ang laki ng pagmamahal Ko sa mga makasalanan, ang laki ng


pananabik Ko para sa kanilang katapatan sa Akin. Nagmamasid Ako at
nakikita Ko ang mga tao kasama ang mga kaibigan at pamilya, masaya,
may tawanan sa tahanan, at napupuno Ako ng tuwa dahil ang Aking
Espirito ay naroroon. At pagkatapos ay tinitingnan Ko ang iba pang mga
tahanan, at nakakakita Ako ng gulo, lungkot, galit at sa ilang
pagkakataon, kasamaan sa anyo ng pang-aabuso. At Ako’y
umiiyak. Dahil alam Ko na si Satanas ay naroroon sa bahay na yun. At
pagkatapos ay nagmamasid Ako at nakakakita ng mga grupo ng
magkakaibigan na sama-samang nagtatrabaho para sa kapakanan ng iba
sa kanilang pang-araw-araw na buhay, at Ako’y nasisiyahan. At
tinitingnan Ko naman ang ibang grupo na paspasan ang pagtatrabaho
para sa sariling kapakanan at iisa lang ang motibo. Yun ay magkaroon
ng malaking kapangyarihan at kayamanan. Lahat ng aksyon nila ay iisa
ang pakay – ang alagaan ang kanilang sarili. At kalimita’y sa
ikakapinsala ng iba. At Ako’y lumuluha dahil alam Kong sila’y nasa
kadiliman. At pagmamasdan Ko naman ang nakakatawag-pansing mga
intelihente at edukadong grupo na gustong kumbinsihin ang mundo na
ang Diyos na Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi
Umiiral. Nagsisisigaw sila sa galit at nagbibigay sila ng masalimuot na
mga pangangatwiran habang itinatanggi na rin nila Ako. Pag nakikita Ko
ang mga mananampalatayang maligamgam ang pananampalataya, na
nahuhulog sa yungib na ito ng kadiliman, ay nadudurog ang Aking
Puso. Ang daming grupo na iba’t iba ang pinagkakaabalahan, mga pakay
at layunin. Pero malungkot, dahil napaka-konti ang gumugugol ng
panahon sa pakikipag-usap sa Diyos Amang Walang-hanggan.

Nilisan na ng pananampalataya ang milyun-milyong tao sa mundo


ngayon. Ang resulta nito ay maraming tao ang nalilito, hindi alam kung
anong kanilang aadhikain, at hindi na naghahangad ng paggabay mula
sa Aking sagradong mga lingkod.

Ang ipo-ipo ng kalituhang ito ay magpapatuloy hangga’t hindi


tumatawag sa Akin ang Aking mga anak para sila’y
tulungan. Ipanalangin nyo ang lahat Kong anak sa lahat ng
dako. Luminga-linga kayo at makikita nyo, na lahat ng tao sa buong
mundo ay pare-pareho. Maaaring magkakaiba sila ng nasyonalidad,
nagsasalita sa iba’t ibang wika at iba’t iba ang kulay ng balat. Pero pare-
pareho ang kanilang mga katangian. Masaya ang ilan, nagdurusa ang
ilan, puno ng pagmamahal ang iba, at ang iba nama’y galit at
mararahas. Karamihan ay mabiro at nararanasan nila ito sa isang yugto
ng kanilang buhay. Kaya pag tiningnan nyo ang inyo mismong pamilya
at mga kaibigan, makikita nyo ang gayunding mga pagkakapareho.

Kaya kung sa palagay nyo ay kailangang ipanalangin yung mga


pinakamalapit sa inyo, hinihimok Ko kayo na isaalang-alang ang inyong
mga kapatid sa bawat sulok ng mundo. Lahat kayo’y Aking mga
anak. Sa pananalangin nyo ng Divine Mercy para sa lahat Kong anak sa
lahat ng dako, kayo, Aking mga alagad, ay masasagip nyo ang
sangkatauhan mula sa kadiliman ng Impiyerno. Ang kapangyarihan ng
panalanging ito ang siyang gagarantiya na ang Aking Awa ay tatakip sa
bawat tao sa buong mundo.

Hayaan nyong dalhin Ko kayong lahat sa Aking Paraiso. Huwag nyo


Akong pababayaang magdusa, pag kinailangan Kong pabayaan ang
sinuman sa inyo sa mga kamay ni Satanas.

Manalangin, Dasalin ang Aking Divine Mercy pagsapit


ng 3:00 P.M. araw-araw, at maililigtas nyo ang mundo.

Ang inyong Laging-Maawaing Jesucristo

Ang Russia at China ay maghahasik ng kaguluhan

Linggo, May 1, 2011 9:00 pm


Pinakamamahal Kong anak, sabihin mo sa mundo na ang mga
paghahanda ay nakakasa na para ihanda ang mga kaluluwa para sa
Bagong Paraiso sa Lupa, na ipinangako Ko na. Ang petsa ng Aking
Ikalawang Pagdating sa Lupa ay hindi para sa iyong kaalaman. Pero
makakasiguro ka naman na ang Aking mga pangako ay laging
matutupad. Walang makakapigil sa Aking dakilang Akto ng Awa para
tubusin ang sangkatauhan. Walang ganitong kapangyarihan si
Satanas. Siya, si manloloko, ay pupuksain, anak Ko, at hindi
makakatagal. Ang kanyang panahon ay napakaikli na. Binabalaan Ko
yung mga sumusunod sa kanya sa pamamagitan ng kasalanan, na
kokonti na lang ang kanilang pagkakataon para tubusin ang kanilang
sarili. Kailangan na nilang talikuran ang kasalanan kung gusto nilang
maligtas. Kayong mga alagad Ko na may miyembro ng pamilya o
matalik na kaibigan na sumusunod sa daan ng kasalanan, ay tungkulin
nyong sikapin at buksan ang kanilang mga mata sa Katotohanan.

Maghanda na ngayon para maiwasang tumanggap ng tatak ng


halimaw

Maraming mangyayari sa Lupa pati sa Langit, na babaguhin ang takbo


ng kasaysayan. Maghanda na, lahat kayo, sa panahong ito. Sinabi Ko na
sa inyo noon na magiging kokonti na ang pera kaya sikapin nyo namang
ihanda ang inyong pamilya para kayo’y makatagal, at hindi nyo
kakailanganing tanggapin ang tatak. Huwag nyo namang bale-walain
ang Aking mga kahilingan.

Ang mga Prayer Group ay napakahalaga na ngayon para protektahan nyo


ang inyong sarili at iligtas ang mundo sa pang-uusig ng mga
organisasyong pandaigdig – maging pulitikal man, pinansyal at mga
tinatawag na pang-karapatang pan-tao. Ang pakay nila ay magkaroon ng
kapangyarihan at kontrol sa inyo, mga anak Ko, bagamat marami sa inyo
ay hindi ito nakikita. Pero makikita nyo rin pagdating ng panahon. At
ang panahong yun ay malapit na. Simulan nyo na ang paghahanda para
makatagal kayo sa darating na panahon, at manatili sa pagdarasal, dahil
magbibigay Ako ng mga espesyal na grasya para sa proteksyon nyong
lahat. Huwag naman sana kayong matakot, dahil ang magiging
mahalaga na lamang ay ang inyong katapatan sa Akin.

Habang ang One World Order ay nagkakaroon ng kontrol sa Middle


East, mamamangha kayo sa dami ng mga bansang sasailalim sa kanilang
kontrol, sa dami ng inosenteng kaluluwa na naniniwala na ang mga
bagong rehimeng ito ay magbibigay sa kanila ng kalayaan. Pero hindi
mangyayari ito.

Ang Russia at China ay maghahasik ng kaguluhan

Pagmasdan nyo ngayon habang ang Russia at China ang nagiging


ikatlong samahan na maghahasik ng gulo. Malapit na malapit na, na
yung mga nagsuko ng kontrol ng inyong bansa sa mga grupong walang-
mukha na tinatrato kayong parang mga tau-tauhan,ay makikita na nila
ang kasamaan ng mga grupong pulitikal na ito, na hindi galing sa Diyos,
at tatangkain nilang idikta sa inyo kung paano mamuhay. Depensahan
nyo ang inyong sarili sa pamamagitan ng panalangin. Araw-araw at
oras-oras ay babawasan Ko ang inyong pagdurusa. Tanggapin nyo Ako
sa Banal na Eukaristiya at makakakuha kayo ng isang lakas na tutulong
sa inyo sa mga pambihirang lebel sa loob ng pang-uusig na ito.

Ako, si Jesucristo, ay hindi Ko nais na maging sanhi ng sobrang


pagkalito nyo sa inyong buhay. Pero hindi Ko magagawang tumayo na
lang sa isang tabi at hindi kayo babalaan tungkol sa mga pangyayaring
ito. Nang dahil sa Aking Awa, binibigyan Ko kayo ng isang pagkakataon
para maghanda; hindi lamang para sa inyong kabutihang espiritwal,
pero para sa mga hanapbuhay ng inyong pamilya. Para makaiwas sa
tatak, maghanda naman kayo nang buong ingat.

Ang Babala ay malinaw na makakabawas sa pang-uusig, dahil


napakarami ang magbabalik-loob. Manalangin, manalangin na ngayon
para sa ganap na pagbabalik-loob sa buong mundo, at sa pagbawas sa
anumang pahirap na mangyayari sa loob ng paghahari ng antikristo at ng
pekeng propeta.

Ang inyong mahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Si Satanas ay naghahasik ng kaguluhan sa mundo pero


mabibilang na ngayon ang kanyang mga araw

Miyerkules, May 4, 2011 8:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, kailangang-kailangan na ngayon na ang


mundo at lahat ng natutulog sa Katotohanan ng Aking Mga Aral ay
kailangang makinig sa Aking Banal na Salita. Habang magpapatuloy ang
paglaki ng gulo sa mundo, kailangan mong huminto ngayon para
pagnilayan ang Banal na Kasulatan – kung ano ang sinabi sa iyo tungkol
sa mga pagbabago, na masasaksihan sa Lupa pag ang kasalanan ay
nagpatuloy.

Maging yung mga nagdududa sa Pag-iral ng Diyos Amang Walang-


hanggan, o Ako, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, ay pati sila’y
makakasaksi sa kasalanang ginagawa araw-araw sa inyo mismong
paningin. Kung ito man ay nangyayari sa inyong pang-araw-araw na
buhay, sa dyaryo, radyo o TV, o Internet, mahirap itong hindi
mapansin. Maging yung ilan sa inyo na maluwag sa pagtanggap ng
kasalanan, ay nagugulat sa mga lebel ng kasamaang napipilitan kayong
masaksihan.

Anong nakikita nyo? Anong pinaka-nakakagulat sa inyo? Ang grabeng


karahasan ba na nakikita nyo sa TV, na pinapanood nyo sa
kaginhawahan ng inyo mismong tahanan? Ang mga pagpaslang kaya, na
isinasagawa at pinapayagan ng mga gobyerno sa ngalan ng hustisya? O
ang kabulukang ipinapakita ng malaswang pornography, na itinatanghal
bilang sining? O kaya’y ang mga kasinungalingang sinasabi ng
madadayang mandarambong sa likod ng sistemang legal, kung saan
nakakaya nilang bilhin ang kanilang kalayaan at di maparusahan? O ang
pagkasuklam na ipinapakita ng tao sa mga istrangherong nasasalubong
nila sa kalye? Ang malaking takot na nararamdaman ng mga
ordinaryong mamamayan sa kamay ng kanila mismong gobyerno? And
dami nang paglabag sa Mga Batas ni Moises, ng Mga Utos, na ginagawa
ngayon, kaya imposible nang maunawaan kaagad ang lahat. Naglaho na
ang batas at ang kaayusan. Ang pagmamahal at pagbibigay ng kapwa sa
kanyang kapwa ay mabilis na naglalaho. Maging yung Aking mga tapat
na lingkod, na kumikilos sa Ngalan ng Diyos, ay hindi na pinapastol ang
kanilang kawan.

Ang malaking gulong ito ay gawa ng hari ng panloloko, si Satanas, si


masama, na gagawin lahat para itago ang kanyang pagkakakilanlan sa
sangkatauhan. Isa siyang duwag, kaya ginagamit niya ang kanyang mga
kapangyarihang mang-akit. Huwag kayong magkakamali, dahil meron
siyang mga kapangyarihan, na ginagamit niya para wasakin ang
sangkatauhan. Pinaglalaban-laban niya, ang tao laban sa tao. Kapatid
laban sa kapatid. Kapwa laban sa kapwa. At lahat dahil sa iisang pakay,
ang mabilis na pagdadala ng pagkawasak sa pinakamaikling panahong
posible. Hindi niya kayo tatantanan sa walang-patid na pagpapahirap sa
inyo, mga anak Ko. Harapin nyo ang katotohanang nandyan
siya. Tanggapin nyo na siya nga’y umiiral. Para sa mga hindi
sumasampalataya, pag naunawaan nyo na lamang sa wakas na totoo nga
palang may Satanas, saka nyo na lamang malalaman ang katotohanan, at
ito ay ang Diyos Amang Walang-hanggan ay talaga ngang Umiiral.

Tandaan nyo lang na ang mga araw ni Satanas ay bilang na. Huwag nyo
siyang papapanalunin. Ipanalangin nyo yung lahat ng nasa mundo, nang
huwag silang mahulog sa patibong ng pagkamuhi na inilalatag niya para
bitagin ang mga anak ng Diyos. Kaya niya ito ginagawa ay hindi lang
dahil namumuhi siya sa inyo kundi namumuhi rin siya sa Akin, si
Jesucristo, at sa Aking Amang Walang-hanggan. Hindi siya
magpapahinga hangga’t hindi siya nakakagawa ng pinakamalaking
pinsala.

Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na ang kanyang lakas ay


mabawasan. Dasalin nyo lalo na ang Santo Rosaryo, dahil yun ang
panalanging dudurog kay Satanas.

Pagbalik Ko sa Lupa, tandaan nyo na iisa lamang ang daan patungo sa


kawalang-hanggan, at yun ang dapat nyong daanan patungo sa Akin.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
UL 11 14 13 Ang mga karahasan ng Pagpapako sa Akin sa
Krus ay hindi ibinunyag sa tao kung paano ito dapat sana
ibinunyag

Sabado, May 7, 2011 9:50 pm

Mahal Kong anak, kailangan mo na ngayong kunin ang Krus at tulungan


Akong pasanin ito sa paglalakbay na itinakda Ko para sa iyo. Mahal
Kong anak, talagang nagdusa ka nitong mga nakaraang ilang
linggo. Pinayagan Ko itong mangyari dahil inilapit ka nito sa Aking
Sagradong Puso.

Maraming kaluluwa ang tinatawag para ipahayag ang Aking Mga


Mensahe sa mundo. Ang kalidad ng pag-unawa ay nakabatay sa kusang-
loob na paglilinis ng kaluluwa. Sa madaling salita, kung ang kaluluwang
pinili Ko para ipahayag ang Aking Salita ay malinis, ang Mga Mensahe ay
mas magkakaroon ng dating. Mas matagal na titimo ang mga ito sa
kaluluwa. Ang mga ito’y magiging puno ng malasakit, pero ibubunyag
din ng mga ito ang Katotohanan sa puro at di-pinalabnaw na anyo.

Wala Akong panahon para sa mga kaartehan na inaasahan ng tao, na


sinanay na marinig ang Aking Salita sa partikular na paraan – yun bang
sobrang de-kahon na bersyon. Maging ang Aking Pasyon, ang Krus, at
ang mga karahasang pinaggagawa ng tao sa Aking Pagpapako sa Krus, ay
hindi ibinunyag sa mundo kung paano dapat sana ibinunyag ang mga
ito. Napaka-konti nyo, mga anak Ko, ang nakakaalam sa karumal-dumal
na pagtrato sa Akin, ang inyong Diyos na Tagapagligtas, sa mga kamay
ng tao. Ang trato sa Akin ngayon, na Ako’y nilalait, pinagtatawanan,
sinusumpa, binabale-wala at inaabuso, ay nakikita pa rin. Ang Aking
kamatayan ang nag-ayos ng daan para maligtas ang inyong mga
kaluluwa sa walang-hanggang hatol na kamatayan. Ganito pa rin ang
kaso ngayon. Huwag nyong itapon ang Kaloob na kaligtasan, dahil pag
hindi nyo tinanggap ang Katotohanan, hindi kayo maliligtas.

Pakinggan nyo ito. Ako ang Katotohanan. Ako ang Susi sa inyong
kaligtasan. Pag kayo’y malapit nang mamatay, binale-wala nyo man
Ako, ang Aking Mga Aral, itinanggi ang Aking Tunay na Pag-iral, lapitan
pa rin nyo Ako at humingi ng Pagtubos. Hindi kailanman magiging huli
na ang lahat para lapitan Ako at hilinging hawakan Ko kayo sa kamay at
magpaakay sa Akin tungo sa Makalangit na Kaharian ng Aking
Ama. Pero magagawa nyo lamang ito kung kayo’y nabubuhay pa sa
Lupang ito. Ito ang kaisa-isa nyong pagkakataon na kayo’y aalukin ng
buhay na walang-hanggan. Magiging huli na ang lahat pagkatapos.

Ang inyong minamahal na Diyos na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Espirito Santo ay ibinuhos na ngayon sa buong mundo

Martes, May 10, 2011 4:00 pm


Anak Ko, sabihin mo sa mundo na isang mahalagang Akto ng Aking Awa
ang nangyari ngayong araw, at ito’y ang Espirito Santo, na isa sa
pinakadakilang Mga Kaloob sa Aking mga anak, ay ibinuhos na sa buong
mundo. Ang Kaloob na ito ay kailangang-kailangan para tulungan ang
sangkatauhang maghanda para sa Babala. Puspos ng Kapangyarihan ng
Espirito Santo, ang Aking mga sagradong lingkod at mga alagad ay
mapapalakas nang husto sa kanilang pagmamahal sa Akin at sa Aking
Amang Walang-hanggan.

Ang Kaloob na buhay na ito, ay magbibigay ng panibagong sigla sa


inyong lupaypay at maligamgam na mga kaluluwa, na sumisigaw na
sila’y bigyan ng kaliwanagan. Nai-propesiya na ito, at lahat, pati na ang
mga makasalanang pinakamatigas ang puso, ay makikinabang.

Ang Aking Awa, gaya ng nasabi Ko na, ay walang kinikilalang


hangganan. Puspos na nga kayo ng espirito ng liwanag at kabanalan,
kaya kayo, lahat Kong alagad sa lahat ng dako, ay kailangan nang maging
matapang ngayon, at ipahayag ang Aking Salita sa lahat nyong
makakasalamuha. Huwag nyong papansinin ang paglait na maaari
nyong matanggap, dahil sobrang napakahalaga na ngayon para hindi
pansinin ang Aking mga hinaing para sa pagbabalik-loob.

Pakinggan nyo ngayon ang Aking panalangin para bigyan kayo


ng lakas ng loob na inyong kinakailangan.

“Puspusin mo ako ngayon, O Panginoon, ng Kaloob na


Espirito Santo para maihatid ko ang Iyong Kabanal-
banalang Salita sa mga makasalanan na kailangan kong
tulungang maligtas sa Ngalan Mo. Tulungan Mo akong
takpan sila, sa pamamagitan ng aking mga panalangin, ng
iyong Mahal na Dugo, upang sila’y mailapit sa iyong
Sagradong Puso. Ibigay Mo sa akin ang Kaloob na Espirito
Santo upang ang kawawang mga kaluluwang ito ay
makapagdiwang sa iyong Bagong Paraiso.”

Dasalin nyo ang panalanging ito araw-araw, matapos nyong dasalin ang
Aking Divine Mercy, at kayo, sa pamamagitan ng inyong katapatan sa
Akin, ay tutulong na mailigtas ang Aking mga anak.

Sagipin nyo Ako sa pahirap na dumudurog sa Aking Puso, habang


napakalungkot Kong pinagmamasdan kung paano tanggapin ang Aking
Banal na Ngalan sa mundo ngayon. Hindi pa sila makuntento na itanggi
na lamang Ako, maraming maraming kaluluwa ang nagagalit pa pag
kayo, mga alagad Ko, ay pinangahasan nyong banggitin kung ano ang
Aking ipinapanindigan. Galit na galit sila dahil binabaluktot ni
manloloko ang kanilang mga isip sa tusong paraan, para talikuran nila
ang Katotohanan. Tulungan nyo ang mga kaluluwang ito, lahat
kayo. Ipanalangin nyo at hilingin sa Akin ngayon, na bigyan kayo ng
lakas na kakailanganin nyo sa gawaing ito.

Mga espesyal na grasya para sa mga magpapalaganap ng


pagbabalik-loob

Para sa inyong lahat na nagpapalaganap ng pagbabalik-loob, mga


natatanging grasya ang ibibigay sa inyo at isang napaka-espesyal na
lugar ang ilalaan para sa inyo sa Kaharian ng Aking Ama. Hayo na at
hayaan ang Espirito Santo na mag-umapaw sa inyong mga kaluluwa para
tulungan Akong sagipin ang sangkatauhan.
Mahal Ko kayong lahat. Bawat isa sa inyo ay merong lugar sa Aking
Sagradong Puso. Wala ni isa sa inyo, pati na ang mga makasalanan, ang
iiitsa-pwera sa Aking laban para magligtas ng mga kaluluwa.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo, Hari ng Awa

Pansinin: Panghuling komento ng Ating Panginoong Jesucristo sa


bisyonaryo, na ibinigay sa wakas ng Mensaheng ito.

“Anak Ko, mahalaga ang pangyayaring ito. Magliligtas ito ng


maraming kaluluwa bago mangyari ang Babala at magpapatuloy
itong manatili sa mundo pagkatapos para tulungan ang mga
makasalanan na iwasan ang pag-urong. Nai-propesiya na ito, anak
Ko, at magandang balita ito. Pero kailangang magtrabaho nang husto
ang Aking mga alagad para tulungan Akong mamuno sa laban para sa
mga kaluluwa.”

Mensahe mula sa Birheng Maria tungkol sa proteksyon ng Mga


Santo

Miyerkules, May 11, 2011 10:30 pm


Anak ko, mas napapalapit ka na ngayon sa mahal na Puso ng aking
Anak. Naging mahirap ang iyong paglalakbay, pero nangyari ito sa loob
ng napakaikling panahon. Utos ito ng Diyos Ama, kaya ako sinugo para
sabihin sa iyo na ikaw ay tinawag para sa Gawaing ito. Kaagad kang
tumugon. Hindi ka nag-atubili pa. Dahil ito sa kapangyarihan ng iyong
pagmamahal sa akin, ang iyong Pinagpalang Ina. Ginabayan kita at
hinimok tungo sa napaka-espesyal na tawag na ito. Patuloy ka namang
lumapit sa akin, ang iyong mahal na Ina, araw-araw para sa pang-araw-
araw na paggabay. Lahat ng santo ay naglalakad pa ring kasama mo,
bagamat hindi mo ito alam. Kailangang tumawag ka kay San Benedicto,
San Jose, San Juan Ebanghelista, San Agustin at San Miguel, ang
Arkanghel, para bigyan ka ng tulong na iyong kailangan. Sobrang mas
malakas ka na ngayon, anak ko, kaya nagtataka ka. Ito’y dahil sa
pagsunod mo sa aking mahal na Anak, kaya tumatanggap ka ngayon ng
mga grasyang kinakailangan para sa espesyal na Dibinong Misyong ito,
na siyang dahilan kung bakit ka pinili.

Mahalagang dasalin ang Kabanal-banalang Rosaryo araw-araw dahil


poprotektahan ka nito laban kay masama. Itinalaga na si San Benedicto
para protektahan ka sa lahat ng oras laban sa mga pag-atake ni
manloloko. Ito ang dahilan kung bakit ang pinakamasasama ay nailayo
sa iyo. Manalangin ka sa kanya araw-araw, anak ko, para sa palagiang
proteksyong ito.

Tanggapin mo ang pagdurusang hinihiling sa iyo ng aking mahal na


Anak na si Jesucristo, dahil magliligtas ito ng di-mabilang na
kaluluwa. Ang iyong espesyal na regalo sa Kanya na iyong malayang
loob, ay hahadlangan ang milyun-milyong kaluluwa na pumasok sa mga
apoy ng Impiyerno. Lagi mong tatandaan kung ano ang nagagawa ng
iyong pagdurusa, at ang tuwang ihahatid nito sa Sagradong Puso ng
aking Anak.
Tinatamasa mo na ngayon ang espesyal na Kaloob na pagkakaisa sa
aking Anak. Habang mas nilulubos mo ang iyong pagsuko, nagpapakita
ka ng kababaang-loob at gumagawa ka ng higit pang sakripisyo, mas
matutulungan mo Siya sa gawain Niyang ito, na napakahalaga para sa
Kanya.

Magpasalamat ka, anak ko, at hiniling sa iyo na gawin ang sagradong


Gawaing ito, dahil kung wala ito, milyun-milyong kaluluwa ang hindi
maliligtas. Halika’t lumapit ka pa sa aking Puso at hayaan mo akong lalo
ka pang ilapit sa aking Anak. Poprotektahan kita at gagabayan sa lahat
ng oras.

Ang iyong minamahal na Ina

Reyna ng Kapayapaan

Lindol sa Europe ay nangyari ngayong araw gaya ng hinulaan

Miyerkules, May 11, 2011 11:00 pm


Pinakamamahal Kong anak, ngayong araw, ang lindol na sinabi Ko sa iyo
ilang buwan na ang nakakalipas, ay nangayari na sa Europe, sa Spain
ngayong araw. Ang iba pang mga pangyayaring pang-ekolohiya, na
binubuo ng isang bulkan, mga pagbaha at matinding init ng panahon, ay
susunod pa. Bantayan mo ang mga pangyayaring ito, dahil pag nangyari
nga ang mga ito, pinatutunayan nito na ang Mga Mensaheng ito ay
nagmumula sa Akin, si Jesucristo.

Ito, anak Ko, ang Kamay ng Aking Ama, Na malapit nang magpawala ng
kaparusahan sa mundo para tulungang mapuksa ang
kasalanan. Manalangin ka at patuloy pang manalangin para sa mas
marami pang mga pagbabalik-loob para mabawasan ang malalaking
kapahamakang ito.

Ang Aking mahal na Ina ay ipinaliwanag sa iyo ang ilang mahahalagang


bagay ngayong gabi. Ang pangangailangan ng araw-araw na panalangin
at Pagsamba ay mahalaga – nang pinakamaraming beses na magagawa
mo – dahil ito’y magdudulot ng malalaking resulta para sa iyo, anak Ko,
sa iyong Gawain. Magpahinga ka na. Pagod ka na. Kakausapin Kita
bukas. Hayo na sa kapayapaan.

Ang iyong Diyos na Tagapagligtas

Jesucristo
Bakit ang Diyos Amang Walang-hanggan ay nagsusugo ng mga
bagong propeta sa mundo

Biyernes, May 13, 2011 10:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, para sa mga nagdududa, lalo na ang Aking


mga sagradong lingkod, na maaaring itanggi ang Aking Salita sa
pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, ito ang gusto Kong sabihin sa
kanila.

Palakihin nyo ang inyong pananampalataya sa Akin sa pamamagitan ng


pagtanggap na ang Aking Salita ay ibinigay sa mundo hindi lamang
noong Aking panahon sa Lupa, kundi sa pamamagitan din ng
Kapangyarihan ng Espirito Santo pagkatapos niyon.

Mula pa sa simula, ang Diyos na Aking Amang Walang-hanggan, ay


nakikipag-usap na sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga propeta; sa
ganitong paraan ang Mga Aral ng Katotohanan ay itinuro sa tao para
siguruhin na ang kanilang pananampalataya ay mananatiling
malakas. May iba pang mga pagbubunyag at mga leksyon sa
Katotohanan na ibinigay din sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga
apostol, ng iba pang tapat na mga disipulo at sa pamamagitan ng
propetang si Juan Ebanghelista. Pagkatapos niyon, tama lamang na
ibigay ang Aking Mga Aral at lahat ng kailangan ng tao para maihatid
siya sa kaligtasan. Ngayong ang mundo ay nahaharap sa
pinakamalaking pagbabago sa kanyang kasaysayan, ang Diyos na Aking
Amang Walang-hanggan, ay nagsugo na ng mga bagong propeta sa
mundo. Ang mga propetang ito, huwag kayong magkakamali, ay hindi
naghahatid sa inyo ng mga bagong Aral, dahil hindi yun kailangan. Sa
halip, sinusugo sila para sa tatlong dahilan.
Ang una ay para ipagunita sa sangkatauhan ang Katotohanang
nakapaloob sa Aklat ng Pagbubunyag. Ang ikalawa ay para alertuhin ang
tao sa mga panahong pinagdaraanan niya, para mapagningas niyang
muli ang kanyang pananampalataya. Ang ikatlo ay para tumulong sa
pagpapalaganap ng pagbabalik-loob at nang sa ganun ay ang Aking mga
alagad ay makabuo ng pinakamalaking hukbo sa lahat, para magligtas ng
mga kaluluwa.

Nakikipag-usap Ako sa pamamagitan ng propetang ito at mga iba pa,


para ang Aking Salita ay marinig sa lahat ng sulok ng mundo.

Alalahanin nyo ang Aking Buong-buong Pag-ibig at Malasakit

Pakinggan nyong mabuti ang lahat ng Mensaheng ito, na hindi lamang


nagpapahayag ng Aking Salita gaya ng nalalaman nyo, kundi
nagpapakita sa inyo ng Aking Buong-buong Pag-ibig at Malasakit para sa
bawat isa sa inyo. Alalahanin nyo rin ang Aking dakilang Awa. Lahat ng
makasalanan ay patatawarin sa sandaling humingi sila ng pagtubos.

Kahalagahan ng Santo Rosaryo at Divine Mercy

Mangyayari nga ang mga kapahamakang pang-ekolohiya, pero sana’y


alalahanin nyo na ang panalangin, kasama na rito ang pagdarasal ng
Santo Rosaryo at Divine Mercy, ay tutulong para mapigilan ang malaking
bahagi nito.

Tandaan nyo, mahal Kong mga anak, na kayong mga sumasampalataya


sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan at sumusunod sa Aking mga
utos, ay walang dapat ikatakot. At hayaan nyo ring ipaalala Ko sa inyo
na dahil sa dalawang dakilang Mga Akto ng Awa na ibinibigay sa inyo –
ang Kaloob na Espirito Santo, na sumabog sa buong mundo ilang araw
pa lang ang nakakalipas, at ang Dakilang Babala, milyun-milyon ang
magbabalik-loob sa Katotohanan. Magiging napakalaking milagro nito,
at magdudulot ito ng sobrang kaligayahan sa napakaraming tao.

Ang Pang-uusig ng Pulang Dragon at ng mga hindi sa Diyos

Babangon nga si Satanas sa pamamagitan ng kanyang kawawa at


naliligaw na mga alagad na inaagaw niya sa Akin – ang kanilang kaisa-
isang pag-asa ng kaligtasang walang-hanggan – pero magiging maikli
lamang ang panahong ito. Magkaganun man, kailangan Ko kayong
balaan na ito’y magiging isang nakakatakot na panahon ng pang-uusig sa
pamumuno ng Pulang Dragon at yung mga grupong pulitikal, na hindi sa
Diyos. Sa pamamagitan ng panalangin at Mga Sakramento,
magkakaroon kayo ng lakas para matagalan ang mga pagsubok na
ito. Lahat ng pangyayaring ito ay nai-propesiya na at kailangang
mangyari ang mga ito, para tuluyan nang mabura ang kasamaan sa
mundo. Kaya kinakailangang ang paglilinis na ito at ang sunud-sunod
na pagpaparusa ay mangyari; dahil sa puntong yun lamang magiging
handa ang mundo para sa Bagong Paraiso sa Lupa.

Huwag na huwag nyong babale-walain ang Aking panawagan. Sa


panahong makita nyo, na ang mga propesiyang ibinunyag sa inyo ng
Aking mga piniling sugo ay nagsisimula nang magkatotoo, sa panahong
yun lamang nyo masisiguro na Ako nga ang nakikipag-usap sa inyo.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas

Jesucristo
Talikuran nyo ang gawa ng Espiritwalismong New Age

Linggo, May 15, 2011 5:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, nananawagan Ako sa lahat Kong alagad, na


kondenahin nyo ang gawain ng New Age Movement, na umakit na sa
buong mundo.

Ang Kristiyanismo ay laging pangunahing target ni Satanas. Napakatuso


nga niya, kaya lagi niyang pagtatangkaang akitin yung mga hungkag at
naliligaw ang mga kaluluwa. Lagi niyang tatangkaing ialok ang kanyang
mga kasinungalingan na pinagmumukha niyang pag-ibig. At pagkatapos
ay susubukan niyang kontrolin ang isip ng Aking mga anak sa
pamamagitan ng mga sinauna at paganong pamamaraan na ang pakay
ay palayain ang kanilang isip mula sa tinatawag na tensyon ng
modernong buhay. Mag-ingat yung ilan sa inyo na sumasailalim sa mga
gawaing diumano’y dinadala sa pagkalimot ang kundisyon ng inyong
isip, sa ngalan ng meditation. Pag hinayaan nyong ma-kontrol ang
inyong isip sa ganitong paraan, makakapasok si Satanas at ang kanyang
mga demonyo sa napaka-tahimik na paraan, kaya hindi nyo na ito
mamamalayan. Ganun kakinis ang pagpasok.

Iwasan ang mga sinaunang espiritwal na mga seremonya pati


na ang paggamit ng mga tarot card

Maraming, maraming kaluluwa sa mundo ang nagugutom sa paggabay


na espiritwal. Sa paghahangad nilang magkaroon ng kahulugan ang
kanilang buhay, wala silang kaalam-alam na nagpapaakit na pala sila sa
mga seremonya o gawaing pagano. Ang anumang pekeng pananalig, na
pinapapaniwala kayong ang kapayapaan ng inyong puso’t kaluluwa ay
makakamtan sa pamamagitan ng mga sinaunang seremonyang
espiritwal, ay kailangang laging iwasan. Matututo kayong kilalanin ang
mga ito kung ano talaga sila.

Ang paggamit ng mga crystal, meditation, reiki, yoga, tarot card,


paniniwala sa mga spirit guide, metaphysics at yung tinatawag na mga
faith healer ay para akitin kayong maniwala sa isang alternatibo at mas
mataas na pag-iral na hindi sakop ng nilikha ng Diyos Amang Walang-
hanggan.

Babala tungkol sa mga ascended master

Marami sa inyo ngayon, na walang-patid sa paghahanap ng


kaginhawahang espiritwal sa pagsubaybay sa inyong mga anghel, ay
kailangang maging alerto rin sa katunayan na pag ang salitang ascended
master ay binanggit, makakasiguro na kayo na ang mga anghel na ito ay
hindi nagmumula sa langit. Ang mga ascended master, mga anak Ko, ay
mga anghel na nagkasala at sila’y nanggagaling sa kadiliman. Pero
sasabihan kayo, at kukumbinsihin na sila’y mula sa liwanag. Lahat ng
ito’y paganong espiritwalismo. Pag pinapaghari nyo ito sa inyong buhay,
darating ang panahon na hihilahin kayo nito pababa tungo sa mga
kailaliman ng kadiliman kung kailan hindi nyo inaasahan. Si Satanas ay
magiging napaka-ingat kung paano niya iaalok ang madidilim na
kasinungalingang ito, dahil lagi kayong sasabihan, at paniniwalaan
naman nyo, na lahat ng ito ay mabuti.

Karamihan sa mga gawaing ito ay ihaharap bilang mabuti para sa inyong


pagpapahalaga sa sarili, kompiyansa, kontrol sa inyong buhay, at lahat
ng ito ay kasinungalingan. Ang mga gawaing ito ay hindi lamang kayo
inilalayo sa Katotohanan, kundi nagdudulot pa ito ng di-mabigkas na
paghihirap pag ang masasamang espirito ay pumasok na sa inyong
kaluluwa bilang direktang resulta ng mga gawaing ito.
Ang Biblia ay may babala tungkol sa magic

Ang Katotohanan ay hindi kailanman maaaring pakialaman. Ang Mga


Aral na ibinigay sa tao sa Banal na Biblia ay may babala sa sangkatauhan
tungkol sa mga panganib ng magic, panghuhula at pagsamba sa mga
pekeng diyos. Sa mundo ngayon, ang mga gawaing ito ay inihaharap
bilang di-nakakapinsala, pero kinakailangan para sa inyong kapakanang
espiritwal. Dahil sa kalikasan ng maaamong kaluluwa, likas silang
naaakit sa mga gawaing new age dahil sa pekeng mukha ng pag-ibig na
ipinapalabas nito. Ang layo nito sa Katotohanan.

Babala tungkol sa panatikong debosyon sa mga anghel

Tandaan nyo, si Satanas at ang kanyang mga anghel na nagkasala, ang


umakit sa inyo sa maingat at tusong paraan, sa mga kasinungalingang
hindi nyo pagsususpetsahan. Para sa ilan sa inyo na nagtataguyod ng
halos panatikong debosyon sa mga anghel, ito ang masasabi Ko. Bakit
hindi nyo muna ipahayag ang Salita ng Diyos na Aking Amang Walang-
hanggan? Di ba’t ang pagkalokong ito sa mga anghel ay isa rin lang anyo
ng pagsamba sa pekeng diyos? Oo, sige lang, manalangin kayo para sa
tulong ng mga banal na anghel, pero itanong nyo ito. Ang inyong bang
debosyon sa mga anghel ay nakakasira sa inyong pagmamahal kay
Jesucristo, ang Anak ng Diyos o sa Diyos Amang Walang-
hanggan? Kung ganun, sinasaktan nyo Ako, ang inyong Diyos na
Tagapagligtas na si Jesucristo.

Gumising na kayo sa mga kasinungalingan ng tinatawag na


espiritwalismo. Ang mga anghel na maaakit nyo sa pagsali nyo sa
ganung mga gawain ay hindi magmumula sa Langit o sa
Liwanag. Magmumukhang galing sila sa Liwanag pero yun ay panloloko
ni Satanas at ng kanyang mga demonyo para itago sa tusong paraan ang
kanilang mga kilos.
Tandaan nyo ang isang pangwakas na leksyon. Bihisan nyo ang inyong
mga paganong gawain hanggang sa gusto nyo para magmukhang ang
sinasamba nyo ay ang Dibinong Liwanag ng Langit, pero ito’y magiging
isang kasinungalingan. Ang kasinungalingan, at yung mga kinukumbinsi
nyo na sumama sa kalokohang paglalakbay na ito tungo sa isang
tinatawag na espiritwal na lugar na hindi sakop ng sa Aking Ama, ay
dadalhin kayo nang napakalapit kay Satanas, na pag lumampas pa sa
isang punto, ay wala nang balikan.

Ang tanging Makalangit na Kaharian ng Pag-ibig na umiiral sa labas ng


Lupang ito ay ang Langit. Ang anupamang sinabi sa inyo ay hindi
totoo. Pero si Satanas, gusto niya kayong papaniwalain na meron. Ang
totoo ay hinihila niya yung lahat ng walang kamalay-malay at
mapamahiing mga kaluluwa tungo sa kadiliman ng Impiyerno kasama
niya at ng lahat ng nagkasalang anghel, lahat ng ito sa ngalan ng pekeng
pag-ibig.

Tandaan nyo naman sana na ang Pag-ibig, ang Tunay na Pag-ibig, ay


maaari lamang magmula sa Diyos Amang Walang-hanggan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
UL 11 16 13 Kahalagahan ng Pag-aayuno at Pagtanggi-sa-
sarili

Lunes, May 16, 2011 11:30 am

Mahal Kong anak, sa wakas ay nalalaman mo na rin na kung wala Ako,


wala ka. Sa pamamagitan nga ng Aking mga grasya tumatanggap ka ng
buhay sa Kaharian ng Aking Ama. Kung wala ang Aking Presensya sa
iyong buhay, hindi ito magbubunga at wala rin itong saysay. Naku, kung
mauunawaan lang sana ng lahat Kong anak ang buhay na maibibigay ko
sa kanila, lalo na sa pamamagitan ng Sakramento ng Banal na
Eukaristiya! Dahil pag tinatanggap nyo lamang Ako sa inyong
marurupok na kaluluwa sa pamamagitan ng Dibinong Tinapay at Alak ay
saka nyo lamang talagang madarama ang Aking Pag-ibig. Palalakasin
kayo ng Pag-ibig na ito, hindi lamang sa inyong kaluluwa, kundi pati sa
inyong isip. Itataas kayo ng Aking Presensya para maging Aking tunay
na mga alagad. Ang Aking alagad na hindi Ako tinatanggap nang regular
sa pamamagitan ng Kabanal-banalang Sakramentong ito, ay magiging
parang sisidlan na kalahati lang ang laman. Kailangan nyo ang Aking
Katawan at Dugo, na ibinubo para sa inyong lahat, para puspusin kayo
ng Aking Tunay na Presensya. Dahil kung wala ito, hindi kayo
magkakaroon ng tunay na lakas para ipahayag nang lubusan ang Aking
Kaluwalhatian.

Mga anak, kailangan nyong maunawaan na ang paniniwala sa Aking


Pag-iral ay bahagi lang ng inyong espiritwal na
paglalakbay. Napakarami pang kailangan nyong maunawaan. Pag
tinanggihan nyo ang mga kasiyahan ng laman, saka lamang kayo
talagang magkakaroon ng kaganapan. Si Satanas nga ay kino-kontrol
ang tao sa pamamagitan ng mga tukso ng laman, kaya kayo naman, ay
dapat nyong pagsarhan siya ng pintuan sa mga kasiyahang maaari nyong
hanapin. Ang pag-aayuno ay isa sa mga pinaka-makapangyarihang
paraan para palayasin sa inyong kaluluwa si Satanas at ang kanyang mga
demonyo. Napaka-konti lang ang mga tao sa mundo na makakagawa ng
ganitong sakripisyo, gayung ito’y napaka-simple at hindi naman
makakasira sa inyong kalusugan. Isang araw na pag-aayuno sa isang
linggo ay magdadala sa inyo ng mga espesyal na grasya. Kung kayo’y
gagawa ng maliliit na sakripisyo para parangalan Ako, ang inyong Diyos
na Tagapagligtas, hindi lamang kayo magliligtas ng mga kaluluwa, kundi
magiging mas malapit din kayo sa Akin. Ang iba pang mga sakripisyo,
kung saan tinatalikuran nyo ang mga makamundong bagay, ay ilalapit
din kayo sa Aking Sagradong Puso.

Ang buhay, mga anak Ko, ay hindi lamang puro paghahangad sa mga
materyal na bagay, kung ang mga ito’y sobra-sobra na sa inyong mga
tunay na pangangailangan. Kung masisiyahan kayo sa mga simpleng
pangangailangan na lamang, at ilalaan ang inyong panahon sa Akin,
makakaranas kayo ng tunay na kasiyahan. Hindi lang yun, kundi sa
kauna-unahang pagkakataon sa inyong buhay, ay mauunawaan nyo ang
kahulugan ng tunay na kalayaan. Pakatandaan nyo, si Satanas ay
kinokontrol niya ang tao sa pamamagitan ng mga pagnanasa ng laman,
gaya ng pagkain, damit, sex, mga bahay, mga kotse, mga bakasyon,
maluhong pamumuhay, musika, alak at pag-idolo sa mga sikat na
tao. Kung tatanggapin nyo, na ang mga ito ay mga ilusyon lamang,
mauunawaan nyo na ang inyong panahon sa Lupa ay hindi dapat
aksayahin sa ganung mga walang-silbing layunin.

Ang inyong panahon sa Lupa, mga anak, ay bahagi lang ng inyong


paglalakbay tungo sa kawalang-hanggan. Ang buhay na ibang klase ay
magpapatuloy para sa inyo pagkatapos ng kamatayan. Maniwala man o
hindi ang tao, sa Diyos Amang Walang-hanggan, iiral pa rin ang kanilang
kaluluwa pagkatapos ng kamatayan. Ngayon pa lang ay hanapin nyo na
ang Liwanag, upang ang inyong kaluluwa ay magtamasa ng tunay na
kaligayahan magpasa-walang-hanggan, at isang marangal na lugar sa
Paraiso. Para nyo maabot ang ganitong lebel ng kabanalang espiritwal,
gumawa naman kayo ng mga sakripisyo ng laman habang kayo’y
nabubuhay pa sa Lupa. Ialay nyo rin, lahat ng inyong pagdurusa sa
buhay para sa mga nawawalang kaluluwa, at aani kayo ng mga
gantimpalang naghihintay sa inyo sa susunod na buhay.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Parangalan nyo ang Aking Ama

Miyerkules, May 18, 2011 5:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, pinanabikan Ko ang panahong ipinangako


mo sa Akin kahapon. Alam Kong napakarami mong gawain sa iyong
buhay, pero tandaan mo na Ako ang Buhay na Siyang dapat mong
hanapin higit sa anupamang pang-araw-araw mong gawain.

Panahon na para pagnilayan ng tao ang kanyang buhay sa


makatotohanang paraan

Ang panahon para ang sangkatauhan ay magnilay sa kanyang buhay sa


talagang makatototohanang paraan, ay dumating na. Lahat ng Aking
anak sa lahat ng dako, sa bawat sulok ng mundo, ay kailangan nang
itanong ito sa kanilang sarili. Naniniwala ba sila, o hindi, na ang Diyos
Ama ay umiiral? Habang palapit na nang palapit ang nai-propesiya nang
pangwakas na panahon, may ilang pagpipilian kayong dapat
gawin. Tinatangap nyo ba, mga anak Ko, na ang Diyos na Aking Amang
Walang-hanggan, ang lumikha sa inyo? Kung ganun, sagutin nyo ang
sunod na tanong. Gaano kahabang panahon ang ginugugol nyo sa
pasasalamat sa Kanya para sa Mga Regalong buhay, ang inyong
pamilya at mga kaibigan? Ang bahay na inyong tinitirhan? Ang inyong
pagkain? Kung wala kayong ginugugol na panahon, hindi kayo alagad ng
Katotohanan.

Pakitaan nyo ng respeto ang Aking Ama

Para sa inyo na sumasampalataya sa Diyos na Maylikha ng lahat ng


bagay, alam nyo ba na ang ang panalangin ay kinakailangan para kayo’y
makinabang sa susunod na maluwalhating buhay na plinano Niya para
sa inyo? Kausapin nyo Siya araw-araw. Magpakita kayo ng respeto na
nararapat sa Kanya, dahil pag hindi nyo siya pinansin, nagkakasala kayo
sa Akin. Yung lahat Kong tapat na alagad, Ako, ang inyong Diyos na
Tagapagligtas, si Jesucrito, Ako’y nananawagan sa inyo ngayon para
unawain nyo kung gaano ka-importante ang pagpaparangal sa Aking
Ama. Hindi ibinibigay sa Kanya ang atensyong nararapat sa
Kanya. Maraming tao ay inilalarawan ang Diyos Ama, na istrikto,
nakakatakot at galit. Ganun na lang ang inyong takot kaya iniitsa-pwera
nyo Siya. Kung alam nyo lang kung gaano Niya pinananabikan ang
inyong pagmamahal, ngayon din ay mapapaluhod kayo at
magmamakaawa sa Kanya na kayo’y Kanyang patawarin. Manalangin
naman kayo sa Diyos Ama. Kailangan Niya ang inyong
pagmamahal. Kailangan Niya ang inyong debosyon. Ang panalangin sa
Aking Ama ay nagdudulot ng napakalaking Awa. Pag hiniling nyo sa
Aking Ama na kayo’y Kanyang protektahan at sagipin, sa Ngalan Ko,
bihirang-bihira na tatanggihan Niya ang inyong kahilingang naaayon sa
Kanyang Kabanal-banalang Loob. Ang Diyos, na Aking Amang Walang-
hanggan, ay napaka-Mapagmahal, Mapagmalasakit, at ang katapatan sa
Kanya ay magdudulot sa mundo ng mga dakilang grasya at kaligtasan.

Manalangin sa Aking Ama para maiwasan ang mga pandaigdig


na kapahamakan

Manalangin kayo sa Aking Ama para maiwasan ang mga pandaigdig na


kapahamakan alang-alang sa Kanyang minamahal na Anak, at
pakikinggan Niya ang inyong mga panalangin. Napaka-konti na ng mga
Kristiyano ang tumatawag sa Kanya mismo para sila’y tulungan. Siya,
Na nilikha ang tao sa Kanyang Imahe sa napakamapagmahal na paraan,
ay kinalimutan na. Magpakita kayo ng parangal na kinakailangan na
ngayon, para tulungang maiwasan ang malalaking kapahamakang pang-
ekolohiya na mangyayari sa Lupa sa loob ng Malaking Pagsubok.

Hawak ng Aking Ama sa Kanyang Mga Kamay ang mundo. Pero ang
Kanyang mga anak, ay hindi na Siya pinararangalan ni sinasamba. Wala
na silang pakialam kung patuloy mang ninanakaw ni Satanas ang mga
kaluluwa at iisa lamang Kapangyarihan ang makakatagal
magpasawalang-hanggan, at yun ay ang Kapangyarihan ng Diyos. Sa
Kanyang Awa, pakikinggan Niya ang inyong mga sigaw ng paghingi ng
tulong. Tumawag naman kayo sa Kanya ngayon, lalo na sa mga
panahong ito ng malaking pagbabago.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Ang Anak ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat

Jesucristo
Responsabilidad ng Mga Magulang sa mundo ngayon

Huwebes, May 19, 2011 6:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang mundo ngayon ay bumigay na sa


malalim at lubos na kawalang-pag-asa dahil hindi ito naniniwala sa Pag-
iral ng Diyos Amang Makapangyarihan-sa –lahat. Maging ang maliliit
na bata ngayon ay masayang itinatanggi ang Kanyang Pag-iral. Yung
mga hungkag at matitigas na mga kaluluwa ay iniinsulto nila hindi
lamang ang Aking Amang Walang-hanggan, kundi binibigyan pa nila
Ako ng malaking pasakit.

Ang lalim na ng inyong kinahulugan, mga anak, na tuluyan na kayong


nawalan ng damdaming espiritwal, na nasa inyo noong kayo’y
ipanganak. Gaano kalayo kaya kayo dadalhin, sa palagay nyo, ng inyong
pagmamahal sa mundo at ang materyalismo nito? Yung ilan sa inyo na
naloloko sa kayamanan at mga kaginhawahan ng lahat ng
makamundong panghalina, dapat nyong malaman na ang mga ito’y
aalisin sa inyo bilang bahagi ng Paglilinis na darating.

Responsabilidad ng mga magulang

Bakit nyo itinuturo sa inyong mga anak na importante ang


materyalismong gawa ng tao, kaya naman napipinsala ang kanilang
maliliit at kawawang mga kaluluwa? Ang inyong pangunahing pakay ay
ituro sa inyong mga anak ang kahalagahan ng paglikha at pagpaparami
ng kayamanan. Bihira nyo silang turuan ng moralidad na kailangan nila
para makatulong sa mga responsabilidad pagtanda nila, gaya ng
pagpapakita ng respeto sa iba, pagkaalam sa kahalagahan ng katapatan,
at pagkakaroon ng pang-unawa para sa kanilang kapwa.
Malungkot sabihin, pero ang Aking mga anak ay tuluyan nang naligaw
sa espiritwal na daan na kinakailangan para marating nila ang
pangwakas na destinasyon. Wala ba kayong hiya? Kelan nyo pa
matututunan na ang pagkaloko nyo sa pera at lahat ng iniaalok nito, ay
magwawakas sa malaking kapahamakan? Pag nahubaran na lamang
kayo ng mga kaginhawahang ito na inyong pinananabikan, saka nyo na
lang makikita kung paano mag-isa.

Pakinggan nyo na Ako ngayon habang magagawa nyo pa. Unahin nyo
ang pangangailangan ng pamilya, dahil mabuti yun. Kalingain nyo
sila. Pero huwag nyo namang udyukan ang inyong mga anak na maging
mga alipin ng kayamanan at paghahangad ng kasikatan, dahil itutulak
nyo sila sa mga braso ni Satanas. Isinilang nga ninyo ang inyong mga
anak at binigyan nyo sila ng buhay sa pisikal na paraan, pero sila’y
Nilikha ng Diyos Amang Walang-hanggan, nang binigyan Niya sila ng
kanilang mga kaluluwa. Oo, sige, magpakita kayo ng responsabilidad
bilang magulang sa pagbibigay sa kanila ng kanilang mga
pangngailangang pisikal. Pero tandaan nyo na ang kanilang mga
kaluluwa ay nangangailangan ng pagkain. Ituro nyo sa kanila ang
Katotohanan ng Aking Mga Aral at ang kahalagahan ng pangangalaga sa
kanilang mga kaluluwa. Sa ganun nyo lamang maibibigay sa inyong mga
anak ang tunay na pagkain ng katawan at isip na kinakailangan nila para
mabuhay, at nang tamasahin naman nila ang buhay na walang-hanggan.

Ang inyong nagmamahal na Diyos na Tagapagligtas

Jesucristo
Pagkalito sa kahulugan ng Aking Ikalawang Pagdating

Biyernes, May 20, 2011 10:00 am

Pinakamamahal Kong anak, maraming tao ang nagtataka kung ano ba


talaga ang ibig sabihin ng Aking Ikalawang Pagdating, kaya hayaan mo
Akong magpaliwanag.

Pumarito Ako sa mundo sa unang beses para tubusin ang sangkatauhan


sa kadilimang walang-hanggan, at nang sa ganun ay makinabang siya sa
buhay na walang-hanggan. Ang Diyos Amang Makapangyarihan-sa-
lahat, dahil sa Kanyang Awa, ay sinugo Ako upang lahat ng Kanyang
anak ay magkaroon ng buhay. Dahil hanggang sa panahong yun, dahil sa
mga kasalanan nina Adan at Eba, ay hindi ito pwedeng
mangyari. Pumaparito Ako muli, at sa pagkakataong ito ay para
gantimpalaan yung lahat ng sumusunod sa Akin.

Nagkakaroon ng malaking kalituhan sa mundo tungkol sa pangyayaring


ito. Maraming tao ang naniniwala na ang Aking Ikalawang Pagdating ay
nangangahulugan na ang katapusan ng mundo ay dumating na. Hindi
ganun, dahil sa halip, ang ibig sabihin nito ay ang pangwakas na
panahon kung saan si Satanas at ang kanyang mga alagad, na lumilikha
ng di-mabigkas na paghihirap sa mundo, ay itatapon mula sa Lupa nang
1,000 taon.

Tungkol sa Bagong Paraiso sa Lupa


Ang Bagong Paraisong ipinangako Ko, ay mangyayari pag ang Langit at
ang Lupa ay nagsanib para maging isa na lamang. Ang bagong buhay na
ito na dinadala Ko sa lahat Kong tapat na alagad, ay puno ng
pagmamahal at kaluwalhatian. Pero kayo, mga alagad Ko, ay kailangang
magtiis ng maraming pagdurusa habang ang paglipat na ito ay
nangyayari. Para tulungang maihanda ang mundo para sa Dakilang
Pangyayaring ito, may dala Akong isang dakilang Kaloob ng Aking Awa
bago pa man ito mangyari. Ang Dakilang Babala, na magbibigay sa
bawat isa sa inyo ng pagkakataong makita ang inyong mga kasalanan at
kung paano Ako sinasaktan ng mga ito, ay bibigyan kayo ng kakayahang
makita ang Katotohanan. Pag nakita nyo na lamang ang bahid ng
kasalanang nasa loob nyo, saka nyo na lamang talagang mauunawaan
ang dalamhating Aking nararamdaman.

Isang sulyap kung ano ang mangyayari sa Pangwakas na


Paghuhukom

Hahayaan kayong lahat na maranasan ang dakilang Aktong ito ng Aking


Awa para bigyan kayo ng isang tunay na sulyap kung ano ang
mangyayari sa araw ng Pangwakas na Paghuhukom. Sa ganun,
binibigyan kayo ng magandang pagkakataon na muling magbalik sa
Akin. Alam nyo, minamahal Ko kayong lahat nang may damdaming
napakalalim at walang-sawa, kaya gagawin Ko ang lahat ng maaaring
gawin para iligtas kayo sa mga kuko ni manloloko.

Pero binabalaan Ko kayo, na pag-iibayuhin ni Satanas ang kanyang mga


pagkilos sa pamamagitan ng inyong mga kapwa para himukin kayong
talikuran Ako, kahit pagkatapos ng Dakilang Pangyayaring ito. Kailangan
nyo na ngayong buksan ang inyong isip, isantabi ang lahat ng
pangangatwirang pan-tao para tanggapin ang katotohanan ng inyong
pagkakaroon ng buhay sa Lupa. Lahat ng kasinungalingang binihisan ng
kaisipang siyentipiko at pangngatwirang pan-tao ay gagawin para pigilan
kayong tanggapin ang Katotohanan.
Ayaw ni Satanas, mga anak Ko, na kayo’y lalapit sa Akin. Ang hawak
niya na sing-higpit ng sipit, ay kailangang sirain, pero magagawa lamang
ito sa tulong ninyo. Huwag nyong hahayaang palabuin niya ang inyong
pagdidisisyon sa pamamagitan ng kanyang mga
kasinungalingan. Magiging napakahirap para sa inyo na bale-walain ang
kanyang mga pangangatwiran, panunukso at panlalait, dahil ganun siya
magtrabaho.

Si Satanas ay magtatrabaho sa pamamagitan ng ibang mga tao


para sirain ang loob nyo

Marami sa inyo ay hindi malalaman na ganito magtrabaho si Satanas sa


pamamagitan ng ibang mga tao na ang mga pananaw ay maaaring
inirerespeto nyo. Pero ganito mismo siya magtrabaho. Makikipag-usap
siya sa pamamagitan nung mga kawawang kaluluwa na naaakit sa
dilim. Sisiguruhin niya na ang kanilang isip ay sarado sa Katotohanan
ng Aking Kaluwalhatian at sa buhay na walang-hanggan na karapatan
nyong angkinin. Huwag na huwag nyong hahayaang maapektuhan ng
kanyang impluwensya ang pagmamahal nyo sa Akin. At tandaan nyo, na
hindi nga siya mananalo sa labang ito, kaya yung mga kawawang
kaluluwa na sumusunod sa kanya ay itatapon sa Impiyerno kasama
niya. Kung hinahangad nyo ang buhay na walang-hanggan, gamitin nyo
ang panahong ito sa Lupa para itakwil si Satanas habang magagawa pa
ninyo.

Paghaharian Ko ang Lupa nang 1,000 taon

Anak Ko, Paghaharian Ko ang Lupa nang 1,000 taon. Sinisiguro Ko sa


inyo, na Ako na ang namamahala sa mga pangyayari habang sumasapit
ang mga ito sa mundo. Naihanda Ko na ang daan para sa Aking Bagong
Kaharian sa Lupa, at malapit na ang panahong yun, mas malapit pa
kaysa akala ng marami. Magalak kayo, dahil ang balitang ito ay mainit
na tatanggapin ng lahat. Wawakasan nito lahat ng paghihirap sa
mundo. Papapagningasin nito ang isang bugso ng pagmamahal at
kaluwalhatian para pagsaluhan ng lahat Kong anak. Ang Paraisong ito
ay lampas sa inyong pang-unawa, pero pakinggan nyo ito. Ang bagong
buhay na ito ay magbibigay sa inyo, lahat Kong tapat na alagad, ng isang
buhay na walang pag-aalala.

Hindi kayo kukulangin sa kahit anong bagay. Lahat ay ibibigay


Ko. Bawat isa sa inyo na pipiliin ang Maluwalhating Kahariang ito ay
mamamangha sa Mahalagang Hiyas na naghihintay sa inyo. Ipanalangin
nyo na ngayon, na ang inyong mga kapwa ay imumulat ang kanilang mga
mata sa Katotohan ng Aking mga pangako, para sila rin ay makapasok sa
Bagong Buhay na ito sa Lupa.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Kapatawaran ang daan tungo sa kalayaan

Sabado, May 21, 2011 10:40 am

Anak Ko, kapatawaran ang daan tungo sa kalayaan. Pag pinatawad mo


yung mga nagkasala o nakasakit sa iyo, nagiging malaya ka sa
espirito. Sa pagkakataong yun, mapupuno ng tuwa ang iyong kaluluwa.
Nangangahulugan din yun na Ako’y nasa kalooban mo. Pag
nagpapatawad ka sa iba, ito’y isang palatandaan ng pag-ibig, hindi
lamang para sa iyong kapwa, kundi pag-ibig din para sa Akin na iyong
Diyos na Tagapagligtas.

Dapat nyo ring malaman na yung mga hindi sumasampalataya sa Akin,


pag pinatawad din nila ang iba, ay naroon Ako at lumalakad kasama
nila. Pero wala silang kaalam-alam na ganun yun.

Ang pagpapatawad ay pag-ibig. Ang pag-ibig ay walang katapusan. Pero


nagmamakaawa Ako sa inyo, mga anak Ko, na hayaan nyo Akong
patawarin kayo sa inyong mga kasalanan. Kung mahihiling nyo lang sa
Akin na gawin ito, hindi lamang kayo magiging malaya, kundi gugulatin
kayo ng pag-ibig at kaligayahang mararanasan nyo. Ang aktong ito ng
kababaang-loob ay bibigyan kayo ng kakayahang makipag-usap sa iba
nang may pagmamahal.

Magniningning ang inyong liwanag at espesyal ang magiging dating nyo


sa iba, pero hindi nyo ito mamamalayan, at sila’y ganundin. Ang Aking
Pag-ibig, pagkatapos mangyari ang akto ng pagtubos, ay aapaw sa inyong
kaluluwa. Ang inyong malinis na kaluluwa ay magiging parang isang
bato-balani na aakit ng inyong kapwa palapit sa inyo.

Ang magpatawad ng kapwa ay hindi madali, mga anak Ko. Kayabangan


at pagpapahalaga-sa-sarili ang humahadlang para mangyari ang
dakilang aktong ito ng awa. Kagagawan ito ni Satanas; dahil alam niya
na ang kawalan ng pagpapatawad ay naghahatid sa iba pang mas
malaking kasalanan sa Diyos Ama. Pag hindi nyo mapatawad ang iba,
una sa lahat, ay pinalalaki nyo ang inyong sama ng loob, na pag ito’y
nagnana, ay ito’y humahantong sa pagkamuhi at umaabot sa
pagpatay. Sa maraming pagkakataon, maaari itong humantong sa
giyera.
Kung ang mga tao sa lahat ng dako ay mapagbigay na nagpapatawad sa
isa’t isa, hindi magkakaroon ng pagkasuklam. Mababawasan ang
patayan. At ang pag-ibig – ang pag-ibig ng Diyos Amang Walang-
hanggan, ay lalaganap.

Matuto kayong magpatawad sa isa’t isa. Isantabi nyo ang kayabangan at


humingi kayo ng Aking Awa. Dahil pag may hiningi kayong isang bagay
ayon sa Aking Banal na Loob, pagbibigyan ang inyong kahilingan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Hari ng Awa, Jesucristo

Mga Bagong Pagbubunyag, Mga Baha sa France ngayong Tag-


init

Linggo, May 22, 2011 2:30 pm


Pinakamamahal Kong anak, ang pagbubunyag na ibinigay sa iyo noong
ika-18 ng Marso, 2011, nang hatinggabi, na magkakaroon ng pagputok
ng bulkan sa Iceland sa Mayo, ay nangyari na ngayon. Maaaring
magtaka ka kung bakit sobra kang nagulat nang mangyari ito gaya ng
nai-propesiya. Kaya magpapaliwanag Ako. Nawala man ang karamihan
sa iyong mga pagdududa tungkol sa katunayan ng Aking pakikipag-usap
sa iyo, may takot pa rin sa parte mo na hindi tama ang pagkaunawa mo
sa mga propesiya. Kailangan mo na ngayong tumayo nang may
kompiyansa at hayaan mong ibsan Ko ang iyong mga takot. Kumilos ka
na ngayon at ilathala, nang walang pag-aatubili, ang iba pang mga
pangyayaring ibinunyag Ko na sa iyo. Pag ginawa mo ito, mas maraming
tao ang makakaalam na Ako, si Jesucristo, ang Siya na ngayong
namamahala sa atensyong kinakailangan para makatulong sa pagliligtas
ng mga kaluluwa.

Pag ang mga propesiyang ito ay napatunayan, mawawala na ang


pagdududa sa mga puso ng Aking mga alagad tungkol sa katunayan ng
mga ito. Pero ang kaluluwang nagmamatigas, na ayaw maniwala at
laging may katwirang tugon pag nakita nila ang Katotohanan, ay hindi pa
rin makukumbinsi.

Mga Baha sa France, Mainit na Panahon sa Turkey

Pakinggan nyo na Ako ngayon. Magkakaroon ng mga pagbaha sa timog


ng France ngayong tag-init. Mainit na panahon naman ang tatama sa
Turkey. Ang iba pang mga pangyayaring pang-ekolohiya, na magdudulot
ng kaguluhan, ay lindol sa England (pero hindi kaagad) at may ilan na
tatama sa iba pang mga bansa sa Europe. Asahan ang pagtaas ng lebel
ng dagat sa Mediterranean, na ikakagulat ng lahat. Mararamdaman din
ang mga lindol sa Norway at South America. Anak ko, magbubunyag pa
Ako sa iyo ng iba pang mga pangyayari pero iisa lang ang motibo Ko. At
yun ay para mapapagbalik-loob ang Aking mga anak. Kung tatanggapin
nila, at pag tinanggap na nila na Ako ang nakikipag-usap sa kanila sa
pamamagitan mo, magdudulot ito sa Akin ng tuwa. Hindi Ko gustong
takutin ang Aking mga anak, pero patuloy na mas titindi ang mga
pangyayaring ito sa mundo bilang bahagi ng Malaking Kaparusahan na
nakaabang. Ang mga ito ay isang kinakailangang bahagi ng
pakikipaglaban kay manloloko.

Manalangin na kayo ngayon, mga anak Ko, at nang mabawasan at


maiwasan ang mga pangyayaring ito, dahil ang panalangin ay sobra-
sobra ang kapangyarihan bilang isang paraan para mapatawad.

Hayo na sa kapayapaan. Huwag kang matakot na ilathala ang mga


propesiyang ito, dahil ang mga ito’y mangyayari.

Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo
Jesucristo

UL 11 17 13 Bakit ganito Ako makipag-usap sa mundo

Lunes, May 23, 2011 09:45 am

Pinakamamahal Kong anak, panahon na ngayon na pagnilayan ang


Aking Sagradong Mga Mensahe at siguruhin na pinakamaraming bilang
ng mga makasalanan ang susunod sa mga ito.

Kailangang maging malinaw ito. Ang Mga Mensaheng ito ay ibinibigay


sa mundo bilang isang Regalo para tulungan kayong lahat para maligtas,
lahat Kong anak, kasama na yung mga sumusunod sa ibang mga daan
tungo sa Diyos Amang Walang-hanggan.

Ang mga tao, lalo na ang mga Katoliko, ay malilito pag hindi Ko sila
inilalagay sa unahan ng iba Ko pang mga anak na iba ang mga
pananalig. Ang pagpili Ko ng Mga Salita ay ginawa Ko para marinig ng
lahat at hindi lamang ng iilang pinili. Ang Aking Pag-ibig ay hindi
namimili. Yung mga kumikwestyon sa paraan ng pakikipag-usap Ko sa
sangkatauhan, pakinggan nyo na Ako ngayon.
Oo nga’t nauunawaan nyo, mga alagad Ko, na ang Katotohanan ay hindi
kailanman nagbago mula sa panahon na Ako’y Ipinako sa Krus, pero
dapat nyong malaman na kailangang ipaabot Ko ang Aking Pag-ibig sa
lahat ng anak ng Diyos. Walang sinuman na mas mabuti kaysa iba.

Anak ko, huwag kang tutugon o sisikaping depensahan ang Aking Salita
pag hinamon ka na ipaliwanag mo kung bakit Ako magsasalita sa
ganitong paraan. Ang Salita Ko ay Dibino. Hindi ito dapat baguhin o
palitan para ibagay sa mga nag-aakalang sila’y mga eksperto sa batas
pan-teolohiya; dahil ang Aking Salita ay kailangang ibigay sa mundo sa
wikang malinaw na maiintindihan ng sangkatauhan ngayon. Maraming
magtatanong kung bakit ang Mga Salitang ito ay hindi gumagamit
ng pananalita o mga pangungusap na kapareho sa ginamit ng Aking mga
propeta at apostol ng sinaunang panahon, at sasagutin Ko na sila
ngayon.

Tandaan nyo na ang Aking Mga Aral ay hindi kailanman


nagbabago. Kahit ano pang wika ang gamitin Ko ngayon para makipag-
usap sa isang makabagong paraan, ang Katotohanan ay nananatili pa
ring pareho ng dati, buo.

Mag-ingat kayo sa mga bisyonaryo o propeta na nagsasabing sila’y


tumatanggap ng mga mensahe mula sa Akin, at gumagamit ng
sinaunang wika o mga sipi mula sa Banal na Biblia; dahil hindi ito ang
paraang Aking gagamitin para kausapin ang sangkatauhan
ngayon. Bakit Ko gagawin yun? Para layuan Ako ng isang bagong
henerasyon, na walang alam sa wikang nilalaman ng Banal na Aklat ng
Aking Ama?

Ang pagiging simple ang susi, mga anak Ko, pag ipinapahayag ang Aking
Kabanal-banalang Salita. Tandaan nyo, pag tinuturuan nyo ang iba
tungkol sa Katotohanan ng Aking Pag-iral, na ang pagiging simple sa
inyong pamamaraan ay napakahalaga. Pag hindi nyo ito ginawa, hindi
nyo maaabot yung mga naliligaw na kaluluwa, dahil magbibingi-
bingihan sila.

Ang Aking Mensahe ng Pag-ibig

Ang Mensahe ng Aking Pag-ibig ay napaka-simple. Ako ang Buhay na


pinananabikan ng Aking mga anak sa Lupa. Ipaliwanag nyo na Ako ang
Katotohanan. Linawin nyo ito. Kung wala Ako, walang buhay na
walang-hanggan. Gamitin nyo ang mga propesiya, na ibinubunyag Ko sa
sugong ito, para makuha ang pansin ng mga hindi
sumasampalataya. Dahil ito ang dahilan kung bakit ibinibigay ang mga
ito sa mundo. Hindi para sila’y takutin, kundi para patunayan na Ako ay
nakikipag-usap na ngayon sa paraang ang Aking Kabanal-banalang
Salita ay hindi lamang maririnig, kundi paniniwalaan din.

Ang inyong Tagapagligtas at Guro

Jesucristo, Hari ng Awa

Bubukas ang langit habang nangyayari ang Babala

Lunes, May 23, 2011 2:30 pm


Pinakamamahal Kong anak, dinaranas mo ang pahirap na tinitiis Ko
para sa mga kasalanan ng tao. Ganito ang pakiramdam nito. Ngayo’y
nasusulyapan mo ang napakaliit na bahagi ng Aking pagdurusa, na
kinakaharap Ko bawat sandali ng inyong araw. Wala kang dapat
ikatakot, anak Ko, tungkol sa Babala.

Ang Babala ay magiging isang kamangha-manghang


pangyayari

Maraming tao sa mundo ang masisindak, dahil ang pangyayaring ito ay


magiging kamangha-mangha, kung saan ang langit ay bubukas at ang
Mga Apoy ng Awa ay maglalagablab sa buong mundo. Maraming tao ang
hindi maiintindihan ang nangyayari. Sa laki ng kanilang takot,
magkakaroon sila ng maling akala na ang kanilang nasasaksihan ay ang
katapusan ng mundo. Sabihin nyo sa kanila na sila’y magalak pag
nasaksihan nila ang Aking Kaluwalhatian, dahil kung nakapaghanda ka
sa tamang paraan, ito ay magiging pinaka-kamangha-manghang
halimbawa ng Aking Awa mula sa araw ng Pagpapako sa Akin sa
Krus. Ito, mga anak Ko, ang grasyang magliligtas sa inyo, at mapipigilan
sa pagpasok sa kailaliman ng Impyerno yung mga sana’y makokondena
na.

Ang lahat kong anak sa lahat ng dako ay kailangan nilang balaan ang
mga naliligaw na kaluluwa kung ano ang dapat asahan. Himukin nyo
silang hanapin ang pakikipagbalikan sa pamamagitan ng pagkumpisal na
ngayon ng kanilang mga kasalanan. Mahalaga na mas maraming tao,
hangga’t maaari, ay nasa kalagayan ng grasya bago ito mangyari, dahil
baka hindi nila matagalan ang pangyayaring ito, at mamatay sila sa
takot. Mas mabuti nang masaksihan na muna ang kamangha-manghang
Makalangit na pangyayaring ito, kaysa maging di-handa sa pangwakas
na araw ng Paghuhukom.
Magpakatatag kayong lahat. Matuwa ka kung isa kang tapat na alagad,
dahil ipapakita sa iyo ang isang sulyap ng Aking Dibinong Presensya, na
hindi kailanman nakita ng iyong mga ninuno sa buong buhay
nila. Ipanalangin mo ang iba Ko pang mga anak. Sabihin mo na sa
kanila ang Katotohanan habang magagawa mo pa. Huwag mong
pansinin ang kanilang panlalait, dahil kung kikilos sila ngayon at
ipanalanging patawarin ang kanilang mga kasalanan, pasasalamatan ka
nila pagkatapos mangyari ng Dakilang Milagrong ito.

Hayo na sa kapayapaan. Huwag kayong matakot. Ipanalangin nyo na


lamang yung mga kaluluwang walang pananampalataya, para naman
hindi sila mamatay sa kasalanang mortal.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas

Jesucristo

Kung nahihirapan kang manalangin

Martes, May 24, 2011 6:00 pm


Pinakamamahal Kong anak, tuwang-tuwa Ako ngayong araw dahil
napakaraming nagawa para maibigay ang Aking Kabanal-banalang Salita
sa mundo, sa pamamagitan ng iyong Gawain. Huwag na huwag mong
iisipin na hindi sapat ang iyong ginagawa dahil sa dami ng mga taong
tumatanggi sa Mga Mensaheng ito. Dahil yung mga anak Ko na hindi pa
tinatanggap ngayon ang Aking Salita, ay gagawin din nila ito pagdating
ng panahon. At pagkatapos ay mananabik sila na marinig ang Aking
Tinig.

Ako ang pagtuunan mo ng pansin ngayon. Huwag mong hayaang iligaw


ka nung mga lumalait sa Mga Mensaheng ito. Huwag kang masisiraan
ng loob, dahil yung mga nakikinig sa Aking Salita ngayon ay ikinakalat
na nga nila ang Katotohanan sa iba, dahil sa pagmamahal nila sa Akin.

Ang pagbabalik-loob ay isang mahirap na hamon sa isang mundong


bulag sa Katotohanan ng buhay na walang-hanggan. Pagtitiyaga ang
kinakailangan, sapagkat sa tulong ng Espirito Santo, Na ang
Kapangyarihan ay nadarama na ngayon, sa lahat ng dako, sa buong
mundo, sa dakong huli ay magbabalikan din sa Akin ang Aking mga
anak, pero hindi lahat. Yung mga mas ginusto ang mga artipisyal na
kaginhawahang inialok sa kanila ni manloloko, talagang mahihirapan
silang talikuran ang buhay na kanilang pinili. Ipanalangin nyo ngayon
lahat ng inyong pamilya at mga kaibigan para kayong lahat ay magkaisa
sa inyong pagmamahal sa Akin pag nangyari ang Babala. Dahil pag
tinanggap nyo ang pangyayaring ito bilang inyong daan tungo sa
kalayaan, ang magiging gantimpala nyo ay ang Aking dakilang Awa.

Ang Pananalangin ay hindi madali

Ang pananalangin ay hindi madali para sa marami sa Aking mga anak,


na para sa kanila ay paulit-ulit at medyo nakakatamad ang pagdarasal ng
mahahabang panalangin. Kung ganito kayo magdasal at kayo’y
nahihirapan, umupo na lang kayo nang tahimik at kausapin nyo Ako sa
katahimikan. Pagnilayan nyo lang yung Aking Buhay sa Lupa. Gunitain
nyo ang panahong ginugol Ko roon at ang mga leksyon ng pagmamahal
na ibinigay Ko sa inyong lahat. Yun lang. Payapain nyo ang inyong isip
at uupo Ako kasama nyo sa pagninilay. Lumalakad Ako kasama ang
bawat isa sa inyo. Naroroon Ako sa bawat sandali ng isang araw,
anuman ang inyong ginagawa. Hindi Ako kailanman
malayo. Alalahanin nyo, na ako ang inyong saklay sa inyong
buhay. Sumandal kayo sa Akin. Hingan nyo ako ng Aking tulong, nang
may katapatan, at didinggin Ko ang inyong tawag. Hindi Ko kailanman
pahihindian ang inyong pakiusap kung ito’y naaayon sa Aking Banal na
Loob. Pero kung ang layunin ng inyong pakiusap ay bigyan kayo ng
sobra-sobrang makamundong mga bagay, dapat nyong malaman na
hindi Ko ito kailanman ibibigay ang mga ito. Dahil hindi Ko naman kayo
mabibigyan ng mga regalo, na alam Kong makasasama sa inyong
kaluluwa. Ang Aking mga Kaloob ay ibinibigay para mas mailapit Ko
kayo sa Aking Puso, dahil pag nangyari yun, wala na kayong hahanapin
pa.

Ang inyong nagmamahal at tapat na Tagapagligtas

Jesucristo

Nais Kong pasalamatan yung mga tumutulong sa


pagpapalaganap ng Aking Banal na Salita
Miyerkules, May 25, 2011 4:00 pm

Pumarito Ako ngayon para palakasin ang loob nung lahat Kong alagad,
na nang makilala ang Aking Tunay na Tinig, ay tumugon sa
pamamagitan ng mga dakilang gawa ng kagandahang-loob. Para sa inyo
na bukal sa kaloobang gumugugol ng panahon para itaguyod at ikalat
ang Aking Mga Mensahe, nais Ko kayong pasalamatan. Kayo, mga
mahal Kong anak, ay nagbibigay ng malaking tuwa sa Aking
Nagdadalamhating Puso sa panahong ito ng kasaysayan. Kayo, mga
anak Ko, ay matapang, buo ang loob at puspos ng Kaloob na Espirito
Santo. Ang inyong katapatan at regalo sa Akin ng inyong panahon at
mapagmahal na debosyon sa Katotohanan ay magbibigay ng mga
dakilang grasya sa Bagong Paraisong ipinangako Ko sa Aking mga anak.

Gagabayan Ko ang inyong kamay habang ginagawa ang Sagradong


Gawaing ito at madarama nyo ang Aking Pag-ibig. Huwag na huwag
kayong matatakot na ipahayag ang Aking Salita, dahil bawat kaliit-liitang
pagsisikap na gawin ng sinumang nagtataguyod ng Mga Mensaheng ito,
ay gagantimpalaan.

Hayo na, Aking mga mahal at tapat na mga alagad. Ikalat nyo ang Aking
Banal na Salita at tulungan nyo ang inyong mga kapwa na
nangangailangan ng paggabay.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Babalang Mensahe sa Mga Pinuno ng Mundo

Miyerkules, May 25, 2011 10:00 pm

Anak Ko, ang mga bansa sa buong mundo ay nasa ilalim ang kulo ng
pagkamuhi ng tao sa kanyang kapwa at parating na mga kapahamakang
pang-ekolohiya. Dito na magwawala si inang kalikasan sa di-inaasahang
mga paraan, para ipakita sa tao na, anumang kayabangan ang
ipangalandakan niya, ay wala pa rin siyang kontrol sa kahit ano.

Maraming leksyong dapat matutunan ang tao. Ang walang-patid na


pagtatangkang mang-agaw ng kapangyarihan sa pinakamatataas na lebel
ng mga nasa poder ay nakakaapekto na sa ordinaryong mamamayan na
umaasa mismo sa mga pinuno ng gobyerno at industriya para
pangalagaan ang kanilang mga pangangailangan. Ang pagtulong na
kailangan ng tao ay makikita lamang pag yung mga pinunong yun ay
namamahala nang may tunay na pagmamahal para sa kanilang mga
kababayan. Malungkot sabihin, pero kasakiman at pagnanasa sa
kapangyarihan ang nagpapatunay na hindi talaga ito ang pakay ng
maraming pinuno ng mundo ngayon.

Ang Diyos Ama ay hindi na Niya palalampasin ang inyong


makasalanang mga gawain

Babala Ko lang dun sa mga pinuno sa buong mundo, maging sinuman


kayo. Patawan nyo ng mga di-makatarungang gawain at pahirap ang
inyong mga mamamayan, at ang Kamay ng Aking Amang Walang-
hanggan ay mabilis na babagsak sa mga bansa at lugar na yun na
inyong tinitirhan. Hindi na Niya palalampasin pa ang inyong
makasalanang mga gawain. Magtago na kayo kung gusto nyo, pero
magiging walang-silbi ito. Ang inyong mga sandatang pangwasak ay
siyang mawawasak. Ang pagtrato nyo sa inyong mga kababayan ay
lilikha ng sitwasyon na, gustuhin nyo man o hindi, ay kailangan nyong
panagutan sa Diyos Amang Walang-hanggan. Ang inyong mga
responsabilidad-moral ay kailangang panagutan, dahil huhusgahan din
kayo ayon sa inyong mga ginawa pagdating ng araw.

Pamunuan nyo ang inyong bayan nang may pagmamahal, dignidad at


respeto, para sa kanilang pisikal at moral na kapakanan. Subukan nyo
lang pagkaitan ang inyong bayan ng kanilang karapatang malayang
magkaroon ng relihiyon, o isailalim sila sa anumang uri ng diktadurya na
pipilitin silang itigil o bawasan ang kanilang mga gawaing pang-relihiyon
sa ngalan ng pagkakaisang pulitikal, at kondenado na kayo. Hindi lang
kayo magdurusa dahil sa inyong mga pinaggagawa, kundi magiging
malupit pa ang magiging hatol sa inyo. Sinuman sa inyo, na
mangangako na magiging tapat sa inyong bayan, sa Ngalan ng Diyos
Amang Walang-hanggan, at pagkatapos ay magtatakda ng mga di-
makatarungang batas na magkakait sa kanila ng karapatang kumain,
magkaroon ng tahanan at malayang pumili ng relihiyon, ay haharapin
niya ang Poot at ang Kamay ng Diyos Ama.

Ang mundo ay nagdurusa ngayon sa bawat bansa dahil sa mga


diktadurya, bagamat hindi sa mga lugar na inyong
inaasahan. Nagdurusa rin ang mundo dulot ng mga kahirapang
pinansyal, kaya kung sino pang mahihina na ay lalo pang
humihina. Sinasabi Ko na ngayon dun sa mga pinunong may natitira
pang pagpapahalaga sa tungkuling Kristiyano, na ipaglaban nyo ang
karapatang maimpluwensiyahan ng Aking Mga Aral ang inyong mga
disisyon, na magkakaroon ng direktang epekto sa Aking mga anak sa
lahat ng dako.
Yung ilan sa inyo, na nagsasabwatan sa mga pasilyo ng kapangyarihan
para sikilin ang napakaraming bansa sa isang kontroladong paraan, na
makakaapekto sa sunud-sunod na mga bansa, at magdudulot ng
paghihirap sa lahat ng dako, dapat nyong malaman na ang inyong mga
aksyon ay parurusahan. Dahil ang Diyos Amang Walang-hanggan ay
naging pasensyoso hanggang ngayon sa pag-asang makikita pa nyo ang
kawalan ng saysay ng inyong pinaggagagawa. Bagkus, sumige pa rin
kayo bilang isang elitistang grupo, na itinuturing nyong kayo’y mas
importante kaysa natitira pang bahagi ng sangkatauhan. Ang inyong
mga aksyon, babala Ko lang, ay hahantong sa malaking
kapahamakan. Ang inyong katapatan sa kayamanan, pangongontrol, ay
gagawin kayong hindi lang hubad at mahina, kundi mas magiging
masahol pa ang kalagayan nyo kaysa yung mga inabuso nyo sa inyong
maling paggamit ng kapangharihan.

Dumating na ang panahon para sa laban para alisin sa mundo ang


kasamaan at ang paghahari ni Satanas. Ang Diyos Ama ay malapit nang
magpawala ng maraming lindol, tsunami at baha para kayo’y
magising. Ang inyong mga sikreto at masasamang plano na itumba ang
mga pinuno ng mundo, yung mga nasa pwesto ng mga grupong
panrelihiyon, at maglagay ng mga pang-kontrol na mga paraan, gaya ng
Salaping One World, ay hindi babale-walain. Habang nasasaksihan nyo
ang pagdating ng mga pangyayaring ito, hindi pwedeng hindi nyo ito
mapansin. Aalugin ng mga pangyayaring ito ang pagiging bulag at adik
sa kapangyarihan. Magigising kayo sa kamalian ng inyong asal. At pag
nangyari yun, naroroon Ako at nakatayo – naghihintay. Tatakbo kayo
palapit sa Akin at hihingi, hindi lamang ng kapatawaran, kundi
gagamitin nyo ang inyong pagmamahal sa Akin para magbayad-
puri. Kayo, mga anak Ko, na may malalim na pagmamahal sa Akin, ang
Aking pinakamalaking pag-asa na talunin ang kasamaan at di-patas na
korapsyong pulitikal sa mundo ngayon. Manalangin kayo para sa mga
grasyang tutulong sa inyo na makapagbalik-loob sa Akin.

Malalaking kapahamakang dulot ng klima na hindi pa


nasasaksihan mula ng panahon ni Noe
Ang panalangin, gaya ng nasabi Ko na, ay tutulong sa pagbawas sa tindi
ng malalaking kapahamakan sa mundo, habang patungo ito sa sunud-
sunod na mga kalamidad na bunsod ng klima, na hindi pa nasasaksihan
mula sa panahon ni Noe. Ang mundong kilala nyo ay magdurusa bunsod
ng maraming pangyayaring sabay-sabay, kaya magiging normal na ang
malaking kaguluhan at kalituhan.

Bakit nyo papayagan itong mangyari? Kinakausap Ko yung mga may


malaking kapangyarihang pulitikal at pinansyal na nakakaalam kung ano
ang nangyayari sa likod ng mga nakasarang pinto. Huling pagkakataon
nyo na ito, na ibinibigay sa inyo alang-alang sa pagmamahal at
pagmamalasakit sa tao sa lahat ng dako, na magbalik-loob at ihinto na
ang inyong masasamang gawain – o harapin ang mga kahihinatnan.

Ang inyong Makatarungang Hukom

Jesucrsito, Hari ng Awa

Pag-Aksyon sa Pinansyal na Kagipitan

Huwebes, May 26, 2011 1:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang Aking nais ay magsimula ka na ngayong


mag-ayuno, pinakamababa na ang isang araw sa isang linggo. Dahil pag
ginawa mo ito, magdudulot ka ng malaking kasiyahan sa Akin. Ang
sakripisyong ito ay palalakasin ang iyong kaluluwa at dadalhin ka nang
mas malapit sa Aking Sagradong Puso.

Ang mga anak Ko sa mundo ay nahaharap sa maraming hamon sa mga


panahong ito, mga hamon na hindi pa nila kailanman hinarap magpa-
hanggang ngayon. Ang pinakamalaking hamon ngayon ay ang pag-
aksyon sa pagkonti ng pera. Sobrang nakakatakot ito para sa marami, na
kailangang hindi mapalayas sa kanilang tirahan at kailangang
magpakain ng pamilya. Ang ikalawang kahirapan ay ang kawalan ng
anumang makahulugang gabay-espiritwal sa kanilang buhay, na
hanggang ngayon ay itinuturing pa ring mahalaga.

Pag nawalan kayo ng kinikita, nawawalan kayo ng mga adhikaing


magkaroon ng maluluho at makamundong mga bagay. Dahil anong
silbi ng magarang kotse kung hindi mo naman mapakain ang iyong
pamilya? Anong silbi ng magandang damit kung hindi mo kayang
maging komportable sa iyong bahay? Pag ang Aking mga anak ay
nawalan na ng sobra-sobrang mga bagay na nakasanayan na nila, saka
lamang nila maiintindihan ang katunayang kanilang kinasasadlakan.

Ngayon, ang inyong mga pangangailangan ang kailangan nyong


unahin. Pagkatapos nun, kailangan nyong itanong sa inyong sarili: Ano
naman ngayon ang mahalaga? Pag nakakakain na at nadadamitan na,
ano naman? Ang pagiging pasikat sa kapwa ay wala nang kwenta pag
sinisikap nyo na lang mabuhay sa pinakamababang kalagayan. Bale-
wala na ang mainggit pa sa yaman at kalagayan ng inyong
kapwa. Ngayon nyo na lamang hahanapin ang mga espiritwal na
kaginhawahan na napakatagal na nawala sa inyong buhay.

Sa paghahanap nyo ng kaginhawahan ng isip, lumapit kayo sa Akin at sa


Aking Amang Walang Hanggan, na Diyos na Maygawa ng lahat ng
bagay. Huwag kayong matuksong maghanap ng mga remedyo mula sa
mga spiritual healer maliban kung kinakatawan nila Ako. Huwag kayong
maghanap ng artipisyal na ginhawa sa mga droga para mabawasan ang
hapdi at kalungkutang nadarama nyo. Ang tanging paraan para maging
malaya kayo sa mga alalahanin at dalamhati ay pag kayo’y lumapit sa
Akin, si Jesucristo, na inyong Tagapagligtas.

Naghihintay Ako ngayon. Hilingin nyong kayo’y Aking tulungan at


ibibigay Ko ang inyong mga pangangailangan. Lagi Ko kayong bibigyan
ng gusto nyo. Pero kailangan nyo munang humingi sa Akin. Huwag
nyong sosolohin ang inyong mga problema. Ibahagi nyo ang mga ito sa
Akin. Isuko nyo ang lahat nyong alalahanin. Agad Akong tutugon; dahil
pupunuin nyo Ako ng tuwa kung mananalig kayo sa Akin nang lubos.

Mahal Ko kayong lahat.

Ang inyong tapat na Tagapagligtas

Jesucristo

Hari ng Awa at Malasakit

Ang kasalanan ay laging magiging kasalanan, gaano nyo man


ito bigyang-katwiran
Linggo, May 29, 2011 5:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, sobra ang pagtangis Ko para sa lahat Kong


anak na nagkakasala dahil hindi nila nauunawaan ang Aking Mga
Aral. Marami sa kanila ay hindi namamalayan na nagkakasala sila sa
Akin dahil hindi kailanman naituro sa kanila ang Katotohanan, o
pinanindigan na nilang depensahan ang kanilang mga
kasalanan. Marami sa mga nagkakasala ay sinisikap bigyang-katwiran
ang kanilang akto dahil nakikinig sila sa iba, na ginagamit ang pagpayag
bilang isang maskara para bigyang-katwiran ang kasalanan. Ang
kasalanan ay laging magiging kasalanan sa Paningin ng Aking Ama,
gaano man kaliit ang kasalanan. Marami sa mga gumagawa ng malaking
kasalanan, kahit paano, ay laging nagagawang depensahan yung
tinatawag na ‘karapatang magkasala’ sa pamamagitan ng pagbubulag-
bulagan nila sa kasamaang kinakatawan ng kanilang kasalanan.

Mapalad ang Aking mga anak dahil pinatatawad Ko sila sa


kanilang mga kasalanan

Kung alam lang ng mga anak Ko sa lahat ng dako ang tungkol sa Aking
Awa, nabatid na sana nila kung gaano sila ka-swerte para bigyan ng
dakilang Kaloob na ito na iniaalok Ko sa kanila sa buhay na ito. Kung
hindi sila regular na hihingi ng tawad, aakayin sila ng kanilang mga
kasalanan para patuloy silang magkasala nang magkasala. Pag mas
marami ang kanilang kasalanan, mas nalalayo sila sa Akin at mas
nagiging mahirap makabalik sa Akin. Pakinggan nyo Ako. Naroroon
ang Aking Awa para pakinabangan nyong lahat. Tanggapin nyo na ito sa
Akin ngayon. Huwag kayong pabitag sa mundo pag hinahayaan nyong
lamunin kayo ng mga tukso ng kasalanan. Sa sandaling magkasala kayo,
para kayong nasilo at hindi malaman kung saan pupunta. Ang kasalanan
ay nagdudulot ng malalim na pagkabalisa sa inyong kalooban.

Ang pagpayag ay uso ngayon


Ang dami sa Aking mga anak ang nagsisisigaw na kailangan ng
‘pagpayag sa lipunan’. Ang pagpayag ay uso ngayon sa maluwag nitong
kahulugan. Pwede itong gamitin para baluktutin maging ang
pinakamalalaking kasalanan. Ang pagpayag ay hinubog sa tusong
paraan, para depensahan ang lahat ng klase ng kasalanang alam ng tao
sa mundo ngayon. Lahat ay nagsasabing sila’y may karapatang
payagan. Anuman ang kasalanan, kalimitan ay itataguyod ito bilang
isang karapatan ng mamamayan. Paano man itaguyod ang mga
kasalanang ito bilang “tama”, lagi itong magiging mali. Panahon na para
harapin ng tao ang Katotohanan, para siya’y maging muling responsible,
para tanggapin na ang mga pagkakasalang sinasalihan nila ay imoral,
para tratuhin ang kanilang mga kapwa, pati na yung mga sanggol sa
sinapupunan, na kapantay sa lahat ng bagay.

Manalangin kayo nang taimtim para sa mga grasya na makita ang


Katotohanan kung ano talaga ito. At hindi ang dinuktor na bersyon na
inyong pinipiling paniwalaan dahil angkop ito sa inyong mga
makasariling pakay. Iisa lamang ang Katotohanan. Sa inyong puso,
bawat isa sa inyo ay alam kung alin ang tama at ang mali. Tanggapin nyo
na ito ngayon, kung gusto nyong iligtas Ko kayo mula sa mga apoy ng
Impiyerno.

Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo
Ang Mga Tabak ng Katarungan ay babagsak na

Lunes, May 30, 2011 3:00 am

Pakinggan nyo Ako ngayon, mga anak Ko, sa lahat ng dako. Ang Mga
Tabak ng Katarungan ay babagsak sa mga hindi nakapaghanda
nang tama para sa Babala.

Ang Aking Mga Apoy ng Dibinong Awa, na ibinibigay sa mundo bilang


patikim sa karanasang katulad ng pangwakas na araw ng Paghuhukom,
ay hindi nauunawaan nang tama ng napakarami sa inyo. Ang dakilang
araw ng Babala ay nalalapit buwan-buwan, kaya kailangan nyo nang
maglaan ng panahon para paghandaan ang Aking Dibinong Awa.

Maraming maraming kaluluwa ang mahihirapang unawain kung ano


talaga ang ibig sabihin ng pangyayaring ito. Kaya marami ang
mamamatay sa sindak, na ikinalulungkot Ko, dahil sa mga hindi
lalabas nang buhay; ito’y dahil sa kawawang kundisyon ng kanilang mga
kaluluwa. Mga Katoliko sa lahat ng dako, hanapin nyo na ang Kumpisal
ngayon, kung gusto nyong makinabang sa Aking Dakilang Akto ng Pag-
ibig at Awa. Mga Kristiyano at iba pang mga pananalig, magsalita kayo
nang hindi nadidinig, at sabihin nyo sa Diyos kung gaano ang inyong
pagsisisi, kung gaano kayo nagsisisi sa lahat nyong paglabag, at humingi
kayo ng tawad sa Kanya para sa inyong mga kasalanan. Yun lamang mga
matatag ang puso sa kanilang pagmamahal sa Akin at sa Amang
Makapangyarihan-sa-lahat, ang magiging tama ang paghahanda. Yung
iba, dahil sa lakas ng kanilang isip at pagkatao, ay mauunawaan din sa
wakas ang Katotohanan at tatanggapin nila Ako nang may pagmamahal
sa kanilang puso.

Yung iba naman, ganung kalaki ang magiging pagkasindak nila, na pag
naipakita sa kanila ang kanilang mga kaluluwa sa kadiliman nito, ay
patay silang babagsak. Sa puntong yun, huli na ang lahat para humingi
pa ng tawad. Wala na silang pag-asa. Manalangin, ipanalangin nyong
lahat, na ang pinakaraming kaluluwang pwede, ay matagalan ang Aking
dakilang Akto ng Awa.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Mga Babalang Mensahe mula kay Jesucristo

2110 – 2011

Unang Bahagi

Ikatlong Parte

Mensahe 110 – 149 (Lunes, May 30, 2011) hanggang (Lunes, July 25,
2011)

Babala sa mga sangkot sa Maka-Satanas na mga Kulto


Lunes, May 30, 2011 10:00 pm

Anak Ko, mas nagiging malakas ka na ngayon, at sa pagiging masunurin


mo sa Aking Kabanal-banalang Loob, ay maaalerto mo ang mundo sa
kinakaharap nito.

Pag nagsasalita Ako tungkol sa kasalanan, hindi Ako nagbunyag ng mga


kasuklam-suklam na kasalanang ginagawa, na maging ang mga regular
na makasalanan ay mahihirapang intindihin. Ang nakakasukang mga
gawain ng tinatawag na mga sosyal na lipunan sa kanluran – sa likod ng
mga saradong pinto – ay makakasindak sa inyong kalooban.

Ang kasuklam-suklam na mga kasamaan, kung saan ang mga bata ay


ma-seremonyang pinapatay bilang parangal kay Satanas, ay isang
katunayan sa mundo ngayon. Pero ilan lang ang mga ito sa mga
napakatinding kasamaang ginagawa ng tao sa impluwensya ni
Satanas. Pag umabot na kayo sa puntong ito, mga anak Ko, hindi nyo na
magagawang bumalik pa sa Akin. Ang iba pang mga ginagawa, na
dumudurog sa Aking Puso, ay ang pisikal na pang-aabuso, lalo na sa mga
inosenteng bata. Hayaan nyong isa-isahin Ko sa inyo ang mga uri ng
kasalanang sobrang mababagabag kayo kung detalyado Kong ilalarawan
ang mga ito sa inyo. Ang mga alagad ni Satanas, sa pamamagitan ng
kanilang mga kulto, ay mabangis sa pagtrato sa tao, na hindi nila
nirerespeto. Mga sakripisyo, pati na mga sakripisyo ng tao, mga
pambabastos sa Diyos, mga pagsumpa at pambabastos sa Akin, sa Aking
Amang Walang-hanggan at sa Aking mahal na Ina, ay mga regular na
seremonya. Halos hindi na nahihiya ang mga sumasamba kay Satanas
na mga ito, kaya ipinagmamalaki pa nila ang kanilang kabastusan sa
publiko, sa pamamagitan ng kanilang musika, sine, TV at sining. Yung
mga maysala ng ganitong mga sakrilehiyo ay nahaharap sa walang-
hanggang hatol, kung saan sila’y masusunog sa Impiyerno
magpakailanman. Isa ito sa mga huling babala na tatanggapin nyo mula
sa Akin, ang inyong Tagapagligtas na si Jesucristo. Ito rin ay ang Aking
kahuli-hulihang pakiusap sa inyo na iligtas nyo ang inyong sarili habang
magagawa nyo pa.

Akong si Jesucristo, ay hindi gumagawa ng mga walang-saysay na


banta. Gagawin Ko lahat para sagipin kayo. Pero may hangganan, na
pag lumampas pa kayo rito, ay wala na Akong magagawa para pigilan
kayong maghanap ng pekeng kaginhawahang akala nyo ay ibibigay sa
inyo ni masama. Kalagin nyo na ang maka-Satanas na mga posas na
pumipigil sa inyo, at tumakas na kayo patungo sa Akin. Ililigtas Ko kayo,
pero kailangan nyong humingi ng tawad sa Akin habang kayo’y
nabubuhay pa sa buhay na ito.

Tandaan nyo, kayo ang pipili, Langit o Impiyerno. Pipili kayo habang
kayo’y buhay pa sa Lupang ito, dahil hindi nyo na ito magagawa pag
yumao na kayo tungo sa susunod na buhay.

Ang inyong laging pasensyoso at mapagmahal na Jesucristo

Sabihin nyo sa kanila na mahal Ko sila, pero gusto Kong


kausapin nila Ako

Martes, May 31, 2011 3:30 pm


Pinakamamahal Kong anak, napaka-pambihirang paglalakbay ito para sa
iyo sa napakaikling panahon. Alam Kong pagod ka na ngayon. Pero ang
bilis ng pagtanggap mo sa Mga Mensaheng ito at paglathala sa
napakaraming wika, ay nagpapakita lamang na kailangangang kailangan
na ang mga ito. Ipinapakita rin nito ang Dibinong paggabay na
gumagawa sa pinaka-perpekto nitong anyo. Ang Mga Mensaheng ito,
bagamat puno ng Aking Mga Aral, ay ibinibigay talaga para ipaliwanag
ang kahalagahan ng paghahanda ng inyong kaluluwa sa buhay na ito,
habang magagawa nyo pa. Maraming tao, pag binasa ang Mga
Mensaheng ito, lalo na yung maliit ang pananampalataya sa Diyos
Amang Walang-hanggan, ay mababalisa ng mga ito. Marami ang
magbabalik-loob. Maraming matatakot para sa kinabukasan nila at ng
kanilang pamilya at mga kaibigan. Sabihin mo naman sa kanila na
mahal Ko sila. Kung mabubuksan muna ang kanilang isip sa
katotohanang meron ngang Diyos, magiging handa sila para sa
ikalawang yugto. Doon sila mag-iisip-isip kung bakit kaya nagkaroon pa
ng ganitong komunikasyon. Bakit si Jesucristo, ang bugtong na Anak ng
Diyos Amang Walang-hanggan, ay gagawa ng ganung ka-pambihirang
mga hakbang? At pagkatapos ay matatagpuan nila ang napaka-linaw na
kasagutan. Ito ay dahil mahal Ko ang bawat isa sa inyo kaya gusto Ko
kayong muling sagipin. Gusto Kong maglambing sa inyong lahat at
gagawin Ko ang pinaka-pambihirang mga hakbang, mapalapit Ko
lamang kayo sa Aking Puso.

Gusto Kong hipuin ang inyong puso para sindihan ang isang liwanag sa
inyong kaluluwa. Walang dapat ikatakot sa mundong ito kung
mananalig kayo sa Akin nang lubusan. Marami Akong napaka-
gagandang plano para sa inyong lahat na lalapit sa Aking Sagradong
Puso. Mga pinaka-mahahalagang Regalo ang naghihintay sa
inyo. Huwag nyong katakutan ang makamundong kaguluhan, dahil
poprotektahan Ko yung lahat ng sumasampalataya sa Akin at ibibigay Ko
ang mga pangangailangan ng inyong katawan. Manalig kayo sa Akin,
ang Panginoon ng Sangkatauhan, na minsan pang sinugo para iligtas
kayo sa kadilimang walang-hanggan. Lapitan nyo Ako gaya ng paglapit
ng inosenteng mga bata. Hindi na kailangang matuto ng mga panalangin
kung wala kayong alam. Oo nga’t napaka-makapangyarihan at talagang
makakatulong ang mga ito, pero ang hinihingi Ko lang talaga sa inyo ay
kausapin Ako na parang nakikipag-usap kayo sa isang
kaibigan. Relaks. Magtiwala kayo sa Akin. Hingin nyo ang tulong
Ko. Punung-puno at umaapaw na nga ang Aking Awa, na naghihintay
lang na ibuhos sa inyo. Kung alam nyo lang kung gaano kalaki ang
Malasakit Ko para sa bawat tao sa Lupa – maging sa mga
makasalanan! Alam nyo, ang mga anak Ko ay mga Anak Ko, kahit na
may dungis ng kasalanan ang kanilang kaluluwa. Kinamumuhian Ko
ang kasalanan pero mahal Ko ang tao. Napakarami sa inyo ang
natatakot humingi sa Akin ng tawad, nang paulit-ulit. Pero hindi kayo
kailanman dapat mabahala. Kailanman. Kung kayo’y talagang nagsisisi,
kayo’y patatawarin.

Ang kasalanan, mga anak Ko, ay laging magiging isang problema sa


inyong buhay. Kahit ang Aking pinakatapat na mga alagad ay
nagkakasala, at paulit-ulit pa. Isa itong katunayan. Nang pakawalan si
Satanas sa mundo, lumaganap na ang kasalanan. Marami ang sobrang
nahihiya para lumapit sa Akin. Itinutungo nila ang kanilang ulo at
nagbubulag-bulagan na lamang pag umasal sila nang masama. Sa sobra
nilang kayabangan at kahihiyan, nagpapatuloy sila na parang ang
kasalanan ay malilimutan na lamang. Ang hindi nila alam ay ang
kadiliman ay umaakit ng kadiliman. Kaya pag kayo’y nagkasala, mas
madali nang magkasala muli. Pag piniringan nyo ang inyong
konsyensya, ang sunud-sunod na pagkakasalang ito ay paikot-ikot na
lang. At pagkatapos, ang makasalanan ay gagawa ng lahat ng dahilan
para bale-walain ang masamang gawain. Patuloy silang mahuhulog,
palalim nang palalim, sa paikot na sistemang ito. Dahil hindi sila
marunong humingi ng tawad. Dahil hindi nila naunawaan ang
kahalagahan ng kababaang-loob, akala nila’y imposibleng lumapit sa
Akin para sila’y mapatawad.

Alam nyo, hindi naman komplikadong humingi sa Akin ng tawad. Hindi


nyo kailanman Ako dapat katakutan. Hinihintay Ko ang bawat isa sa
inyo na may tapang na kondenahin ang inyo mismong mga
kasalanan. Pag nakaugalian nyo na ito, bibigyan kayo ng mga
pambihirang Kaloob. Matapos ikumpisal ang inyong mga kasalanan,
mapapapunta kayo sa kalagayan ng grasya. At sa pagtanggap nyo ng
Banal na Eukaristiya, makakadama kayo ng isang bugso ng kasiglahang
ikagugulat nyo. Sa puntong yun, at sa puntong yun lamang, kayo
makakatagpo ng tunay na kapayapaan.

Walang makakatinag sa inyo. Magiging malakas kayo hindi lamang sa


inyong kaluluwa. Ang inyong isip ay magiging mas panatag at mas
kontrolado. Haharapin nyo ang buhay nang may iba at mas positibong
pananaw. Sinong hindi gugustuhin ang ganung buhay?

Magbalik kayo sa Akin, mga anak, sa mga panahong ito ng dalamhati sa


mundo. Hayaan nyong ipakita Ko sa inyo ang kaligayahang
napapasainyo pag kayo’y lumalapit sa Akin. Tandaan nyo, nag-alay Ako
ng Aking Buhay para sa inyo noon. Ang Aking Pagmamahal ay walang
kinikilalang hangganan. Tutugon Ako sa inyong tawag. Ang kailangan
nyo lang gawin ay humiling.

Ang inyong mahal at nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Propesiya sa Garabandal ay magkakatotoo na


Martes, May 31, 2011 3:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, malayo ang narating natin sa napakaikling


panahon. May dahilan yun. Yun lang ang panahong kinakailangan para
ibigay ang Aking Kabanal-banalang Salita sa isang mundong gutom na
gutom sa Aking Pag-ibig. Ayaw pa rin nilang makinig, dahil ayaw nilang
malaman. Marami man ang mga tapat Kong alagad na alerto na ngayon
sa mga darating na pagbabago, napakarami rin naman ang walang
kapaki-pakialam sa mga babalang ibinibigay sa mundo ng Aking mahal
na Ina magpa-hanggang ngayon. Ang mga propesiyang ibinigay sa
Garabandal ay magkakatotoo na ngayon. Maghanda na kayo para sa
pangyayaring ito, dahil ilang buwan na lang ang natitira para maihanda
nyo ang inyong mga kaluluwa.

Huwag ka namang matakot, anak Ko, dahil alam Kong pinalungkot ka ng


mga pangyayaring ito dahil iniisip mo ang kinabukasan ng iyong mga
anak. Babaguhin ng Babala ang lahat. Pero magbibigay ito ng sanga sa
daan. Ang sangkatauhan, pag ginising na ng Katotohanan na Meron
ngang Diyos, ay gagamitin ang kanyang malayang loob para piliin ang isa
sa dalawang daan, ang daan tungo sa kaligtasan o ang daan tungo sa
walang-hanggang hatol.

Pupuksain ng Parusa ang malaking bahagi ng mundo

Taimtim nyong ipanalangin na pipiliin ng tao yung una. Dahil kung


hindi, daranasin ng mundo ang sobrang parusa kaya mabubura ang
malaking bahagi nito. Bakit ito gugustuhin ng Aking mga anak? Pero,
dahil sa kasalanan, malungkot sabihin, pero pipiliin ng tao na bale-
walain ang Aking pangako at sundan ang daan ni manloloko. Sinabi Ko
na sa inyo, na hindi Ko ibibigay sa inyo ang petsa ng Babala, dahil iilan
lang na mga piniling kaluluwa ang nakakaalam nito. Dahil kung ang
petsang ito ay ipapaalam sa publiko, matutukso ang mga tao na
hanapin ang kaligtasan dahil sa pekeng kababaang-loob. Manalig kayo
sa Akin. Magiging maayos ang lahat, mga anak. Pinagpala kayong
pagkalooban ng kahanga-hangang Kaloob na ito ng Pagbubunyag. Ang
mundo ay magmumukha na ngayong mas tahimik at medyo kaiba sa
mga darating na buwan patungo sa Babala. Dahil pag nangyari na ito,
kamangha-mangha man ito na makita sa langit, ganun na lamang
katahimik ang mahiwagang karanasang ito, kaya mas magiging handa
kayo para sa tahimik na engkwentrong ito sa pamamagitan ng inyo
mismong konsyensya.

Tandaan nyo, kung mas marami ang mababalaan tungkol sa


pangyayaring ito, mas maraming kaluluwa ang maliligtas. Manalangin,
dasalin nyo ang Aking Divine Mercy para sa mga kaluluwang
mamamatay habang nangyayari ang Babala. Kailangan nila ang inyong
mga panalangin.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

UL 11 22 13 Bilang Na ang Mga Araw ni Santo Papa Benedicto

Miyerkules, June 01, 2011 11:00 am


Pinakamamahal Kong anak, minsan ka pang sinubukan, sa Aking
Kabanal-banalang Ngalan, para lumihis sa Katotohanan. Magiging
pangkaraniwan na ang pangyayaring ito, dahil walang araw na di lilipas,
na hindi magtatangka si manloloko na palayasin ka sa Gawaing ito, sa
paglalagay niya ng mga pagdududa sa iyong isip.

Kailangang huwag mong tingnan ang mga mensahe ng ibang mga


bisyonaryo, o pakinggan ang sinupamang tao na nagsasabing siya’y
dumarating sa Ngalan Ko, kung bibigyan ka ng isang mensahe na taliwas
sa Salitang tinatanggap mo sa Akin.

Ang Aking mga propesiya ay sinasabi Ko sa iyo sa wastong paraan, anak


Ko. Si Satanas ay patuloy na unti-unti kang pinsalain at saktan pag hindi
mo ito inaasahan. Kaya lagi kang maging alerto. Bilang na ang mga
araw ng Aking minamahal na Kahalili. Lilisanin na niya ang Vatican
bago pa man mangyari ang Babala. Manalig ka sa akin. Sumunod ka sa
Akin. Umuunlad ka na ngayon nang husto. Pero huwag na huwag mong
aalisin ang iyong mga mata sa Akin.

Pero huwag ka namang matatakot na mamuhay sa normal na paraan,


basta’t ang panalangin at debosyon mo sa Akin ay pangunahin at
mahalagang bahagi nito. Sisiguruhin Kong hindi ka mag-iisa sa Gawaing
ito mula ngayon, at yung mga ginagabayan Ko lamang ang makaka-
impluwensya sa iyong pag-unawa.

Manalig ka sa Akin pag sinabi Kong, hindi masasabotahe ni Satanas ang


Aking Mga Salita, ni dungisan ang Mga Mensaheng ito na tinatanggap
mo sa Akin. Hindi yun mangyayari sa pagkakataong ito, dahil
napakahalaga ng Misyong ito at lahat ng proteksyon ay ibinibigay sa iyo,
anak Ko. Kung sakaling mabahala ka tungkol sa alinman sa Mga
Mensahe, basta tanungin mo lang Ako para sa kasagutan at ibibigay ito
sa iyo. Huwag mong tatanungin ang sinupaman tungkol sa kanilang mga
pananaw, dahil wala silang kakayahang mag-komento sa Aking Dibinong
Salita.

Huwag na huwag kang sasangkot sa mga mensahe ng ibang mga


bisyonaryo. Napaka-importante nito, dahil makakasira ito sa iyong
Gawain.

Sa panahong ito, alam mo na, na Ako, ang iyong Tagapagligtas at Hari ng


Sangkatauhan, Ay nasa Awtoridad. Walang sinumang tao na dudungis
sa Aking Salita. Ipagpasalamat mo na binibigyan ka ng Kaloob na
propesiya at sundin mo Ako sa lahat ng pagkakataon. Huwag mo Akong
saktan sa pagdududa. Ang mga panahong yun ay nakaraan na sa
iyo. Hanapin mo Ako nang may kababaang-loob sa iyong puso at
kaluluwa.

Manatili kang tahimik pag ang Aking Salita ay hinahamak, inaatake,


itinatanggi, sinasalungat at kinikwestyon, dahil hindi para sa iyo ang
sumagot para sa Akin. Napakarami mong matututunan sa Akin, anak
Ko, kung uupo ka at makikinig sa Akin. Pinupuno Ko ang iyong isip ng
Kaloob na pang-unawa. Tanggapin mo ang Kaloob na ito. Huwag kang
magduda. Matuwa kang kasama Ko.

Ito ay isang napakahalagang Misyon, di tulad ng anumang ipinadala Ko


sa sangkatauhan mula ng panahon ng mga sinaunang
propeta. Mangangailangan ito ng lakas sa parte mo, ayon sa pananalita
ng tao. Ang mahalaga ngayon ay makipag-usap ka lang sa Akin sa
panalangin, Pagsamba at Mga Banal na Sakramento. Ang anumang iba
pa ay kailangang hindi kasali dito. Ang iyong pamilya ay laging napaka-
importante. Lahat ng nasa labas ng dalawang ito ay nasa higit na
mababang kategoriya. Sikapin mong mag-relaks at damhin ang Aking
Pagmamahal. Huwag mong sayangin ang iyong mahalagang oras sa pag-
aalala. Samahan mo na lamang Ako sa lubusang pakikiisa at maliligtas
ka sa kapahamakan. Mahal Kita, anak Ko, at nananalig Ako sa iyo.
Ang iyong tapat na Tagapagligtas at Guro

Jesucristo

Si Satanas ay nag-eenrol ng mga kabataan sa pamamagitan ng


pop culture

Sabado, June 04, 2011 5:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang pagbabalik-loob, na direktang resulta


ng Aking Mga Mensahe na ibinibigay sa iyo, ay kumakalat na sa buong
mundo. Matuwa ka, dahil sinabi Ko na sa iyo noon, na ang Aking Salita,
pag nabasa, ay magsisindi ng mga kaluluwa sa lahat ng dako, pati na
yung mga maligamgam na makasalanan. Nang ibigay Ko ang Aking
Salita sa mundo, ilang libong taon na ang nakakalipas, sa mahal Kong
mga apostol, malalim ang naging epekto nito sa sangkatauhan. Ngayon,
bukod sa mga alagad ng Diyos Amang Walang-hanggan at sa Akin,ang
Kanyang Anak na si Jesucristo, marami sa mga itinuro, malungkot mang
sabihin, ay nalimutan na.

Ang Aking pakikipag-usap sa pamamagitan mo, anak Ko, ay para


sikaping pasimplihin ang Aking Mga Aral. At mas mahalaga pa, ang
dahilan kung bakit Ako nagsasalita ngayon ay para ipaalala, ituro at
ilagay ang Aking Kabanal-banalang Salita sa isipan ng Aking mga anak,
para maligtas sila mula sa mga kuko ni Satanas.

Anak Ko, pinuno Ko na ang iyong kaluluwa, sa pamamagitan ng Kaloob


na Espirito Santo, ng kapangyarihang umunawa. Ibinibigay sa iyo ang
kapangyarihang ito, hindi lang para maunawaan mo ang Mga
Mensaheng ito, kundi para ipakita sa iyo ang kasamaan ng
kasalanan. Ngayon, pag nakikita mo ang kasalanan, sumasama ang
iyong pakiramdam na humahantong sa iyong pagkabalisa. Pinatitikim
Ko na sa iyo ngayon kung ano ang tinitiis Ko pag nakikita Ko ang Aking
mga anak na tadtad ng kasalanan.

Marami sa mga nakikita mo sa iyong pang-araw-araw na buhay, sa


pamamagitan ng midya, mga sine at sa TV, ay nakakalito sa iyo. Ang
kasalanan, pag nasa kaluluwa, ay malinaw na nakikita sa pamamagitan
ng ilang palatandaan. Ikaw, anak Ko, ay may kakayahan na ngayon, sa
pamamagitan ng Aking mga grasya, na agad makita ang kasalanan sa
isang tao. Ang unang palatandaang makikita mo ay ang pagiging
arogante at mayabang, kung saan itinuturing ng isang tao ang sarili na
mas importante kaysa iba. Ang iba pang mga palatandaang makikita mo
ay nagmumula sa kasalanan ng kayabangan at kasakiman.

Ang isa sa mga pinaka-laganap na kasalanan ngayon sa mundo ay ang


sekswal na kalisyaan. Pag ito’y ipinapakita sa mundo, lagi itong
minamaskarahan ng pagpapatawa. Isa itong tusong paraan para
sikaping kumbinsihin ang iba na ito ay natural lang na bahagi ng iyong
pagkatao. Alam mo, anak Ko, lahat ng tao sa mundo ay gustong
humalakhak at kailangan nilang maging marunong magpatawa, na
Kaloob naman talaga ng Diyos yun. Kaya nga pag maling asal ang
itinataguyod, ihaharap ito sa inyo para kayo’y matawa. Hindi lang nito
binabastos ang kababaihan, kundi iniimpluwensyahan pa nito ang
kabataan para tanggapin nila itong masama at bulok na asal na ito, at
ituring itong normal na bahagi ng pop culture.
Gustong gusto ni Satanas na i-enrol ang mga batang kaluluwa. Kaya
gumagamit siya ng mga modernong pamamaraan para targetin itong
Aking mahal na bunsong mga kordero. Sila, ang Aking mga bunso, ay
walang kamalay-malay na gagayanin ang kanilang nakakasukang asal, na
lalo pang gagatungan ng pangungulit ng kanilang mga kabarkada.

Babala sa mga nasa Industriya ng Musika

Binabalaan Ko na ngayon yung mga nasa industriya ng musika, sine at


sining. Pag ipinagpatuloy nyong hawahan ang mga anak Ko, grabe ang
magiging parusa nyo. Kayo, mga anak Kong naliligaw, ay tau-tauhan
sa armori ni Satanas. Ginagamit niya kayo sa pag-akit muna sa inyo sa
pamamagitan ng halina ng kayamanan, kasikatan at luho. At pagkatapos
ay kakaladkarin kayo sa kalaliman ng kasamaan kung saan ang kanyang
mga demonyo ay papasok sa inyong katawan para maisagawa nila ang
kanilang nakakakilabot na mga pagnanasa at masasamang aktong
sekswal. At sa kabila ng lahat ng ito, aakalain nyong ito’y pag-aaliw
lamang, at walang masama. Di nyo ba alam na ninanakaw na ang inyong
mga kaluluwa? Wala ba kayong pakialam? Di nyo ba alam na pag
ginawa nyo itong malalaswa at masasamang sekswal na mga aktong ito,
ay maglalaho na kayo magpakailanman? Habang pinananabikan nyo
ang mas marami pang kalaswaan, pag hindi na kayo masiyahan sa huling
aktong inyong ginawa, wala na kayong magiging kasiyahan pa. At
pagkatapos nun, sarili nyo na ang inyong wawasakin. Sa palagay nyo,
bakit napakarami sa inyo na namumuhay sa kaplastikan ng kultura ng
kasikatan, ay nagpapakamatay? Nag-ooberdos ng gamot? Nade-
depres. Ginugutay ba ng ka-desesperahan ang inyong kalooban? Di nyo
ba alam na gusto ni Satanas ang inyong kaluluwa, agad-agad? Kung mas
maaga kayong mamamatay sa kasalanang mortal, mas mabilis
mananakaw ni Satanas ang inyong kaluluwa sa Diyos Amang
Makapangyarihan-sa-lahat, na inyong Maykapal.

Mahirap itong intindihin ng Aking mga anak na nabitag na ng


kasinungalingang ito. Pero isipin nyo ito nang ganito. Kahit na kayo’y
nasa kasalanan, meron pa ring Liwanag ng Diyos na nasa
inyo. Maraming makasalanan at di-sumasampalataya sa Diyos ang hindi
nakakaalam nito. Patuloy silang paikot na bumubulusok pababa at
palapit sa Impiyerno. Pero dahil lamang sa Liwanag mula sa Diyos kaya
sila nakakapanatiling matino. Kung wala ang Liwanag ng Diyos, ang
Lupang ito ay mababalot ng dilim. Ang kadilimang ito, pag naranasan
nyo, ay sobra kayong mahihintakutan. Ang inyong makasalanang mga
akto ay hindi lamang magiging kasuklam-suklam sa inyo, kundi
gugustuhin pa nyong tumakbo at magtago. Dahil sa puntong yun, bigla
mang magpakita ang Liwanag ng Diyos, hindi nyo na matatagalan ang
tindi ng Liwanag o ang Kapangyarihan.

Kung wala ang Liwanag ng Diyos, ganap ang kadiliman ng


kaluluwa. Mga anak Ko, hindi kayo kailanman nawalan ng Liwanag na
ito, kaya hindi kayo makatatagal na may buhay pag ang Liwanag na ito
ay nawala, o kung ito’y mawawala.

Alagaan nyo ang inyong kaluluwa – ito lamang ang madadala


nyo sa susunod na buhay

Ang Babala ay ipadadama sa inyo kung ano ang katulad nito. Kung
sakaling kayo’y nasa kasalanang mortal pag nangyari ang Babala, huwag
kayong matakot, dahil yun lang talaga ito – isang babala. Pero ang
malungkot nito, kasindak-sindak ang inyong mga kasalanan pag nakita
nyo ang mga ito sa walang-halo at pangit na kalagayan nito, kaya maaari
kayong masindak sa pisikal na paraan. Huwag nang hintaying umabot
sa ganun. Ngayon pa lang ay aksyunan nyo na ang inyong buhay-
espiritwal. Isaalang-alang nyo ang dangal ng inyong kaluluwa. Alagaan
nyo ang inyong kaluluwa dahil ito lamang ang madadala nyo sa susunod
na buhay. Ang inyong katawan ay hindi mahalaga. Pero kung ang
inyong katawan, na ibinigay sa inyo ng Diyos Amang Makapangyarihan-
sa-lahat bilang isang Regalo, ay gagamitin nyo sa makasalanang paraan,
para papagkasalanin ang iba, ang inyo mismong katawan ang magiging
sanhi ng pagkawasak ng inyong kaluluwa.
Isip-isipin nyo naman, mga anak Ko, ang inyong kaligayahang
hinaharap. Dahil ang panahon nyo sa Lupa ay maliit na bahagi lang ng
panahong pagdaraanan nyo sa inyong pag-iral. Pag hindi nyo
pinangalagaan ang inyong kaluluwa, sigurado nang maiitsa-pwera kayo
at mapapabayaan sa Impiyerno kung saan wala roong anumang buhay
kundi walang-hanggang hapdi at pahirap.

Araw-araw, milyun-milyon ang mabilis na lumulutang


patungo sa mga pinto ng Impiyerno

Araw-araw, milyun-milyong kaluluwa, sa sandali ng kamatayan, ang


mabilis na lumulutang patungo sa mga pinto ng Impiyerno: mga
makapangyarihang tao, mga pinuno, mga mayaman, mga dukha, mga
mang-aawit, mga aktor, mga terorista, mga mamamatay-tao, mga
nanggahasa at yung mga gumawa ng aborsyon. Nagkakapareho sila sa
iisang bagay na ito. Wala ni isa sa kanila ang naniwalang merong
Impiyerno.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas at Guro

Jesucristo

Dalawang Kometa ang magbabanggan; Ang Aking Krus ay


makikita sa isang mapulang langit
Linggo, June 05, 2011 4:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, malapit na ang panahon. Ang Babala ay


nalalapit na. Ikinalulungkot Kong sabihin na maraming kaluluwa ang
hindi makikinig sa mga Mensaheng ito tungkol sa Babala. Mga binging
tenga ang dinaratnan ng Aking Salita. Bakit ba ayaw nilang
makinig? Hindi lamang ang Aking dakilang Kaloob ng Awa ang
ibinibigay Ko sa kanila, pag nagpaambon Ako ng Aking mga grasya sa
buong mundo, kundi sinisikap Ko pa ring ihanda sila para sa
pangyayaring ito. Milyun-milyong makasalanan ang matutuwa pag
pinakitaan sila ng Aking dakilang Awa. Ang iba nama’y hindi na
magkakaroon ng pagkakataong tubusin ang kanilang sarili dahil
mamamatay sila sa malaking takot.

Anak ko, kailangang gawin mo lahat para balaan ang mundo, dahil
masisindak ang lahat ng tao sa Dakilang Pangyayaring ito. Makakakita
sila ng malalaking palatandaan sa langit bago pa mangyari ang
Babala. Ang mga bituin ay sobrang lakas na magsasalpukan kaya
magkakaroon ang mga tao ng maling akala na ang nakikita nilang
kamangha-manghang panoorin sa langit ay isang malaking
kalamidad. Habang nagbabanggaan ang mga kometang ito, ang
magiging resulta ay isang malaking langit na pula at ang Tanda ng Aking
Krus ay makikita sa buong mundo, ng bawat tao. Maraming
matatakot. Pero sinasabi Ko sa inyo na kayo’y matuwa, dahil sa kauna-
unahang pagkakataon sa inyong buhay ay makakakita kayo ng isang
tunay na Makalangit na Tanda na kumakatawan sa napakagandang
balita para sa mga makasalanan sa lahat ng dako.

Pag nakita nyo na ang Aking Krus, alam nyo na, na ang Aking dakilang
Awa ay ipinagkakaloob na sa bawat isa sa inyo, mga minamahal Kong
anak. Sapagkat ito’y dahil sa Aking malaki at walang-maliw na Pag-
ibig para sa inyo kung kaya kusang-loob Akong namatay sa Krus para
kayo’y iligtas. Pag nakita nyo ang mga Krus sa langit habang nangyayari
ang Babala, alam nyo na, na ito’y isang Palatandaan ng Aking Pag-ibig
para sa inyo.

Ipanalangin nyo, mahal Kong mga alagad, na ang inyong mga kapatid ay
matutuwa rin pag sila rin ay pinakitaan ng patunay ng Aking Pag-
iral. Ipanalangin nyo na tanggapin nila, na ito na ang pagkakataon para
tubusin nila ang kanilang sarili sa Mata Ko. Na itong dakilang Akto ng
Awa ay ililigtas ang kanilang mga kaluluwa kung hahayaan nila Akong
tulungan sila.

Ipapakita sa inyo kung ano ang katulad ng mamatay sa


kasalanang mortal.

Ang Babala ay magiging isang naglilinis na karanasan para sa inyong


lahat. Maaaring medyo hindi ito kasiya-siya, lalo na sa mga nasa
malubhang kasalanan. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa
kasaysayan, ipapakita sa inyo kung ano ang nadarama pag ang Liwanag
ng Diyos ay nawala sa inyong buhay. Madarama ng inyong mga
kaluluwa ang nararamdaman ng mga namamatay sa kasalanang mortal,
na sila’y pinabayaan na, ang mga kaluluwang ito na huli na ng iwan nila
ito para humingi ng tawad sa Diyos para sa kanilang mga
kasalanan. Tandaan nyo, importanteng payagan Ko kayong lahat na
maramdaman ang kahungkagang ito ng kaluluwa. Dahil sa ganun
lamang nyo tuluyang mauunawaan na kung wala ang Liwanag ng Diyos
sa inyong mga kaluluwa ay wala na kayong mararamdaman. Ang inyong
kaluluwa at katawan ay magiging mga sisidlang walang-laman na
lamang. Kahit ang mga makasalanan ay nadarama ang Liwanag ng
Diyos dahil naroroon Siya sa bawat isa sa Kanyang mga anak sa
Lupa. Pero pag kayo’y namatay sa kasalanang mortal, wala na ang
Liwanang na ito.

Kaya nga ngayon pa lang ay maghanda na kayo para sa Dakilang


Pangyayaring ito. Iligtas nyo ang inyong kaluluwa habang magagawa
nyo pa. Dahil pag kayo’y iniwan na ng Liwanag ng Diyos, saka nyo na
lamang mauunawaan ang walang-laman at walang-ibubungang
kadiliman na iniaalok sa inyo ni Satanas, na puno ng pighati at malaking
takot.

Punuin nyo ang inyong mga kaluluwa. Magalak na kayo, dahil ililigtas
kayo ng Babala at ilalapit pa kayong lalo sa Aking Sagradong Puso.

Mainit nyong tanggapin ang Babala. Dahil doon kayo bibigyan ng


patunay na meron ngang buhay na walang-hanggan at malalaman nyo
kung gaano ito ka-importante.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Hari ng Sangkatauhan

Ang Mga Susi ng Roma ay isinosoli na sa Diyos Amang


Makapangyarihan-sa-lahat

Lunes, June 06, 2011 10:30 am


Pinakamamahal Kong anak, magpakatatag ka na ngayon. Ang nilalaman
ng Aking Mga Mensahe sa iyo, ay nagdudulot sa iyo ng takot, at hindi ka
dapat bumigay dito. Kung minsa’y nadarama mong ikaw ay nag-iisa sa
Gawaing ito, pero kasama mo Ako araw-araw at hindi Ako lumalayo sa
tabi mo. Ang Aking Mga Mensahe, tulad ng sinabi Ko na sa iyo, ay hindi
laging magdudulot ng tuwa sa mga kaluluwa. Pero naiintindihan naman
ng mga mananampalataya na ang parusa ay kinakailangan para
tulungang linisin ang mundo.

Alam Kong mahirap, kung minsan, na maunawaan ang nilalaman, pero


kailangang manalig ka nang lubusan sa Akin. Sinasabihan Kitang muli,
na huwag makipagdibate sa mga taong yun, mga sumasampalataya sa
Akin, na kinikwestyon, sinusuri at hinahanapan ng butas ang Aking
Banal na Salita. Dahil ni ikaw, ni yung mga kaluluwang yun, ay may
awtoridad na gawin ito. Kailangang sundin mo na Ako ngayon. Hayaan
mo lang sila, yung mga patuloy na nilalait at itinatanggi ang Aking Salita,
dahil hindi mo na problema yan. Oo, siyempre, sisiraan ka pag
ipinahayag mo ang Aking Salita. Huwag mo na lang pansinin yung mga
gustong makipagdibate sa iyo. Napaka-konti ng oras para sayangin sa
ganung mga dibersyon. Ang mga taong kailangan mong isaalang-alang
ngayon ay ang Aking mga kawawang anak, na kulang ang
pananampalataya, o hindi nakakakilala sa Akin o sa Aking Amang
Walang-hanggan. Sila ang talagang inaalala Ko.

Kaya nga habang yung mga Kristiyanong mabuti naman ang intensyon,
ay laging sinisikap intindihin ang Aking Salita at gumugugol pa ng
panahon para suriin, sa halip na sundin na lamang ang Aking Mga Aral
at ipanalangin ang kawawa nilang mga kapatid, mahalagang oras ang
naaaksaya. Anak ko, sabihin mo sa mundo na ang malalaking
kapahamakang dulot ng kalikasan na nai-propesiya na, ay tatama na sa
Lupa. Lahat ay magsisimula na ngayon, napakarami, napakabilis. At
lahat ng ito ay dahil sa pagbubulag-bulagan sa Salita ng Diyos Ama, ng
mga makasalanang komportableng nakakubli sa kanilang mga kuweba
ng kasamaan.
Mga mananampalataya, huwag kayong matakot

Mga mananampalataya, manalangin kayo ngayon. Huwag kayong


matakot. Bibigyan Ko kayo ng Aking Dibinong Proteksyon sa lahat ng
oras, kahit na pinagtatawanan kayo sa Ngalan Ko. Ang panalangin ang
magbibigay sa inyo ng lakas at tapang, habang ibinubuhos ni masama
ang kanyang kamandag sa Aking mga anak. Habang patuloy na
tumitindi ang kanilang kasuklam-suklam na mga akto ng panggi-giyera
sa sangkatauhan, sa pamamagitan ng terorismo, pag-kontrol ng mga
salaping pandaigdig at paglason sa Lupa na sinasadya nilang parumihin,
pakinggan nyo Ako ngayon.

Ang Poot ng Diyos Ama ay babagsak na ngayon, at babagsak ito nang


mabilis. Ang pananalangin ay kailangang gawin nang grupo-grupo sa
buong mundo, dahil makakatulong ito na maiwasan ang ilan sa mga
pangyayaring ito.

Ipanalangin nyo ang Aking minamahal na si Santo Papa


Benedicto. Napapaligiran siya ng napaka-makapangyarihang mga
kaaway ng Diyos, mga matakaw sa kapangyarihan at pag-kontrol sa
Aking Simbahan. Ang panalangin ay makakatulong antalain ang
kanyang nalalapit na pag-alis, pag siya’y pinilit nang lisanin ang Vatican,
gaya ng nai-propesiya na. Manalangin, manalangin, manalangin para sa
panahong ito, dahil ito na ang pinakamadilim na panahong sumapit sa
Aking sagradong mga lingkod, mga Obispo, mga Kardinal, at lahat ng
tapat Kong mga alagad. Ang Mga Susi ng Roma ay isinosoli na ngayon sa
Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat.

Panahon na para labanan si Satanas at ang kanyang masasamang mga


alagad. Ang kanilang pagtatangkang pag-sabotahe sa sangkatauhan ay
mahigpit na aaksyunan, dahil magtitiis sila ng matinding pagdurusa
dahil sa masasama nilang mga gawain.
Bangon na, mga anak Ko. Unahin nyo ang pagbibigay ng buo nyong
tiwala, kompiyansa at katapatan sa Akin. Ang pananalangin araw-araw,
Misa at Eukaristiya ay makakatulong sa Akin at sa Aking Ama, para
burahin at alisin ang kasamaang ito. Sumunod kayo sa Akin. Kunin nyo
ang Aking Kopa, dahil pag ginawa nyo ito, magtatamasa kayo ng buhay
na walang-hanggan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Hari ng Sangkatauhan, Jesucristo

UL 11 28 13 Mensahe mula sa Birheng Maria tungkol sa mga


nawawala niyang mga anak

Martes June 07, 2011 2:45 pm

Anak ko, hindi naging madali itong mga huling araw. Pag sinusunod mo
ang aking Anak, yun lang ang mahalaga. Huwag mo namang hayaang
pasukin ng duda o takot ang iyong puso sa panahong ito, dahil pag
nagkaganun, si manloloko ang may kagagawan.
Buksan mo ang iyong puso at hayaang bahain ng mga grasya ang iyong
kaluluwa para mas mapalapit ka sa aking Mahal na Anak. Malapit ka na
ngayon sa iyong Pinagpalang Ina, na lagi kang tinutulungan at
ginagabayan. Ang bahaging ito ng iyong misyon ay mahirap, pero
alalahanin mo na ang pagtatrabaho para sa aking Anak ay di kailanman
naging madali. Mas lalakas ka pa, sa kabila ng iyong pag-aatubili dahil
sinusunod mo pa rin ang Kanyang mga utos, kaya mabuti ito.

Ipanalangim mo ngayon ang lahat kong nawawalang anak sa lahat ng


dako, dahil wala sila ng pag-ibig, ang tunay na pag-ibig na gustong ibigay
sa kanila ng aking Anak. Ang pag-ibig na ito ang kanilang
kaligtasan. Kaya ialay mo naman ang lahat mong panalangin para sa
mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwang ito.

Hayo na sa kapayapaan , at patuloy mong gawin lahat ng hilingin sa iyo


ng aking Anak, sa tuwina.

Ang iyong Pinagpalang Ina

Maria Ina ng Langit

Mensahe sa mga pari, mga Obispo at mga Kardinal tungkol sa


pekeng propeta
Martes, June 07, 2011 3:50 pm

Pinakamamahal Kong anak, nagdusa ka dahil pinapahirapan ka ni


manloloko. Kailangang taimtim kang manalangin para labanan ang
kanyang mga pag-atake sa iyo. Manalig ka sa Akin nang lubusan at
hayaan mo’t Ako ang bahala sa mga bagay na ito. Sa halip, umiinit ang
iyong ulo, samantalang dapat mong ialay ang pagdurusang ito sa Akin
nang may tuwa sa iyong puso. Kung lagi mong papaalalahanan ang iyong
sarili na kaya dumarating ang mga pagdurusang ito, ay dahil kaisa mo
Ako, at ikaw ay talagang pinagpala dahil isa kang kaluluwang pinili, iba
ang madarama mo.

Marami sa Aking mga alagad ay nagsisimula nang malaman kung ano


ang nangyayari sa mundo, at sa pamamagitan ng mga grasya ng Espirito
Santo, tinatanggap nila ang hamon na depensahan ang Aking Salita. Ang
hukbong ito ng mga mananampalataya ay magiging mas malakas na
ngayon at walang-takot nilang pamumunuan ang mga makasalanan
tungo sa kaligtasan.

Ang Aking Kahalili, na si Santo Papa Benedicto, ay nangangailangan ng


inyong mga panalangin. Ipagdasal nyo siya araw-araw dahil kailangan
niya ng proteksyon sa lahat ng lebel para matulungan siyang pagdaanan
ang pahirap na kinakaharap niya. Importanteng maging alerto ang
Aking mga alagad sa sinumang bagong santo papang sisipot dahil hindi
siya manggagaling sa Diyos. Himukin mo naman lahat ng Aking
sagradong mga lingkod na maghanda para sa mga nakakakilabot na mga
pagbabago, ang pinaka-nakakatakot na kakaharapin nila kailanman sa
kanilang paglilingkod. Kailangan ng malaking katapangan para
ipanindigan ang Katotohanan ng Aking Mga Aral. Napakarami sa Aking
mga banal na lingkod ay bulag sa mga ipinangako Ko,nang sabihin Kong
Ako’y muling darating. Kailan ba nila akalang mangyayari ito? Sobrang
nasanay sila sa pagsaulo sa Aking Mga Aral kaya tuloy nalimutan na nila
na pwede pala nilang masaksihan ang pangyayaring ito kahit anong oras,
at baka nga, sa kanila pa mismong buhay. Dahil ito ang isa sa mga
pinakamalaking hamon ngayon.

Kung Ako’y nagsugo ng mga propeta sa mundo ilang libong taon na ang
nakakaraan, e siyempre, susuguin Ko silang muli sa panahong ihahanda
na ang mundo para sa muli Kong pagdating.

Gising na sa mga leksyong itinuturo nyo sa inyong mga


kongregasyon. Alamin nyo na Ako itong nagsasalita sa inyo
ngayon. Maraming darating sa Ngalan Ko, pero iilan ang magsasabi ng
Katotohanan. Ang Mensaheng ito ay galing sa Akin, ang inyong Diyos na
Tagapagligtas. Manalangin kayo para sa pang-unawa para makilala ang
Aking Tunay na Tinig pag ito’y ibinibigay sa inyo. Buksan nyo na ngayon
ang inyong puso at pakinggan ang kailangan Kong sabihin sa
inyo. Panahon na para ipagbigay-alam sa inyo, na ang mg propesiyang
nakapaloob sa Aklat ng Pagbubunyag ay malapit nang maladlad sa
harapan ng inyong mga mata.

Kayo, mahal Kong mga alagad, ay kailangang matapang na lumaban,


alang-alang sa pagmamahal sa Akin, para labanan ang mga balakid na
inilalagay ni manloloko na hahamon sa inyo sa abot ng inyong
katatagan. Kailangan nyong tanggapin na malapit na kayong akitin ng
pekeng propeta. Pa-tsarmingan kayo. Kumbinsihin kayo na
kinakatawan niya ang Katotohanan. Kailangan nyo na ngayong
magpakita ng inyong katapatan sa Akin, at sa Aking Amang Walang-
hanggan. Huwag naman kayong mawalan ng pag-asa. Dahil kahit na
kayo matakot at mabagabag ng mga pangyayaring ito, kailangang sa
Akin kayo kakampi at magiging tapat.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa inyong paglilingkod, ang inyong


pananampalataya ay talagang masusubukan ngayon. Ang Simbahan ni
Pedro ay Aking Simbahan. Pero pag ang Mga Susi ay isinoli na sa Diyos
Ama, na mangyayari na ngayon, ang Simbahan ay magiging bahagi na ng
Aking Kaharian. Ako ang Katotohanan. Susunod kayo lagi sa
Katotohanan.

Ngayo’y manalangin kayo sa Akin, para sa mga grasyang kinakailangan


para makasiguro kayo na mapaglalabanan nyo sa tamang panahon ang
panloloko ni Satanas. At kung hindi, bibitagin ng pekeng propeta ang
Aking mahal na mga anak sa pamamagitan ng kanyang karismatic at pa-
tsarming niyang asal, na asal din ni manloloko, na kasabwat niya. Hindi
mapapanalunan ni Satanas ang Aking Simbahan kung ang Aking mga
lingkod ay alerto sa panloloko at makikita kung ano talaga ito. Isang
maka-demonyong kasinungalingan, na pag kayo’y nasangkot at
sumumpa ng katapatatan sa bagong kasuklam-suklam na ito, ay hindi na
kayo makakabalik pa!

Pakinggan nyo na Ako ngayon. Lumapit kayo sa Akin para kayo’y


magabayan at para sa mga natatanging grasyang kinakailangan para
akayin ang Aking kawan pabalik sa Akin at sa Aking Makalangit na
Ama. Dahil pag ginawa nyo ito, bibigyan Ko kayo ng ganung mga grasya
kaya hindi magtatagal at magkakaroon kayo ng lakas na depensahan ang
Aking Salita, anuman ang mangyari.

Mahal Ko kayong lahat at pinananabikan Ko ang inyong pag-suporta sa


pangwakas na mga panahong ito.

Jesucristo
Ihanda nyo ang inyong pamilya para saksihan ang Aking Krus
sa Langit

Miyerkules, June 08, 2011 4:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, kailangang ibahagi Ko sa iyo ang mga


damdaming tinitiis Ko ngayon. Ang una’y kaligayahan, dahil magdadala
Ako ng ganung kalaking Awa sa Aking mga anak pag nangyayari na ang
Pagliwanag ng Konsiyensya, na nalalapit na. At nandyan din ang Aking
Mga Luha ng malaking dalamhati, para dun sa mga walang pakialam sa
pangyayaring ito at hindi handa. Kailangang sabihan ng Aking mga anak
ang pinakamaraming mga kaibigan at pamilya nila na pwedeng sabihan,
tungkol sa Dakilang Pangyayaring ito para iligtas ang kanilang mga
kaluluwa. Hindi bale kung ngumisi sila at pagtawanan ang inyong mga
sinasabi, dahil pagkatapos ay pasasalamatan nila kayo. Sabihin nyo sa
kanila ang Katotohanan. Sabihin nyong buksan nila ang kanilang
isipan. Kailangang ipagbigay-alam sa kanila kung ano ang kanilang
masasaksihan, dahil pag nakita nila ang Aking Krus sa langit, ay
nakahanda na sila. Yun lang ang dapat nilang maintindihan. Kaya
tatanggapin nila ang asiwang pakiramdam na titiisin nila pag ang
kanilang buhay na nakaraan ay ipinakita sa harap ng kanilang mga
mata. Sabihin nyong repasuhin nila ang kanilang buhay at ipaalala nyo
sa kanila ang pinsalang pwedeng nagawa nila sa kanilang kapwa.

Ikalat nyo ang Aking Salita pagkatapos ng Babala

Mga anak Ko, pag nangyari na ang Babala at nagkaroon ng pagbabalik-


loob, mabilis kayong kumilos para ikalat ang Aking Kabanal-banalang
Salita. Kailangang kailangan agad itong gawin dahil napakahalaga ng
panahong ito. Ito ang panahon na, sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng
Aking mahal na mga alagad, ay ang Aking mga anak ay mananatili sa
tamang daan. Ito rin ang panahon na ang panalangin at pagbabalik-loob
ay makakabawas sa tindi ng kalamidad na mangyayari dahil sa
paghahari kapwa ng antikristo at ng pekeng propeta.

Tanggapin nyo ang Katotohanan kung ano ito. Huwag nyong katakutan
ang Katotohanan. Akapin nyo ito; dahil pag ginawa nyo ito, lalaya kayo
at dahil sa inyong pananalig sa Akin, makakaya nyong depensahan ang
Aking Salita sa tamang paraan. Pipigilan kayo ng takot, mahal Kong mga
anak. Ang katapangan naman ay nagliligtas ng mga kaluluwa. Ang
inyong paglaban, alang-alang sa Akin, ay magpapahupa sa Aking
pagdurusa at magdudulot ng buhay na walang-hanggan sa mas marami
pang mga kaluluwang nadidisispera na at kailangang kailangan na ang
inyong tulong.

Ang Aking Pag-ibig para sa inyo, mga anak, ay walang-hanggan at


walang-maliw. Mabigat man ang Aking Krus, pag meron namang
pagmamahal sa inyong puso, gagaan ang pasaning ito.

Kayo, minamahal Kong mga alagad, mga sagradong lingkod at mga


layko, o ordinaryong tao, kayo ang Aking hukbo sa darating na panahon
para tulungan Akong talunin si Satanas. Manalangin kayo na kayo’y
bigyan ng lakas para makayanan nyong aksyunan ang mga hamon sa
inyong pananampalataya. Mamuno kayo sa pamamagitan ng
halimbawa, at ang Kaloob na ibinibigay Ko sa bawat isa sa inyo na
nangangakong maging tapat sa Akin, ay kaagad magdudulot ng
pagbabalik-loob pag sinasabi nyo ang Aking Kabanal-banalang Salita.

Tandaan nyo, lagi nyo na Akong kasama ngayon. Marami sa inyo, na


naging malapit sa Akin sa mahaba-haba na rin namang panahon, ay
makakaramdam ngayon ng mas malakas na udyok ng Espirito Santo at
kapangyarihang makaunawa, at magugulat na lang kayo. Tanggapin nyo
ito bilang isa sa mga pinaka-dakilang Kaloob na ibinibigay ngayon sa
tao. Hindi pa Ako nakapagbigay ng ganito karaming grasya mula pa
nung ang Aking mga apostol ay binigyan ng mahahalagang Mga Kaloob
sa pamamagitan ng Espirito Santo.

Kayo, Aking mga alagad, kasama ang Aking mga sagradong lingkod, ang
Aking Tunay na Simbahan. Sa tulong ng Diyos Amang Walang-hanggan,
pamumunuan Ko kayo para makapag-martsa kayo kasama ng lahat
Kong anak tungo sa Bagong Paraisong naghihintay sa inyo.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Mensahe ng Pag-ibig sa lahat Kong alagad

Miyerkules, June 08, 2011 9:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ngayo’y natutuwa Ako sa


pananampalatayang ipinapakita ng Aking minamahal na mga alagad sa
buong mundo, na dinidinig ang Aking panawagan sa pamamagitan ng
Mga Mensaheng ito. Natutuwa Ako dahil sa lalim ng
pananampalatayang ipinapakita ng Aking minamahal na mga anak, sa
isang mundong tumatanggi sa Akin. Ang mahal Kong mga anak, yung
mga sumasampalataya sa Akin, ay nagdudulot ng mga luha ng
kaligayahan sa Akin sa panahon ng kalungkutan. Kung wala yung mga
may malalim na debosyon sa Akin, hindi na Ako maaalo pa.

Mga anak Kong nagmamahal sa Akin, makinig kayo ngayon sa


Akin. Magpaakap kayo sa Aking Mga Braso at ipapaliwanag Ko sa inyo
ang kahalagahan ng inyong pananampalataya. Ang inyong
pananampalataya ay parang isang apoy sa Aking Puso na kailanma’y di
mamamatay. Paminsan-minsan, maaaring aandap-andap ito, pero
bibigyan Ko kayo ng lakas para panatilihing nagniningas ang apoy na
ito. Kayo, Aking mga anak ng Liwanag, ang lalamon sa kadiliman, pero
kailangan nyong magsama-sama at magkaisa para labanan ang
antikristo.

Hindi pwedeng manalo si Satanas, dahil imposible ito

Lagi nyong iisipin ang mahalagang katunayang ito. Siya, si manloloko,


ay hindi pwedeng manalo at hindi talaga mananalo, dahil imposible
ito. Kaya nga kailangan nyong tanggapin na ang Liwanag Ko, at ng
Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi lalabo, dahil hindi ito ang
Liwanag na namamatay. Pero ang kadiliman ang aakit dun sa mga
kawawa at naliligaw na mga kaluluwa, na doon lalapit. Ang mga kawawa
at naliligaw na mga kaluluwang yun ay iniingatan Ko sa Aking Puso at
pareho ang halaga nyo at nila para sa Akin. Kayo, mga anak Ko, gaya sa
alinmang pamilya, ay kailangang tingnan ang inyong mga naliligaw na
mga kapatid. Gaano man kalaki ang kanilang mga kasalanan, huwag na
huwag nyo silang huhusgahan. Ibalik nyo sila sa Akin. Kausapin nyo
sila. Dasalin nyo ang Aking Divine Mercy para sa kanila, para mailigtas
sila sa mga kuko ni masama sa oras ng kamatayan.

Sumigaw na kayo ngayon mula sa mga tuktok ng burol. Ipaalala nyo sa


lahat ang Katotohanan. Huwag nyong pansinin yung mga
panlalait. Pero pag ipinapaliwanag nyo sa Aking mga anak kung gaano
ko sila kamahal, huwag nyong ipipilit ang inyong pananaw sa kanila. Sa
halip, ipaliwanag nyo na lang na sila’y nilikha ng Diyos Ama. Sabihin
nyo sa kanila na sinugo Niya Ako, ang Kanyang kaisa-isang Anak, para
sila’y iligtas, para bigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng buhay na
walang-hanggan. At sabihin nyo sa kanila na mahal Ko sila at
sinasamahan Ko sila sa kanilang paglalakad bawat minuto ng bawat
araw. Kahit nasasaksihan Ko ang kanilang pagtanggi at paggawa ng
kasamaan sa kanilang kapwa, naroroon pa rin Ako sa tabi
nila. Umaasang lalapitan nila Ako at hihingan ng tulong, dahil pag
ginawa nila ito, aakapin Ko sila nang may luha ng kaligayahan at
kaginhawahan. Tulungan nyo Akong iligtas ang mga mahal na
kaluluwang yun. Huwag nyong hayaang maagaw sila sa Akin ni
manloloko. Pamilya nyo sila. Aking pamilya. Iisa tayo. Kahit iisang
kaluluwa lamang ang mawawala, labis-labis pa rin ito. Maraming
salamat, Aking mahal na mga anak sa lahat ng dako. Dapat nyong
malaman na Ako ngayo’y kasama nyo, nang may mas malakas na
Presensya, sa pamamagitan ng Espirito Santo, kaysa alin mang panahon
sa buong kasaysayan. Hawakan nyo ang Aking Kamay at samahan nyo
Akong maglakad tungo sa Bagong Paraiso sa Lupa na siya nyong
magiging maluwalhating tahanan sa kinabukasan.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Hari ng Awa
Ang Aking Espiritwal na Gabay ang hahadlang sa mga
pangwawasak na gagawin ni Satanas

Sabado, June 11, 2011 3:30 pm

Mahal Kong anak, isang linggo na namang may maraming pagsubok ang
nakalipas, kung saan, sa isang dako, ay inakap ng napakarami ang Aking
Salita, at sa kabilang dako naman ay kasabay na itinanggi
bilang lubusang panloloko ng iba. Yung mga itinatanggi ang Aking
Salita, hindi ba nila nabasa ang Katotohanan? Ang Katotohanang
nakapaloob sa Aking Banal na Aklat? Ang Aklat ng Pagbubunyag ay
ibinigay sa lahat Kong anak para tulungan silang maunawaan ang
kaguluhang mangyayari sa paglapit ng pangwakas na panahon, dahil sa
pagkalat ng mga kasinungalingang gawa ni Satanas at ng kanyang mga
demonyo. Kung hindi nyo naiintidihan ang Katotohanang nakapaloob sa
Aklat ng Pagbubunyag, paano nyo pa mauunawaan ang Mga Mensaheng
ibinibigay Ko sa inyo ngayon?

Sa palagay nyo ba’y Tatalikuran Ko kayo at pababayaan sa


kapangyarihan ni Satanas at ng kanyang masamang hukbo? Hindi nyo
ba naisip na sisikapin Kong balaan kayo at tulungan pagkatapos?

Ang aking dakilang Awa ang wawasak sa impluwensya ni Satanas sa


Aking mga anak. Minsan pa Akong dumarating para iligtas kayo mula sa
kanyang mga kuko. Ang Aking Kaloob na Babala ay makababawas sa
malaking takot na sana’y palaki nang palaki kung hindi ito mangyayari.

Kinakausap Ko na kayo ngayon, hindi lamang para ihanda kayong lahat


para rito sa dakilang Akto ng Aking Awa, kundi para rin kayo gabayan sa
masalimuot na pagwasak na pinaplano ng masamang grupo, na ang hari
ay si masama. Ang Aking espiritwal na gabay ang hahadlang sa malaking
bahagi ng mga pangwawasak na gagawin ni Satanas. Makinig kayo sa
Aking Salita. Sundin nyo ang Aking mga utos. Pamunuan nyo at
tulungan ang isa’t isa sa inyong pananampalataya at bibigyan kayo ng
tulong na kinakailangan para mabilis na sundan ang daan tungo sa mga
ipinangako Ko sa inyo.

Marami sa inyo ang matatakot, mahal Kong mga anak, pero huwag nyo
namang hayaang hadlangan ng takot ang Katotohanan. Gagamitin ni
Satanas ang takot para pigilan kayo sa pagtanggap sa Aking Mga
Mensahe ng Pagmamahal. Marami sa mga sinasabi Ko sa inyo ngayon
ay hirap na hirap nyong intindihin. Pero unawain nyo ito. Kung hindi
Ako darating ngayon para ipakita sa inyo ang Katotohanan, maliligaw na
sana kayo.

Mahihirapan kayong mamuhay sa panahong ito. Kung paano Ko kayo


inihanda noon, sa pamamagitan ng Aking mga propeta, ihahahda Ko
naman kayo ngayon,sa pamamagitan ng sugong ito, para sa panahong
Ako’y muling darating.

Ito’y isang Regalong dulot ng Aking malalim na Pagmamahal sa lahat


Kong anak, para aksyunan ang nalalapit na paghahari ni antikristo at ng
kanyang kakampi, ang madayang pekeng propeta, na ililigaw ang Aking
Simbahan sa Lupa.

Ibaba nyo ang inyong mga depensa. Imulat nyo ang inyong mga mata sa
Katotohanan. Ang Aking Salita ngayon ay ibinibigay para lamang
ipaalala sa inyo ang Katotohanan ng Aking Mga Aral. Ang Aking Banal
na Kasulatan ay ang Katotohanan. Ang Katotohanan ay nasasalmin sa
Aking Banal na Kasulatan. Kung pinapaalala Ko sa inyo ngayon ang mga
ipinangako Ko noon, at ang daan tungo sa kaligtasan, ito’y isang pag-ulit
lamang ng Aking Banal na Salita. Ang Katotohanan ay laging magiging
kung ano ito. Hindi ito kailanman mapapalitan o mababago para ibagay
sa sangkatauhan. Lagi ito mananatiling kung ano ito.

Hayaan nyo Akong tulungan kayong maunawaan ang nangyayari


ngayon. Huwag kayong manginig sa takot. Mahal Ko kayong lahat at
ang gusto Ko lang gawin ay hawakan ang inyong kamay, mga anak, at
kayo’y protektahan. Pakay Kong siguraduhing bawat isa sa inyo ay
kasama Kong mabubuhay sa Bagong Paraiso sa Lupa.

Ang inyong laging-nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

‘Mga Tagapagpalaya’ sa Middle East, gustong kontrolin ang


mga Hudyo

Sabado, June 11, 2011 9:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, mapagmahal Kitang kinakausap ngayong


gabi, dahil konting panahon na lang at lalo’t lalo pang dadami ang Aking
mahal na mga alagad na magkakaisa para labanan si manloloko. Ngayon
mismo, siya at ang mayayaman at ma-impluwensyang mga grupo na
pinagkukublihan niya, at nagpaplanong makontrol kayong lahat, pero
hindi nyo ito namamalayan.

Mapipigilan sila nang mas maaga kaysa akala nyo. Marami sa kanila ay
magbabalik-loob habang nangyayari ang Babala. Pahihinain nito nang
ganun na lamang ang One World Group ni Satanas kaya maraming
malilito kung anong daan ang susundan nila. Ganun sila kalito. At
maraming babalik at lalapit sa Akin, mga anak, dahil gusto nilang sila’y
matubos.

Ang paghihiganti, kontrol, kapangyarihan at pagkasuklam, pag


pinagsama-sama, ay lilikha ng pinakamalaking banta sa pananatiling
buhay ng tao. Lahat ng giyerang nakikita nyong nangyayari sa Middle
East at lampas pa rito, ay niluto, “lutong-makaw.” Hindi sila nagkataon
lang. Dapat nyong malaman na ang maraming bansang sabay-sabay
nag-alsa, ay hindi ito ginawa sa sarili nilang sikap, kundi

tinulungan sila ng masamang grupo sa lahat ng gobyerno, yung mga


gobyernong kumu-kontrol sa mundo. Ang mga pinunong ito sa Middle
East ay inaalis na ngayon para bigyang daan ang mga tagapagpalaya, yun
bang magpoproklama ng katarungan at mapayapang mga paraan para
tulungan ang Aking mga anak. Pero hindi naman yun ang kanilang
intensyon. Ang intensyon nila ay kontrolin ang Aking minamahal na
bansa, ang Mga Hudyo, na nalalagay na ngayon sa panganib sa buong
paligid nito. Lahat ng pangyayaring ito ay mauudlot dahil sa
Babala. Lahat nung sangkot sa masamang pandaigdig na grupong ito ay
kailangang humarap din sa Akin, nang isa-isa, at doon Ko ipapakita sa
kanila kung paano sila nagkakasala sa Akin. Maraming luluhod at
hihingi ng pagtubos.

Napakahalaga nito, mga anak Ko, dahil habang mas maraming


makasalanan sa lahat ng dako, lalo na yung mga kumu-kontrol ng inyong
mga kabuhayan, ay magbabalik at lalapit sa Akin, mas magiging malaki
rin ang Aking Awa. Ipanalangin nyo na yung mga makakakita ng
Katotohanan, ay magbabalik-loob pag, habang nangyayari ang Babala, ay
nalaman nilang mahal Ko sila. Ang panalangin, mga anak Ko, ay
napaka-makapangyarihan. Pag nanalangin kayo sa Diyos Ama sa Ngalan
Ko para sa kaligtasan ng mga kaluluwang ito at ng iba pa, hindi Niya
kayo tatanggihan.

Ang inyong katapatan sa Akin at ang pananalangin araw-araw ay


kailangang-kailangan na para paluwagin ang hawak ni Satanas sa Aking
mga anak, na nararapat maging Akin.

Ang inyong Laging-Maawaing Tagapagligtas

Jesucristo

UL 11 30 13 Ang Saganang Pag-ibig sa Adoration ay gagawin


kayong mas malakas at mas panatag

Linggo, June 12, 2011 7:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang mga grasyang tinatanggap ng Aking


mga anak sa Eucharistic Adoration ay makapangyarihan. Hindi lang
nito kayo binibigyan ng mga grasya para makayanan ang mga pagdurusa
sa buhay, ginagawa rin kayong mas malakas sa pagmamahal nyo sa Akin,
ang inyong lagi at tapat na Tagapagligtas.

Ang pag-ibig na ibinubuhos sa mga kaluluwa sa Adoration ay saganang


ibinibigay. Nadarama ng kaluluwa ang pagbahang ito ng Aking mga
grasya sa maraming iba’t ibang paraan. Ang unang Kaloob ay
kapayapaan sa inyong kaluluwa. Kaagad nyo itong madarama
pagkatapos ng inyong panahon na kayo’y malapit sa Akin.

Maraming marami sa Aking mga anak ang ipinagkakait sa kanilang sarili


ang maraming Kaloob na ibinibigay Ko sa Adoration, kung saan isang
oras ng inyong panahon ay ginugugol nyo sa harapan ng Aking
Presensya sa altar.

Alam man ng mga Katoliko ang Kapangyarihan ng Eukaristiya,


maraming hindi tanggap ang kahalagahan ng importanteng panahong
ito na kasama Ako sa pagninilay. Basta di lang nila pansin ang Kaloob na
ito. Pinagsasawaan nila ang paggugol ng karagdagang oras na ito na
kasama Ako.

Naku, kung alam nyo lang kung gaano sila palalakasin nito. Ang
kanilang mga takot at pag-aalala ay mapapawi kung sasamahan lang nila
Ako sa tahimik at matalik na pagninilay. Kung makikita ng Aking mga
anak ang Liwanag na ito na bumabalot sa kanilang kaluluwa sa loob ng
espesyal na Banal na Oras na ito, mamamangha sila. Mga anak, sa loob
ng oras na ito kayo nagiging napakalapit sa Akin. Dito didinggin ang
inyong boses, ang inyong mga kahilingan, ang inyong mga pangako ng
pagmamahal para sa Akin. Maraming nakakamanghang grasya ang
ibinibigay sa inyo, mga anak, sa panahong ito, kaya huwag nyo namang
bale-walain ang Aking pakiusap na gugulin ang panahong ito na kasama
Ako.

Ang mga gantimpala ay palalayain kayo sa mga pag-aalala

Ang mga gantimpala ay palalayain kayo sa mga pag-aalala, pagagaanin


ang inyong kalooban, isipan at kaluluwa, at kayo’y papayapain. Pag
tinanggap nyo Ako sa Eukaristiya, pupunuin Ko ang inyong
kaluluwa. Pero pag lumapit kayo sa Akin sa Adoration, ganun Ko kayo
babalutin, kaya babahain ng Aking Maawaing Pag-ibig ang inyong isip,
katawan at kaluluwa hanggang sa mapuno ang mga ito. Makadarama
kayo ng isang uri ng lakas na magbibigay sa inyo ng isang tahimik na
kompiyansa, na mahirap na di nyo mapansin.

Halina kayo sa Akin, mga anak, ngayon na. Kailangang samahan nyo
Ako. Kailangan Ko kayo para kausapin Ako pag ang Aking Dibinong
Presensya ay pinakamalakas. Mahal Ko kayo at gusto Kong ibuhos lahat
Kong grasya sa inyo, para maibuklod nyo ang inyong mga kaluluwa sa
Aking Sagradong Puso.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ibigay nyo sa Akin ang inyong mga problema at pagagaanin Ko


ang inyong pasanin

Lunes, June 13, 2011 6:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang panalangin ay mas mabilis na ang


paglaganap, dahil sa Kaloob na Espirito Santo, na tumagos na sa mga
kaluluwa ng lahat Kong alagad sa buong mundo. Ang kanilang mga
tainga ay alerto na ngayon sa Aking Kabanal-banalang Salita.

Ipanalangin nyo lahat Kong kawawa at pinahihirapang mga anak na


nagtitiis ng malaking paghihirap sa mundo, na dulot ng nakakakilabot na
mga gawain na sila ang mga biktima, at lahat ay dahil sa mga kasalanan
ng sangkatauhan.

Hayaan nyo Ako na ipagunita sa lahat Kong anak, sa lahat ng dako, na


dasalin ang Aking Divine Mercy Chaplet, araw-araw. Dasalin nyo rin, at
isinasama Ko lahat ng pananampalatayang Kristiyano, ang Santo
Rosaryo – sa Aking minamahal na Ina, dahil pahihinain ng
makapangyarihang panalanging ito ang kapangyarihan ni Satanas sa
Aking mga anak.

Ang hinihiling Ko lamang ay lahat kayong nalulungkot dahil sa mga


pagsubok at pag-aalala, ay ibigay nyo na sa Akin ngayon, lahat nyong
alalahanin, at hayaan nyo Akong aksyunan ang mga ito. Manalig kayo sa
Akin at ang inyong pasanin ay gagaan. Magpaakay kayo sa Akin tungo sa
isang mas mapayapang kalagayan. Relaks, mga anak Ko, at hayaan nyo
ang Aking Kapayapaan na bumaha sa inyong nanghihina at nagugutom
na mga kaluluwa. Ang kadilimang nadarama nyo ay nagmumula sa
takot. Ang takot ay nagmumula sa kawalan ng tiwala. Pag nawalan kayo
ng tiwala sa Akin, nandun na si Satanas at nagtatanim ng mga duda sa
inyong isipan.

Huwag na huwag nyong mamaliitin ang kanyang ginagawa dahil ang


kanyang laro ay pag-awayin kayo ng inyong kapwa. Ang panlolokong ito
ay laging sa Aking mga tapat na alagad muna nakatutok. Nasusuklam
siya sa inyo kung mahal nyo Ako. Hindi siya magpapahinga hangga’t
hindi niya kayo nagugulo. Humahalakhak siya pag kayo’y
nanghihina. Huwag nyo siyang bibigyan ng ganitong kapangyarihan,
dahil pag ginawa nyo ito, hihina ang inyong pananampalataya sa Akin.

Ang Panalangin kay San Miguel at ang pagdarasal ng Santo


Rosaryo ang pinaka-makapangyarihang mga sandata nyo
laban kay Satanas.

Hayo na nang may mas malaking kompiyansa at ibigay nyo sa Akin ang
inyong mga problema at mga alalahanin dahil narito Ako at naghihintay
sa inyo sa lahat ng oras para akayin kayo tungo sa Liwanag.

Mahal Ko kayong lahat, mga anak. Mas manalig pa kayo sa Akin.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang mga alagad Ko ay kailangang magpakita ng katapangan


para ihanda ang iba para sa Babala

Martes, June 14, 2011 7:00 pm


Minamahal Kong anak, marami pang trabaho ang dapat gawin ng Aking
mga alagad para sabihan ang mga tao kung anong dapat nilang asahan
pag nangyari ang Babala.

Paunahan nyo na sila ng mga detalye para pag nakita nilang lumagablab
ang pulang langit, na sinasalmin ang Aking Dakilang Awa, alam nilang
walang dapat katakutan. Sa halip, dapat silang matuwa, dahil heto na, sa
wakas, para sa marami sa Aking mga anak sa buong mundo, ang
katibayang buong buhay nilang hinahanap.

Malaking tuwa ng Aking mga anak ang Aking pinananabikan, at hindi


mga luha ng kalungkutan. Pag nakita nyo na ang Aking Krus, alam nyo
na ang Init ng Aking Pagmamahal para sa inyong lahat.

Maraming iiyak ng luha ng malaking kaligayahan, dahil alam na nila na


nagpapabaha na Ako ng mga grasya ng pagtubos sa kanilang mga
kaluluwa. Para sa ibang hindi nakakakilala sa Akin, matatakot sila, dahil
malinaw na nilang makikita kung gaano ka-grabe ang kanilang mga
kasalanan.

Mga alagad Ko sa lahat ng dako, nananawagan Ako sa inyo na kayo’y


magpakita ng malaking katapangan at sabihan ang Aking mga anak na
huwag silang matakot pag nakita nila ang Makalangit at kahanga-
hangang palabas ng Aking dakilang Awa para sa sangkatauhan. Ibalik
nyo sila sa Aking kawan sa pamamagitan ng paghahanda sa
kanila. Kung ayaw nilang makinig, ipanalangin nyo sila.

Ang inyong Walang-hanggang Tagapagligtas at Manunubos ng


Sangkatauhan
Jesucristo

Nadidismaya Ako ng Kayabangan ng Pag-iisip tungkol sa mga


relihiyosong bagay

Miyerkules, June 15, 2011 10:00 am

Ngayong araw, anak Ko, ay gusto kong balaan yung mga tapat Kong mga
alagad na nagpapahayag ng Ngalan Ko sa mga tao, na sila’y sumunod sa
Katotohanan ng Aking Mga Aral at sila’y mag-ingat-ingat.

Mahal Ko ang lahat Kong alagad lalo na yung nagpapakita ng


kababaang-loob sa lahat ng oras. Pero nadidismaya Ako pag ang mga
seryoso at istriktong mga Kristiyano, na nagpapahayag ng Aking Salita,
ay sinisikap suriin ang Aking Mga Aral sa malakas na boses at parang
diktador ang dating. Hindi pa sila masiyahan sa pagpapalaganap ng
Aking Salita, kundi kailangan pang paabutin ang Aking Mga Aral sa
isang debate sa pamamagitan ng pangangatwirang pan-tao, na isa
lamang ang pakay. Para patunayan sa iba na mas may kakayahan silang
unawain ang Aking Kabanal-banalang Salita. Sa sobrang ka-seryosohan
nilang patunayan na sila’y tama sa kanilang pagkaintindi, hinahati nila
ang Aking mga tapat na alagad. Ang kanilang seryoso at istriktong
debosyon sa Akin ay kalimita’y ginagawa silang walang-silbi sa kanilang
tunay na pagmamahal sa Akin, na dapat laging nakaugat sa kababaang-
loob.
Ang malalakas nilang boses, na puno ng paghamak sa kaisipan ng iba, ay
patahimikin nila. Tumigil na sila, at makinig sa Aking Tinig. Labanan
nila ang pananabik na patunayan sa iba ang kanilang kaalaman tungkol
sa mga espiritwal na bagay. Pag ginagawa kasi nila ito, gumagawa sila ng
kasalanan ng kayabangan. Hindi talaga nila Ako nakikilala. Hindi kasi
sila gumugugol ng panahon na manatiling tahimik at magpakumbaba sa
harapan ng Mata Ko na nakakakita sa lahat. Hangga’t hindi nagiging
maliit sa Mata Ko ang mga seryoso Kong alagad na ito, at hindi
nagpapakumbaba sa harapan Ko, hindi Ko magagawang palapitin sila sa
Akin.

Luwalhatiin nyo Ako. Parangalan nyo ang Aking Salita. Sundin nyo ang
Aking halimbawa. Huwag na huwag nyong uusigin ang iba sa Ngalan
Ko, lalo na yung mga kapwa nyo Kristiyano.

Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas

Jesucristo

Makipag-usap ka sa isang bata, materyoso at kapritsyosong


lipunan

Miyerkules, June 15, 2011 11:00 pm


Pinakamamahal Kong anak, ang mga pagsubok at katigangang espiritwal
na pinagdadaanan mo ngayon ay pinapayagan Ko para maging mas
matalik ang pakikipag-isa mo sa Akin.

Kung minsan, pag naghihirap ka, kailangan Kong tuminging palayo para
hindi Kita makitang nalulungkot. Pero habang natatagalan mo ang
bawat pagsubok at umaabante ka sa kasunod na yugto, magiging mas
malakas ka kaysa dati.

Habang mas tumitindi ang iyong pagdurusa, dulot ng kalupitan at pang-


aabuso ng iba na pinagtatawanan ka dahil sa Sagradong Gawaing ito,
mas marami kang grasyang tatanggapin.

Paano magdusa sa Ngalan Ko

Pero hindi sapat na magdusa sa Ngalan Ko. Kailangang hindi ka


lantarang magrereklamo tungkol sa mga pahirap na ito. Anak ko,
kailangang, para mabigyan mo Ako ng kasiyahan, ay tahimik kang
magdurusa. Kailangang magmukha kang masaya sa paningin ng mga
tao. Sa ganun lang magiging malakas ang iyong kaluluwa at madadala
ito sa lebel ng kabanalan na hinahanap Ko sa iyo para sa iyong
Misyon. Dahil pag umuunlad ka nang ganito, magbubunga ang
pagpapahayag mo ng Aking Salita at nangangahulugan ito na ang Aking
Mga Mensahe ay mas epektibong maririnig sa lahat ng sulok ng mundo.

Sa pagkakataong ito, habang inihahanda Ko lahat Kong anak para sa


pinakamalaking hamon simula ng Ipako Ako sa Krus, mahalagang ganun
din karaming tao ang makarinig ng Aking Kabanal-banalang Salita.
Ang Katotohanang ibinubunyag na ngayon ay maririnig hindi lang ng
mga mananampalataya, kundi pati nung mga ayaw Akong makilala, o
ayaw tanggapin ang Katotohan ng Pag-iral ng Diyos Amang Walang-
hanggan.

Makipag-usap ka sa isang bata, materyoso at kapritsyosong


lipunan

Anak ko, kailangang gamitin mo lahat ng paraan na magpaparating ng


Aking Salita sa isang bata, materyoso at kapritsyosong
lipunan. Siguraduhin mong kinakausap mo sila sa paraang kanilang
mauunawaan, papansinin at pag-uusapan. Dahil anong silbi ng Gawaing
ito kung pinalalakas nito ang Aking Banal na Salita sa mga
sumasampalataya lamang? Oo nga’t mahalagang ang Aking mga alagad
ay pinaaalalahanan ng mga ipinangako Ko nang sabihin Kong Ako’y
magbabalik, pero yung mga kaluluwang walang alam, walang pag-unawa
at hindi interesado sa Aking Malasakit para sa sangkatauhan, sila ang
kailangan Kong maabot anuman ang mangyari.

Ikaw, anak Ko, at ang Aking mga alagad ay may tungkuling sabihin na
ngayon ang Katotohanan sa mga agnostikong walang pakialam sa Diyos,
at mga ateong hindi naniniwala sa Diyos, at isang buong henerasyon ng
mga kabataan. Kakausapin nyo sila nang malumanay. Huwag
pagalit. Kundi nagpapalakas ng loob. Gawan nyo ng paraan para
mawili sila sa Aking Salita.

Hindi katapusan ng mundo

Sabihan nyo sila tungkol sa ipinangako Kong Bagong Paraiso sa


Lupa. Hindi ibig sabihin nito ay matatapos na ang mundo, bagkus ay
magkakaroon na ng isang Bagong Panahon ng Kapayapaan, tuwa at
kaligayahan. Hindi nila maaaring talikuran, at hindi nila dapat talikuran
ang kaluwalhatiang ito. Ipanalangin nyo sila. Dalhin nyo sila sa Akin at
tatanggap kayo ng espesyal na gabay at mga grasya.
Kasimplihan at Katotohanan ang mga sandatang dapat nyong
piliin

Mamuno kayo sa pamamagitan ng halimbawa. Anak ko, kailangan mo


nang planuhin ang paggamit ng iba’t iba at mga modernong paraan ng
pagbibigay ng Aking Salita. Padadalhan ka ng tulong para magawa mo
ito.

Ikalat ang Aking Salita gamit ang modernong komunikasyon

Mga paraan ng modernong komunikasyon ang kailangang gamitin para


siguraduhing ang Aking Salita ay mabilis kakalat. Manalangin na
ngayon. Sabihan mo ang mga tagalathala sa pinakamaraming bansang
pwedeng sabihan, na sila’y maglimbag ng mga aklat sa pinakamaraming
wika hangga’t maaari. Gumamit ng audio, video at iba pang mga paraan
para ikalat ang Aking Salita nang mabilis. Manawagan kayo sa mga
volunteer para iparating ang Aking Mga Mensahe sa maraming
maraming tao.

Dahil ito, anak Ko, ay magliligtas ng mga kaluluwa. Mahal Kita. Ang
iyong lakas at determinasyon na magtagumpay sa Gawaing ito, na
nagmumula sa wagas na pagmamahal mo sa Akin at sa Aking minamahal
na Ina, ay maghahatid ng mga kaluluwa – na sana’y napapunta na sa
Impiyerno – pabalik sa Aking Mga Braso at sa kaligtasang walang-
hanggan.

Huwag mong pansinin yung mga hindi nagpapakita ng respeto


sa Aking Ngalan

Maging matapang ka. Huwag mong pansinin ang mga abuso. Huwag
kang tumugon sa mga hindi nagpapakita ng respeto sa Aking
Ngalan. Mga alagad Ko ang magdudulot sa iyo ng pinakamatinding
hapdi. Dahil marami sa mga tapat Kong alagad, mabuti man ang
kanilang intensyon, ay nagkakamali rin paminsan-minsan. Ang
kaalaman nila tungkol sa Aking Mga Aral ay maaaring lumikha ng
pagmamalaki, na humahantong sa kayabangan. At pagkatapos ay
papasok na ang intelektwal na kayabangan. Yung Aking mga kawawa,
mapagmahal at seryosong mga kaluluwa, na walang kwestyong mahal
nila Ako, ay hinding hindi dapat hamakin yung sa akala nila’y maling
landas ang tinatahak. Hindi sila dapat mahulog sa patibong ni Satanas
sa pag-aakalang mas magaling sila kaysa iba at kailangan nilang maging
sobrang istrikto. Kaya nauuwi na lang sa pagalingan ng ulo para
malaman kung sinong mas may alam o mas nakakaunawa sa
Katotohanan ng Aking Mga Aral.

Tandaan nyong lahat yung itinuro Ko. Ang Katotohanan ay simple


lang. Ang Katotohanan ay Pagmamahal. Sa paghahangad nyong
patunayan ang inyong interpretasyon ng Aking Banal na Salita, kung
hindi naman kayo nagpapakita ng pagmamahal at pasensya, ang bersyon
nyo ng Katotohanan ay hindi sa Akin.

Magmahalan kayo. Pantay-pantay kayo sa Aking Paningin. Pero yung


ilan sa inyo na gumawa talaga ng paraan para tumulong na maihatid ang
Aking mga naliligaw na kaluluwa pabalik sa Akin, tataas kayo sa Aking
Paningin.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas

Hari ng buong Sangkatauhan, Jesucristo


Ang Aking mga Anak ay haharap sa Akin sa unang
pagkakataon pag nangyari ang Babala

Lunes, June 20, 2011 11:45 am

Minamahal kong anak, ihanda mo na ngayon ang Aking mga anak, dahil
hindi na magtatagal at haharap na sila sa Akin sa buo Kong Luwalhati at
Malasakit. Ipapakita Ko ang Aking Sarili sa bawat lalaki, babae at batang
nasa edad na para makaalam ng tama at mali. Ang kamangha-
manghang araw na ito, kung saan ang Aking Awa ang ipapakita Ko sa
kanila at hindi ang Aking Katarungan, ay dapat mainit na tanggapin ng
lahat. Matuwa kayo, dahil kayong lahat, bawat isa sa inyo, ay haharap sa
Akin sa kauna-unahang pagkakataon.

Para sa marami, mapupuno sila ng pagmamahal at kaligayahan, dahil


ito’y isang napakagandang pagsasamang muli. Ang iba nama’y
matatakot. Pero walang dapat ikatakot, dahil mahal Ko kayong
lahat. Ang kasalanan na lang ang hidwaan, pero kung kayo’y magsisisi at
tatanggapin nyo ang katotohanan ng inyong mga pagkakasala sa Akin, at
sa Aking Amang Walang-hanggan, makikita nyo ang napakagandang
Awa na ibinibigay sa inyo. Para dun sa mga matatakot, ito ang masasabi
Ko. Ang takot ay dulot ng kasalanan. Kung may kasalanan sa inyong
kaluluwa, malalayo kayo sa Akin. Tanggapin nyo ang kasalanan kung
ano ang mga ito, isang kahinaan ng tao. At pagkatapos ay tumingin kayo
sa Akin at aakayin Ko kayo sa buhay na walang-hanggan at sa
Katotohanan.

Ang Aking dakilang awa ay nagdadala ng magandang balita


Ang Aking dakilang Awa ay nagdadala ng magandang balita sa Aking
mga anak sa buong mundo. Dahil pag nangyari na itong Dakilang
Babalang ito, bibigyan kayo ng pagkakataong magbagong-buhay at
maging mas mabuting tao. Pag ang Katotohanan ng Aking Pag-iral ay
nabunyag, magiging laganap ang pagbabalik-loob.

Sa puntong yun, at sa puntong yun lamang, pagkatapos mangyari ang


Babala, ay saka bibigyan ang mundo ng pagkakataong mapaglabanan
ang Malaking Kaparusahan, na mangyayari pagkatapos, kung walang
pagdagsa ng mga makasalanang nagsisisi. Dahil sa puntong yun
babagsak sa lahat ng dako ang Kamay ng Aking Ama, sa mga ayaw
makinig sa Katotohanan – yung mga tumatalikod sa pag-ibig, pag-ibig
para sa Akin at sa inyong kapwa. Dahil sa puntong yun, hindi na
tatanggapin ang inyong makasalanang asal. Dahil ito na ang huling
dayami na babali sa gulugod ng kamelyo. Dahil ang malakas na
impluwensya ni Satanas ay hindi na papayagang magkaroon pa ng
singhigpit-ng-sipit na hawak sa sangkatauhan. Yung matitigas ang ulo
na susunod pa rin sa masamang daan sa pag-usig sa Aking mga anak, ay
pahihintuin na.

Ang Malaking Kaparusahan

Isang Malaking Kaparusahan, na wala pang nakikitang katulad nito mula


pa sa panahon ni Noe, ay papakawalan ng Diyos Amang Walang-
hanggan. Yung Aking mga alagad na maaaring magsabi na hindi ganito
magsalita si Jesus, ay kailangang tanungin ang kanilang sarili nang
ganito. Kung si Jesus ay puno ng Awa, bakit Siya, o ang Diyos Ama, ay
pinapayagan ang hukbo ni Satanas na magpatuloy sa paghahasik ng
lagim sa Aking mga anak?

Dahil nga sa Pagmamahal para sa lahat ng anak ng

Diyos, kaya ang Dakilang Kaparusahang ito ay darating.

Magsisi na, lahat kayo. Tanggihan nyo ang walang-laman na mga


pangako ni Satanas. Tanggihan nyo ang peke at walang-laman na buhay
na iniaalok sa inyo. Tanggapin nyo, na pag naririnig nyong
tinatanggihan ang Ngalan Ko sa mundo ngayon, ay direkta itong
nagmumula sa impluwensya ni Satanas. Hangga’t hindi siya
tinatalikuran ng Aking mga anak, hindi magkakaroon ng kapayapaan sa
mundong ito.

Tanggapin nyo ang Babalang ito bilang isang Mensahe ng Lubos na


Pagmamahal. Sa mga nasa kapangyarihan, ito ang masasabi
Ko. Tanggihan nyo na ang mga kasinungalingang binayaran nyo ng
katapatan, o pagdusahan nyo ang mga susunod na mangyayari.

Ang dakilang Awa na ipapakita Ko sa inyo habang nangyayari ang


Babala, ay ang mismong solusyon para magkaroon ng Bagong Panahon
ng Kapayapaan. Tanggapin nyo ito, at maiiwasan ang
kaparusahan. Tanggihan nyo ito at yun lamang mga alagad Ko ang
maliligtas. Magiging huli na ang lahat para sa inyo na natitira pa.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas at Makatarungang Hukom

Jesucristo

Mensahe mula sa Birheng Maria tungkol sa pakikipag-usap sa


Mga Kabataan
Miyerkules, June 22, 2011 6:00 pm (Matapos ang isang pribadong
aparisyon kung saan napakita siya sa bisyonaryo sa loob ng 30 minuto.)

Narito ako sa Ngalan ni Jesucristo. Ako ang Ina ng Diyos, ang inyong
mahal na Ina, Reyna ng lahat ng Anghel. Anak ko, katatapos mo lang
subukan dahil sa Gawaing ginagawa mo para sa aking mahal na Anak, at
naging mas malakas ka dahil nito. Alam mo na ngayon ang dapat gawin
para ang posibleng pinakamaraming mga kabataan ang makakaalam
kung sino ang aking Anak. Siya, ang Pinakamamahal kong Anak, ang
Tagapagligtas ng Mundo, ay gagawin lahat para iligtas yung lahat ng
naglalakad sa Lupa na walang alam tungkol sa Kanyang Awa.

Yung mga anak na matitigas ang ulo, na ayaw makinig, ay kailangang


sabihan tungkol sa Katotohanan, at agad-agad na. Sabihin nyo naman sa
mga kabataan sa buong mundo, na kasama nila Siya sa kanilang
paglakad bawat saglit ng bawat araw. Mahal na mahal Niya sila. Hindi
nila alam kung gaano kalaki ang Kanyang Pagmamahal. Gusto Niya
silang akapin sa Kanyang Sagradong Puso para tamasahin nila ang
Bagong Panahon ng Kapayapaan sa Lupa. Kung tutugon man lamang
sana sila.

Anak ko, napakahirap maintindihan ng mga tao ang Katotohanan ng


Pag-iral ng Diyos Ama. Napakahirap ding kumbinsihin sila tungkol sa
Katotohanan ng Sakripisyo ng Kanyang mahal na Anak. Ito, anak ko,
ang dapat mong maging layunin.

Hayo na sa kapayapaan at pag-ibig.

Ang inyong mahal na Ina

Reyna ng Mga Anghel


Babala ang magpapatunay na Merong Diyos

Miyerkules, June 22, 2011 7:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, malakas ka na dahil napaglabanan mo ang


pinakagrabeng pagsubok hanggang ngayon, kaya kikilos ka na para
iparating ang Aking mga pakiusap, na kailangang-kailangan na, sa buong
mundo.

Mahal Kong mga anak, kailangan nilang malaman na pagdating Ko, at


malapit na yun, ay magkikita Kami nang harap-harapan. Ang laki ng
pananabik Kong ipakita sa kanila na Ako nga’y Umiiral at sobra Kong
hinihintay makita ang tuwa sa kanilang mga mukha pag nasaksihan nila
ang Aking Pag-ibig at Awa.

Dahil marami sa Aking mga anak ay mapapaluhod at iiyak ng mga luha


ng tuwa at kaligayahan at mga luha ng pagkamangha at
pagmamahal. Dahil, sa wakas, pwede nang magkaroon ng isang Bagong
Buhay pagkatapos, kung saan lahat ay makakasunod sa Katotohanan ng
Lahat ng Aking Mga Aral.

Hindi mauunawaan ng Aking mga anak ang kahulugan ng dakilang


Aktong ito ng Awa, ang pinakadakilang Kaloob na ibinigay sa
sangkatauhan mula pa nung Pagpapako sa Akin sa Krus. Dahil sa
pamamagitan ng Kaloob na ito, na Babala, ay mabubuksan na rin ang
mata ng tao, sa wakas, sa Katotohanan ng buo nilang pag-iral sa Lupang
ito at lampas pa rito.

Yung mga nabubuhay sa mundong ito ngayon ay dapat maunawaan kung


gaano sila ka-swerte na bibigyan sila ng patunay na Umiiral nga ang
Diyos Amang Walang-hanggan at Ako, ang Kanyang minamahal na
Anak, kahit na ito’y hindi kayang abutin ng inyong pang-unawa.

Pagkatapos ng Babala, huwag na kayong babalik pa sa inyong


mga dating gawi

Hinihimok Ko kayong lahat, na pag nakita nyo na ang Aking Presensya at


ipinakita na kung paanong ang kasalanan ay hindi lamang nakakasugat
sa Aking Damdamin, kundi itinutulak pa kayo nito sa daan tungo sa
Impiyerno, ay kailangang huwag na kayong babalik sa inyong mga dating
gawi.

Ang panahon pagkatapos ng Babala ay napakahalaga para sa kapayapaan


ng mundo at para sa inyong kaligtasan. Huwag nyong tatanggihan ang
Regalong ito. Hawakan nyo ito nang dalawa nyong braso. Hayaan
nyong dalhin kayo ng Babala para makaisa Ko kayo. Pag ginawa nyo ito
at nagdasal kayo para gabayan, gagantimpalaan kayo ng Bagong Paraiso
sa Lupa kung saan wala na kayong hahanapin pa.

Matuwa kayo. Pakinggan nyo Ako. Sundin nyo ang Aking Mensahe at
hayaan nyong balutin kayo ng Aking Pag-ibig tungo sa Aking
Maluwalhating Kaharian.
Mahal Ko kayong lahat. Sa sunod na beses na makadama kayo ng kurot
ng pagmamahal para sa isang tao, tandaan nyo na ang Regalong ito ay
galing sa Akin. Kung walang pagmamahal, walang buhay.

Ang inyong Diyos na Hari ng Awa

Jesucristo, Anak ng Diyos Amang Walang-hanggan

Tinatalikuran Ako ng mga Ordinaryong Tao, mga Mabubuting


Tao

Huwebes, June 23, 2011 9:10 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang tuwang nadarama mo ngayong araw ay


dulot ng mga grasyang ibinigay sa iyo nung Adoration kahapon. Ngayo’y
alam mo na kung gaano kahalaga ang hayaan Akong magbuhos ng
ganung mga grasya sa mga kaluluwa sa loob nitong pinaka-espesyal na
panahon pag personal nyo Akong kasama.

Paano kikilalanin ang mga naliligaw na kaluluwa

Ngayong araw, gusto Kitang kausapin tungkol sa mga naliligaw ng mga


kaluluwa sa mundo at kung paano sila kikilalanin. Malimit magkamali
ang Aking mga alagad sa pag-aakalang ang mga naliligaw na mga
kaluluwa ay yung mga nasa kasalanang mortal. Hindi laging totoo
ito. Ang isang naliligaw na kaluluwa ay pwedeng isang tao na hindi
sumasampalataya sa Akin o sa Aking Amang Walang-hanggan. Ang
isang naliligaw na kaluluwa ay pwede ring yung mga anak na abalang-
abala sa kanilang pang-araw-araw na paghabol sa pera, pagpapayaman,
trabaho at pananabik sa mga materyal na bagay. Lahat ng ito dahil sa
kaligayahang akala nila’y idudulot ng mga bagay na ito sa kanila sa
kinabukasan. Mga ordinaryong tao ang mga ito, mga mabubuting tao,
pero tinatalikuran nila Ako.

Marami sa mga anak Kong ito ay mabuti ang kalooban. Pwedeng puno
sila ng pagmamahal sa kanilang kapwa, sa kanilang pamilya at mga
kaibigan. Pwedeng popular sila at gusto ng mga tao. Pero pwede pa rin
silang maging mga naliligaw na mga kaluluwa. “Paanong nangyari
yun?”, tanong nyo naman. Dahil hindi sila naniniwalang ang kanilang
kaluluwa ay kasing-importante ng kanilang mga pisikal na
pangangailangan, kaya pinababayaan nila ito. Pag pinabayaan nila ang
kanilang kaluluwa, madali itong kapitan ng mga tuksong inihahagis sa
daan nila araw-araw. Nahihirapan silang tanggihan ang makamundong
mga bagay at hindi na nila naiisip na ang panahong ginugugol nila para
sa kanilang ambisyon ay pwede sanang gugulin sa pagpapakita nila ng
pagmamahal sa iba sa pamamagitan ng galing ng pakikibahagi. Sa
paghabol nila sa salapi, pwede silang maging mayabang. Pag mayabang
kayo, mahihirapan kayong umasal gaya ng isang alagad na tapat sa Akin.

Mga anak, pag ginugol nyo lahat nyong panahon sa paghabol sa mga
pangarap na sa akala nyo’y ibibigay sa inyo ng mundong ito –
kayamanan, ari-arian, pwesto ng kapangyarihan – wala na halos
panahon para manalangin o palakasin ang inyong mga kaluluwa para sa
susunod na buhay. Ang dami sa Aking mga anak ay hindi-hindi
maintindihan kung bakit ang makamundong mga bagay ay iniiwan
silang hungkag at parang walang-laman ang kanilang kalooban. Hindi
nila pinapakinggan yung mga alagad Kong nakakaalam sa
Katotohanan. Sa di nila pagtanggap sa Pag-iral ng Diyos Amang
Makapangyarihan-sa-lahat, hindi nila magawang magbigay-kasiyahan
kaninuman maliban sa kanilang sarili. Kung titingnan mo sa labas, ang
mga taong ito ay aktibo sa kanilang buhay, malusog, puno ng tuwa at
walang ka-paki-pakialam sa mundo. Pero ang pamumuhay na ito ay
hindi magagawa nang tama kung hindi kayo naniniwala sa buhay na
walang-hanggan. Walang kababaang-loob sa kanilang buhay.

Pwede nyong sabihin, sa pagdepensa sa kanila, na kailangan kasi nilang


pakanin ang kanilang pamilya at alagaan yung mga umaasa sa kanila,
kaya nagtatrabaho sila para sa mga adhikaing ito. Ang Aking sagot ay
hindi. Hindi nila layuning pakanin ang kanilang pamilya. Sa maraming
pagkakataon, ang pakay nila’y magkaroon ng sobra-sobra para bigyang-
kasiyahan ang kanilang mga pagnanasa. Habang mas ginagawa nila ang
ganito, mas naliligaw sila at napapalayo sa Akin at sa Aking Amang
Walang-hanggan.

Maliban na lang kung ang Aking mga anak ay gumising at kilalanin ang
mga paraan ni Satanas para gamitin ang lahat ng nakakaluwalhating
pang-akit ng mundo, para higupin kayo sa isang peke at materyosong
katiyakan, hindi kayo makakalapit sa Akin. Sa buhay na ito, kailangang
gumugol ng panahon para papurihan ang inyong Maykapal – sa
pagtingin sa inyong kapwa sa pamamagitan ng kawang-gawa – sa pag-
una sa mga pangangailangan ng iba bago ang sarili – sa pagsunod sa
Aking mga apak.

Ang Aking mga anak na hindi sumasampalataya sa Diyos Ama, o


sumasampalataya nga sa Kanya pero mas pinipili pa nilang isantabi
kaagad ang pagpaparangal sa Kanya dahil mas iniisip nila ang
makamundong mga bagay, ay mahihirapang makapasok sa pintuan ng
Langit, ang Tunay na Paraisong kanilang pinananabikan. Ang Lupa ay
isa lang yugto ng buo nyong pag-iral. Ang Langit, kahit isang sulyap man
lang sa iniaalok nito, ay hindi mararanasan sa inyong buhay sa
Lupa. Wala ni isa dun sa mga makamundong pang-akit ay karapat-
dapat habulin kung ang ibig sabihin naman ay mawawalan kayo ng
hiyas, at ito’y ang Langit.

Ang mga katangiang kinakailangan para makapasok sa Aking


Maluwalhating Kaharian ay pananampalataya, pag-ibig, kababaang-loob
at kagustuhang bigyan Ako ng kasiyahan.

Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas ng buong


Sangkatauhan

Jesucristo

Hindi alam ng mga tao kung ano ang kaluluwa nila – simple
lang ang sagot

Sabado, June 25, 2011 1:30 am

Pinakamamahal Kong anak, ang iyong tinig, bagama’t sa wakas ay


naririnig na ng Aking sagradong mga lingkod sa buong mundo, ay
tahimik na dumarating sa mga lugar na walang pakialam sa Pag-iral ng
Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat.
Pwede mong sabihing, ayaw naman nilang makinig. Pero hindi sila
makikinig kung wala naman silang naririnig. Maging matapang ka na
ngayon, kausapin mo ang pinakamaraming pwede mong
kausapin. Sabihan mo ang mga tao na ilathala ang balita tungkol sa
Aking Salita. Tawagan mo sila. Humiling ka sa kanila. Ipaliwanag mo
na kailangan nilang basahin ang Aking Mga Mensahe bago ito
bitiwan. Dahil pag nadama na lamang nila ang lakas na nanggagaling sa
Aking Dibinong Mga Labi, at pag naakit na ng Aking Espirito ang
kanilang espirito, saka na lamang nila tuluyang mauunawaan na Ako nga
ang nakikipag-usap sa mundo.

Nalulungkot Ako, anak Ko, dahil sa malalawak na mga barikada at


hidwaan, na ngayo’y hinahadlangan ang bawat pagsisikap ng Aking
Pinagpalang Ina, pati na yung sa Akin, ang kanyang mahal na Anak, na
magsalita sa mundo sa pamamagitan ng mga bisyonaryo. Nung
nakaraang panahon, medyo mas laganap ang kababaang-loob. Ngayon,
ang mahalagang katangiang ito ay tuluyan nang nawala. Ang naging
kapalit nito ay isang mundo na kung saan, lahat ng may kinalaman sa
galing ng ulo, magandang dating, o nakakaakit na anyong pisikal, ay
itinuturing na napakahalaga sa buhay ng tao. Namatay na ang kanilang
espiritwalidad. Anak ko, sila’y mga basyo na lang na wala nang
laman. Mga basyo na pag binasag mo ay wala kang makikitang nasa
loob. Sangkap ng kaluluwa ang kailangang pagsikapan ng Aking mga
anak. Ito’y mahirap para sa marami, lalo na yung ang isip ay puno ng
galing ng ulo kaya wala na halos lugar para sa espiritwal na karunungan.

Ganun na ang kawalan ng espiritwalidad, na ginatungan ng


kapangyarihan ni Satanas, at ang mga nabibitag dito ay binubuksan ang
kanilang kaluluwa para magkasala. Ang kawalan ng espiritwalidad, o
pananampalataya sa Diyos, ay nagpapahina sa isang kaluluwa kaya
madali siyang hawahan ni manloloko. Pinapapaniwala ng hari ng
panloloko, ang mga kaluluwa, na ang katawan at isip lamang ang
pinagsasanib para maging buo. Sori, pero hindi kayo magiging buo kung
wala ang inyong kaluluwa.
Ano ba ang inyong kaluluwa?

Maraming di alam kung ano ang kanilang kaluluwa. Kung ano ang
pakiramdam nito, o kung paano ito makikilala. Ito ba’y ang inyong pag-
iisip, ang inyong konsiyensya? Simple lang ang sagot. Ang inyong
kaluluwa ay kayo. Ito’y kung sino kayo, ang inyong konsiyensya, ang
inyong mga paniniwala, ang inyong pang-unawa, kinakatawan man nito
ang Katotohanan, kung ano talaga ito, o ang katotohanan kung paano
nyo ito gustong paniwalaan. Hindi ito isang bahaging hiwalay sa inyo,
mga anak Ko, isang bagay na kabilang sa ibang mundo. Naroroon ito sa
loob ng bawat tao.

Ang inyong kaluluwa ay mapapangalagaan sa pamamagitan ng pagsunod


sa Aking Mga Aral. Pwede itong mapabayaan sa pamamagitan ng
kasalanan, na napakahirap iwasan, pero mapupunuang muli ito sa
pamamagitan ng pangungumpisal o pagpapahayag ng pagsisisi at
pagsisimulang muli. O pwede itong mawasak. Merong ilan na
sinasadyang wasakin ang kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng
pagkakasala, para sa mga kasiyahan o bisyo ng mundong ito, nang may
buong kaalaman kung ano ang kanilang ginagawa. Yung iba nama’y
itinatangging meron silang kaluluwa. Sa kayabangan nila, kumbinsido
silang alam nila lahat. Na ang buhay ay nagsisimula at natatapos sa
Lupang ito.

At nandyan din yung mga batang kaluluwa, na hindi naman nila


kasalanan, ay pinalaki ng mga magulang sa panahon ng kasaganaan,
kung saan wala na silang hahanapin pa sa materyosong kahulugan
nito. Ang kanilang relihiyon ay nakabase sa materyal na pakinabang. Sa
pagsisikap na magkaroon ng mas marami pang motibo, palaki nang
palaki ang kanilang ambisyon hanggang sa wala na silang ma-ambisyon
pa dahil nasa harap na nila ang kamatayan. Kaya naligaw na
sila. Takang-taka. Litong-lito. Sobrang magiging masama ang kanilang
loob kaya alam nilang merong hindi tama. Sinasabihan sila ng kaluluwa,
pero hindi nila alam kung paano tumugon. Sila ang kailangan nyong
iligtas.
Nananawagan Ako sa lahat kong alagad sa lahat ng dako na Ako’y
tulungang iligtas lahat ng kawawa Kong anak. Alam Kong humihingi
Ako ng di-pangkaraniwang akto ng kagandahang-loob mula sa
inyo. Malaking responsabilidad ito. Pero pag sinunod nyo ang Aking
Kabanal-banalang Loob, tutulungan nyo Akong iligtas ang malaking
bahagi ng mundo mula sa mga kuko ni Satanas at sa kilabot na
ginagamit niya.

Hayo na, mga alagad Ko, lahat kayo, at ikalat nyo ang Aking Salita sa
isang pagod, naliligaw at bigong mundo. Ang Aking grasya ay bubuhos
sa bawat isa sa inyo, para sa kahit isa lang na magbalik-loob – isang
kaluluwang makakatakas sa kilabot ng Impiyerno.

Mahal Ko kayong lahat. Inaakap Ko kayo, mga tapat Kong alagad, mahal
Kong mga anak, sa lahat ng dako. Sobrang kaginhawahan ang dulot nyo
sa Akin araw-araw. Sobrang konswelo. Ngayon, dalhan nyo Ako ng mas
marami pang mga kaluluwa.

Ang inyong Diyos na Manunubos

Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan, Jesucristo


Maria: Si Satanas ay nawawalan ng kapangyarihan pag
dinarasal ang Aking Rosaryo

Sabado, June 25, 2011 3:00 pm

Anak ko, lagi mong pagtuunan ng pansin ang aking Anak dahil kailangan
Niya ang iyong atensyon. Lagi kang manalig nang lubusan sa Kanya at
huwag mong hahayaang may mag-alis ng iyong paningin sa Kanya.

Anak ko, pinili ka Niya bilang isa sa mga importanteng sugo sa mga
panahong ito para ang mga nawawalang kaluluwa ay maligtas. Sabihan
mo ang mga tao na dasalin ang aking Kabanal-banalang Rosaryo, at
isama mo na pati yung mga hindi Katoliko, dahil ito ang pinakamalaking
sandata laban sa impluwensya ni manloloko, na umaatungal sa sakit pag
ito’y dinarasal. Ang kapangyarihan niya ay humihina pag dinarasal ng
aking mga anak ang panalanging ito. Habang mas dinarasal ng aking
mga anak ang Santo Rosaryo, mas maraming kaluluwa ang maliligtas.

Ikaw, anak ko, ay merong napakahirap na Misyon, mas mahirap pa


kaysa sinumang propeta sa kasaysayan. Ito’y dahil sa kadiliman ng
espirito sa mundo. Hindi pa kailanman bumaba ang ganung kadiliman,
na tinatalikuran ng aking mga anak ang aking Anak, Na Siyang namatay
sa nakakakilabot na paraan para iligtas sila. Pero hindi lamang nila
kinalimutan ito, kundi sadya pa nilang itinatanggi ang Kanya mismong
Pag-iral.

Ang panalangin sa akin, ang inyong Pinagpalang Ina, ay nakakasakit kay


masama, na umaatras at nawawalan ng lakas pag ang aking Rosaryo ay
dinarasal. Ito ang sandatang ibinigay na sa akin para makatulong akong
magligtas ng mga kaluluwa, bago ko tuluyang durugin ang ulo ng
matandang ahas. Huwag na huwag nyong mamaliitin ang
kapangyarihan ng Rosaryo, dahil kahit isa lang grupo ng mga tao na
nakalaan sa palagiang debosyon sa aking Santo Rosaryo, ay
makakapagligtas ng kanilang bansa.

Sabihan mo ang aking mga anak na pag-ingatang huwag tatalikuran ang


panalangin, dahil pag ginagawa nila ito, iniiwan nila ang kanilang
sariling bukas na bukas kay manloloko para bitagin sila sa pamamagitan
ng kanyang nakakaakit pero mapanganib na daan tungo sa
kadiliman. Dalhin mo ang aking mga anak papunta sa Liwanag sa
pamamagitan ng pagpapalaganap ng debosyon sa aking Kabanal-
banalang Rosaryo.

Ang inyong minamahal na Ina

Maria Reyna ng Kapayapaan

Unang Mensahe mula sa Diyos Ama: Panahon na ngayon para


kunin Ko nang muli ang Aking Maluwalhating Kaharian – ang
Bagong Paraiso sa Lupa ay tatagal ng 1000 taon

Sabado, June 25, 2011 4:00 pm


Tala mula sa bisyonaryo: Nang matanggap ko ang Mensaheng ito ay
katatapos ko lamang dasalin ang Divine Mercy nang biglang
ipinahayag ng Espirito Santo sa akin na ako’y tatanggap ng isang
Mensahe mula sa Diyos Ama. Nanginginig ako sa
nerbiyos. Pagkatapos ay nagtanong ako: “Kaninong Ngalan ka
dumarating?” Ito ang sagot:

Ako’y dumarating sa Ngalan ng Aking minamahal na Anak, si Jesucristo,


Tagapagligtas ng sangkatauhan. Ako ang Diyos Ama at Ako’y
nagsasalita sa iyo sa kauna-unahang pagkakataon. Aking hirang na
anak, kinakausap Kita ngayon para maipagbigay-alam Ko sa
sangkatauhan na Mahal Ko silang lahat.

Maraming hindi nakakakilala sa Akin. Akala nila’y kilala nila Ako,


pero para sa milyun-milyon sa Aking mga anak, Ako’y isang indibidwal
na walang mukha. Halos wala silang alam sa Aking kagustuhang hayaan
nila Akong mahalin sila sa paraang itinaga na sa bato.

Ang Aking Ngalan ay maluwag na ginagamit sa mundo, ng marami na


hindi tinatanggap na sa pamamagitan ng Aking Kamay nalikha ang
mundo at ang mga nilalang na narito. Yun namang kinikilala ito, nalilito
naman kung Sino ba talaga Ako, at medyo takot pa sa Akin. Hindi Ako
dapat katakutan dahil ang Aking Pag-ibig ay Dalisay, Puro at Walang-
halo, para sa lahat Kong anak. Ganun Ko nga kayo kamahal, na ginawa
Ko ang pinakamalaking Sakripisyo sa lahat para ibalik kayo sa Aking
Mga Braso at bigyan kayo ng pagkakataong maligtas mula kay
manloloko. Sinugo Ko ang Aking minamahal na Anak, na si Jesucristo,
papunta sa mundo para maunawaan nyo ang Katotohanan ng Pag-
ibig. Ang Pag-ibig na ito, tanggapin nyo lang, ay ligtas na kayong lahat.

Nadudurog ang Aking Puso dahil ang dami sa inyo ay ayaw lumapit sa
Akin at pakitaan Ako ng inyong pagmamahal. Pinananabikan Ko kahit
lumapit lang kayo at hingan Ako ng tulong. Hindi nyo dapat
kinatatakutan ang Aking Pag-ibig dahil ang Aking Pag-ibig ngang ito ang
nagbigay sa inyo ng inyong unang hininga. Nilikha Ko kayong katulad
Ko para magkaroon Ako ng pamilya. Gawa sa Purong Pag-ibig ang
mundong nilikha Ko para sa inyo, mga anak Ko, at nang sa ganun ay
makasali Ko kayo sa Paraisong ito. Buong pagmamahal Kong nilikha ito
kaya bawat detalye ay napakaingat Kong ginawa. Laking tuwa Ko nang
ang Paraiso sa Lupa ay nalikha na, at pati na ang mga anghel ay
nagdiwang, at ang Langit ay nagliliwanag sa mga apoy ng pagmamahal,
na wala ni isang tao ang pwedeng makaunawa. At pagkatapos ay
winasak ito ng kasalanan, na kagagawan ng matandang ahas.

Mga anak ko, hayaan nyo Akong magpaliwanag. Dumating na ang


panahon para kunin Ko nang muli ang Paraisong buong pagmamahal
Kong nilikha, para maging isang pamilya tayo muli.

Isang pamilya na magiging sobrang magkakalapit ang mga miyembro


dahil sa malalakas na buklod ng pag-ibig na nagtatali sa kanila.

Ang Bagong Paraisong ito sa Lupa ay pinaplano na ngayon para sa lahat


Kong anak.

Tatagal ito ng 1,000 taon sa Lupa at walang dapat ma-itsa-pwera, dahil


madudurog ang Aking Puso pag nangyari yun. Ang Aking minamahal na
Anak, na si Jesucristo at ang Espirito Santo ay talagang nagsisikap na
kayo’y maibalik sa Aking mapagmahal na kawan, para ang Paraiso, na
nilikha sa simula pa, ay minsan pang makita bilang pinakamalaking
Regalo sa lahat, para tamasahin ng Aking mga anak.

Ang Paraisong ito ay magiging isang lugar ng pagmamahalan,


kagandahan, kaluwalhatian, at ito ang magiging tahanan ng lahat ng
malinis ang puso at kaluluwa. Ito’y para sa bawat kaluluwang nasa Lupa
at ito ang layuning nakapaloob sa bawat kaluluwang nasa mundo, pati na
yung mga hindi nakakaalam nito.

Ang Aking Anak ay nagsasalita sa mundo at naghahanda na Siya na


ipakita ang Kanyang dakilang Awa habang nangyayari ang Babala para
bigyan ang lahat ng makasalanan, ng pagkakataong tamasahin ang
Bagong Paraiso sa Lupa.

Kailangang pakinggan nyo ang Aking Tinig. Nananawagan Ako sa


inyong lahat na makinig. Magbalik kayo sa Akin. Tanggapin nyo na
Ako’y Umiiral, na Ako ang Pinagmumulan ng lahat ng buhay, lahat ng
Sanlibutan, lahat ng kaluwalhatian. Pag ginawa nyo ito, buong
pagmamahal kayong tatanggapin sa Aking Paraiso sa Lupa na ibibigay sa
inyo lahat ng pwede nyong pangarapin. Pakinggan nyo ang Aking Anak
at ang Mensaheng ibinibigay Niya sa mundo para kayong lahat ay
magbalik-loob. Yung mga hindi pa rin makikinig sa kabila nito, o
magpapatuloy sa daan ng kasuklam-suklam na kasalanan, walang
ipapakitang Awa sa inyo.

Ako ang Diyos ng buong Sangkinapal. Ako ang Diyos ng Pag-ibig, ng


Malasakit. Ako rin ang Diyos ng Katarungan. Ang Aking Kamay ay
babagsak sa sangkatauhan na, dahil sa buktot na katapatan kay masama,
ay ayaw sumunod sa daan ng Pag-ibig at Katotohanan.

Dahil dumating na ang panahon para muli Kong kunin ang Aking
Maluwalhating Kaharian, na walang sinumang tao, sa pamamagitan ng
kasalanan, ay makakapigil. Subukan lang nila, at mawawala na sila
magpakailan pa man.
Ako ang inyong Diyos, ang inyong Maykapal. Ang Aking Pag-ibig ay
hinding-hindi namamatay. Naglalagablab ito at puno ng malaking
pagmamahal sa inyo para mabalik kayo sa Akin, sa pamanang buong
pagmamahal Kong nilikha.

Nang dahil sa kasalanan, marami sa Aking mga anak ay maaalisan ng


kanilang karapatan sa pamanang ito at kailangan nilang umatras para
hayaan yung mga talagang nagmamahal sa Akin, na pumasok sa pintuan
nang walang sagabal.

Mga anak naman, huwag nyo naman sanang pahindian ang Aking
Pakiusap sa sangkatauhan. Tanggapin nyo ang Awang ibinibigay ngayon
ng Aking minamahal na Anak.

Tanggapin nyo ito nang bukas-palad.

Diyos Ama

Maykapal at Maylikha ng Lahat ng Bagay


UL 12 06 13 Ang Babala ay isang Pagpapakita ng Aking
Dibinong Awa na ibinigay kay Sr. Faustina

Linggo, June 26, 2011 6:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, malapit na ang panahon. Konting-konting


panahon na lang para balaan at papaghandain yung lahat ng kawawang
kaluluwa na dahil sa laki ng takot pag nangyari na ang Babala, ay hindi
mauunawaan ang kanilang nasasaksihan. Kailangang masabihan sila
para alam nila kung ano ang aasahan. Pag binuksan nila ang kanilang
puso sa dakilang sandaling ito ng Dibinong Awa, bibigyan sila ng
pagkakataong magkaroon ng buhay na walang-hanggan.

Ang dakilang Babalang ito ay pagpapakita ng Aking Dibinong Awa na


ibinigay ko kay Sister Faustina. Ang Dakilang Aktong ito ng Aking Awa
ay nai-propesiya na at pag nangyari na ang Aking Babala, babalutin ng
Aking dakilang Awa ang buong mundo. Bubukal ang Aking Dugo at
Tubig para malaman nyo nang lahat, sa wakas, ang
Katotohanan. Sabihan nyo yung mga hindi naniniwala sa Akin o sa
Aking Amang Walang-hanggan, na ang pangyayaring ito ay
magkakatotoo. At pag nagkaganun nga, matatagalan nila ang dagok ng
Aking Awa, na sasagip sa milyun-milyung kaluluwa habang nangyayari
ang Babala, mula sa mga kuko ni Satanas. Ang Katotohanan, pag
nabunyag, ay magliligtas ng napakarami mula sa mga apoy ng
Impiyerno.

Ang Espirito Santo, na pagkatapos ng pangyayaring yun, ay mananahan


sa Aking mga anak sa buong mundo, ay tutulong para talunin ang mga
gawain ni masama. Lahat kayo, kailangang ikalat nyo ang Salita, na
kailangang ihanda na ng sangkatauhan ang kanilang kaluluwa bago pa
man ito mangyari. Dahil maging ang mga mananampalataya ay
kailangan ding malaman na sila man ay magugulumihanan pag nakita na
nila ang kanilang makasalanang nakaraan kung paano Ko ito nakikita.

Nananawagan Ako sa inyong lahat, mangumpisal kayo. Para naman dun


sa ibang mga Kristiyano, kailangan nyong lumuhod at manalanging
kayo’y tubusin. Para dun sa mga hindi sigurado kung totoo nga ang
propesiyang ito, buksan nyo naman ang inyong puso dahil pag nakita
nyo na ang pangyayaring ito, na pang-kalikasan nga, pero makalangit
din, ay importanteng malaman nyo na ito ang pinakamalaking milagrong
makikita nyo kailanman, at ito ang Aking dakilang Regalo sa inyong
lahat. Pag-isipan nyo ito. Ganito ang pangwakas na araw ng
Paghuhukom, kaya nga lang, sa pagkakataong ito, ay hindi pa kayo
makokondena. Bibigyan kayo ng panibagong buhay na ikaliligtas ng
inyong kaluluwa, para magawa nyong ibalik ito sa lebel na gusto Ko para
rito.

Mga mananampalataya, buong-puso nyong ipanalangin ngayon na ang


inyong kapwa ay maligtas.

Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo

Patuloy mong ikalat ang Aking Salita – Nagpapadala Ako sa iyo


ng maraming volunteer

Martes, June 28, 2011 7:30 pm


Pinakamamahal Kong anak, ang mga balakid na kailangan mong talunin
ay patuloy na tumataas, pag nagdurusa ka alang-alang sa Akin. Hindi pa
kailanman naging ganito katindi ang mga pagtatangka ni Satanas na
alisin ka sa Gawaing ito. Kailangang manatili kang malakas at matatag
laban sa ganung mga pag-atake. Alam mo, hindi ka naman kailanman
maaagaw ni manloloko sa Akin, pero banat pa rin siya nang banat. Ito
na ang isa sa mga pinakamahirap na bahagi ng iyong Misyon. Ito’y
nagdudulot ng lungkot sa iyong pag-iisa, mahirap isagawa at masakit sa
katawan at kaluluwa. Kailangang manalig ka sa Akin para tulungan kang
mapaglabanan ang mga pag-atakeng ito at makita ang mga ito kung ano
talaga sila.

Ngayon, anak Ko, makinig ka sa Akin. Kailangang ipagpatuloy mo ang


pagpapakalat ng Aking Salita sa mabilis na paraan sa buong mundo
gamit ang lahat ng tulong na ipapadala Ko sa iyo. Nagpapadala na Ako
sa iyo ng maraming volunteer, at ngayon pa lang ay nagbubunga na ang
kanilang trabaho.

Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay patuloy na ipagbigay-alam


ang Aking Salita para magligtas ng mga kaluluwa. Huwag na huwag
kang susuko. Nakakatukso, alam Ko, at ang pang-aabusong kailangan
mong tiisin ay hindi madali para sa iyo. Hayaan mong hawakan Kita sa
kamay, nang mahigpit, at akayin ka tungo sa lakas na kinakailangan
mo. Pinaulanan na Kita ng mga biyaya, para palakasin ang iyong armor,
at nang sa ganun ay wala nang hahadlang pa sa daan para siguraduhing
maririnig ng mundo ang Aking Tinig.

Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Ikumpisal nyo na ngayon ang inyong mga kasalanan – huwag
kayong matakot

Miyerkules, June 29, 2011 7:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang tulong na ipinadala Ko sa iyo ay mabilis


na ikakalat ang Aking Salita sa buong mundo gamit ang modernong
komunikasyon. Nag-aalab ang Aking Puso sa pagmamahal sa Aking
espesyal na mga anak na tumugon sa Aking panawagan, dahil sila ang
hukbong mamumuno sa Aking mga anak.

Binabalot ng lahat Kong biyaya ang bawat isa sa mga yun na tumutulong
sa pagpasan sa Aking Krus para sa ikabubuti ng sangkatauhan. Ang
Espirito Santo ay ipinagkaloob sa kanila para magawa nilang ikalat ang
mga Mensaheng ito sa pamamagitan ng internet at sa paraang talagang
may dating.

Mga anak Ko, at lahat Kong alagad, tandaan nyo lang ang kaisa-isang
bagay na gusto Kong tutukan nyo. Bigyan nyo ng babala ang iba na
hanapin ang Pagtubos bago pa mangyari ang Babala. Kailangan na
nilang ikumpisal ngayon ang kanilang mga kasalanan at huwag silang
matakot. Matuwa pa nga sila. Ilang buwan na lang ang natitira para sa
dakilang Aktong ito ng Aking Awa. Huwag kayong mag-aksaya ng
panahon. Humayo kayo sa pag-ibig at kapayapaan. Huwag nyong
aatrasan ang Gawaing ito. Para ito sa kabutihan ng lahat Kong
anak. Yung lahat ng nagtatrabaho para ikalat ang Aking Katotohanan ay
gagantimpalaan dahil sa kanilang debosyon at pananampalataya. Ang
Aking mga biyaya ang magbibigay ng proteksyon sa bawat isa sa kanila
at sa kanilang pamilya.

Matuwa na kayo ngayon, dahil hinog na ang panahon para sa wakas ay


marinig na rin ang Aking Tinig kung paano ito dapat mapakinggan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Manunubos at Hari ng buong sangkatauhan

Jesucristo

Huwag nyo Akong tatalikuran dahil lamang sa mga


pagkukulang ng mga tao sa Aking Simbahan

Huwebes, June 30, 2011 8:00 am

Pinakamamahal Kong anak, ngayong gabi’y napapaumis Ako sa tuwa, sa


Aking Puso, dahil sa wakas, naririnig na rin ng mga kabataan ang Aking
Salita sa pamamagitan ng Internet, gaya ng nai-propesiya na.
Sa ganitong paraan, mas maraming tao ang masasabihan ang mundo
kung paano maghanda para sa Babala. Tumataba ang Aking Puso sa
tuwa pag nakikita Ko ang pagmamahal ng Aking mga anak sa Akin sa
lahat ng sulok ng mundo. Ang Aking Pag-ibig ay walang
kamatayan. Sila, ang Aking mahal na mga anak, ay puno ng Aking Pag-
ibig, na nadarama nila sa kanilang puso. Ngayo’y masasabi na nila sa
mundo, pati na sa mga masungit, kung gaano nila Ako pinararangalan
dahil pinupuri nila ang Aking Kaluwalhatian sa lahat. Dahil yung
matatapang at mapagmahal na mga nilalang Kong yun ay aakitin ngayon
yung mga tumatanggi sa Akin at sa Katotohanang nagpapaliwanag kung
bakit nga ba sila napapunta pa sa Lupang ito.

Nagpipiyesta ang Langit kasama nung mga lantarang nagpapahayag ng


kanilang pagmamahal sa Akin sa Internet. Sa bugso ng Aking
Pagmamahal para sa kanila, umuulan ang Aking grasya sa bawat isa sa
kanila, mula sa isang dulo ng mundo hanggang sa kabila.

Dumarating na Ako ngayon para iligtas kayo bago pa man


sumapit ang Araw ng Paghuhukom

Isang leksyon ang tatandaan nyo, mga anak. Ang Katotohanan ng Aking
Mga Aral ay hindi kailanman nagbago. Ang mga pagkakamali ng mga
tao, mga kasalanan ng Aking sagradong mga lingkod at yung mga
umabuso sa Katotohanan para ibagay sa kanila mismong ambisyon, ay
maaaring nakadungis sa Aking Ngalan, pero hinding hindi nila nabago
Kung Sino Ako. Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan. Dumating Ako
para iligtas kayo, sa unang beses, para payagang mapatawad ang
kasalanan. Ngayo’y muli Akong dumarating, para iligtas naman kayo
bago pa sumapit ang Araw ng Paghuhukom.

Ganun ka-Lakas ang Aking Pag-ibig, na magagawa nitong tumagos sa


buong mundo sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espirito Santo para
palapitin kayong muli sa kawan ng Aking magiliw na Pag-
ibig. Samdamin nyo na ngayon ang Aking Pagmamahal, mga
anak. Huwag nyo Akong tatalikuran, Akong si Jesucristo o ang Aking
Amang Walang-hanggan, dahil lamang sa mga pagkukulang ng mga tao
sa Aking Simbahan.

Yung mga tumalikod sa Akin dahil sa mga kasalanan ng


Simbahan

Kasalanan ang dahilan kung bakit natukso kayong magbulag-bulagan sa


Katotohanan. Yung ilan sa inyo na sinisisi ang Simbahan kaya nawalan
kayo ng pananampalataya sa Akin, hindi kayo nagpapakatotoo sa inyong
sarili, dahil kung talagang mahal nyo Ako, hindi kayo magdadahilan. Si
Satanas ay nasa lahat ng dako na ngayon sa mundo, mga anak. At
tinatangka niyang kumbinsihin kayo, sa bawat pagkakataon, na ang
inyong pananampalataya ay wala nang saysay, hindi na importante, at
hindi naman garantiya na pupunta kayo sa Langit. Kung minsan,
naniniwala kayo na ang Awa ng Diyos ay walang-katapusan, at kayo’y
ligtas na basta’t hindi kayo nakapinsala sa iba. Kalimitan, hinahamon
nyo Ako pag sinisisi nyo Ako dahil sa kasamaan sa mundo. Dito na kayo
magagalit sa Akin at sa Diyos Amang Walang-hanggan. Paano nagagawa
ng Diyos na tumayo na lamang at pabayaan ang ganung kasamaan na
sumulpot sa mundo?

Kung saan merong pagpatay, panggagahasa, aborsyon, pagpapahirap,


katakawan at karukhaan? Tigil na at makinig sa Akin.

Kung inyong natatandaan, ang kasalanan ay kagagawan ni


Satanas. Marami nga dyan ay naniniwalang wala namang Satanas,
e. Pero nagagawa niyang sapian ang bawat isa sa inyo dahil sa Regalong
ibinigay sa inyo ng Maylikha sa inyo, ang Diyos Ama. Ang Regalong ito
ay ang malayang loob, at ibinigay ito sa bawat isa. Ang ilan ay ginagamit
ang Regalong ito para sa mabuting gawa, kaya nakikita ang pagmamahal
nila sa kapwa, samantalang ang iba naman ay inaabuso ito para
pagsamantalahan ang kanilang kapwa. Pag ang mga ito ay naakit ni
Satanas, dahil sa mahina ang kanilang malayang loob, makakaya na
nilang gumawa ng malalaking kasamaan. Ang malayang loob ay sa inyo,
mga anak. Pag nadungisan ito ng kasalanan, ang resulta ay malaking
gulo sa mundo. Hindi kayo mapipilit ng Diyos Ama na patigilin ang
inyong ginagawa, mabuti man ito o masama, dahil hindi Niya
panghihimasukan ang inyong malayang loob. Lagi Niya kayong
hihimuking manalangin para tumanggap ng mga grasyang kinakailangan
para makaiwas sa kasalanan. Gagamitin nyo ang inyong malayang loob
para gumawa ng isa sa dalawang disisyon. Lumapit sa Diyos, o
magpaakit sa mga kasinungalingan ni Satanas, na babaluktutin ang
inyong pag-iisip para talikuran nyo ang Katotohanan.

Tandaan nyo, Ako ang Katotohanan. Ayaw ni Satanas na makita nyo ang
Katotohanan. Gagamitin nya ang galing ng inyong ulo at masalimuot na
pangangatwiran para akitin kayo. Magagawa pa nga niyang kumbinsihin
kayo na ang isang bagay ay masama kahit na mabuti ito. Kaya pag inisip
nyo na kaplastikan lang ang manalangin at purihin ang Diyos Ama dahil
sa mga kasalanan ng Simbahan, dapat nyong kilalanin ang panlolokong
ito kung ano talaga ito – isang paraan para tuksuhin kayong layuan
Ako. Ang Katotohan. Ngayon, mga anak, ipakita nyong mahal nyo Ako
sa pamamagitan ng pagtayo at pagdepensa sa Aking Ngalan sa isang
mundong ayaw maniwala.

Malapit na malapit na, hihimukin nyo ang iba na pakinggan ang inyong
mga pananaw. Kung paanong yung mga nagsasabing sila’y hindi
naniniwala sa Akin ay isinisigaw kung gaano sila nasusuklam sa Akin,
kayo naman ay kailangang sabihan ang mundo na Ako’y mahal nyo. Sa
ganito lamang makakapukaw ng napakaraming pagbabalik-loob sa
mundo. Hayaan nyong itaas Ko kayo ngayon para maihanda nyo ang
Aking mga anak para sa pagpasok sa Aking Bagong Paraiso sa
Lupa. Tandaan nyo, yun lamang mga sumasampalataya sa Akin at sa
Aking Amang Walang-hanggan, ang makakapasok sa Paraisong ito.

Hayo na at dalhan nyo Ako ng napakaraming tao.


Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Panalangin ay makakapigil ng kaguluhan sa mundo

Biyernes, July 01, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang panalangin at debosyon sa Akin ay


parang tubig na ibinibigay sa isang nauuhaw. Pag wala kang tubig,
magpapatuloy ang iyong pagkauhaw hanggang ikaw ay mamatay. Para
dun sa mga nakakakilala sa Akin, nagmamahal sa Akin at nagpapakita ng
debosyon sa Akin, unawain nyo ang isang bagay. Kung hindi kayo
magpapatuloy sa pagtanggap sa Aking Katawan at sa regular na
pananalangin sa Akin, madaling mawawala ang pagkagusto nyo sa
Akin. Kung wala ang pagnanais na ito, lalayuan nyo Ako, hanggang sa
ibaling ang inyong ulo, ng tukso ng kasalanan na itinanim sa inyong
isipan ni Satanas. Kung wala Ako, na Tunay ang Presensya sa inyong
buhay, wala kayo, mga anak Ko.
Lagi kayong magbantay. Pinoprotektahan kayo ng panalangin laban sa
kasalanan. Ang inyong debosyon sa Akin ay maaaring makaakit kay
manloloko, at mas malimit niya kayong tutuksuhin. Pero kung wala
kayong regular na debosyon sa Akin, maglalakad kayong walang
puntirya sa mundong ito.

Alam ng mga mananampalataya na ang panalangin ay nakakapigil ng


maraming kaguluhan sa mundo. Ang mga panalanging dinasal sa
pamamagitan ng bisyonaryong ito ay nakabawas na ng napipintong mga
panganib na kinakaharap ni Santo Papa Benedicto, pero hindi ito
pangmatagalan. Ang panalangin sa Aking Pinagpalang Ina ay
makakapagpagalaw ng mga bundok, makakapagpahina ng hampas
ng masasamang gawain, pati na yung mga nai-propesiya na, at
makakapagpabalik-loob sa mga makasalanan.

Anak Ko, tandaan mo ang leksyong ito, na ang panalangin ay


nagsisilbing armor mo laban kay manloloko. Ikaw, higit sa lahat, ay
kailangang matutunan ang pangangailangan ng regular na pananalangin
sa iyong Misyon. Kailangan mong gumugol ng higit pang panahon sa
tahimik na pagninilay kasama Ko. Dahil pag hindi mo ito ginagawa, ang
pag-unawa mo sa Aking Mga Mensahe ay lumalabo at pwedeng
magkaroon ng mga kamalian. Mag-ingat ka, anak Ko, pag tinutukoy mo
ang mga petsa ng mga propesiyang ibinibigay sa iyo. Pag sinabi Kong
mga buwan, maaaring anumang oras sa loob ng isang taon. Huwag
mong ipagkakamali ang pan-taong interpretasyon sa mga tagal ng
panahon na ibinibigay Ko sa iyo. Wala pa Akong ibinigay na mga
eksaktong petsa ng mga pangyayari, kundi mga gabay
lamang. Mangyayari ang mga propesiyang ito, pero sa pamamagitan
lamang ng Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan. Manalig ka pang
lalo sa Akin. Ang iyong panalangin at yung sa mga alagad Ko, ay
makakatulong para maantala, o sa ilang pagkakataon, ay maiwasan ang
mga kalamidad. Lagi mo yung tatandaan.
Manalangin, Manalangin, Manalangin. Dahil pag ginawa mo ito mula sa
puso, ang iyong mga panalangin ay pakikinggan. Ipanalangin mo lalo na
yung mga pinuno ng mundo na ang buhay ay malapit nang tapusin sa
pamamagitan ng mga kasuklam-suklam at masasamang aksyon. Sila at
yung matitigas ang puso, na nagkasala ng krimen laban sa sangkatauhan,
ay pinaka-nangangailangan ng iyong mga panalangin.

Laging mong ipapanalangin ang mga makasalanan dahil mahal Ko lahat


Kong anak at kailangan Ko ang iyong mga panalangin para iligtas sila sa
mga apoy ng Impiyerno.

Ang iyong Laging-Maawaing Jesucristo

Ang Giyerang inilulunsad ni Satanas para sirain ang


kredibilidad ng Mga Mensaheng ito ay lalo pang tumitindi

Sabado, July 02, 2011 10:00 am

Pinakamamahal Kong anak, ang panahong ito ay magiging mahirap para


sa iyo habang ang Mga Mensahe ay tumatagos sa mundo. Mas marami
pang tao ang aatake sa Mga Mensaheng ito at pag ginawa nila ito, huwag
mo silang pansinin. Ang Aking Banal na Salita ay ikinakalat na gaya ng
sinabi Ko. Gusto Ko ngayong higit pang ipahayag ang mga pangunahing
kahulugan ng Aking Mga Mensahe. Alam mo na itong gawin, kaya
simulan mo na ngayong araw. Ang hinihiling Ko sa iyo ay hindi madali,
pero bibigyan ka naman ng higit pang tulong para gawin ito.
Samantala, kakailanganin mong ipanalangin ka ng iba, dahil ang
giyerang inilulunsad ni Satanas para sirain ang kredibilidad ng Mga
Mensaheng ito ay lalo pang tumitindi. Kailangang manalangin ka para
protektahan ka laban sa hapding idudulot niya sa iyo sa pamamagitan ng
ibang mga tao. Tanggapin mong ang sunod-sunod na mga pagsubok na
ito ay mahalaga para panatiliin kang mababang-loob. Dapat mong
malaman na ikaw ang Aking Tinig sa mundo. Itaguyod mo ang Aking
Tinig at gawin mo ito sa lalong madaling panahon. Mahal Kita, anak
Ko. Sa Akin ka lubusang sumandig at dadalhin kita hanggang sa
matapos ito.

Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang mga walang-diyos at mga siyentipiko ay sasabihing ang


Babala ay isang ilusyon

Linggo, July 03, 2011 6:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, kailangang tumingin ka sa harapan nang


deretso at sumunod sa Aking mga iniuutos. Huwag kang palingon-
lingon sa tabi pag inaatake ka ni masama bawat minuto ng araw. Sa
Akin ka lang tumutok. Kailangan mong matutunang unawain na ang
panahong ginugugol mo kasama Ko, lalo na sa Adoration, ay mahalaga
kung gusto mong magawa nang ayos ang Misyong ito. Ang haba ng
panahong ginugugol sa panalangin ay mahalaga rin dahil kung mas
matagal ang matalik mong pakikipag-usap sa Akin, mas marami rin ang
grasyang iyong tatanggapin. Pag hindi mo ito nagawa, iiwan mong
bukas na bukas ang iyong sarili sa mga pag-atake ni manloloko. Ang
Aking Salita, anak Ko, ay binabale-wala ng mga ayaw
makinig. Maraming dahilan ito. Marami sa Aking mga anak ngayon, ay
nagbubulag-bulagan na sa Katotohanan ng kanilang espiritwal na pag-
iral. Inaakap nila ang mundo at lahat ng iniaalok nito bilang kapalit ng
Tinapay ng Buhay. Marami rin ang nag-iingat laban sa mga pekeng
propeta, dahil ito ang panahon na ang mga pekeng propeta ay
magsusulputan kung saan-saan. Ito ang kaguluhang gustong likhain ni
Satanas para yung Aking tunay na mga sugo ay hindi mapansin. Dahil sa
kababaang-loob na kinakailangan ng Aking piniling mga bisyonaryo,
hindi nila pwedeng itaas ang kanilang sarili sa mata ng mundo, dahil
hindi ito ang natural nila. Ang mga pekeng bisyonaryo ay ipipilit ang
kanilang sarili para sumikat. Sa kanila mismong sarili sila
nakatutok. Ang kanilang mga mensahe ay mukhang totoo at puno ng
mabulaklak na mga salita, na magpapakita pa ng mga tekstong hango sa
Banal na Biblia, kung saan babagay ang mga ito. Pero may dalawang
pangunahing katangian na magbubulgar sa mga kasinungalingang
sinasabi nila. Ang una ay, sila mismo ang sentro ng mga mensahe at
pagpipiyestahan nila ang kanilang pagiging sikat. At pagkatapos ay ang
mga mensahe mismo. Mahirap basahin ang mga ito at walang
masyadong dating sa kaluluwa kaya madaling nalilimutan. Malungkot
sabihin, anak Ko, pero nakagawian na ng Simbahan na bale-walain ang
mga totoong bisyonaryo dahil kailangang magpakita sila ng pananagutan
sa mga bagay na ito.

Kaya nga mas madali para sa Aking Simbahan na suportahan yung mga
mensahe na may kasamang mga tekstong hango sa Banal na Biblia, at
ideklarang totoo ang mga ito. Hindi ganung kadali para sa kanila na
tanggapin ang kasimplihan ng Aking Mga Aral, lalo na sa panahong ito
na ang malaking bahagi ng Katotohanan ay ikinubli sa likod ng maskara
ng pagpayag. Hindi rin ganung kadaling tanggapin ang paalaala ng
pangwakas na panahon, dahil ayaw kunin nung Aking sagradong mga
alagad ang Aking Kopa at kumilos nang may responsabilidad, dahil takot
sila at walang alam.

Ito na ang pinaka-importanteng panahon sa kasaysayan ng


mundo. Lahat ng palatandaan ay ibinigay na sa Aking mga bisyonaryo
sa loob ng nakaraang daang-taon, pero binale-wala at isinantabi habang
ibinabaon nila ang kanilang ulo sa buhangin para wala silang makita. Ito
na nga mismo ang panahon na ang Aking mga sagradong alagad ay
kailangang ipahayag ang kahalagahan ng Aking pagbalik sa
Lupa. Kailangang ihanda nila ang mga kaluluwa sa pamamagitan ng
pagpapaalala sa kanila ng mga mangyayari pag hindi nila natubos ang
kanilang sarili habang sila’y nasa Lupa pang ito, dahil hindi na sila
pwedeng humingi ng tawad pagkatapos nilang mamatay. Nananawagan
na Ako ngayon sa Aking sagradong mga lingkod. Bakit di nyo ito
bigyang-diin sa inyong kawan? Bakit di nyo aktibong pinag-uusapan ang
mga epekto sa Aking mga anak pag nangyari na ang Malaking
Parusa? Di nyo ba alam na marami sa Aking mga anak ay mawawalan ng
kaluluwa dahil sa antikristo, na narito na ngayon sa Lupang ito, at handa
na siyang lumitaw dahil naghihintay lang siya sa tabi-tabi? Kailangang
maunawaan ng Aking mga anak na ang Babala, isa man itong dakilang
Akto ng Awa, ay unang yugto pa lamang ng panahong magiging mahirap
at maraming pagsubok para sa lahat Kong anak. Dahil pagkatapos ng
Babala, yung mga makasalanang matitigas ang puso, at ang mga alagad
ni Satanas ay itatanggi ang Aking Pag-iral.

Sasabihin ng mga walang-diyos na ito’y isang pandaigdig na


ilusyon. Ang mga siyentipiko naman ay maghahanap ng makatwirang
paliwanag, pero wala nito.

Samantala, ang Aking mga alagad ay mahahati. Milyun-milyon ang


magbabalik-loob, pero lilituhin sila ng mga kasinungalingang ikakalat ng
masamang grupo, ang pamatay na organisasyong one world, na ang
pakay ay wasakin ang maliliit na tao para sa kanila mismong kikitaing
pera.
Mga anak, kung hindi sapat ang bilang ng mga taong mananatili sa
totoong daan, hindi na posibleng iwasan ang haplit ng parusa. Dahil dito
na kikilos ang Diyos Ama para pigilin ang mga makasalanan sa pagwasak
sa Kanyang Sangnilikha at sa Kanyang mga anak. Magpapakawala Siya
ng mga lindol na ang lakas ay di pa naranasan kailanman; mga bulkan sa
pinaka-di-inaasahang mga lugar, at ang Lupa ay ihahagis na parang
isang barko sa maalong dagat, at walang angkla para panatiliin ito sa
isang lugar.

Mga anak, hayaan nyo naman ang Babala na iligtas kayong


lahat. Tanggapin nyong ang milagrong ito ay tutulong sa pagsagip sa
milyun-milyon, na nawala na sana. Pero para dun sa mga ayaw
magbagong-buhay, pipiliin nila ang tahanan ni Satanas. Kung walang
panalangin, wala na silang pag-asa, dahil mawawalan sila ng mga susi ng
Bagong Paraiso sa Lupa. Sa halip, masusunog sila sa mga apoy ng
Impiyerno. Kung alam lang nila kung saan sila dadalhin ng masamang
daang ito, sa palagay nyo ba’y magbabago sila ng kanilang mga gawi?

Mga anak, tulungan nyo naman sila sa pagsasabi sa kanila ng


Katotohanan. Ipanalangin nyo na maligtas ang kanilang mga kaluluwa
kung ayaw nilang makinig, dahil yun na lang ang pwede nyong gawin.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Makatarungang Hukom at Hari ng Awa, Jesucristo


UL 12 09 13 Para sa Aking Mga Alagad na naninira sa Mga
Mensaheng ito

Martes, July 05, 2011 2:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, espesyal ang araw na ito, dahil natutuwa


Akong sabihin sa iyo na yung mga lumakas ang pananampalataya dahil
sa Aking Mga Mensahe ay magagarantiyahang ang kanilang araw-araw
na pagdarasal ng Divine Mercy ay nagliligtas ng mga kaluluwa. Hinding
hindi dapat kalimutan ng Aking mga anak na ang mga panalangin, pag
dinasal mula sa puso, ay laging pinapakinggan. Ang mga panalangin ay
laging dinirinig at anumang espesyal na mga intensyon ay tinutupad
ayon sa Aking Kabanal-banalang Loob.

Mga anak, ipagpatuloy nyo naman ang inyong mga panalangin dahil
makakatulong itong ibsan ang panahon ng Malaking Kaparusahan. Ang
Aking Ama ay handa nang pagharian ang Kanyang Banal na Kaharian at
minsan pang simulan ang Kanyang Paghahari paglitaw ng Bagong
Paraiso sa Lupa. Ang kasamaan sa mundo ngayon ay hindi pa naging
kasin-tindi tulad ngayon. Dahil sa laki ng populasyon ng mundo at mga
gawain ni masama, merong giyera sa lahat ng lugar. Damang-dama ang
pagkasuklam sa isa’t isa. Kung ang pagkasuklam na ito ay nakikita bilang
kasakiman sa pulitika, o pag-kontrol sa mga bansa ng iba, pare-pareho
lahat ito. Si Satanas ay maraming alagad. Silang mga alagad niya,
kalimitan, ay hindi namamalayan kung paano niya iniimpluwensyahan
ang bawat isip at gawa, sa bawat sandali, sa bawat araw. Kung makikita
lang ng Aking mga anak ang dami ng mga demonyong nasa mga taong
yun, sasamaan sila ng pakiramdam. Sinapian na ang marami sa Aking
mga anak, at nakikita lamang ang palatandaan nito sa kanilang
masasamang gawain. Manalangin, manalangin na kayo ngayon, Aking
mga alagad, para ang mga kawawa at naliligaw na mga kaluluwang yun
ay maligtas habang nangyayari Ang Babala. Mula ngayon hanggang
mangyari Ang Babala, ang hinihiling Ko lamang sa inyo, mga anak, ay
ang inyong mga panalangin at lalo na ang pagdarasal ng Divine
Mercy. Ang Aking Ama ay magliligtas ng mga kaluluwa kung
pangangatawanan nyong dasalin ito minsan sa isang araw, mas mabuti
kung pag alas tres ng hapon.

Yun namang Aking mga alagad na naninira sa Mga Mensaheng ito,


parang awa nyo na, manalangin muna naman sana kayo sa Espirito
Santo bago nyo ibasura ang Aking Banal na Salita. At yung mga nang-
iinsulto sa Aking bisyonaryo at tagatanggap ng Mga Mensaheng ito,
dapat nyong itanong ito. Kung si Satanas ang sa palagay nyo ay ang
umiimpluwensya sa Mga Mensaheng ito, bakit niya kayo sasabihang
manalangin, humingi ng tawad, tumanggap ng Banal na Komunyon? At
malalaman nyo na imposibleng mangyari ito.

Iimpluwensyahan ni manloloko ang Aking mga alagad unang-una, para


udyukan silang tanggihan ang Aking Salita dahil alam niyang ang
kanilang pagtanggi sa Aking Kabanal-banalang Mga Salita ng
Pagmamahal ang pinaka-makakasakit sa Akin.

Talikuran nyo na ngayon din si Satanas at ang kanyang masasamang


gawain. Sa Akin kayo lumapit. Nagmamakaawa Ako sa inyo, dahil
hinding hindi nyo siya dapat payagang impluwensyahan kayo nang
ganito. Ang inyong mga panalangin ay kinakailangan na ngayon para
iligtas ang Aking kawawang mga anak na mamamatay dahil hindi nila
natagalan ang Babala.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Kahalagahan ng Mga Sakramento – Kasal at Unang Banal na Komunyon

Miyerkules, July 06, 2011 3:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, pagmasdan mo ngayon ang paglago at


pamumulaklak ng pananampalataya ng Aking mga anak. Habang
nababalot sa kadiliman ang mundo, ang liwanag ng Aking mga alagad ay
lalo pang tumitingkad araw-araw dahil sa Apoy ng Espirito Santo, na
bumaba na sa buong mundo.

Ngayong araw, anak Ko, nais Kong paalalahanan ang lahat Kong alagad
tungkol sa kahalagahan ng panalangin para maibsan ang pagdurusa sa
mundo.

Ang inyong mga panalangin ay tumutulong na ngayon para maiwasan


ang maraming pandaigdig na kalamidad na naipropesiya na. Ang
panalangin ang merong pinaka-makapangyarihang bisa para maibsan
ang paghihirap, at pag dinasal ito para sa iba, ito’y didinggin.

Natutuwa man Ako para sa mga malakas ang pananampalataya,


natatakot pa rin Ako para sa mga tumatanggi sa Aking Dibinong
Liwanag, ang Katotohanan. Maraming tao ngayon ang gumagala sa
mundo na parang
walang malay. Walang makapagdulot sa kanila ng kapayapaan. Walang
makapagbigay sa kanila ng kaligayahan. Walang kaginhawahang
materyal para maibsan ang kanilang hapdi. Wala na ngang laman ang
kanilang mga kaluluwa, ay nawawala pa ang mga ito. Ipanalangin nyo
sila.

Anak Ko, ipanalangin mo naman ang Aking Kahalili, na si Santo Papa


Benedicto, dahil napapaligiran na siya ng mga puwersang maka-mason
na ginagawa ang lahat para alisin siya sa trono, yung masasamang
puwersang palihim na pinasok ang Aking Simbahan simula pa noong
Vatican II at hinaluan ng dumi ang Aking Mga Aral. Maraming batas
ang ipinasa na labag sa Akin, lalo na yung pagbibigay ng Aking Banal na
Komunyon ng mga layko o lay minister. Ang pambabastos sa Akin at sa
Aking Amang Walang-hanggan, sa pamamagitan ng mga bagong batas
na ipinasa para paginhawahin ang modernong lipunan ay malungkot
Kong iniyakan.

Ang Kabanal-banalang Komunyon ay kailangang tanggapin sa


pamamagitan ng dila at hindi dapat dungisan ng kamay ng tao. Pero ito
mismo ang ginawa ng Aking mga sagradong lingkod. Ang mga batas na
ito ay hindi ipinasa sa pamamagitan Ko sa Espirito. Ang Aking mga
sagradong lingkod ay inakay sa daan na hindi tugma sa Mga Aral ng
Aking mga apostol. Ngayon, ang Aking Mga Sakramento ay hindi na
sine-seryoso, lalo na yung mga naghahangad ng Sakramento ng Kasal at
Unang Banal na Komunyon.

Ang Pangako ng Kasal ay napaka-seryoso. Dahil kung natatandaan nyo


pa, ito’y isang Sakramento na ginagawa sa Presensya ng Diyos
Ama. Pero sa marami, materyalismo lang ang pinag-uusapan dito, at
mga dekorasyong panlabas. Maraming tumatanggap ng Sakramento ng
Kasal ang hindi inaako ang kahalagahan nito pagkatapos. Maraming
napakadaling sumisira sa kanilang pangako pagkatapos. Bakit nila ito
ginagawa? Bakit puro salita lang ang itatapat sa napakabanal na
pagkakaisang ito para lamang maghiwalay agad
pagkatapos? Pambabastos ito sa isa sa pinaka-mahalagang mga
pagbubuklod na pinagpapala ng Kamay ng Aking Amang Walang-
hanggan. Maraming tao ang hindi sumusunod sa Loob ng Aking Ama na
walang sinumang tao na paghihiwalayin ang ganung buklod pagkatapos,
pero marami pa ring mga tao ang nagdi-diborsyo. Ang batas na ito ay
hindi kinikilala ng Aking Ama. Ang diborsyo ay isang madaling paraan
para takbuhan ang inyong mga responsabilidad. Lahat ng kasal ay gawa
sa Langit. Walang sinumang tao na wawasak ng isang kasal nang hindi
nagkakasala sa Aking Ama.

Unang Banal na Komunyon

Ang pagtanggap ng Aking Katawan sa Sakramento ng Eukaristiya sa


kauna-unahang pagkakataon, ay isang halimbawa kung paano Ako
nilalait. Ang daming magulang ang hindi pinapansin ang kahalagahan
ng pagtanggap ng kanilang mga anak ng Katawan ng Buhay. Mas
iniintindi pa nila kung gaano kaganda ang damit ng kanilang mga anak
kaysa ang napakagandang Regalong kanilang tinatanggap. Dadalhin sila
ng Regalong ito sa kaligtasan. Pero ang materyalismong nakapaligid sa
okasyon ay walang kinalaman sa kanilang mga kaluluwa. Para sa Akin,
ang pinakamalungkot na parte ay wala man lang sinabing kahit ano sa
mga paslit na ito tungkol sa Akin. Ang Aking Pagmamahal sa maliliit na
bata ay walang-hangganan. Pag tinanggap nila ang Banal na Eukaristiya
nang may buong kaalaman kung ano ang kanilang tinatanggap, lubos na
nalilinis ang kanilang mga kaluluwa. Pagdami ng beses na tinatanggap
nila Ako nang ganito, paglakas din ng kanilang
pananampalataya. Tandaan nyo, kung walang Mga Sakramento, hihina
ang inyong pananampalataya. Sa paglipas ng panahon, pag ang inyong
kaluluwa ay wala na ng Aking mga espesyal na biyaya, makakatulog na
ito. Sa katagalan, lahat ng pananampalataya sa Akin at sa Aking Amang
Walang-hanggan ay mawawala at ang matitira na lang ay isang aandap-
andap na pagkakilala na paminsan-minsan na lang
maglalagablab. Magbalik kayo sa Akin sa pamamagitan ng Mga
Sakramento. Irespeto nyo ang Mga Sakramento sa paraang nararapat, at
muli nyong madaramang talaga ang Aking Presensya.

Tandaan nyo, ang Mga Sakramento ay nandyan para sa isang dahilan, at


ito’y para palusugin ang inyong kaluluwa, na kailangan nito para sa
buhay na walang-hanggan. Kung wala ang mga ito, ang inyong kaluluwa
ay mamamatay.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Hari ng Sangkatauhan, Jesucristo

Narcisismo – isang masamang epidemya na nasa mundo


ngayon

Huwebes, July 07, 2011 9:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, nais Kong ipagbigay-alam sa mundo na ang


Aking Pag-ibig para sa kanila ay pinupuspos ang Aking buong Pag-iral,
habang naghahanda Ako para sa Dakilang Babala. Nag-uumapaw ang
Aking tuwa dahil alam Kong ang Aking mga anak, lalo na yung mga hindi
nakakakilalala sa Akin, ay tatanggapin na rin, sa wakas, na Ako’y
Umiiral, habang nangyayari ang Aking dakilang Akto ng Awa.

Isa sa mga nakakabagabag na mga katangian, na humawa na sa Aking


mga anak, ay yung narcisismo, o pagmamahal sa sarili, sa mundong
ito. Ang masamang epidemyang ito ay kalat na sa bawat lebel ng
lipunan, at isa ito sa mga paboritong pang-atake ni Satanas dahil
pinapasok ng kanyang mga demonyo ang mga kaluluwa ng Aking mga
anak sa lahat ng dako. Makikita ang mga ito na pumoporma, at parang
model kung kumilos para hangaan ng iba. Ang una nilang pag-ibig ay
ang kanila mismong sarili lamang, at pag hindi pa sila nasiyahan dito,
agaw-pansin sila sa mga nasa paligid nila para hikayatin ang mga ito na
maging mga lantarang tagahanga nila.

Ganun na ka-grabe ngayon ang panghahawang ito ni Satanas sa mga


kawawang kaluluwang ito, kaya mahirap na itong hindi mapansin. Ang
pagkaloko nila sa kung ano ang kanilang itsura ay nauwi na sa mismong
pagsira sa kanilang mga katawan at paggawa ng lahat ng kinakailangan
mapagbigyan lang ang pagmamahal nila sa kanilang sarili.

Pag si Satanas ay naroroon sa ganung mga kaluluwa, napakadali yung


makita. Puno ng kayabangan ang mga taong ito at malamang ay nasa
mga pwesto ng kapangyarihan. Ang kasalanang narcisismo ay lalo pang
titindi sa pangwakas na mga panahon, kung saan sisiguraduhin ng
marami na ang kanilang itsura, kapakanan at pagkamakasarili ay
magdudulot ng pinsala sa kanilang mga kaibigan at maging sa kanila
mismong pamilya. Ang pagmamahal sa sarili ay itinuturing sa mundo
ngayon na isang kahanga-hangang katangian. Ang paghahangad ng
kapakanang-pangsarili ay hinding hindi lubusang mabibigyang-
kasiyahan dahil sisiguraduhin ni Satanas na ang mga taong ito ay
maghahangad nang lalo’t lalo pa.

Mga anak, ang kasalanang kayabangan ay tumitindi na ngayon sa


mundo. Huwag nyong tatanggapin ang ganitong asal bilang bahagi ng
inyong pang-araw-araw na buhay. Napakaraming kabataan ang
tinitingnan itong mga personalidad na merong tinatawag na
perpeksyong pisikal bilang halimbawang dapat gayanin. Pero ang
kanilang ugali ay dapat kaawaan kung imumulat lang nyo ang inyong
mga mata at titingnan kung ano nga ba talaga ito. Ito’y isang paglabag sa
Unang Utos, at kung magpapatuloy ang ganung mga tao sa ganitong
daan, hahatakin sila ni manloloko sa mas malaking gulo.
Ang narcisismo ay makikita sa lahat ng larangan ng buhay, maging sa
pulitika, moda, media, sine, pati na sa loob ng Akin Mismong
Simbahan. Hindi nyo makakamtan ang kababaang-loob kung meron
kayong sakit na narcisismo. At kung walang kababaang-loob, hindi kayo
makakapasok sa Kaharian ng Aking Ama.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Pipigilan ng Amang Walang-hanggan ang New World Order


na usigin na nang tuluyan ang Kanyang Mga Anak

Biyernes, July 08, 2011 3:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, alam Kong pagod ka na sa Gawaing ito at


kailangan mong magpahinga ng isa pang linggo, pero pakinggan mo
muna ang Aking sasabihin.

Sabihan mo ang Aking mga anak na sila’y gumising na at tingnan ang


gulo sa mundo kung saan kabi-kabila ang mga krisis pinansyal. Sabihan
mo sila na kasakiman man ng tao ang medyo nagdulot ng pagkabaon nila
sa utang, sa totoo lang, sinadya talaga ng One World Order na
pabagsakin ang malalaking bangko para likhain ang krisis na ito.

Marami sa mga makakabasa ng Mensaheng ito ay uumis na lang at


kukwestyunin ang katunayang ito, pero dapat din nilang malaman na
kung hindi nila paninindigan at dedepensahan ang kanilang mga
karapatan, mapipilitan silang tanggapin ang marka ng halimaw para
makuha nila ang kanilang pera.

Ang Bagong Pera ng Mundo ay ibibigay sa isang di-


makapaniwalang mundo

Ang Bagong Pera ng Mundo, na ibibigay sa isang di-makapaniwalang


komunidad, ay dinisenyo para kontrolin kayo. At pag nangyari na yun,
tatangkain nilang pagkaitan kayo ng pagkain. Maliban na lang kung
tatanggapin na ngayon ng Aking mga anak ang realidad na ito, wala
silang kalaban-laban pag sumailalim na sila sa kontrol ng isang New
World Order, na pinamumunuan ng mga puwersang
masoniko. Maghanda na kayo, Aking mga anak, dahil kahit na ang
Babala ay magdulot ng pagbabalik-loob ng milyun-milyon, pati na yung
mga tapat sa One World Order, hindi pa rin ito magiging sapat para
pigilin ang masasamang mga alipin na ito ni Satanas at ng
antikristo. Pag wala na kayong kontrol sa inyong pera, mahihirapan na
kayong depensahan ang inyong karapatan sa pag-aari, pagkain at
kalusugan, ang tatlong bagay na kokontrolin nila, kung hindi nyo
isisigaw na ngayon ang inyong pagtutol dito. Pigilan nyo kaagad ang
inyong mga pinuno. Huwag kayong magpakaya at magpatakot sa
kanila. Kung sapat ang dami nyo na alerto sa masama at maka-halimaw
na planong ito, magagawa nyong bigyan ng babala ang iba.

Planuhin nyo na ngayon ang pagkukunan nyo ng pagkain


Planuhin nyo na ngayon ang pagkukunan nyo ng pagkain. Bumili kayo
ng mga binhi at palaguin nyo para kayo’y mabuhay. Bumili kayo ng mga
baryang pilak o ginto, para makabili kayo ng inyong mga
kakailanganin. At pinakamahalaga sa lahat, maghanap kayo ng mga
lokasyon na grupo-grupo kayong makakapagtipun-tipun para mag-alay
ng Banal na Sakripisyo ng Misa. Dahil sa katagalan, susunugin at
magiging abo na lamang sa lupa ang inyong mga simbahan.

Ang mga alagad ni Satanas ay parang mga langgam, libu-libo


sila kung dumami

Huwag na huwag nyong tatanggapin ang marka, ang chip ng


halimaw. Manalangin, ipanalangin nyo na ang inyong tahanan ay
bibigyan ng espesyal na mga pagpapala para protektahan kayo laban sa
hukbong magtatangkang palayasin kayo sa inyong tahanan. Ang mga
alagad ni Satanas ay parang mga langgam, libu-libo sila kung dumami
oras-oras. Kayo, mga anak Ko, ay kailangan na ngayong manalangin at
labanan ang sunud-sunod na kasamaang ito na pinaplano ng New World
Order, na naglalaway sa posibilidad na ma-kontrol nila ang buong
mundo. Planuhin nyong magkaroon ng mga benditadong kandila sa
inyong tahanan. Mag-imbak na kayo ngayon dahil pananatiliin kayo nito
sa liwanag ng proteksyon. Magplano na kayo ngayon kung ayaw nyong
maging alipin ng pangit na doktrinang ito.

Bumili na kayo ng mga gas stove, blanket, tuyo at de-latang pagkain, mga
tabletang naglilinis ng tubig at mga kandila, pati na mga relihiyosong
imahen para matagalan nyo ng inyong pamilya ang Malaking
Kaparusahang darating kasunod ng Babala.

Ang mga panalangin ay nakakabawas na sa tindi ng dagok ng Malaking


Kaparusahan, pero lagi kayong maging alerto, mga anak Ko. Kung
magiging maingat kayo sa inyong paghahanda, matatagalan nyo ang
malaking pambobombang pinaplano, na magiging mas masahol pa kaysa
nangyari sa mga Hudyo, sa ilalim ng paghahari ng disipulo ni Satanas –
na si Hitler.

Panatag nyong sundin ang babalang ito. Dahil kung sapat ang inyong
paghahanda, maliligtasan nyo ang kasamaang pinaplano ng New World
Order. Para naman sa ilan sa inyo na sangkot sa New World Order,
pakinggan nyo na Ako ngayon. Magsisi na kayo. Sundin nyo ang Babala
dahil sa ibinibigay nito sa inyo – isang pagkakataon para talikuran nyo si
Satanas at ang mga apoy ng Impiyerno.

Payo sa mga lingkod ng Simbahan

Para naman sa Aking mga sagradong lingkod, ito ang kailangan Kong
sabihin sa inyo. Itutok nyo ang inyong paningin sa Akin ngayon at
manalangin kayo sa Espirito Santo na lagi kayong gawing handa, para
makilala nyo ang pekeng propeta sa sandaling magpakita siya sa inyong
hanay. Pag nagkaganun, kailangan nyong magsama-sama, nang grupo-
grupo para siguraduhing ang Aking mga anak ay makakatanggap ng
Kabanal-banalang Komunyon habang nangyayari ang pang-uusig.

Ang Kamay ng Aking Ama ay handa na ngayong bumagsak, nang


napakalakas, dun sa mga masasama at mayayabang na mga pinuno ng
mga bangko, mga Western at Eastern power na palihim na nagpaplano
kung paano nila kayong lahat kokontrolin. Wawasakin ng Aking Amang
Walang-hanggan lahat ng kanilang hapening para pigilin ang tuluyan
nilang pag-usig na pinaplano nila laban sa Kanyang mga anak. Hindi
Niya ito mapapayagan. Tandaan nyo, mga anak, gusto ng Diyos Amang
Walang-hanggan na protektahan kayong lahat. Tuluyan na Siyang
naubusan ng pasensya. Tatanggapin Niya, hanggang sa kahuli-hulihang
sandali, yung mga lalapit sa Kanya para humingi ng tawad. Pero
kailangan na Niya ngayong patigilin yung masasamang rehimen na
magdulot ng kilabot sa natitira Niyang Sangnilikha.
Mahal kasi Niya ang Kanyang mga anak kaya Niya ito ginagawa. Yung
mga nagsasabing ang Diyos Ama ay hindi naman pwedeng magalit dahil
mahal Niya lahat, ito ang tandaan nyo. Oo, galit Siya, at makatwiran ang
Kanyang Galit dahil sa kasamaan ng kawalang-hustisyang ginagawa sa
Kanyang mahal na pamilya. Minsan pa, pagkakaisahin Niya lahat ng
Kanyang anak para mamuhay sa kapayapaan, sa wakas,
magpakailanman.

Tandaan nyo, mga anak, na tingnan ang mga palatandaan sa inyong


paligid, ang maraming giyera, ang kahirapan ng pera, ang kakulangan sa
pagkain, ang kakulangan ng mga serbisyong pangkalusugan, at
maniwala kayong ito’y kagagawan ni masama. Hindi ito gawa ng Diyos
Amang Walang-hanggan. Hindi na Niya pwedeng palampasin pa ang
ganitong asal. Magpasalamat kayo at Siya’y umaaksyon, dahil kung
hindi, ay mawawasak ang Kanyang Sangnilikha. At hindi Niya
mapapayagang mangyari ito.

Ang inyong minamahal na Jesus

Tagapagligtas ng Sangkatauhan, Manunubos ng Mundo

UL 12 15 13 Ipagbigay-alam mo sa Aking sagradong mga


lingkod ang nilalaman ng mga ito, para maihanda nila ang
kanilang kawan
Sabado, July 09, 2011 4:00 pm

Pinakamamahal kong anak, kung kailan bumilis ang pag-abante mo


dahil kompiyansa ka na sa pag-unawa sa Aking Mga Mensahe, saka ka
naman hihinto at pahihirapan ka ng mga pagdududa. Ang mga
pagdududang ito, sa yugtong ito ng Aking pakikipag-usap sa iyo, ay
pwedeng problemahin mo. Para sa bawat hakbang mong paatras, ito’y
isang pagsubok sa iyong pananampalataya, anak Ko. Dahil walang
sinumang tao na dapat mag-akalang sila’y laging karapat-dapat sa
Akin. Tanggapin mo ang pagdurusang ito, anak Ko, dahil ang mga
pagsubok na ito ay lagi kang guguluhin sa Gawaing ito. Manalig ka sa
Akin at palagi mong isuko ang iyong malayang loob para matulungan
kang maging mas matatag sa Gawaing ito.

Anak ko, sa panahong ito, may ilang bisyonaryo Akong kinakausap, sa


tulong ng Aking Pinagpalang Ina, ni Miguel Arkanghel at ng Satisima
Trinidad, pero mas konti sila kaysa iniisip mo. Ang ilan sa mga apostol
ay nakakubli, at ang mga santo lamang sa langit ang nakakaalam tungkol
sa kanilang gawain. Nandyan din yung mga makikilala ng mundo bilang
Aking mga sugo sa paglipas ng panahon. Isa ka sa mga ito. Ang Misyong
ito ay hindi magiging madali, anak Ko, kaya nga Kita pinapayagang
makaranas ng mga pagkaantala, mga pagsubok at mga kamalian. Pag
nakasanayan mo na ang mga pangyayaring ito ay saka ka lamang
magiging lalo’t lalo pang malakas, hanggang sa wala ka nang pakialam
kung anuman ang isipin ng iba tungkol sa iyo. Kasama mo Akong
naglalakad sa bawat hakbang mo sa Misyong ito at huwag na huwag mo
yun kalilimutan.

Importanteng siguraduhin mo na ang pinakamaraming kaluluwang


pwedeng mabigyan, ay mabigyan nga ng Katotohanan ng Aking
Salita. Kailangang ipagbigay-alam mo sa Aking sagradong mga lingkod
ang nilalaman ng mga ito para maihanda nila ang kanilang kawan bago
mangyari Ang Babala. Hindi na mahalaga na pagtibayin pa ng Simbahan
ang mga Mensaheng ito, dahil kukulangin na sila sa panahon. Sila, ang
Aking sagradong mga lingkod, ay mangangailangan ng maraming,
maraming taon para maniwala sa Aking Mga Mensahe, kaya sige ka lang
nang sige.

Ikaw, anak Ko, ay gagawa ng maraming kaaway sa Ngalan Ko. Ito’y


isang bagay na dapat mo nang tanggapin, kaya huwag mong hahayaang
maharang ka ng mga balakid na yun sa iyong daan. Ang Aking Mga
Mensahe ay napagbalik-loob na ang libu-libong naliligaw na
kaluluwa. Kaya napakahalagang lagi mo Akong susundin, para mas
maraming kaluluwa ang maligtas.

Alam Kong nalulungkot ka sa iyong pag-iisa at natatakot dahil sa


Gawaing ito, pero kung maaalala mo, ang pinipili Ko lamang ay yung
mga bukas ang puso at may sapat na tapang para ipahayag ang Aking
Salita. Sa ganun, ang pagiging matatag mo ay tutulong para mapabilis
ang pagbibigay ng mga Mensaheng ito sa mas maraming
tagapakinig. Kaya huwag na huwag ka namang malungkot. Dahil
sikapin mo mang makadama ng tuwa sa iyong puso, bihira itong
mangyayari pag pinapasan mo ang Aking Krus. Lagi kang magdurusa sa
Ngalan Ko at malalaman mo na matatagalan pa bago mo madama ang
malakas na bugso ng kaligayahan. Ang pagdurusa mo ay nagliligtas ng
milyun-milyong kaluluwa kaya dapat mo itong ipagpasalamat. Lahat na
ng santo ay nagtatrabahong kakampi mo para patatagin ka at
protektahan ka laban kay Satanas, na gagawin lahat para pigilan
ka. Pero hindi niya kailanman magagawa yun dahil

ang Kamay ng Aking Ama ay hahampasin at pababagsakin yung mga


magtatangkang sabutahihin ang Aking Gawain na iligtas ang
pinakamaraming kaluluwang magagawa Kong iligtas sa pamamagitan
mo. Sumandig ka sa Akin at Ako ang magpapatakbo ng Gawaing ito,
para ang Aking Mga Mensahe ay marinig ng milyun-milyon,
mananampalataya at di-mananampalataya, sa bawat sulok ng mundo.
Ang iyong minamahal na Guro

Tagapagligtas ng Sangkatauhan, Jesucristo

Huwag matakot, ang pagbabalik-loob ay lilikha ng isang


dakilang damdamin ng pag-ibig at kapayapaan

Linggo, July 10, 2011 12:10 pm

Pinakamamahal Kong anak, yung marami Kong anak na natatakot sa


Aking Mga Mensahe at nahihirapang harapin ang mga ito, pakinggan
nyo naman Ako ngayon. Ang kasamaang lumalaganap sa buong mundo
ay kagagawan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng kasalanan. Hindi ito
pwedeng magpatuloy. Huwag naman kayong matakot, dahil hindi nito
babaguhin ang mga plano na isinasakatuparan na ng masamang
Grupong One World. Kayo, mga anak Ko, ay kailangang masabihan
kung ano na nga ba ang nangyayari. Importanteng mabigyan ng babala
ang lahat tungkol sa mga kilos ng Grupong ito at ang kanilang
masasamang mga plano na ginawa nila para kontrolin kayo.

Mainit nyo namang tanggapin Ang Babala


Ang Aking Babala, ang dakilang Akto ng Awa, ay ganung ka-dakilang
Kaloob na Pag-ibig, kaya mainit nyo namang tanggapin ito, dahil
magbubunsod ito ng maraming pagbabalik-loob. Ganun na lamang ang
paglaganap ng pagbabalik-loob kaya lilikha ito ng isang dakilang
damdamin ng pag-ibig at kapayapaan pag ang Aking mga anak ay naging
mababang-loob dahil sa Dakilang Pangyayaring ito. Kaya sila’y lalakas
dahil sa dami nila. Pagdami ng mga taong naniniwala sa Katotohanan,
paghina naman ng dagok ng Grupong New World. Panalangin,
maraming panalangin, ang mag-iiwas sa inyo mula sa pinsalang
tatangkain nilang gawin. Kaya huwag nyo namang kalilimutang dasalin
ang Santo Rosaryo at ang Divine Mercy, dahil pag pinagsama ang
dalawang ito, makakatulong itong burahin ang malaking bahagi ng
nalalapit na kasamaang ito. Hayo na at huwag matakot. Panabikan nyo
ang isang bagong simula, isang bagong kapayapaan kung saan ang
kasamaan ay aalisin na nang tuluyan.

Pangako Ko yun sa inyo, mga anak.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Manawagan kayo sa mga sikat na personalidad para ikalat ang


Aking Salita

Miyerkules, July 13, 2011 4:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, pag Ako’y tinalikuran mo, mahihirapan ka


nang matagpuan Akong muli. Alam Kong sa palagay mo’y mahihirap
ang Aking mga hinihiling sa iyo, pero ang Aking Salita, na dapat ibigay sa
mundo, ay kailangang-kailangan na, kaya dapat mo Akong sundin gaya
ng hiniling Ko sa iyo.

Kung maaalala mo, isinuko mo na ang iyong malayang loob sa Akin,


anak Ko, at napakagandang regalo nito. Para bigyang-dangal ang
regalong yun ay mahirap para sa iyo, dahil tao ka lang naman. Ngayo’y
muli Akong nananawagan sa iyo na pakinggan ang Aking tawag at
gumugol ka ng mas mahabang panahon Kasama Ko. Kailangan Kong
ipadama sa iyo ang Aking Pagmamahal, hindi lamang ang Pag-ibig Ko
para sa iyo, kundi yung para rin sa bawat isa sa Aking mga anak sa
Lupang ito.

Gusto Kong ang Aking mga alagad ay ikalat ang Aking Salita ng
kapayapaan at pagkakasundo sa buong mundo. Kailangan nilang mag-
volunteer sa lahat ng lugar para ipaalala sa bawat isa na kailangang
itaguyod ang Aking Mga Mensahe ng Pag-ibig. Sabihan nyo naman ang
mga manganganta, ang media, ang mga personalidad o sinumang ang
boses ay pinapakinggan at nirerespeto, na dinggin ang Aking mga
pakiusap. Kunin nyo ang Aking Kalis ng Pag-ibig. Uminom kayo mula
rito, dahil ibibigay nito sa inyo ang kaligtasang inyong pinananabikan,
hindi lang sa mundong ito kundi pati sa susunod na buhay. Sabihin nyo
ito sa inyo mismong mga alagad.

Nasa sa inyo na kung paano nyo ito gagawin, dahil yung mga tutugon sa
Aking panawagan ay bibigyan ng Regalong mga grasya na kinakailangan
para gawin ang Kabanal-banalang Gawaing ito. Mga anak, tandaan nyo
ito.

Pagdami nyo na maninindigan ngayon na ikalat ang Aking Kabanal-


banalang Salita at sabihin sa lahat ang Katotohanan, pagdali rin para sa
Aking mga anak na mapagdaanan ang Malaking Kaparusahan, pati na
yung pang-uusig na pinaplano ng New World Order.
Ang Aking Mensahe sa sangkatauhan ay kailangang pakinggan, suriin at
aksyunan para ipaalala sa lahat na kinakailangan nilang buksan ang
kanilang isip para tanggapin na Merong Diyos Amang
Makapangyarihan-sa-lahat, ang Siyang Banal, ang Siyang
Makapangyarihan, dahil pag ginawa nila ito, maghaharing muli ang
kapayapaan.

Alang-alang na lang sa Sakripisyong ginawa Ko para sa inyong lahat sa


pamamagitan ng Aking pagkamatay sa Krus, dinggin nyo ang Aking
panawagan at gawin nyo lahat ng inyong magagawa para ipaunawa sa
lahat nyong kakilala, na Ako’y nakikipag-usap sa buong mundo gaya ng
ginawa ng Aking Ama sa pamamagitan ng mga propeta bago sumapit
ang Aking panahon sa Lupa. Magpakatatag kayo. Maging
matapang. Manalangin kayo sa Akin na kayo’y gabayan habang
ginagawa nyo ang inyong krusada alang-alang sa Akin at sa Aking
Amang Walang-hanggan.

Jesucristo

Hari ng Sangkatauhan

Tagapagligtas at Manunubos
Ang Aking Mga Mensahe ay magdadala ng mga luha ng
pagbabalik-loob

Huwebes, July 14, 2011 2:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, huwag na huwag mong kakalimutan na


yung mga magsasalita sa Ngalan Ko ay hahamakin, pagtatawanan at
pagmumukhaing tanga. Ito ang krus na sinasabi Ko. Huwag na huwag
kayong masisiraan ng loob pag nangyari ito.

Marami na ngayong kumekwestyun sa Aking Sagradong Salita. Merong


mga tapat kung magtanong, dahil mahal nila Ako, samantalang meron
din namang ang tanong ay ginawa para lang pagmukhaing kalokohan
lang at walang-saysay ang Aking Salita. Kailangang tanggapin na ng
Aking mga anak na mas dadagdagan Ko pa ang Aking pakikipag-usap sa
inyong lahat dahil kulang na sa panahon. Kwestyunin man ang Aking
Salita, matuwa pa rin kayo, dahil alam nyo na pag ganito Ako makipag-
usap sa Aking mga anak ay magkakaroon talaga nang mga balakid. Dito
nyo malalamang Ako nga ito. Kung sa pagbasa ng Aking Mga Mensahe,
ay ang Aking mga anak ay naluluha, alam na nilang ang mga ito ay mga
luha ng pagbabalik-loob – isang Regalo sa bawat isa sa inyo sa
pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espirito Santo.

Marami sa Aking mga anak ay naguguluhan dahil pag ibinigay ang Aking
Salita sa mundo sa ganitong paraan, nasisira Ko ang kanilang
diskarte. Ang Salita Ko’y hindi magdudulot ng tuwa sa bawat kaluluwa,
dahil kung minsan ay nakakatakot ang Katotohanan. Kung uupo muna
sila nang ayos at hahayaan ang Aking kapayapaan na bumaha sa
kanilang kaluluwa pag isinuko nila ang kanilang sarili sa Aking Banal na
Loob, mararanasan nila ang tunay na kasiyahan. Manalig kayo sa Akin,
mga anak. Huwag nyo Akong dedmahin. Pakinggan nyong mabuti ang
Aking sasabihin at isasama Ko kayo sa Aking paglalakbay tungo sa
walang-hanggang kaligtasan.

Tandaan nyo, ang Diyos Ama na ngayon ang namamahala sa Kanyang


Kaharian, na walang sinumang tao ang magagawang itumba
ito. Anumang pagtatangkang gawin yun ay mabibigo. Habang ang mga
makasalanan ay patuloy na iniinsulto Ako at ang Aking Amang Walang-
hanggan, ang Kanyang Kamay ay nakaamba nang mabilis na
bumagsak. Dahil sa Babala, magpipigil Siya hanggang makamtan ang
pagbabalik-loob.

Samantala, yung lahat ng hindi tumatanggap sa Katotohanan, dapat


nyong malaman na kokonti na ang inyong panahon para ihanda ang
inyong mga kaluluwa.

Ipanalangin nyo ang isa’t isa para ang mga kaluluwa ay maligtas.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Hari ng Sangkatauhan
Pagpatay, Euthanasia, Aborsyon and Pagpapakamatay

Biyernes, July 15, 2011 5:30 pm

Anak Ko, pag ang Aking mga anak ay nakadarama ng pagmamahal sa


kanilang puso, nakakasiguro sila na Ako’y naroroon sa kanilang mga
kaluluwa. Ang Aking Pag-ibig ay gagawing laging malakas ang Aking
mga anak sa panahong hindi nila inaasahan. Totoo rin ito para sa mga
tigasing mga makasalanan, na ang makunat na balat ay kalimita’y
nagkukubli pala ng isang pusong mamon.

Bawat tao sa Lupa ay isang anak na nilikha ng Diyos Ama. Dahil dito,
may Liwanag na nananahan sa kalooban ng bawat tao, gaano man ito
kalabo pag ang kaluluwa ay naaakit ng kadiliman. Pero naroroon pa rin
ang Aking Liwanag, dahil kung wala ito, magkakaroon ng lubos na
kadiliman kung saan hindi na sila makakakilos nang matino. Pag ang
mga kaluluwa ay umabot na sa ganitong nakakakilabot na kalagayan ng
kadiliman, dito na sila kalimitan nagpapakamatay. Ito na yung panahon
na, dahil sa kahinaan ng kanilang kaluluwa at espirito ay nagagawa ni
Satanas na nakawin ang kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng
pagkumbinsi sa kanila na wakasan na nila ang kanilang buhay. Marami
sa Aking mga alagad ang hindi nakakaunawa sa kalagayang idudulot ng
gayung kadiliman sa isang kaluluwa, kaya kailangan nilang taimtim na
ipanalangin ang mga anak na ito na nasa ganitong kalagayan ng
kawalang-pag-asa.

Ang Diyos na Aking Amang Walang-hanggan ay laging-Maawain at lagi


Niyang tutulungan ang mga kaluluwang ito, na ang marami sa kanila ay
ganun na lamang ang pagdurusa kaya wala na sila sa wastong pag-
iisip. Ang kasalanang mortal ay magagawa lamang pag ang isang tao, na
nasa wastong pag-iisip, ay malinaw ang intensyon, pag alam niya na ang
kanyang ginagawa ay mali. Kaya huwag nyo namang ipalagay na ang
ganung mga kaluluwa ay tuluyan nang nawala, dahil marami ang hindi
alam ang kanilang ginagawa.

Dapat nyong malaman na ang euthanasia ay hindi nagugustuhan ng


Aking Ama at hindi Niya ito pinapayagan, dahil walang sinumang tao na
pwedeng sadyaing kumitil ng buhay ng kanyang kapwa. Walang dahilan
na pwedeng ibigay para bigyang-katwiran ito sa Ngalan ng Aking
Ama. Pagpayag at pagka-makatao ang kalimitang ibinibigay na katwiran
para sa ganitong gawain, pero walang sinumang tao, maliban sa Amang
Makapangyarihan-sa-lahat, ang makakapagpasiya sa petsa ng
kamatayan, dahil hindi ito karapatan ng tao. Hindi siya kailanman
bibigyan ng karapatang gumawa ng kasalanang mortal na ito.

Lahat na ng klaseng dahilan ay ibibigay ng tao, pag siya’y pumapatay ng


kapwa, pero wala ni isa sa mga ito ang ituturing na makatwiran sa kahit
anumang pagkakataon. Ang tinutukoy dito ay ang pagkitil ng buhay, ang
kasalanan ng aborsyon at ang euthanasia. Umupo kayo nang ayos, lahat
kayo, at tandaan nyo na magiging matindi ang hatol sa inyo pag nilabag
nyo ang pinaka-Sagrado sa lahat ng Mga Utos ng Aking Ama – Huwag
Kang Papatay. Tandaan nyo na iisa lamang ang Diyos at Siya lamang
ang makakapagdisisyon kung kailan kukunin ang buhay. Labagin nyo
ang Utos na ito nang meron kayong lubos na kaalaman tungkol sa inyong
ginagawa, at pagdurusahan nyo ang parusa ng Impiyerno
magpakailanman.

Isinasamo Ko sa inyo, huwag naman kayong bibigay sa pamimilit ni


Satanas, na laging itinataguyod ang pagkitil ng buhay para manakaw
niya ang mga kaluluwa na patungo sana sa Maluwalhating Kaharian ng
Aking Ama.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas


Guro at Manunubos, Jesucristo

Magkaisa kayo ng inyong pamilya para tamasahin ang Bagong


Paraiso sa Lupa

Sabado, July 16, 2011 11:00 am

Pinakamamahal Kong anak, pag ang mga kaluluwa ay nawawala,


pwedeng sa panlabas na itsura ay magmukhang ang saya-saya nila at
sobrang nagtatamasa sa buhay. Pero pwedeng sila’y nawawala sa Akin,
at nagdudulot ito sa Akin ng matinding lungkot. Ang daming tao sa
mundo na sa kanilang pang-araw-araw na buhay ay napakaraming
ginagawa, sobrang bisi kaya nalilimutan na nila na ang Lupang ito ay
yari sa putik, na ang panahong ginugugol dito ay napakaikli lang, na
yung mga ari-arian ay nawawala ring lahat sa katagalan, na ang tao, pag
namatay, ay nagiging putik, pero ang kanyang kaluluwa ay nananatiling
buhay at hindi kailanman mamamatay. Ang kaluluwa ay magpapatuloy
na umiral magpakailanman.

Sinasabi Ko na sa inyo ngayon, mga anak Ko, na magkaisa kayo ng


inyong pamilya at mga kaibigan, malapit sa Aking Puso, dahil pag
ginawa nyo ito, tatamasahin nyo ang Bagong Paraiso sa Lupa sa loob ng
1,000 taon, na kayo’y nagkakaisa pa rin. Pangako Ko ito sa inyong
lahat. Mamuhay kayo nang responsable. Lagi rin nyong uunahin ang
inyong pamilya bago ang lahat sa Lupang ito. Lagi kayong mananalig sa
Akin.

Dalhin nyo ang inyong pamilya sa Akin. Kung ayaw nilang sumama,
magdasal kayo sa Akin at bibigyan Ko sila ng pampalakas ng loob na
kanilang kailangan. Lagi Kong tinutugon ang mga panalangin para
magligtas ng mga kaluluwa.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang sinumang tao na nagsasabing Ako siya ay isang


sinungaling, dahil hindi Ko kailanman Ipapakita ang Aking
Sarili na nasa Katawan ng isang tao

Linggo, July 17, 2011 3:40 pm


Pinakamamahal Kong anak, malapit nang dumating ang panahon na
pinaka-nakakalito, kung saan magkakaroon, hindi lamang ng mga
impostor na magsasabing dumarating sila sa Ngalan Ko, kundi yung mga
magsasabing Ako sila. Kailangang maunawaan ito ng Aking mga
anak. Dumating Ako nung unang beses bilang tao para sagipin ang
sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa pagkakataong ito naman, darating
Ako para Maghukom. Marami mang makaharap Ko habang nangyayari
Ang Babala, hindi Ako darating sa ikalawang beses hanggang sa Araw ng
Paghuhukom.

Ang sinumang tao na nagsasabing Ako siya ay isang sinungaling. Ang


mga ganung kaluluwa, at marami sila, anak Ko, ay wala namang
masamang intensyon. Sobra lang talaga silang naloko ni manloloko, na
kinumbinsi silang hindi lamang sila nag-aangkin ng mga Makalangit na
kapangyarihan, kundi sila’y Anak ng Diyos na Nagkatawang-tao. Pero
hindi ito totoo, dahil hindi Ako kailanman magpapakita ng Aking Sarili
na nasa katawan ng ibang tao sa Lupang ito.

Imposible ito. Walang sinumang tao na karapat-dapat sa ganung


karangalan, dahil hindi ito nai-propesiya.

Marami ngayong haharap at magsasabing sila ay Ako, si Jesucristong


Anak ng Diyos. Para sa kawawang mga kaluluwang yun, ito ang
masasabi Ko. Lumuhod kayo, ngayon din, at hilingin sa Diyos Ama na
kayo’y protektahan laban kay manloloko. Gusto niya kayong lituhin para
kayo naman, ay hindi lamang nyo lilituhin ang Aking mga anak na
naghihintay ng Aking pagbabalik sa Lupa, kundi patitindihin nyo pa ang
panlalalit ng mga ateo na walang kinikilalang Diyos. Hindi lamang kayo
nagbibigay ng kahihiyan sa Aking Ngalan, kundi wala kayong kamalay-
malay na pinatatalikod nyo ang mga tao sa kanilang pananampalataya sa
Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat.
Gusto Ko ring bigyan ng babala yung mga nagsasabing sila’y gumagawa
ng mga milagro. Ang sinumang nagsasabi nang ganito, na may angkin
silang ganitong kapangyarihan, ay hindi mula sa Diyos, dahil iisa lamang
ang Diyos, at Siya lamang o Ako, ang Kanyang minamahal na Anak, ang
makakagawa nito. Si Satanas naman ay meron ding mga
kapangyarihan. Nakakalikha siya ng mga ilusyon. Yun namang tungkol
sa mga milagrong pagpapagaling na nagagawa ni Satanas sa
pamamagitan nung mga, kung tawagin ay, mga faith healer, na mula sa
kadiliman kumukuha ng kapangyarihan, mukhang may milagro nga,
pero panandaliang remedyo lang pala. Hindi rin nagtatagal. Si Satanas
ay nakakagawa rin ng mga milagro, kuno, tulad ng mga pangitain sa
kalangitan na nakikita ng marami. Minsan pa, mga ilusyon din ang mga
ito at hindi sa Diyos.

Mga anak, habang sinisikap nyong maging tapat sa Akin, kayo’y


tinutukso ng mga puwersa ng kasamaan araw-araw. Kinakailangang sa
Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan lamang kayo tumutok. At
inyong tatandaan, na hindi Ako naglalakad sa Lupang ito bilang isang
tao. Maaaring naroon Ako sa Lupa sa Espirito, pero hindi Ako
kailanman magpapakita ng Aking Sarili na nasa katawan ng sinumang
tao.

Ipanalangin nyong kayo’y gabayan araw-araw at malaman kung alin ang


mga kasinungalingan at kung alin ang Katotohanan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
UL 12 17 13 Ang paborito nyong armas ay ang pagmamahal
nyo sa Akin

Martes, July 19, 2011 11:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, salamat naman at bumabalik ka na sa dati


mong mga gawain, matapos ang maikling bakasyon. Mas lalakas ka
dahil dito, pero tandaan mo naman na kailangan mo pa ring laging
tumutok sa Akin.

Ang Pag-ibig Ko para sa lahat Kong anak ay napakatindi at iba ito sa pag-
ibig na maluwag na sinasambit sa mundong ito. Nadarama ng Aking
mga anak ang Aking Pag-ibig pag pinagbubuksan nila Ako ng pinto sa
tuwing Ako’y kakatok. Pag Ako’y nasa may pintuan na nila, dalawa ang
kanilang pagpipilian. Buksan ang pinto at Ako’y papasukin, o pagsarhan
Ako ng pinto. Pag naman pinapasok nila Ako sa kanilang kaluluwa, ang
Pag-ibig Ko’y nanunuot sa kaloob-looban ng kanilang
pagkatao. Magugulat na lang sila dahil bigla silang nanghihina.
Napakatindi nito, napakasaya, kaya hindi nila mapigilan ang kanilang
sarili na sabihin sa iba ang kanilang magandang balita.

Para sa Aking minamahal na mga alagad na nagmamahal sa Akin, dapat


nyo itong malaman. Dahil sa inyong pagmamahal at debosyon sa Akin,
pinasisinag Ko mula sa inyo ang Aking Pag-ibig kaya nakakahawa ito at
kumakalat para akapin ang iba pang mga kaluluwa. Pag pinapasok nyo
Ako sa inyong puso, pupunuin Ko kayo ng grasya ng Espirito Santo, para
masabi nyo sa lahat kung ano ang kinakailangan Kong sabihin sa inyo
ngayon.

Una sa lahat, minamahal Ko kayo nang may napakalalim na


pagmamahal mula sa Aking Puso. Pangalawa, dahil sa Aking Pag-ibig,
aalisin Ko na ang kasamaan sa mundo para maisama Ko na lahat Kong
anak pabalik sa akap ng inyong laging-Nagmamahal na Maykapal, ang
Diyos Ama.

Sana naman, wala ni isa sa inyo, mga tapat Kong mga alagad, ang
matatakot habang sa paglipas ng mga linggo ay lalong nalalapit Ang
Babala. Dahil pag nangyari itong dakilang Akto ng Aking Awa, ang
laking tuwa lang nyo. Dahil ang Aking Regalo sa inyo ay gawin kayong
mas malapit sa Aking Puso kaysa dati. Gagawin kayo nitong
napakalakas, kaya walang-atubili kayong lulutang tungo sa Bagong
Paraiso sa Lupa dahil napakadali nga talaga ng paglipat nyong ito.

Ang Pag-ibig Ko ngayon ay mas malakas pa kaysa dati habang kayo,


minamahal Kong mga alagad, ay ginagawa nyo lahat para ikalat ang
Aking Salita. Gamitin nyo lahat ng paraang pwede nyong gamitin para
sabihan ang mga tao na maghanda na sila para sa Babala. Matapang
kayo, mga anak Ko, at pinasasaya nyo at pinaliligaya ang Aking
Nalulungkot na Puso, na bawat saglit ay nananabik na magligtas ng lahat
ng Aking nawawalang mga kaluluwa.

Umaasa Ako ngayon sa inyo na buong taimtim nyong ipananalangin


yung mga makasalanang hindi makakayanan ang pagsubok na ibibigay
sa kanila ng Babala. Hayo na, Aking malakas at mapagmahal na
hukbo. Ang paborito nyong armas ay ang inyong pagmamahal sa
Akin. Alam nyo sa inyong puso na Ako ito na kumakatok ngayon sa
inyong pinto. Ngayon naman, kayo ang kailangang kumatok sa pinto ng
Aking sagradong mga lingkod sa buong mundo at siguraduhing
mababasa nila ang Aking Banal na Salita.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas at Manunubos

Jesucristo

Kayo ngayo’y nasa kalagitnaan na ng Pagsubok

Miyerkules, July 20, 2011 11:00 pm

Anak Ko, alam mo, ikaw ang pinaka-di-aakalaing bisyonaryo dahil


kulang ang kaalaman mo tungkol sa mga bagay na Banal. Pero ikaw pa
rin ang piniling sugo. Kailangang malaman mo na hindi mo kayang
depensahan ang Aking Mga Mensahe nang talagang may awtoridad kaya
tumahimik ka pag hinihingi sa iyo ang kahulugan ng Mga Mensahe.

Bubuyuin ka at hahamuning makisali sa mga dibate tungkol sa


relihiyon, lalo na yung tungkol sa pangwakas na panahon, pero hindi ka
na dapat pang tumugon, o magbigay ng iyo mismong interpretasyon ng
mga kasagutan. Dahil sa Gawaing ito, kayayamutan ka. Magkakaroon
ng pagseselos na espiritwal sa Aking mga alagad, lalo na sa mga eksperto
sa teolohiya at mga tao na buong-buhay na nilang pinag-aaralan ang
Banal na Kasulatan. Kaya tumahimik ka, dahil wala sa iyo ang kaalaman
at, gaya ng nasabi Ko na, wala ka ring awtoridad para gawin ito.

Basta sundin mo na lang ang Aking mga utos at magsarili ka na


lang. Siyempre, tutugunin mo ang mga prayer request, at tumulong
kang pagsama-samahin yung Aking mga alagad at deboto na nangako ng
kanilang tulong sa Gawaing ito.

Konting panahon na lang. Lahat ay mabilis na mangyayari. Malapit na


Ang Babala kaya kokonti na lang ang panahon para ipanalangin yung
kawawang mga kaluluwang mawawala. Dasalin nyo ang Aking Divine
Mercy, na nakaalay sa mga partikular na mga kaluluwang yun, at
maraming milyon ang maliligtas.

Mga anak Ko, nasa kalagitnaan na kayo ng tinatawag na Pagsubok, gaya


ng nai-propesiya na sa Aking Banal na Aklat. Ang ikalawang bahagi, ang
Malaking Pagsubok, ay magsisimula, gaya ng sinabi Ko na, bago matapos
ang 2012. Hindi ito para takutin ka, anak Ko, pero para malaman mo na
kailangang-kailangan na ng Aking mga anak na manalangin sa Akin para
tulungan sila.

Dahil sa mga panalangin ng Aking mga bisyonaryo sa buong mundo, ang


kapangyarihan ng New World Order, na itinutulak ng mga puwersang
maka-mason, ay nagsisimula nang humina at magkawatak-watak sa
harap mismo ng inyong mga mata. Marami pa sa mga pandaigdigang
organisasyong ito na matakaw sa kapangyarihan, ang paluluhurin sa
kahihiyan, dahil hindi lamang sila mananagot sa Diyos Ama dahil sa
kanilang kasamaan, kundi pati sa mga pananagutan nila sa Lupang ito.
Pagmasdan nyo ngayon habang ang mga asosasyon ng mga
makapangyarihang grupo ay nagsisikap maglamangan, ikubli ang kanila
mismong mga kasalanan at itago ang Katotohanan mula sa mga nasa
matataas na pwesto na kanilang kinatatakutan. Dahil sa panalangin,
mga anak Ko, kaya nangyayari ito. Ang Diyos Ama ay nanghahampas na
para parusahan ang mga taong ito bago nila maisagawa ang masamang
planong inihahanda nila para kontrolin ang Aking mga anak.

Masakit ang panahong ito, mga anak, dahil hindi pa kailanman naging
ganito kalakas ang impluwensya ni Satanas sa mga huling araw na ito ng
kanyang paghahari sa Lupa. Labanan nyo ang kanyang masamang asal,
mga anak – lahat kayo. Tingnan nyo na lang ang laki ng gulong
ginagawa niya pag pinaglalaban-laban niya ang magkakapatid, ang mga
bansa laban sa ibang bansa, ang paglikha niya ng pagkasuklam nyo sa
isa’t isa at pambabastos sa buhay ng may buhay. At nandyan din ang
lubos na pagkasuklam na itinatanim niya sa Aking mga anak para sa
Akin, ang kanilang minamahal na Tagapagligtas. Ang pagkasuklam na
ginagatungan niya para sa Aking Ama ay umabot na sa lawak ng isang
epidemya. Ang pinakamabagsik na uri ng pagkasuklam na maipapakita
sa Aking Ama ay pag itinatanggi ng tao na Merong Diyos na Umiiral.

Ang daming pasakit, di ba, mga anak, na kailangan nyong harapin sa


mundong ito. Walang sinumang tao na hindi mapapansin ang malalim
at nakakabalisang kaguluhan na pinasisiklab ni Satanas at ng kanyang
milyun-milyong demonyo na sumapi na sa buong mundo. Ngayon
mapapatunayan sa inyong lahat ang Aking Pag-ibig. Sa pamamagitan ng
Aking Babala, dumarating Akong muli para iligtas kayo sa pamamagitan
ng Awa ng Diyos Ama. Manampalataya kayo sa Akin at sa Aking Amang
Walang-hanggan, at wala kayong dapat ikatakot. Bale-walain nyo ang
nangyayari at hindi kayo makakapaghanda nang husto.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas


Jesucristo

Walang sinumang tao na hindi maririnig ang Salita ng Aking


Anak bago dumating ang panahon ng Kanyang pagbabalik

Sabado, July 23, 2011 5:15 pm

Ikalawang Mensahe mula sa Diyos Ama

Ako’y dumarating sa Ngalan ng Aking Pinakamamahal na Anak, na si


Jesucristo.

Anak Kong hirang, nag-aatubili ka man, kung minsan, na pansinin ang


panawagan ng Aking Anak na pakinggan ang sinasabi Niya, tumaas ka pa
rin sa Paningin Ko dahil sa regalong inihandog mo sa Kanya. Dahil sa
iyong regalo na maging isang victim soul para tumulong na iligtas ang
milyun-milyong kaluluwa, hayun at naluluha Siya sa tuwa at
nakakahinga na nang maluwag; ang dami kasing kaluluwa na nawawala
dahil napupunta sa mga apoy ng Impiyerno araw-araw, bawat segundo,
at bawat paghinga mo. Ang puso mo ay puno ng pagmamahal at
pagmamalasakit, hindi lamang para sa Aking Mahal na Anak, kundi para
rin sa lahat Kong anak. Sa Hipo ng Espirito Santo, makakaramdam ka
ng biglaang pagmamahal para sa mga estranghero na makikitaan mo ng
Aking Liwanag. Ikaw, anak Ko, ay binigyan na ngayon ng mga grasya
para makita pareho ang pag-ibig at kasamaan sa lahat. Mabilis mo na
ring makikita ang kasalanan sa mga kawawa at naliligaw na mga
kaluluwa.

Dahil sa Gawaing ito, kailangan mo na ngayong balutin ang iyong sarili


ng lahat ng klase ng proteksyon. Poprotektahan Kita, anak Ko, pati na
ang iyong mga mahal sa buhay, dahil ngayo’y mas matindi kang
tatargetin ni masama. Ipanalangin mong bigyan Kita ng proteksyong ito
araw-araw at maliligtasan mo ang tindi ng pag-usig. Kailangang
tumawag ka ngayon sa Akin para tulungan kang ikalat ang Mga
Mensaheng ito, para marinig ang Tinig ng Aking Anak at parangalan ito
gaya ng nararapat.

Aking sugo, Aking anak, hindi mo pa masyadong alam kung ano ang
kinakailangan sa iyo. Ganun lang karaming impormasyon ang pwedeng
ibigay sa iyo bawat beses. Ngayon, sa pamamagitan ng Aking
inspirasyon, at sa Aking paggabay, tutuparin mo ang mga propesiya, pag
ang Salita ng Aking Anak, tulad ng Banal na Ebanghelyo, ay ikinalat sa
sangkatauhan. Walang sinumang tao na hindi maririnig ang Salita ng
Aking Anak bago dumating ang panahon ng Kanyang pagbabalik.

Ibinigay na sa iyo ang gawaing ito, at para sa Regalong ito, kailangang


yumuko ka bilang pasasalamat sa maluwalhating kahilingang ito mula sa
Kalangitan.
Anak Ko, tutulungan ka sa lahat ng paraan, pero kailangan mong sundin
ang Aking Anak sa lahat ng oras. Bangon na, anak Ko, dahil kailangan
nang marinig ng tao ang Salitang may Babala na ibinibigay ng Aking
Anak, para hindi na kailangang pagdusahan pa ng mga kaluluwa ang
pahirap ng Impiyerno, kung sila’y mamamatay sa kasalanang mortal,
nang hindi muna nabigyan ng pagkakataong Matubos ng Aking Anak
habang nangyayari Ang Babala.

Hayaan mong pabahaan Ko ngayon ng Aking kapayapaan ang iyong


kaluluwa. Pinapaligiran ng Aking Puso ang iyong bawat kilos. Huwag na
huwag mong iisiping ikaw ay nag-iisa sa Gawaing ito, dahil inaakay ka sa
bawat minuto ng bawat araw.

Diyos Ama

August, 2011 – Buwan ng Kaligtasan ng Mga Kaluluwa

Sabado, July 23, 2011 5:30 pm

Minamahal Kong anak, talagang pinaliligaya mo Ako. Ang lubos mong


pagsuko ngayon ay nangangahulugang mas marami Akong maililigtas na
mga kaluluwa sa lahat ng dako. Hindi pa lubusang malinaw sa iyo kung
ano ang buong kahulugan ng isang victim soul, pero malilinawan mo rin
ito sa paglipas ng panahon. Pag nagkaganun, napakalakas mo na kaya
ang magdusa para sa Akin ay magdudulot sa iyo ng tuwa at hindi
lungkot. Hindi ito magiging madali, pero ang pagtatrabaho para sa Akin,
ang iyong minamahal na Tagapagligtas, ay hindi maaaring maging
madali.

Inspirasyon ng Diyos, ang Aking Amang Walang-hanggan, ang nagbigay


sa iyo ng lakas ng loob para gawin ang pangwakas na sakripisyong ito
para sa Akin. Napaka-espesyal ng grasyang ito, anak Ko, hindi man ito
mukhang ganun sa mata ng tao, dahil ang Aking mga grasya ay hindi
palaging tungkol sa pagdudulot ng tuwa at kaligayahan sa iyong
buhay. Maaaring magdulot ang mga ito ng paghihirap, pero kasabay
nito, ay binibigyan ka naman ng isang tunay na kaalaman sa Aking
Maluwalhating Kaharian.

Maraming, maraming tao ang bumubuo sa Aking mahal na hukbo. Sa


pamamagitan ng panalangin, pagdurusang personal at pagpapalaganap
ng Aking Salita, magliligtas sila ng mga kaluluwa. Paglakas ng Aking
hukbo sa pagliligtas ng mga kaluluwa, paghina naman ng dagok ng
Parusa.

Hinihiling Ko sa lahat Kong anak na gugulin ang buwan ng Agosto sa


pananalangin ng Divine Mercy araw-araw para sa mga nawawalang
kaluluwa na hindi matatagalan Ang Babala at sila’y
mamamatay. Kinakailangan din ang pag-aayuno nang isang araw sa
isang linggo, pati ang araw-araw na Misa at pagtanggap ng Aking
Kabanal-banalang Eukaristiya.

Kung sapat na bilang sa inyo ang gagawa nito, na tinatawag Kong buwan
ng “Kaligtasan ng Mga Kaluluwa,” milyun-milyong kaluluwa ang
maliligtas sa buong mundo. Gawin nyo ito para sa Akin, mga anak, at
makakasali kayo sa Aking Maluwalhating Kaharian. Ang inyong mga
kaluluwa, sa sandali ng kamatayan, ay isasama Ko sa Paraiso. Yun ang
Aking pinaka-taimtim na pangako. Mahal Ko kayo, mga anak. Ngayon,
hayo na at buuin ang pinaka-makapangyarihang hukbo sa buong mundo,
ang Hukbo ng Pag-ibig, ang Hukbo ng Kaligtasan.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Manunubos ng Sangkatauhan

Jesucristo

Sisirain ng Diyos Ama ang planong pabagsakin ang lahat ng


klase ng pera

Linggo, July 24, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, dahil sa debosyon at katapatan ng Aking


mga alagad sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan, malaki ang
nagiging pagbabago. Alam nyo, mga anak Ko, ganun pinalalagablab ng
inyong debosyon ang apoy sa Aking Puso kaya halos sumabog na ito
dahil sa Pagmamahal sa inyo. Nagdiriwang ang Kalangitan ngayon,
mahal Kong mga anak, dahil sa init ng inyong debosyon at
pagpaparangal sa Akin. Alam nyo, sa inyong kaluluwa, na Ako ito na
Siyang nagsasalita. Ako ito na Siyang nagpapadama ng ganung ka-init
na pagmamahal at paglalambing sa inyong puso.
May Mensahe Ako para sa inyong lahat, mga anak, na sumusubaybay sa
Aking Kabanal-banalang Dibinong Salita sa website na ito. Sa isang
modernong mundo, ganito Ako dapat makipag-usap. Ito at ang iba pang
mga paraan ng komunikasyon ay gagamitin para siguraduhing ang Aking
Salita ay maririnig at madarama ng lahat ng mananampalataya, di-
mananampalataya at yung mga hindi talaga Ako nakikilala.

Alam nyo, bawat pagsisikap na ginagawa nyo dahil mahal nyo Ako, ay
malakas ang dating. Naririnig Ko ang bawat isa sa inyo. Alam Ko ang
tuwang idinulot Ko sa inyong kaluluwa. Mapagmahal Kong tinatanggap
kung paano ikinakalat ng inyong gawain ang Aking
Salita. Gagantimpalaan Ko ang bawat isa sa inyo ng mga espesyal na
grasya at biyaya. Hilingin nyo naman sa Akin na pakinggan ang inyong
mga panalangin. Lumapit kayo sa Akin. Tutugunin Ko ang inyong
panawagan.

Ang gawain ng New World Order ay nagsisimula nang matastas sa mga


laylayan. Dahil ito sa mga panalangin – inyong mga
panalangin. Pupuksain ng Diyos Amang Walang-hanggan yung mga
magpapatuloy na isagawa ang kasuklam-suklam nilang plano para
ibagsak ang lahat ng klase ng pera sa mundo, pati na yung mga pinuno
sa pulitika na sinisikap nilang alisin ito. Ang Kanyang Kamay ay
magpapatuloy na ngayon ng paghampas para protektahan kayo, mga
anak Ko.

Nananawagan Ako sa inyong lahat na sabihan ang pinakamaraming tinig


na maimpluwensya, kabilang ang media, tungkol sa mga Mensaheng
ito. Maraming aakalaing kayo’y nagdidiliryo pag nagpapahayag kayo ng
Mga Mensaheng ito. Huwag kayong matakot, dahil ang grasyang inyong
matatanggap ay sobra sobra pa kaysa mga nauunang pang-aabusong
inyong titiisin.

Hayo na, minamahal Kong mga anak, nang may pag-ibig at tuwa sa
inyong puso. Dahil ang Aking Salita ay kailangang mainit na
tanggapin. Sa wakas, ay alam nyo na, na kasama nyo Ako sa inyong
paglakad, para mapalakas Ko ang mga buklod ng pagmamahal para sa
lahat Kong alagad, na pinili Kong maging malapit sa Aking Sagradong
Puso. Ang Aking Mahal na Dugo na buong-pusong ibinubo para sa
bawat isa sa inyo, para kayo’y maligtas, ay binabalot kayo araw-
araw. Kayo ang Aking minamahal na hukbo, at magkasama tayong
babangon para minsan pang dalhin lahat ng inyong kapatid sa kanilang
marapat at maluwalhating tahanan.

Mahal Ko ang bawat isa sa inyo at nagigiliw Ako sa inyo, mga


anak. Huwag na huwag nyong kalilimutan na pag kayo’y nananalangin
sa Akin araw-araw, ay dadasalin nyo ang panalanging ito:

“O aking mahal na Jesus, akapin mo ako ng Iyong Mga Braso at hayaan


Mong isandal ko ang aking ulo sa Iyong Mga Balikat, para maitaas mo
Ako sa Iyong Maluwalhating Kaharian sa tamang panahon. Padaluyin
Mo ang Iyong Mahal na Dugo sa aking Puso para tayo’y maging isa.”

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Si Satanas ay walang-laban sa Aking tapat na mga alagad

Lunes, July 25, 2011 09:00 am

Mahal Kong anak, tuwang-tuwa Akong muling sabihin sa iyo na ang


pagbabalik-loob ay nangyayari na ngayon sa buong mundo. Habang mas
maraming kasamaan ang ginagawa ng tao dahil sa impluwensya ni
Satanas, mas marami rin sa Aking mga anak ang nagtatanong na kung
bakit ba ganun na katindi ang pagnanais na pumatay ng kapwa, na
laganap na sa inyong mundo. Habang mas maraming kasamaan ang
ipinapakita sa inyo, gayundin naman pumapasok sa inyong isipan na
meron nga palang Satanas na umiiral. Yung mga di naniniwalang siya’y
umiiral, hayaan nyong ipaliwanag Ko sa inyo kung paano nyo makikita
ang kanyang masasamang gawain.

Tuwing ang Aking mga anak ay makakasaksi ng pagpatay sa kapwa,


pagpapakamatay, giyera, katiwalian sa gobyerno at ng mga nasa pwesto,
katakawan, kayabangan at kawalang-katarungan, dapat nyong malaman
na sa mga gawaing ito nakikita si Satanas. Desperado na ngayon si
Satanas kaya gusto niyang lasunin ang isip ng Aking mga anak. Ganun
na katindi ang kanyang galit kaya gagawin na niya lahat sa puntong ito
ng kasaysayan. At kayo, mga anak Ko, ang kanyang target. Nadadalian
man siyang sumapi sa mga kaluluwang nagpapabayang sila’y bukas na
bukas sa kanyang impluwensya – yung walang-patid na naghahangad na
luwalhatiin ang kanilang sarili sa Lupa – lalo naman siyang
nahihirapang sirain ang loob ng Aking tapat na mga Alagad. Ganun nga
sila pinagpala, sa pamamagitan ng Kaloob na Espirito Santo, kaya siya, si
Satanas, ay walang-laban sa kanila.
Yung mga sumusunod sa Aking iniuutos na manalangin, lalo pa silang
lalakas sa isip at espirito. Kaya wala na silang pakialam kahit na
hagupitin sila sa matinding galit ni Satanas dahil ang kanilang armor na
panangga ay sobrang matibay. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay
hindi na niya gagamitin lahat ng paraan para akitin kayo sa
pamamagitan ng pagnanasa ng laman. Hindi rin ibig sabihin nito’y hindi
na niya kayo sasaktan sa pamamagitan ng pagbulong sa tainga ng
malalapit sa inyo at ng mga mahal nyo sa buhay. Magpakatatag kayo,
Aking mga alagad, dahil ang inyong lakas ang dudurog sa kanya
magpakailanman. Siya, mga anak Ko, ay magiging walang-laban habang
ang pagbabalik-loob ay lumalaganap. Paano niya kasi kayo mapapainom
sa kanyang mabahong tasa ng pagkasuklam para sa sangkatauhan, kung
hindi naman kayo nauuhaw sa lahat niyang pangakong walang
katuparan? Habang mas lumalakas kayo, mas hindi niya kayo
bubuwisitin.

Alam nyo, pag kayo’y nakakakita ng pandaigdigang kaguluhan,


kagagawan yun ni Satanas. Namamalayan na kaagad ng Aking mga
alagad ang kasamaan ni Satanas dahil napaka-bulgar na ang kanyang
mga gawain. Ipanalangin nyo ang inyong mga kapatid na patotohanan
ang kanyang masasamang gawain at kilalanin ang mga ito kung ano
talaga ito. Pag tinanggap na, sa wakas, ng mga hindi sumasampalataya,
na meron ngang Satanas na umiiral, saka lamang sila lalapit sa Akin para
kumanlong.

Ipanalangin nyo na ngayon, na magkaroon ng pagbabalik-loob sa buong


mundo, isang pagbabalik-loob na mangyayari, hindi lamang dahil sa
Babala, kundi dahil din sa Katotohanan.

Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas

Jesucristo
UL 12 18 13 Panawagan sa mga pari at mga madre sa
Simbahang Katoliko Romano

Lunes, July 25, 2011 9:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, gaya ng nai-propesiya na, ang tungkol sa


Babala ay mabilis na ngayong kumakalat.

Ang Aking kawawang mga sagradong lingkod ay nagdurusa, anak


Ko. Pakiusapan mo naman yung mga nagbabasa ng Aking Mga Mensahe
na taimtim na ipanalangin yung lahat Kong sagradong lingkod – mga
pari, mga madre, mga pastor at lahat ng namumuno sa mga Kristiyanong
kongregasyon sa buong mundo.

Ang Simbahang Katoliko ay inuusig nang sobra sa makakayanan


nito. Inatake na ni Satanas at ng kanyang hukbo ang Simbahang
Katoliko Romano sa pamamagitan ng pagsapi. Gusto niyang pinsalain
ang Aking Simbahan sa pamamagitan ng kasamaan ng pang-aabuso ng
mga pari at relihiyoso, at umabot na nga ito sa ganitong nakakakilabot
na sitwasyon.

Ang kawawang mga bata na nagtiis ng pang-aabusong sekswal ay inatake


ng mga alagad ni Satanas, na sumapi at naroroon sa mga sagradong
lingkod na nagpaakit kay masama.

Si Satanas ay naglalakad sa Aking Simbahan dahil gusto niya itong


pabagsakin. Yun namang Aking kawawa at walang-sala na mga madre at
pari, sila’y mga biktima rin ng paninirang-puri sa kamay nung mga
nagbibintang na sila ang gumawa ng kasalanan ng iba.

Ito ang Aking pakiusap sa Aking minamahal na mga pari, madre at


sagradong lingkod. Huwag kayong susuko. Tandaan nyo, itataas kayo sa
Aking Paningin ng inyong mga pagsubok kung matatagalan nyo ang mga
paninirang ito. Hayaan nyong pahirin Ko ang inyong mga luha ngayon,
dahil inuusig kayo sa paraang hindi pa naranasan kailanman ng Aking
Simbahan.

Kayo, Aking minamahal na mga lingkod, ang Aking mga apostol, at


huwag na huwag kayong bibigay sa mga mahigpit na kalagayang
panlabas na ito. Huwag na huwag nyong isusuko ang inyong bokasyon
na sumunod sa Akin. Dahil tandaan nyo, na Ako ang inyong
Simbahan. Umiiyak Ako ng Mga Luha ng matinding kalungkutan para
sa inyo. Nagdurusa kayo ngayon para sa mga kasalanan ng inyong mga
kapatid na bumigay kay masama. Manalangin, manalangin, ipanalangin
nyong magkaroon kayo ng tatag ng kalooban na ipanindigan nang may
dignidad ang pagbibigay ng Aking Banal na Salita.
Kailangan Ko ang inyong tulong, ngayon higit kailanman. Kailangan Ko
kayong magbigay ng Mga Sakramento sa nagugutom at nadidismayang
kongregasyon. Huwag nyo naman Akong pababayaan lalo na sa
panahong ito na pinasok na ni Satanas at ng kanyang mga alagad ang
Simbahang Kristiyano.

Lapit na kayo at taimtim na manalangin na kayo’y maligtas sa pekeng


propeta, na lumalakad sa mga pasilyo ng kapangyarihan, sa loob ng
Vatican. Malapit na siyang sumulpot. Huwag kayong kakampi sa kanya
kung ayaw nyong mawala kayo sa Akin magpakailanman. Pangako Ko
ito. Lumuhod kayo nang may kababaang-loob at tumawag sa Espirito
Santo para liwanagan ang inyong kaluluwa upang magawa nyong makita
kung alin ang Katotohanan at kung alin naman ang mga
kasinungalingan, na pilit na ipalulunok sa inyo ng pekeng
propeta. Huwag na huwag kayong madidismaya dahil sa mga pagsubok
na inyong tinitiis. Tanggapin nyo ang mga ito dahil sa ibibigay ng mga
ito sa inyo – tatag ng isip at kaluluwa. At pagkatapos ay pamumunuan
nyo ang Aking mga anak tungo sa pangwakas na panahon nang may
kababaang-loob, dignidad at lakas. Ngayo’y maging matapang
kayo. Ginagabayan Ko kayo. Lumapit na kayo ngayon at manalangin
para sa higit pang mga grasya para gawin kayong mas malakas sa inyong
Makalangit na Misyon.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Mga Mensahe Ng Babala mula kay Jesucristo

2010 – 2011

Volume One

Part 4
Mensahe 150 – 199 [Huwebes, July 28, 2011] hanggang [Miyerkules,
September 21, 2011]

Mensahe mula kay Birheng Maria: ‘Victim Soul’

Huwebes, July 28, 2011 2:45 pm

Anak ko, tuwang-tuwa Akong pumarito para gabayan ka sa iyong


Misyong tulungan ang aking minamahal na Anak, na si Jesucristo, para
magligtas ng mas marami pang kaluluwa. Ang iyong tuluyang pagsuko
para ialay sa Diyos Amang Kataas-taasan ang iyong pagpayag na maging
isang victim soul, ay tinatanggap nang may malaking kaligayahan sa
Kalangitan.

Anak ko, ikaw ngayon ay tutulong para mailigtas yung mga kaluluwang
napapunta na sana sa kailaliman ng kadiliman. Ang pag-aalay na ito ay
gagantimpalaan ng mga espesyal na grasya para mabigyan ka ng lakas at
mas madali mong mapagtiisan ang mga pagsubok. Anak ko, ngayo’y ang
iyong espirito ay palalakasin kaya ang mga bagay ng materyosong
mundo ay mawawalan na ng kwenta sa iyong paningin.

Lagi kang tatawag sa akin, ang iyong Ina at guro, para dalhin ka sa
Dibidib ng aking mahal na mahal na Anak, na si Jesucristo at Diyos na
Kataas-taasan. Ngayo’y manalangin ka para makapaghanda nang husto
sa tamang pag-aalay ng iyong sarili para sa importanteng hamon na ito.
Lagi kitang tatakpan ng aking Banal na Kapa at ikaw, mahal kong anak,
ay laging magiging malapit sa aking Puso.

Ang iyong minamahal na Ina

Reyna ng Mga Anghel

Ipanalangin mo ang mga kaluluwang nahaharap na mahatulan


sa Impiyerno, na hindi na mabubuhay pa pagkatapos ng
Babala

Huwebes, July 28, 2011 4:30 pm

Pinakamamahal kong anak, ang espiritwal na katigangan, na


pinagdadaanan mo nitong nakalipas na ilang araw, na hindi mo
magawang magdasal, ay kagagawan ni manloloko na gusto kang agawin
sa akin.
Ngayong ibinigay mo na ang iyong pangwakas na pangako na maging
isang victim soul sa Aking Amang Walang-hanggan para tulungan Akong
magligtas ng mga kaluluwa, ngayo’y bibigyan ka ng higit pang
proteksyon para pigilin si manloloko na guluhin ka.

Mga anak, panahon na para sa maraming panalangin dahil ito na ang


inyong huling pagkakataon para tumulong na iligtas yung mga
kaluluwang hindi matatagalan ang Babala. Dinggin nyo naman ang
Aking panawagan na taimtim na ipanalangin yung kawawa at
nawawalang mga anak sa loob ng buwan ng Agosto, na itinakda bilang
Buwan ng Kaligtasan ng Mga Kaluluwa.

Sabihan lahat ng prayer group sa lahat ng dako, na sundin ang iniuutos


Kong araw-araw na Misa, araw-araw na Komunyon at isang araw na pag-
aayuno sa isang linggo, sa buong buwan. Huwag nyong mamaliitin ang
kapangyarihan ng inyong mga panalangin pag ang pinag-uusapan ay ang
pagliligtas ng mga kaluluwa.

Magsimula kayo sa pamamagitan ng pananalangin para dun sa mga


miyembro ng inyo mismong pamilya na nasa kasalanan, o di-
sumasampalataya. Kasama rito ang matatalik na kaibigan at kakilala, na
tinalikuran na ang Aking Mga Aral at gumagawa ng kawalang-
katarungan sa kapwa. Kailangan na nila ngayon ang inyong mga
panalangin.

Ngayon na ang panahon para sa tahimik na pagninilay habang nalalapit


na Ang Babala. Tahimik at walang-patid na panalangin at debosyon ang
kailangan, at iniuutos Ko, na ang Aking sagradong mga lingkod sa lahat
ng dako, ay pamunuan ang Aking mga anak para ipanalangin ang mga
kaluluwang kondenado. Panalangin na lamang ang makakatulong sa
kanila ngayon, lalo na ang pagdarasal ng Aking Divine Mercy Chaplet.
Magkaisa kayo sa pagmamahal sa Akin.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Bigyang-pansin: nang isulat ng bisyonaryo ang Mensaheng ito, inakala


niyang ang mga salitang, “mga kaluluwang nahaharap sa kondenasyon”
ay kapareho ng pagsasabing, “mga kaluluwang kondenado.” Kaya
pagkatapos nito ay ipinakiusap na ni Jesus sa Kanyang mga anak na
unawain na LAHAT ng kaluluwang nahaharap sa kondenasyon ay, sa
totoo lang, ay pwedeng maligtas sa pamamagitan ng pagdarasal ng
Divine Mercy alang-alang sa kanila. Inutusan niya si Maria na palitan
ang mga salitang, “mga kaluluwang kondenado” ng mga salitang, “mga
kaluluwang nahaharap sa kondenasyon.”

Hindi ka kay Satanas, sa Akin ka at sa Aking Amang Walang-


hanggan

Sabado, July 30, 2011 3:30 pm


Pinakamamahal Kong anak, may mga panahong akala mo’y hindi mo na
matatagalan ang mga pagsubok na tinatanggap mo dahil sa Aking Mga
Mensahe, pero huwag kang matakot. Ang takot ay isang bagay na hindi
mo dapat madama. Kung magagawa mo munang ipaalis sa Akin ang
iyong mga takot sa pamamagitan ng lubos na pananalig sa Akin,
magiging malaya ka.

Ay naku, anak Ko, talagang nalimutan ng Aking mga anak ang


kapangyarihan ng Makalangit na Kaharian. Kung kahit sandali man lang
ay maibababa nila ang kanilang panangga, malinaw sana nilang makikita
kung paano nabubunyag ang mga bahagi ng Aking Makalangit na plano
para sa sangkatauhan. Ang pananggang ito, na panangga ng talino ng
tao na pinagagalaw ng pangangatwiran ng tao, at pinag-aalab naman ng
mga kaunlarang ginawa ng tao sa pamamagitan ng siyensya, ay parang
dayami lamang. Mukhang siksik, pero wala namang laman. Pero akala
ng tao ay mapoprotektahan siya nito laban sa Katotohanan, ang
Katotohanan ng Dibinong Presensya ng Diyos.

Ang inyong panangga, mga anak Ko, na hinaharang Ako at ang Aking
Mga Aral sa inyong buhay, ay magiging inyong pagbagsak. Pagdating ng
panahon, wala itong maibibigay na proteksyon. Napakabilis nitong
masusunog, nang biglaan, kaya maiiwan kayong hubad. Ang inyong
kahubaran, sa paglipas ng panahon, ay ipapakita rin sa inyo ang
panloloko ni Satanas at ang lahat niyang walang-saysay na pangako ng
makamundong seguridad, dahil wala naman talagang ganun. Ang
katigasan ng ulo ng tao, na tanggapin ang Pag-iral ng Aking Amang
Walang-hanggan, ang siyang magiging sanhi ng kanyang pagkakatapon
sa kadiliman.

Pag nakita nyo ang Aking Liwanag, ang Mga Apoy ng Aking Pag-ibig, na
nabuo sa langit, at ito’y malapit nang mangyari, huwag na kayong
magdududa. Hindi ito magiging isang ilusyon. Ito’y magiging isang
katunayan at kailangan nyong magpakumbaba para mamulat kayo sa
Katotohanan. Huwag kayong titingin palayo o manginginig sa
takot. Ang Aking Presensya ay kailangang mainit nyong salubungin
bilang inyong huling pagkakataon na maligtas. Ako itong dumarating
para akapin kayo ng Aking Mga Braso. Ako ito, ang inyong
Tagapagligtas, na minsan pang dumarating para ibalik kayo mula sa
bingit ng kadiliman at kawalang-pag-asa. Sinabi Ko na sa inyo na
hinding hindi Ko kayo pababayaan. Hinding hindi Ko kayo iiwan sa mga
kamay ni Satanas, dahil hindi kayo kanya. Sa Akin kayo at sa Aking
Amang Walang-hanggan, ang inyong Maykapal.

Pag nakita nyo ang Aking Mga Apoy ng Kaluwalhatian sa langit, matuwa
kayo. Anumang dudang meron kayo tungkol sa Pag-iral ng Diyos Ama,
ay mawawala. Para makinabang sa mga grasyang ibibigay ng Babala sa
inyong mga kaluluwa, para kayo’y maligtas, kailangang magmukha
kayong maliit sa Mata Ko, at hingin nyo sa Akin na patawarin Ko kayo
dahil sa inyong mga kasalanan. At pagkatapos ay babaha ang Aking Pag-
ibig sa inyong mga kaluluwa, at magbabalik kayo sa Akin at sa inyong
nararapat na tahanan. Labanan nyo ang Aking Awa dahil sa kayabangan
o pangangatwiran ng isip, at wala na kayo.

Hintayin nyo na ngayon ang Aking Awa nang may galak at pananabik,
dahil magiging buo na kayong muli. Muli kayong isisilang.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Laging maging handa

Lunes, August 01, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, sa wakas ay talagang kaisa mo na


Ako. Ngayo’y makikita mo na kung bakit kailangang-kailangan nang
tulungan ang mga tao na imulat ang kanilang mga mata, para
makapagbalik-loob sila at nang sa ganun ay makapasok sila sa Kaharian
ng Aking Ama.

Ang daming tao ngayong lumalait sa Akin. Pag binabanggit ng mga


mananampalataya ang Ngalan Ko nang may respeto, pati sila’y nilalait,
hinahamak at pinagtatawanan din. Ang iba nama’y nagagalit pag kine-
kuwestyon sa Ngalan Ko. Yung ilan naman, ay hindi lang Ako
itinatanggi, kundi kinamumuhian pa Ako. Hindi pa kailanman nangyari
na napakaraming tao sa mundo ang tumalikod sa Pananampalataya.

Ang daming kaluluwang nagdisisyun nang alisin ang anumang kaisipang


Ako o ang Aking Amang Walang-hanggan, ay Umiiral. Akala nila’y bale-
wala kung maniwala man sila o hindi, at wala naman itong kinalaman sa
kanilang buhay. Maraming tao na maligamgam ang pananampalataya
ay basta na lang ibinabasura ang Aking Mga Aral, na sa salita lang nila
sinusunod. Akala kasi nila ay marami pa silang panahon sa mga
susunod na bahagi ng kanilang buhay para maglaan ng panahon para sa
kanilang pananampalataya. Totoo ito, lalo na sa mga kabataan, na
akala’y hindi pa panahon para asikasuhin ang kanilang
pananampalataya. Akala nila’y marami pang susunod na mga taon para
parangalan Ako, ang kanilang minamahal na Tagapagligtas, at ang Aking
Amang Walang-hanggan. Kaya nga yung medyo matatanda na ay
malamang ay sinisindihan nang muli ang kanilang pananampalataya sa
mga huling bahagi ng kanilang buhay, pag naiisip na nila ang kabilang
buhay.

Ang hindi makuha ng tao ay pwede siyang mamatay anumang oras,


anumang panahon, anumang edad, mula pagkapanganak hanggang
pagtanda. Walang kaso. Kailangang lagi siyang handa.

Isinasamo Ko sa lahat ng mananampalataya na manalangin para


magkaroon sila ng kaalamang turuan ang mga kabataan sa lahat ng lugar
tungkol sa matinding pangangailangan na imulat na nila ang kanilang
mga mata sa Pag-ibig na meron Kami ng Aking Amang Walang-hanggan
para sa bawat isa sa kanila. Tulungan nyo silang mamulat sa pangako
ng Paraiso. Tungkulin nyo na ito sa Akin ngayon, para naman hindi Ko
maiwala ang Aking mas nakakabatang mga anak sa mga
kasinungalingang ikinakalat ni Satanas ngayon sa mundo.

Tulungan nyo Akong iligtas yung lahat ng nag-aakalang marami pang


panahon, para pagtuunan na nila ng pansin ang kanilang kaluluwa at
maghanda na para sa Bagong Paraiso sa Lupa, na malapit nang
dumating, at magkakatotoo sa isang kisap-mata kung kailan karamihan
sa inyo ay hindi ito inaasahan.

Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas


Jesucristo

Mga tanong kay Jesus

Lunes, August 01, 2011 11:00 pm

Matapos tanggapin ang Mensaheng pinamagatang, “Laging maging


handa,” nakita ng bisyonaryo ang isang imahe ni Jesus kung saan mukha
Siyang malungkot. Kaya tinanong niya Siya ng ilang mga katanungan,
na sinagot naman Niya.

Tanong kay Jesus: “Malungkot ka ba?”

Sagot: “Oo, at pagod. Ang mga kasalanan ng tao ay pinupunit sa


dalawang piraso ang Aking Puso.”

Tanong kay Jesus: “Anong makakatulong?”

Sagot: “Panalangin, at marami nito. Ang debosyon ng Aking mga alagad,


sa pamamagitan ng araw-araw na pagdarasal ng Divine Mercy at ng
Santo Rosaryo, ay magliligtas ng Aking mga anak. Sila, na Aking mga
alagad, ay kailangang magtiyaga kahit na mahirap ito.”

Tanong kay Jesus: “Anong pinaka-nagpapalungkot sa iyo?”


Sagot: “Yung mga taong hindi lamang nasusuklam sa Akin, kundi pinipili
pa nilang sambahin si Satanas sa malalaswang seremonya kung saan
hindi nila makita kung paano sila pinagsisinungalingan.”

“Ang Aking sagradong mga lingkod na nawalan na ng kanilang


pagmamahal sa Akin.”

“Yung mga nang-uusig ng iba.”

“Yung mga mamamatay-tao na walang pagpapahalaga para sa buhay ng


Aking mga anak.”

“Aborsyon, ang mas masahol na uri ng pag-ubos ng lahi. Naluluha ako


sa bawat sandali para sa Aking maliliit na mga kaluluwa, na ni hindi man
lang nakuha ang una nilang hininga.”

“Ang giyera at ang madaling paglulunsad nito, na kalimitan ay


kagagawan ng mga tao na, kung sila ang inilagay sa gitna ng labanan, ay
magtatakbuhang palayo dahil mga duwag sila. Marami sa mga taong ito
na nagsisimula ng giyera, ay ginagawa lamang yun para magkamit ng
kapangyarihan. Malaki ang pagkakasala nila sa Akin.”

Tanong kay Jesus: “Anong nagpapasaya sa Iyo?”

Sagot: “Ang pananampalataya ng Aking mga alagad at yung mga


disididong tumulong sa Akin para magligtas ng mga kaluluwa.
Minamahal Ko sila nang may labis na paggiliw at
pagmamalasakit. Gagantimpalaan sila nang malaki sa Kaharian ng
Aking Ama.”

Wakas
Diyos Ama: Isa sa mga kailangang-kailangang Mensahe sa
sangkatauhan

Martes, August 02, 2011 8:15 pm

Dumarating Ako sa Ngalan ng Aking Anak na si Jesucristo. Ako ang


Diyos Ama at gusto Kong kausapin ang buong mundo. Ang pakay Ko’y
ipagpaliban ang malubhang Parusa para bigyan ng pagkakataon ang
sangkatauhan na buksan ang kanilang puso sa Katotohanan ng Aking
Pag-iral. Sila, na Aking mahal na mga anak, ay kailangang malaman na
Ako ay isang Diyos, ng Awa muna, at ng Katarungan pagkatapos.

Ang Aking Awa ay pinalawak na nang sobra-sobra. Dahil sa


kapangyarihan ng panalangin, pipigilan Ko ang Aking Kamay dahil sa
Awa, para mabawasan ng tao ang pagkasuklam na nakikita sa maraming
kaluluwa sa buong mundo.

Mag-ingat, mga anak Ko, pag binigyan Ko kayo ng babala na pag hindi
natigil ang pagkalat ng kasalanan, magkakaroon ng parusang pupuksa sa
malaking bahagi ng sangkatauhan. Ang ganung parusa ay hindi pa
nasaksihan simula ng mga araw ng delubyo na winasak ang Lupa noong
panahon ni Noe.

Hindi Ko na kayo papayagan, mga anak Kong walang-utang-na-loob, na


wasakin nyo pa yung mga nagpakita ng katapatan sa Akin. At hindi rin
Ako basta tatayo na lamang at papayagan ang One World Order na
dungisan ang Aking Sangnilikha, ang Aking Mga Anak, ang Aking Lupa.

Pakinggan nyo na ito, isa sa mga huling babala na ibinibigay sa


sangkatauhan. Talikuran nyo na ngayon ang daan ng kasalanan at
kayo’y maliligtas. Talikuran nyo ang inyong bulag na debosyon sa
pamain ni Satanas at ng kanyang nakakatuksong mga panghahalina, na
inaakit kayo sa pamamagitan ng pagmamahal-sa-sarili at sa
nakakamanghang mga materyal na bagay. Kung magpapatuloy pa kayo
na bastusin ang magandang mundong ito, na nilikha dahil sa
Pagmamahal sa inyo, sa paraang ginagawa nyo, mawawala na muna ito
bago nyo ito mas mapinsala pa.

Ako ang Diyos ng Pag-ibig, na matagal bago Magalit, pero


nauubos na ang Aking Pasensya. Kayong nagpapatuloy
manakit at pumuksa sa Aking mga anak, sa pamamagitan ng
giyera at pagkontrol sa pananalapi ng mundo, dapat nyong
malaman, na bilang na ang inyong mga araw. Ito na ang
inyong huling pagkakataon para kayo’y Matubos. Kung hindi
pa kayo reresponde nang tama pag nangyari ang dakilang
Regalo ng Awa, na Babala, kayo at ang inyong mga alagad ay
wawasakin.

Ang Kaluwahatian Ko ay malalaman ng bawat lalaki, babae at


bata. Yung mga pipili ng daan tungo sa Aking Kaharian ay magkakaroon
ng buhay na walang-hanggan. Yung mga hindi naman, ay makakaranas
ng isang kadilimang hindi nila kailanman magagawang ilarawan sa
kanilang isip ni gugustuhin.

Mga kampon ni Satanas, kayong buong-kaalamang sinasamba ang


kanyang kasamaan, pakinggan nyo ngayon ang aking pangako. Kayo,
Aking mga nawawalang anak, ay iaalok sa inyo ang Kamay ng pag-ibig at
kapayapaan nang minsan pa, pag nangyari Ang Babala. Hawakan nyo
ito nang mahigpit, dahil ito ang lubid ng kaligtasan, na magdadala sa
inyo pabalik sa Dibdib ng Aking Pag-ibig. Huwag nyong pansinin ang
Aking mga pakiusap, at magdurusa kayo magpakailanman. Hindi na
kayo kailanman makakabalik sa kawan ng Aking minamahal na pamilya.
Ito ngayon, anak Ko, ang isa sa mga pinaka-importanteng babala para
iligtas ang iyong mga kapatid sa nagpaparusang mga apoy ng walang-
hanggang kondenasyon.

Haring Kataas-taasan

Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat

UL 12 20 13 Mensahe mula kay Birheng Maria: Ilang beses na


lang ako magpapakita sa mundo

Miyerkules, August 03, 2011 09:45 am

Anak ko, wala kang dapat ikatakot sa Gawaing ito, dahil nai-propesiya
na, na ang pagbabalik-loob ay mangyayari. Sayang, at hindi lahat ng tao
ay maliligtas. Yung mga umuusig sa aking Mahal na Anak ngayon sa
mundo ay mas masahol pa kaysa dun sa mga pumatay sa Kanya sa
Pagpapako sa Kanya sa Krus. Dahil namatay ang aking Anak para iligtas
ang sangkatauhan sa kasalanan, isang leksyon ang natutunan sa buong
mundo na kailangang magkaroon ng debosyon sa aking Anak. Marami
sa nakakaalam ng Katotohanan ay binabale-wala ito.
,

Ang daming beses na akong sinugo para itaguyod ang panalangin sa


buong mundo pero ang aking mga babala sa mga anak sa loob ng
mahabang panahon ay nalimutan na. Ngayon, pag nagpapakilala ako sa
pamamagitan ng mga bisyonaryo sa iba’t ibang bansa, hindi lang sila
hindi pinapansin, kundi pinagtatawanan pa sila. Ang aking presensya at
ang mga palatandaang ipinapakita ko sa kalangitan at ang iba pang mga
pagpapakita ay tinatanggihan. Maging ang mga pari at mga obispo ay
binabale-wala ang aking mga babala. Sila man ay tumalikod na sa
paniniwala sa mga Makalangit na pamamagitan. Napakabulag naman
nila para tanggihan ang tulong ko, ang kanilang minamahal na Ina.

Sobra na ang pagdurusa ng aking Anak, at nadudurog ang aking Puso na


makita Siyang naghihingalo ngayon dahil sa kasamaan ng
kasalanan. Walang kaalam-alam ang aking mga anak kung paano Niya
pinagdurusahan ang pahirap na kailangan Niyang masaksihan sa
mundo, pag nakikita Niya ang kalupitan ng tao.

Anak ko, ipaalala mo sa aking mga anak na ako’y ilang beses na lang
magpapakita sa mundo dahil dumating na ang panahon para sa
pangwakas na laban at kailangan ko nang durugin ang ulo ng matandang
ahas.

Kailangang malaman ng aking mga anak kung gaano sila kamahal at


kinagigiliwan ng aking minamahal na Anak. Buksan naman nila ang
kanilang puso at pakitaan Siya ng pagmamahal at pagmamalasakit na
nararapat sa Kanya. Siya, ang inyong Tagapagligtas, na buong-pusong
tinanggap ang pinakamalupit na kamatayan, para iligtas kayo, ay gusto
ngayong iligtas ang henerasyong ito sa mga bitag ni Satanas.
Nakaumis si manloloko, anak ko, dahil alam niyang nagtagumpay siya sa
pagnakaw sa mga mahal na kaluluwa. Manalangin, manalangin,
ipanalangin nyo ngayon na ang aking Anak ay papakinggan pag nangyari
ang Babala, at ang Kanyang Regalong Pagtubos ay tatanggapin nang may
mapagkumbaba at bukas na mga palad.

Tandaan nyo, na bilang inyong Ina, lagi Akong hihingi ng awa para sa
aking mga anak. Umaagos ang aking luha para sa mga ayaw marinig ang
Katotohanan, dahil sa pamamagitan na lamang ng walang-patid na
panalangin matutubos ang mga kawawang kaluluwang ito.

Ang inyong minamahal na Ina

Ang Ating Inang Reyna ng Mga Dalamhati

Ang aking kaarawan ay isang napaka-espesyal na Kapistahan

Huwebes, August 04, 2011 8:30 pm


Bukas, anak ko, ay isang napaka-espesyal na Kapistahan para sa akin,
ang iyong minamahal na Ina, dahil ito ang aking kaarawan.

Parang sasabog ang aking Puso dahil sa abusong dinaranas ng aking


minamahal na Anak dahil sa mga kasalanan ng tao. Napapaumis ako
pag nakikita ko ang aking tapat na mga anak na ginagawa ang lahat ng
kanilang makakaya para magligtas ng mga kaluluwa, pero umaagos pa
rin ang aking luha dahil hindi ko kayang tingnan ang pagdurusa sa
inyong mundo.

Anak ko, huwag mong tatalikuran, kahit sandali lamang, ang


pagpapakalat ng Mga Mensahe mula sa aking Anak na si Jesucristo at
Diyos na Kataas-taasan, dahil paubos na ang oras. Maglaan ka ng
pinakamaraming panahon na pwede mong ilaan, sa Gawaing
ito. Magpatuloy ka, anak ko. Tatakpan kita ng aking Banal na Kapa sa
lahat ng oras.

Ang iyong minamahal na Ina

Reyna ng Kalangitan

Panahon ng paghihintay – sabihan ang iba kung ano ang dapat


asahan
Huwebes, August 04, 2011 9:40 pm

Pinakamamahal Kong anak, araw-araw ay pabulok nang pabulok ang


mundo. Sa Aking mga anak ay naghahalo ang pag-asa, pag-aalala, galit
at kawalang-pag-asa dahil sa giyera at kahirapan ng pera para pakanin at
damitan ang inyong pamilya nang tama. Pero pakinggan nyo ito. Hindi
na kayo kailangang magkumahog sa paghahanap-buhay dahil malapit na
malapit na, pagkatapos ng Babala, ay magkakaroon ng mas positibong
damdamin ng Liwanag at Pag-ibig sa mundo. May pag-asa pa, anak Ko.

Ipanalangin nyo yung mga magbabalik-loob pag nangyari Ang Babala,


para sila’y manatili sa daan ng Katotohanan. Ipanalangin nyo na ang
pagmamahal sa Akin at sa Aking Amang Walang-hanggan ay mas lalakas
pa sa hanay nung mga alagad na nakakaalam na sa Katotohanan.

Habang mapagmahal na inaakap ng Aking mga anak ang Regalong


Babala, walang dapat ikatakot.

Para dun sa mga hindi nananatili sa daan at bumabalik sa mga


makasalanang asal, marami silang dapat ikatakot. Hindi na sila
papayagan ng Aking Ama na hawahan ang iba, ng kanilang mali at
masamang asal. Pipigilan sila. Nakakalungkot, pero maraming tatalikod
sa Katotohanan at tatangkaing ipagpatuloy ang paghahari at pag-kontrol
sa natitira Kong mga anak.

Ipanalangin nyo na ang Parusa ay mabawasan. Ang inyong mga


panalangin ay makakatulong na baguhin at iwasan ang ganung mga
sitwasyon. Ngayon na ang panahon ng paghihintay, pananalangin,
paghahanda at pagtiyak na ang pinakamalaking bilang ng tao na
maaaring makaalam, ay alam kung ano ang kanilang aasahan.

Ang buwang ito ng Agosto, na “Buwan ng Kaligtasan ng Mga Kaluluwa,”


ay napakahalaga, mga anak. Pagtiyagaan nyo naman ang inyong
debosyon sa buwang ito, dahil ang mga kaluluwang inyong ililigtas, ay
talagang napakarami. Nagdiriwang ang Langit sa pagmamahal at
pagkabukas-loob sa puso at kaluluwa ng lahat Kong alagad na gumawa
nang ganitong debosyon, na isang mahalagang regalo sa Akin, para ang
mga tao’y maligtas pag nangyari Ang Babala.

Sige na, anak Ko, at ikalat mo ang Aking Salita. Hayo na sa kapayapaan
at pag-ibig.

Ang iyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Diyos Ama: ang papel na ginagampanan ng pagdurusa

Linggo, August 07, 2011 2:45 pm


Ako ang Alpha at ang Omega. Ako ang Diyos Ama, Maylikha ng tao at ng
sanlibutan.

Mahal Kong anak, sa wakas, ay tinatanggap Ko na ngayon ang iyong


regalo sa Akin para tumulong magligtas ng mga kaluluwa. Ang iyong
regalo ay tinatanggap nang may pagmamahal at tuwa. Hindi ito
magiging isang madaling daan, pero poprotektahan ka basta’t hingan mo
lang Ako ng tulong sa bawat araw.

Ang pagdurusa mo ay sa isip, at isang kadiliman ng kaluluwa. Habang


lumalala ito, gunitain mo yung mga nilalalang na maliligtas dahil sa
iyong pagdurusa. Pumunta ka sa Adoration nang malimit, hanggang sa
iyong makakaya para makamtan mo ang lakas na kinakailangan para sa
Gawaing ito. Ang Mga Mensahe mula sa Aking minamahal na Anak ay
magpapatuloy. Kailangang i-post ang mga ito gaya ng dati, dahil ang
Kanyang Mga Mensahe sa mundo ay dadami at hindi
kokonti. Tinutulungan ka ng maraming santo na namamagitan para sa
iyo.

Lagi kang manalangin sa Espirito Santo para sa mga grasyang


kinakailangan para manatiling malakas. Huwag na huwag mong
aakalaing ikaw ay pinabayaan na, dahil parang magiging bahagi ito ng
iyong pagdurusa. Ipahinga mo ang iyong isip. Manahimik ka at
magmukhang masaya sa mundong nasa labas. Huwag mong pansinin
yung mga mananakit sa iyo. Alalahanin mo na lang na ang Makalangit
na Liwanag na sisinag mula sa iyong kaluluwa ang mag-aalis ng
kadiliman sa iba. Sa puntong yun mo lamang mauunawaan ang hapding
pumapaso sa Puso ng Aking Anak pag nakikita Niya ang kasalanan sa
mundo. Ang pagdurusa mo ay isang maliit na bahagi lamang ng
pinagdurusahan Niya bawat sandali ng isang araw.
Tanggapin mo ngayon ang Regalong ibinibigay din sa iyo dahil tinawag
ka para maging isang victim soul.

Tandaan mo, anak Ko, na lagi kang nasa Aking Puso. Binabantayan at
pinoprotektahan kita. Umis naman dyan. Huwag kang matakot dahil
ang Gawaing ito ay magdadala sa iyo ng malalaking gantimpala para sa
iyo at sa iyong mga mahal sa buhay sa Aking Maluwalhating Kaharian.

Ang minamahal mong Ama

Diyos na Maylikha ng lahat ng bagay.

Mga anak, huwag kayong masisiraan ng loob dahil sa mga


kwento ng kawalang-pag-asa na kinakaharap ng sangkatauhan

Lunes, August 08, 2011 7:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, ilang araw na rin ang nakalipas simula nang
huli Kitang makausap. Ito’y para bigyan ka ng pagkakataong pakinggan
ang payo ng Aking minamahal na Ama, ang Diyos na Kataas-taasan, para
tulungan kang maunawaan ang papel na ginagampanan ng pagdurusa
para magligtas ng mga kaluluwa.

Umiikli na ang mga araw habang ang panahon para sa Babala ay


nalalapit na. Handa na ang lahat para sa Mga Apoy ng Aking Pag-ibig,
na babalot sa buong mundo nang minsanan. Ang mga anghel, ang mga
koro ng Langit, ay hinihintay na ngayon ang Araw ng Kaluwalhatian pag
Ako’y nagbalik para ibigay sa tao ang kanyang huling pagkakataon para
tanggapin ang Aking Pag-iral pati na ang sa Aking Amang Walang-
hanggan.

Mga anak, huwag kayong masisiraan ng loob dahil sa mga sabi-sabi o


mga kwento ng kawalang-pag-asa na kinakaharap ng sangkatauhan,
bagkus ay tumingin kayo ngayon sa Akin at ihabilin sa Akin ang inyong
mga takot. Ang sangkatauhan ay bibigyan ng isang napakagandang
Regalo. Hindi lamang Ako makaka-enkwentro ng tao, nang harap-
harapan, kundi sobrang matutuwa pa sila na matutunan at makita ang
Katotohanan na ipapakita sa harap mismo ng kanilang mga mata.

Ito’y magiging isang dakilang araw sa kasaysayan na ang pag-asa at pag-


ibig ay ipapakita sa inyong lahat. Maging ang mga tigasing makasalanan
ay mapapaluhod at iiyak ng mga luha ng pagsisisi. Magandang balita ito,
mga anak, dahil lahat ay maliligtas kung tatalikuran lang nila ang
kanilang kayabangan at pagkamakasarili. Lahat, sa sarili mismo nilang
malayang loob, ay pagkakaisahin para papasukin Ako sa kanilang puso at
nang sila’y maakay tungo sa Liwanag.

Para sa maraming makasalanan na nasa kasalanang mortal, papasuin ng


Liwanag na ito ang kanilang mga mata at kaluluwa. Magiging masakit
ito. Matagalan lamang nila ang takot pag nakita kung paano nila Ako
sinasaktan, lalakas sila at magbabalik-loob.
Kaya nga, mga anak ng Aking hukbo, sinasabi Ko sa inyo ngayon. Umis
na, dahil ang pangyayaring ito ang magiging pinaka-pambihira sa inyong
buhay, at ang pag-ibig na meron kayo para sa Akin at sa Aking Amang
Walang-hanggan, ay pupuno sa inyong kaluluwa kaya mapapanibago
kayo sa espirito magpakailanman. Ipanalangin nyo na ngayon ang isa’t
isa, dahil kokonti na ang oras. Ang mundo’y inihahanda na ngayon para
sa Babala at nang sa ganun ay lahat ay magiging handa para sa Aking
dakilang Regalo.

Ipagpatuloy nyo, mga anak Ko, ang debosyon ngayong Buwan ng


Kaligtasan ng Mga Kaluluwa, dahil sa pagtatapos ng Agosto, milyun-
milyong kaluluwa ang maliligtas dahil sa inyong mga pagsisikap.

Tandaan nyo, mga anak, naroroon Ako sa inyong buhay sa bawat


araw. Nagmamasid. Gumagabay. Mahal Ko kayong lahat. Manatili
kayong tapat sa Aking mga kagustuhan na magligtas ng mga
nagdurusang kaluluwa.

Jesucristo
Magulo ang mundo dahil walang pagmamahal sa Akin

Martes, August 09, 2011 8:30 pm

Minamahal Kong anak, dumating na ang panahon na magkakagulo sa


mundo, kung saan ang tao ay lalaban sa tao, kapatid laban sa kapatid,
kapwa laban sa kapwa, gaya ng nai-propesiya na. Magpuputukan nang
sunud-sunod ang mga pangyayari. Maraming bansang makakaranas
nito. May malaking galit sa mundo, kabiguan at takot sa Aking mga
anak. Sabihan mo sila na ang mga pangyayaring ito ay sinisindihan ni
Satanas, at mas dadami pa ang gulo, at mas titindi, bago mangyari Ang
Babala.

Ito, anak Ko, ay nai-propesiya na bilang isa sa mga palatandaan na


mararanasan ng sangkatauhan sa loob ng 2011, ang Taon ng
Paglilinis. Takot na takot, na masasaksihan ng Aking mga anak, ang
kasamaang umiiral sa mundo sa mga kaluluwa nung mga pinakikilos ng
lubos na pagkamuhi at pagkagalit sa isa’t isa. Walang panalo, anak Ko,
sa labanang ito na magpapatuloy sa pagtindi. Kamay ng tao ang lilikha
ng mga kasamaang ito. Wala kasi silang pagmamahal sa Akin, at sa
Aking Amang Walang-hanggan kaya kusang-loob nilang tinutulungan si
Satanas.

Ipanalangin nyo, mga anak Ko, yung mga magdurusa dahil sa kaguluhan
sa mundo. Dahil iilang bansa lamang ang makakaligtas sa mga pagsabog
na ito ng galit at pagkawasak. Ang giyerang ito ng pagkasuklam ay
makikita sa iba’t ibang bansa at nasyon. Pagkalito, sindak at
kalungkutan ang mararanasan ng marami.
Manalig naman kayo sa Aking Ama, ang Diyos Amang Walang-hanggan,
dahil ang Kanyang Kamay ay tutulong para pigilan ang mga kalamidad
na ito, mga anak. Manatili kayong matatag, alerto at tapat sa Akin, ang
inyong minamahal na Tagapagligtas. Lahat ay bubuti sa inyong mundo
pag nalaman nyong mahalaga pala sa inyong buhay ang pagmamahal at
mahalaga rin pala ang pagkakasundo at pagmamalasakit para sa inyong
kapwa. Ang panalangin ay makakatulong para bawasan ang tindi ng
masamang kaguluhan.

Tandaan nyo, na ang giyera, karahasan at pagpatay, ay hindi sa Diyos


kundi gawa ni Satanas. Ang kanyang galit ay umabot na sa lebel na hindi
pa kailanman naabot dati, at ang kanyang poot ay ipinararamdam sa
Aking mga anak, ng mga taong sinapian na dahil mahina ang kanilang
espirito at walang pag-ibig sa kanilang puso.

Pakinggan nyo na Ako ngayon. Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal


Ko sa inyo. Talikuran nyo si Satanas, ang kanyang mga alagad at mga
tau-tauhan, ngayon na. Manalangin kayo kay San Miguel Arkanghel
para protektahan ang inyong komunidad. Manalangin kayo na Akin
kayong gabayan. Manalangin kayo para tawagin ang Espirito Santo na
bumaba sa inyong bansa.

Ang inyong Maawaing Tagapagligtas

Jesucristo
Ipanalangin nyo yung mga walang nakikita bukod sa materyal
na pakinabang

Miyerkules, August 10, 2011 12:05 am

Pinakamamahal Kong anak, dapat mong pagtiisan ang pagdurusang ito


dahil pag ginawa mo ito ay magliligtas ka ng mga kaluluwa. Ipinapakita
ngayon ng iyong pagdurusa ang pahirap na tiniis Ko sa makasalanang
kamay ng tao.

Ang kasakiman ng tao ay ganun na ka-grabe kaya wala nang moralidad


sa inyong lipunan. Ang ibig sabihin ng kasakiman, na kasalanan ng tao,
ay wala na siyang pakialam kung sinong magdusa sa kamay niya, basta’t
nabibigyang-kasiyahan ang kanyang mga pagnanasa. Alam nyo, yung
mga nagpapahirap sa iba dahil sa kasakiman at katakawan, ay hindi
makakatakas sa Aking Paningin. Pinagmamasdan Ko. Nakikita
Ko. Pinangingilabutan Ako pag nakikita Ko ang pangit na daang
pinipiling lakaran ng tao para yumaman kahit na mapinsala ang iba.

Sila, Aking anak, ay mawawalan ng mga materyal na bagay pag hindi sila
humingi ng Awa sa Akin. Ang kanilang pera ay mawawalan ng
halaga. Ikaw na tao ka, na nagpatuksong magpahirap ng mga kaluluwa
sa pamamagitan ng pagnanakaw ng dapat ay sa iyong kapwa, alam mo,
mawawala sa iyo lahat, at abo na lang ang matitira.
Ipanalangin nyo yung mga walang nakikita bukod sa materyal na
pakinabang, dahil pag hindi nila tinalikuran ang masasamang gawaing
ito, maiitsa-pwera sila at hindi sila papasok sa Kaharian ng Aking Ama.

Gawan nyo ng masama ang inyong kapwa sa mundong ito, at


mapapatapon kayo sa lungga ni Satanas. Ang akala mong karapatan mo
sa kayamanan, na nakamtan mo nga dahil pininsala mo naman yung iba,
ang siyang magpapahirap sa iyo magpakailanman.

Ibaba nyo na ang inyong mga armas na kasakiman at katakawan, ngayon


din. Hanapin nyo ang pagtubos, dahil pag ginawa nyo ito, babalik ang
kapayapaan sa lipunan.

Ang inyong Tagapagligtas

Hari ng Katarungan, Jesucristo


Ang takot sa Babala ay isang bagay na hindi Ko itinataguyod

Miyerkules, August 10, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang pagiging mabilis ng mga pandaigdigang


pangyayari patungo sa Babala, gaya ng nai-propesiya na, ay patuloy na
tumitindi. Ang panalangin, mga anak Ko, ay kailangang-kailangan na
ngayon, habang ang Aking mga alagad sa buong mundo, na puno ng mga
grasya ng Espirito Santo, ay bumubuo ng Aking hukbo. Ang hukbong ito
ay medyo maliit pa dahil marami sa Aking mga alagad ay hindi pa alam
na bawat isa sa kanila, ngayon pa lang, ay may importante nang papel na
ginagampanan. Pero babangon pa rin ang hukbong ito at pamumunuan
ang Aking mga anak hanggang sa katapus-tapusan.

Lahat Kong anak, pakinggan nyo na Ako ngayon. Para sa bawat


kasamaang gawin ng tao laban sa tao sa mga panahong ito, kailangang
ipanalangin nyo yung may kagagawan sa bawat
pagkakataon. Panalangin para sa mga makasalanan ang kinakailangan
na ngayon. Sa pamamagitan ng panalangin, matatawag nyo ang Banal
na Espirito para dalhan ng Makalangit na Liwanag ang kawawang mga
kaluluwang ito. Marami sa kanila ay bulag sa Katotohanan ng Pag-ibig
ng Aking Ama kaya nagpapalakad-lakad sila nang walang puntirya,
mapupunta sa sunud-sunod na krisis, kaya lahat ng makasama nila ay
nasasaktan. Kung mas marami pa sa inyo ang hihingi ng Aking Awa
para sa mga makasalanang ito, mababawasan nang malaki ang epekto ng
mga gawain ni masama. Ito ang sikreto, mga anak Ko, kung paano
pahinain ang pagkasuklam ni Satanas, habang bumubuga itong parang
apoy mula sa bunganga ng dragon, sa pagtatangkang balutin ang mundo
ng nakakasuklam nitong usok.

Siya, si manloloko, at ang kanyang mga demonyo ay nasa lahat ng


lugar. Dahil mahina ang pananampalataya ng Aking mga anak sa buong
mundo, ang masasamang gawain ni Satanas ay nahawakan ang
sangkatauhan nang mahigpit, sa isang pang-ipit na mahirap
matakasan. Kung ang mga anak Ko lamang sa lahat ng dako ay
naniwalang Merong Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat, hindi sana
ito nangyari. Mas mahina sana ang hawak ni Satanas, lalo na kung ang
Aking mga anak ay nanalangin para sila’y tulungan at humingi ng Awa sa
Aking Ama.

Panalangin na ngayon ang inyong armor, mga anak, mula ngayon


hanggang sa panahon ng Babala. Gamitin nyo ang panalangin para
magligtas ng mga kaluluwang nasa kadiliman. Pagkatapos ng Babala,
ang inyong mga panalangin ay kakailanganin naman para tulungan ang
Aking mga anak na panatiliin ang kanilang debosyon sa Aking Amang
Walang-hanggan at papurihan ang Kanyang Kaluwalhatian.

Pag pinagsama-sama mo ang pasensya, tahimik na panalangin araw-


araw, pagbuo ng mga prayer group, araw-araw na pagdadasal ng Divine
Mercy Chaplet, pag-aayuno at Santo Rosaryo sa Aking minamahal na
Ina, ito ang perpektong formula para magligtas ng mga kaluluwa.

Ang takot sa Babala ay isang bagay na hindi Ko


itinataguyod. Ipanalangin nyo ngayon ang inyo mismong kaluluwa at
yung sa iba sa pamamagitan ng Akto ng Pagtubos at bago ang inyong
harap-harapang pakikipagkita sa Akin, ang inyong minamahal na
Tagapagligtas.

Napapaumis Ako sa tuwa at galak pag naiisip Ko ang sandali na ang


dakilang Regalong ito ng Aking Awa ay ipapakita sa Aking mga
anak. Para itong reyunyon na hindi mailalarawan sa salita. Dahil
pupunuin dito ang inyong puso ng Dibinong Pag-ibig. Ang inyong mga
kaluluwa, sa wakas, ay maliliwanagan, bilang paghahanda para sa
Bagong Paraiso sa Lupa. At dadalhan Ko kayo ng kaginhawahang wala
pa rin sa inyong buhay magpa-hanggang ngayon pag nakaisa nyo na Ako.

Tandaan nyo, mga anak, ang dahilan kung bakit Ako’y nakikipag-usap sa
mundo ngayon. Gusto Kong siguraduhin na lahat Kong anak ay
maliligtas sa mga kuko ni Satanas. Dahil din sa Aking malalim at di-
matatarok na Pag-ibig para sa bawat isa sa inyo kaya kailangan Kong
iabot ang Aking Kamay sa bawat isa sa inyo, at nang sa ganun ay
makasama nyo Ako para ihanda kayo sa muli nyong pag-uwi sa inyong
nararapat na tahanan.

Ang takot ay hindi galing sa Akin. Mahal Ko kayo, mga anak. Dinadala
Ko sa inyo ang maluwalhating Regalong ito dahil sa Aking Pag-
ibig. Matuwa kayo, umumis at mainit nyo Akong tanggapin pag lumabas
na ang Palatandaan sa langit. Itaas nyo ang inyong mga kamay at
umawit ng papuri sa Diyos Ama, dahil binigyan Niya Ako ng huling
pagkakataong ito para iligtas kayo.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo, Hari ng Awa


UL 12 21 13 Ang Aking mga alagad ay binigyan na ngayon ng
Kaloob na Mamagitan

Biyernes, August 12, 2011 11:45 pm

Mahal Kong anak, ang pagmamahal ng Aking mga alagad ang siyang
patuloy na umaalalay sa Akin. Umiiyak Ako ng Mga Luha ng
kaligayahan pag nasasaksihan Ko ang pagmamahal nung Aking mga
alagad na pumapaligid sa iyo at inaakap ka ng kanilang mga panalangin.

Sila, anak Ko, sa pamamagitan ng Kaloob na Espirito Santo, ay tinawag


para ipahayag ang Aking Kabanal-banalang Salita sa mundo sa
pamamagitan ng mga importanteng Mga Mensaheng ito.

Kung yung iba pang mga kaluluwang sumusunod sa Akin at alam na


Ako’y nakikipag-usap sa iba’t ibang bisyonaryo ay magmumulat lang
sana ng kanilang mga mata at pakikinggan ang Aking sasabihin. Sana’y
ang kanilang mga panalangin ay pinakinabangan nung kawawang mga
kaluluwa na hindi nakapaghanda para sa Babala.

Ang Aking Pag-ibig ay nasisinag sa Aking tapat na mga anak sa buong


mundo. Ang Liwanag ng Aking Pag-ibig, na sumisinag mula sa kalooban
nila, ay lumilikha na ngayon ng maraming pagbabalik-loob. Sa loob
lamang ng buwang ito, bagamat hindi ito alam ng Aking mga anak,
milyun-milyong kaluluwa na ngayon ang naliligtas dahil sa debosyon ng
Aking minamahal na mga alagad. Sila, ang Aking mga anak, ay sumunod
sa Aking utos para sa panalangin at debosyon sa loob ng Agostong ito,
ang Buwan ng Kaligtasan ng Mga Kaluluwa. Sabihin mo sa Aking mga
anak na ang kanilang panalangin at pag-aayuno ay nagdulot ng malaking
kaligayahan sa mapagmahal na Puso ng Aking Ama. Pinapaapawan na
ng grasya yung mga mahal at banal na mga kaluluwang yun, kaya
ginawaran na sila ng kaloob na mamagitan para sa mga nawawalang
kaluluwa mula sa araw na ito. Ang laki ng Aking pananabik na akapin
sila sa Aking Mga Braso, malapit sa Aking Sagradong Puso, para
maipakita Ko sa kanila kung gaano ko silang lahat kamahal. Ang
tatapang nila, ang tatapat, at meron mang mga makasalanang dibersyon
paminsan-minsan, ang bubuti nila. Ang kanilang puso’t kaluluwa ay
pinuno na ng Aking Malasakit, at gagabayan ng Espirito Santo ang Aking
mahal na hukbo habang nagmamartsa sila tungo sa tagumpay para
tulungan Akong makakuha ng mas marami pang kaluluwa.

Ang inyong minamahal at tapat na Tagapagligtas

Hari ng Sangkatauhan, Jesucristo

Nilikha ng Diyos ang mundo – Wala nang iba pang planeta ang
pwedeng tirhan ng tao

Sabado, August 13, 2011 5:00 pm


Ang pagbabalik-loob, anak Ko, ay kailangan nang maging isang
prayoridad ngayon para sa Aking mga anak, habang sinasabihan nila ang
iba tungkol sa Aking Mga Mensahe sa mundo. Kahit isa lang kaluluwa sa
isang araw ay nagdudulot na ng malaking tuwa, mga anak Ko, pag ang
iba’y nagsisimulang mamulat sa Katotohanan.

Mahal Kong anak, pag araw-araw ay bising-bisi ang tao, wala na halos
panahon para sa panalangin sa kanyang buhay. Ang panalangin, mga
anak Ko, ay pwedeng mangahulugang isang saglit, isang oras, isang
salita, o anumang pakikipag-usap sa Akin. Hindi mahalaga kung saan
Ako tinatawag ng tao. Pwedeng sa bahay, sa hardin, sa kotse, sa trabaho,
pati na sa Aking Simbahan. Hindi mahalaga kung saan nyo Ako
kinakausap. Pero mas mabibigyan nyo Ako ng kasiyahan pag
kinakausap nyo Ako sa Aking Tahanan.

Maraming tao ang nagkakamali sa kanilang pag-aakala na hindi Ko


naririnig ang kanilang mga iniisip, nadarama ang kanilang hapdi, ang
kanilang lungkot o ang kanilang tuwa. Di ba nila alam na nilikha sila ng
Aking Ama, na Makapangyarihan-sa-lahat, Maylikha ng LAHAT ng
bagay? Siya na nakakaalam sa lahat ay nananawagan sa inyong lahat na
huminto kahit man lang isang saglit sa isang araw. Hingan nyo Ako ng
tulong para kayo’y Aking palakasin. Isang saglit lang naman ang
hinihingi Ko, ang mahalagang saglit na ito na Ako’y inyong tinatawag
para makapasok Ako sa pamamagitan ng inyong kaluluwa sa bisa ng
Kapangyarihan ng Espirito Santo.

Kahit pabulong nyo na lang Ako tawagin para kayo’y tulungan, maririnig
Ko pa rin kayo. Kung hindi nyo Ako tatawagin, hindi Ako makakatugon,
dahil hindi Ko naman kailanman pakikialaman ang inyong malayang
loob.
Para Akong isang ama na pinagmamasdan ang isang grupo ng mga bata
na naglalaro, bising-bisi lahat, tumatakbo, nakikipagdaldalan,
naghahalakhakan ang ilan, at kung minsa’y sila-sila ang nag-aaway-
away.

Karamihan sa mga bata ay tumutugon sa isang matanda pag sila’y


tinawag. Pero ang ilan, matigas ang ulo, tumatalikod at ayaw sundin ang
ipinagagawa sa kanila. Ilan sa mga bata ay malambing, ang iba naman,
hindi masyado. Pero sa ganung ka-murang edad, bihira ang
magpapakita ng lubos na pagkasuklam. Pero pag pinagmamasdan Ko
yung mga anak Ko sa mundo ngayon, nakakakita Ako ng pagkasuklam,
at mas masahol pa rito, ng pagbale-wala kung Ako ba’y Umiiral, Akong si
Jesucristo na kanilang minamahal na Tagapagligtas. Marami pa nga
dyan, tunog pa lang ng Pangalan Ko ang naririnig, nasusuklam na.

Sa panahong kinaroroonan nyo, mga anak, may pasaway na grupo ng


Aking mga anak na halos walang disiplina. Akala nila’y kanila ang
mundo para pagharian, kontrolin abusuhin, o kahit na pinsalain, kung sa
palagay nila’y tama lang. Halos wala nang respetong ipinapakita sa Ama,
na Maylikha ng Lahat ng Bagay. Ang yabang na ng tao ngayon kaya
akala niya’y siya’y lumitaw mula sa mas mataas pang uri ng kaayusan
kaysa sa kaayusang nagmumula sa Aking Amang Walang-
hanggan. Kaya hanap siya nang hanap kung saan siya nagmula kahit na
nandyan lang naman ang Katotohanan para makita niya. Ang daming
naaaksayang oras sa paghabol sa mga walang saysay na bagay. Mga
walang-kabuluhang pangarap, na lahat ay gawa-gawa lang nung mga
siyentipiko na ang galing ng ulo, na isang Kaloob ng Diyos, ang kanilang
ipinagyayabang, kaya akala nila’y makakadiskubre sila ng mga bagong
katunayan tungkol sa kanilang pinagmulan.

Bakit ba hindi maunawaan ng mga batang ito na ang Lupa ay nilikha


para sa tao? Wala nang iba pang planeta na pwedeng tirhan ng tao, dahil
hindi ito bahagi ng plano ng Aking Ama. Gaano kalaking katangahan ba
pwede magkaroon ang tao para lang busugin ang kagutuman ng kanyang
espirito sa kanyang kaluluwa? Samantalang lahat na ng pagkain at
kasiyahan ay mapapasakanya, maupo lang siya nang ayos at tanggapin
ang Katotohanan. Ang Katotohanang Merong Diyos na Umiiral, ang
Diyos Amang Walang-hanggan, na Maylikha ng Sanlibutan.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas, Guro at Makatarungang


Hukom, Jesucristo

Tamasahin ang maluwalhating buhay na naghihintay sa inyo


sa loob ng 1,000 taon

Linggo, August 14, 2011 2:25 pm

Pinakamamahal Kong anak, patuloy mo pang dinidipensahan ang Aking


Salita, gayong, sa totoo lang ay hindi naman ito kinakailangan.

Ang Aking Salita ay maglalagos sa puso ng mga mananampalataya na


parang isang patalim pag pinagnilayan nila ang Aking Mga Mensahe na
ibinibigay sa iyo para sa mundo. Malalaman nila ang Katotohanan pag
binasa nila ang Aking Salita, dahil ang Aking Makalangit na Liwanag ay
may dating na mahihirapan nilang bale-walain. Maraming kumi-
kwestyon at nangungulit, gaya ng ginawa ng mga tao noon sa
kapanahunan ni Noe. Binalaan sila, pero ayaw nilang
makinig. Dinedma nila ang Tinig ng Aking Ama nang Siya’y magpadala
ng Mga Mensahe sa pamamagitan ni Noe at ng iba pang mga
propeta. Yun lamang mga nakinig at sumunod ang naligtas.

Pakinggan nyo na ngayon din ang Aking Mga Mensahe. Buksan nyo ang
inyong puso at papasukin ang Aking Salita para kausapin ang inyong
kaluluwa, mga anak. Huwag nyong pansinin ang mga makamundong
bagay na nakakagulo lamang. Sa Aking Tinig lamang kayo tumutok. Pag
ginawa nyo ito, ililigtas nyo ang inyong kaluluwa.

Yung mga hindi makikinig dahil sila’y tatalikod, darating ang panahon,
pagkatapos ng Babala, na lalamunin ng inyong mga gutom na gutom na
bibig ang Aking Kabanal-banalang Salita. Dahil sa panahong yun,
magiging handa na kayong sumunod sa Aking paggabay, para mapalakad
Ko kayo sa tamang direksyon tungo sa Bagong Paraiso sa Lupa kung
saan, ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay ay tatamasahin ang
Maluwalhating Buhay na naghihintay sa inyo, sa loob ng 1,000
taon. Walang karamdaman. Walang kakulangan sa pagkain. Walang
problema. Tanging pag-ibig lamang, sa pinakapurong uri nito, isang
maluwalhating bagay na inyong marapat na pamana. Taimtim naman
kayong manalangin ngayon para maunawaan nyo at matanggap ang
Aking Banal na Salita pag ito’y ibinigay sa inyo, mga anak. Ituring nyo
ito bilang isa sa mga pinakadakilang regalo sa buo nyong buhay. Akapin
nyo ito sa katawan, isip at kaluluwa. Dahil sa ganun nyo lang
matatagpuan ang tunay na kapayapaan.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Tulungan nyo Akong Sagipin lahat ng kabataan – ang
pinakamadaling saktan sa inyong lipunan

Lunes, August 15, 2011 12:05 am

Pinakamamahal Kong anak, habang ang Aking Amang Walang-hanggan,


Diyos na Kataas-taasan, ay inihahanda ang mundo para sa mga
pagbabagong nalalapit, nalulungkot Siya para sa tao na bulag pa rin sa
Katotohanan ng Kanyang Pag-iral.

Habang ang Aking Ama ay kumikilos na ngayon para ipahayag ang mga
pagbabago para ihanda ang Aking pagbalik sa Lupa, ang daming
kasalanang nakikita Niya sa Lupa kaya naiiyak Siya sa lungkot dahil
siguradong may mga kaluluwang mawawala rin sa Kanya pagdating ng
panahon. Ang panalangin ay makakatulong para iligtas yung mga
kaluluwa ng mga nabubuhay pa sa mundo, na kusang-loob na
tinatalikuran Siya sa lubusang pagsuway, kahit na alam nila at
tinatanggap ang Kanyang Pag-iral. Patuloy kayong manalangin at
gumawa ng personal na mga sakripisyo para sa mga kaluluwang yun,
anak Ko, dahil kung walang panalangin, dapat kang matakot para sa
kanilang kinabukasan.
Umaasa Ako sa Aking mga alagad para ipanalangin ang mga nawawalang
kaluluwa. Konting panahon na lang ang natitira para kumbinsihin ang
mga bulag sa pananampalataya na Totoong May Diyos Amang
Umiiral. Magkapit-kamay kayo, Aking Mga Anak ng Liwanag, para ang
inyong pabilog na hanay ng pagmamahal at debosyon sa Akin ay maging
sapat ang lakas para palapitin yung mga kaluluwang hindi
pinaniniwalaan o tinatanggap ang Pag-iral Ko o ng Aking minamahal na
Ama. Huwag nyong puputulin ang kadenang ito ng pananampalataya
pag pwede nyo pang abutin ang inyong mga kapatid na hindi na
sumusunod sa daan tungo sa Katotohanan ng buhay na walang-
hanggan. Bagkus, dahil pinahina sila ng pang-aakit ng makamundong
mga paghahangad, mangangailangan sila ng matatag na gabay para sila’y
matulungan. Huwag nyong kakayanin yung mga hindi naniniwala sa
Diyos. Maamo nyo silang suyuin, sabihan nyo sila tungkol sa Pagpapako
sa Akin sa Krus at kung paanong ginawa ng Aking Amang Walang-
hanggan ang pinakamalaking Sakripisyo para iligtas ang Kanyang mga
anak, nang ibigay Niya ang Kaloob na Grasya ng Kaligtasan sa
pamamagitan ng pagpapatawad sa kasalanan.

Nananawagan na ngayon ang Aking Ama sa lahat ng nagbabasa ng Mga


Mensaheng ito sa unang beses. Kailangan nyong basahin ang bawat
Mensahe nang buong-ingat. Pagkatapos ay manalangin kayo sa Espirito
Santo para sa grasyang magpapakita sa inyo na ang Mga Mensaheng ito
ay may Makalangit na Pinagmulan. Buksan nyo ang inyong puso para
tanggapin ang Aking Salita. Damhin nyo Ako sa inyong kaluluwa sa
pagtatanong nyo sa Akin ng sumusunod:

“Jesus, kung Ikaw talaga ito, pabahain Mo naman sa aking Kaluluwa


ang Palatandaan ng Iyong Pagmamahal, para naman makilala Kita
kung Sino Ka. Huwag mong hahayaang malinlang ako ng mga
kasinungalingan. Bagkus ay pakitaan Mo ako ng Iyong Awa at imulat
mo ang aking mga mata sa Katotohanan at sa daan tungo sa Iyong
Bagong Paraiso sa Lupa.”
Tandaan nyo, mga anak, na kaya lamang Ako dumarating sa mundo sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa inyo nang ganito, ay dahil sa lalim at
init ng Aking Pag-ibig. Hindi ito para takutin kayo. O magpa-impres.O
lumikha ng kontobersiya o dibate. Ito’y para tulungang iligtas lahat ng
kaluluwa, lalo na ang isang henerasyon ng mga kabataan na hindi
interesado sa relihiyon, dahil bising-bisi sila sa kanilang buhay at wala
halos lugar para sa Diyos. Kakausapin Ko sila sa lengguwaheng kanilang
naiintindihan para maalerto ko sila sa mga nalalapit na mga
pangyayari. Sila ang isa sa mga pinakamadaling saktan sa inyong
lipunan, mga anak. Kailangang-kailangang abutin Ko sila sa lalong
madaling panahon.

Magsama-sama na kayo ngayon, mga anak Ko, at samahan Ako para


iligtas lahat ng kabataan sa mundo ngayon. Tulungan nyo Akong akapin
sila sa Aking Kaharian para wala ni isang mahal na kaluluwa ang mawala
sa Akin.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan

Jesucristo
Paano Ako hingan ng tulong para malutas ang inyong mga
problema

Miyerkules, August 17, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang mga grasyang ibinubuhos sa iyo ay para


gawin kang mas malakas sa Gawaing ito, dahil magkakaroon ka ng mas
malaking kompiyansa.

Ang kompiyansa sa Akin, mga anak, ay napaka-importante. Oo nga’t


malaking tuwa ang idinudulot sa Aking Sagradong Puso pag nadarama
Ko ang inyong pagmamahal sa Akin. Pero pag talagang nananalig
lamang kayo sa Akin at pinakakawalan lahat ng inyong problema sa
pagbibigay nito sa Akin para Ako na ang bahala sa mga ito, ay saka
lamang kayo makakadama ng Tunay na kapayapaan.

Napakarami sa Aking mga anak ang nananalangin para sa mga espesyal


na intensyon. Pinapakinggan Ko bawat isa. Pero pag nananalangin kayo
sa Akin para sa isang bagay na napakahalaga sa inyo, kailangang
pakawalan nyo ang inyong mga takot. Ang takot ay hindi nanggagaling
sa Akin. Si Satanas ang nagbibigay sa inyo nito para kayo’y
pahirapan. Hindi nyo ba ito naiintindihan? Pag kayo’y may
kinatatakutan, na sa palagay nyo’y kinokontrol ang inyong buhay,
habang lumalaki ang inyong takot, lalo lamang lumalaki ang problema.

Pag huminto na lamang kayo at sinabi sa Akin:


“Jesus, ibinibigay ko na sa Iyo lahat ng pinoproblema ko tungkol sa
bagay na ito, nang may kompiyansa, kaya sa Iyo na ngayon ang problema
para lutasin, ayon sa Iyong Kabanal-banalang Loob.”

ay saka lamang kayo magkakaroon ng kapayapaan. Yun ang ibig Kong


sabihin ng kompiyansa, mga anak.

Ang kompiyansa sa Akin ay nangangahulugang nagpapakita kayo ng


malaking tiwala. Magtiwala kayo sa Akin. Namatay kaya Ako para sa
inyong mga kasalanan – bawat isa sa inyo na nabubuhay ngayon, pati sa
panahong ito. Bakit nyo naman Ako hindi pagkakatiwalaan?

Wala pa Akong minahal na ibang nilalang sa Lupang ito gaya ng


pagmamahal Ko sa inyo. Walang magmamahal o maaaring magmahal sa
inyo tulad Ko. Lagi nyo itong tatandaan.

Hayo na sa pag-ibig at kapayapaan. Nasa tabi nyo Ako umaga, tanghali


at gabi, na naghihintay lamang ng inyong tawag.

Ang inyong minamahal na Kaibigan at Tagapagligtas

Hari ng Awa, Jesucristo


Ang Malaking Pagsubok ay nababawasan sa pamamagitan ng
panalangin

Huwebes, August 18, 2011 8:45 pm

Anak Ko, yung mga alagad Kong edukado sa mga bagay ng Banal na
Kasulatan, ay malimit matangay ng kanila mismong pan-taong
interpretasyon, kaya ang leksyong ibinigay Ko na magmahalan, ay
napakadaling malimutan.

Magmahalan. Parangalan ang inyong ina at ama. Parangalan ang


inyong Maykapal, ang Diyos Ama, at mamuhay gaya ng sinabi Ko na sa
inyo, sa pagmamahal at pagkatakot sa Aking Ama.

Ang daming edukadong tao, na nadadala ng kanilang pagsusuri sa Aking


Mga Aral, ay nakakalimutan ang isang bagay. Ito ay, pag muli Akong
dumating para Maghukom. Hinding hindi nila inaakala, kahit saglit
lamang, na ang panahong ito ay pwedeng mangyari sa kanila mismong
buhay at hindi sa malayo pang panahon. Bakit ba sila hanap nang hanap
ng mas marami pang kahulugan sa Banal na Kasulatan gayung
napakasimple naman ng Katotohanan? Bakit ba hindi nila matandaan
na ang hinihingi Ko lang naman ay pagmamahal? Pagmamahal sa Akin,
ang inyong Tagapagligtas. Pagmamahal sa Diyos Ama at pagmamahal sa
isa’t isa.
Para dun sa mga ekspertong magaling ang ulo, na nagsasabing
magagawa nilang himayin ang Aking Mga Aral hanggang sa sisikapin na
nilang hulaan ang petsa ng Aking pagbabalik, ito ang masasabi Ko. Kung
akala nyo’y nagawa nyo nang alamin ang taon ng Aking pagbabalik,
nagkakamali kayo. Walang bibigyan ng petsang ito, hindi ang mga
anghel sa Langit, ni ang Aking minamahal na Ina. Pero ito ang pwede
Kong ibunyag. Ang Pagsubok ay nagsimula na ilang panahon na ang
nakakalipas. Ang Malaking Pagsubok ay magsisimula sa katapusan ng
2012. Ang nakakakilabot na panahong ito ay napapagaan sa
pamamagitan ng mga panalangin ng Aking pinakamamahal na mga
alagad. Mapapahina rin ito ng pagbabalik-loob na makakamtan
pagkatapos mangyari ang Babala. Ang pangyayaring ito ay mabuting
balita, mga anak Ko. Ito’y para alisin ang pagkaalipin ng tao kay
masama.

Ang mga eksperto sa relihiyon ay nagpapakita ng kayabangan


na kinamumuhian Ko

Malungkot mang sabihin, marami pa ring hindi papansinin ang Aking


mga pakiusap na sila’y maghanda. Abalang-abala kasi sila sa
relihiyosong dibate ng matatalino, kuno, na nakabase sa pangangatwiran
ng tao.

Nagpapagalingan sila para patunayang mas may alam sila kaysa


iba. Ang mga ekspertong ito ay nagpapakita ng kayabangang
kinamumuhian Ko. Wala silang pinagkaiba sa mga Pariseo
noon. Tinatakpan ng kanilang kamangmangan ang Katotohanan pag
ito’y ipinapakita sa harapan mismo ng kanilang mga mata.

Ang Aking Salita ay hindi pinapansin ng Aking mga sagradong


lingkod
Ang Aking Salita ay bumagsak sa mga binging tainga. Ang Aking Salita
ay hindi pinapansin ng Aking mga sagradong lingkod habang sinisikap
Kong kausapan sila sa puntong ito ng kasaysayan. Pero pagkatapos ng
Babala, wala na silang dahilan para hindi umupo ng ayos at pakinggan
ang Aking mga iuutos. Dahil sa panahong yun, iuunat nila ang kanilang
mga braso at magmamakaawa sa Akin na sila’y gabayan habang
nangyayari ang Malaking Pagsubok. Dahil pag ang propesiyang ito ay
ipinakita na dun sa mga nagdududa sa Aking Salita na ibinibigay sa
pamamagitan ng sugong ito, kunin nyo naman ang Aking Sagradong
Kopa, uminom kayo mula rito at lumaban kayo para magligtas ng mga
kaluluwa.

Pinapayuhan Ko kayong lahat, pati na yung mga nagsasabing sila’y mga


eksperto sa Kasulatan, na maupo nang mapagkumbaba at magtanong
nang ganito. Bakit Ko hihimukin ang mga simpleng mananampalataya
na masabit sa isang pagtatalo tungkol sa Aking pagbalik sa Lupa? Ang
mahalaga na lamang ngayon ay Ako’y dumarating. Lagi kayong maging
handa. Huwag na huwag kayong maghuhusga ng iba sa Ngalan
Ko. Hanapin nyo ang kaloob na kababaang-loob anuman ang mangyari,
dahil ito ang inyong magiging pasaporte sa Langit.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Anong nagtutulak sa mga kabataan na ikahiya Ako nang ganun
na lamang?

Biyernes, August 19, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang lalim ng pagmamahal Ko sa mga


kabataan, lalo na yung mga talubata. Gaya ng kanilang mga magulang,
nakadarama Ako ng pagmamahal, tuwa, pagkabalisa at kung minsa’y
galit habang pinagmamasdan Ko sila sa kanilang paglaki.

Ang sakit nga lang sa Aking Damdamin pag naririnig Ko silang


sinasabing hindi sila naniniwala sa Diyos na Aking Amang Walang-
hanggan. Sila, na Aking mga bunso, ay kinundisyon nang Siya’y itanggi,
para maging kapareho sila at hindi magmukhang kakaiba sa kanilang
mga kaibigan.

Sa totoo lang, hindi na madali para sa isang kabataan na amining Ako’y


kanyang minamahal, kahit na tinatanggap niya na Ako’y Umiiral. Ang
pag-aming ito ay pwedeng ikahiya nila ngayong ang paniniwala sa Akin,
si Jesucristo, o ang Aking Amang Walang-hanggan ay hinahamak , at ang
pinararangalan ay yung tinatawag na “higher being.” Ano ba itong
nagtutulak sa kanila na ikahiya Ako nang ganun na lamang? Bakit nila
inaakalang kailangan nilang pakibagayan ang isang mundong walang
espirito o pagpapahalaga para sa kaluluwa?

Ang musika at sining ang may malaking impluwensya sa maliliit na


kaluluwang ito na hindi nasabihan tungkol sa Katotohanan ng Langit o
Impiyerno. Sila, gaya ng lahat Kong iba pang anak na patuloy sa pag-
iwas na banggitin Ako, ang Aking Mga Aral, o ang Pag-iral ng Aking
Amang Walang-hanggan, ay parehong pwedeng mawala sa ilang.

Mga magulang, nananawagan Ako sa inyo na sabihan ang inyong mga


anak tungkol sa Katotohanan ng kanilang pag-iral sa Lupang ito; kung
saan sila nagmula at ang kapalarang naghihintay sa kanila pagkatapos ng
buhay na ito. Tungkulin nyong tulungan silang buksan ang kanilang
puso sa Aking Pag-ibig. Maamo nyo silang ihatid sa Akin pero gawin nyo
lahat ng maaaring gawin para tulungang maligtas ang kanilang mga
kaluluwa. Gawin nyo ito alang-alang sa inyong pagmamahal sa
kanila. Pwedeng tinalikuran nyo ang inyong tungkulin nitong mga
nagdaang taon, pero ngayon na ang panahon para magbayad-puri. Pag
dinasal nyo ang Divine Mercy para sa kanilang mga kaluluwa,
matutulungan nyo sila. Mas mabuti kung lalapit sila sa Akin na ang mga
kamay ay ipinaaabot sa Akin sa buhay na ito, nang bukal sa kanilang
kalooban.

Sa mga kabataan, ito ang masasabi Ko. Kung nananampalataya kayo sa


Akin, huwag kayong matakot na aminin ito sa mga tao. Huwag nyo
Akong itanggi, dahil Ako ang lubid na pansagip sa inyong buhay, na kung
wala Ako ay walang buhay. Pag nakita ng iba kung gaano kalakas ang
inyong pananampalataya, mas magagawa nilang magbukas ng kanilang
puso sa Akin. Nangangailangan ito ng malaking tapang sa parte nyo,
pero ang mga grasyang tatanggapin nyo mula sa Akin ay higit na mas
marami pa kaysa inyong takot. Pag sinabi nyo sa mga tao na Ako nga’y
Umiiral, pag pinakitaan nyo sila ng respeto at pagmamahal, at napalapit
nyo sila sa inyo, rerespetuhin nila kayo dahil sinabihan nyo sila tungkol
sa Akin. Maaring maasiwa kayo sa pagsasalita tungkol sa Akin sa isang
hinga, at tungkol naman sa mga makamundong bagay sa sunod, pero
mas magiging matatag kayo sa inyong pananampalataya pag ginawa nyo
ito. Hindi lamang kayo makakaranas ng ganung katinding pagmamahal
sa Akin sa inyong puso, kundi maililigtas pa nito ang mga kaluluwa ng
inyong mga kaibigan.
Gamitin nyo ang Internet para ikalat ang Aking Mensahe. Pag-usapan
nyo ito. Hindi na bale kung pagtawanan kayo ninuman. Dahil pag
ginagawa nyo ito, maraming kabataan sa buong mundo ang
magkakaroon ng buhay na walang-hanggan dahil sa ibinunga nitong
pagbabalik-loob.

Sige na, Aking mahal at batang hukbo. Panahon na ngayon para kayo’y
magkaroon ng tapang na ikalat ang Aking Mga Mensahe, na ibinibigay sa
henerasyong ito sa mundo para ipaalala sa kanila kung Sino Ako, kung
bakit Ko iniligtas kayong lahat mula sa kailaliman ng Impiyerno, at kung
bakit iniaabot Ko sa inyo ang Aking Kamay para iligtas Ko kayong muli.

Ito na ang panahon para abutin Ko at hawakan ang inyong mga kamay.

Mahal Ko kayo.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas at Kaibigan

Jesucristo
Ang pera, at ang sobrang dami nito, ay binubulok ang
kaluluwa

Linggo, August 21, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, dinadalaw Kita ngayong gabi habang ang


mundo ay nagsisimula nang sumabog sa walang-patid na karahasan,
habang parami nang parami ang mga bansang nagbobombahan sa
paghahangad ng kapangyarihan at kaluwalhatian. Ipanalangin nyo yung
lahat ng kaluluwa ng mga mamamatay sa karahasang ito para makamtan
nila ang biyaya ng Kaharian ng Aking Ama.

Anak Ko, mangyayari na ngayon sa mundo ang mga pagbabagong nai-


propesiya na, para linisin sila at nang ang tao ay maging karapat-dapat
sa Aking Pangako. Patuloy silang pababayaang mawalan ng mga
materyal na bagay, ng matatakaw na taong responsable sa kanilang
biglaang pagkamatay. Habang tumitindi ang mga pagsubok na ito, ang
mga anak na ito ay makalalaya sa mga posas na nagtatali sa kanila sa
mga walang-katuparang pangako ni Satanas, na siyang umaakit sa
mayayaman, sa pamamagitan ng pangangakong bibigyan pa niya sila ng
mas marami pa. Ipagpapatuloy niya ngayong iparada ang kalaswaan ng
mayabang na kabulgaran para makita ng buong mundo. Gagawin niya
ito, hindi lamang para ang Aking mga anak ay mainggit sa mayayaman at
sikat, kundi para gawin din nila lahat para gayanin ang mga ito. Aakitin
niya ang Aking mga anak sa pugad na ito, kung saan ang mga borloloy ng
malaking kayamanan ay pinagmumukha niyang mahalagang bagay na
dapat pagsikapang makamtan. Alam niya kasi na pag naakit na niya sila,
nagawa na niyang ilayo sila sa Katotohanan.
Pag naalisan na kayo ng lahat at nahubaran, muli Ko kayong dadamitan,
mga anak. Kaya nga lang, sa pagkakataong ito, kasuotang armor ang
isusuot Ko sa inyo bilang proteksyon sa kasamaan ng masasamang
tao. Pag may armor na kayo, magiging handa na kayong harapin ang
mundo ng may ibang pananaw sa buhay. Isang buhay na ang inyong
pagmamahal sa inyong kapwa ang inyong numero unong layunin. Pag
kayo’y nagmamahalan, pinatutunayan nyong talagang mahal nyo
Ako. Ang maskarang ito ng kayamanan at pera, na konting-konti lang sa
Aking mga anak ang meron, ay ganun nga lamang – isang pekeng
mukha, dahil wala namang laman sa likod nito. Tutuksuhin kayong
maghangad ng ganun ding kayamanan, dahil kukumbinsihin kayo ni
manloloko na dapat nyo ring pagsikapang magkaroon ng ganung
kalaking kayamanan at kasikatan. Sa Totoo lang, habang bisi kayo sa
paghabol sa mga walang-saysay at walang laman na mga pagnanasa,
tatalikuran nyo ang inyong tungkulin sa Akin.

Huwag na huwag nyong hahayaang ang pagpaparada ng kayamanan at


kasikatan ay akitin kayo, mga anak, dahil alam nyo ba, ang pera, at ang
sobrang dami nito, ay binubulok ang kaluluwa. Yung mga sobra-sobra
ang pera, na malamang ay hindi nila kayang ubusin sa buhay na ito, ay
kailangang ibigay ito sa mga kawawang tao na halos wala nang
makain. Gawin nyo ito at maililigtas nyo ang inyong kaluluwa. Pag
natatakaw pa kayo sa mga kalabisan, gayung meron na kayong sapat
para pakanin at damitan ang isang bansa, dyan kayo gugutumin. Ang
Pagkain ng Buhay ang siya nyong mapagkumbabang pag-amin na ang
pagmamahal sa isa’t isa ang Aking itinuro sa inyo. Ang pagmamahal sa
kapwa ay ang ibig sabihin ay pag-asikaso sa mga walang-wala.

Gising at tanggapin ang Katotohanan bago maging huli na ang lahat para
sa inyo. Mas mahirap para dun sa mga may malaking kayamanan na
mapaboran ng Aking Ama, maliban kung ibabahagi nyo ito sa
iba. Tandaan nyo ito, kayong kokonti ang pag-aari at naiinggit dun sa
mga mukhang meron lahat ng materyal na kaginhawahang gusto nila,
kayo man ay kailangan ding mag-ingat. Iisa lang ang mansyong dapat
nyong pagsikapang puntahan, at yun ang mansyong naghihintay sa inyo
sa Bagong Paraiso sa Lupa. Yun lamang mga mapagkumbaba sa puso,
isip at kaluluwa ang bibigyan ng susi.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang masama ay itinuturing na mabuti samantalang ang


mabuti ay itinuturing na masama.

Lunes, August 22, 2011 8:10 pm

Pag kine-kwestyon ng tao ang kanyang pananampalataya, kailangan


niyang mag-isip. Pag may duda siya, kailangan niyang pabuksan sa Akin
ang kanyang mga mata. Pag nahihirapan siyang magdasal, kailangan
niyang pabuksan sa Akin ang kanyang bibig. Pero pag ayaw niyang
pakinggan ang Katotohanan, kailangan na niya ang panalangin ng iba.
Mga anak Ko, talagang nababahala Ako kung paanong ang masama ay
itinuturing na mabuti, samantalang ang mabuti ay itinuturing na
masama. Lahat ng bagay sa inyong mundo ay baligtad. Yung mga
walang malalim na debosyon sa Akin, wala rin kayong matututunan
tungkol dito.

May mga pagkilos na ginagawa na sa buong mundo sa bawat lebel ng


gobyerno, simbahan at estado sa ngalan nyo at wala kayong kamalay-
malay tungkol dito.

May masasamang batas na inihahain at ibinibigay sa sangkatauhan para


sa kanilang kapakanan, kuno. Kabilang dito ang mga bagong
pamahalaan, gamot, tulong mula sa ibang bansa, bakuna at pangangaral
ng mga bagong relihiyon at iba pang mga doktrina. Hindi pa kailanman
nagkaroon ng ganitong pagkalito ang Aking mga anak.

Kung sa labas mo titingnan, lahat ay kontrolado at maayos, at


masasabing ganun nga. Pero ang talagang kaayusan lamang na meron
ay hawak nung mga kumo-kontrol ng mga pandaigdigang pangyayari, at
sila’y nagtatago sa kaginhawahan ng kanilang masamang asal, sa likod
ng mga saradong pinto.

Huwag kayong paloloko, mga anak. Kailangan nyo Akong hingan ng


tulong para ang masasamang pangyayaring pinaplano ng mga sikretong
kapangyarihang pandaigdig ay mabawasan ang tindi. Ang inyong
tanging daan tungo sa tunay na kalayaan ay pag pinagningas nyong muli
ang inyong pananampalataya sa Akin. Malapit na itong mangyari, mahal
Kong mga anak, pag iniharap Ko ang Sarili Ko Mismo sa mundo pag
nangyari na ang Babala, na malapit na malapit na.
Ipanalangin nyo naman yung mga nakakakita, pero bulag sa Aking
Kabanal-banalang Salita. Ipanalangin nyo yung mga patuloy na
binabaluktot ang Aking Mga Aral, at ang Aking mga sagradong lingkod,
na dahil sa karuwagan, ay bumibigay sa mga hinihiling sa kanila ng mga
gobyerno.

Iisa na lamang ngayon ang hari na namamahala sa hinaharap, at yun ay


ang Aking Amang Walang-hanggan, Diyos na Maykapal at Maylikha ng
lahat ng bagay. Maging tapat kayo sa Kanya higit sa lahat at
makakatagpo kayo ng matatag na aapakan paglakad nyo sa daan tungo
sa Katotohanan.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Walang kasalanang ganung ka-grabe na hindi na ito


mapapatawad
Martes, August 23, 2011 11:45 pm

Anak Ko, sinisimulan mo nang maunawaan ang Katotohanan ng


pagdurusa. Pag hiniling Ko sa mga piniling kaluluwa na sila’y magdusa,
kapareho yun ng pagdurusa Ko nang Ako’y pahirapan sa Pagpapako sa
Akin sa Krus. Kung paanong ang Aking kamatayan ay iniligtas ang tao
mula sa kasalanan, gayundin naman ang iyong pagdurusa ay
makakapagligtas sa tao mula sa walang-hanggang hatol. Pag iniaalay mo
ang iyong pagdurusa, nang bukal sa iyong kalooban, gumagawa ka ng
sakripisyo para ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay mapakitaan ng
Awa ng Diyos.

Kung hihilingin Ko sa mas marami pang kaluluwa na gawin ito, pwedeng


matakot sila at tumanggi. Pero maraming kaluluwa ang nagdurusa na
hindi alam na sila’y mga piniling kaluluwa. Marami sa Aking mga anak
ay pwedeng magtanong kung bakit may mga taong nagdurusa at merong
hindi. Ang sagot Ko ay, pinipili Ko ang may magagandang-loob, yung
mga nagpapakita ng kababaang-loob sa buhay na ito, yung mga inuuna
ang mga pangangailangan ng iba bago ang kanya. Ang kaluluwa ng may
magandang kalooban ay ginagampanan ang papel na magdusa para sa
Akin. Ito’y Kaloob na mula sa Akin. Pwedeng hindi ito mukhang isang
Regalo, pero pag binigyan ka ng ganitong Regalo, nagliligtas ka ng libu-
libong kaluluwa araw-araw alang-alang sa Akin.

Hinihiling Ko ngayon sa Aking mga alagad na sila’y gumawa ng isang


sakripisyo isang araw, na parang pagdurusa, para tulungan Akong
magligtas ng mga kaluluwang nasa kasalanang mortal na nasa bingit na
ng kamatayan habang nangyayari Ang Babala. Hingin nyo naman sa
Akin ang Regalong ito. Para dun sa mga may mababang-loob, hihilingin
Ko rin sa kanila na gumawa sila ng isang personal na sakripisyo sa
Kaluwalhatian Ko. Para naman dun sa mga nag-aakalang hindi nila ito
magagawa, bibiyayaan Ko kayo ng Aking mga espesyal na grasya dahil
alam Kong ang pagmamahal na meron kayo ngayon para sa Akin, at ang
inyong mga panalangin, ay nagliligtas na ng inyong mga kapatid.
Mga anak Ko, dapat nyo itong malaman. Ang aking hukbo ng mga
alagad ay lumalaki araw-araw dahil sa Mga Mensaheng ito. Malapit na
itong maging hukbo ng milyun-milyon. Nanawagan Ako dun lamang sa
mga may sapat na tapang para isuot ang Aking gwantes na armor. Ang
katapangan ay nakaugat sa pag-ibig. Iba’t iba ang mga interpretasyon ng
mga tao tungkol sa pag-ibig. Ang hinihiling Ko lang naman sa inyo ay
sabihan ang mundo tungkol sa Aking Pag-ibig. Ipaalala nyo ang tungkol
sa Katotohanang nakapaloob sa Banal na Kasulatan. Sabihan nyo sila na
malapit na Akong magbalik para ibigay sa kanila ang dakilang Regalo ng
Aking Awa. Dahil kung masyadong maaga Akong pupunta sa inyong
mundo para Maghukom, magiging parang isang disyerto ang Langit,
ganun nga kalaganap ngayon ang kasalanan.

Ikalat nyo ang Aking Magandang Balita. Ipagunita nyo sa kanila na pag
nakakaramdam sila ng pagmamahal, yung tunay at purong pagmamahal
sa isang tao, kahit sa isang sulyap lamang o sa isang mabuting gawa,
napapatunayan nyo na Ako’y naroroon noon.

Sabihin nyo sa kanila na kung wala silang pag-ibig, matutuyo at


mangunguluntoy sila hanggang sa mawala na sila nang tuluyan.

Sabihin nyo sa kanila na pag tinitingnan Ko sila, sila’y hubad at walang


makamundong mga ari-arian sa Aking Mata. Ang nakikita Ko lamang ay
ang kanilang kabutihan at kasamaan na nasa kaluluwa.

Para dun sa kawawa at takot na mga kaluluwa, na ikinahihiya ang


kanilang pamumuhay, sabihin nyo sa kanila na Ako’y Mapagpatawad,
Maawain-sa-lahat, at mainit Ko silang sasalubungin ng Aking bukas at
Mapagmahal na Mga Braso. Ang kailangan lang nilang gawin ay lumapit
sa Akin at hingan Ako ng tulong. Hindi Ko kailanman tatalikuran ang
mga pagmamakaawa ng mga makasalanan, gaano man kaitim ang
kanilang kasalanan. Pinatatawad Ko lahat ng tunay na nagsisisi para sa
anumang nakaraang pagkakasala na kanilang ginawa. Magiging mas
magaan ang kanilang puso at ang Aking Pag-ibig ay ibabalik ang Liwanag
sa kanilang buhay. Maluwalhati Akong magbabalik, mga anak, hindi
para takutin kayo, kundi para dalhan kayo ng Aking Mga Regalo, yun
mismong Mga Regalong hindi napabigay sa inyo dahil sa kagagawan ni
Satanas.

Halikayo. Itungo nyo ang inyong mga ulo. Isantabi nyo ang inyong hiya
at humingi na kayo ngayon ng tawad sa Akin. Walang nakakasindak sa
Akin, mga anak. Walang kasalanang ganung ka-grabe na hindi Ko na
pwedeng patawarin, basta’t nagpapakita ng tunay na pagsisisi. Huwag
nang mag-atubili. Hingin nyo na ngayon ang Pagtubos bago pa maging
huli na ang lahat.

Ang inyong nagmamahal na Jesucristo

Manunubos ng Sangkatauhan

Ang mga propesiyang sinabi na sa pamamagitan ng propetang


ito ay nakikita na ngayon

Miyerkules, August 24, 2011 4:38 pm


Pinakamamahal Kong anak, bawat bansa sa mundo ay pagsisikapang
basahin ang Aking Mga Mensahe na ibinibigay sa iyo. Dahil pag
nasaksihan na nila Ang Babala ay hananapin na nila ang Aking paggabay
para bigyan sila ng lakas.

Pagod ka na ngayon, anak Ko, habang tumitindi pa ang pagdurusa, pero


ilang araw na lang at bibigyan ka na ng pahinga. Kinakailangan ang
lahat ng ito sa iyo dahil kailangan Ko ng pagdurusa para matulungan
Akong tubusin yung mga taong nasa nakakakilabot na
kasalanan. Subukin mo at tingnan ang mga kabutihang dulot nito. Dahil
darating ang araw na magagalak kang kasama Ko pag nasaksihan mo
ang Mga Bunga ng Gawaing ito.

Abante, mga anak Ko, nang may lakas dahil habang ang mga
propesiyang sinabi na sa pamamagitan ng propetang ito ay nakikita na
ngayon, gayundin ang paniniwala sa katotohanan ng website na ito.

Ipanalangin nyo ngayon, mga anak Ko, na kayo, ang Aking hukbo, ay
lumaki ang bilang at magkaisa para makilahok sa espiritwal na labang
darating.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Ang Mga Kalamidad na dulot ng Klima ay mararanasan na
ngayon sa ilang bansa. Galit ang Aking Ama

Huwebes, August 25, 2011 8:00 pm

Pinakamamahal, manawagan ka sa lahat Kong prayer warrior na


ipanalangin ang iba – kabilang dito ang mga di-mananampalataya at
yung mga nabitag na ng karahasan at pagkasuklam. Desperado silang
pagala-gala para makatagpo ng pag-ibig at kapayapaan sa kanilang
buhay at nadidiskubre nilang imposible ito. Kailangang taimtim nyong
ipanalangin ang mga ito, dahil kung wala ang inyong mga panalangin,
bubulusok sila sa mga apoy ng Impiyerno. Huwag nyong hahayaang
mangyari ito. Kung mahihimok lang silang medyo lumapit sa Akin at
maging handang makinig sa Aking Mga Salita, bibigyan sila ng mga
grasya para makarga Ko sila sa Aking Mga Braso.

Anak Ko, kailangang ang mundo ay maupo ngayon at makinig sa


Akin. Malapit na nilang masaksihan ang sunud-sunod na mga lindol at
baha. Mararanasan sa ilang bansa ang mga kalamidad na dulot ng
klima. Ito ang mga parusang ibinagsak ng Aking Ama sa
sangkatauhan. Parurusahan ang kasalanan, anak Ko, at yung mga
bansang nagkasala dahil itinaguyod nila ang aborsyon, ay hindi
makakaligtas sa Kamay ng Aking Ama, dahil babagsak na ito. Dahil sa
panalangin, marami na ring parusa ang naiwasan, pero patuloy pa ring
nagkakasala ang tao at sinusugatan ang Damdamin ng Aking Ama sa
pamamagitan ng malalaswa at kasuklam-suklam na mga akto ng tao
laban sa tao, pati na sa walang-malay na mga sanggol sa sinapupunan.

Ipanalangin nyo naman ngayon ang mga anak Ko sa mga bansang hindi
makakaligtas sa parusang ito. Galit ang Aking Ama. Hindi naman Siya
basta uupo na lang at manonood habang winawasak ng tao ang
sangkatauhan. Guguhong paloob ang Lupa pag hindi napigil ang
tao. Siya, ang Aking minamahal na Ama, ay ititigil muna ang maraming
parusa hanggat hindi pa nangyayari Ang Babala. Pagkatapos nun, sa
kabila ng pagbabalik-loob ng tao, ipagpapatuloy pa rin ng tao ang
pagbalik sa kasalanan. Iginagawad ang mga parusa para ipakita sa tao
kung gaano pwedeng magmalupit ang Aking Ama. Mahal Niya lahat ng
anak Niya, pero nilikha rin Niya ang mundong ito, at hindi basta na lang
hahayaan ang tao na wasakin ito.

Ipanalangin nyo ngayon, mga anak Ko, ang lahat nyong kapatid.

Jesucristo

Hari ng Sangkatauhan
UL 12 29 13 Mensahe sa Mga Pari – huwag kayong
magpakaya sa mga grupong sekular o di-relihiyoso

Sabado, August 27, 2011 12:10 am

Pinakamamahal Kong anak, kung sana man lang ay mas maraming pari
at mga miyembro ng Simbahang Kristiyano ang bubuksan ang kanilang
isip at tatanggaping Ako ngayo’y nakikipag-usap sa mundo sa
pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, ay di sana ay mas gagaan ang Puso
Ko. Ang Aking tapat na mga alagad ang siyang naghahawak ng kandila
ng liwanag habang masigasig silang umaabante para ikalat ang Aking
mga babala sa mundo, para himukin ang Aking mga anak na tubusin ang
kanilang sarili sa Mata Ko. Anong lungkot Ko pag Aking nakikita kung
gaano ka-sarado ang mga isip nung mga sagradong lingkod na
nagsasabing sila’y nagpapahayag ng Aking Salita, ng Aking Mga Aral, sa
mundo. Nadudurog ang Aking Puso dahil sa kanila, naging napakatigas
na kasi ng kanilang puso.

Kinakatigan ng Aking Mga Aral ang katotohanang may nangyayari ngang


mga Makalangit na pagbubunyag, at ito’y nangyayari na simula pa sa
simula. Akala ba nila’y ang Aking Ina o Ako, ay hindi kakausapin ang
Aking mga anak sa loob ng mga daan-taon? Masaya nilang tinututukan
ang salita ng mga santo sa nakaraan, matagal na panahon pagkatapos
maibigay ang kanilang mga mensahe sa mundo, pero hindi na ganito
ngayon. Ang kaibhan ng panahong ito ay wala na silang panahon pa
para maunawaan ang Mga Mensaheng ito pagkatapos nitong
mangyari. Dahil ang panahong pamilyar sa inyo o alam nyo, ay
mawawala na.
Nananawagan Ako sa inyo, Aking sagradong mga lingkod at Aking Banal
na Kahalili, na basahin na ngayon ang Aking Mga Salita sa
sangkatauhan. Hindi pa kailanman nangyari na kinailangan nyo ang
Aking panghihimasok sa mga pangyayari sa mundo gaya ngayon. Kung
natatandaan nyo pa, bumangon Ako mula sa mga patay at nangakong
Ako’y babalik. Gaano kayo ka-handa ngayon? Gaano nyo kalimit
ipinaaalala sa Aking mga anak na kailangan nilang tubusin ang kanilang
sarili sa Mata Ko? Gaano kalimit nyo ginustong pakinggan ang mga
kasalanan ng Aking mga anak pag kayo’y bising-bisi? Ang pakikinig ng
Mga Kumpisal ay hindi na pinaglalaanan ng panahon. Binigo nyo Ako,
Aking mga sagradong lingkod, at dahil doon, ay napakalaki ng
pagkakasala nyo sa Akin. Ang pagkaitan ang Aking mga anak ng
karapatang tumanggap ng Mga Sakramento ay walang
kapatawaran. Gising at sundin ang Aking utos. Gawin nyo ang inyong
tungkulin sa Aking mga anak gaya ng ipinangako nyo sa Akin nang
gawin nyo ang inyong mga sagradong panata. Huwag nyo namang
talikuran ang Aking Mga Aral.

Ang pananampalataya, lalo na ng sa Aking minamahal na mga sagradong


lingkod, ay sobrang nanghihina. Kagagawan ito ng sumpa ni Satanas, na
matagal-tagal na ring lumalakad kasama nyo at gumagawa ng gulo sa
loob at labas ng Aking Simbahan. Tandaan nyo ito, Aking mga
sagradong lingkod. Si Satanas ito, na nagtatrabaho. Huwag na huwag
kayong bibigay sa kanyang mga pahirap

kaya tatalikuran nyo ang inyong tungkulin sa Akin.

Makinig na kayo ngayon sa Akin. Dinggin nyo ang Aking mga babala at
ihanda ang aking kawan, para makahanap na sila ngayon ng pagtubos
para sa kanilang mga kasalanan. Kaya kumilos na kayo, para ang Aking
Simbahan ay ipagpatuloy ang laban para sa Katotohanan ng Aking Aral
at hindi magpakaya sa mga grupong sekular o di-relihiyoso na gusto
kayong itulak sa isang sulok, na nangininig sa takot. Dahil pag ginawa
nyo yun, bumibigay kayo sa mga tukso ni masama, na ang mga
kasinungalingan niya ay winasak na ang malaking bahagi ng Aking
Simbahan.
Kayo ang aking lubid na sumasagip ng buhay, Aking mga sagradong
lingkod, at kailangan Ko na kayo ngayon para tulungan Akong sagipin
ang Aking mahal na mga anak, habang kanilang hinaharap ang mga
pahirap na pumipilipit sa kanilang kaisipan tungkol sa Aking Mga Aral at
sa Pag-iral ng Aking Amang Walang-hanggan.

Nananawagan Ako ngayon sa inyo na Ako’y pakinggan pag kayo’y Aking


tinatawag.

Ang inyong minamahal na Guro

Jesucristo

Maraming kaluluwa ang nagdurusa sa Impiyerno dahil sa


kasalanan ng pornograpiya

Linggo, August 28, 2011 5:00 pm


Pinakamamahal Kong anak, pakinggan mo ang Aking Kabanal-banalang
Salita habang Aking binabalaan ang sangkatauhan tungkol sa
kahalagahan ng paghingi ng tawad sa Aking Ama para sa kapatawaran
ng kanilang mga kasalanan.

Konting panahon na lang at halos nandyan na ang Babala. Huwag nyong


ipagpaliban para bukas ang kailangan nyo nang gawin
ngayon. Mahalaga ang pagsisisi para sa inyong mga kasalanan, bago
kayo humingi ng kapatawaran para sa inyong mga kasalanan. Dahil
kung walang tunay na pagsisisi, wala rin itong silbi.

Ang dami Ko nang nakikitang mga umitim na kaluluwa sa inyong


mundo, anak Ko. Wala na halos Liwanag sa mga ito, at kung makikita
mo kung gaano na kalalim ang kinahulugan ng tao, ay masisindak
ka. Milyun-milyon sa Aking mga anak ang araw-araw ay nahuhulog sa
isang bangin ng makasalanang kabulukan, na imposible na nilang
maligtasan pa maliban na lang kung ipananalangin mo sila. Bulag sila sa
Katotohanan, at pakitaan mo man sila ngayon ng Liwanag, mamimilipit
sila at pagtataguan lang Ako. Ipanalangin mo sila.

Ang aking mga anak, na gumagawa ng kasuklam-suklam na kasalanan,


ay natutuwa pa dahil ang kanilang masamang asal ay pinapalakpakan
dahil nagbibigay ng aliw. Ang pornograpiya ay nakakapasok sa
maraming tahanan sa buong mundo, sa pamamagitan ng mga TV
channel, na ipinapakita ang mga kasuklam-suklam na kasamaang ito
bilang katuwaan lang, na wala namang masama at ang saya-saya pa –
ang mismong mga channel na ito nga pala ay ayaw banggitin ang Aking
Ngalan. Ang karahasan din ay ginagawang kaakit-akit, hindi lang sa TV,
kundi pati sa mga laro, na ginagawa itong sobrang katanggap-tanggap
kaya itinuturing na ng mga tao ang akto ng karahasan bilang isang
natural na bagay. Ang mga demonyo ni Satanas, pag pumapasok sa mga
kaluluwa, ay nakikita sa katawan ng tao, kaya ang kanilang mga galaw ay
malinaw na nakikita ng Aking mga alagad, na pinangingilabutan sa
kanilang nasasaksihan. Ang katawan ng tao, pag sinapian ng mga
demonyo ni Satanas, ay parang halimaw ang kilos. Pangit sila gumalaw
at gagayanin nila ang mga mensaheng maka-satanas na ginagamit ni
masama para akitin ang mahihinang tao na pareho ang pag-iisip. Ang
mga mahihinang kaluluwa, na walang pagmamahal sa Diyos, ay maaakit
sa kanila at tuluyan na silang gagayanin, kaya sila man ay pararangalan
na rin si Satanas at ang lahat ng kanyang pinaninindigan sa paraan ng
pag-asal.

Mga anak, hindi nyo pa ba nakikita kung paano magtrabaho si


Satanas? Mga alagad Ko, kailangang sabihan nyo yung mga hindi
nakakaintindi kung paano siya gumagawa sa negosyo ng
pornograpiya. Hangad niyang wasakin ang mga kaluluwa at hilahin ang
mga sumasali rito sa apoy na walang-hanggan. Yung mga nagkakasala
dahil sa kanilang di-natural na sekswal na asal, at yung mga nagpapakita
ng kanilang mga katawan sa malaswa at imoral na paraan, ay magdurusa
ng napakatinding parusa magpakailanman.

Tulungan nyo na ngayong sila’y maligtas, mga anak, dahil wala silang
kaalam-alam kung gaano Ko kinasusuklaman ang kanilang imoral na
karumihan. Nababalot sila ng kadiliman. Dalhin nyo sila sa Akin, para
maakap sila ng Aking Liwanag at mailigtas sila sa mga apoy ng
Impiyerno.

Ang mga kasalanan ng laman ay Aking kinasusuklaman. Ang daming


kaluluwang nagdurusa sa Impiyerno dahil sa kasalanan ng pornograpiya
at mga di-natural na sekswal na asal. Sabihin nyo sa kanila kung ano
ang kanilang magiging kapalaran maliban na lang kung magpakita sila
ng pagsisisi.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas


Jesucristo

Yung mga nagpapahayag ng Aking Tunay na Salita sa


pamamagitan ng mga bisyonaryo, ay pagtatawanan

Linggo, August 28, 2011 11:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, pinagtatangkaan na ngayon ni Satanas at ng


kanyang mga demonyo na pahirapan ka. Kailangang tanggapin mo ang
katunayang ito at pagkatapos ay tumalikod ka na. Huwag kang tutugon,
o makikipaglaban, dahil pag tumugon ka, bibigyan mo lang si masama
ng higit pang kapangyarihan sa iyo. Huwag mong papansinin ang
kanyang mga panunukso. Humawak ka sa Aking Kamay dahil nakatayo
Ako sa tabi mo para protektahan ka sa ganung pinsala.

Sabihin mo sa Aking mga alagad na habang kinukuha nila ang Aking


Kalis at nagmamartsa sila para ikalat ang Katotohanan ng Aking
pagbalik sa Lupa, sila rin ay magdurusa. Iinsultuhin sila, pagtatawanan
at pagmumukhaing tanga habang nagsasalita sila sa Ngalan Ko. Sabihin
mo sa kanila na pag ito’y nangyari, anumang duda na meron sila tungkol
sa Mga Mensaheng ito, ay mawawala. Mga anak Ko, lagi nyong
uunawain na yung mga nagpapahayag ng Aking Tunay na Salita sa
pamamagitan ng mga tunay na bisyonaryo, ay dadanas na sila’y
pagtawanan gaya ng isang piniling kaluluwa, na ang papel na
gagampanan ay ibigay ang Aking Dibinong Mga Mensahe sa
mundo. Kayo, Aking hukbo, ay hindi maiiba. Ito’y isang leksyon na
mahihirapan kayong intindihin. Alam nyo ba, lagi kayong magdurusa sa
buhay na ito pag lumalakad kayo kasama Ko. Alam nyo rin ba na doon
nyo lang malalaman na pinapasan nyo ang Aking Krus. Dahil doon
lamang kayo magkakaroon ng karapatang ipahayag ang Aking
Salita. Wala ni isang propeta, wala ni isang apostol Ko, ang nadalian sa
daang ito. Kailangang ipanalangin nyo na magkaroon kayo ng lakas para
matagalan nyo ang mga pagsusubok na ito, na talagang susubukin ang
inyong pananampalataya.

Pag hinahawakan nyo ang Aking Krus para pagaanin ang Aking pasanin,
dadalhin nyo ang pasanin. Kung lubos kayong mananalig sa Akin,
humawak kayo sa Aking Mga Braso at hahawakan Ko kayo para bigyan
kayo ng lakas na kailangan nyo para sa paglalakbay na ito. Isang
paglalakbay na puno ng tinik kaya pwedeng magdugo ang inyong mga
paa, pero ang inyong pananampalataya ay magiging napakalakas, kaya
hindi na kayo mabubuhay kung wala ang Aking puro at walang-halong
Pag-ibig.

Kayo, minamahal Kong mga anak, ang Aking mahal na hukbo. Balang
araw, lilinya kayo sa mga daan sa Langit, na namamangha sa
kaluwalhatian, kung saan ang mga anghel ay umaawit ng papuri sa
Gawaing isinakatuparan nyo para sa Akin habang nabubuhay kayo sa
Lupa. Ginagantimpalaan Ko lahat Kong tapat na alagad para sa kanilang
katapatan at walang-pagod na pagmamahal para sa Akin. Kayo’y
pinagpala, Aking mga kaluluwang hirang, na biniyayaan kayo ng Kaloob
na makita ang Katotohanan samantalang ang iba ay basta na lang
tumatalikod.
Tandaan nyo, pinagkakalooban na kayo ngayon ng Kaloob na Espirito
Santo, kaya hindi nyo na magagawang itanggi pa Ako. Pero ang daang
ito ay magkakaroon ng maraming bato na pwedeng makasakit sa inyong
mga paa, mga malalaking bato na titisurin kayo, at yung mga mayabang
na tatayo para harangan ang inyong daan, na kakayanin kayo at
pagbabantaang bumalik kayo sa inyong pinanggalingan.

Itaas nyo ang inyong kamay at maamo nyo silang pagsabihan nang
ganito:

“Hinding-hindi ko itatanggi ang daan ng Panginoon. At hinding-hindi


ko rin itatanggi ang Pag-iral ni Jesucristo, Ang Siyang pinagtangkaang
wasakin ng sangkatauhan, hindi lamang sa Kanyang paghihirap sa Krus,
kundi pagkatapos din nito. Kaisa ko si Jesucristo. Nagsasalita ako sa
Ngalan Niya. Lumalakad ako kasama Niya. Itinataas Niya ako para ako
man, sa mababa kong paraan, ay matulungan kayong buksan ang inyong
puso sa puro at walang-halong pag-ibig na iniingatan Niya sa Kanyang
Puso para sa iyo at para sa iyo lamang.”

Mahal Kong hukbo, bangon na, ngayong pinamumunuan Ko na kayo sa


mabato pero Makalangit na daan tungo sa Bagong Paraiso sa Lupa na
naghihintay sa inyo. Siguraduhin nyo naman na isama ang
pinakamarami sa Aking naliligaw na mga anak na makikita nyo sa daan,
para magkaisa tayo bilang isang pamilya.

Ang inyong nagmamahal na Jesus

Manunubos at Pinuno ng buong Sangkatauhan


Diyos Ama:”Malakas na babagsak ang Aking Kamay sa mga
bansang isinasabatas ang aborsyon”

Lunes, August 29, 2011 12:05 am

Dumarating Ako sa Ngalan ng Aking Anak na si Jesucristo. Ako ang


Alpha at ang Omega, ang Diyos na Kataas-taasan. Gusto Kong ibigay sa
Aking mga anak sa buong mundo ang Mensaheng ito.

Ang Aking Kamay ay napipigilan sa pagparusa sa tao dahil sa kanyang


mga ginagawang kasalanan, sa pamamagitan ng
panalangin. Magpapababa Ako ng isang matinding parusa pag ang tao’y
hindi tinalikuran ang kasalanang pagpatay ng tao at aborsyon. Nakita
nyo na, mga anak Ko, ang Aking Galit sa pamamagitan ng mga lindol,
baha, tsunami at iba pang kalamidad na dulot ng kapaligiran. Kailangan
Ko kayong parusahan, mga anak,

dahil hindi nyo pwedeng iwasan ang parusa para sa inyong mga
pagkakasala sa inyong kapwa tao.
Ang mga kasalanan ng aborsyon ay parurusahan sa malakas na
pagbagsak ng Aking Kamay sa mga bansang yun na pinapayagan ang
ganitong kasuklam-suklam na bagay. Hindi kayo papayagang pumatay
sa Aking walang kalaban-labang Nilikha, at kung ang inyong mga
gobyerno ay magpapatuloy na magpasa ng mga batas na
nagpapahintulot sa duwag na asal na ito, makikita nyo ang pagbagsak ng
Aking Galit nang napakatindi ang lakas kaya magmamakaawa kayo na
Kaawaan kayong mabuhay pa. Pero wala kayong katigil-tigil sa pag-iisip
na kitilin ang buhay ng sanggol na hindi pa ipinapanganak.

Ang pagpatay ng tao ay hindi Ko na mapapayagan pa. Patitigilin na kayo


at malapit na itong mangyari. Ipanalangin nyo ang mga kaluluwa ng
mga walang kalaban-labang mga nilalang na ito at humingi kayo ng
pagtubos. Huwag nyong tatanggapin ang ganung mga batas na
ipinapasa ng inyong gobyerno, na pinatatakbo ng mga paganong walang
respeto sa buhay.

Ang Aking parusa sa mga bansang nagkasala sa pagsasabatas ng


aborsyon ay pupuksa sa mga bansa. Ang inyong mga bansa ay
magkakadurog-durog at mahuhulog sa dagat. Ang inyong masasamang
clinic at ospital, kung saan isinasagawa ang ganitong mga gawain, ay
magsasara, at kayo, yung mga maysala sa inyo, ay itatapon sa mga apoy
ng Impiyerno dahil sa inyong mga kasuklam-suklam na krimen.

Dumarating Ako para ibigay sa inyo ngayon ang Babalang ito. Huwag na
huwag nyong papayagan ang aborsyon. Manindigan kayo sa inyong mga
bansa at lumaban para pigilang maituloy ang pandaigdigang pagpuksa
ng lahi na ito. Pag ang inyong mga gobyerno ay nagpatuloy sa
pagsasagawa ng nakakakilabot na aktong ito sa Aking Nilikha, magiging
matindi ang parusa nyo.
Pakinggan nyo na itong isa sa Aking pinakamahahalagang Mga Babala sa
sangkatauhan. Kitilin nyo ang buhay ng Aking sanggol na hindi pa
ipinapanganak, at kikitilin Ko rin yung sa inyo. Ipanalangin nyo nang
taimtim, mga anak, ang pananampalataya ng lahat Kong anak dahil
patuloy nilang binabale-wala ang Aking Mga Aral na ibinibigay sa inyo
mula pa sa simula.

Diyos Ama

Piliin nyo ang inyong mga kakilala at lumapit kayo sa Trono ng


Aking Ama para sila’y iligtas

Martes, August 30, 2011 2:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, halos sumabog sa lungkot ang Aking Puso


habang pinagmamasdan Ko ang Aking mahal na mga anak, na walang
kaalam-alam sa mga pagbabagong darating.
Ganun Ko sila kamahal, kaya napapaiyak Ako dahil sa matinding
kalungkutan pag nakikita Ko silang pagala-gala sa paghahanap sa Akin,
pero wala silang magawa. Alam nilang may kulang sa kanilang buhay,
pero hindi nila matukoy kung ano ito. Ang kulang na yun ay pag-
ibig. Ako ang Pag-ibig. Ako ang kanilang hinahanap, pero hindi nila
alam kung saan maghanap. Magkaganun man, naroroon Ako’t
pasensyosong hintay nang hintay na Ako’y kanilang lapitan.

Ang daming panahong nasasayang, Aking anak. Ang mga anak Ko’y
naghahanap sa lahat ng maling lugar, naghahanap ng kasiyahan at
kapayapaang kanilang pinananabikan. Pero hindi nila ito matatagpuan
maliban na lang kung tatanggapin nila na sa pamamagitan lamang ng
kababaang-loob nila pwede itong matagpuan.

Hangga’t hindi nauunawaan ng Aking mga anak na hindi sila maaaring


mabuhay nang walang pagmamahal sa Aking Ama, mamamatay silang
walang pag-ibig at kapayapaan sa kanilang puso. Pagod na Ako, anak
Ko. Kung sana nama’y yung mga tumalikod sa Akin ay lalapit na sa
Akin. Kung sana nama’y titigilan na nila ang paghahangad ng
kapangyarihan, pera at kaluwalhatian, mula sa mga makamundong pag-
aari, malalaman sana nila ang Katotohanan.

Kailangan Ko kayong lahat, mga alagad Ko, para patuloy na ipanalangin


ang mga bulag na kaluluwang naliligaw. Huwag na huwag kayong
susuko, dahil ang inyong mga panalangin ay dadalhin sa harap ng Trono
ng Aking Ama. Pakidasal nyo naman ang sumusunod:

“Diyos na Kataas-taasan, humaharap ako sa Iyong Trono sa linggong ito,


para ipagmakaawa ang mga kaluluwa ng aking mga kapatid na ayaw
tanggapin ang Iyong Pag-iral. Isinasamo Ko sa Iyo na puspusin sila ng
Iyong mga grasya para buksan nila ang kanilang mga puso at pakinggan
ang Iyong Kabanal-banalang Salita.”
Piliin nyo naman yung mga kaluluwang kilala nyo, na ayaw kumilala sa
Diyos Ama, at ilagay nyo ang kanilang mga pangalan sa harapan ng
Aking Ama. Ang inyong handog na panalangin ay gagantimpalaan ng
kanilang kaligtasan. Hayo na, Aking hukbo, at maghanda para sa
susunod na bahagi ng espiritwal na giyerang ito laban kay masama.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Aking hukbo ay dadami at magiging isang grupo ng


mahigit sa 20 milyon

Miyerkules, August 31, 2011 9:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, bumubugso ang Aking pagmamahal sa iyo


at sa Aking mga alagad, at ito’y nagdudulot sa Akin ng malaking
tuwa. Ang tindi ng Aking pagmamahal sa inyong lahat. Ang inyong
katapatan, kababaang-loob, pananalig at purong pagmamahal sa Akin ay
lalo pang lumalakas araw-araw. Di nyo ba ito nadarama? Ito ang Aking
Regalo sa bawat isa sa inyo, Aking mga purong kaluluwa, na pinitas mula
sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay para sundan Ako sa daan
tungo sa Paraiso.

Ang Aking mga anak na pinukaw ng Espirito Santo, na ibinuhos sa


buong mundo noong Mayo, ay makakadama ng isang debosyon sa Akin
na hindi pa dati alam ng marami. Mabilis Ko na ngayong tinitipon ang
Aking hukbo at ito’y lalago at malapit na itong maging isang grupo ng
mahigit 20 milyong kaluluwa. Paglaki ng hukbo, paglakas din naman ng
Espirito Santo na titipunin at pagkakaisahin ang Aking mga anak para
labanan si manloloko. Ang Aking Dibinong paggabay ay pumasok na
ngayon sa inyong mga kaluluwa, alam nyo man ito o hindi. Para kayong
may switch sa loob. Pagtawag ng Aking Pag-ibig, natural kayong tutugon
para papagbaliking-loob ang iba. Ito ang Kapangyarihan ng Espirito
Santo, at ito’y nadarama na ngayon sa bawat sulok ng Lupa.

Lahat ng relihiyon, lahat ng pananalig, lahat ng lahi at lahat ng bansa ay


tutugon na ngayon sa Liwanag ng Katotohanan. Napakahalaga ng lahat
ng ito sa Aking Amang Walang-hanggan. Nilalapitan na Niya ang bawat
lalaki, babae at bata, para marinig nila ang Kanyang tawag. Hindi
matatagalan ni Satanas ang mga panalanging dadasalin ng Aking mga
alagad. Luluwag ang kanyang hawak, at malapit na itong mangyari.

Ginagalit siya ng panalangin at ng pananampalataya ng Aking mga


alagad. Dahil wala na siyang lakas para magtanim ng mga duda sa isipan
ng Aking tapat na mga alagad, ibabaling niya ang kanyang pansin sa mga
makasalanang mahihina. Litung-lito na ang mga anak na ito, at winasak
na ng kasalanang mortal, kaya maaakit sila sa kanya. Dahil sa kadiliman
ng kanilang mga kaluluwa, hindi na nila magagawang depensahan pa
ang kanilang mga sarili. Taimtim nyong ipanalanging ang kanilang mga
kaluluwa’y maligtas.
Ito ang panahon na ang Aking Simbahan, nahaharap man sa
pambihirang mga balakid na dulot ng kasalanan, ay muli ngayong
itatayo ng Aking mga alagad sa Lupa. Mangangailangan ito ng panahon,
pero pag ito’y nangyari, ang Aking Simbahan ay mababalik sa dati nitong
Luwalhati, at magkakaroon ito ng panibagong lakas.

Ito, kasama ng lahat Kong bayang hinirang, ay sasanib sa Maluwalhating


Kaharian ng Aking Ama. Ang tamis ng pangyayaring ito, pag napalayas
na sa mundo si Satanas at lahat ng masamang bagay, ay dapat nyong
mapagmahal na salubungin, mga anak. Ito ang Bagong Panahon ng
Kapayapaan na dapat nyong panabikan sa Lupa. Ang mga panahong
darating, mga anak, ay maaaring maging mahirap. Tumutok lang kayo
sa Akin at makakalabas kayo nang buhay. At pagkatapos ay darating na
ang kapayapaang inyong pinakahihintay.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
UL 1 1 14 Ang Hirap Umakyat sa Hagdang patungo sa Paraiso

Sabado, September 3, 2011 11:50 pm

Pinakamamahal Kong anak, huwag mo nang lokohin ang iyong


sarili. Naibaling ni manloloko ang atensyon mo palayo sa Akin nitong
mga huling araw. Ang dahilan mo ay ikaw ay bisi, pero hindi talaga ito
ang totoo. Sa sobrang tuso niya, nagawa niyang guluhin ang bawat
minuto ng iyong panahon. At habang nangyayari ito, alam mong hindi
ka naglalaan ng panahon para sa Akin. Di ba? Nadama mong para kang
naguguluhan at nawawala, at parang hungkag ang iyong kalooban
habang wala Ako. Lagi man Akong malapit sa iyo sa buong panahong
nangyayari ito, pinayagan Ko pa ring maramdaman mong parang
pinabayaan na Kita. Kaya ngayo’y naramdaman mo na ang kawalang-
pag-asa ng mga kaluluwang tinatanggihan Ko dahil sa
kasalanan. Mahalaga lahat ito para sa iyong espiritwal na
paglago. Magmukha mang walang-saysay na payagan Ko ito, bahagi pa
rin ito ng iyong pagsasanay tungo sa kabanalang kinakailangan at
hinihiling Ko sa iyo. Ikaw, mahal Kong anak, ay patuloy na makakadama
ng isang klase ng pagka-abandona, paminsan-minsan, gaya ng
maraming kaluluwang nasa ganito ring daan.

Ang hagdang patungo sa perpeksyong espiritwal ay napakahaba. Para sa


bawat hakbang ng mga kaluluwa palapit sa Akin, aatras sila ng isa,
dalawa at higit pang hakbang. Kaya hinihiling Ko sa iyo, anak Ko, na
sabihan ang lahat Kong alagad na kanilang maingat na paghandaan ang
hagdanang ito, na kinakailangan bago nila marating ang pinakamataas
na baitang. Sa Aking Mensahe noong November 24, 2010, nang una
Kong sabihin sa iyo ang tungkol sa hagdanang ito, ipinaliwanag Ko sa iyo
kung paano may ilang tao na sobrang bilis umakyat sa mga baitang na
ito. Pero mali yun. Alam mo, Ako ang Siyang umaakay sa inyo sa buong
panahon ng inyong pag-akyat.
Mga anak Ko, kailangan nyong akyatin ang bawat baitang ng hagdanang
espiritwal bago nyo marating ang mga pinakamatataas na baitang na
patungo sa pinto ng Paraiso. Konting pasensya. Huwag kayong
masiraan ng loob pag kayo’y nahulog. Basta tumayo lang muli at
magsimulang umakyat hanggang itaas.

Mga anak, hahawakan Ko kayo sa kamay at aakayin hanggang itaas,


payagan nyo lang Ako.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Mensahe ng Birheng Maria: Pagka-abandona ng isang victim


soul

Linggo, September 4, 2011 9:50 pm


(Ang Mensaheng ito ay natanggap pagkatapos mag-Rosaryo ng
bisyonaryo at pagkatapos ng isang aparisyon kung saan napakita ang
Pinagpalang Ina sa loob ng 20 minuto, sa isang pribadong silid na
dasalan.)

Ako’y dumarating sa Ngalan ng aking minamahal na Anak na si


Jesucristo. Ako ang Banal na Ina ng Diyos.

Anak ko, nagdurusa ka para sa aking Anak, at hindi naging madali ang
nakaraang linggo habang nilalabanan mo ang puwersa ng kasamaan
para manatiling tapat sa aking mahal na Anak. Pinupuntahan kita
ngayon para sikaping ipaliwanag ang nangyayari. Bilang isang victim
soul, daranas ka ng mga panahon ng pagka-abandona pag lahat ng ala-
ala sa aking Anak ay nawala na sa iyong isip. At pagkatapos, pag sinikap
mong maglaan ng panahon para magdasal, madidiskubre mong hindi
mo ito magawa. Pagkatapos nito, malilito ka at ang pananabik sa
Presensya ng aking Anak ay magdudulot sa iyo ng dalamhati. Huwag
kang mababahala, dahil mahirap man ito, isa pa rin itong klase ng
pagdurusa, na kailangan mong maranasan bilang isang victim soul.

Ipanalangin mo naman na mabigyan ka ng tapang at mga grasya para


tanggapin ang bagong uri ng pagdurusang ito, na lilito sa
iyo. Ipagpatuloy mo ang araw-araw na Misa at pagtanggap ng Kabanal-
banalang Eukaristiya, anuman ang kaharapin mo. Pipilitin ka ni
manloloko na talikuran ang Gawaing ito. Di na magtatagal at
pababayaan mong atakihin ng mga duda ang iyong kaluluwa. Sabihin
mo sa lahat na ipanalangin ka nila ngayon. Dahil ang iyong regalo sa
aking Anak ay patuloy na nagliligtas ng mga kaluluwa sa lahat ng
dako. Huwag na huwag mo itong kalilimutan gaano man kahirap ang
iyong pagdurusa.
Anak ko, lagi kitang kakausapin pag nawawalan ka ng direksyon, dahil
ako ang iyong minamahal na Ina. Lagi akong naririto para protektahan
kita at akayin tungo sa aking Anak, para masunod ang kanyang mga
kagustuhan. Hayo na sa pag-ibig at kapayapaan.

Ang iyong minamahal na Ina

Reyna ng Kapayapaan

Ang mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyo mismong sarili ay


talagang mas mahirap kaysa akala mo

Linggo, September 4, 2011 10:00 pm

Anak Ko, ito na ang panahon para pakinggan ang Aking mga iniuutos na
alertuhin na ang Aking mga anak tungkol sa darating na mga panahon
para ihanda ang lahat Kong alagad sa kanilang pangangailangang
magpatuloy sa araw-araw na panalangin. Kailangan din nilang
tanggapin ang Aking Katawan sa hugis ng Banal na Eukaristiya at
manalangin para sa pagliligtas ng mga kaluluwa.

Mas pinapakinggan na ng mga anak Ko ang Aking Mga Mensahe habang


nagsasama-sama silang manalangin para sa lahat Kong anak araw-araw,
bago pa mangyari Ang Babala.

Pagmasdan nyo ang inyong mga kapatid sa pamamagitan ng Aking Mga


Mata, na nakikita sila bilang mga milagrong likha na ibinibigay ng Aking
Amang Walang-hanggan bilang isang Regalo sa sangkatauhan. Bawat
nasabing kaluluwa ay minamahal nang pantay-pantay. Walang
pagkakaiba sa Mata ng Aking Ama. Kung kayo, mga tapat Kong alagad,
ay mahal Ako, mamahalin nyo ang Aking Ama. Gayundin naman, kung
tunay ang pagmamahal nyo sa Aking Ama, mamahalin nyo ang inyong
mga kapatid. At lalo na yung mga nakakasakit sa inyo dahil sa kanilang
asal. Merong iinsultuhin kayo, pagtatawanan at sisirain ang inyong
magandang pangalan, kaya masasaktan kayo at ang inyong
pamilya. Maaaring kakilala nyo sila nang personal, o pwedeng nasaktan
kayo dahil sa kagagawan nila, na maaaring sobrang makapinsala sa
kakayahan nyong damitan at pakanin ang inyong pamilya. Gaano man
kayo saktan ng mga tao, hinihiling Ko sa inyo, sa Ngalan Ko, na sundin
nyo ang Aking ginagawa. Ipanalangin nyo sila, lalo na yung mga
nakakapinsala sa inyo. Dahil pag ipinananalangin nyo sila, pinalalabnaw
nyo ang pagkasuklam na ibinubuga ni Satanas, yun bang pagkasuklam
na pwedeng ipasok sa inyong isip na kayo’y maghiganti.

Ito ang isa sa mga pinakamahirap sa lahat Kong Mga Aral.

Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Talagang mas


mahirap ito kaysa akala nyo. Pag nagagawa nyo na ang aktong ito na
isang napakadakilang kagandahang-loob, matutulungan nyo na Akong
isakatuparan ang Aking plano na magligtas ng mas marami pang
kaluluwa.
Ang inyong minamahal na Guro at Kaibigan

Jesucristo

Magsagawa na ng mga Divine Mercy Vigil ngayon – Malapit na


Ang Babala

Lunes, September 5, 2011 9:00 pm

(Pansinin: Dalawang mensahe ang tinanggap ngayong gabi mula kay


Jesucristo. Sa unang Mensahe, na isang pribadong pagbubunyag,
ibinigay sa bisyonaryo ang mga detalye ng panahong pangyayarihan ng
Babala. Ang paglalathala ng mga ito ay ipinaubaya sa bisyonaryo na
nagpasiyang huwag nang ilathala ang mga ito ngayon. Sa halip, ibinigay
ang mga ito sa isang pari para ingatan. Ang Mensahe ay ilalathala
pagkatapos mangyari Ang Babala. Ang ikalawang Mensahe ay isang
Mensahe para sa mundo ngayon.)
Minamahal Kong anak, malapit na ngayon ang panahon. Ang
panalangin ay nakatulong sa Aking minamahal na Kahalili, na si Santo
Papa Benedicto, para mapaglabanan ang panloob na pakikihamok na
kinakaharap niya mula sa masasamang puwersa. Ang kanyang panahon
sa Vatican ay napahaba.

Hinihimok Ko lahat ng Aking mga alagad na magsagawa ng mga prayer


meeting at mga Divine Mercy Vigil para sa lahat Kong kawawang anak na
naliligaw palayo sa Akin at sa Aking Amang Walang-
hanggan. Kailangang-kailangan nila ang inyong mga panalangin. Ang
panalangin, at marami nito, ay kinakailangan na ngayon para sagipin
sila. Ipag-alay nyo ng Mga Misa yung mga pwedeng mamatay habang
nangyayari Ang Babala dahil sa kalagayan ng kanilang
kaluluwa. Kailangan nila ang inyong mga panalangin. Magkaisa
kayo. Sama-sama kayong maghawakan ng kamay kasama Ko.

Ang inyong minamahal na Jesucristo

Birheng Maria: Lagi nyong papakinggan ang inyong puso

Martes, September 6, 2011 8:20 pm


Ako’y dumarating sa Ngalan ng aking minamahal na anak na si
Jesucristo. Ako ang iyong Pinagpalang Ina.

Anak ko, ikaw ay inuusig. Lahat na ng pagsisikap ay ginagawa ni


manloloko para linlangin ka. Anak ko, isang tinig lamang ang kailangan
mong sundin at yun ay ang Tinig ng aking mahal na Anak na si
Jesucristo.

Armasan mo na ngayon ang iyong sarili, anak ko, dahil dadami pa ang
mga pag-atake sa iyo, gayundin ang iyong pagdurusa. Malalagpasan mo
ito sa pamamagitan ng mga grasyang ibibigay ko. Tama na yang mga
takot at dudang iniisip mo.

Huwag mong hayaang guluhin ka, dahil kagagawan yan ni


manloloko. Hindi yan naggagaling sa aking Anak.

Lagi kang makikinig sa iyong puso, at malalaman mo ang


Katotohanan. Ako ang iyong minamahal na Ina, at mahal kita, kaya
hayaan mong bigyan kita ng lahat ng proteksyon laban kay masama.

Humayo ka sa kapayapaan at pag-ibig.

Ang iyong minamahal na Ina

Inang Reyna ng Kapayapaan


Habang ang pananampalataya ng Aking mga alagad ay
lumalakas, dumarami rin ang mga pag-atake sa kanila

Martes, September 6, 2011 8:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang tindi ng iyong pagdurusa para sa Akin,


at ang lakas mo na rin dahil dito.

Napapalibutan ka ng Aking Proteksyon. Huwag kang matakot. Habang


patuloy ang Gawaing ito sa pagpapabalik-loob ng mga kaluluwa,
gayundin yung mga pag-atake ni Satanas. Tanggapin mo na ito. Huwag
kang magpa-istorbo rito.

Lagpasan mo ang mga hamon at itutok mo ang iyong paningin sa Akin sa


lahat ng oras. Dahil pag ginawa mo ito, wala nang kwenta lahat ng iba
pa.
Kaparehong pagdurusa ang madarama ng lahat Kong alagad habang ang
Espirito Santo ay patuloy at walang-pagod na inaakit ang mga kaluluwa
ng lahat Kong anak sa lahat ng dako. At habang ang kanilang
pananampalataya sa Akin ay lumalakas, gayundin madadagdagan ang
mga pag-atake sa kanila ng iba. Sila, na Aking mga alagad, ay
mapapansing kailangan nilang harapin ang mga pakikipagtalo, at
aksyunan ang mga pambihira at abusadong mga komento at reaksyon
mula sa mga di-mananampalataya, na mahihirapan silang
aksyunan. Sabihan nyo naman sila na asahan na nila ito ngayon, dahil
nalalapit na ang panahon ng Babala.

Si Satanas at ang kanyang mga demonyo, na hindi nakikita ng mata ng


tao, ay sinisikap wasakin ang pag-ibig sa mga kaluluwa ng Aking mga
anak. Nagtatanim siya ng pagsususpetsahan. Lumilikha siya ng mga
pagtatalo at nagtatanim ng mga duda. Puno siya ng pagkasuklam sa
sangkatauhan. Lilikha siya ng giyera sa pagitan ng mga bansa,
magkababayan at sa loob mismo ng mga pamilya. Lahat ng ito’y mga
paborito niyang mga taktika at permanenteng palatandaan ito ng
kanyang tusong gawain. Kilalanin nyo ito kung ano ito – si Satanas na
nagtatrabaho. Labanan nyo siya, mga anak, sa pagiging matatag
nyo. Hilingin nyo sa Aking minamahal na Ina na kayo’y kanyang
protektahan, dahil siya ang kanyang pinakamalaking kalaban. Ang
kapangyarihan ni Satanas ay bibigay pag tumawag kayo sa Aking
Pinagpalang Ina na kayo’y kanyang tulungan.

Ang mga panahong ito ay hamon sa lahat Kong alagad sa lahat ng


dako. Bawat pagsisikap, mula sa bawat panggagalingan – mga kaibigan,
pamilya at kasamahan ay gagawin, sa pamamagitan ng trabaho ni
manloloko, para ipagtulakan kayong talikuran Ako, mga anak Ko.
Pahintuin nyo siya gaya ng sinabi Ko na sa inyo. Panalangin at debosyon
sa Kalinis-linisang Puso ng Aking Pinagpalang Ina ang inyong magiging
armor.

Magpakatatag kayo ngayon, ha? Mahal Ko kayong lahat.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo.

Huwag nyong katakutan Ang Babala – Hintayin nyo ito nang


may galak

Miyerkules, September 7, 2011 11:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, sabihin mo sa Aking mahal na mga anak na


huwag nilang katakutan Ang Babala. Maraming natatakot, at
nauunawaan Ko naman. Pero kailangan nila Akong pakinggang
mabuti. Pupuntahan Ko ang bawat isa sa inyo. Makikita nyo Ako at
madarama sa inyong puso at kaluluwa. Ang Aking Presensya ay aapaw
sa inyong kaluluwa nang may pinakapurong Pag-ibig at Malasakit, kaya
dapat kayong matuwa. Sa wakas ay makikita nyo na rin Ako, at ang
inyong kaluluwa ay mababalot ng pagmamahal at pananabik.

Para naman sa mga makasalanan at mga di-mananampalataya,


karamihan sa kanila ay talagang magiginhawahan; dahil ang pagsaksi sa
Aking Banal na Presensya ang siyang magiging Dugo na kinakailangan
para bahain ang kanilang kaluluwa ng pagkaing kay tagal na nilang
pinanabikan. Marami ay mararamdaman ang pahirap na tiniis Ko, pag
nakita nilang nalaladlad ang kanilang mga kasalanan sa harapan
nila. Madudurog ang kanilang puso pag nakita nila kung paano nila Ako
sinaktan, at magmamakaawa sila na sila’y Aking patawarin.

Ang mga batang nakaabot na sa edad na alam na nila ang tama at ang
mali, ay makikita rin kung paano nila Ako sinaktan sa pamamagitan ng
kasalanan. Sa maraming pagkakataon, yung mga batang itinatanggi ang
Aking Pag-iral kahil alam nila ang Katotohanan, ay tatakbo palapit sa
Akin. Sasabihin nila sa Akin na akapin Ko sila at hindi na sila papayag
na pakakawalan Ko pa silang muli.

Maging ang mga pinaka-tigasing makasalanan ay hindi pwedeng hindi


maapektuhan ng makalangit na pangyayaring ito. Mga anak, huwag
nyong pansinin ang mga tsismis. Huwag nyong pansinin ang mga
kamangha-manghang kwento. Walang dapat ikatakot. Ang Babala ay
dapat hintayin nang may lubos na kaligayahan sa inyong puso.

Ang panahong yun ay hinihintay Ko nang may napakalaking


pagmamahal sa Aking Puso pag ibubuhos Ko na ang Aking Dibinong
Awa sa bawat isa sa inyo sa lahat ng dako sa buong mundo. Ito ang
sandali na, pagkatapos nito, ay malalaman nyo na kung gaano kayo ka-
swerte, kayo na kabilang sa henerasyong ito. Paano nyo hindi makikilala
ang Awa na ipapakita sa sangkatauhan? Noong panahong nakaraan, ang
daming namatay sa kasalanang mortal. Ngayon, lahat ng makasalanan
ay mauunawaan na rin sa wakas ang Katotohanan.

Hindi madali para sa Aking mga anak na tanggapin ang Pag-iral Ko o


yung sa Aking Amang Walang-hanggan. Kung walang materyal na
katibayan, marami ay ayaw Akong kilalanin. Maraming hindi interesado
o hindi naniniwala sa Makalangit na Kaharian. Ang Pangyayaring ito ay
imumulat sila sa simpleng katunayan na ang buhay ay hindi natatapos sa
Lupa. Nagpapatuloy ito magpakailanman. Ito ang dahilan kung bakit
kinakailangan nilang ihanda ang kanilang kaluluwa.

Ang Babala ay ipapakita sa kanila kung ano ang kailangan nilang gawin
para ituwid ito. Tandaan nyo, mga anak, na Ako ang inyong
Tagapagligtas. Mahal Ko kayong lahat sa paraang lagpas pa sa kaya
nyong isipin. Hintayin nyo ang Aking pagdating nang may pagmamahal
at kapanatagan. Huwag kayong matatakot sa kamangha-manghang
panoorin sa langit at sa kulay ng mga sinag, na kakalat sa lahat ng dako
para i-anunsyo ang Aking pagdating. Ihahanda kayo nito para sa
sandaling yun.

Ipanalangin nyo naman na ang buong sangkatauhan ay makakadama ng


tuwa sa kanilang puso, dahil ang ibig sabihin ng pangayayaring ito ay
kaligtasan para sa sangkatauhan sa lebel na magliligtas ng napakaraming
kaluluwa at bibigyan sila ng kakayahang makapasok sa Bagong Paraiso
sa Lupa.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Huwag na huwag nyong babantaan ang iba sa Ngalan Ko

Sabado, September 10, 2011 3:30 pm

Kinakausap Kita ngayong araw, pinakamamahal Kong anak, tungkol sa


pangangailangang sundin Ako sa lahat ng bagay. Anak Ko, lahat Kong
alagad, para maging karapat-dapat sa Aking Pag-ibig at debosyon, ay
kailangang i-respeto ang Mga Utos ng Aking Ama. Mabigo man sila
paminsan-minsan, kailangan pa rin nilang laging pagsikapang sundin
ang Batas ng Pag-ibig. Magmahalan kayo at unahin nyo ang
pangangailangan ng inyong kapwa bago ang sa inyo. At lahat ay
magkakaroon ng kaayusan.

Yung mga nagsasabing sila’y Aking mga alagad, ay kailangang maging


napaka-ingat kung paano nila ikakalat ang Aking Kabanal-banalang
Salita. Pag sila’y nahulog sa bitag ng kayabangan, na sila na lang lagi ang
tama o kinokondena nila ang iba sa Ngalan Ko, labis nila Akong
sinasaktan. Huwag na huwag nyong babantaan ang iba na makakaasa
sila ng parusa mula sa Akin. Huwag na huwag nyong sasabihan ang iba
na sila’y Aking paparusahan dahil galit kayo sa kanila sa anumang
dahilan; dahil pag ginawa nyo ito, nagkakasala kayo sa pagtanggi sa
Akin, dahil binabaluktot nyo ang Katotohanan para ibagay ito sa inyong
plano. Huwag na huwag nyong aakalaing kayo’y mas mabuti kaysa iba
dahil nasa inyo ang prebilehiyong malaman ang Katotohanan.

Mga anak, mahal Ko lahat Kong anak, kahit na sila’y nagkakamali at


naliligaw. Ipanalangin nyo sila palagi kung sinasabi nyong kayo’y tapat
Kong alagad. Sige lang, ipahayag nyo ang Katotohanan. Lagi nyo silang
sabihan tungkol sa Aking malaking Pagmamahal sa Aking mga
anak. Pero huwag na huwag nyo silang huhusgahan. Huwag na huwag
nyong sasabihan ang iba na ang kanilang mga kasalanan o yung inaakala
nyong kanilang mga kasalanan, ay paparusahan Ko sa isang natatanging
paraan, dahil wala kayong karapatang gawin ito.

Simple lang ang Aking Mensahe ngayong araw. Pag mahal nyo Ako at
nagsasalita kayo sa Ngalan Ko, huwag na huwag nyong itataas ang
inyong sarili dahil dito. Huwag na huwag nyong babantaan ang inyong
mga kapatid o sisiraan sila sa Ngalan Ko.

Tandaan nyo, dahil kayo’y Aking mga alagad, tatargetin kayo ni


manloloko dahil nga sa inyong pananampalataya. Kaya kailangan nyong
mag-ingat at baka malinlang niya kayo at itulak kayo para magkasala sa
inyong kapwa.

Magpakatatag kayo, mga anak Ko. Ibinibigay Ko ang Mensaheng ito


para gabayan kayo at panatiliin kayo sa tamang daan tungo sa Akin.

Ang inyong minamahal na Jesus

Hari ng Sangkatauhan
UL 1 3 14 Anuman ang inyong relihiyon, iisa lamang ang
Diyos

Linggo, September 11, 2011 7:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, pag ang Aking mga anak ay nawawalan ng


pag-asa, natatakot o malungkot na nag-iisa, sabihin mo sa kanila na
kailangan nilang lumapit sa Akin. Hindi pa kailanman nangyari na ang
dami sa Aking mga anak ang nakadama na walang-saysay ang kanilang
buhay. Wala na nga silang direksyon ay pakakanin pa sila ng basura,
kaya talagang litong-lito na sila. Araw-araw pinakakain sila ng media ng
mga kwento, na nagpapakita ng kasamaan sa mundo sa dami ng
nagkakagulong mga bansa. At wala ring pagkaing espiritwal, at sa halip
nito, ay isang dyeta ng mga kasinungalingan pag kayo’y sinasabihan
kung gaano kaganda ang mga makamundong ambisyon. Lahat ng ito,
makamtan nyo man, ay bibiguin pa rin kayo. At pag pinagsikapan nyong
makamtan ang ganung mga adhikain, mababalisa kayo sa pagsisikap na
maabot ang ganitong matataas na lugar, at muli kayong mabibigo.

Tandaan nyo, Ako ang inyong Pagkain, mga anak. Sa pamamagitan Ko


lamang kayo makakatagpo ng tunay na kapayapaan, kasiyahan at purong
pag-ibig sa inyong puso. Imposibleng makamtan ang ganitong klase ng
kapayapaan saan pa mang ibang lugar.

Lumapit na kayo ngayon sa Akin, bawat isa sa inyo na may lungkot sa


inyong puso. Hayaan nyong hawakan Ko kayo at paginhawahin. Dahil
kayo, mga anak Ko, ang Aking mga nawawala, pero mahal na mga
kaluluwa. Marami sa inyo ang naligaw na at hindi na alam kung paano
babalik sa Aking kawan. Ang ilan naman sa inyo ay pumili na ng ibang
kawan – isang kawan na hindi sa Akin.

Pakinggan nyo ang Aking tawag, dahil pag narinig nyo ang Aking Tinig
sa inyong kaluluwa, malalaman nyo ang Katotohanan. Ako ang inyong
daan tungo sa Amang Walang-hanggan. Tandaan nyo, na marami sa
inyo na nagbibigay ng iba’t ibang ngalan sa Diyos Amang
Makapangyarihan-sa-lahat, ay maaaring pareho pa ring Diyos ang
inyong sinasamba. Iisa lamang ang Diyos. Malapit na ang panahon na
ang Kanyang Kaluwalhatian ay mabubunyag sa mundo. Anuman ang
inyong interpretasyon, Ang Diyos Ama ay Pag-ibig. Ang Kanyang Awa ay
sumasakop sa lahat. Halikayo; lumapit na kayo ngayon sa Kanya, saan
man kayo naroroon sa mundo. Hinihintay Niya ang inyong tawag.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Ang Parusa ay mababawasan sa pamamagitan ng panalangin

Lunes, September 12, 2011 12:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, malapit nang huminto ang mundo at ang


panahon pagkatapos ng Babala ay babaguhin ang pananaw ng tao sa
mundo. Mawawala na ang pananabik sa mga materyal na kasiyahan at
kalabisan. Mawawala na ang pagsamba ng tao sa mga sikat at
mayaman. Mawawala na ang mabilis na pagkondena o pagmamalupit sa
kapwa.

Ang bagong mundo, pagkatapos ng Babala, ay magiging isang lugar kung


saan ang pagmamahal sa Akin at sa Diyos Ama ay titingnan nang may
respeto. Maraming pinuno ng mga bansa, na hindi kasapi sa
Kristiyanong pananampalataya, ay magbibigay-galang sa Aking
Ama. Yung mga nasa lugar ng kapangyarihan, na may kontrol sa pera ng
tao, ay dagsa-dagsang magisisisi. Marami pang huhubarin ang kanilang
tapal-tapal na kapangyarihan at ipapamahagi sa kanilang mga kapatid
ang tinapay na nagmumula sa Diyos Ama. Ang tinapay naman kasing ito
ay para sa lahat at dapat lang na ibahagi nang pantay-pantay.

Maraming mabubuting bagay ang sisibol dahil sa Babala. Pero marami


pa ring kaluluwa ang hindi pa magiging sapat ang lakas ng kanilang
pananampalataya. Malungkot, pero babalik sila sa dati nilang
gawi. Maaakit sila ng mga pangako ng kapangyarihan, kayamanan, pag-
kontrol at pagmamahal sa sarili, kaya tatalikuran nila ang Diyos
Ama. Malalaman nila ang Katotohanan, pero hindi ito magiging sapat
para sa kanila. Ang kawawa at mahihinang mga makasalanang ito ay
magiging isang tinik sa inyong tagiliran, mga anak. Kung wala ang
inyong panalangin, ang kanilang mga kasalanan ay magdudulot ng
malaking gulo sa isang mundo na nabawi na sa panahon ng bagong
paglilinis nito.

Ang panalangin, mga anak Ko, ay napaka-importante. Kailangang


hilingin nyo sa Diyos Ama na Kanyang tanggapin ang inyong pakiusap
na ipawalang-bisa ang pag-usig na pinaplano ng mga taong ito. Pag
sapat ang panalangin, makakabawas ito ng malaking bahagi ng kilabot
na tatangkaing ipadama sa mundo ng mga makasalanan. Ang dami sa
inyo na walang kamalay-malay sa mga planong ginagawa nang palihim
sa likod nyo. Tuloy-tuloy ang mga pagbubunyag ng mga palatandaan,
pero hindi pa rin nyo makita ang mga ito.

Mga anak Ko, habang lumalago ang inyong pananampalataya,


ipanalangin nyo na ang Espirito Santo ay makaabot sa mga
makasalanang ito at mabalot ang kanilang mga kaluluwa. Ako ang
inyong mahal na Jesus, at poprotektahan Ko kayo, minamahal Kong mga
alagad. Sa ilalim ng Aking pamumuno, iniuutos Ko sa inyo na kayo’y
manalangin, hindi lamang para sa mga makasalanang kaluluwang ito,
kundi para rin ang pag-usig sa mga ordinaryong mga lalaki, mga babae
at mga bata, ay matigil na. Kung yung mga may kagagawan nito, na
lalaban sa Aking Ama, ay magpapatuloy sa sobrang pananakot nila sa
mga inosenteng tao gamit ang mga bagong pang-kontrol na pakakawalan
nila sa mundo, parurusahan sila.

Ang mga makasalanang ito ay binibigyan ng pinakadakilang Awa na


maaaring ibigay mula noong Ako’y Ipako sa Krus. Kailangan nilang
akapin ang Babala, dahil ito na ang huling pagkakataong bibigyan sila ng
tyansa na sila’y matubos. Kung hindi, mahaharap sila sa isang
nakakakilabot na parusa. Ang parusang ito, na ipapataw ng Kamay ng
Makalangit na Katarungan, sa pamamagitan ng Aking Amang Walang-
hanggan, ay hindi kasiya-siya. Nai-propesiya man ang Malaking
Parusang ito, mababawasan pa rin ito sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng panalangin.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Hari ng Awa, Jesucristo

Mga Pagbabagong ipapatupad sa Simbahan, na sasalungatin


ang Salita ng Diyos

Martes, September 13, 2011 3:15 pm

Pinakamamahal Kong Anak, Ako ito, si Jesucristo , na Siyang


dumarating sa katawang-tao.

Ang Aking Kabanal-banalang Salita ay kailangan na ngayong marinig ng


lahat Kong sagradong lingkod sa lahat ng dako. Ang lahat Kong alagad
ay kailangang ibahagi ang Mga Mensaheng ito sa Aking mga sagradong
lingkod ng lahat ng Kristiyanong sekta. Mahalagang himukin silang
pakinggan ang Aking Salita sa napaka-kritikal na panahong ito, bago sila
mawarak at mahati sa dalawang kampo.

Ang gawain ni manloloko ay nakapasok na sa Aking Simbahan sa lahat


ng lebel. Malapit na malapit na, dahan-dahan pero sigurado, makikita
nyong ang Mga Banal na Misa ay binabawasan. Makikita nyo ang pag-
aalis ng mga natatanging panalangin at ilan sa Mga Sakramento, gaya ng
Kumpisal, ay magsisimulang kumonti. Nananawagan Ako ngayon sa
Aking sagradong mga lingkod, na Ako’y pakinggan at manalangin na
sila’y makaunawa. Ako ito na Siyang tumatawag sa inyo ngayon, para
masagip Ko ang inyong kawan. Ako ito na Siyang may gustong buksan
ang inyong puso para makapagplano kayo para sa mga pangwakas na
panahong ito, na iaanunsyo ang isang bagong-bagong simula para sa
mundo.

Malapit na kayong sabihang magpakita ng katapatan sa pekeng


propeta. Tingnan nyo siya kung sino talaga siya at suriin nyo ang
kanyang mga ginagawa para makita kung magbubunga ang mga
ito. Dahil ang bungang ibibigay niya at ng kanyang mga aliping alagad
ay magiging bulok hanggang sa buto. Isang kagat lamang ay sisirain na
ang inyong katapatan sa Akin. Dalawa o higit pang kagat ay lilikha na ng
hadlang sa pagitan nyo at ng Aking Sagradong Puso at magiging halos
imposible nang makapasok pa kayo sa Kaharian ng Aking Ama.

Bantayan nyo nang mabuti ngayon ang mga pagbabagong makikita


nyong gumagapang sa inyo mismong ministeryo. Ilan sa mga
pagbabagong ito ay magmumukhang hindi naman problema sa
simula. Pero sa paglipas ng panahon, merong ilang pagbabagong ipipilit
na sa inyo at ipapalunok na sa inyo ang mga kasinungalingan. Ang mga
kasinungalingang ito ay manggagaling kay Satanas at madadamitan ito
ng kasuotan ng tupa.
Yung malilinis ang puso sa inyo ay agad malalaman at makikilala ang
kasamaang nangyayari sa tusong paraan, na sadyang ginawa para
wasakin ang Aking Simbahan sa Lupa, mula sa loob ng mga pasilyo nito.

Ang Aking Katotohanan ay magpapalaglag sa mga panga ng Aking mga


nagagalit na mga pari na magsasabing, “sigurado akong ang propesiyang
ito ay isang kasinungalingan!” Ang kasinungalingan lamang na
kailangan nilang saksihan ay yung paaaprubahan sa kanila nang
sapilitan, na deretsahang sumasalungat sa Aking Sagradong Kasulatan
na ibinigay na sa sangkatauhan mula pa sa simula. Huwag na huwag
nyong tatanggapin ang anupamang ibang Katotohanan maliban sa yung
nakapaloob sa Banal na Biblia.

Maraming pagbabago ang ipapatupad, na sasalungatin ang Salita ng


Aking Amang Walang-hanggan. Ang mga pagbabagong ito, mahal Kong
mga sagradong lingkod, ay hindi makalangit ang pagmumulan at
kailangan nyong tanggihan ang mga kasinungalingang ito kung gusto
nyong manatiling tapat sa Akin.

Gising. Labanan nyo yung mga kasinungalingang kailangan nyong


harapin. Huwag na huwag nyong tatanggapin ang mga ito. Ang Salita
ng Aking Amang Walang-hanggan ay hindi kailanman
magbabago. Hindi ito kailanman maaaring ibagay sa
sangkatauhan. Marami sa inyo ay sobrang mababalisa dahil
matatagpuan na lang nyo na naitsa-pwera na kayo sa inyong mga kapwa
sagradong lingkod. Huwag matakot, dahil iisa lang panig ang pwede
nyong piliin. Yun ang panig na kinatatayuan Ko. Wala nang iba pang
panig.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas


Jesucristo

Hilingin nyo ang Regalong Pagdurusa

Miyerkules, September 14, 2011 12:10 am

Pinakamamahal Kong anak, nabawasan na ang iyong pagdurusa at gusto


Kitang pasalamatan sa regalo mong ito. Babalik ito, pero magagawa mo
nang tanggapin ito nang mas may galak sa iyong puso. Kailangan Ko ang
iyong pagdurusa dahil ito’y nagliligtas ng mga kaluluwa ng mga
makasalanan, na kung wala ito ay sa Impiyerno sila mapupunta. Balang
araw, titingnan mo ang kanilang mga kaluluwa at mag-uumapaw ang
iyong pagmamahal at kaligayahan pag nakita mo na silang nakaupong
katabi Ko sa tabi ng Trono ng Aking Ama.

Ang mga makasalanan ang laging mauunang yakapin, pag sila’y nagsisi.
Lagi silang nasa unang hanay, na sobrang ikakagulat ng Aking mga
alagad. Ang mga kaluluwang ito ay dinala na sa Akin sa pamamagitan ng
mga panalangin at pagdurusa ng Aking mga alagad, at ng Aking mga
hinirang na kaluluwa. Maiintindihan ito ng Aking mga alagad, dahil, sa
pakikiisa sa Akin, matutuwa sila sa pagligtas ng ganung mga kaluluwa.

Kailangan Ko na ngayong magligtas ng mas marami pang kaluluwa, anak


Ko. Ipanalangin nyo naman na kayo at ang iba pang mga piniling
kaluluwa, ay matututunan kung paano pwedeng palakihin ng pagdurusa
ang bilang ng mga papasok sa Kaharian ng Aking Ama. Hinihiling Ko sa
kanila na sila’y humingi ng mga grasyang kinakailangan para mabigyan
sila ng Regalong pagdurusa. Tandaan nyo, na pag Ako’y nagbibigay ng
pagdurusa, isa itong espesyal na grasya at ito yung magdadala ng mas
marami pang kaluluwa sa Kaibuturan ng Aking Puso.

Ang inyong minamahal na Jesus

Tagapagligtas ng Sangkatauhan

Ang Katotohanan ay pangkaraniwan nang tinatrato nang


sobrang ingat at todong pagbasura
Huwebes, September 15, 2011 11:50 pm

Pinakamamahal Kong anak, nasasaksihan mo ngayon ang mas marami


pang detalye ng pasakit na tiniis Ko habang Ako’y Ipinapako sa
Krus. Inabandona. Itinanggi. Initsa-pwera. Pinalayas sa mapanlait na
pagkumpas ng mga kamay ng awtoridad at lalo na ng mga tapat Kong
alagad. Pati na ang Akin mismong mga apostol ay itinanggi Ako sa oras
pa naman ng Aking pangangailangan. Kaya huwag mo nang ikagulat na
ito’y nangyayari rin sa iyo.

Ipinakita rin sa iyo ngayong gabi ang isang pangitain kung saan Ako’y
nakatayo sa harapan ng Aking mga berdugo na kinailangan Kong
pakinggan nang ang kanilang mga buktot na kasinungalingan ay
kinondena Ako at ang Katotohanan ng Aking Mga Aral.

Ikaw at ang Aking mga alagad ay ganun din tatratuhin sa mga kamay
nung mga ayaw tanggapin ang Katotohanan o napapaitan dito.

Ang Katotohanan, anak Ko, ay pangkaraniwan nang tinatrato nang


sobrang ingat , todong pagbasura at kung minsan pa nga’y itinuturing na
pambabastos sa Diyos. Huwag matakot, dahil ang Mga Salitang
ibinibigay Ko sa iyo ay walang iba kundi ang Katotohanan. Huwag na
huwag kang matatakot na ilathala ang ibinibigay Ko sa iyo. Bakit Kita
bibigyan ng mga kasinungalingan? Bakit Ko sisikaping sirain ang Mga
Mensaheng ito kung kailanma’y papayagan Kong makalusot sa mga ito
ang isang kasinungalingan? Dahil ito’y magiging laban na sa Loob ng
Aking Ama. Kahit na si Satanas ay hindi papayagang manghimasok sa
Mga Mensaheng ito, gaano man niya ito pagsikapan nang todo-todo
Habang ang Mga Mensaheng ito ay mas tumitindi, pagdidibatihan itong
mabuti at pagtatawanan. Pero marami ang maaakit sa mga ito dahil sa
dakong huli, walang mintis na sila’y maaantig ng Espirito Santo, na
Siyang umaantig sa kanilang mga kaluluwa.

Balang araw, silang Aking mga anak ay pasasalamatan Ako dahil


tinulungan Ko silang araruhin ang magulo at matinik na mga dawag, na
hahadlang sa kanila para marating nila ang mga pintuan tungo sa
Paraiso, dahil kung hindi Ko pa sila gagabayan ngayon, sa panahong ito,
ay mawawala na sila. Hindi sila magkakaroon ng lakas para ligtas na
maihatid papasok sa Mga Pinto ng Bagong Paraiso, ang Bagong Panahon
ng Kapayapaan sa Lupa, na naghihintay sa mga sumusunod sa Akin at sa
Aking Mga Aral.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas at Guro

Jesucristo

Ang mga panahon ng Kapayapaan at Kaluwalhatian ay halos


narito na
Sabado, September 17, 2011 6:50 pm

Pinakamamahal Kong anak, nalaman mo na rin, sa wakas, na pag


nadarama mong ikaw ay tinatalikuran, ay sinasalmin lang nito ang Aking
Sariling Paghihingalo. Pag kaisa Kita, gaya ngayon, magiging bahagi na
ito ng iyong buhay mula ngayon. Pag tinatanggihan ng mga tao ang Mga
Mensaheng inilalathala mo, tinatanggihan nila ang Aking Kabanal-
banalang Salita. Pag kinikwestiyon nila ang mga ito at sinisiraan,
sinisiraan nila Ako. Pag hinahamak ka nila, pinagtatawanan nila
Ako. Pag pinagtatawanan nila ang Mga Mensaheng ito, ipinapako nila
Ako sa Krus.

Ang nararamdaman mo ay isa lang maliit na bahagi ng Aking pagdurusa


habang malungkot Kong pinagmamasdan ang pagiging bulag ng tao sa
Katotohanan ng Pag-iral ng Aking Amang Walang-hanggan. Ang hapdi
at lungkot na nararamdaman Ko, pag kinailangan Kong saksihan ang
mga kasalanan ng tao, pati na ang mga kasalanan ng mga
mananampalataya, ay sobra ang tindi. Halos walang patid ang pasakit
na ito, pero napapaginhawa ito ng pagdurusa ng mga victim
soul. Naiibsan din ito ng pagmamahal na ipinapakita ng Aking mga
alagad sa Akin sa pamamagitan ng kanilang debosyon sa Akin.

Anak Ko, kinakailangan Ko man ang pagdurusa para iligtas ang ibang
kawawa at kapos-palad na mga kaluluwa, hindi ito isang bagay na
nagbibigay sa Akin ng kasiyahan. Nasasaktan Ako pag pinagmamasdan
Ko ito, pero binibigyan Ako nito ng kaginhawahan. Napakarami mo
pang dapat matutunan, anak Ko, na mahirap mong maintindihan. Ang
mga paraan ng Makalangit na Kaharian ay hindi nagawang unawain ng
sangkatauhan. Balang araw, mauunawaan din nila.

Dapat nyong malaman, mga anak Ko, na ang mahihirap na mga panahon
na kinailangang pagdaanan ng tao sa loob ng mga daan-taon, ay
matatapos na. Ito’y magandang balita para sa taong nagpapakita ng
pagmamahal sa kanyang kapwa, at sa ganun, ay nagmamahal sa
Akin. Tatapusin din nito, sa wakas, ang Aking pagdurusa, na tinitiis Ko
dahil mahal Ko kayong lahat. Ang Pag-ibig na ito ay Makapangyarihan
at laging mapagbigay, at ito ang magiging dahilan kung bakit tuluyan na
kayong maliligtas.

Hayo na, anak Ko, at tanggapin ang pagdurusa nang may higit na pang-
unawa sa iyong puso. Matuwa ka, dahil ang mga panahon ng
Kapayapaan at Kaluwalhatian ay halos narito na.

Ang inyong mapagmahal na Kaibigan at Tagapagligtas

Jesucristo, Hari ng Sangkatauhan

Ang karaniwang pagkakamaling nagagawa pag sinisikap na


maging mas malapit sa Akin

Linggo, September 18, 2011 8:15 pm


Ako’y dumarating sa Ngalan ni Jesucristo, ang Anak ng Diyos na Kataas-
taasan. Ako Siya.

Pinakamamahal Kong anak, bakit ba ang tao ay patuloy na naghahanap


ng kasagutan sa kanyang pag-iral sa pamamagitan ng siyensya? Hanap
sila ng hanap, pero ang kasagutang ibinibigay nila ay hindi naman totoo
at sobrang layo sa Tunay na Pag-iral ng Espiritwal na Lugar ng Kaharian
ng Aking Ama, kaya kailangan nyong ipanalangin ang mga kaluluwang
ito.

Alam Kong ang pagtanggap sa Katotohanan ng Aking Pag-iral at ng sa


Aking minamahal na Ama, ay napakahirap, mga anak. Dahil tuwing
masusulyapan ng inyong mga mata ang Katotohanan, ibinabaling ni
Satanas ang inyong ulo sa kabila. Kalimita’y gagamit siya ng
pangangatwiran para kumbinsihin ang Aking mga anak na ang Kaharian
ng Aking Ama ay gawa-gawa lang ng imahinasyon ng mga
tao. Pagkatapos ay gagamitin niya ang mga kaginhawahan ng mundong
materyal para kumbinsihin kayo na ang mga ito ang kailangan nyong
bigyan ng prayoridad.

Nandyan din naman ang mga kaluluwang nakakaunawa nga sa


Katotohanan. Ginagawa nila ang pangkaraniwang pagkakamali pag
sinisikap na maging mas malapit sa Akin. Siguradong-sigurado sila na
pag nakuha na nila ang mga materyal na bagay, ay masisimulan na nila
ang kanilang espiritwal na paglalakbay. Pero hindi ganun yun,
e. Oo nga, kailangan nyo ngang protektahan ang inyong pamilya at
tahanan. Kailangan nyong pakanin yung mga umaasa sa
inyo. Pagkatapos nun, kailangan nyong unahin Ako, bago ang lahat ng
makamundong bagay. Yun ang inyong magiging pasaporte tungo sa
Langit. Ang tao ay wala kung wala ang Diyos. Walang materyal na luho
ang papalit o maaaring ipalit sa Pagmamahal ng Diyos. At hindi rin sila
pwedeng kapitan o bigyan ng kaparehong halaga, kung gusto nyo talaga
Akong akapin sa inyong puso.

Manalig kayo sa Akin at ayos na lahat pang iba. Pag sinikap nyong gawin
lahat sa sarili nyong kakayahan at kapit-tuko kayo sa kayamanan, para
makamtan nyo ang pinakamainam sa dalawang mundo, mabibigo
kayo. Tandaan nyo, ang Pagmamahal Ko sa inyo ang magpapakain sa
inyong kaluluwa. Ang materyal na kayamanan naman ay papakanin nga
ang inyong mga pagnanasang pisikal, pero mabubulok din ang mga yun
at maiiwan kayong walang-wala.

Mga anak naman, gaano man ito kahirap, magpamaneho kayo sa Akin sa
tunay na daan tungo sa kaligayahang walang-katapusan. Hingan nyo
lang Ako nang tulong at Ako’y reresponde.

Ang inyong minamahal na Guro at Tagapagligtas

Jesucristo
UL 1 11 14 Ang pinaka-importanteng Pangyayari mula nang
Aking Muling Pagkabuhay

Lunes, September 19, 2011 8:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, layunin Kong dalhin bawat lalaki, babae at


bata sa Aking Bagong Paraiso sa Lupa, dahil kahit isang kaluluwa lang
ang maiwan ay madudurog ang Aking Puso. Ito ang dahilan kung bakit
ang mga sugong ipinadadala Ko sa mundo ay dumami. Para maikalat
nila ang Aking Banal na Salita na magbubunsod ng pagbabalik-loob.

Hindi Ako nagpapadala ng mga sugo para takutin ang Aking mga
anak. Kundi ang papel ng Aking mga sugo ay ihanda ang bawat tao sa
Lupang ito, upang sila’y maging handa at karapat-dapat na mabuhay sa
Bagong Paraisong ito.

Mga anak Ko, nabubuhay kayo sa isang panahong hindi kasiya-siya. Ang
batas at kaayusan ay sira na. Ninakaw na sa inyo ng kasakiman ang
inyong pinansyal na kakayahan. Ang inyong pananampalataya ay
ninakaw na rin sa inyo ng pagluwalhati-sa-sarili at pagkaloko sa
ambisyon.

Parang isang tahanang walang kontrol ang magulang

Kayo, mga anak Ko, ay parang nasa isang tahanang walang kontrol ang
mga magulang. Para kayong mga anak na laki-sa-layaw, na ibinibigay
lahat ng materyal na kaginhawahang inyong pinananabikan nang hindi
nyo pinaghirapan. Binibigyan kayo ng pagkain, na hindi nyo
pinagtrabahuhan. Lahat ng inayawan nyo na, ay pinapalitan ng isa pa
uling bagong bagay, isa pang pampasigla. Pero walang nakakasiya sa
inyo nang matagal. Pagkatapos ay nagkakaroon na ng mga awayan ang
mga anak, dahil gustong kontrolin ng ilan yung iba para masunod ang
gusto nila. Pwedeng maging pisikal ang labanan. Pero walang
namamahala, kaya nagkakasakitan, at kung minsan ay grabe ang mga
nagiging resulta.

Ganito ang tingin Ko sa mundo. Malungkot ang mga anak Ko, walang
espiritwal na kaginhawahan, pero ayaw namang pagabay sa Aking
Simbahan. Hindi naman kayang kontrolin ng Aking Simbahan ang
ganung ka-pasaway na mga tao, na mas nakakapagpasigla pa sa kanila
ang mga kaginhawahan ng katawan kaysa mag-debosyon sa Akin.

Winanasak na ng digmaan ang sangkatauhan at ang espiritwal na


paghina ay lumikha na ng kahungkagan sa mundo na, sa ngayo’y,
nadarama na ng karamihan sa inyo ang mga epekto nito sa inyong
puso. Lahat ay iba sa itsura nito. Sa labas, ang materyal na gloria ay
kumikislap, at ang liwanag nito ay kaakit-akit sa mga gutom sa
kaginhawahan, pero sa likod naman nito ay wala kundi kadiliman.

Ako ang Liwanag na wala sa inyong malungkot, magulo at medyo


nakakatakot na buhay. Kaya nga malapit na ang panahon para pumasok
na Ako at mamahala. Kayo, mga anak Ko, kailangang mainit nyo itong
tanggapin at maghanda na para sa Aking dakilang Awa.

Kailangan nyong ipanalangin ang inyong mga kapatid at panabikan nyo,


at ibukas ang mga braso para mapagmahal nyong tanggapin, ang Aking
panghihimasok. Maging positibo kayo. Umasa. Magtiwala na kahit ang
pinaka-tigasing mga makasalanan ay mapapaginhawa sa pagdating ng
Dakilang Pangyayaring ito, ang pinaka-importante mula ng Aking
Muling Pagkabuhay.

Jesucristo

UL 1 11 14 Ang mga pagdududa ay nagpapatindi sa inyong


pagmamahal sa Akin

Miyerkules, September 21, 2011 10:00 pm

Ako’y dumarating sa Ngalan ni Jesus, na Siyang dumating sa katawang-


tao at naging tao.

Pinakamamahal Kong anak, napakalapit mo na ngayon sa Aking Puso,


pero napakalayo ng iyong damdamin. Kung minsa’y akala mo’y nawalay
ka na sa Akin, pero sa totoo lang, mas napalapit ka pa sa pakikiisa sa
Akin.
Ang lakas mo na ngayon, anak Ko. Pinatatatag Ko ang kompiyansa mo
para maipagpatuloy mo ang pagpapahayag ng Aking Salita sa
sangkatauhan. Ito’y isang napaka-importanteng Misyon. Sa mga
panahong ito, milyun-milyong demonyo na ang pinakawalan ni Satanas,
kaya sa bawat sulok ay inaatake ka nila. Ang una nilang gagamitin ay
ang mga taong sumasampalataya, na pipila para ihagis sa iyo ang unang
bato.

Habang nalalapit ang Aking dakilang Akto ng Awa para sa sangkatauhan,


ganun din naman ang mga demonyong tinatangkang takpan ang
Katotohanan at pigilin ang mga tao, mga mabubuting tao, na gumugol ng
panahong hinihiling Ko sa kanila para sagipin ang mga kaluluwa ng
Aking mga anak na walang-walang pananampalataya. Huwag mong
hahayaan ang malupit na paninira, na lalo pang tumitindi, na guluhin ka
at ilayo sa Aking Gawain.

Pakinggan mo ngayon ang aking propesiya. Para sa bawat taong


magsisisi sa panahong ito, tatlo pang kaluluwa ang maliligtas. Ganito
mo ito isipin. Ang mga biyayang ibinibigay sa taong humihingi ng tawad
ay ibibigay sa pamilya ng taong ito. Bawat kaluluwang mananalangin
ngayon sa Akin at hihingin sa Akin na iligtas ang kanilang
pinakamamahal na mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan, ay
saganang tatanggap ng Aking Awa.

Panalangin ang inyong kaligtasan, mga anak Ko. Habang mas


nananalangin kayo, mas bubuksan Ko rin ang inyong puso at ibubunyag
ang Aking Katotohanan. Ang Aking mga pagpapala ay ibinibigay na
ngayon sa paraang hindi pa kailanman nasaksihan sa Lupa. Pero hindi
Ko naman pwedeng ibuhos ang makapangyarihang mga grasyang ito
kung hindi nyo hihingin ang mga ito.
Alam mo, anak Ko, magugulat ka sa bangis ng pag-atake sa mga
makalangit na Mga Mensaheng ito. Huwag mong pansinin yun. Pumikit
ka. Takpan mo ang iyong tainga. Sa halip, ay ipanalangin mo ang mga
kaluluwang yun na sila’y maliwanagan.

Ang mga pagdududa, anak Ko, ay mga pagsubok na hindi lang ikaw ang
dumaranas, kundi pati ang Aking minamahal na mga
alagad. Nakakabalisa man ang mga ito, pinapayagan Ko pa rin para
gawin Kong mas malaki ang pagmamahal nyong lahat sa Akin.

Relaks muna kayo ngayon, mga anak Ko. Tanggapin nyo ang Aking
Salita. Mamuhay kayo sa paraang inaasahan Ko sa inyo. Unahin muna
nyo ang inyong pamilya higit sa lahat. Hindi sila dapat pababayaan
alang-alang sa Akin. Manalangin kayo ngayon nang may mapayapang
kompiyansa at nakatitiyak kayo na ang Aking mga propesiya ay
mangyayari sa Utos ng Aking Amang Walang-hanggan. Mangyayari ang
mga ito ayon sa perpektong pag-tiyempo na itinakda ng Aking Ama.

Huwag na huwag nyong kalilimutan, mga anak Ko, na maraming


sikretong ibinigay sa Aking mga bisyonaryo at propeta, na nagpapahayag
ng mga pangyayaring darating pa, ay nabawasan na sa pamamagitan ng
panalangin. Maraming-maraming mga kalamidad na dulot ng kalikasan
ay naiwasan na dahil sa debosyong ipinakita sa Aking Pinagpalang
Ina. Ang kanyang mga deboto ay naiiwas kayo sa maraming lindol, baha
at tsunami dahil sa kanilang mga panalangin. Maaaring maging napaka-
makapangyarihan ng panalangin. Ang panalangin at pagdurusa ng isang
tao ay pwedeng makapagligtas ng isang bansa. Tandaan nyo yun.

Mahal Ko lahat, mga anak Ko. Ang kapangyarihang magligtas ng isa’t isa
ay nasa inyong mga kamay, mga anak. Huwag nyong kalilimutan ang
sinabi Ko na noon pa. Ang panalangin ang inyong armor laban sa
kasamaan sa mundong ito. Ang panalangin ay magagawang bawasan
ang mga pandaigdig na kalamidad. Patuloy kayong manalangin para sa
kapayapaan sa inyong mundo. Manalangin din kayo para sa isang
madaling paglipat sa Bagong Paraiso sa Lupa, na naghihintay sa lahat
Kong anak na naghahangad ng pagtubos.

Ang inyong minamahal na Jesus

Ang panghuhula ay hindi nanggagaling sa Akin

Miyerkules, September 21, 2011 11:30 pm

Anak Ko, ang paglalakbay na ito ay tumitindi na para sa iyo. Mas handa
ka na nang higit pa kaysa pwede mong malaman. Huwag kang matakot
dahil ang iyong Misyon ay makakatulong na mailigtas ang malaking
bahagi ng sangkatauhan. Ang papel mo ay nai-propesiya na at inaayos
na sa Langit. Isa kang instrumento. Ako ang iyong Maestro.

Magtatagumpay ka sa kabanal-banalang gawaing ito, dahil hindi ito


pwedeng pumalpak at hindi talaga ito papalpak. Maaaring paminsan-
minsa’y masiraan ka ng loob, malungkot at mawalan ng
tapang. Tanggapin mo ito. Ang iyong pagdurusa ay nagdadala ng mga
mahal na kaluluwa sa Akin sa oras ng kanilang
kamatayan. Ipinananalangin ka na ngayon ng mga kaluluwang
ito. Magalak ka, dahil kung makikita mo lang kung gaano ka nila
kamahal, mapapaiyak ka sa tuwa. Ang Aking mga santo sa Langit ay
ginagabayan at pinoprotektahan ka laban kay masama, kaya nga
maraming beses kang pinapawalang-sala, na ikinagugulat at ikinasisiya
mo naman. Huwag na huwag kang mag-atubili sa Gawaing ito. Isa ito sa
mga pinakadakila Kong Mga Misyon ng Aking Gawain sa Lupa. Maging
matapang ka at may kompiyansa, pero manatili kang mababang-loob
anumang mangyari. Handa na ang entablado. Ang mga pangyayaring
sinabi Ko noon ay mangyayari na ngayon. At pag nangyari yun, babalik
din ang iyong kompiyansa. Dahil magkakaroon ka ng lahat ng
pruwebang kailangan mo. Oo, ilang beses na naharang ni Satanas ang
Gawaing ito. Pinayagan Ko ito para siguraduhing ikaw ay mananatili
laging mapagkumbaba.

Huwag kang maglathala ng mga petsa. Huwag mong itanong kung


anong kinabukasan ng mga taong masyadong mapaghanap sa iyo. Ang
panghuhula ay hindi nanggagaling sa Akin. Ang ibinubunyag Ko lamang
na kinabukasan ay yung may kinalaman sa kapakanang espiritwal ng
Aking mga anak. Ipagpasalamat mo na ikaw ay binigyan ng napaka-
espesyal na Kaloob na ito. Hindi mo man ito kusang-loob na ginusto,
minolde ka para sa Gawaing ito mula sa kauna-unahan mong hininga, at
tutuparin mo ang Aking Kabanal-banalang Salita hanggang sa iyong
huling hininga.

Hayo na sa Ngalan Ko at tulungan Akong magligtas ng kaluluwa ng


buong sangkatauhan, nang may pagmamahal at tuwa sa iyong puso.

Mahal Kita, Aking anak na minamahal. Ikinatutuwa Ko ang iyong


buong-pusong pagmamahal sa Akin at sa Aking minamahal na Ina.
Ang iyong Jesus

Ang Babalang Mga Mensahe mula kay Jesucristo

2010 – 2012

Volume One

Part 5

Mga Mensahe 200 – 249 Mula Huwebes, September 22, 2011 hanggang
Lunes, November 14, 2011
Birheng Maria: Ipanalangin nyong protektahan ko ang buong
mundo

Huwebes, September 22, 2011 9:00 pm

Anak ko, kailangang hilingin mo sa aking mga anak na manalangin sa


akin, para mabalot ko sila ng aking Kabanal-banalang Kapa sa mga
panahong ito. Ang gawain ni manloloko ay lumalago at kumakalat na
parang apoy sa gubat, at ang masamang pag-kontrol na nakikita nyo sa
inyong paligid ay kagagawan niya at ng kanyang hukbo ng mga
demonyo. Nagdudulot sila ng malaking pagdurusa at pasakit sa
mundo. Dasalin nyo ang aking Kabanal-banalang Rosaryo at
mapipigilan nyo siyang gumawa ng pinsalang sinisikap niyang idulot sa
mundong ito.

Manalangin kayo, mga anak ko, saanman kayo naroroon, para sa aking
espesyal na proteksyon laban kay masama.

Manalangin kayo para mabawasan ang pagdurusa ng aking minamahal


na Anak, Na kailangang-kailangan ang inyong pag-konswelo. Kailangan
Niya ang inyong panalangin, mga anak, habang Siya’y kumikilos para
iligtas ang sangkatauhan mula sa kanilang makasalanan at naliligaw na
buhay, nang minsan pa.
Manalangin kayo ngayon sa mataimtim na paraang hindi nyo pa
nagagawa kailanman.

Ang inyong Pinagpalang Ina

Reyna ng Kapayapaan

Lungkot sa pagkawala ng Aking mga anak na walang pakialam


sa Akin

Huwebes, September 22, 2011 9:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, ihanda mo ang iyong pamilya para sa


Babala. Sabihan mo sa lahat Kong anak sa lahat ng dako na sila’y
humingi ng tawad para sa kanilang mga kasalanan. Ang paghingi nila ay
kailangang mula sa puso. Kung hindi ay pagdurusahan nila ang
nakakapasong hapdi ng Purgatoryo habang nangyayari ang Aking
Dibinong Awang Pagliwanag, pag nakaharap Ko ang bawat isa sa inyo.
Ang darating na Paglilinis ay magkakaroon ng dating sa inyong kaluluwa
na tatagal at hindi pwedeng kalimutan, kaya mananatili kayo sa
Kaibuturan ng Aking Puso magpakailanman.

Yung ilan sa inyo na nakakakilala at nagmamahal sa Akin, maghanda na


naman kayo ngayon para sa Aking Pinakadakilang Regalo. Magtabi kayo
ng mga benditadong kandila at Holy Water, at maging handa kayong
sumali sa mga panalangin kasama ang mga santo sa Langit para
tulungang matubos ang mga kaluluwa ng lahat Kong anak sa buong
mundo.

Sa kauna-unahang beses sa inyong buhay, talagang mag-isa Ko kayong


Makakasama. Walang kaingay-ingay nyong masasaksihan ang
Pagpapako sa Akin sa Krus, at para naman sa mga di-mananampalataya,
mauunawaan na rin nila, sa wakas, ang Katotohanan ng Aking
pagdurusa para sa sangkatauhan.

Kayo, mga anak Ko, ay inyong mauunawaan at mainit na tatanggapin


ang Aking dakilang Regalong Awa at kayo’y bibigyan ng isang lakas na
ang nakakaalam lamang ay ang mga santo sa Langit. Ang lakas na ito
ang siyang magpapatibay sa gulugod ng Aking bagong hukbo sa Lupa
pagkatapos. Ang dakilang hukbong ito ay sasagipin ang milyun-milyong
iba pang kaluluwa mula sa kuko ng hukbong pinamumunuan ng
antikristo. Panalangin ngayon ang magliligtas at tutulong
papagbaliking-loob ang milyun-milyon habang nangyayari ang
kailangang-kailangang panahong ito mula nang Paglikha sa
sangkatauhan.

Paakap na kayo sa Akin, mga anak, bago pa ito mangyari. Hayaan nyo
Akong bigyan kayo ng lakas at tapang para makapagdala kayo sa Akin ng
mas marami pang kaluluwa. Kailangan Ko ang inyong
pagmamahal. Sariwa pa ang Aking mga sugat. Sobra-sobra ang Aking
lungkot sa pagkawala ng napakarami sa Aking mga anak, na walang
pakialam sa Akin.

Lungkot na lungkot Ako sa Aking pag-iisa. Tulungan nyo naman Ako,


mga anak, na iligtas sila bago pa man maging huli na ang
lahat. Mamangha man kayo nang labis sa Aking dakilang Akto ng Awa
na magdadala ng Makalangit na Liwanag sa mundo, magdudulot pa rin
ito ng lungkot para sa mga hindi makakayanan ang matinding sindak.

Huwag naman kayong matatakot. Dumarating Akong dala ang dakilang


Pag-ibig at Malasakit para sa inyong lahat. Dahil mahal Ko kayo kaya Ko
pinanghihimasukang iligtas kayo sa masasamang ginagawa ng mga
pandaigdig na puwersa, na gustong ubusin ang populasyon ng
mundo. Gusto nila itong gawin sa pamamagitan ng pag-kontrol. Hindi
Ko sila papayagang gawin ito. Ang Aking Ama ay naghihintay. Kung
aaminin ng tao ang mga kasalanang siya ang may kagagawan, ang
mundo’y magiging isang lugar ng kapayapaan at pag-ibig. Pero pag
hindi niya pinakinggan ang leksyon mula sa Babala, hindi siya
makakaligtas. Dahil babagsak na sa kanya ang Kamay ng Aking Ama.

Ako si Jesucristo

Hari at Tagapagligtas ng Sangkatauhan


Diyos Ama: Ang Antikristo at isang Sistema ng Pera ng New
World

Biyernes, September 23, 2011 8:30 pm

Anak ko, kahit na ikatakot ng mundo ang Babala, kailangan pa rin nilang
tanggapin na ang mga propesiyang nakapaloob sa Aklat ng Pagbubunyag
ay nangyayari na. Ang banal na kalagayan ng Simbahan ay namimiligro
na ngayon, ganun din ang Estado ng Israel. Magkakatotoo na ang mga
propesiya, habang ang mundo ay kokontrolin ng antikristo, na
tatangkaing kontrolin kayo sa pamamagitan ng isang Sistema ng Pera ng
New World. Pag sa paraang ito ay nakontrol kayo o kung
magpapakontrol kayo, makokontrol na kayo sa lahat ng iba pang bagay.

Ang Babala ang magpapahinto dito at sa iba pang kasuklam-suklam na


mga kasamaan, na pinaplano ng mga puwersang pandaigdig, na hindi
abot ng pang-unawa ng Aking mga anak sa buong mundo. Mga inosente
kayong pitsa sa isang laro na hindi nyo naman kagagawan, kaya
poprotektahan kayo ng Aking Kamay ng Katarungan.

Bangon, mga anak Ko, at labanan ang dugtung-dugtong na kasamaang


ito sa pamamagitan ng panalangin. Ang pandaigdigang pag-kontrol at
pag-usig na pinaplano hanggang sa mga sandaling ito, ay maiiwasan sa
pamamagitan ng panalangin. Hindi lahat sa inyo ay pwedeng iligtas o
maililigtas dahil ganun kahigpit ang hawak ng antikristo sa inyo.
Mga anak Ko, hindi kailanman mananalo si Satanas. Hindi siya binigyan
ng kapangyarihan, at habang lumuluwag ang kanyang hawak,
kakaladkarin niya na ngayon ang pinakamaraming kaluluwang madadala
niya sa mga kailaliman ng Impiyerno para maging kasama
niya. Naluluha Ako sa sobrang lungkot para sa Aking magandang
Nilikha at yung Aking mahal na mga kaluluwa. Ay naku, kung nakinig
lang sana sila sa Katotohanan.

Ang siyentipikong pagpapaliwanag ay kalokohan lamang, dahil walang


siyensyang maipapalit sa katunayan ng Aking Makalangit na
Kaharian. Wala ni isang tao sa mundo ang magagawang unawain ang
kagandahan at milagrong naghihintay sa inyong lahat, dahil hindi ito
mailalarawan sa pamamaraan ng tao.

Hindi magtatagal at mauunawaan nyo na rin ang Aking mga plano para
sagipin ang mundo sa mga kamay ni manloloko.

Mahal Ko kayong lahat at Aking poprotektahan lahat Kong alagad sa


bawat bahagi ng pinaplanong pag-usig.

Ako ang inyong tingnan. Ibukas nyo ang inyong mga braso at paakap
kayo sa Akin, at poprotektahan Ko kayong lahat.

Ang mga anak Kong sumasampalataya sa Akin ay walang dapat ikatakot.

Ang inyong minamahal na Maykapal


Diyos na Kataas-taasan

Diyos Ama

Ipaliwanag nyo ang kilabot ng Impiyerno sa mga bulag sa


katotohan na si Satanas ay umiiral

Sabado, September 24, 2011 10:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, bakit ba patuloy na itinatanggi ng tao na


merong Impiyerno?

Marami sa Aking mga anak, na ang tingin sa kanilang sarili ay sila’y may
modernong pananaw, ay lantarang itinatanggi na merong Impiyerno,
samantalang ipinapahayag nila ang kanilang pananampalataya sa Diyos
Amang Walang-hanggan. Inililigaw nila ang Aking mga anak pag
idinadahilan nila na Ang Diyos ay Walang-hanggan ang Awa. Sa
pagkumbinsi nila sa Aking mga anak na lahat ay pupunta sa Langit, wala
silang kamalay-malay na sila ang mananagot para sa mga susunod sa
kanilang maling doktrina.

Si Satanas ay umiiral, kay may Impiyerno ring umiiral. Ang impiyerno


ay isang lugar na pinagdadalhan ni Satanas ng mga kaluluwang
nagpapakita sa kanya ng katapatan habang sila’y nasa Lupa. Ito yung
mga kaluluwang isinasantabi lahat ng kaisipan tungkol sa Diyos at
itinataguyod ang pagkunsinti sa lahat ng masasamang gawain sa
mundo. Meron pa ngang ilang kaso na ipinagbibili ng mga tao ang
kanilang mga kaluluwa kay Satanas, kapalit ang isang buhay ng
kayamanan, kasikatan at kapangyarihan. Marami sa industriya ng
musika ang gumawa na ng ganito sa loob ng maraming taon. Halos
hindi na pinag-iisipan kung paano ginagawa ang kanilang panata ng
katapatan, na kalimitan ay isinasagawa sa grupo-grupong pagbibinyag sa
pamamagitan ng maiitim at masasamang mga seremonya.

Sa kabilang dako naman ay yung mga namumuhay na akala nila’y ang


buhay ay para magkatuwaan lang, walang inaalala, at walang-patid sa
pananabik na bigyan ng kasiyahan ang sarili. Ilan lang sila sa mga
kaluluwa na, pagdating nila sa mga pinto ng Impiyerno, ay masisindak at
mapapailing na lang dahil hindi nila mapaniwalaan ang kapalarang
naghihintay sa kanila. Hindi nila matatanggap na ang kilabot na
kinakaharap nila ay kagagawan nila. Ang kalayaang ibinigay sa kanila sa
Lupa ay kanilang inabuso para bigyang-daan lahat ng pagkakasala sa
Diyos.

Mga anak Ko, ipaliwanag nyo naman ang kilabot ng Impiyerno dun sa
mga bulag sa pag-iral ni Satanas. Pagtawanan na nila kayo at
laitin. Tungkulin nyo pa rin na balaan sila tungkol sa nakakakilabot na
kapalarang naghihintay sa sinumang kawawang kaluluwa na hahantong
sa lugar na yun.
Yung mga ateo na hindi naniniwala sa Diyos, pag nasa bingit na ng
kamatayan, na akala nila’y tapos na ang kanilang paghihirap pag patay
na sila, pakinggan nyo na Ako ngayon. Kayong mga itinatanggi na
Merong Diyos sa Lupang ito, kahit na ibinunyag na sa inyo ang
Katotohanan habang kayo’y nabubuhay pa, ang inyong pagdurusa sa
mga apoy ng Impiyerno ay simula pa lang ng inyong walang-hanggang
hatol. Kayo, Aking kawawang mga kaluluwa na malaki ang pagkakasala
sa paggamit ng inyong malayang loob, itinatanggi nyo Ako. Sa halip ay si
Satanas ang pinili nyo. Hinihintay niya kayo pagkatapos nyong
mamatay. Hindi na Ako matatagpuan doon. Dahil sa panahong yun,
huli na ang lahat para pagpakitaan pa kayo ng Aking Awa.

Mananalangin, manalangin, lahat kayo, para sama-sama nating


mailigtas ang mga kaluluwang ito. Hinding-hindi dapat pabayaang
manakaw ni Satanas ang kanilang mga kaluluwa. Tulungan nyo Akong
iligtas sila habang sila’y nabubuhay pa sa Lupa.

Ang inyong minamahal na Jesus

UL 1 14 14 Isinugo Ko na ngayon ang Aking mga propeta sa


mundo
Linggo, September 25, 2011 11:45 am

Pinakamamahal Kong anak, kung paano mo kukumbinsihin yung mga


kabataang abalang-abala sa isang bisi pero walang-saysay na
pamumuhay, yun ang hamon na ibinibigay Ko sa iyo.

Ang iyong tungkulin ay gamitin lahat ng klase ng modernong


komunikasyon para kumbinsihin ang isang bata at modernong lipunan
tungkol sa Katotohanan na Ako’y Umiiral. Ipinangangako Ko na yung
lahat Kong anak na mabigyan ng Katotohanan, sa ganung pamamaraaan,
ay madarama ang Aking Presensya sa sandaling mabasa nila ang Aking
Mga Mensahe.

Magpalaganap at magpabalik-loob ka na ngayon, anak Ko, sa lahat ng


sulok ng mundo. Ikaw ang pinili para gampanan ang papel na ito. Pag
ikinalat mo ang Aking Salita sa pamamagitan ng Internet, mas
maraming tao ang maaabot. Gamitin mo ang Internet at ang
media. Ang Aking masasabihang mga alagad, sa tamang panahon, ay
ikakalat ang Katotohanan sa lahat ng dako.

Kasisimula pa lang ng Misyong ito. Nailatag na ang mga


pundasyon. Ngayon, ayon sa perpektong pag-tiyempo ng Aking Ama,
papansinin na ng mundo ang mga makalangit na Mga Mensaheng ito.

Nangako Ako na Ako’y babalik. Para ayusin ang daan, isinugo Ko na


ngayon ang Aking mga propeta sa mundo, kasama ka, Aking
anak. Marami na ngayon ang tumutugon sa Aking panawagan sa bawat
bansa sa mundo, maliit man ang kanilang mga boses. Sa tamang
panahon, pakikinggan din pati sila, para maipahayag nila ang Aking
Kaluwalhatian at i-anunsyo ang Aking pagbalik.
May panahon pang natitira bago mangyari ang maluwalhating pagbalik
na ito. Hangga’t hindi pa yun nangyayari, maghanda na kayo, mga anak
Ko. Ang Babala ay magpapabalik-loob sa milyun-milyon, pero simula pa
lang ito. Ang panahon pagkatapos nyun ay gugugulin at dapat gugulin
para palakasin ang mga kaluluwa para siguraduhing sila’y maihahanda
nang ayos, at nang sa ganun ay maging karapat-dapat silang pumasok sa
Bagong Paraiso ng Aking Ama sa Lupa.

Marami pa kayong dapat tiisin, mga anak Ko, pero, ay naku, ang daming
dapat panabikan pag kayo’y pinapasok na sa napakagandang Bagong
Panahon ng Kapayapaan, tuwa at kaligayahan sa Lupa.

Ang kinakailangan ngayo’y pagtitiyaga. Tapang at tatag ang ibibigay


dun sa mga tatawag sa Espirito Santo. Kaya kayo, Aking hukbo, ay
kakargahin nyo yung mga kaluluwang naliligaw at napapalayo sa
Akin. Huwag ni isa sa mga kaluluwang ito ang hahayaan nyong
magpagala-gala at maligaw sa ilang. Ipanalangin nyo sila. Pakitaan nyo
sila ng pagmamahal at pag-unawa. Huwag na huwag nyo silang
sasabihan na sila’y nahatulan na o akusahan na sila’y nagkasala, dahil
yan ay isang malubhang paglabag sa Mata Ko. Sa halip, maging
mahigpit kayo pero mabait din. Sabihin nyo lang sa kanila ang
Katotohanan. Nasa sa kanila na yun pagkatapos.

Hindi nyo magagawa, mga anak, na mapalapit lahat ng kaluluwa. Ang


magagawa nyo lang ay gawin ang abot sa inyong makakaya.

Ang inyong minamahal na Jesus


Pananaw sa Aking Pagkapako sa Krus

Lunes, September 26, 2011 11:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, ngayong gabi, sa kauna-unahang


pagkakataon, binigyan Kita ng isang pananaw sa Aking Pagkapako sa
Krus, na iyong ikinagulat. Pero ang ibinunyag Ko sa iyo ay napakalaki ng
halaga. Maraming tao na maligamgam ang pananampalataya, ay akala’y
nang ipako Ako sa Krus, dahil sa Ako’y Anak ng Aking Ama, ay kahit
papaano’y hindi Ako nagtiis ng sakit ng katawan na nadarama ng
tao. Akala rin nila na dahil sa Aking Dibinong kalagayan, ay Ako’y hindi
natatakot, o di kaya’y pwedeng matakot, dahil sa lakas na tinatanggap Ko
mula sa Aking Ama.

Malayo ito sa Katotohanan. Napakalungkot Ko sa Aking pag-iisa at


Ako’y takot na takot. Nakakakilabot ang Aking mga oras sa hardin, dahil
sa Aking kalikasang-tao. Kung maaalala nyo, dumating Ako sa
katawang-tao. Pag nakakaramdam Ako ng sakit o lungkot, kapareho
lang ito ng sinumang tao. Maraming hindi nakakaalam nito.

Sa pakiramdam Ko’y inabandona na Ako at tuluyan nang pinabayaan ng


Aking Amang Walang-hanggan. At medyo dinedma Ako ng Aking mga
apostol, na walang ginawa para paginhawahin man lang Ako sa loob
nung mga nakakakilabot na mga oras na ito.
Nang iharap Ako sa mga papatay sa Akin, nanginginig Ako sa takot at
halos hindi makatugon sa kanilang mga akusasyon. Naramdaman Ko
ang nararamdaman ng sinumang tao na nahaharap sa isang biyolenteng
pagpatay. Buo pa rin ang Aking Dignidad dahil sa Sakripisyong alam
Kong kailangan Kong gawin para sa sangkatauhan. Isang balintuna,
alam Ko, pero nakaramdam din Ako ng Pagmamahal at Tuwa sa Aking
Puso habang nangyayari ang pagdurusang ito. Dahil alam Kong ang
Aking kamatayan ang siyang magliligtas sa inyo, mga anak Ko,
magpakailanman.

Pero ngayon, gusto Kong itanong nyo sa inyong sarili kung gaano karami
ang maililigtas ng Aking kamatayan sa Krus. Sinong gustong maligtas at
nauunawaan ba nila talaga ang ibig sabihin nito.

Dahil sa Aking kamatayan, pwede na silang pumasok sa Langit


ngayon. Alam din ba nila na ito’y sa pamamagitan ng kanila mismong
disisyon at gamit ang malayang loob na ibinigay sa kanila? Ang
pananampalataya sa Diyos Ama ang pinakamahalaga dapat para sa
inyo. Sa Akin muna kayo lumapit at isasama Ko kayo sa Kanya. Sundin
nyo ang Aking Mga Aral na ibinigay sa inyo sa pamamagitan ng Banal na
Biblia. Mahalin nyo ang inyong kapwa. Panatiliin nyong simple ang
inyong pananampalataya. Balansihin nyo ang inyong pananaw sa
pananampalataya. Mahalin nyo Ako. Manalangin kayo sa
Akin. Sambahin nyo Ako. Magpamahal kayo sa Akin, Akong may
mapagmahal na Puso, para ang Aking Dibinong Presensya ay umapaw sa
inyong maliliit at mahal na mga kaluluwa. Sa inyo Ako. Akin kayo, mga
anak. Ganun ka-simple yun.

Habang kayo’y mas nananalangin, mas mapapalapit kayo. Mas


mapapalapit ang inyong puso na mabuklod sa Akin.
Ang inyong Jesus

Tagapagligtas ng Sangkatauhan

Diyos Ama: Ang mga araw ni Satanas ay halos tapos na sa


Lupang ito

Huwebes, September 29, 2011 8:15 pm

Ako ang Alpha at ang Omega. Ako ang Diyos Ama.

Mahal Kong anak, nalalapit na ang panahon para masaksihan ng mundo


ang Awa na ipapakita sa sangkatauhan ng Aking mahal na Anak na si
Jesucristo.

Maraming puwersa ng kasamaan ang naninirahan dun sa mga naliligaw


na kaluluwa na nagpapakita ng katapatan kay manloloko, na si
Satanas. Sila man ay handa na rin para sa Babala at mapagmalaki nilang
pinapaniwalaan na ang kapangyarihang ipinangako sa kanila ni Satanas
ay aakayin sila sa isang bago at makamundong paraiso na sila na rin ang
gagawa. Ito ang pinakamalaking kasinungalingang kagagawan ni
Satanas, na kanila namang pinaniwalaan. Ang kadiliman ng kanilang
kaluluwa ay nangangahulugang ang kanilang mga puso ay magiging
walang-awa sa mga sumasampalataya sa Akin, ang Diyos na Maylikha ng
lahat ng bagay. Pero ang kanilang kapangyarihang hawak ay mas
mahina na ngayon. Ang mga araw ni Satanas ay halos tapos na sa
Lupang ito. Pero yang si Satanas, hindi niya tatantanan hanggat hindi
niya nabibitag ang milyun-milyon sa mga naliligaw at nag-iilusyon na
mga kaluluwang ito. Ipanalangin nyo sila, anak Ko, dahil wala silang
direksyon. Nagkakalat na sila, at dahil sa kanilang pagka-taranta,
gagawin nila lahat para kontrolin ang Aking mga anak sa pamamagitan
ng kanilang makamundong mga ari-arian.

Pakinggan nyo na ngayon ang Aking Salita. Ang sangkatauhan ay


walang kapangyarihan. Ang tanging kapangyarihan lamang ay sa
pamamagitan ng panalangin, ang armor laban sa masasamang tao na
ito. Sila, na nasa kasalanang mortal, ay ininsulto Ako at ang Aking
mahal na Sangnilikha, at pagdurusahan nila ito. Ang dami na ngayong
pangyayari na magkakatotoo sa harap mismo ng mga mata ng isang di-
naniniwalang mundo. Ang dami sa Aking mga anak ang malilito at
masisindak pag naramdaman na nila ang pahirap ng Purgatoryo at
Impiyerno.

Lahat ng makasalanan, habang nangyayari ang Babala at pagkatapos


nito, ay mararanasan yung pagdadaanan sana nila kung sila’y
namatay. Yung mga nasa kasalanan ay magtitiis ng nakakapasong
paglilinis katulad nung mga kaluluwa sa Purgatoryo, na naghihintay para
pumasok sa Aking Maluwalhating Kaharian. Yung mga nasa kasalanang
mortal naman ay dadanas ng malalim na kawalang-pag-asa at kadiliman
ng mga apoy ng Impiyerno. Ang pagdurusang ito ay hindi masyadong
magtatagal, at muli nilang matitikman ang mundong nararanasan nila
bago mangyari Ang Babala. Dahil sa wakas, ay magigising na sila sa
Katotohanan ng Langit, ng Impiyerno at Purgatoryo. At kailangan na
nilang piliin kung aling daan ang gusto nilang sundan. Aakalain mo,
anak Ko, na ang kanilang susundan ay yung daan tungo sa Aking
Dibinong Pag-ibig at Malasakit, pero hindi ganun ang mangyayari para
sa napakaraming tigasing makasalanan. Sobra na silang nasapian ng
mga peke at walang-katuparang mga pangako ni manloloko kaya babalik
sila sa pagsunod sa kanyang pag-akay. Manlalaban sila at
magpupumiglas, at sa impluwensya ng mga demonyong pinakawalan ni
Satanas mula sa kailaliman ng Impiyerno, ipapahatak nila ang kanilang
mga kaluluwa tungo sa kanyang masamang plano na pagharian ang
buong mundo.

Mahalagang panawagan ito para himukin kayong lahat na maghangad ng


pagtubos, mula sa inyong puso, para sa inyong naliligaw na
pamumuhay. May panahon pa kayo para gawin ito, pero gawin nyo na
ito kaagad.

Maghanda na kayong humingi ng Awa. Mahal Ko lahat Kong anak. Ang


Dakilang Pangyayari ay para sa kabutihan ng lahat Kong anak. Kaya sa
halip na matakot, magpaakap kayo sa Aking Pag-ibig, para kayo’y
palakasin. Sa ganun, matatagalan nyo ang paghihirap na darating.

Ang inyong nagmamahal na Amang Walang-hanggan

Diyos na Kataas-taasan
Resulta ng Babala

Huwebes, September 29, 2011 8:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, habang palapit na Ang Babala, sabihin mo


naman sa Aking mahal na mga alagad na sila’y manalangin at matuwa
nang may pasasalamat, dahil sa dakilang Awa na ibinigay ng Aking
Amang Walang-hanggan sa sangkatauhan.

Dahil dito sa Maluwalhating Akto ng Purong Pag-ibig na ito, mas


marami sa sangkatauhan ang maliligtas, para tamasahin ang Panahon ng
Kapayapaan sa Lupa. Ipagpasalamat nyo na sa panahong ito kayo
nabubuhay, dahil milyun-milyon sa inyo ang maliligtas, na sana’y hindi
na nakapasok pa sa Mga Pintuan ng Langit.

Kumpleto na ang mga paghahanda. Maghanda na kayo sa inyong mga


tahanan ng mga kandilang benditado at tubig at pagkaing tatagal ng mga
dalawang linggo. Magiging mahirap ang resulta pero hindi kayo dapat
matakot. Sa halip, makakahinga kayo nang maluwag, dahil ang
pagdurusa ay iaalay bilang pasasalamat para sa buhay na walang-
hanggan, na ngayo’y ibinibigay sa Aking mga mahal na kaluluwa na
tumatanggap sa dakilang Kaloob na ito.

Maging panatag kayo. Manalig kayo sa Akin, dahil kung naaalala nyo pa,
Ako ang inyong Tagapagligtas, at bawat sandali ay binibigyan Ko ng
proteksyon yung mga tapat na kaluluwa. Kasama nyo Akong
maglakad. Inaakay Ko kayo. Hawak Ko kayo sa kamay nang may
magiliw na Pagmamahal. Akin kayo at hindi Ko kayo kailanman
pakakawalan sa Aking Sagradong Puso. Kayo, mga alagad Ko, ay
nababalot sa mga grasya na kailangan nyo para matagalan nyo Ang
Babala.

Ang inyong minamahal na Jesus

Tagapagligtas at Manunubos ng buong Sangkatauhan

Ang mga tigasing kaluluwa ay mahihirapan sa Babala

Biyernes, September 30, 2011 9:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, Ang Aking gawaing papagbaliking-loob ang


mga kaluluwa ay tumitindi na ngayon.
Bigyan mo naman ng babala ang pinakamaraming pwede mong sabihan,
na ihanda na ang kanilang mga kaluluwa bago pa mangyari Ang Babala.

Sabihan mo yung lahat ng pari, madre, obispo at iba pang mga sekta, na
sumasampalataya sa Aking Amang Walang-hanggan, na pakinggan ang
Aking Salita. Ang dami sa Aking mga anak ang nasa ganun nang
kadiliman kaya ang Liwanag ng Aking Dibinong Kaluwalhatian ay
makakasakit sa kanilang mga kaluluwa. Makakaramdam sila ng tunay
na sakit dahil hindi nila matatagalan ang Dakilang Aktong ito ng Aking
Awa.

Merong ilang tao na natatawa na lamang sa Mga Banal na Mensaheng


ito. Pinalulungkot Ako nito. Hindi dahil sa hindi sila naniniwala na
ganito Ako makipag-usap sa kanila, kundi dahil ayaw nilang maniwala sa
Akin. Para sa inyong lahat na nag-aalala dahil sa inyong mga mahal sa
buhay, ipanalangin nyo naman na ang paglilinis na haharapin nila pag
nangyari na Ang Babala, ay sa wakas ay dadalhin na sila papasok sa
Aking Puso.

Hinihiling Ko sa lahat Kong alagad na protektahan na nila ngayon ang


kanilang sarili laban kay Satanas. Kailangan nilang wisikan ng Holy
Water ang bawat sulok ng kanilang tahanan, magsuot sila ng Benedictine
Cross at laging magdala ng Rosaryo. Manalangin din kay St. Michael the
Archangel.

Si Satanas at ang kanyang hukbo ng mga alagad ay gagawin lahat para


kumbinsihin kayo na hindi Ako Ito na nagsasalita. Sisimulan ni Satanas
at ng kanyang mga demonyo na pahirapan kayo at magtatanim sila ng
nakakakilabot na mga pagdududa sa inyong isip. Kayo, mga anak Ko,
mapipigilan nyo siya pag sinunod nyo ang Aking mga iniuutos.
Malungkot, pero babaluktutin niya ang isip ng mahihinang mga
kaluluwa hanggang sa lubusan na nila Akong itanggi.

Ang mga tigasing kaluluwa ay mahihirapan sa Babala. Makikipagtalo


sila tungkol sa kung paano sila nagkasala sa Akin. Kahit na ang
nakakapasong apoy ng Impiyerno, na mararamdaman nila habang
nangyayari Ang Babala, ay hindi pa rin mag-aalis ng lahat ng kanilang
pagdududa kung Ako nga ba ay talagang Umiiral.

Maraming magkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa Babala


pagkatapos nitong mangyari. Silang mga paganong alipin ni Satanas, ay
gagawa ng isang kasinungalingan, na ikakalat nila sa lahat ng
lugar. Magbibigay sila ng mga siyentipikong katwiran para ipaliwanag
ang Pangyayari. Ayaw nilang marinig ang Katotohanan. Kailangan
silang ipagdasal. Ganun na kalakas ang hawak ni Satanas sa mundo,
kaya hindi na babanggitin sa harap ng mga tao ang Aking Ngalan.

Nakakahiya na ngayong pag-usapan kung Ako ba talaga’y Nabuhay sa


Lupa.

Ang Ngalan Ko ay ngayo’y karaniwang ginagamit na lamang sa


masasamang pananalita, o mas grabe pa rito, sa pagmumura pag sila’y
nabibigla. Pero pakinggan nyo na Ako ngayon. Ang Aking Ngalan ay
muling pakikinggan at tatanggapin pagkatapos ng Babala, ng mga
magbabalik-loob. At gagamitin na ang Ngalan Ko pag silang Aking mga
anak ay nananalangin sa Akin.

Ang inyong minamahal na Jesus


Birheng Maria: Si manloloko ay naghahanda na rin para sa
Babala

Sabado, October 1, 2011 8:30 pm

Anak ko, ipanalangin mo lahat ng kaluluwa na itinanggi na ang aking


Anak at ipinagmamalaki pa na ginagawa nila ito.

Nalalapit na ang panahon habang ang aking Anak ay muling nagsisikap


na iligtas ang mundo mula sa hatol. Importante, anak ko, na patuloy
kang maging masunurin sa lahat ng hingin sa iyo ng aking mahal na
Anak.

Nagdurusa Siya at gusto Niyang iligtas kayong lahat mula sa kuko ni


manloloko. Siya, si manloloko, ay naghahanda na para sa
Babala. Samantalang ang aking Anak, dahil sa Kanyang Awa, ay
sisikaping iligtas ang mga kaluluwa ng lahat, siya namang si manloloko
ay sisikaping kumbinsihin sila na ang Ang Babala ay isang ilusyon.
Kailangang pigilan si Satanas na sunggaban yung mga walang kamalay-
malay na mga kaluluwa. Lagi nyo silang ipanalangin, dahil sila ang mga
pinaka-nangangailangan ng inyong mga panalangin.

Ang inyong Pinagpalang Ina

Reyna ng Langit

Matuwa kayo pag sumabog na ang langit, dahil alam nyo na, na
Ako’y darating

Linggo, October 2, 2011 3:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang pabago-bagong lagay ng panahon ay isa


pang palatandaan na malapit nang magbago ang panahon. Meron pang
ibang mga pagbabagong mararanasan. Ang araw ay magsisimulang
tumibok at umikot habang nalalapit ang panahon ng paghahanda ng
mundo para sa Babala.
Ang Aking Krus ang unang makikita. Masisindak sila, pero ibinibigay ito
bilang isang Palatandaan para maihanda nyo ang inyong mga kaluluwa
at humingi ng pagtubos para sa mga nagawa nyong kasalanan. Pag
ginawa nyo ito, hindi kayo maghihirap pag nangyari na Ang Babala.

Manalangin, manalangin, manalangin, mga alagad Ko sa lahat ng


dako. Matuwa kayo pag sumabog na ang langit, dahil alam nyo na, na
talagang Ako’y darating sa mundo. Sa wakas, hindi na Ako maitatanggi
ng sangkatauhan. Sisinag ang Aking Pag-ibig sa bawat sulok ng mundo
habang sinisikap Kong palapitin lahat ng kaluluwa sa lahat ng dako.

Sobrang mabubulaga ng pangyayaring ito ang mundo kaya mapapahinto


ito sa malaking sindak. Habang unti-unti silang nauulian, marami pa rin
ang hindi alam kung ano talagang nangyari. Sa pagdating Ko, darating
din si Satanas at lahat ng demonyo mula sa Impiyerno, na tatangkaing
lamunin ang mga kaluluwa ng Aking mga anak. Ito ang dahilan kung
bakit kailangang himukin Ko kayo na magwisik ng Holy Water sa inyong
tahanan at magtabi ng mga kandilang benditado sa lahat ng
lugar. Kailangang protektahan nyo ang inyong sarili. Ito ang hinihiling
Ko sa inyo habang palapit na ang panahong yun. Ipanalangin nyo lahat
ng hindi matanggap ng kanilang kalooban na paniwalaan ang
Katotohanan ng Aking Mga Aral. Ipanalangin nyo lalo na yung mga
gagawin lahat ng pwedeng paraan para itanggi Ako, kahit na alam
naman nila na Ako’y Nagpapako sa Krus para sila’y iligtas.

Tandaan nyo, Ako’y namatay para sa bawat isa sa inyo para kayo’y
iligtas. Tandaan din nyo, na sa pagkakataong ito, muli Akong
dumarating para iligtas kayo, bawat isa sa inyo. Wala ni isa Akong
iniitsa-pwera.
Pagkakataon nyo na ngayon, mga anak, para makasigurado ng isang
lugar sa Panahon ng Kapayapaan sa Lupa. Bakit nyo hindi gugustuhing
makasali rito? Bakit sadya pang pipiliin ninuman ang kailaliman ng
Impiyerno kapalit ng dakilang Regalong ito?

Matuwa. Manalangin, magpasalamat sa Diyos Ama, para sa Dakilang


Babalang ito. Tanggapin nyo ang Regalong ito nang may pagmamahal at
tuwa sa inyong puso.

Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo

UL 1 18 14 Hindi Ko kayo kailanman pababayaan, mga


anak. Kaya nga Ako Darating.

Lunes, October 3, 2011 12:30 pm


Pinakamamahal Kong anak, kakausapin Kita ngayon dahil kailangang
maunawaan kung ano nga ba itong Babala at para mawala na rin ang
pagkalito tungkol dito. Marami ang natatakot at akala’y ito na ang Araw
ng Paghuhukom. Pero hindi ganun. Ito’y magiging isang araw ng
Maluwalhating Awa ng Diyos, na babalot sa buong mundo. Ang mga
Sinag ng Aking Awa ay ibubuhos sa bawat kaluluwa – lalaki, babae at
bata. Walang maiitsa-pwera. Wala ni isa.

Ito ang Aking pagbabalik para iligtas Ko kayo nang minsan pa. Di ba’t
alam nyo naman na Ako’y laging magiging Maawain? Na hinding hindi
Ko hihintayin pa ang Huling Paghuhukom na hindi Ko pagsisikapang
iligtas muli kayong lahat?

Ito ang Paglilinis na sinabi Ko na noon. Sa panahong patungo sa


Dakilang Pangyayaring ito, dalawang taon nang pinagdadaanan ng
mundo ang isang Paglilinis. Hinayaan Kong ang sangkatauhan ay
magtiis na mawalan ng mga materyal na bagay at magkaroon naman ng
kababaang-loob dahil sa pagbagsak ng financial market, bagamat hindi
Ako ang may kagagawan nito. Plinano ito ng mga pandaigdig na grupo
na nasa pwesto ng kapangyarihan, pati na yung mga nasa mga pasilyo ng
gobyerno sa buong mundo, dahil sa kanilang masamang
kasakiman. Pero dahil din naman sa pagdurusang ito, milyun-milyong
tao ngayon ay magiging handa nang makinig sa Aking Salita at
tumanggap ng Aking Awa. Kung hindi ito nangyari, hindi sana sila
magiging handa. Wala kayong dapat ikatakot kung mahal nyo Ako at
kayo’y namumuhay ayon sa Mga Utos na ibinigay ni Moses sa utos ng
Aking Amang Walang-hanggan.

Hintayin nyo ang Aking pagdating nang may mapagmahal at masayang


pananabik, at ipagpasalamat nyong ngayon kayo nabuhay sa mundo para
tanggapin ang Aking dakilang Regalong kaligtasan. Hindi Ko kayo
kailanman pababayaan, mga anak. Kaya nga Ako darating. Dahil mahal
na mahal Ko kayo kaya Ko ito ginagawa. Dahil gusto Ko kayong ihanda
at ilapit sa Aking Puso kaya ibinigay Ko na sa mundo ang Aking Mga
Mensahe sa pamamagitan ng Aking minamahal na anak.

Ang Mga Mensaheng ito ay magpapatuloy rin kahit na nakaraan na Ang


Babala para bigyan kayo, hangga’t maaari, nang pinakamaraming gabay
sa Aking Mga Aral. Ang Aking Salita, na nakapaloob sa mga Volume na
ito, na tinatawag Kong Aklat ng Katotohanan, ay lilikha ng isang bagong
kristiyanong hukbo, na magtatanggol sa Aking Ngalan hanggang sa
magsimula na ang Bagong Panahon ng Kapayapaan.

Matuwa na kayo ngayon, mga anak Ko. Magpakonswelo kayo sa Akin,


dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong makakatagpo nyo Ako nang
harap-harapan. Para sa mga alagad Ko, ito’y magiging isang sandali ng
malaking pagmamahal, kapayapaan at kaligayahan. Bangon at maging
matapang. Dahil binigyan kayo ng prebilehiyo at dahil dito ay papurihan
nyo ang Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat, Na Siyang
nagpahintulot na mangyari ito.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Hindi na magtatagal ay Panahon na ng Kapayapaan

Martes, October 4, 2011 3:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang Bagong Panahon ay malapit nang


mangyari, sa di kalayuang hinaharap.

Ang Panahong ito ng Kapayapaan ay tatamasahin ng lahat Kong


alagad. Ito’y magiging isang panahon ng pagmamahal, kaligayahan at
kapayapaan. Wala nang karamdaman, sakit, mga pagkabalisa tungkol sa
pera, dahil lahat ng kakailanganin nyo ay ibibigay Ko. Wala na kayong
hahanapin pa, mga anak Ko, dahil aalagaan at aakapin Ko kayo na
parang isang magulang na nag-aalaga ng isang sanggol. Dapat itong
mainit na tanggapin. Isa itong layuning dapat nyong lahat pagsikapang
matupad.

Huwag na kayong maghintay pa bago maghanda sa pagpasok sa Aking


Paraiso ng kapayapaan. Dahil baka masyadong huli na ang inyong pag-
alis. Magplano na kayo ngayon, dahil hindi nyo malalaman kung kailan
ito mangyayari. Sa totoo lang, mangyayari ito nang biglaan at
napakabilis, kaya kayo, mga alagad Ko, ay matatagpuan nyo ang inyong
mga sarili na kayo’y naroroon na sa isang kisap-mata. Kaya nga
kailangan nyo nang simulang ihanda ang inyong mga kaluluwa ngayon
din, dahil ang malilinis na mga kaluluwa lamang ang makakapasok.
Napakahalaga ng panahon. Ito, mga anak Ko, ay isa sa mga huling
panawagan sa inyo na ayusin nyo ang inyong buhay bago pa mangyari
Ang Babala. Maghanda kayo sa bawat araw at manalig sa Aking
Dibinong Salita habang kayo’y inuutusan ngayong sundin ang Aking mga
kahilingan para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.

Ang Panahon ng Kapayapaan ay nalalapit na at hinihimok Ko kayo na


ihanda na ang inyong pamilya para kayo’y magkaisa sa Aking Bagong
Kaharian.

Ang inyong Diyos na Tagapagligtas

Jesucristo

Pinaghaharian ng antikristo ang mga Grupong pandaigdig

Miyerkules, October 5, 2011 9:00 pm


Pinakamamahal Kong anak, natutuwa Ako at pinadami mo na ang iyong
mga oras para sa Akin sa iyong Adoration. Mabuti ito dahil ang Aking
mga grasyang ibinibigay Ko sa iyo sa espesyal na panahong ito ay
magpapalakas ng iyong loob at lalo mo pang maikakalat ang Aking Mga
Mensahe.

Ngayong mas marami pa sa Aking mga anak ang nakakaalam na ang


takbo ng pulitika at ekonomiya sa mundo ay nabago na sa paraang hindi
na nila magawang intindihin, malapit na nilang makita ang
Katotohanan. Ang tinutukoy Kong mga pinuno ng mundo, na mga
duwag kaya nagtatago sila para hindi nyo sila makita, ay lalo pang
nagpaplano para maghari sa mundo.

Bumubuo sila ng mga hukbo, sandata at nakakalasong mga bagay at ang


iisa nilang pakay ay puksain ang Aking mga anak. Lagi na lang
pinagtatawanan ang mga conspiracy theory, o pag-aakalang merong
sabwatan, samantalang totoo ito at inilalathala ng matatalas mag-
obserba. Dahil alam nyo ba, napaka-makapangyarihan ng mga grupong
ito, na sama-sama sila sa likod ng maskarang pinagmumukha silang
kagalang-galang, kaya naiiimpluwensyahan nila ang katotohanan at
naitatago sa paningin ng mga tao.

Maniwala kayo, mga anak, na ang masamang grupong ito ay


nakikipaglaban sa Akin mismong mga alagad at pinuno sa
Simbahan. Nagawa pa nga nilang gapangin ang Aking Simbahan mula
sa loob. Ang kanilang kamandag ay bumubulwak na parang isang
malakas na agos patungo sa lahat ng direksyon. Ang kanilang plano ay
hindi lamang para kayo’y lokohin, kundi isasali pa kayo sa kanilang
paraan ng pag-iisip. Kung titingnan mo mula sa labas, mukhang gusto
nilang iligtas ang buong mundo sa likod ng maskara ng mga makataong
pagsisikap. Ang kanilang malikhaing solusyon para sa inyo ay pagsama-
samahin ang inyong pera, pagkain, kalusugan, kapakanan at relihiyon sa
ilalim ng iisang rehimen, ang rehimen ng antikristo.
Tanggihan nyo naman ang mga tangka ng mga masasamang taong ito,
na hatakin kayo sa kanilang masamang plano, mga inosente Kong mga
anak. Gusto nilang tanggihan nyo, nang kusang-loob pa, ang Diyos na
Aking Amang Makapangyarihan-sa-lahat. Sa sandaling ma-kontrol na
kayo, wala na kayo. Kokontrolin na nila ang inyong kakanin, ang mga
relihiyosong gawain na inyong sasalihan at ang gamot na ibibigay nila sa
inyo.

Manalangin, ipanalangin nyo sa Diyos Ama na matigil na ang masasama


at nakakasukang mga gawain nila, at hilingin nyo sa Kanya na tubusin
ang kanilang mga kaluluwa habang nangyayari ang Babala. Gaano man
kaitim ang kanilang mga plano, sila pa rin ang pinaka-nangangailangan
ng inyong mga panalangin. Sila’y mga tau-tauhan ni Satanas, mga
kawawa at naliligaw na mga kaluluwa, at marami sa kanila ay ni hindi
alam ang kanilang pinag-gagagawa, o kung kaninong utos ang kanilang
sinusunod.

Dasalin nyo ang Aking Divine Mercy Chaplet para sa mga kaluluwang
ito, araw-araw hangga’t makakaya nyo. Tulungan nyo Akong iligtas sila.

Ang inyong Jesus


Ang malawakang pagbagsak ng inyong mga bangko ay plinano
ng antikristo

Huwebes, October 6, 2011 10:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, taimtim kang manalangin dahil ang


antikristo ay malapit nang lumabas mula sa kanyang pinagtataguang
lungga at lulundagin niya ang mundo para lamunin ang Aking mga anak.

Ang tuso niyang plano ay itatago sa likod ng isang kaanyuang guwapo,


kaakit-akit at magaling magsalita, pero pag tiningnan ng Aking mga anak
ang kanyang mga mata, kadiliman ang kanilang makikita, dahil wala
siyang kaluluwa. Hindi siya nilikha ng Kamay ng Diyos Ama.

Manalangin kayo, mga anak Ko, ngayon din, bawat isa sa inyo, para
pigilan siya na puksain lahat ng kanyang kinokontrol sa loob ng One
World Order.

Ang panalangin ay makakabawas sa marami niyang inihaharap na


nakakasuklam na mga plano laban sa sangkatauhan. Malungkot, pero
marami siyang maloloko.

Hindi Ko pa kailanman nahimok na manalangin nang ganito kataimtim


ang Aking mga anak, dahil kung wala ang inyong mga panalangin, ang
mga planong niluluto niya ay matutupad gaya ng naipropesiya na sa
Aklat ng Pagbubunyag.
Ang kanyang presensya sa Lupa ay nararamdaman sa buong mundo,
pero ang kanyang mga kilos ay patago at hindi nakikita. Para siyang
isang bato, na pag itinapon sa tubig ay lumilikha ng maliliit na alon, na
pwedeng maglakbay ng maraming kilometro. Gusto niya kayong
puksain dahil mga anak Ko kayo.

Ang Aking mga anak na parang aliping sinusunod ang bawat niyang
kilos, ay may piring sa mata. Ang mga patagong kasamaang ginagawa ng
mga taong ito ay lumilikha ng napakatinding kalungkutan sa Langit.

Mga anak, kailangang hilingin Ko sa inyo na kayo’y manalangin kay St.


Michael the Archangel para pagalitan si Satanas sa magulong panahong
ito.

Ang antikristo ay mabilis na kumikilos at ang kanyang impluwensiya ay


nagpapabilis sa pandaigdig na sabwatan para gawing iisang klase na
lamang ang pera sa lahat ng lugar.

Sadyang plinano ng antikristo ang malawakang pagbagsak ng mga


bangko para pag ang inyong bansa ay nangailangan ng tulong, tutulong
siya at ang kanyang masasamang alagad para iligtas ang inyong bansa.

Gising, lahat kayo, at tingnan kung ano talaga ang nangyayari sa harap
mismo ng inyong mga mata. Nag-aabang siya para umatake, pero ang
inyong mga panalangin ay makakapagpahina sa kanyang mga aksyon at
patitigilin siya sa kanyang kinatatayuan. Ang marurumi niyang mga
kamay ay handa nang sunggaban kayo at akapin, at mahihirapan na
kayong kumalas.
Tandaan nyo, mga anak, na ang panahong natitira para manatili si
Satanas sa Lupa ay kokonti na. Ang antikristo ay sinugo na para
magnakaw ng mga kaluluwa sa Aking Ama. Ang mga kaluluwang ito ay
galing sa Aking Amang Diyos na Maylikha ng lahat ng bagay. Ang
pangako ng antikristo ng isang walang-hanggang sanlibutan ay isang
kalokohan. Maraming kaluluwa na ngayon ang naaakit ng bago at
masamang doktrinang ito. Pinagmamasdan Ko kung paano sila
nahuhulog sa mapanlinlang na kuwebang ito ng kadiliman at mapait
Akong lumuluha. Dahil sa sandaling sumunod sila sa daang ito ng
panloloko, nadungisan na sila. Magbabago na ang kanilang pagtingin sa
iba, pati na sa kanilang pamilya dahil manlalamig na ang kanilang puso.

Malakas ang kapangyarihan ni Satanas, pero ang Diyos Ama ay


manghihimasok at matinding paparusahan ang kanyang mga alagad sa
Lupang ito. Ang Babala ang huli nilang pagkakataon para talikuran ang
antikristo.

Ipanalangin nyo na ang Aking Liwanag ay tatagos sa lahat ng kaluluwa


habang nangyayari Ang Babala, para ang mga naliligaw na kaluluwa,
higit sa lahat, ay maligtas sa nakakakilabot na kadilimang ito.

Ang inyong minamahal na Jesucristo


Ang Purgatoryo ay hindi isang lugar na dapat nyong ikasiyang
pasukin

Biyernes, October 7, 2011 9:45 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang dahilan kung bakit napakarami ng Mga


Mensaheng ipinadadala Ko sa Aking mga anak ay para tulungan silang
ihanda ang kanilang mga kaluluwa sa paraang hindi pa naging posible
hanggang ngayon.

Marami sa Aking mga anak ang hindi pa nakakabasa ng Banal na Biblia,


at hindi rin alam ang Aking Mga Aral.

Oo nga’t mas maraming panahon ang inilalaan ng Aking mga sagradong


lingkod sa pagtutok sa bahagi ng Aking Mga Aral kung saan hinihiling Ko
sa inyo na mahalin nyong lahat ang inyong kapwa, at ito’y mabuti, pero
wala namang sinasabi tungkol sa mga mangyayari sa sangkatauhan pag
tinanggihan nila ang Ama. Bakit ba itinatanggi ng Aking mga sagradong
lingkod na merong Impiyerno, at bakit nila pinagaganda ang larawan ng
Purgatoryo?

Ang Aking mga anak ay tinuruan ng maraming mabubuting bagay sa


pamamagitan ng mga simbahan, na nagpapahayag ng Kaluwalhatian ng
Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat. Pero ang malungkot nito, ay
halos hindi na pinag-uusapan ang pagkakaroon ng Purgatoryo at
Impiyerno kaya naman ang Aking mga anak ay hindi na nababahala na
merong ganito.
Ang Aking mga anak ay inililigaw din tungkol sa pag-iral ni
masama. Marami pa nga sa Aking mga sagradong lingkod ang
itinatangging si masama ay umiiral. Ay naku, ang ta-tanga nila para
akalaing mapapalakas ng tao ang kanyang pananampalataya nang hindi
alam o nauunawaan ang katotohanan ng kapangyarihan ni masama.

Dahil kulang ang paggabay ng Aking sagradong mga lingkod, lumaganap


ang kasamaan sa mundo sa paraang napigilan sana ito sa pamamagitan
ng panalangin. Si Satanas ay napabayaang malayang gumala sa Lupang
ito nang ilang panahon dahil bulag ang Aking mga sagradong
lingkod. Kung nabigyan sana ng sapat na kaalaman ang Aking mga anak
tungkol sa malaking gulong ginagawa ni Satanas, sana’y mas maraming
nanalangin para mapahina ang kanyang impluwensiya.

Ang pag-iral ng Purgatoryo

Mali ang pagkaintindi tungkol sa pag-iral ng Purgatoryo. Maraming


naniniwala na ito’y isa lamang panahon ng paghihintay at paglilinis bago
ang mga kaluluwa makapasok sa Langit, dahil ang mga kaluluwang yun
ay maaaring wala sa kalagayan ng grasya sa oras ng kamatayan. Merong
iba’t ibang lebel sa Purgatoryo, mga anak, at lahat ng kaluluwa ay
nakakaramdam ng isang nakakapasong hapdi ng kadiliman, na patindi
nang patindi habang pumupunta sa mas mababang lebel. Ang ibig
sabihin nito ay yung mga kaluluwang muntik nang mapatapon sa
Impiyerno ang siyang nagtitiis ng pinakamatinding pagkapaso. Kahit na
lahat ng kaluluwa,ay sa wakas ay papasok din sa Kaharian ng Aking
Ama, hindi ito isang lugar na ikasisiya ng Aking mga anak na
pasukin. Kaya kailangan nyong labanan ang kasalanan at humingi ng
tawad nang malimit, hangga’t maaari, para makapanitili sa kalagayan ng
grasya. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nyong palaging sundin ang
Sampung Utos. Ito rin ang dahilan kung bakit kailangan nyong
ipanalangin yung mga kaluluwang naroroon, dahil kung wala ang inyong
mga panalangin, hindi sila makakapasok sa Kaharian ng Langit
hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Panahon na para harapin nyo ang
Katotohanan, mga anak.

Ipanalangin nyo na bigyan kayo ng mga grasyang kailangan nyo para


maging malaya kayo sa kasalanan, para makapasok kayo sa
Langit. Maging handa kayo araw-araw, dahil hindi nyo alam ang mga
plano, na nailatag na, na naghihintay sa inyo. Ibinibigay Ko sa inyo ang
Mensaheng ito para maging malinaw ang Katotohanan. Sa loob ng
maraming dekada, hindi naging malinaw ang pagprisinta sa inyo ng
mahahalagang Mga Mensaheng ito, mga anak. Importanteng kayo’y
makapaghanda nang mabuti.

Pag dinasal nyo ang Divine Mercy Chaplet araw-araw sa 3 PM, Ako’y
mamamagitan para sa inyo sa sandali ng inyong kamatayan, gaano man
kalaki ang inyong kasalanan, at papakitaan Ko kayo ng Aking
Awa. Sinasabi Ko ito sa inyo dahil mahal Ko kayo, hindi para kayo’y
takutin kundi para siguraduhing ikakalat nyo ang Katotohanan sa inyong
pamilya.

Ang Aking Salita ngayon ay isa lamang paalala tungkol sa Katotohanang


ipinagkait sa inyo sa likod ng maskara ng pagpayag. Medyo katulad ito
ng magulang ng isang anak na kanilang pinalaki sa layaw dahil mahal na
mahal nila

ito. Pag pinakain ng magulang ng sobra ang bata, masisira ang


kalusugan ng bata. Pero sige pa rin ang mga magulang, at
nakakasanayan ito ng bata dahil sa maling pagmamahal. Maaari itong
makasama sa kalusugan ng bata. Ang bata naman ay walang alam sa
mga pagkaing nagpapalusog, dahil hindi siya naturuan.
Hayo na at sabihin nyo sa inyong mga kapatid ang Katotohanan tungkol
sa Impiyerno at Purgatoryo, bago maging huli ang lahat. Dahil kung
hindi nyo ito gagawin, wala nang iba pang gagawa nito.

Ang inyong Guro at Diyos na Tagapagligtas

Jesucristo

Birheng Maria: Ang kasalanang pagbale-wala sa aking Anak ay


laganap na

Sabado, October 8, 2011 2:22 pm

(Tinanggap sa isang pribadong aparisyon ng Pinagpalang Ina, na


tumagal ng 30 minutos)

Anak ko, ang daming kaluluwang nakatadhana para sa walang-hanggang


pagkatapon, kung hindi sila babalik sa aking mahal na Anak.
Matindi ang pagdurusa at dalamhati ng aking Anak, habang
pinagmamasdan Niya ang mga anak na ito na pasuray-suray mula sa
isang masamang daan papunta sa isa pa.

Ang kasalanang pagbale-wala sa aking Anak ay laganap na, at ang dami


sa mga nakakaalam tungkol sa Kanyang Pag-iral, ay pinili pa rin, sa
pamamagitan ng kanilang malayang loob, na itanggi Siya.

Ngayon na ang panahon para maunawaan nila kung ano ang naghihintay
sa kanila pag hindi sila nagsisi habang nangyayari ang Pagliliwanag ng
Konsiyensya, na malapit na nilang maranasan.

Para naman dun sa mga nagmamahal sa aking Anak, pasanin nyo ang
Kanyang Krus at tulungan nyo Siyang palapiting muli sa Kanya yung
mga kaluluwang Kanyang pinananabikang akapin sa Kanyang mahal at
mapagmahal na Mga Braso.

Ang dami sa inyo, mga anak, na hindi talaga kilala ang aking Anak, ang
kailangang malaman kung gaano ka-mapagmahal ang Kanyang
Puso. Ang laki ng Pagmamahal na meron Siya para sa inyong lahat,
na kung makikita nyo lamang ang Kanyang pagdurusa dahil sa
pagtanggi sa Kanya, ay maglulupasay kayo sa lupa, iiyak at
magmamakaawang patawarin ang mga kasalanan ng sangkatauhan.

Manalangin naman kayo nang buong taimtim para sa pagbabalik-loob na


pinananabikan ng aking Anak pag nangyari na Ang Babala.

Ang inyong Pinagpalang Ina


Reyna ng Sangkatauhan

UL 1 21 14 Panahon ng napakaraming pekeng propeta na


sinugo ni Satanas

Sabado, October 8, 2011 4:20 pm

Pinakamamahal Kong anak, nagtatrabaho na sa mundo ang Aking mga


tunay na bisyonaryo, at heto na rin ang mga pekeng
bisyonaryo. Makikilala mo sila pag masinsin mong pinag-aralan ang
kanilang mga mensahe para sa mundo. Dahil mararamdaman mo sa
kalooban mo na ang Aking Mga Aral at ang Katotohanan na nakapaloob
sa Kabanal-banalang Biblia, ay hinaluan ng dumi.

Napakatuso ng mga kasinungalingang ito, kaya yun lamang talagang


may alam sa Banal na Kasulatan ang makakakita sa mga ito.
Bantayan mo ang anumang pagkasuklam na lilikhain ng mga
bisyonaryong yun sa kanilang mga alagad, pag sila’y nag-away-away,
naghiwalay at nagwasak ng mga pamilya. Ang mga kultong susulpot
mula sa trabaho ng mga bisyonaryong yun ay kakalat na ngayon sa
mundo para magdulot ng pagkalito at pagkabalisa sa mga
mananampalataya.

Saanman nakapaloob ang Aking Banal na Salita, matatagpuan mo ang


Pag-ibig. Ang Aking Mga Mensahe ay nagsisilang ng pagmamahal at
pagkakasundo, at hindi pwedeng di maapektuhan ang iyong
kaluluwa. Katotohanan ang laging ipinapahayag ng Aking Mga
Mensahe, at nakakalungkot man at nakakatakot kung minsan, ibinibigay
naman ito sa inyo, mga anak Ko, nang dahil sa Pag-ibig.

Ang mga pekeng bisyonaryo ay magbibigay ng mga mensahe na mahirap


basahin o maintindihan. Mukhang malakas ang dating at lumilikha ng
pag-ibig ang mga ito, pero hindi magbibigay ng kapayapaan sa inyong
kaluluwa. Ang ganung mga bisyonaryo, na marami sa kanila ay hindi
nagmumula sa Diyos, ay aakitin muna kayo, at pagkatapos ay
kokontrolin, hanggang sa mahatak kayo sa isang higaan ng
kasinungalingan at panloloko.

Iimpluwensiyahan ni Satanas at ng kanyang hukbo ang ganung mga


pekeng bisyonaryo. Maari rin niyang atakihin ang mga tunay na mga
bisyonaryo pag inuudyukan niya silang layuan Ako sa kanilang
pagkalito. Kaya kailangang lagi kayong handa, mga anak.

Kondenahin nyo ang mga mensaheng salungat sa Aking Mga Aral sa


anumang paraan, dahil makakasiguro kayo na peke ang mga ito.
Ako’y nagsasalita sa pamamagitan lamang ng ilang piniling mga tunay
na bisyonaryo at propeta sa mundo ngayon. Wala pang dalawanpu sila,
at mas konti kaysa akala nyo. Bawat isa sa kanila ay binigyan ng iba’t
ibang papel, pero ang Aking Tinig at ang Aking mga iniuutos ay
magkakaroon ng parehong tunog na inyong makikilala. Merong layunin
ang kanilang mga mensahe, na ang pakay ay himukin kayong kumilos
para ihanda ang mga kaluluwa.

Anumang aksyon na itinataguyod ng mga nagsasabing sila’y mga


bisyonaryo at propeta, na mukhang kakaiba, o nagtataguyod ng aksyong
walang kinalaman sa pagmamahal sa inyong kapwa, ay talikuran nyo.

Makinig kayo ngayon, dahil ito ang panahon ng pekeng propeta, na


malapit nang magladlad ng kanyang sarili sa mundo. Ito rin ang
panahon ng napakaraming pekeng propeta na isinugo ni manloloko sa
mundo para lumikha ng kaguluhan at isang kadiliman ng kaluluwa.

Ang inyong minamahal na Jesus

Diyos Ama – Pakinggan nyo na ngayon ang Aking huling


panawagan sa sangkatauhan
Linggo, October 9, 2011 3:30 pm

Anak Ko, sabihan mo ang mundo ng tungkol sa Pag-ibig na meron Ako


para sa lahat Kong nilikha sa lahat ng dako. Ipagbigay-alam mo rin sa
kanila na Ako na ngayon ang magma-mastermind ng pinakadakilang
Akto ng panghihimasok ng Diyos na makikita sa Lupa mula nang
Mabuhay Muli ang Aking minamahal na Anak na si Jesucristo.

Lahat ay handa na para sa Dakilang Aktong ito ng Awa, na pinayagan Ko


para makatulong na maligtas kayong lahat.

Ang kahulugan ng Aking Pag-ibig para sa inyo ay habang layuning Kong


labanan si manloloko sa kanyang mga pagtatangkang puksain ang
sangkatauhan, papayagan Ko na ngayon ang isang pangwakas na Akto ng
Awa para papagbaliking-loob kayo. Ang kahulugan ng pangwakas na
Aktong ito para kayo’y matubos sa Mata Ko ay ang tao ay muling
matututunan ang Katotohanan ng Aking Pag-iral.

Mga anak Ko, yumuko na kayo at humingi ng Awa para sa inyong


pamilya at mga mahal sa buhay. Pag sila’y wala sa kalagayan ng grasya,
mahihirapan sila sa Babala. Kailangang sabihan nyo sila na kailangan
nilang pagnilayan ang Katotohanan.

Konting panahon na lang. Halos dumating na sa inyo Ang Babala. Sa


sandaling matapos ito, magkakaroon kayo ng panahong disisyunan kung
aling daan ang gusto nyong piliin, ang daan ng Liwanag ng Diyos o ang
daan ni manloloko. Kayo ang pipili.
Paglipas ng ilang panahon, kung hindi tatalikuran ng tao ang kanyang
masasamang gawi, wawasakin Ko yung mga bansang pinaparangalan si
manloloko. Magtatago sila pagbagsak ng Aking Kamay para magparusa,
pero wala silang mapupuntahan.

Malapit nang maubos ang Aking pasensya at pinaplano Ko na ngayong


pagkaisahin yung lahat ng sumasampalataya sa Akin, ang Maylikha ng
lahat ng bagay, at isama sila sa Bagong Panahon ng Kapayapaan. Yung
mga pipiling lumakad sa kabilang daan ay itatapon sa mga apoy ng
Impiyerno.

Pakinggan nyo na ngayon itong huling panawagan sa sangkatauhan. Ito


na ang panahon para disisyunan nyo ang inyong
kinabukasan. Ipanalangin nyo yung mga bulag sa Aking Pag-ibig, dahil
marami sa kanila, pag pinagbunyagan ng Katotohanan, ay muli Akong
susuwayin at tatalikuran.

Ang inyong minamahal na Maykapal

Diyos Ama

Hari ng Kataas-taasan
Mensahe para sa America: Akapin nyo ang inyong mga kapatid
na kabilang sa lahat ng sekta

Martes, October 11, 2011 3:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, gusto Kong kausapin ang bansang


Amerikano. Ito ang mensahe Ko sa kanila. Kayo, mahal Kong mga anak,
ay sobrang nagdurusa sa mga panahong ito. Pinagdadaanan nyo ang
isang paglilinis na kinakailangan para linisin ang inyong mga kaluluwa.

Ang malalaking mga kasalanan sa America, na pasakit sa Akin, ay ang


mga kasalanan ng aborsyon at imoralidad ng laman. Marami sa Aking
mga anak ay sinasapian ni manloloko, na nakatago sa likod ng mga
nakasarang pinto at naghahari sa mga sistemang pinansyal at
pulitikal. Ang dami sa inyo ang walang kaalam-alam sa katunayang
ito. Hinihimok Ko kayo ngayon na ipanalangin na kayo’y makalaya sa
kanilang mga tusong plano na wasakin ang inyong bansa.

Ang panalangin, mga anak Ko, ay makakatulong na mabawasan ang


parusa, na pakakawalan ng Aking Ama sa mundo laban sa kasalanan ng
aborsyon. Manalangin, manalangin, at sama-sama nyong parangalan
ang Aking Ama. Dahil pag pinagkaisa nyo ang lahat ng relihiyon, na
nagpaparangal sa Amang Diyos na Maylikha ng mundo, matutulungan
nyo ang inyong bansa.
Kailangan nyong manalangin para kayo’y patawarin, at manalig na
sasagutin ang inyong mga panalangin ayon sa pag-tiyempo ng Aking
Amang Diyos.

Akapin nyo ang inyong mga kapatid na kabilang sa lahat ng sekta, na


sumasampalataya sa Diyos Ama, at sama-sama kayong manalangin para
tubusin ang mga kasalanan ng inyong bansa. Mga anak Ko, ang laki ng
inyong bansa, kaya importanteng mailigtas Ko ang pinakamaraming
kaluluwang maaaring iligtas. Magagawa Ko lamang ito sa pamamagitan
ng pagbabalik-loob, na mangyayari pagsapit ng Babala at sa
pamamagitan ng inyong mga panalangin at debosyon.

Lapit na kayo ngayon sa Akin, lahat kayo. Huwag kayong mag-itsa-


pwera ng inyu-inyong mga relihiyon, basta’t manalig na lang kayo sa
Diyos Ama, at sasagutin Niya ang inyong mga panalangin.

Kayo, mahal Kong mga anak, ay naliligaw. Sobrang kalituhan na ang


ipinakita sa inyo at binaluktot na mga katotohanan ang ibinigay sa inyo
tungkol sa Pag-iral ng Diyos Ama. Ginagamit nyo ang relihiyon bilang
isang maskara para bugahan ng kamandag yung mga mas di-pinalad
kaysa inyo. Panahon na para tanggapin nyo ang Katotohanan na ang
inyong bansa ay makakabalik lamang sa Mga Braso ng inyong Maykapal,
ang Diyos Ama, kung mamahalin nyo ang inyong kapwa.

Mahal Ko kayo nang may Malasakit na pumupunit sa buo Kong Pagka-


Diyos. Pinaghihirapan Kong iligtas kayo, para kayo’y maisama sa bago at
napakagandang Panahon ng Kapayapaan na naghihintay sa inyo sa
Lupang ito. Para kayo’y makapasok sa Bagong Paraisong ito,
kinakailangang ang inyong mga kaluluwa ay walang kasalanan.
Manalangin kayo para sa mga grasyang tutulong para makahingi kayo ng
tawad para sa inyo mismong mga kasalanan at sa mga kasalanan ng
inyong mga gobyerno.

Iniiwan Ko kayo sa kapayapaan at pag-ibig.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Birheng Maria: Pagdaraanan mo ang isang


matinding pagsisiyasat at pag-atake

Miyerkules, October 12, 2011 2:22 pm

Anak ko, ngayon ang panahon na pag Nagtrabaho ka para sa aking Anak,
pagdaraanan mo ang isang matinding pagsisiyasat at pag-atake. Lagi
mong dapat pagbibigyan ang mga kagustuhan ng aking Anak at lagi mo
Siyang susundin. Huwag na huwag mong dedepensahan ang Kanyang
Kabanal-banalang Salita, dahil hindi naman Niya gustong gawin mo
ito. Huwag mong sasagutin o didibatihin yung mga kumekwestyon o
bumabaluktot sa Kanyang Salita, dahil baka magdulot ito ng pagtatalo at
pagdududa.

Aatakihin ka na ngayon ni manloloko, pero kailangang ipanalangin


mong protektahan kita, at huwag na huwag kang bibigay sa ganung mga
panunukso. Siyang si manloloko, ay nagtatrabaho gamit ang iba para
saktan ka. At kung hahayaan mong gawin niya ito, nakikipagtalo ka sa
kanya at sa ganun ay binibigyan mo siya ng lakas na gusto niya.

Magpakatatag ka sa mga pagkakataong ito, anak ko, at lagi kang lalapit


sa akin. Tatakpan kita ng aking Kabanal-banalang Kapa para
protektahan ka sa kanya, at magiging maayos lahat.

Manatili kang matapang at tanggapin mo ito bilang isang Regalo mula sa


Diyos na Kataas-taasan, dahil kung walang ganitong lakas, hindi mo
magagawa nang ayos ang Gawaing ito. Lagi mong tatandaan na hindi ka
nag-iisa sa Gawaing ito, dahil lahat ng santo ay namamagitan para sa iyo
at ibinibigay na sa iyo ang lahat ng klase ng makalangit na proteksyon.

Ipagpatuloy mo ang iyong pagkamasunurin sa aking Anak at sikapin


mong maging masaya habang tinatanggap mo ang pagdurusang
pinapayagan Niya para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Kailangang lagi
mong dadasalin araw-araw ang Santo Rosaryo, at manalangin kang
kasama ko para mailigtas ang mga kaluluwa.

Binibindisyunan kita, anak ko. Nagdiriwang ang Langit dahil sa


Kabanal-banalang Gawaing ito alang-alang sa aking mahal na Anak, Na
nagmamahal sa buong sangkatauhan, pero malungkot na lumuluha para
sa mga kaluluwang yun na tatanggihan ang Kanyang Kamay ng Awa
pagkatapos ng Babala.

Ang iyong minamahal na Ina

Huwag na huwag mo Akong ipagtatanggol, dahil hindi ito


kinakailangan

Huwebes, October 13, 2011 12:10 am

Pinakamamahal Kong anak, kailangang sabihin Ko sa iyo na iwasan


mong ipagtanggol ang Aking Kabanal-banalang Salita.

Yung mga kumekwestyon sa Aking Salita ay kailangang manalangin sa


Akin na sila’y gabayan. Iniuutos Ko na ngayon sa iyo na huwag na
huwag mong susubukang ipaliwanag ang Mga Mensahe mula sa Aking
Mga Dibinong Labi.
Maraming beses Ko nang sinabi ito sa iyo, at hindi ka binigyan ng
kapangyarihan para gawin ito. Sa halip, ay tanggapin mo ang Aking Mga
Mensahe kung ano ang mga ito. Huwag mong pagdudahan ang mga
ito. Huwag mong subukang himayin ang mga ito, dahil konting-konti
lang ang nalalaman ng tao tungkol sa mga plano o pag-tiyempo ng
Diyos. At wala ring alam ang tao tungkol sa antikristo, kahit akala niya’y
meron. Ang mga bagay na ito na napakalaki ng importansya, ay ang
Aking minamahal na Ama lamang ang nakakaalam.

Hinihiling Ko sa iyo na huwag na huwag mo Akong ipagtatanggol, dahil


hindi ito kinakailangan. Ang mahalaga lamang ay maiparating sa
sangkatauhan ang Loob ng Aking Ama sa pamamagitan mo at ng iba
pang mga propeta. Gaya ng sinabi Ko na noon pa, ikaw ang
manunulat. Ako ang May-akda. Ikaw ang instrumento. Ako ang
Maestro.

Ang laging pagka-masunurin sa Akin ay inaasahan Ko sa iyo. Simple


lang ang gawin kung ano ang Aking sabihin. Magiging mas madali ang
iyong Gawain kung iiwasan mong masabit sa isang debate ng
matatalinong relihiyoso tungkol sa mga bagay na pang-Biblia, na wala ka
namang nalalaman doon.

Tandaan mo ang kahalagahan ng kababaang-loob, anak Ko. Manatili


kang parang isang bata, na laging maliit sa Mata Ko, at makakatagpo ka
ng kapayapaan. Magkakaroon ka ng mga pagsubok habang
nagtatrabaho ka sa Gawaing ito. Asahan mo na ito. Huwag mo itong
tatanggihan. Ang iyong regalo sa Akin ng iyong malayang loob ay
tinatanggap Ko, pero kailangang matutunan mo ang kahalagahan ng
hindi pagtatangkang tanggihan ang pagdurusa, dahil importante ito para
sa kaligtasan ng mga kaluluwa.
Mahal Kita, anak Ko, pero kailangan Kong ipaalala sa iyo ang Aking
malinaw na mga utos. Hindi Ko kailangang Ako’y ipagtanggol. Ang mga
Salitang ibinibigay sa iyo ay walang dungis at hindi salungat sa
Katotohanan kung paano ito ibinigay sa sangkatauhan mula pa sa
simula. Maraming bersyon ng Katotohanang nakapaloob sa Biblia ay
binaluktot para ibagay sa plano ng tao. Ako ang Katotohanan. Ako ang
Tinapay ng Buhay. Kung wala Ako, wala ang buhay. Umabante ka nang
may mas malinaw na pananaw sa kung ano ang inaasahan sa iyo. Lagi
kang pinoprotektahan. Salamat, Aking anak, dahil sa lakas na
ipinapakita mo, pero lagi kang magpapagabay sa Akin sa lahat ng
oras. Sa ganun, mas magiging madali ang paglalakbay na ito.

Ang iyong minamahal na Jesus

Hindi Ko pwedeng pwersahin ang mga tao na magbalik-loob o


bumalik

Sabado, October 15, 2011 9:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, habang mas dumarami ang nakakarinig ng


Aking Salita, papasok ang Aking Pag-ibig sa sandaling mabasa nila ang
Aking Mga Mensahe. Kakausapin Ko ang kanilang mga kaluluwa at
gigisingin Ko sila sa kanilang pagkakatulog para ipagkaisa Ko sila sa
Akin upang mailigtas Ko ang mga kaluluwa sa lahat ng dako. Malakas
pag marami, at tutulungan Ako nito na maisagawa ang pagliligtas ng
mga kaluluwa sa napakalaking lebel. Dahil sa malayang loob na ibinigay
sa tao bilang isang Regalo mula sa Aking Ama, hindi Ko pwedeng
pwersahin ang mga tao na magbalik-loob o bumalik sa pananampalataya
sa Diyos Ama. Kinakailangang maging sariling disisyon nila ito. Ang
panalangin ay magpapalaganap ng pagbabalik-loob. Maipapangako Ko
yun sa iyo. Isipin nyo na lamang ang Regalong naghihintay sa mga
kaluluwa, mga anak Ko, pag ipinananalangin nyo sila. Di nyo ba alam
ang kapangyarihan ng panalangin? Ang panalangin ng napakaraming
tao, bilang pasasalamat sa Aking Ama at bilang pagbabayad-puri para sa
inyong mga kasalanan, ay maiiligtas ang mundo. Ganun kalakas ang
kapangyarihan nito. Hindi Ko pa kailanman hinimok kayo nang ganito
kahigpit para sa inyong mga panalangin, na dapat ay manggagaling mula
mismo sa inyong mga labi at nang may kagandahang-loob, para sa mga
tigasing makasalanan sa lahat ng dako. Kailangan Ko ang inyong mga
panalangin. Kung wala ang inyong mga panalangin, maaaring hindi na
maligtas ang mga kawawang mga kaluluwang ito, dahil marami sa
kanila ay sobrang lubog na sa kadiliman kaya walang magiging dating
para sa kanila ang Babala. Kayong Aking mahal na mahal na mga anak,
lahat kayo’y makasalanan, pero marami sa inyo ay ginagawa lahat ng
kanilang makakaya para ipakitang mahal nyo Ako, di nyo ba alam na
inaasahan Ko kayo nang sobra-sobra para samahan Ako? Samahan nyo
Ako sa Kaibuturan ng Aking Sagradong Puso at humingi kayo sa Akin ng
mga grasya para iligtas ang inyong mga kapatid. Magliligtas Ako ng
milyun-milyong kaluluwa pag naglaan kayo ng panahon para dasalin
Ang Divine Mercy.

Ito na ang panahon na ang pagdarasal ng Divine Mercy ay magiging


pinaka-mabisa. Maging mapagbigay kayo sa puso, isip, katawan at
kaluluwa. Alisin nyo na ang anumang pagdududa. Magpakarga kayo sa
Akin, ang inyong Jesus, para madala Ko kayo at yung lahat ng inyong
ipinananalangin, sa Aking walang-hanggang buhay.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas


Jesucristo

Ang inyong panahon sa Lupa ay nasa kritikal na yugto

Linggo, October 16, 2011 9:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, bakit ba pag ang Aking Salita ay


ipinapaliwanag, ay nadidismaya ang napakarami sa Aking mga
anak? Oo nga’t kailangang laging kilatisin ng Aking mga anak ang mga
ganung mensahe na inilalathala ng mga nagsasabing sila’y dumarating sa
Ngalan Ko, pero kailangan din nilang matutunang palaging panatiliing
bukas ang kanilang isip at puso.

Ay naku, kung bubuksan man lang naman sana ng Aking mga alagad ang
kanilang mga mata at mainit Akong tatanggapin sa kanilang puso. Ito
Ako, si Jesus, Na nananawagan sa inyo na pakinggan ang Aking Tinig
habang hinihimok ko kayong lumapit sa Akin sa panalangin.
Ang inyong panahon sa Lupa ay nasa kritikal na yugto. Konting panahon
na lamang bago Ko i-anunsyo ang pagpasok ng Bagong Panahon ng
Kapayapaan, at dahil dito, kinakailangan Ko sa inyo na ihanda na ngayon
ang inyong mga kaluluwa.

Huwag nyong hahayaan ang kayabangan na bulagin kayo sa


Katotohanan. Alam nyo naman na hindi Ko kailanman kayo
lolokohin. Pakinggan nyo ang Aking mga iniuutos para mapigilan si
masama na palabuin ang inyong pagdidisisyon. Huwag nyo siyang
hahayaang ilayo kayo, dahil kung maririnig nyo lang ang Aking Kabanal-
banalang Salita, ay malalaman nyong Ako ito, si Jesucristo, Na Siyang
tumatawag sa inyo.

Mga anak, kung alam nyo lang kung gaano nasapian na ang Aking mahal
na mga kaluluwa sa buong mundo, masisindak kayo. Maging ang Aking
mga mahal na alagad, paminsan-minsan, ay nababalot na rin ng
kadilimang ito. Ang hapding Aking nararamdaman, lalo na sa hanay ng
mga kaluluwang regular manalangin at nagpapakita ng tunay na
debosyon, pag nasasaksihan Ko ang inyong mga duda, ay nagdudulot sa
Akin ng Mga Luha ng malaking dalamhati.

Manalangin, manalangin, manalangin kayo na kayo’y gabayan ng


Espirito Santo. Kung bubuksan nyo ang inyong matitigas na puso at
hihilingin ang kaloob na pang-unawa, tutugunin Ko ang inyong tawag.

Ang tindi ng magiging kalungkutan nyo pag ang Katotohanan ay


ibinunyag sa inyo habang nangyayari Ang Babala. Ang hinihiling Ko sa
inyo ngayon ay ang inyong mga panalangin para magligtas ng iba pang
mga kaluluwa. Siguro naman, kahit na pinagdududahan nyo ang Aking
Salita na ibinibigay sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, ay
matatanggap nyo pa rin sa inyong kalooban na ipanalangin ang mga
naliligaw na mga kaluluwa.

MahaI Ko kayo at hinihintay Ko ang inyong tugon sa Aking paghiling ng


panalangin.

Ang inyong Jesus

Ang Aking pagbabalik para iligtas kayo ay mararamdaman sa


lahat ng sulok ng mundo

Lunes, October 17, 2011 9:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, nagbabago na ang panahon sa buong paligid


mo. Gulong-gulo na ang mundo dahil sa espirito ng
kadiliman. Pinaliligiran ka ng lahat ng katibayan ng kung anong pahirap
ang pwedeng gawin ng kasamaan ng kasalanan sa sangkatauhan. Sa
espiritong ito ng kadiliman ay sisinag ang Espirito ng Aking Dibinong
Presensya habang Ako’y dumarating para minsan pang iligtas ang
sangkatauhan.

Kayong mga mahal Kong anak na nakakaalam sa Katotohanan,


kailangang sabihan nyo ang iba kung gaano sila ka-swerte na sila’y
bibigyan ng napakagandang Makalangit na Regalong ito. Ang Aking
Pag-ibig ay tatama sa Lupa sa paraang magpapaluhod sa inyo sa
kababaang-loob, at mapait kayong tatangis dahil sa kasalanang ginawa
nyo para saktan ang Aking Amang Walang-hanggan.

Ang Diyos Ama ang gumawa ng paraan para ang dakilang Aktong ito ng
Awa ay maibigay ngayon sa inyo. Matuwa kayo, dahil ngayo’y may
Liwanag na sa mundo, na aakit sa mga kaluluwa patungo sa Mga Braso
ng Diyos Ama.

Muli Akong dumarating para ibigay sa inyo ang buhay na kailangan nyo
para muli nyong maitaas ang inyong mga mata sa pagsamba at papuri sa
Kaluwalhatian ng Diyos Ama at pasalamatan Siya para sa Katarungang
ipinapakita Niya ngayon sa Kanyang mga mahal, pero naliligaw na mga
anak.

Akong si Jesucristo ay naghahanda na ngayong ipasaksi sa inyo ang


Katotohanan ng Awa para sa bawat kaluluwa, pati na ang mga tigasing
makasalanan at mga di-sumasampalataya sa lahat ng dako.

Ang katibayan ng Pag-iral Ko at ng Diyos Ama ay mabubunyag sa buo


nitong makalangit na kaluwalhatian, sa bawat lalaki, babae at bata.
Ang Aking Presensya ay mabubunyag sa isang paraang hindi babale-
walain at hindi magagawang di pansinin. Dahil bubukas ang Kalangitan,
magsasalpukan ang mga bituin, kaya ang Aking pagbabalik para iligtas
kayo ay sabay- sabay na mararamdaman sa lahat ng sulok ng mundo.

Ay naku, ang laking tuwa ng Aking mga anak pag nasaksihan nila ang
aking Dibinong Presensya. Pati na yung mga nasa kadiliman ay
mararamdamin din ang Aking Pagmamahal na hihipo sa kanilang
malalamig na mga kaluluwa, at muling pagniningasin ang mga
ito. Maghanda. Hintayin ang Aking Maluwalhating
pagbabalik. Ipanalangin nyo yung mga may takot sa kanilang
puso. Huwag nyo Akong katakutan. Hintayin nyo ang Dakilang
Pangyayaring ito nang may pagmamahal at kababaang-loob sa inyong
puso.

Mahal Ko kayo, mga anak. Itong dakilang Akto ng Aking Awa ang
magpapatunay sa inyo nito.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo, Hari ng Sangkatauhan


UL 1 28 14 Diyos Ama: Ihanda mo na ang mundo para sa
pagdating ng Aking minamahal na Anak na si Jesucristo

Miyerkules, October 19, 2011 2:00 pm

Anak Ko, ihanda mo na ang mundo para sa pagdating ng Aking Anak na


si Jesucristo, dahil parating na Siya ngayon, gaya ng nai-propesiya na,
para iligtas ang sangkatauhan nang minsan pa.

Ang Kanyang pagdating ay i-aanunsyo ng mga trompeta sa Langit at ang


mga koro ng mga anghel ay aawit ng papuri para i-anunsyo ang Dakilang
Pangyayaring ito.

Ang Aking dakilang Kaloob sa sangkatauhan ay ibinibigay sa inyo sa


anyo ng Aking pinakamamahal na Anak, Na Siyang isinusugo para iligtas
kayo bago pa ang Pangwakas na Paghuhukom.

Ihanda nyo na ang inyong mga kaluluwa, dahil pag ang inyong mga
kasalanan ay ibinunyag na sa inyo, iniuutos Ko sa inyo na kayo’y
mapagpakumbabang magpatirapa sa paanan ng Aking Anak at humingi
ng Awa. Kailangang hilingin nyo sa Kanya na patawarin Niya kayo at
kailangang tanggapin nyo ang parusang kinakailangan para linisin ang
inyong mga kaluluwa.
Sa laki ng Kanyang Awa, walang kasalanan, gaano man ito kalubha, ang
hindi mapapatawad kung magpapakita ng tunay na
pagsisisi. Kinakailangan sa inyong lahat ang kababaang-loob para kayo’y
maging karapat-dapat na pumasok sa Bagong Maluwalhating Panahon
ng Kapayapaan sa Lupa, na ang panahon nito ay nalalapit na. Yung mga
kaluluwa lamang na talagang nagsisisi at nagpapakita ng tunay na
katapatan sa Aking minamahal na Anak, ang nararapat na pumasok sa
mga pintuan. Dahil kailangang wala kayong kasalanan para makapasok
sa napakagandang Bagong Paraisong ito sa Lupa.

Pinakamamahal Kong mga anak, inihanda Ko ang Paraisong ito nang


may malaking Pagmamahal para sa bawat isa sa inyo. Ito ang pamanang
kaytagal nyo nang hinihintay. Ganito talaga unang ibinigay ang
Regalong Lupa kay Adan at Eba.

Ang sinumang tao na tatanggi sa Paraisong ito sa Lupa, na hindi


kailanman pamamahayan ng kasamaan, ay tumatalikod sa kaligtasan.

Ito na ang kahuli-hulihan nyong pagkakataon para palayain ang inyong


mga kaluluwa sa kuko ni Satanas at ang kanyang masamang
impluwensya sa inyong buhay.

Akapin nyo ang napakagandang Regalong ito ng dakilang Awa. Sa


pamamagitan ng Kaloob na ito, binibigyan kayo ng tsansa sa isang tunay
na kaligtasan at isang Maluwalhating Paraiso, na hindi nyo kailanman
mailalarawan sa inyong isip.
Para naman sa mga kawawang kaluluwa na tatanggi sa kapatawarang
alok ng Aking Anak, bibigyan pa kayo ng ilan pang panahon para
magbalik sa inyong pananampalataya. Pero hindi na matagal, dahil
paubos na ang Aking Pasensya.

Hintayin nyo na ngayon ang pagbabalik ng Aking Anak para iligtas kayo
sa kasalanan nang minsan pa at dalhin kayo sa kaligtasang walang-
hanggan.

Diyos Ama

Ang kamatayan ng Aking anak na si Muammar Gaddafi

Huwebes, October 20, 2011 3:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, kung meron ka pang mga natitirang


pagdududa paminsan-minsan tungkol sa Aking Kabanal-banalang Salita,
malamang ay nabawasan na ito ngayon.
Nagbubunyag Ako ng mga propesiya para patunayan sa mundo na Ako
Ito, si Jesucristo, ang Tagapagligtas ng buong sangkatauhan, Na Siya
ngayong nakikipag-usap sa lahat Kong anak sa lahat ng dako.

Hindi Ko gustong magdrama , kundi gusto Kong makatiyak na walang


hindi makakarinig ng Aking pinakamahalagang panawagan sa
mundo. Ang kamatayan ng Aking anak na si Muammar Gadaffi, na ang
kanyang kaluluwa ay inyong ipinagdarasal nitong mga huling buwan, ay
isa sa mga unang propesiya na magpapatunay sa mundo na totoo ang
mga Mensaheng ito. Ito ang Aking palatandaan sa iyo, anak Ko, para
alisin sa iyong isip ang mga duda, na hindi maalis-alis sa iyong isip.

(Ang mga detalye ng susunod na dalawang pinuno na itutumba ay


ibinigay sa bisyonaryo at kung kailan muli mangyayari ang mga
nakakasuklam na pangyayaring ito. Ang orihinal na Mensahe ay
ibinunyag noong Pebrero 2011.)

Ikaw, anak Ko, sobra ka mang naapektuhan nito, ay ikaw pa rin ang
pinili para ihanda ang sangkatauhan para sa Aking Bagong Panahon ng
Kapayapaan. Ito ang panahong kasunod ng Babala.

Sige na at maghanda ka para sa susunod na bahagi ng iyong banal na


Misyon, para tumulong magligtas ng mga kaluluwa pagkatapos ng
Babala. Binibigyan ka ng mga grasyang magpapanatili sa iyong
malakas. Kahit papaano’y naririnig na sa wakas ng Aking mga anak ang
Aking sigaw para sa pagbabalik-loob.
Ang mga pinaka-nakakasakit sa Akin

Huwag na huwag kang magpapakita ng takot sa Gawaing ito, dahil wala


namang dapat ikatakot. Huwag na huwag kang panghihinaan ng loob at
hahayaan ang mga pagka-antala o masasakit na salita na pabagalin ang
iyong Gawain para sa Akin. Ako, anak Ko, ay laging nasa iyong
tabi. Tandaan mo ito. Kung sakali mang ikaw ay atakihin dahil sa Aking
Banal na Salita, manahimik ka. Laging aatakihin ang Aking Banal na
Salita. Nakakalungkot, pero ang mga pinaka-nakakasakit sa Akin ay yun
pang mga banal na kaluluwa, na dahil sa takot o ingat, ay nauuna pang
mang-insulto sa Akin sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito. Alam ni
Satanas na ang Aking mga pinili at tapat na mga alagad, pag tinalikuran
nila Ako, ang siyang pinaka-nakakasakit sa Akin.

Anak Ko, ngayo’y nagsisimula ka nang makadama ng pisikal na hapdi ng


Aking pagdurusa, pero handa ka na ngayong tanggapin ito kaisa
Ko. Hindi magtatagal ang mga pagsubok na ito, pero habang nadarama
mo ito ay mararamdaman mo ang kaparehong-kaparehong pasakit na
nadarama Ko pag nakakasaksi Ako ng kasalanan. Ito, gaya ng nasabi Ko
na noon pa, ay isang Kaloob at napaka-konting mga piniling kaluluwa
ang tumatanggap nito. Nakakatakot man ito kung minsan, kailangan
mong maunawaan na ang iyong pagdurusa ay hindi lamang inilalapit ka
sa Aking Sagradong Puso, kundi ililigtas pa nito ang milyun-milyong
kaluluwa habang nangyayari Ang Babala.

Ang pagdurusang ito ay mas titindi pa habang palapit Ang Babala. Tiisin
mo ito sa katahimikan. At nang sa ganun ay matulungan mo Akong
magligtas ng mahal na mga kaluluwa na sana’y nasunggaban na ni
manloloko.

Sabihin mo sa mga anak Ko na Ako’y natutuwa sa kanilang ipinapakitang


malakas na pananampalataya. Sabihin mo sa kanila na nagiging mas
malapit sila sa Aking Sagradong Puso. Sabihin mo sa kanila na
binibindisyunan Ko sila ngayon at pinagkakalooban ng dakilang
pagpapala para bigyan sila ng lakas na kakailanganin nila habang
sinusunod nila ang Aking paggabay sa pamamagitan ng mga Banal na
Mensaheng ito. Kakailanganin nila ang lakas dahil hindi madali para sa
Aking mga anak na unawain ang napakalaking mga pagbabago na
mangyayari na ngayon sa inyong mundo.

Manalangin kayo at magkaisa. Sama-sama nyong tanawin ang


Kalangitan, bilang maliliit na mga anak, na may simpleng pananalig sa
Diyos Ama. Hingin nyo sa Kanya, sa Ngalan Kong Banal, na isali kayo sa
Kanyang maluwalhating hukbo, tungo sa tagumpay ng kaligtasang
walang-hanggan.

Binibindisyunan Ko kayo, mga anak, ng lahat Kong Dibinong


Pagmamahal.

Ang inyong Jesus

Ang Babala ay isang uri ng Pandaigdig na Kumpisal


Biyernes, October 21, 2011 8:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, isulat mo ito. Pinagdaraanan mo ngayon


ang isang matinding pagdurusa para iligtas yung mga kaluluwa ng
kadiliman na tumatanggi sa Akin at sa Aking Ama.

Ganun na ka-sarado at ka-tigas ang mga kaluluwang yun kaya sa


pamamagitan na lamang ng mga panalangin ng iba at pagdurusa ng mga
victim soul sila pwedeng iligtas, dahil ayaw nilang humingi ng
pagtubos. Ang katigasan ng kanilang ulo ay pipigilan silang
makaramdam ng sapat na pagsisisi para ikumpisal ang kanilang mga
kasalanan at humingi ng tawad.

Ang Babala ay isang uri ng Pandaigdig na Kumpisal. Ito ang panahon na


ang bawat isa ay aasahang humingi ng kapatawaran ng kanilang mga
kasalanan, o harapin ang pagtanggi. Napakaraming kaluluwang nasa
kadiliman ang tatanggi sa Aking Kamay ng Awa. Tatalikuran nila
Ako. Ikaw, anak Ko, kasama ang lahat Kong tapat na alagad, ay
makakatulong na mailigtas ang kanilang mga kaluluwa sa walang-
hanggang hatol.

Hindi Ko kailanman magagawang pilitin ang Aking mga anak na


magdusa sa Ngalan Ko. Pero para sa mga naghahandog ng kanilang
tulong bilang isang regalo sa Akin, sa pamamagitan ng pagdurusa, ay
matutubos Ko ang malaking bahagi ng sangkatauhan.

Nagkakaroon ng pagdurusa dahil sa mga pag-atake ni Satanas, pag


pinapahirapan niya ang mga kaluluwang malapit sa Akin at yung mga
itinatalaga Ko na mamuno sa isang banal na Misyon para mapapagbalik-
loob ang mga kaluluwa. Dapat nyong malaman na pag dumarating ang
mga pag-atakeng ito, kaisa nyo Ako. Kaya talagang makikilala nyo
Akong mabuti. Malalaman nyo kung ano ang Aking nararamdaman –
ang Aking Tuwa, ang Aking Lungkot, ang Aking Dalamhati, ang Aking
Hapdi at sindak pag nawawala sa Akin ang isang kaluluwa at
napapapunta kay Satanas.

Huwag kayong mabahala. Sa ngayon, milyun-milyon nang kaluluwa ang


naliligtas sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito.

Ang mga panalangin ng Aking tapat na hukbo ay binabawasan na ang


tindi ng mga pandaigdig na kalamidad at ang pag-alis ng Aking Banal na
Kahalili mula sa Vatican. Ang kanilang pagsunod sa pananalangin ng
Aking Divine Mercy Chaplet ay nagliligtas na ng mga kaluluwa sa mga
oras na ito.

Anak Ko, siguraduhin mong lahat ng Aking mga anak ay nauunawaan na


Ako’y nagsasalita sa lahat ng relihiyon at sekta sa pamamagitan ng Mga
Mensaheng ito. Wala Akong iniitsa-pwera, dahil anak ng Diyos silang
lahat. Iisa lamang ang Diyos, at yun ay ang Aking Amang Walang-
hanggan, Diyos ng Kataas-taasan.

Sa pamamagitan lamang ng panalangin ay matutulungan nyo Akong


sagipin ang mundo.

Ang inyong Jesus

Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Gusto Kong bumuo ng isang hukbo ng mga prayer group

Linggo, October 23, 2011 7:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, kailangang maipagbigay-alam na gusto


Kong bumuo ng isang hukbo ng mga Prayer Group sa buong
mundo. Bibigyan Ko kayo, Aking hukbo, ng Mga Panalangin na
kailangang dasalin para iligtas ang mga kaluluwa. Lalaganap ang Mga
Prayer Group na ito at mula sa hanay nito ay babangon ang isang tunay
na hukbo ng mga tapat na alagad para ibigay ang Katotohanan ng Aking
Dibinong Pangako ng Kaligtasan sa lahat.

Ang Mga Grupong ito ay bubuo ng hukbo na naaayon sa iniutos ng Aking


minamahal na Ama, na lalaban sa kadiliman ng kasamaang ginawa ni
Satanas at ng kanyang mga mananampalataya at mga alagad.

Oo, anak Ko, mahirap mang unawain, pero maraming tao ang hindi lang
kinikilala si Satanas, nangangako pa sila ng katapatan sa
kanya. Maraming kaluluwang nasa kadiliman ang nagpaparangal at
sumasamba sa hari ng kadiliman. Maraming simbahan, na hindi
nakikita ng Aking mga anak ng Liwanag, ang nagdiriwang ng mga itim
na misa at iniinsulto Ako sa pamamagitan ng lahat ng klase ng
pambabastos sa Diyos at pang-iinsulto, na sisindak at didismaya sa inyo.
Mas dumarami pa sila at marami sa mga tapat na alagad ni Satanas ay
humahawak ng matataas at respetadong mga pwesto sa negosyo, mga
bangko at sa pulitika. Nagkakaisa sila laban sa Diyos, ang Aking Amang
Walang-hanggan, at alam na alam nila ang kanilang ginagawa.

Kung paanong kinasusuklaman ni Satanas ang sangkatauhan, dahil


nilikha ito ng Diyos Amang Maylikha ng lahat ng bagay, kinasusuklaman
din ng mga maka-satanas na mga alagad na ito ang
sangkatauhan. Ganun na kalalim ang pagkasuklam na nadarama nila,
kaya tatangkain nilang bumuo ng isang elitistang hukbo na pupuksa sa
milyun-milyong buhay sa Lupa. Sa paghahangad nila ng kapangyarihan
at kayamanan, susubukan nilang linisin ang daan para sa kanilang
sariling mga pangangailangan at pananabik na kontrolin ang
sangkatauhan.

Ang mga ito’y kabilang sa mga tigasing mga makasalanan, na inihihingi


Ko sa inyo ng tulong, mga anak. Kailangan Ko ang inyong mga
panalangin para buksan ang kanilang mga puso sa mga
kasinungalingang ipinapaniwala sa kanila ni manloloko. Wala na sila sa
Akin, maliban na lang kung hihingi sila sa Akin ng Awa. Ito ang dahilan
kung bakit panalangin na lang ang grasyang maaaring magligtas sa
kanila.

Ang makapangyarihang hukbong ito, na pinamumunuan ni manloloko,


ay tatangkaing magkalat ng lagim. Tinatangka na nilang lasunin ang
Aking mga anak sa pinakatusong mga paraan sa pamamagitan ng inyong
tubig, gamot at pagkain. Maging listo naman kayo sa lahat ng oras. Ang
Kamay ng Aking Ama ay babagsak, pagkatapos na pagkatapos ng Babala,
sa masasamang kaluluwang ito pag nagpatuloy pa sila na tanggihan ang
Aking Awa. Samantala, mga anak, kailangang tumayo kayo at huwag
hahayaang ang inyong bansa ay kaya-kayanin at takutin. Manalangin
kayo para sa Aking proteksyon at panatiliin nyong simple ang inyong
pamumuhay. Manalangin kayo at tumanggap ng Mga
Sakramento. Hingan nyo Ako ng tulong sa lahat ng bagay at tutugunin
Ko ang inyong mga kahilingan ayon sa Aking Kabanal-banalang Loob.

Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na mabawasan ang


masasamang planong kontrolin ang mundo, na pinaplano ng masamang
grupong ito. Lumalaki na ang kanilang kapangyarihan sa Middle East at
tinatangka na nilang kontrolin ang Europe, bago nila targetin ang iba
pang mga bahagi ng mundo. Ang mga kaaway na ipinapakita nila sa inyo
sa news media ay hindi ang mga tunay na kaaway. Sinasadya nilang
lumikha ng mga kaaway para bigyang-katwiran ang pagganti, na lagi
namang iisa ang pakay, at yun ay para mangontrol, mangulimbat at
magpayaman.

Ipanalangin nyo na sila’y magbalik-loob, dahil kung walang pagbabalik-


loob, ang kanilang masasamang gawain ay magdudulot ng napakalaking
dalamhati at pagdurusa. Pero ibababa ng Aking Amang Walang-
hanggan ang Kanyang parusa. Gayunpaman, makakagawa pa rin sila ng
pinsala, na magdudulot ng di-mabigkas na pagdurusa sa Aking mga
anak.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Ang Aking pagdating ay mas malapit na kaysa akala nyo

Lunes, October 24, 2011 7:09 pm

Pinakamamahal Kong anak, huwag na huwag mong hahayaang mainis


ka nung mga nangungulit na kwestyunin at husgahan ang Aking Banal
na Salita. Huwag mong pansinin ang kanilang mga
pagtatanong. Manatili kang tahimik. Ipanalangin mo sila at lumakad ka
na dahil konti na lang ang panahon.

Nananawagan Ako sa inyong lahat, mahal na mga anak, na maupo nang


panatag at manalangin para sa Aking Awa. Huwag naman kayong
matakot at mataranta dahil Ako’y dumarating para lamang iligtas kayo at
hindi para Husgahan. Di nyo ba alam ito? Wala kayong dapat ikatakot,
basta’t manalig lamang kayo sa Akin nang lubos. Ang Aking pagdating
ay magiging mas maaga kaysa inyong inaasahan, kaya ihanda nyo naman
ang inyong mga kaluluwa. Ipanalangin nyo lahat ng kaluluwang baka
itanggi Ako o tanggihan ang Aking Regalong Dibinong Awa. Kayo, mga
mahal kong kaluluwa, ay binibigyan nyo Ako ng napakalaking
kaginhawahan, at iniibsan nyo ang sakit at dusang Aking tinitiis pag
nakikita Ko ang suklam sa lahat ng lugar sa inyong mundo. Halikayo’t
lumapit sa Akin, mga anak, at magpaakap sa Akin para bigyan kayo ng
lakas at kompiyansang kailangan nyo sa pagsalubong sa Akin. Kayo, na
Aking espesyal na hukbo, ay kaisa Ko at alam nyo man ito o hindi, kayo’y
ginagabayan ng Espirito Santo para lumaban para magligtas ng mga
kaluluwa.

Panatag kayong maupo, mga bunso Ko, at tandaan nyo na Ako’y lagi
nyong kasama. Matuwa kayo at maghintay sa Aking pagdating dahil
pagdating Ko ay magbubuhos Ako ng Aking mga grasya para takpan
lahat ng Aking mahal na mga alagad sa lahat ng dako.

Saan man kayo nakatira, anumang bahagi ng mundo ang inyong


pinanggagalingan, Akin kayo. Mahal Ko kayo. Magmasid kayo nang
bukas ang inyong puso at manalig habang tayo’y palapit na sa Babala.

Ang inyong Jesus

Diyos Ama: Kailangang tanggihan nyo ang kadiliman at akapin


ang Liwanag

Martes, October 25, 2011 3:30 pm


Mahal Kong anak, sabihan mo ang mundo na inaakap Ko lahat ng Aking
anak sa Aking Mga Braso. Maaayos lahat. Kailangang ipaubaya lahat sa
Aking Banal na Mga Kamay, gaya ng nararapat.

Iniuutos Ko na ang Aking Anak ay muling isugo sa mundo para iligtas


ang tao sa mga pangwawasak ng kasalanan. Para sa inyo itong Aking
Dibinong Akto ng Katarungan, mahal Kong mga anak, para mabawi Ko
ang Aking Kaharian sa Lupa.

Hindi galing sa Akin ang takot. Ang takot ay galing sa kadiliman. Pag
kinatatakutan nyo Ako, alam nyong ito ang kadiliman na bumabalot sa
inyong kaluluwa at hindi ang Aking Dibinong Kadakilaan.

Para makasali sa Aking Kaharian, kailangang tanggihan nyo ang


kadiliman at akapin ang Liwanag. Ito na mismo ang Liwanag na
ibinibigay sa inyo ng Dibinong Akto ng Awa ng Aking Anak.

Sa laki ng Aking Pagmamahal sa inyong lahat, mga anak, gagamitin Ko


lahat ng Aking Kapangyarihan para tubusin ang mga kaluluwa sa lahat
ng dako. Babagsak nga ang Aking Kamay ng Katarungan sa mga
kaluluwang tatanggi sa Akin, pero hindi pa ito mangyayari hangga’t
hindi pa nauubos lahat ng paraan para pagkaisahin lahat ng Aking anak
sa lahat ng dako.

Malapit nang mabunyag sa mundo ang Kaharian ng Aking dakilang


Kaluwalhatian. Wala ni isa sa inyo, mga anak, ang gugustuhing
tanggihan ang Aking Maluwalhating Kaharian, na Maghahari sa Bagong
Panahon ng Kapayapaan sa Lupa.
Ipanalangin nyo yung mga mahihirapang akapin ang Katotohanan.

Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat

Pinagtatangkaang siraan ng mga pekeng propeta ang Aking


Banal na Salita

Miyerkules, October 26, 2011 3:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, sabihan mo naman ang Aking mga anak na


sila’y maging alerto sa mga pekeng bisyonaryo na nagsasalita sa Ngalan
Ko, pero ang itinataguyod namang mga salita ay hindi galing sa Aking
Mga Labi.
Marami sa mga nagsasabing mga bisyonaryo sila, na Katoliko ang
panlabas na itsura at ang mga kilos ay sa Katoliko at iba pang mga
Kristiyanong doktrina, ay sa totoo lang, ay mga alagad ng new age.

Ang mga alagad ng new age ay maglilipana na ngayon sa mundo para


kumbinsihin ang Aking mga anak na sila’y sinugo para ikalat ang Aking
Banal na Salita. Magmumukhang totoo ang kanilang mga salita. Ang
pagsasalita nila’y mahirap maintindihan, mapagmahal, pinag-isipan,
pero sa likod nito ay kasinungalingan.

Ito na ang panahon para ang mga pekeng propeta ay lumitaw, at marami
sa Aking mga anak ay mahihirapang makita kung alin ang Katotohanan
at alin ang gawa-gawa lamang.

Ikaw, anak Ko, ay tinatarget na ngayon ng mga bisyonaryong ito na


naglabasan na para siraan ang Aking Banal na Salita. Huwag mong
papayagang mangyari ito dahil pagnagkaganun, mahahatak ang Aking
mga anak sa isang kadilimang mahihirapan silang kalasan.

Tandaan nyo ito. Ang mga pekeng propetang ito ay Akin ding mga
mahal na anak, kaya ipanalangin nyo naman sila. Malungkot nga lang
na sila’y nailigaw at pinapaniwala sa isang kathang-isip na kaayusan at
isang sanlibutang hindi naman umiiral.

Mag-ingat kayo sa mga nagsasalita tungkol sa mga ascended master o


tungkol sa isang bagong panahon ng liwanag kung saan ang Diyos Ama
ay isa na lang bahagi nito. Ang mga kaluluwang ito ay hindi sinusunod
ang Aking mga iniuutos. Ang mga paniniwalang kanilang itinataguyod
ay galing kay masama. Maraming beses, akala nang mga ilusyunadong
mga kaluluwang ito ay tumatanggap sila ng mga mensahe galing sa
Diyos. Ganito magtrabaho si Satanas. Ang kanyang malumanay at
nagpapaginhawang mga salita ay hahantong sa matindi, malamig pero
nakakakumbinsing litaniya ng mga salita. Ang mga ito’y hindi
nagmumula sa Diyos na Kataas-taasan.

Gaya ng nasabi Ko na sa inyo noon pa, simple Akong makipag-usap sa


mundo. Hindi Ko kailangan ang makulay na pananalita na ang nasa
likod naman ay walang-emosyon at mayabang na boses. Sinisikap Kong
huwag maglagay ng takot sa inyong puso. Ang gusto Ko lang gawin ay
akayin kayo sa Katotohanan at sa kahalagahan ng pagmamahal sa inyong
kapwa.

Ang hirap nito para sa inyo, mga anak, sa napakagulong panahong ito.

Manalangin, ipanalangin nyong huwag kayong maging biktima ng


dugtung-dugtong na kasinungalingang ikakalat ng mga pekeng
propeta. Pag ang kanilang mga mensahe ay mukhang gawa-gawa
lamang, mahirap maintindihan at naglalagay ng takot sa inyong puso,
hindi ito galing sa Akin.

Mga anak, sa Akin lang kayo tumutok. Marami Akong kailangan pang
sabihin sa inyo. Huwag nyong hahayaang lituhin kayo kahit isang saglit
lamang dahil mapipigilan kayo nito na magligtas nung mga kaluluwang
talaga namang kailangang-kailangan na ang inyong mga panalangin.

Ang inyong Jesus


UL 1 29 14 Hintayin nyo na ngayon ang ating maluwalhating
reunion

Miyerkules, October 26, 2011 8:00 pm

Mahal Kong anak, huwag kang mabahala sa walang-tigil na pag-atake sa


Aking Mga Mensahe mula sa mga pekeng bisyonaryo.

Siguradong alam mo na ngayon na pag kinakausap Ko ang mga piniling


sugo, lagi silang magiging target ng pagkasuklam. Pag kayo’y inaatake,
tandaan nyo na Ako man ay nilalabanan din. Ang Aking Banal na Salita
ay pinaghihiwa-hiwalay, sinusuri, kinikwestyon, sinisiraan at sinasabing
hindi karapat-dapat na manggaling sa Aking Mga Labi.

Ay naku, ang konti ng alam ng Aking mga anak. Takot at duda ang
bumubulag sa kanila sa Katotohanan. Ikakagulat nyo rin kung gaano
kadaling bale-walain ang Aking Salita para tanggapin ang mga pekeng
mensahe. Habang halos sumapit na Ang Babala sa mundo, ang
Katotohanan, sa wakas, ay maibubunyag na rin sa lahat Kong alagad. Sa
puntong yun nila aakapin ang Aking Salita para pabanalin ang kanilang
kawawang mga kaluluwa. Napakainit Ko silang tatanggapin at ilalapit sa
Akin habang ang kanilang mga luha ay hahalo sa Aking mga luha sa
aming pagmamahalan at pagkakaisa. Bago Ang Babala, patuloy silang
magdududa, pero hindi nila Ako itatanggi pagkatapos nilang humarap sa
Akin. Dahil sa sandaling humarap sila sa Akin at makita ang
Pagmamahal na meron Ako para sa kanila, hindi na nila gugustuhin
pang iwan Ako ni isang saglit. Ganun kalalim ang aming magiging
pagkakaisa.

Ang inyong Jesus

Kayo, mga anak Ko, ay pinagpala, kung kayo’y nagdurusa sa


Ngalan Ko

Huwebes, October 27, 2011 3:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang pagdami ng mga pagsubok na


pinagdaraanan mo alang-alang sa Akin, ay hindi nagkataon
lang. Habang patuloy kang pinahihirapan ni Satanas, isipin mo na
lamang ang mga kaluluwang inililigtas mo sa pamamagitan ng
pagdurusang ito. Sikapin mong pagtagumpayan ang mga kahirapang ito
at lagi mo Akong isasaisip. Manalangin ka sa Aking minamahal na Ina
para ikaw ay protektahan at dasalin mo ang Santo Rosaryo, nang
malimit, sa pinakamaraming beses na kaya mo.

Ang importante ay ang paghingi ng proteksyon, ng lahat Kong alagad,


laban kay manloloko na walang palalampasing pagkakataon para
lumikha ng mga pagdududa sa inyong isip.

Siya at ang kanyang mga demonyo ay nasa lahat na ng lugar. Gagamitin


nila ang lahat ng taktika para lumikha ng gulo sa inyong buhay. Alam
nyo, pag nangyari ito, ang ibig sabihin ay nabagbag na ang inyong
damdamin ng Aking Mga Aral, at pinapasan nyo na ang Aking Krus.

Huwag na huwag kayong matatakot, mga anak, dahil kaya nyong


pagtagumpayan ang disyertong ito dahil sa lakas na ibinibigay Ko
ngayon sa bawat isa sa inyo, Aking hukbo. Tatalunin nyo si masama at
ang kanyang kasamaan. Habang lumalaki ang bilang nyo na sabay-sabay
na nananalangin, kumakapal ang inyong armor. Wala ni isa sa Aking
mga anak, na nagdurusa ng pang-uusig dahil nagtatrabaho para sa Akin,
ang maaaring tangkuin ni masama.

Kayo, mga anak Ko, ay pinagpala kung kayo’y nagdurusa sa Ngalan Ko,
bagamat mahihirapan pa kayong unawain ito.

Huwag nyong pansinin ang ganung panununukso. Tumalikod


kayo. Huwag kayong re-react. Manahimik kayo. Manalanging bigyan
pa kayo ng lakas. Kasama nyo Ako.

Ang minamahal nyong Jesucristo


Pinakagrabeng pag-atake sa Aking Simbahan mula nang Ako’y
mamatay sa Krus

Biyernes, October 28, 2011 8:40 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang katapatan ng Aking Simbahan sa Akin,


ang kanilang minamahal na Tagapagligtas, ay malapit nang subukan,
nang higit sa kanyang makakaya. Natulog na nang natulog ang Aking
Simbahan, at sa kanyang pagkakatulog, hindi nya na naihanda ang
kanyang sarili para sa pagdating ng antikristo. Ang antikristo at lahat
niyang kampon ay nakagapang na papasok sa bawat bitak ng Mga
Simbahan ng Aking Ama sa buong mundo. Ang Simbahang Katoliko ang
pangunahing target ng antikristo, at hindi siya titigil hangga’t hindi niya
napapabaling ang ulo ng di-bababa sa kalahati ng Aking Simbahan sa
Lupang ito. Dahil sa laki ng kakulangan ng paghahanda, hindi
napapansin ng Aking mga kardinal, obispo at pari, ang mga tusong
pagbabagong nangyayari sa kanila mismong hanay. Hindi na magtatagal
at talagang mahahalata na ang hidwaan sa loob ng Aking Simbahan.

Ito na ang pinakagrabeng pag-atake sa Aking Simbahan mula nang Ako’y


mamatay sa Krus. Ang Aking mga kawawang minamahal na mga
lingkod, marami sa kanila ay mga inosenteng pang-sanla na nasa kamay
ng isang maitim na kapangyarihan na sobrang ingat para hindi sila
mabuko.

Hinihiling Ko sa lahat Kong alagad na sila’y taimtim na manalangin para


malabanan ang kasuklam-suklam na bagay, na parating na. Dapat silang
manalangin sa Akin nang ganito:

“O Aking mahal na Jesus, humihingi ako sa Iyo ng proteksyon, pati na


ang Iyong Awa, at nang maligtas ang aking mga kapatid sa loob ng Iyong
Simbahan, at hindi sila mabiktima ng antikristo. Pagkalooban mo ako
ng mga grasya at proteksyon ng Iyong matibay na armor para labanan
ang masasamang gawa na isasagawa sa Ngalan Mong Banal. Humihingi
Ako ng Iyong Awa at nangangako akong laging magiging tapat sa Iyong
Banal na Ngalan.”

Bangon, Aking mga sagradong lingkod, at labanan ang kasamaang ito at


ang halimaw na ang bunganga’y bubukalan ng mga kalaswaan at mga
kasinungalingang ito. Bantayan nyong mabuti kung magkakaroon ng
mga pagbabago sa paraan ng pag-consecrate sa Aking Katawan at
Dugo. Pag nabago ang mga salita, at itinatangging ang Aking Katawan
ay Naroroon at Umiiral sa Banal na Eukaristiya, pag nangyari na yun,
kailangan nyo nang depensahan ang Aking pangako bilang Diyos: Ang
sinumang kakain ng Aking Katawan at iinom ng Aking Dugo ay
magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Magpakatatag kayo, Aking mga sagradong lingkod. Ipanalangin nyong


kayo’y bigyan ng lakas na inyong kakailanganin, dahil ang inyong
pananampalataya at pagkamasunurin ay susubukan na nang higit pa sa
inyong makakaya.
Mahal Ko kayo at lagi Ko kayong pinuprotektahan. Yun lamang mga
maamo ang puso at mapagkumbaba ang kaluluwa, ang makikinabang sa
Aking banal na proteksyon.

Ipanalangin nyo lahat Kong sagradong lingkod sa lahat ng dako, para


hindi nila tanggihan ang Liwanag ng Katotohanan para tanggapin
lamang ang espirito ng kadiliman, na malapit nang sumulpot sa loob ng
Aking Simbahan.

Ang inyong Tagapagligtas at Protektor

Jesucristo

Birheng Maria: Buksan ang inyong puso sa Katotohanan

Sabado, October 29, 2011 4:49 pm


Anak ko, kailangang manalangin kang lagi para sa aking
proteksyon. Ginagabayan ka at kailangang manalig ka nang lubos sa
aking minamahal na Anak.

Ipanalangin mong magkaroon ng pagbabalik-loob sa lahat ng dako. Ang


daming naliligaw na mga kaluluwang nangangailangan ng iyong mga
panalangin. Huwag na huwag mo itong kakalimutan gaano man kahirap
para sa iyo ang paglalakbay na ito.

Binabalot ng espirito ni masama ang malaking bahagi ng sangkatauhan


sa paraang hindi pa kailanman nangyari. Ang mga pagkilos ni masama
ay lalo pang tumitindi at sinasakal ang aking mga anak sa lahat ng
lugar. Maging yung mga nagsasabing sila’y tapat sa Aking minamahal na
Anak ay nagbibingi-bingihan na rin sa Kanyang mga hinaing na
magligtas ng mga kaluluwa. Ganun na nga sila kayabang, kaya
nalilimutan nila na ang Banal na Salita ng Aking Anak ang siyang
tanging buhay na kanilang kailangan. Napakahalaga ngayon ng
panalangin. Yung mga nagmamataas sa mata ng iba, habang
ipinapahayag nila ang Salita ng aking mahal na Anak, pero tinatanggihan
naman ang Kanyang panawagan, pinatigas na ng mga yun ang kanilang
puso sa Katotohanan.

Mga anak, kailangan nyong pakinggan ang aking Anak na si Jesucristo,


ngayon na. Makinig kayo sa Kanyang sinasabi sa inyo. Ang Espirito
Santo, kung hahayaan nyo Siya, ay bubuksan ang inyong puso sa
Katotohanan habang kinakausap Niya kayo sa pamamagitan ng mga
Banal na Mensaheng ito.

Naluluha ako sa dalamhati pag nakikita ko kung paano ngayon


tinatanggihan ang Kanyang Banal na Salita. Yung mga kumukondena sa
Kanya, dapat nyong malaman na dumarating Siya ngayon, hindi lamang
para kayo’y iligtas. Dumarating Siya para paginhawahin din kayo sa mga
araw na ito ng kadiliman. Kung talagang naniniwala kayo na Siya ang
Tinapay ng Buhay, hayaan nyo Siyang pukawin ang inyong espirito ng
pagmamahal.

Ipanalangin nyong magkaroon ng pagbabalik-loob sa lahat ng


dako. Halos wala nang oras.

Ang inyong minamahal na Ina

Maria, Reyna ng Langit at Lupa

Ang kawalan ng pananampalataya nung mga nagsasabing


kilala nila Ako, ang siyang pinaka-nakakasugat sa Akin

Lunes, October 31, 2011 3:30 pm


Pinakamamahal Kong anak, ang Aking Banal na Salita, na ibinibigay sa
isang mundong walang pakialam kung Ako’y Umiiral o hindi, ay
pagniningasin ang mga kaluluwa pagkatapos mangyari Ang Babala.

Maririnig na rin ng sangkatauhan, sa wakas, ang Aking Salita para


magabayan Ko na sila sa Aking Bagong Panahon ng Kapayapaan sa
Lupa. Nananawagan Ako sa lahat Kong anak sa lahat ng dako, na ibaba
nyo na muna ang inyong gwantes na pandigma, at pakinggang magsalita
ang inyong Tagapagligtas.

Hindi Ko man kailanman ibubunyag sa inyo ang petsa ng Aking


pagbabalik sa Lupa, pwede Ko namang sabihin sa inyo na Ako’y
magbabalik na sa Espirito ngayon. Dumarating na Ako ngayon para
muli Ko kayong iligtas pag nangyari na Ang Babala para naman
magbalik-loob ang tao. Magpagabay naman kayo sa Akin at hayaan
nyong ang Aking Pinakasagradong Misyon ay maipakalat sa buong
mundo para paginhawahin ang Aking mga anak.

Huwag nyo Akong dededmahin. Huwag nyong tatanggihan ang Aking


Kamay ng Awa. Huwag nyong hahayaan ang inyong kayabangan na
humarang sa daan.

Gising at aminin nyo na kayo’y kinakausap Ko na ngayon, para naman


madala Ko kayo sa Puso ng Aking dakilang Awa. Ang inyong kaluluwa,
sa wakas, ay magniningas sa Mga Apoy ng Aking makalangit na mga
grasya, na ibubuhos at pupuspos sa inyo.

Mawawala lahat ng pagdududa. Biglang hihina ang kapangyarihan ni


Satanas, kahit na hindi siya bibitaw hanggang sa huli. Habang pinag-
iisipan nyo ang Aking mga kahilingan, dapat nyong tanungin ang inyong
sarili nang ganito. Kung kayo’y nananampalataya sa Akin, bakit nyo Ako
itinatanggi ngayon? Bakit nyo pinagagalitan at kinamumuhian yung
mga dumarating sa Ngalan Ko? Bakit kayo nagmamataas sa Aking
Simbahan, kaya tuloy nasasaktan ang Aking mga anak? Baka
nakalimutan nyo na, na kayo’y pantay-pantay sa Mata Ko.

Halikayo’t lumapit sa Akin nang may mapagkumbabang mga


puso. Dahil hangga’t hindi nyo ito ginagawa, hindi kayo makikinabang
sa Aking Awa, at hindi nyo rin tatanggapin ang mga grasyang gustong-
gusto Ko nang ibigay sa inyo.

Ang Aking Tinig ay nananawagan na ngayon sa lahat ng di-


mananampalataya, na tanggapin na nila ang Pag-iral ng Aking Amang
Walang-hanggan.

Pagkatapos ng Babala, magpaakay kayo sa Akin sa daang patungo sa


buhay na walang-hanggan. Halos mabiyak ang Puso Ko pag nakakakita
Ako ng mga naliligaw na mga kaluluwa. Pero alam nyo ba, na yung mga
nagsasabing kilala nila Ako pero hindi naman naniniwala, yun ang
pinaka-nakakasugat sa Akin.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas na si Jesus


Birheng Maria: Ang Panahon para dalhin ng aking Anak ang
Kanyang Regalong Dibinong Awa

Miyerkules, November 2, 2011 10:40 pm

Anak ko, ang panahon para dalhin ng aking Anak ang Kanyang Regalong
Dibinong Awa, ay nalalapit na. Kaya kailangan mo nang tutukan ang
iyong Misyong magligtas ng kaluluwa. Huwag mong hahayaang
magkaroon ng mga panggulo, na aalisin ang pagtutok mo sa napaka-
importanteng gawain ng pagpapalaganap ng pagbabalik-loob.

Nagdiriwang ang Kalangitan, dahil ang makalangit na Regalong ito ay


malapit nang ibigay nang may purong Pagmamahal na iniingatan ng
aking Anak sa Kanyang Puso para sa lahat ng kaluluwa. Anak ko, habang
tumitindi ang gawaing ito, si masama naman ay patuloy na pahihirapan
ka sa pamamagitan ng iba’t ibang tao tuwing makakakita siya ng
oportunidad. Inutusan ka nang manahimik at tumutok na lamang sa
aking Anak.

Ikaw, anak ko, ang pinili at itinalaga para ipaalam, sa napaka-


detalyadong paraan, ang kagustuhan ng aking Anak na kausapin ang
sangkatauhan sa mga panahong ito. Magpakatatag ka at maging
matapang, dahil ang Banal na Misyong ito ay magtatagumpay. Nai-
propesiya na ito, napakahabang panahon na ang nakalilipas, at ikaw ay
binigyan na ng lahat ng klase ng paggabay mula sa
Kalangitan. Ginagabayan ka ng lahat ng santo, dahil tinipon na silang
lahat, na pinagsama-sama na ang kanilang lakas, para siguraduhin na
ang Misyong ito ay hindi papalpak. At hindi naman talaga pwedeng
mabigo ito. Kaya huwag ka nang mag-alala pag mukhang wala nang pag-
asa ang lahat , dahil ito ang gagawing panloloko sa iyo ni manloloko.

Akong iyong minamahal na Ina, ay lagi mong kasama sa


pagtatrabaho. Ako ang namagitan para ihanda ka at iharap sa aking
Mahal na Anak. Ang mga grasyang ibinigay ay para magawang linisin
ang iyong kaluluwa, para maging karapat-dapat kang magtrabaho para
sa Tagapagligtas ng sangkatauhan.

Ang aking Mahal na Anak naman ang namagitan kaya naiharap ka sa


Santisima Trinidad. Isa na ito sa mga pinaka-importanteng Misyon
mula nang ang aking Anak ay suguin para tubusin ang mundo mula sa
kasalanan.

Huwag na huwag mong hahayaan ang iyong sarili na malihis sa Misyong


ito. At huwag na huwag ka ring bibigay sa tuksong lumakad
palayo. Manalangin ka sa akin, ang iyong Ina, sa lahat ng oras, para
maprotektahan kita.

Ang iyong minamahal na Ina

Reyna ng Langit

Ina ng Awa
Ang panahon ay magsisimula nang magpakita ng kakaibang
mga palatandaan

Miyerkules, November 2, 2011 7:40 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang panahon ay magsisimula nang


magpakita ng kakaibang mga palatandaan dahil ang Lupa ay patungo na
sa isang bagong kalagayan bilang paghahanda para sa Aking Akto ng
Dibinong Awa. Dumarating nga Ako para lahat kayo’y muli Kong iligtas.

Tumitindi ang pagkasuklam sa bawat bansa. Nadarama ang


pagkadismaya sa lahat ng lugar. Nawawala na ang pagmamahalan,
samantalang ang pagmamahal sa sarili ay hindi lamang kinukunsinti,
itinuturing pa itong isang bagay na kinakailangan para tanggapin ka ng
mundo ngayon.

Buburahin Ko ang suklam. Tatapak-tapakan Ko ang mga plano ng tao


na takutin nang sobra-sobra ang kanyang kapwa. Aalisin Ko ang yabang
sa inyong mga kaluluwa. Ibubunyag sa inyo lahat ng kasalanan, kung
paano ito nakikita sa puro at walang-halo nitong kapangitan sa Mata Ko.
Bakit ba napakaraming kaluluwang magaganda ang kalooban ay
tinatalikuran na ngayon ang Aking Mga Aral noong sinaunang
panahon? Bakit ngayon pa? Ano bang meron sa pagmamahal sa Diyos
Ama na nagiging kahiya-hiya sa mata nila? Sasabihin Ko sa inyo. Ito’y
dahil sa napakarami sa Aking mga anak ay naloko sa mga kasiyahan ng
mundo. Kaya kahit na marami sa mga materyal na bagay na kanilang
hinahangad ay hindi na nila kayang abutin, ay tinatanggihan pa rin nila
Ako. Sa kapal ng usok na bumalot sa mga kaluluwa ng sangkatauhan,
matagal-tagal ding panahon ang kinakailangan para ang Aking Liwanag
ay suminag at pumasok sa kanilang mga kaluluwa.

Ang daming Luha ng mapait na dalamhati ang iniiiyak Ko para sa mga


naliligaw na mga kaluluwang ito, na nadidisispera na para sa
kapayapaan ng kaligtasang kanilang pinananabikan. Hindi nga lang nila
alam na Ako lang ang makapagbibigay ng kapayapaang ito sa kanilang
mga pagod na pagod na puso.

Ay naku, kaytagal nang kinalimutan ang Aking Pag-ibig. Ako’y isang


walang-kwentang piraso na lamang sa kanilang isip. Gusto nila ng
kapayapaan ng isip at puso, pero hindi naman nila ito hinihingi sa
Akin. Makakatugon lamang Ako kung sila’y hihingi. Di ba nila alam ito?

Yung mga nagmamahal nga sa Akin, pero namumuhi naman o masama


ang loob sa kanyang kapwa, kailangan nyo rin ang Aking tulong. Ayaw
Ko sa inyong katapatan kung hindi nyo pagmamabaitan ang iba. Pag
sinasaktan nyo ang inyong kapwa, sa anumang dahilan, sinasaktan nyo
Ako. Gaano nyo man pangatwiranan ang inyong mga aksyon, dapat
nyong malaman ito. Nararamdaman Ko ang hapding nararamdaman ng
inaabuso nyo. Pag sinasaktan nyo Ako nang ganito, hindi nyo
magagawang mahalin Ako mula sa puso.
Dapat nyong matutunan ito. Maghangad kayo ng kababaang-loob sa
lahat ng bagay bago kayo humarap sa
Akin para mangako ng katapatan sa Aking Banal na Loob. Sa ganitong
paraan, magiging malinis ang inyong kaluluwa at magiging karapat-
dapat kayong pumasok sa Aking Kaharian.

Kayo, Aking mga anak, ay napakaswerte, dahil milyun-milyon sa inyo


ang makakasali sa Aking Bagong Paraiso. Ito’y dahil sa mga panahong
ito kayo nabubuhay. Ang dami sa inyo na nasa mundong ito ngayon,
mga anak, ang maliligtas ngayon sa paraang hindi nangyari para sa mga
henerasyong nauna sa inyo.

Mainit nyong tanggapin ang balitang ito, at gamitin nyo ang


pagkakataong ito para tanggapin ang Aking Dibinong Awa nang may
bukas at nagsisising puso, habang magagawa nyo pa.

Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo
Ang Aking mga sugo ay kasama nyo na ngayon para ihanda ang
inyong mga kaluluwa

Huwebes, November 3, 2011 5:00 pm

Mahal Kong anak, ang mga propesiya ay magsisimula nang malaman at


masaksihan sa buong mundo, kaya walang makakapagbale-wala sa mga
ito.

Ang dami sa Aking mga anak ang hindi alam ang mga nilalaman ng Aklat
ng Aking Ama, ang Kabanal-banalang Biblia. Halos di pinapansin ang
Aklat ni Juan, kung saan ang mga detalye ng mga pangwakas na
panahon ay ibinibigay sa buong mundo. Dumating na ang panahong
ito. Maghanda na kayong lahat.

Ang Katotohanang nakapaloob sa Aklat ng Pagbubunyag ay yun lamang


– ang Katotohanan. Nakikita nyo ba ang mga palatandaan? Ang
kaguluhan sa mundo ay mabilis na titindi. Ang inyong sistema ng
pananalapi ay inilalagay sa peligro ng isang pandaigdig na grupo, na ang
gusto ay hindi lang ang inyong pera, kundi gusto pa rin nilang nakawin
ang inyong mga kaluluwa.

Halata na ang kasamaan ng tao, pero nakatago pa rin ang malaking


bahagi nito. Ang Aking mga sugo ay kasama nyo na ngayon, mga anak,
para tumulong na ihanda ang inyong mga kaluluwa. Kilala nyo man sila
kung sino talaga sila o hindi, ang Espirito Santo, na Naghahari sa
kanilang mga kaluluwa, ay magpapalaganap ng pagbabalik-loob.
Yung mga naninira sa Aking mga pagsisikap na kausapin kayo ay malapit
nang maunawaan ang Katotohanan. Sa panahong yun magkakaisa ang
Aking mga anak laban sa masamang pwersang ito na pinamumunuan ni
Satanas. Hindi sila mananalo. Lahat na ng hadlang ay inilalagay sa
harapan nila ng Kamay ng Aking Amang Walang-hanggan. Ganun kalaki
ang kanyang Awa, kaya gagamitin Niya ang Kanyang Kapangyarihan
para depensahan ang Kanyang mga anak at wawasakin Niya yung mga
magpupumilit na sumunod sa daan ni manloloko.

Ano man ang inyong iba’t ibang mga pananaw kung Ako nga ba’y
nakikipag-usap na ngayon sa inyo o hindi, ay hindi na mahalaga. Ang
inyong pananampalataya sa Akin at sa Aking minamahal na Ama, Diyos
na Kataas-taasan, ang magiging mahalaga sa huli.

Kailangang-kailangan na ang panalangin, mga anak, saan man kayo


naroroon, anuman ang inyong relihiyon, anuman ang inyong mga
pananaw. Magsama-sama kayo at manalangin sa Espirito Santo para
kayo’y maliwanagan sa panahong ito. Pinagsisikapan ni Satanas na
patalikurin kayo sa Akin, ang inyong minamahal na
Tagapagligtas. Huwag kayong makikinig sa mga duda at takot na
inilalagay niya sa inyong puso. Gagamit siya ng mga kasinungalingan
para pigilan Akong pabahain sa inyong mga kaluluwa ang Aking
Dibinong Liwanag. Ganun kalakas ang Aking Pagmamahal sa inyo, mga
anak, kaya gaano nyo man Ako bale-walain o talikuran, patuloy Ko pa rin
kayong tatawagin. Gagawin Ko ito sa pamamagitan ng Kapangyarihan
ng Espirito Santo. Kailangang manalangin kayo para sa Kaloob na ito sa
pagsasabing:

“O Jesus, takpan Mo ako ng Iyong Mahal na Dugo at puspusin Mo Ako


ng Espirito Santo, para malaman ko kung ang mga Salitang ito ay galing
sa Iyo. Gawin Mo akong mapagkumbaba sa espirito. Tanggapin Mo ang
aking mga kahilingan nang may Awa at buksan Mo ang aking puso sa
Katotohanan.”
Tutugunin Ko ang pinaka-tigasing mga kaluluwa pag dinasal nila ang
panalanging ito.

Bigyan nyo Ako ng pagkakataong ilapit kayo sa Akin, para mapagkaisa


Ko ang pinakamaraming pwedeng pagkaisahin sa Aking mga anak bago
mangyari Ang Dakilang Babala.

Tandaan nyo, ang Pagmamahal Ko sa inyo ay hindi kailanman


mamamatay, gaano man kayo magbingi-bingihan sa Aking mahalagang
panawagan para sa pagkakaisa.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
UL 2 2 14 Ang pandaigdig na grupo na nagwasak ng inyong
sistemang pang-bangko ay magkakawatak-watak

Biyernes, November 4, 2011 7:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, sa Akin nagmumula ang Tunay na Buhay,


ang tanging buhay na kakailanganin ng tao mula rito hanggang sa
kawalang-hanggan.

Mga anak, alam nyo, ang nakakakilabot na kaguluhang nakikita nyo sa


paligid ay hindi na magtatagal.

Ang Diyos, na Aking Amang Walang-hanggan, ay hindi papayagang ang


Kanyang mga mahal na anak ay magdurusa nang higit pa. Kayo, mga
anak Ko, ay mga biktima ng gawain ni manloloko. Siya ang may kontrol
sa pandaigdigang grupong ito at siya’y nanghihina na. Ang kanyang
kapangyarihan ay winawakasan na ng Kapangyarihan ng Aking
Ama. Ang grupong ito, na sinadyang wasakin ang inyong mga sistemang
pang-bangko para gawin kayong mga pulubi, ay magkakawatak-
watak. Hindi kayo kailangang mabahala dahil ang Kamay ng Aking Ama
ay babagsak sa kanilang masasamang mga gawain.

Ipanalangin nyo na lahat ng nilokong mga kaluluwa, na parang mga


aliping sumusunod sa kasamaan, na nasa pinaka-puso ng grupong ito, ay
magbalik-loob habang nangyayari Ang Babala.

Huwag na huwag kayong mawawalan ng pag-asa, mga anak. Ibabalik


kayo ng pag-ibig ng Diyos sa kawan ng inyong pamilya. Ang Santisima
Trinidad ang inyong tahanan, mga anak. Kayong mga tatanggap sa
katunayang ito, dahil ng pagbabalik-loob, ay magmamana ng
maluwalhating Panahon ng Paraiso sa Lupa.

Lagi kayong mananalig sa Akin. Ibigay nyo sa Akin ang inyong mga
alalahanin, mga problema at takot. Hayaan nyong ibsan Ko ang inyong
hapdi at pagdurusa. Hindi na magtatagal at makakatagpo na ang mundo
ng ginhawa mula sa masakit na paghilab ng panganganak na inyong
tinitiis sa mga panahong ito.

Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Manalig kayo sa Akin. Manalangin


kayo para sa Aking mga grasya na magpapalakas sa inyo. Ihilig nyo ang
inyong ulo sa Aking Mga Balikat at hayaan nyong balutin Ko ng Aking
Kapayaan ang inyong mga kaluluwa. Doon nyo lang mauunawaan ang
Katotohanan ng Aking maluwalhating pangako ng buhay na walang-
hanggan.

Ang inyong Jesus

Tagapagligtas ng Sangkatauhan
Diyos Ama: Huling Panawagan sa Mga Di Sumasampalataya sa
Diyos

Sabado, November 5, 2011 1:00 pm

Anak Ko, ipapakita na ngayon sa sangkatauhan ang Aking Kamay ng


Awa dahil nalalapit na ang pagdating ng Aking Anak.

Sa mga yun na gulong-gulo ang mga kaluluwa, sinasabi Ko sa inyo,


manalig kayo sa Akin, ang Diyos Ama. Ako, Na Siyang lumikha ng bawat
isa sa inyo nang may Pagmamahal at Malasakit, gusto Kong iligtas ang
bawat isa sa Aking mahal na mga anak.

Ayaw Kong isa man sa inyo ay mawawala sa Akin, pati na yung mga
lumalait sa Akin. Maghanda kayo para sa Pinakadakilang Regalo, na
inihahanda na para sa inyo. Pipigilan Ko si Satanas na nakawin kayo
kung inyo lang Akong papayagan. Hindi Ko kayo mapipilit na tanggapin
ang Aktong ito ng Awa. Ang ikinalulungkot Ko ay marami sa inyo ang
tatanggi sa Kamay na ito ng Awa. Hindi kayo magkakaroon ng sapat na
lakas. Pero, pag nakita nyo na ang Katotohanan, dahil ibubunyag ito sa
inyo habang nangyayari Ang Babala, sisikapin nyong hawakan ito nang
mahigpit gaya ng isang lubid na pansagip ng buhay.

Kailangang humingi kayo sa Akin ng lakas na magpasagip sa Akin mula


sa walang-hanggang hatol. Nananawagan Ako, lalung-lalo na sa mga di-
sumasampalataya sa Diyos, sa kahuli-hulihang pagkakataon. Huwag
nyong tatanggihan ang Katotohanan pag ito’y pinatunayan sa inyo. Pag
ginawa nyo yun, wala na kayo sa Akin magpakailanman.
Diyos Ama

Pagsapi ng Demonyo at ang kasalanan ng Pagkasuklam

Linggo, November 6, 2011 6:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, hindi nauunawaan ng mga tao na


isinasabuhay Ko araw-araw ang Pagpapako sa Akin sa Krus. Ang hapdi
at pagdurusang Aking tinitiis ay dulot ng mga kasalanang ginagawa ng
mga tao sa bawat saglit ng isang araw. Malaki ang Aking dalamhati pag
nakikita Ko yung mga kaluluwang sobrang nakakasakit sa Akin dahil sa
kasalanan ng pagkasuklam.

Ang pagkasuklam ay natatanim sa puso ng marami at ito’y dahil sa


pagsapi ni Satanas. Maraming tao ang pinag-uusapan ang pagsapi ng
demonyo na para bang ito’y madaling makilala. Ang dami sa Aking mga
anak ang sinapian na ni Satanas. Hindi sila kailangang makitang
kumikisay para magkaroon ng pagsapi ng demonyo.
Siya, ang kaaway ng sangkatauhan, ay ginagamit ang kanyang mga
demonyo para atakihin ang Aking mga anak. Para sa mga nasa
kadiliman, madali silang sapian dahil umaakit sila ng masamang
presensya.

Pag nasapian na kayo, mga anak, mahirap nang makaalis. Ang mga
kawawang mga anak na ito ay gagamitin naman ang tuso at
mapangontrol na pagsapi ni masama para hawahan ang iba pang mga
kaluluwa. At ito’y patuloy na nangyayari hanggang sa lumaganap.

Ang kasamaan ay kalimita’y pinagmumukhang mabuti. Mahirap itong


makita, maliban na lang dito. Ang asal at mga gawain ng isang
kaluluwang sinapian, ay hindi kailanman magiging
mapagpakumbaba. Hindi sila kailanman magiging mabuti ang
kalooban. Maaaring magmukha silang mapagbigay, pero laging may
sabit. Sasabit ka dahil may gagawing kahilingan sa iyo na hindi mo
ikabubuti at ikasasama ng iyong loob.

Layuan nyo ang ganung mga kaluluwa. Ipanalangin nyo sila. Huwag
kayong pahahatak sa kanila para magkasala. Lagi kayong maging alerto
kay manloloko, dahil sa mga panahong ito ay siya’y nasa lahat na ng
lugar.

Lagi kayong manalangin para mapalayo ang ganung


kasamaan. Pahihinain ng panalangin ang kanyang hawak at lakas, at
mapoprotektahan din kayo nito.
Isipin nyong si Satanas at ang kanyang masasamang mga gawain ay
isang nakakahawang sakit. Gawin nyo ang lahat ng pag-iingat para hindi
kayo mapadikit sa mga maysakit. Kung sa isip nyo’y hindi kayo
makakaiwas, mag-armas kayo ng Holy Water, krus na binindisyunan ng
pari at Saint Benedictine medal. Palalayuan ng mga ito ang mga
demonyo.

Ito na ang panahon, mga anak, na kailangan nyong paligiran ang inyong
sarili at ang inyong tahanan, ng mga bagay na binindisyunan ng
pari. Maraming nahihiyang makitang merong mga ganitong bagay, sa
takot na sila’y pagtawanan. Poproteksyunan kayo ng mga ito sa inyong
tahanan at malaking kaginhawahan ang mga ito pag kayo’y
nananalangin.

Tandaan nyo na ang demonyo ay hindi lamang sa Impiyerno


namumuhay, kundi siya’y matatag na rin ngayong naghahari sa
Lupa. Panalangin lamang ang nakakasindak sa kanya at ginagawa
siyang inutil.

Panalangin ang magpapatatag sa inyo, mga anak, sa darating na mga


panahon.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Kasusuklaman ka sa maraming lugar at katatakutan naman sa
iba

Lunes, November 7, 2011 8:50 pm

Pinakamamahal Kong anak, kailangang makinig ka. Habang ang Aking


mga propesiya ay nagkakatotoo at ang Aking Banal na Salita ay
nagsisimula nang tanggapin at pakinggan, kailangang mag-ingat
ka. Ikaw, anak Ko, ay kasusuklaman sa maraming lugar at katatakutan
naman sa iba.

Ang Aking mga propesiya, na ibibigay sa iyo, ay para siguraduhing wala


nang magiging duda sa isip ng lahat Kong anak na ang pangako ng
kaligtasang walang-hanggan, ay magkakatotoo na rin sa wakas.

Anak Ko, malulungkot ka sa iyong pag-iisa, initsa-pwera, kinatatakutan


at magdurusa ng sobra sa Ngalan Ko.

Kung wala ang iyong sakripisyo, hindi Ko matutupad ang Aking pangako
na iligtas ang sangkatauhan, para ang bawat kaluluwa ay mabigyan ng
pagkakataong pakinabangan ang kanilang nararapat na pamana.
Nananawagan Ako sa Aking mga sagradong lingkod para protektahan ka,
anak Ko, dahil ito ang kanilang magiging banal na tungkulin. Sa
katagalan ay mauunawaan din nila kung anong papel ang kanilang
gagampanan. Samantala, nananawagan Ako sa lahat Kong mahal na
mga alagad na ipanalanging ikaw ay maprotektahan laban sa
masasamang pwersa na pinamumunuan ni Satanas, na gustong wasakin
ang mundo para kanilang pakinabangan.

Magpakatatag kayo. Ipanalangin nyo na kayo’y protektahan at lagi


kayong humingi ng tulong sa Aking Pinagpalang Ina.

Ang inyong Jesus

Tagapagligtas at Manunubos ng Sangkatauhan

Maraming makakaranas ng hapdi ng Purgatoryo bilang Parusa


Miyerkules, November 9, 2011 3:32 pm

Dinggin nyo ang Aking napakahalagang kahilingan, mga anak, na i-


consecrate nyo ang inyong mga sarili sa Kalinis-linisang Puso ng Aking
pinakamamahal na Ina, sa panahong ito.

Siya ang Mediatrix of All graces, at siya’y binigyan ng tungkuling dalhin


kayo sa Aking Sagradong Puso para iligtas ang sangkatauhan sa
pagkawasak na naghihintay sa kanila kung sakaling hindi sila makakalas
sa mga gawain ni Satanas.

Kailangang-kailangan na ngayong lahat kayo’y taimtim na manalangin


para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Lahat ng kaluluwa ay haharap sa
Akin at, para sa marami, ito’y magiging mahirap. Maraming dadanas ng
hapdi ng Purgatoryo, pero ito na lang ang pwede nilang maging daan
para sa kaligtasang walang-hanggan. Di hamak na mas mabuti nang
malaman kung ano ang katulad nito habang nabubuhay pa sa Lupang
ito, kaysa maranasan ito pagkamatay. Pag pinagdaanan nila ang
parusang ito, ang mga kaluluwang ito ay lilinisin at magiging karapat-
dapat na pumasok sa Aking Bagong Paraiso sa Lupa. Yung malilinis na
mga kaluluwa lamang ang makakapasok. Kaya hinihimok Ko kayong
tanggapin ang Regalong ito nang may matatag na isip, katawan at
kaluluwa. Pero unawain at kilalanin nyo ito bilang kung ano ito, isang
daan tungo sa buhay na walang-hanggan, isang pagkakataon para
maunawaan ang Aking Dibinong Awa.

Panahon na ngayon para ihanda ang inyong mga kaluluwa. Pag


hinangad nyo nang matubos ang inyong mga kasalanan bago mangyari
Ang Babala, kailangang ipanalangin nyo ang iba. Kailangang sila’y
maging matatag. Dasalin nyo ang Aking Divine Mercy Prayer araw-araw
mula ngayon, lahat kayo. Makakatulong itong sagipin yung kawawang
mga kaluluwa na maaaring mamatay sa sindak, habang nangyayari ang
makalangit na pangyayaring ito. Hindi na magtatagal at ito’y ibibigay na
sa mundo.

Huwag na huwag kayong mawawalan ng pag-asa, mga anak. Maniwala


kayo sa Akin pag sinasabi Ko sa inyo na mahal Ko kayo. Ibinibigay Ko
ang Regalong ito dahil sa Pagmamahal na ito.

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Dalawang magnanakaw sa Krus

Huwebes, November 10, 2011 3:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, nang Ako’y nag-aagaw-buhay sa Krus,


dalawang magnanakaw ang malapit sa Akin, at sila rin ay magkasabay na
ipinapako sa krus.
Ang isa ay humingi ng tawad sa Akin at siya’y naligtas. Ang isa nama’y
hindi. Sa halip ay siya’y nagbingi-bingihan. Ang katigasan ng kanyang
ulo at pagtangging humingi ng Awa sa Akin ay nangangahulugang siya’y
hindi maaaring iligtas.

Ganito rin ang mangyayari pag nangyari na Ang Babala. Ilan sa Aking
mga anak ang aaminin ang kanilang mga kasalanan at aamining
nasaktan nila Ako. Buong kababaang-loob nilang tatanggapin ang
kanilang parusa at sila’y maliligtas. Papasok sila sa Bagong Paraiso sa
darating na Panahon ng Kapayapaan.

At naroon din naman yung mga hindi aaminin ang kanilang mga
kasalanan kung ano talaga ang mga ito, isang kasuklam-suklam na bagay
sa Mata ng Diyos Amang Walang-hanggan.

Bibigyan Ko ng maraming panahon ang mga kaluluwang ito para


magsisi, dahil ganun kalalim ang Aking Awa. Ipanalangin nyong sila’y
maghahangad ng pagtubos para sila rin ay maligtas. Gusto Kong lahat
ng anak Ko ay akapin ang Aking dakilang Regalong Awa. Gusto Kong
lahat kayo’y makapasok sa mga pintuan ng Bagong Paraiso.

Ang inyong Jesus

Manunubos ng Sangkatauhan
May makikita munang mga palatandaan sa langit – iikot ang
araw

Biyernes, November 11, 2011 4:00 pm

Ang panalangin, at marami nito, ay kinakailangan na ngayon para


makatulong na magligtas ng mga kaluluwa. Ikaw, anak Ko, ay kailangan
mong ihanda ang iyong pamilya at sabihan yung mga nangangailangan
ng Aking dakilang Awa, na sila’y maghanda.

Minsan pa, may mga palatandaan munang makikita. Maraming


papansin sa mga nakikitang mga pagbabago sa langit. Masasaksihan
nila ang araw na iikot sa paraang hindi pa kailanman nakita. At
pagkatapos ay makikita nila ang Krus. Pagkatapos naman nito ay kaagad
magsasalpukan ang mga bituin sa langit at ang Aking Mga Sinag ng
Dibinong Awa ay babalot sa mundo.

Magkakaroon ng katahimikan kaya bawat kaluluwa ay pupunta sa isang


kalagayan ng lubos na pag-iisa pagharap nila sa Akin. Sabihin mo sa
Aking mga anak kung anong dapat nilang asahan, dahil hindi sila dapat
matakot. Hindi ito isang Pangyayaring dapat katakutan. Sa halip, dapat
nyong lahat masayang salubungin ang engkwentrong ito.
Kailangang tanggapin ng lahat Kong anak na Ako Ito na dumarating sa
harapan nila. Hindi nila dapat isipin na ito’y katapusan na ng
mundo. Dahil hindi naman talaga ganun. Simula ito ng isang bagong
panahon kung saan lahat Kong anak ay malalaman na rin, sa wakas, ang
Katotohanan.

Natutuwa Ako at nakakaramdam ng malaking pagmamahal sa bawat


kaluluwang pwedeng tubusin kung papayagan lang nilang ibigay Ko sa
kanila ang Regalong ito.

Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na ngayon ang lahat ng


kaluluwa, lalo na yung sobrang matatakot kaya hindi sila magkakaroon
ng sapat na katatagan para tanggapin ang Aking Kamay ng Awa.

Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo
Ang sandali ng inyong kaluwalhatian sa Mata Ko – ang sandali
ng inyong kaligtasan

Sabado, November 12, 2011 4:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, masakit mawalay sa Akin, lalo na para sa


mga nakakakilala sa Akin.

Sa oras na masilayan ng mga kaluluwa ang Pagmamahal na meron Ako


para sa kanila, nahihirapan na silang tiisin ang hapdi ng mapawalay sa
Akin. Mas matindi pa ito pag yung mga kaluluwang nagsasabing mahal
nila Ako, ay dahil sa kasalanan ay natagpuan nila ang kanilang mga sarili
sa Purgatoryo pagkamatay.

Lahat mang kaluluwa sa Purgatoryo ay pupunta rin sa Langit sa dakong


huli, masakit pa rin at nakakabahala ang mapawalay sa Akin. Para sa
mga kaluluwang sumasampalataya sa Diyos, ang pagbanggit lamang sa
Impiyerno ay nagpapahirap na sa kanilang kalooban. Kaya naman yung
mga kaluluwang kailangang linisin sa Kalagayan ng Purgatoryo ay
nakakaramdam din ng paghihirap ng kalooban na mahirap maintindihan
ng mga nabubuhay ngayon.

Mga anak, importante ang inyong panahon sa Lupa dahil sa panahong


ito dapat nyong pagsikapang linisan ang inyong mga kaluluwa sa
pamamagitan ng pag-aayuno at penitensya. Gamitin nyo ang panahong
ito habang magagawa nyo pa para magligtas ng mga kaluluwa. Para
gawin ito, lagi nyong pagsikapang maging mababang-loob para
siguraduhing kayo’y magiging maliit sa Mata Ko. Yung mga maliliit
lamang ang makakapasok sa mga napakakitid na mga pintuan ng
Paraiso.
Kaya mapagmahal nyong tanggapin ang Regalong Purgatoryo na ibibigay
sa inyo habang nangyayari Ang Babala at kailangan kayong linisin bilang
parusa sa inyong mga kasalanan. Hindi na kayo kailangang maghintay
pa ng kamatayan, para harapin ang paglilinis na ito. Pinagpala kayo,
mga anak, dahil walang bakas ng kasalanang matitira sa inyong mga
kaluluwa. Kaya kaagad kayong makakapasok sa Bagong Panahon ng
Kapayapaan na sinasabi Ko. Dito dadalhin ang lahat Kong anak na
hihingi ng tawad para sa kanilang mga kasalanan pag nangyari na Ang
Babala. Buksan nyo ang inyong puso at mapagmahal Akong tanggapin
pagdating Ko sa inyo sa nalalapit na Babala, kung saan magagawa nyo
Akong akapin. Hayaan nyong akapin Ko kayo at patawarin ang inyong
mga kasalanan. Para kayo’y tuluyan nang maging Akin sa katawan, isip
at kaluluwa nang may lubos na pagsuko na kinakailangan Ko sa inyo.

Ito ang inyong magiging sandali ng kaluwalhatian sa Mata Ko. Sa ganun,


magiging handa na kayo para sa ikalawang bahagi kung saan
makakasama nyo na ang inyong mga kapatid sa Bagong Paraiso sa Lupa,
gaya ng ito’y likhain sa simula, ng Diyos na Maylikha ng lahat ng bagay.

Ito ang inyong magiging bago at nararapat na tahanan sa loob ng 1,000


taon. Hintayin nyo ang Aking pagdating nang may pagmamahal, pag-
asa at tuwa. Walang dapat ikatakot. Matuwa kayo. Minsan pa Akong
dumarating para iligtas kayo sa kaaway ng sangkatauhan. Sa
pagkakataong ito, napakahina na ng kanyang kapangyarihan kaya
mahihirapan na siyang nakawin ang mga kaluluwa ng mga mapagmahal
na tumatanggap sa Akin at inaakap Ako habang nangyayari Ang Babala.

Ang inyong Jesus

Manunubos ng Sangkatauhan
Manalangin, mag-relaks at magsaya dahil konting panahon na
lang

Linggo, November 13, 2011 7:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, kung minsan, nalilito ka sa Aking Mga


Mensahe. Pero okey lang ito. Ang Aking mga pamamaraan at yung mga
Dibinong plano na inaayos ng Aking Amang Walang-hanggan ay hindi
madaling maintindihan.

Ako lamang ang isipin mo. Tumutok ka sa panalangin at lalo yung mga
panalanging makakatulong na iligtas ang mga tigasing makasalanan sa
mga apoy ng Impiyerno.

Gugulin mo ang panahong ito sa tahimik na pagninilay at simpleng


panalangin. Ito na lamang ang kailangang tutukan ng alinman sa Aking
mga anak. Kailangang pagsikapan nilang dalhin ang kanilang pamilya at
mga kaibigan sa Akin bilang paghahanda para sa Aking pagdating.
Manalangin, manalangin, dasalin nyo ang Aking Divine Mercy Chaplet
para siguraduhin ang kaligtasan para sa mga kaluluwang yun na sobrang
sinapian na ng kasamaan kaya ang kanila na lamang magiging kaligtasan
ay sa pamamagitan ng inyong mga panalangin.

Huwag nyong tatangkaing ipaliwanag ang mga panahong ito sa inyong


mga anak dahil hindi nila mauunawaan.

Para sa marami, pwede itong magdulot ng takot na hindi naman


kinakailangan.

Minsan pa, sinasabi Ko sa lahat Kong mahal na anak, na Ako’y


dumarating para kayo’y sagipin. Tandaan nyo ito. Kung Ako’y hindi pa
darating sa panahong ito, mawawala na kayo sa Akin dahil sa lakas ng
pwersa ng kasamaang naging napakalaganap na sa inyong mundo.

Ako ang inyong kaligtasan. Ako ang pagtakas nyo sa mga nakakakilabot
na mga bagay na inyong nasasaksihan sa inyong mundo na dulot ng
maka-satanas na impluwensya saan man kayo tumingin. Mga anak,
kailangang manalig kayo na mahal Ko kayo. Di nyo ba alam na hindi
Ako makapapayag na patuloy nyong lahat tiisin ang ganitong kasamaan?

Para sa inyong lahat, Aking mga anak, ito ang ipinangangako


Ko. Tatamasahin nyo ang Bagong Panahon ng Paraiso bilang Aking mga
hinirang na mga anak. Pero nasa sa bawat lalaki, babae at bata na nasa
edad na para malaman ang tama at ang mali, nasa sa kanila na para
magdisisyon kung gusto ba nilang magsama-sama para tamasahin ang
maluwalhating pag-iral na ito.
Manalangin, mag-relaks at magsaya dahil konting panahon na lang.

Umawit ng papuri sa Aking Amang Walang-hanggan, para sa


kaluwalhatiang ibibigay Niya sa lahat ng tumatanggap sa Kanyang
Kamay ng Awa.

Ang inyong minamahal na Jesus

UL 2 1 13 Ang Aking Salita ay tinatanggihan hindi dahil sa


takot, kundi dahil sa kasalanan ng kayabangan

Lunes, November 14, 2011 8:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, bakit ba ginagawang komplikado ng mga


tao ang Aking Mga Aral? Ang dami sa Aking mga anak ang hindi tama
ang pagkaunawa sa Aking dakilang Awa at minamaliit nila ito. Kahit na
maraming beses Ko nang ipinangako sa Aking mga anak na patatawarin
ang kanilang mga pagkakasala, takot pa rin sila na hindi Ko
mapapatawad lahat ng kasalanan, gaano man ito kalaki.

Ang kasamaan sa mundo ay dulot ng pagkasuklam na meron si Satanas


para sa sangkatauhan. Yung mga kawawa at nalokong mga makasalanan
na parang mga aliping sumusunod sa daan ng panloloko, ay Aking
minamahal na mga anak. Mahal Ko bawat isa sa kanila at patuloy Ko
silang mamahalin kahit na madilim ang kanilang kaluluwa. Ang Aking
Pag-ibig ay walang-hanggan at walang kamatayan pag ang pinag-
uusapan ay lahat ng kaluluwa. Handa Akong lubos na patawarin at
akapin lahat. Handa Akong gawin lahat para ibalik lahat ng
makasalanan sa Aking kawan gaano man nila Ako sinaktan.

Si Satanas ay mapipigilang nakawin ang ganung mga kaluluwa, pero pag


ang pananggang kayabangan ay itinapon na ng mga makasalanan, saka
lamang sila makakalapit sa Akin at magiging bahagi muli ng Aking
minamahal na pamilya. Huwag kayong magkakamali. Ang magagawa
Ko lamang ay palapitin ang mga kaluluwa sa Akin. Hindi Ko sila
maaaring pilitin na mahalin Ako. Hindi Ko sila pwedeng puwersahin na
gustuhing pumasok sa Aking Kaharian ng Paraiso. Kailangang
tanggapin muna nila ang Aking Kamay ng Pakikipagbalikan, gamit ang
kanila mismong malayang loob.

Ako, gaya ng sinabi Ko na nang paulit-ulit, anak Ko, ay Diyos ng Awa


muna. Lalabas din ang Aking Katarungan, pero pag nagawa na lamang
ang lahat ng pwedeng gawin para iligtas ang bawat isa sa mga kaluluwa
sa Lupa.

Anak Ko, ang Gawaing ito ay hinding hindi magiging madali para sa
iyo. Dahil napakalaki nitong banal na gawaing ibinigay Ko sa iyo,
mangangailangan ito ng sobrang lakas sa parte mo. Ginawa ka para
maging malakas. Sinanay ka na para sa Gawaing ito simula pa ng
paglabas mo sa sinapupunan ng iyong ina. Lahat ng pagsunod mo sa
Aking mga kabanal-banalang utos ay naaayon sa Aking dibinong plano
para sa sangkatauhan. Dahil sa pagkakaisa mo sa Akin – Nalimutan mo
na ba ito? – kaya titiisin mo rin ang kaparehong pagtanggi, na
kinailangan Kong tiisin noong Aking panahon sa Lupa. Titiisin mo yung
kaparehong pagtanggi nung mga nagyayabang ng kanilang intelektwal
na kaalaman sa Aking Mga Aral, para tanggihan ang Mga Mensahe Kong
ito, na pinatototohanan mo sa mundo ngayon. Yung mga kaluluwang
yun, na puno ng kayabangan at sariling pananaw tungkol sa Banal na
Kasulatan, ay hindi ito naiintindihan.

Ang Aking Mga Aral ay napakasimple. Idagdag mo na lahat ng


mabulaklak na salita at pangungusap na gusto mo, mananatili pa rin ang
Katotohanan kung ano ito magpakailanman. Mahalin nyo ang isa’t isa
gaya ng pagmamahal Ko sa inyo. Maipapahayag nyo lamang talaga ang
Aking Salita pag nagpapakita kayo ng respeto at pagmamahal sa isa’t isa.

Sobra na ang pagkalito, anak Ko. Sobra na ang sindak at takot na


itinatanim sa mga anak Ko tungkol sa kanilang kinabukasan. Kung ang
mga kaluluwa man lang sana ay magiging panatag at mananalangin ng
Awa, sana’y tinugon na ang kanilang mga panalangin. Ang mga
kalamidad ay mababawasan at maaaring bawasan. Panatiliin nyong
buhay ang inyong pag-asa sa inyong kaluluwa, mga anak. Huwag na
huwag kayong pupunta sa kumunoy ng panghuhusga sa isa’t isa at
lalung-lalo nang huwag nyo itong gagawin sa Ngalan Ko.

Ang sinumang maghusga ng iba sa pamamagitan ng panlalait, sa ngalan


ng Kristiyanismo, ay kailangang humarap sa Akin. Ang sinumang
magkakasala sa Aking mga propeta ay kailangang managot sa Akin. Ang
Aking Salita ay tinatanggihan di dahil sa pag-ibig. Ang Aking Salita ay
tinatanggihan di dahil sa takot. Hindi, ito’y tinatanggihan dahil sa
kasalanan ng kayabangan.
Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo

Ang Mga Babalang Mensahe mula kay Jesucristo

2010 – 2012

Volume One

Part 6

Mensahe 250 – 299 mula Martes, November 15, 2011 hanggang


Miyerkules, January 4, 2012
Hinihiling ng Diyos Ama sa Kanyang mga anak na sila’y
magkaisa sa Panalangin

Martes, November 15, 2011 11:00 pm

Pumarito Ako ngayong araw, anak Ko, para tipunin ang Aking mahal na
mga anak at yung lahat ng sumasampalataya sa Akin, para sama-sama
silang manalangin para iligtas ang lahat ng kaluluwa sa Lupa.

Gusto Kong inyong patunayan ang inyong walang-hanggang


pagmamahal sa Santisima Trinidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng
kababaang-loob, sa pagmamahalan, para mapatawad ang kasalanan para
sa buong sangkatauhan.

Ako ay Diyos ng Katarungan, pero Ako, una sa lahat, ay Diyos ng Pag-


ibig at Awa. Ang Aking Makaamang Pagmamahal ng Diyos para sa inyo
ay nasasalmin sa Aking Maawaing Kabutihan. Kaya nga intensyon Kong
sagipin lahat ng kaluluwa, dito sa katapusan ng panahong nakikilala nyo
sa Lupa. Huwag kayong matakot, mga anak. Hindi Ko intensyon na
takutin kayo, kundi akapin kayo at balutin sa Aking Pag-ibig sa bawat isa
sa Aking mga anak.
Nananawagan Ako sa lahat Kong anak, lalo na yung mga puno ng
pagmamahal sa Akin, ang kanilang Maykapal, na sila’y sumama sa
kanilang mga kapatid at tumayo laban sa kasamaaan sa mundo.

Si Satanas at lahat na ng demonyo sa Impiyerno ay gumagala na ngayon


sa Lupa at hinahamon Ako, sa mga huling panahong ito, mga
anak. Nakakalat sila sa buong mundo at inuusig nila ang mga kaluluwa
na halos masiraan na ng ulo.

Ang masamang impluwensya ay nararamdaman ng halos bawat isa sa


inyo sa panahong ito. Ito’y dahil ang Aking Pag-iral at yun ding sa Aking
minamahal na Anak ay itinanggi, inayawan at ibinasura, kaya ang
mundo ngayon ay nababalot ng kadiliman. Sa inyong di pag-amin sa
Katotohanan ng Pagkalikha sa inyo sa Lupang ito, kayo, mahal Kong mga
anak, ay walang-kamalay-malay na naging target na para kay Satanas.

Mapapansin nyo ang ilang pagbabago sa inyong buhay simula nang


sinapian ang inyong mundo. Pagpatay, pagkasuklam, pagkadismaya sa
pagpapahayag ng Aking Kaluwalhatian o pagtanggap sa Aking Pag-iral,
giyera, pag-usig, kasakiman, pangongontrol at pagbagsak ng
moralidad. Lahat ng ganung kasamaan ay nilikha sa inyong mundo ni
Satanas at pinakalat naman ng mga makasalanan na bukas na bukas sa
kanyang peke at walang-laman na mga pangako.

Siya, si Satanas, ay tinutukso muna niya yung mga makasalanang gutom


sa kapangyarihan at yung mahihina ang pananampalataya. Pagkatapos
niyang akitin, sinasapian niya ang mga ito. Sila naman ay hinahawahan
at sobrang sinasaktan sa pag-abuso ang kanilang kapwa. Kayo, Aking
minamahal na mga mananampalataya, ay tinatawagan Ko ngayon para
panindigan at depensahan ang Aking Banal na Salita, para maligtas ang
sangkatauhan. Gagawin nyo ito sa dalawang paraan. Una, sa
pamamagitan ng palaging pananalangin, at ikalawa, sa pamamagitan ng
pagpapalaganap ng Aking Kabanal-banalang Salita. Ang panalangin ay
hindi lamang tutulong na iligtas ang sangkatauhan sa Impiyerno at sa
tuluyan Kong pag-alis, babawasan pa rin nito ang bagsik ng Aking
Kamay ng Kaparusahan. Ang Kamay na ito ng Kaparusahan ay wala
nang kaduda-dudang babagsak sa masasamang makasalanang yun na
pinayagan ang espirito ng kadiliman na kontrolin ang kanilang asal sa
mga inosenteng yun na umaasa sa kanila at kinokontrol nila.

Ako, ang Diyos Ama, ay nananawagan sa Aking mga anak mula sa


Kalangitan, na dinggin ang Aking kahilingan pag hinihimok Ko kayong
agad na bumangon. Samahan nyo Ako sa panalangin sa pagdarasal ng
sumusunod:

“Diyos na Kataas-taasan, sa Ngalan ng Iyong minamahal na Anak, na si


Jesucristo, Na Siyang Iyong isinakripisyo para kami’y iligtas, kaming
kawawa Mong mga anak, sa mga apoy ng Impiyerno, dinggin Mo ang
aming panalangin. Nawa’y maihandog namin ang aming abang mga
sakripisyo at matanggap ang mga pagsubok at dusa bilang paraan para
makamtan ang kaligtasan ng lahat ng kaluluwa habang nangyayari Ang
Babala.

Isinasamo namin sa Iyo na patawarin ang mga makasalanan na


nahihirapang lumapit sa Iyo at tanggapin ang Iyong Mahabaging
Kabutihan, para gawin ang mga sakripisyong kinakailangan at karapat-
dapat para sa Iyo, para sila’y matubos sa Iyong Banal na Mata.”

Pag kayo’y nanalangin sa Akin, ang inyong makalangit na Ama, Diyos na


Kataas-taasan, Maylikha ng sanlibutan at sangkatauhan, diringgin Ko
ang inyong panalangin at bibigyan Ko ng kaligtasan yung lahat ng
kaluluwang inyong ipinananalangin.

Salamat sa inyo, mga minamahal Kong mga anak, sa pagpapaunlak nyo


rito, sa Aking Dibinong panawagan mula sa Kalangitan. Salamat sa inyo
dahil sa inyong kababaang-loob kaya nakilala nyo ang Aking Tinig nang
Ako’y magsalita.

Tandaan nyo, Ako’y isang dagat ng Pag-ibig at Minamahal Ko kayong


lahat ng may paggiliw ng isang Ama. Ang sinisikap Ko lamang ay iligtas
ang bawat isa sa inyo sa kuko ni masama, para magkasama tayo bilang
isang banal na pamilya.

Diyos Amang Walang-hanggan

Birheng Maria: Ipanalangin mo si Santo Papa Benedicto

Miyerkules, November 16, 2011 8:00 pm

Anak ko, magkakaroon ng mabangis na laban habang nagsisimula na ang


labanan para sa mga kaluluwa. Ipanalangin mo yung mga kawawang
kaluluwa na nangangailangan ng proteksyon ng Awa ng aking Anak.
Gagawin ni masama lahat para itaboy ang mga anak palayo sa Kamay ng
Awa ng aking Anak.

Ang dami sa aking kawawa at naliligaw na mga kaluluwa ang walang


kaalam-alam sa laban na nagsimula na at pinamumunuan ni
masama. Konting panahon na lang meron siya, pero gawin pa rin nyo
lahat para tulungan ang aking mahal na Anak na iligtas ang mga taong
ito bago maging huli na ang lahat.

Ikaw, anak ko, ay kailangang patuloy na humingi ng proteksyon sa akin


dahil nagiging talagang tinik ka na ngayon sa tagiliran ni masama. Lagi
kang maging alerto sa bawat sandali. Importante ang panalangin at
kailangang hilingin mo sa iba na ipagdasal ka.

Ipanalangin mo si Santo Papa Benedicto, lalo na ngayon na siya’y


inaatake na rin. Huwag mong titigilan ang iyong Gawain para sa aking
Anak, dahil ikaw, anak ko, ay kailangang magtiis hanggang sa huli para
tuparin ang mga propesiya na ginawa napakahabang panahon na ang
nakalilipas.

Tandaan mo, lagi kitang tinatakpan ng aking Banal na Kapa.

Ang iyong Makalangit na Ina

Reyna ng Mga Rosas


(Pansinin: ang mensaheng ito ay natanggap pagkatapos ng isang buong
aparisyon ng Pinagpalang Ina, na tumagal ng 20 minuto kung saan
mukha siyang napakalungkot.

Maria Divine Mercy)

Kumpleto na ngayon ang mga paghahanda

Miyerkules, November 16, 2011 8:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, makinig ka ngayon. Palakasin mo naman


ang loob ng lahat Kong anak sa pagsasabing sa pananampalataya ay
nakakasigurado na sila na sila’y maliligtas. Yun na lamang ang mahalaga
ngayon.

Ang Pagmamahal sa Akin at sa isa’t isa ang inyong magiging daan tungo
sa Paraiso.
Kung mahal nyo ang isa’t isa gaya ng pagmamahal Ko sa inyo, dapat ay
ito’y walang mga kundisyon. Kailangang tanggapin nyo ang mga
kamalian ng isa’t isa. Magpatawad, mga anak. Ang pag-aaway ay hindi
sa Langit nagmumula. Kagagawan ito ni manloloko para lumikha ng
gulo.

Bangon na at manalangin, manalangin, manalangin para sa Aking


dakilang Awa, dahil halos dinatnan na kayo ng panahon.

Kumpleto na ngayon ang mga paghahanda.

Ang gagawin nyo na lang ngayon ay maghintay.

Ihanda nyo ang inyong mga kaluluwa at manalangin para sa isa’t


isa. Basta tanggapin mo na lamang ang Aking Banal na Loob, anak Ko.

Huwag ka nang humingi ng mga paliwanag. Sundin mo ang Aking mga


iniuutos at maging masunurin ka sa lahat ng oras. Huwag kang
mahuhulog sa mga bitag na inihahanda para sa iyo para buyuin kang
bumagsak. Gusto nga ni Satanas na bumagsak ka para maaapak-apakan
ka niya, pero kailangan Ko muling ipaalala sa iyo na manahimik ka na
lamang. Tiisin mo ang anumang sama ng loob at tumingin ka na lang sa
ibaba sa lubos na kababaang-loob.

Tularan mo Ako, anak, sa lahat mong ginagawa. Pag ginawa mo ito,


hindi ka na matatalo ni Satanas.
Lakad na at maghintay, dahil malapit na Akong dumating.

Ang iyong nagmamahal na Jesus

Tatapagligtas at Manunubos ng buong Sangkatauhan

Crusade of Prayer (1): My Gift to Jesus to Save Souls

Huwebes, November 17, 2011 9:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, sabihan mo naman ang Aking mga anak na


kanilang dasalin ang Mga Panalanging ito mula ngayon hanggang sa
mangyari Ang Babala. Pinapakiusapan ang Aking mga alagad na dasalin
ang Mga Panalanging ito, na ibibigay Ko sa inyo araw-araw para iligtas
ang mga kaluluwa. Ito ang unang Panalangin:

My gift to Jesus to save souls


“My dearest Jesus, You Who loves us so much allow me in my humble
way to help save Your precious souls. Have Mercy on all sinners no
matter how grievously they offend You.

Allow me through prayer and suffering to help those souls who may not
survive The Warning, to seek a place beside You in Your Kingdom.

Hear my prayer, O sweet Jesus, to help You win over those souls You
yearn for.

O Sacred Heart of Jesus, I pledge my allegiance to Your Most Holy Will


at all times.”

Ang inyong Tagapagligtas

Jesus Christ

Crusade of Prayer (2): Prayer for Global Rulers

Biyernes, November 18, 2011 9:00 pm


Pinakamamahal kong anak, ngayong araw, hinihimok Ko ang Aking mga
alagad na ialay ang Panalanging ito para iligtas yung kawawang mga
anak na pinahihirapan ng kanilang mga pinuno sa kani-kanilang bansa,
na dinidiktahan naman ng mga pandaigdig na puwersang hindi sa Diyos.

“My Eternal Father, in the Name of Your beloved Son, Jesus Christ, I ask
that You protect Your children from the persecution, which is being
plotted by global forces, against innocent nations.

I pray for the forgiveness of sin of those souls who are the cause of this
hardship so that they may turn to You with humble and contrite hearts.

Please give Your tortured children the strength to withstand such


suffering, in atonement for the sins of the world, through Christ Our
Lord. Amen.”

Crusade of Prayer (3): Rid the world of fear

Sabado, November 19, 2011 7:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ibinibigay Ko sa iyo ngayon ang Panalangin


para alisin ang takot sa mundo:

“O my Lord Jesus Christ I beseech You to rid the world of fear, which
detaches souls from Your loving Heart. I pray that souls who will
experience real fear during The Warning will stop and allow Your Mercy
to flood their souls so that they will be free to love You in the way they
should.”
Ang iyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Crusade of Prayer (4): Unite all Families

Linggo, November 20, 2011 6:00 pm

Anak Ko, importante ang Panalanging ito dahil pananatiliin nitong


sama-sama ang mga pamilya para makapanatili silang nagkakaisa sa
Aking Bagong Kaharian ng Paraiso sa Lupa.

“Unite all families, Jesus, during The Warning so that they may receive
eternal salvation. I pray that all families remain together in union with
You, Jesus, so that they may inherit Your New Paradise on Earth. “

Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas


Manunubos ng Sangkatauhan, Jesucristo

Crusade of Prayer (5): Praise to God the Most High

Lunes, November 21, 2011 7:00 pm

Anak Ko, kailangang ialay ng mundo ang natatanging Panalanging ito


para papurihan at pasalamatan ang Diyos Ama dahil sa Awang ibinibigay
Niya sa buong mundo.

“O Eternal Father, we offer You our prayers in joyful thanksgiving for


Your precious Gift of Mercy to the whole of mankind. We rejoice and
offer You, Most Glorious King, our praise and Adoration for Your loving
and tender Mercy. You, God the Most High, are our King and for this Gift
You now bring to us we lie at Your Feet in humble servitude. Please God
have Mercy on all Your children.”
Ang inyong Jesus

Crusade of Prayer (6): Prayer to stop the antichrist

Martes, November 22, 2011 11:00 am

“O Jesus, I pray that God in His Mercy will prevent the antichrist and his
vile army from causing terror and inflicting hardship on Your children.
We pray that he will be stopped and that the hand of chastisement will be
avoided through the conversion achieved during The Warning.”
Crusade of Prayer (7): Prayer for those who refuse Mercy

Martes, November 22, 2011 8:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, napakalapit na ng Aking muling pagdating


para iligtas ang sangkatauhan bago dumating ang Pangwakas na
Paghuhukom. Naghahalo ang Aking Kaligayahan at matinding
dalamahati dahil sa mga kaluluwang yun na tatanggi sa Aking Awa.

Ikaw, anak Ko, ay kailangang lumaban kasama ng Aking hukbo na


binubuo nung mga minamahal na mga anak ng Krus para iligtas ang mga
kaluluwang ito. Ito ang Panalanging dapat nilang dasalin para humingi
ng Awa para sa mga kaluluwang nasa kadiliman.

“Jesus, I urge You to forgive those sinners so dark of soul who will refuse
the Light of Your Mercy. Forgive them, Jesus, I plead with You, in order
to redeem them from the sins which they find it so difficult to extract
themselves from. Flood their hearts with Your Rays of Mercy and allow
them the chance to return to Your fold.”

Ang inyong minamahal na Jesus


Crusade of Prayer (8): The Confession

Martes, November 22, 2011 8:30 pm

Ako, si Jesus, ang inyong Hari at Tagapagligtas, ang nagbibigay ngayon


ng Aking panalangin para sa Kumpisal.

Ang panalanging ito ay dapat dasalin para humingi ng awa para sa


kapatawaran ng kasalanan habang nangyayari Ang Babala at pagkatapos
nito.

“Dearest Jesus, I ask Your pardon for all my sins and for the hurt and
injury I have caused to others. I humbly pray for the graces to avoid
offending You again and to offer penance according to Your Most Holy
Will. I plead for the forgiveness of any future offence which I may
partake in and which will cause You pain and suffering. Take me with
You into the New Era of Peace so that I may become part of Your family
for eternity.

I love You, Jesus.

I need You.

I honour You and everything You stand for.

Help me, Jesus, so that I may be worthy to enter Your Kingdom.”


Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo

Ang mundo ay tuluyan nang mababago magpakailanman

Huwebes, November 24, 2011

Pinakamamahal Kong anak, huwag ka nang matakot dahil ang panahon


ay dumating na para sa iyo at sa buong mundo.

Ang paglalakbay na ito ay naging napakatindi para sa iyo, anak Ko, sa


loob ng napakaikling panahon.

Sinunod mo na ang Aking Banal na Loob mula pa sa simula, kahit na


meron kang mga duda. Nilait ka man sa ibang lugar, lalo na ng mga
nagsasabing sila’y aking mga banal na disipulo at ng Aking minamahal
na Ina, hinding hindi ka nag-atubiling ipahayag sa mundo ang Aking
Banal na Salita. Huwag mo nang pansinin ang pasakit na ito dahil ito’y
nakaraan na.

Ngayong Ako’y dumarating dala ang Aking dakilang Awa, lahat Kong
anak na may tunay na pananampalataya ay magpapatirapa sa
mapagpakumbabang pasasalamat para mapagmahal Akong salubungin
at tanggapin ang Aking Awa. Ang Katotohanan ay mabubunyag na
ngayon.

Magsitayo kayong lahat at hintayin nang may tuwa ang Aking pagdating.

Ang mundo ay tuluyan nang mababago magpakailanman.

Tandaan nyo, ito’y dahil sa malalim Kong Pagmamahal sa inyong lahat,


pati na yung mga lumalait sa Aking Banal na Salita, o itinatanggi Ako,
kaya Ako dumarating para iligtas kayo nang minsan pa.

Ang inyong Tagapagligtas at Manunubos

Jesucristo
Hindi Ako nagbubunyag ng mga petsa

Linggo, November 27, 2011 3:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, maging kalmante ka at panatag, at manalig


ka nang lubos sa Akin.

Halos narito na ang panahon para sa Babala, at kailangang maging


pasensyosa ka. Ipanalangin mo, anak Ko, na ang buong sangkatauhan ay
maililigtas sa pamamagitan ng Regalong ito.

Huwag mo namang hulaan ang mga petsa, dahil maraming beses Ko


nang sinabi sa iyo na hindi Ako nagbubunyag ng mga petsa.

Hindi ang mga ito para sa kaalaman mo. Maging pasensyosa ka. Ang
panahon ng Babala ay maaayon sa Aking Banal na Loob.

Manalig ka nang lubos sa Akin at ipaubaya mo lahat sa Aking Mga


Kamay.
Ang iyong minamahal na Jesus

Lumakad kang katabi Ko at duduraan ka

Lunes, November 28, 2011 8:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, dapat mong tandaan na pag


pinaglilingkuran mo ako, ang buhay mo ay laging magiging isang
higaang puno ng tinik.

Walang magiging madali. Pero alam mo, pag ikaw ay isang piniling
kaluluwa, lagi itong may kasamang sakripisyo. Sa paglalakbay na ito na
sinisikap mong lumakad na katabi Ko, duduraan ka, titisurin,
pagtatawanan, sisipain at pahihirapan kung kailan mo pa naman hindi
inaasahan. Yung lahat ng lantarang magpapahayag ng Aking Salita ay
ganun ding mga kahihiyan ang pagtitiisan.
Pero pag tinanggap nyo na lamang ang mga kahihiyan at mga pagsubok
na ito bilang bahagi ng krus na pinapasan nyo nang pinili nyong
maglingkod sa Akin, ay saka nyo lang mararating ang espiritwal na
perpeksyong inaasahan sa inyo.

Tanggapin mo, anak Ko, ang mga kahihiyan, hapdi at dusang inihahagis
sa daan mo. Siguro naman ay alam mo na, at ng lahat Kong minamahal
na mga sundalo, na sumusunod sa Aking kabanal- banalang mga utos sa
pamamagitan ng Mga Mensaheng ito, alam nyo na, na Ako ang
lumalakad katabi nyo.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Birheng Maria: Ang Aking Regalong talunin at wasakin ang


matandang ahas
Martes, November 29, 2011 9:00 pm

Anak ko, sabihan mo yung lahat ng alagad ng aking minamahal na Anak


na si Jesucristo, na dapat nilang hingin ang aking proteksyon sa lahat ng
oras.

Ang mga araw ni Satanas ay mabilis nang natatapos at marami sa aking


mga anak ang madaling bibigay sa kanyang mga tukso.

Pag humingi kayo sa akin ng proteksyon at ng aking mga natatanging


grasya, hindi mapipinsala ni Satanas ang aking mga anak at hindi rin sila
mailalayo sa aking Anak.

Bawat isa ay tinatarget na ni Satanas ngayon habang ginagalugad niya


lahat ng lugar sa hangad na mangwasak ng mga kaluluwa. Ang kanyang
mga pag-atake ay pinakamabangis pag ikaw ay tapat na alagad ng Diyos
at malakas ang iyong pananampalataya. Ang pagkasuklam niya sa
ganung mga kaluluwa ay magdudulot sa kanila ng hapdi at pagkalito.

Siya, si manloloko, ay may iisang pakay lamang, at ito ay akitin lahat ng


kaluluwa para sundin siya at sa ganun ay masira niya ang kanilang
tyansang magkaroon ng kaligtasang walang-hanggan.

Manalangin kayo sa bawat sandaling pwede kayo, para protektahan ko


kayo kay masama. Ibinigay na sa akin ng aking makalangit na Ama ang
dakilang Regalong talunin at wasakin ang matandang ahas. Pag kayo’y
lumapit sa akin para humingi ng tulong, lagi ko kayong tutulungang
makabalik sa aking Anak para sa konswelong hinahanap-hanap nyo, na
magpapaginhawa sa inyong kaluluwa.
Manalangin, manalangin, manalangin, at dasalin ang aking Santo
Rosaryo dahil ito ang pinakamakapangyarihang sandata para pigilan si
Satanas na wasakin ang inyong buhay.

Salamat sa pagtugon mo sa aking panawagan, anak ko, dahil kinailangan


kong ipaalala sa iyo ang kahalagahan ng paghingi sa akin ng tulong dahil
mabangis ka nang inaatake ngayon sa bahaging ito ng iyong Misyon.

Humayo ka sa kapayapaan.

Ang iyong Makalangit na Ina

Maria, Reyna ng Langit

Ililigtas Ko kayo sa mga nakakakilabot na bagay sa inyong


mundo
Miyerkules, November 30, 2011 3:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, yung mga sabik na sabik na patunayan ang


kanilang pagmamahal sa Akin, ay kalimita’y nawawalan ng pag-asa sa
kanilang kaluluwa, kaya tuloy hindi nila maramdaman ang Aking
Pagmamahal. Maaari itong bigla na lang mangyari nang di inaasahan,
kaya para bang inabandona na ang kaluluwa at akala nito’y hindi na siya
makakabangon mula sa kawalan ng lakas at pananampalataya.

Huwag kayong matakot, mga anak. Ang pagka-abandona ay isang bagay


na inyong mararamdaman pag kayo’y malapit sa Akin. Naramdaman Ko
rin ang ganung pagka-abandona ng Aking minamahal na Ama noong
panahon Ko sa Lupa. Para ba Akong nawawala at naiwang nag-iisa
habang maraming beses Kong sinikap na Siya’y kausapin. Matindi ang
pagsubok na ito, na inyong pagdaraaanan pag kayo’y isang tunay na
mananampalataya sa Diyos. Paraan ito ni Satanas para hatakin kayong
palayo, para paglipas ng ilang panahon, ay inaasahan niyang susuko na
kayo sa paghahanap sa Akin at muling mahulog sa makamundong mga
asal, na nagbibigay ng sarap pero hindi naman nakakabusog.

Di nyo ba alam na panalangin ang makakapigil na mangyari ito? Di nyo


ba alam na pinapayagan Ko ito para na rin sa inyong kabutihan at bilang
isang bahagi ng inyong pagsasanay para magkaroon kayo ng espiritwal
na lakas, na makakamtan lamang sa pamamagitan ng ganitong pagka-
abandona?

Ang mga pamamaraan ng Aking Ama, mga anak, ay mahirap nyong


maunawaan. Basta manalig na lang kayo sa Akin, ang inyong Jesus, at
manawagan kayo sa Akin na bigyan kayo ng mga grasyang inyong
kinakailangan para kasama Kong lumaban para iligtas ang inyong mga
kapatid. Kailangan silang iligtas sa masasamang planong minamanipula
sa inyong mundo nung mga puwersang nagtatangkang kontrolin kayo
gamit ang mismong mga bagay na kinakailangan nyo para mabuhay.

Tandaan nyo, mga anak, na Ako’y napakalapit sa lahat Kong alagad, na


sa sandaling mangyari Ang Babala, ang Aking hukbo ay agad susugod
para maging isang makapangyarihang kaaway ni Satanas.

Ang pag-asa, mga anak, ay hindi dapat nawawala. Ililigtas Ko kayo sa


mga nakakakilabot na bagay sa inyong mundo, na lubusan nang nagulo
dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Aking Amang Walang-hanggan.

Lahat ng ito’y malapit nang mabago pag nakita na ng mundo ang


katibayang kailangan nito para aminin na Meron nga palang isang Diyos
Ama.

Ang inyong Jesus

Tagapagligtas ng Sangkatauhan
UL 2 10 14 Isang Nakakakilabot na Giyera ang niluluto

Huwebes, December 1, 2011 12:00 pm

Anak Ko, isang Malaking Parusa ang babagsak sa mundo para


protektahan ang mga inosente.

Isang malaki at nakakasuklam na kasamaan, na pwedeng lumikha ng


isang nakakakilabot na Giyerang Pandaigdig, ay niluluto na.

Ang Kamay ng Aking Ama ay babagsak at paparusan ang mga


kaluluwang yun na nabitag ni Satanas. Hindi sila papayagang
magtagumpay sa kanilang masamang balak.

Iilan lang sa inyo sa buong mundo, mga anak, ang nakakaalam kung ano
talaga ang nangyayari.

Sa sobrang ingat ng mga grupong ito, ang inyong nakikita pag inaatake
ng isang bansa ang isa pang bansa, ay hindi nasasalmin ang
katotohanan.

Sinasadya kasi ang pagtatangkang lumikha ng isang giyerang papatay sa


milyun-milyon.
Hindi naman pwedeng tatayo na lang sa isang tabi ang Aking
Ama. Kailangan Niyang manghimasok.

Manalangin, manalangin at ipanalangin nyo, mga anak, ang kaligtasan


ng mga kaluluwa.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Birheng Maria: Mangyayari na ang Parusa

Huwebes, December 1, 2011 9:00 pm

(Ang Mensaheng ito ay natanggap matapos ang isang aparisyon, na


tumagal ng 30 minuto, kung saan ang Mahal na Birheng Maria ay
walang-patid sa kaiiyak, na ikinabalisa naman nang husto ng
bisyonaryong si Maria Divine Mercy, na nagsabing nadurog ang puso
niya sa kanyang nasaksihan.)

Anak Ko, nadudurog ang aking Puso sa dalamhati dahil sa kasamaang


kitang-kita na sa mundo, pag nakikita ko yung mga nawawalang
kaluluwa na bumubulusok pababa sa bangin ng kadiliman, na hindi na
makakabalik mula roon ang sinuman.

Nanunudyo na ngayon si Satanas, mga anak, dahil mabilis niyang


nananakaw ang mga kaluluwa ng mga yun na walang pagmamahal sa
Diyos sa kanilang mga puso. Nakakatakot, anak ko, na yun mismong
mga kaluluwang yun ay walang kaide-ideya kung ano ang kakaharapin
nila pagkatapos nilang mamatay.

Ang aking mga luha ng kalungkutan ay umaagos na parang walang-


katapusang ilog ng dalamhati habang pinagmamasdan ko rin ang
sobrang pasakit at paghihirap na pinagdaraanan ngayon mismo ng aking
Anak.

Ang Kamay ng aking makalangit na Ama ay handa nang bumagsak para


magparusa ngayon sa ilang parte ng mundo. Yung mga bansang
nagpaplano ng isang nakakakilabot na kasamaan para pumuksa ng mga
bansa, sila ang sobrang tinding parurusahan. Hindi ko na mapigilan pa
ang Kamay ng aking Ama, dahil ganun na kalaki ang Kanyang Galit.

Ipanalangin nyo yung mga nahaharap sa matinding parusang


ito. Ipanalangin nyo ang kanilang mga kaluluwa. Kailangang mapigilan
ang kanilang mga pagkilos, at kung hindi ay lilipulin nila ang buhay ng
milyun-milyon sa aking kawawang mga anak. Hindi pwedeng
pahintulutan ang kanilang mga aksyon, pero tatangkain
nilang magdulot ng nakakakilabot na pagwasak sa iba pang mga
bansang itinuturing nilang mga kaaway.

Manalangin, manalangin, manalangin kayo bago pa man mangyari ang


parusa, para naman maibsan ang paghihirap ng mga inosente.

Ang inyong minamahal na Ina

Reyna ng Dalamhati

Sakop ng Aking Awa ang lahat ng lahi, kulay, relihiyon

Biyernes, December 2, 2011 11:35 pm

Mahal Kong anak, magpakatatag ka at isipin ang magandang balita, na


ang Aking Awa ay ibabalik ang Aking mahal na mga anak sa Kaibuturan
ng Aking Sagradong Puso.
Yung kawawa at sawimpalad na mga kaluluwa na isinanla na ang
kanilang buhay sa kasamaan, ay kailangan ang inyong pagdurusa para
sila’y maligtas. Napakahirap man nitong intindihin sa isip ng tao, at
napakahirap ding tanggapin, kailangang manalig kayo sa Akin. Ang iyo
mismong pagdurusa at yung sa Aking mga tapat na alagad, ay napupunta
sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Wala ritong nasasayang. Ang
sakripisyong ito ay isang Regalo sa Akin. Tandaan nyo, naiibsan din ng
pagdurusa ang Aking pasanin.

Pagod na Ako sa Aking sariling pagdurusa, anak Ko, kaya pinananabikan


Ko nang akapin ang Aking mga anak sa wakas, kaisa at kasama ng Aking
Amang Walang-hanggan.

Isipin nyo ito nang ganito. Pag ang isang mahal sa buhay ay nangibang
bansa at pagkatapos ay umuwi matapos ang maraming taon, ang laking
tuwa at pagdiriwang. Isipin nyo ang pananabik ng isang magulang para
sa kanyang anak na hindi nila nakita nang maraming taon at kung gaano
kahalaga ang isang reunion. Mahal Ko kayong lahat, mga anak,
napakainit ng Aking pagmamahal. Pinananabikan Ko ang ating
reunion, kung saan maaakap Ko ang bawat isa sa inyo nang mahigpit sa
Aking Mga Braso at mahawakan Ko kayo malapit sa Aking Puso. Ang
Aking pamilya, sa wakas, ay handa na na muling mapagkaisa, sa kauna-
unahang pagkakataon simula nang ang Paraiso ay likhain para kina
Adan at Eba.

Ibinubuhos Ko ang Aking Pag-ibig at Awa, para balutin lahat Kong anak
sa bawat sulok ng mundo, sakop lahat ng lahi, lahat ng kulay ng balat,
lahat ng relihiyon at lahat ng makasalanan.
Hintayin nyo ang dakilang sandaling ito sa panahon. Sa wakas, ang
buktot na pagkasuklam, pagdurusa, pagka-asiwa, pagdududa,
kasakiman, karahasan at iba pang kasamaan ay tuluyan nang
mawawala. Isipin nyo kung ano ang magiging katulad nito, mga anak,
isang bago at napakagandang Panahon ng Pagmamahalan at
Kapayapaan sa mundo.

Huwag namang mawala kaninuman ang ganitong buhay ng walang-


hanggang kaligayahan. Gugustuhin nyo ba na isa man sa inyong mga
kapatid ang hindi makasali rito? Dahil kung hindi, magdurusa sila ng
walang-hanggang kadiliman sa mga apoy ng Impiyerno
magkailanman. Tandaan nyo yun, mga anak. Kailanman. Wala nang
balikan pagkatapos nyun.

Ipanalangin nyo na lahat ng kaluluwa ay makapagmana ng Paraisong


ito. Ipanalangin nyo yung mga kaluluwang personal nyong
inaalala. Ipanalangin nyo lahat ng kaluluwa.

Ang inyong Jesus

Tagapaglitas at Manunubos ng Buong Sangkatauhan


Ihahanda ng Mga Propeta ang Aking Ikalawang Pagdating

Sabado, December 3, 2011 8:45 pm\

Pinakamamahal Kong anak, sobra ang pagkadismaya Ko habang


pinagmamasdan Ko yung Aking mga alagad na tinatanggihan ang Aking
Kabanal-banalang Salita sa pamamagitan ng Mga Mensaheng ito. Ang
lungkot-lungkot Ko. Hinihiling Ko sa lahat Kong anak sa lahat ng dako
na ipanalangin yung mga nagtatanggi sa Diyos sa kanilang buhay. Pero
hinhiling Ko ring ipanalangin yung Aking mga alagad na binale-wala na
o kaya’y nalimutan na, na ang Aking Ikalawang Pagdating ay mangyayari
at hindi na ito mapipigilan. Importante ang Pangyayaring ito at lahat
kayo’y kailangang maging handa para rito.

Isinugo ang mga propeta sa mundo para i-anunsyo ang Aking


kapanganakan. Isinugo rin ang mga propeta ng Aking Ama para ihanda
ang mga kaluluwa para maligtas, mula pa sa simula. Ngayo’y
isinusugong muli ang mga propeta sa mundo para ihanda ang
sangkatauhan para sa Aking Ikalawang Pagdating.

Gising, lahat kayo na nagsasabing kilala nyo Ako. Kung talagang kilala
nga nyo Ako, e kilalanin nyo naman ang Aking Tinig pag Ako’y
nananawagan sa inyong mga puso. Ang daming hindi lang tumatanggi
sa Mga Mensaheng ito, kundi tinatanggihan na rin pati Ako.

Yung ilan sa inyo na napakabilis kung Ako’y kondenahin, sa pagtanggi sa


Aking mga kahilingan na ibinibigay sa buong mundo sa pamamagitan ng
Mga Mensaheng ito, intindihin nyo ito.
Sa matigas na pagtalikod nyo sa Aking Salita na ibinibigay sa inyo
ngayon, pinagkakaitan nyo Ako ng mga panalanging kailangang-
kailangan Ko sa inyo sa panahong ito. Kayo pa naman, na nagsasabing
kilala nyo Ako. Kaya pakinggan nyo itong sasabihin Ko sa inyo.

Tinutusok ng inyong kalupitan ang Aking Puso. Ang inyong karamutan


ay nangangahulugang ang inyong mga panalangin ay hindi naiaalay gaya
ng nararapat para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.

Nasaan ang inyong kababaang-loob at bakit nyo minamaskarahan ang


inyong pagkadismaya sa Aking Kabanal-banalang Salita sa pamamagitan
ng pekeng kababaang-loob?

Kailangang manawagan kayo sa Aking Banal na Espirito para kayo’y


gabayan patungo sa Akin, para makapaglingkod kayo sa Akin nang may
lubos na pagmamahal sa inyong puso.

Huwag na huwag nyong ipagyayabang ang inyong kaalaman tungkol sa


Kasulatan. Huwag na huwag nyong gagamitin ang inyong kaalaman
tungkol sa Aking Mga Aral para laitin ang iba. Huwag na huwag kayong
maninirang-puri, mang-aabuso, manghahamak o manlalait sa kanila sa
Ngalan Ko. Dahil pag ginagawa nyo ito, sobra nyo Akong sinasaktan.

Gising na, mga anak. Ihanda nyo na ang inyong mga kaluluwa at
magmagandang-loob, dahil konting panahon na lang.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas


Jesucristo

Ang Panahon ng Aking Ikalawang Pagdating ay Halos Narito


na

Lunes, December 5, 2011 3:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang mga paghahanda para sa Aking Babala


para ihanda ang sangkatauhan, ay kumpleto na.
Gusto Kong pasalamatan lahat Kong mahal na alagad na, dahil sa
kanilang pagmamahal sa Akin, ay tumulong na magligtas ng
napakaraming milyong kaluluwa.

Ang panahon para sa Aking Ikalawang Pagdating ay halos nasa mundo


na. Pero ang dami pa ring hindi pa handa, pero poprotektahan sila ng
Aking Awa.

Ang Aking pagdating ay magiging isang Maluwalhating Pangyayari at


ang mga lalaki, babae at bata ay mapapaluhod sa tuwa, paghanga at may
pagmamahal sa kanilang puso, para sa Akin, ang kanilang Diyos na
Tagapagligtas.

Maraming makakaramdam ng sobrang ginhawa, dahil ang tao ay hindi


matatagalan ang pahirap na ginagawa sa kanya ni Satanas at ng kanyang
milyun-milyong maiitim na anghel, na nakatago sa lahat ng parte ng
mundo at nagdudulot ng nakakakilabot na pasakit. Sila ang mga
demonyo ni Satanas, na binabale-wala ng marami sa Aking mga anak
dahil hindi nila pinapaniwalaang merong mga demonyo, pero ang mga
demonyong ito ang may kagagawan kaya sobra ang kalungkutan sa
mundo.

Lumilikha sila ng pagkasuklam sa pagitan ng mga tao, inggit, selos at


hangaring pumatay. Konting panahon na lang meron sila, dahil Ako, ang
inyong Tagapagligtas ay malapit nang dumating gaya ng Aking
ipinangako.

Manalangin, lahat kayo, para iligtas lahat ng kaluluwa sa mundo, para


sila man ay maging handa rin para sa Bagong Paraiso sa Lupa.

Ang inyong Tagapagligtas,

Jesucristo
Panawagan sa mga di-sumasampalataya na bumaling na

Miyerkules, December 7, 2011 4:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ngayong araw ay gusto Kong manawagan sa


lahat ng mga di-sumasampalataya at yung mahihina ang
pananampalataya. Nananawagan Ako lalung-lalo na sa mga nakalubog
sa mga daan ng materyalismo at yung mga namumuhay na nababalot ng
kayamanan kaya wala na silang panahon para sa kanilang espiritwal na
kabutihan.

Kayo, mga anak Ko, ang pinaka-nakakabalisa sa Akin, dahil ang layo nyo
sa Akin. Pero ang laki ng pagmamahal Ko sa inyo at umaasa Ako na pag
nangyari na Ang Babala ay agad kayong tutugon sa Aking panawagan.

Sobra ang Aking pananabik, mga anak, na makilala nyo Ako at


maunawaan kung paanong ang inyong mga makamundong ari-arian ay
naglagay ng isang belong bakal na hinahadlangan kayo sa Liwanag ng
Katotohanan.

Para sa inyo iaalay ng mga victim soul ang pinakamalalaking sakripisyo


ng pagdurusa.

Buksan nyo naman ang inyong isipan at lumapit kayo sa Akin, para
maihatid Ko kayo at lahat ng inyong mahal sa buhay at ang natitira pang
sangkatauhan tungo sa Bagong Paraiso.
Ang inyong minamahal na Jesus

Manunubos at Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan

Birheng Maria: Dinanas ko ang kaparehong pagdurusa

Huwebes, December 8, 2011 9:10 pm

Anak ko, nang ipanganak ko si Jesucristo, ang Manunubos ng buong


sangkatauhan, kapareho ko ang sinumang ina. Sobra-sobra ang
pagmamahal ko sa anak na ito kaya naiyak ako sa laki ng aking tuwa
nang makita ko ang Kanyang magandang Mukha. Kahit na alam kong
hindi magiging madali ang gagampanan kong papel na aking tinanggap,
hindi ko sukat akalain, nang panahong yun, na ganun pala kahirap ang
paglalakbay na ito.

Nang pagmasdan ko ang mahal na Mukha ng aking minamahal na Anak,


wala nang mahalaga kundi ang aking hangaring protektahan Siya sa
lahat ng oras, anuman ang mangyari.
Noon pa man ay kakabit na ng Aking Puso ang Puso ng aking Anak, gaya
rin ngayon. Ang Pusong ito mismo ang nagdurusang kaisa Niya sa bawat
sandali ng Kanyang buhay sa Lupa.

Bawat tuwa na Kanyang naramdaman, naramdaman ko rin. Pag Siya’y


humalakhak, nauumis ako. Sobra akong nasakitan ng Kanyang
dalamhati.

Ang pagpapahirap sa Kanya habang Siya’y Ipinapako sa Krus, ay


naramdaman ko sa bawat buto ng aking katawan. Bawat pakong
tumusok sa Kanyang Laman, ay tumusok sa akin. Bawat suntok at sipa
na tinanggap Niya mula sa Kanyang mga taga-usig, ay naramdaman ko
rin. Naramdaman ko ang kaparehong pagdurusa, kahit na wala ako sa
malaking bahagi ng pagpapahirap sa Kanya, na itinago sa akin at sa
Kanyang mga alagad.

Ngayo’y kasama kong nagdurusa ang aking Anak, kapareho rin noon,
pag Siya’y nilalait sa mundo ngayon at pinagtatawanan sa harap ng mga
tao, sa entablado at sa media, lalo na ng mga ateo na hindi naniniwala sa
Diyos, at ako’y mapait na naiiyak.

Pag nakikita ko ang aking mahal na Anak na lumuluha dahil sa mga


kasalanang araw-araw Niyang nasasaksihan, lumuluha rin akong kasama
Niya. Nakikita ko, nadarama at nasasaksihan ang patuloy Niyang
pagdurusa para sa sangkatauhan.

Si Jesucristo, ang Tagapagligtas ng Sangkatauhan, ay nagdusa para sa


inyong lahat, pero mahal na mahal Niya kayong lahat.
Gagawin ko lahat kong magagawa para tuparin ang Kanyang
pinakamimithi na iligtas bawat kaluluwa sa Lupa sa kuko ni masama.

Pag nagtagumpay na ang Misyong ito, doon at doon lang ako matutuwa
sa pangwakas na kapayapaan, pag napagsama-sama ko na at napagkaisa
ang aking mga anak sa Bagong Paraiso.

Ipanalangin mo, anak ko, na yung lahat ng mananalangin para sa


kaligtasan ng mga kaluluwa ay ipanalanging wala ni isang kaluluwa ang
maiitsa-pwera.

Lakad na sa kapayapaan, at ipagpatuloy mo ang mahalagang Misyong ito


para sa aking minamahal na Anak.

Poprotektahan kita sa bawat sandali.

Ang iyong minamahal na Ina

Reyna ng Langit

(Ang Mensaheng ito ay natanggap pagkatapos ng Misa at pagkatapos na


pagkatapos ng isang pribadong aparisyon sa harapan ng kanyang
estatwa, at tumagal ito nang 20 minuto, kung saan ang Birheng Maria ay
nanatiling taimtim habang ang belo niya’y pinapaspas ng hangin.)
Mga Pagtatangkang magpasok ng Pandaigdig na Pera sa
Europe

Biyernes, December 9, 2011 10:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, gustung-gusto Ko sana na ang Aking mga


anak, lalo na yung mga nagdurusa sa Europe sa ilalim ng pag-usig, ay
lalapit sa Aking Ama para humingi ng tulong.

Ang masamang grupo, na paulit-ulit Ko nang binanggit, ay kumikilos na


palapit sa kanilang mga pagtatangkang kontrolin lahat Kong kawawang
anak sa bahaging ito ng mundo.

Sila, ang mga inosenteng pang-sanla sa isang walang-awang plano na


magpasok ng isang Pandaigdig na Pera para kontrolin ang buong
Europe, ay kailangan nilang taimtim na manalangin ngayon para
humingi ng tulong sa Diyos Amang Makapangyarihan-sa-lahat.
Huwag kayong susuko, mga anak, sa pag-usig na ginagawa sa likod ng
mga saradong pinto. Ipanalangin nyong maibsan ang tindi ng mga
pangyayaring ito. Manawagan kayo sa Ama, sa Ngalan Ko, ang Kanyang
minamahal na Anak na si Jesucristo, para maiwasan ang krisis na ito at
sabihin:

“Diyos Ama, sa Ngalan ng Inyong minamahal na Anak na si Jesucristo,


isinasamo namin sa Iyo na pigilan ang kasuklam-suklam na pagkontrol
sa Iyong mga anak. Protektahan Mo nawa lahat Mong anak sa mga
nakakakilabot na mga panahong ito para makatagpo kami ng
kapayapaan at dignidad na mamuhay na ligtas kay masama.”

Anak Ko, ang panalangin ay kayang wakasan, at wawakasan nga nito,


ang masasamang planong ito.

Gaya ng sinabi Ko na, paparusahan ng Diyos Amang Walang-hanggan


yung mga may kagagawan ng masamang planong ito kung hindi sila
babalik sa pananampalataya sa kanilang Maykapal na
Makapangyarihan-sa-lahat.

Manalig kayo sa Akin. Manalig kayo sa Aking Amang Walang-hanggan


at ipanalangin nyo na ang pag-usig na ito ay mapigilan bago pa makita
nang tuluyan ang tunay na plano para puksain, kontrolin at pinsalain
ang mga kaluluwang ito.

Ang inyong minamahal na Tagapagligtas

Jesucristo
Ang Paglipat tungo sa Bagong Paraiso ay magiging mabilis at
walang pagdurusa

Linggo, December 11, 2011 12:45 pm

Ngayong araw ay dumarating Ako nang may malaking tuwa sa Aking


Sagradong Puso bilang iyong Kabiyak. Ikaw, anak Ko, ay tinanggap mo
ang pinaka-sagradong kahilingang ito na sumama sa Akin para magligtas
ng mga kaluluwa.

Malaki ang aasahan sa iyo ngayon sa pamamagitan ng iyong


mapagpakumbabang pagsunod. Mawawala ang takot habang ikaw ay
umuunlad, dahil sa espesyal na kahilingan, na ialay mo ang iyong buhay
sa nag-aapoy Kong hangarin na iligtas ang sangkatauhan mula sa
kailaliman ng Impiyerno.

Ang iyong Gawain, na ginabayan ng Aking Dibinong Kamay, ay lubos


nang sagrado at ligtas sa anumang panghihmasok ni masama.
Wala nang mga pagdududa pang aatake sa iyo pero dapat mo itong
malaman. Ang Salita Ko sa iyo ay babastusin at gugutay-
gutayin. Gagawin na ngayon lahat ng pagtatangkang bastusin ang mga
Banal na Mensaheng ito maging mula sa mga nagsasabing kilala nila
Ako.

Mula ngayo’y matatanggap mo na ang iyong pagdurusa nang may lubos


na pagsuko at tuwa sa iyong kaluluwa. Ang Aking lakas, na ibinibigay sa
iyo ng Kapangyarihan ng Espirito Santo, ay ikakagulat
mo. Maninindigan ka nang may lubos na lakas ng loob para ibigay ang
Aking Salita sa buong mundo.

Walang sinumang tao na pipigil sa iyo o mapipigilan ka sa Gawaing


ito. Walang sinumang tao ang makakapigil sa iyo sa pinaka-sagrado at
purong panawagan mula sa Kalangitan.

Ikaw, anak Ko, ay handa na para maging isang lubid na pan-sagip para
sa mga kaluluwang yun na lumulutang patungo sa ilang. Tutugon sila sa
panawagan ng Mga Mensaheng ito gaano man katigas ang kanilang mga
puso. Maraming hindi malalaman kung bakit nangyayari ito sa
kanila. Ang Kapangyarihan ng Espirito Santo, na magsisindi ng isang
apoy ng pagmamahal at tuwa sa kanilang mga kaluluwa, ang siyang
magpapalapit sa kanila sa Akin sa pamamagitan nitong Aking mga
kahilingang kailangang-kailangan, na dalhin ang Aking mga anak
pabalik sa Aking Sagradong Mga Braso.

Salamat sa pagtugon mo sa aking natatanging kahilingang ito na maging


kabiyak Ko sa tuluyang pagkakaisa sa Akin. Ang kasunduang ito, na
isinusuko mo na sa Akin nang lubusan ang iyong kaluluwa, ay ibibigay sa
Akin ang kalayaang kailangan Ko para matagumpay na tapusin ang
Misyong ito, na para rito kaya ka pinili.
Sige na, mahal Kong anak, at tulungan mo Akong matupad ang Aking
pangako sa sangkatauhan. Ang Aking pagbabalik ay para bawiin ang
Aking mahal na mga anak at isama sila sa Bagong Panahon ng
Kapayapaan. Ang paglipat na ito ay magiging mabilis at walang
pagdurusa dahil sa iyong regalo sa Akin.

Sabihin mo sa Aking mga anak, na tumataba ang Puso Ko sa tuwa sa


panahong ito, habang nalalapit na ang panahon para ipagdiwang ang
Aking kapanganakan.

Mahal Kita.

Ang iyong minamahal na Tagapagligtas at Manunubos

Jesucristo
UL 2 10 14 Diyos Ama: Pangako ng Proteksyon para sa mga
tumatanggi kay Jesus

Linggo, December 11, 2011 3:30 pm

Mahal Kong anak, salamat sa iyong pagtugon sa mahalagang


panawagang ito mula sa Makalangit na Kaharian nang hilingin Ko sa iyo
na tanggapin mo ang Mistikong Pakikipag-isa sa Aking mahal na Anak
na si Jesucristo.

Ako ay Nasa Aking Anak na si Jesus, kung paanong Siya ay Nasa Akin, at
pinagkakaisa Kami ng Pag-ibig ng Espirito Santo. Kaya ang iyong
kaluluwa ay ngayo’y nakabuklod na sa Akin at lahat ay magiging mas
malinaw na sa iyo.

Anak Ko, hinuhulma ka na maging nilikha na naaayon sa kagustuhan Ko,


para lubos kang maging karapat-dapat para sa Dibinong Misyong
ito. Binigyan ka ng mga luha ng Dibinong panghihimasok para kaagad
mong makilala itong bago at di-inaasahang pagtawag. At ngayong
nakaiyak ka na, huwag ka na ulit iiyak dahil kaligayahan na lamang ang
maghahari sa iyong kaluluwa mula ngayon.

Anak Ko, nalulungkot Ako dahil wala nang kumikilala sa Akin sa


mundo. Marami ang lubusan na Akong kinalimutan. Bale-wala na Ako
sa marami sa Aking mga anak.

Kailangang tulungan mo Ako, anak, pag ipinapakita Ko ang Aking


Presensya, para makilala Ako sa pamamagitan ng panalangin.
Ipanalangin mo naman na ang buong sangkatauhan ay tatanggapin ang
Regalong Bagong Buhay, na ibibigay na ngayon sa kanila ng Aking
minamahal na Anak na si Jesucristo.

Walang sinuman ang talagang nauunawaan ang Aking pag-aalala sa mga


kaluluwang yun na itinatanggi Ako o ang Pag-iral ng Tagapagligtas na
sinugo Ko sa mundo.

Ang kawawang mga kaluluwang ito, na punung-puno ng mga


pangangatwiran ng isip, na ginagamit para buong-yabang na ibasura ang
Aking Pag-iral, ay wala na sa Akin ngayon. Ang tanging kaligtasan na
lamang nila – dahil marami ang tatanggi sa alok ng Dibinong Awa
habang nangyayari Ang Babala – ay sa pamamagitan na lamang ng
panalangin nung mga anak na nagmamahal sa Ama.

Napakarami sa mga hindi tumatanggap sa Akin, ay halos wala pa


namang alam tungkol sa Akin. Ako ay isang Diyos ng Maka-amang
Pagmamahal, isang makalangit na Ama Na tinitingnan ang bawat anak
Ko, ang malakas, ang mahina, ang maysakit, ang mabuti at ang masama.

Walang iniitwa-pwera sa Aking walang-hanggang Pag-ibig, gaano man


kaitim ang kaluluwa nila.

Hinihimok Ko kayo, mga anak, na manalangin sa Akin, sa Ngalan ng


Aking Anak, bilang pagbabayad-puri para sa lahat ng kasalanan ng
sangkatauhan.
Babalutin na ngayon ng Aking Anak ang buong sangkatauhan, at
pagkatapos ng Pagliliwanag ng Konsiyensya, talagang kakailanganin na
sa bahaging ito ang inyong mga panalangin. Ang inyong mga
panalangin, mga anak, ay tutulong para sagipin yung mga taong buong-
yabang na tatanggihan ang Awang ipapakita ng Aking Anak sa kanila.

Taimtim Kong ipinangangako, mga anak, na yung lahat na


mananawagan sa Akin, alang-alang sa Aking minamahal na Anak na si
Jesucristo, para iligtas ang inyong mga kapatid, ay sila’y bibigyan ng
agarang proteksyon. Mga natatanging grasya ang ibibigay sa bawat isa
sa inyo na mangangako ng isang buong buwan ng panalangin para sa
kanilang mga kaluluwa.

Ito ang hinihiling Kong sabihin nyo:

“O makalangit na Ama, sa pamamagitan ng Pag-ibig ng Iyong


minamahal na Anak na si Jesucristo, na ang Kanyang Paghihirap sa Krus
ay iniligtas kami sa kasalanan, iligtas Mo nawa yung lahat ng tumatanggi
pa rin sa Iyong Kamay ng Awa. Pabahain Mo sa kanilang mga kaluluwa,
mahal na Ama, ang Iyong palatandaan ng Pagmamahal. Isinasamo ko sa
Iyo, makalangit na Ama, na dinggin ang aking panalangin at iligtas ang
mga kaluluwang ito mula sa walang-hanggang hatol. Sa pamamagitan
ng Iyong Awa, payagan mo silang mauna sa pagpasok sa Bagong
Panahon ng Kapayapaan sa Lupa. Amen.”

Ang inyong makalangit na Ama

Diyos na Kataas-taasan
(Punang paliwanag: ang proteksyon ay ibibigay sa mga ipinanalangin
nyo.)

Ang espiritwal na selos ay isang nakakakilabot na bagay

Lunes, December 12, 2011 7:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang espiritwal na selos ay isang


nakakakilabot na bagay, at ito’y sakit ng marami sa Aking mga
bisyonaryo.

Sakit din ito nung Aking mga alagad na akala nila’y sila’y initsa-pwera na
at medyo dismayado pag Ako’y pumipili ng ilang kaluluwa para tulungan
Akong iligtas ang sangkatauhan. Sa halip nito, dapat nilang malaman na
mahal Ko silang lahat nang pantay-pantay.

Nadudurog talaga ang Puso Ko lalo na pag mga piniling kaluluwa pa


naman ang nagkakatakutan.
Bawat kaluluwang Aking pinipili ay binibigyan ng ibang gawain at
sinasabihang sumunod sa ibang daan. Ang pagkakapareho ay laging iisa
lamang. Gusto Ko, na lahat Kong bisyonaryo at propeta ay magsagawa
ng isang Sagradong Misyon na magligtas ng mga kaluluwa.

Gumagamit Ako ng iba’t ibang kaluluwa, na may kababaang-loob, para


magawa Ko ang Aking mga pakay. Si Satanas naman ay laging
tatangkaing ibaling ang puso ng Aking mga piniling kaluluwa sa
pamamagitan ng pagtudyo sa kanila. Alam niya kung saan patatamaan
ang pinaka-sensitibong parte ng kanilang kaluluwa at sasabihing mas
importante kaysa kanila yung ibang piniling mga kaluluwa.

Pagkatapos ay lilikha siya ng sama ng loob sa kanilang puso, pati na


pagseselos. Ang ibig sabihin nito ay sa halip na magmahalan sila at
manatili sa kalagayan ng grasya, natutukso silang maliitin ang isa’t
isa. Marami pa ngang beses ay nag-iitsa-pwerahan sila at pinapapasok
sa kanilang kaluluwa ang kasalanang kayabangan.

Ang dami sa Aking mga alagad ay hindi lang nangungunsumi sa aking


mga piniling bisyonaryo at propeta, kundi tinatrato pa nila nang may
panlalait, kung paanong Ako’y trinato ng mga Pariseong akala’y laging
sila ang tama.

Noong panahong Ako’y nasa Lupa pa, wala na silang ginawa kundi
himayin nang himayin ang bawat Salitang nagmumula sa Aking Mga
Labi. Lahat na nang tusong pagkuwestyon ay ginawa para tisurin Ako at
patunayang Ako’y isang sinungaling. Ganun din tatratuhin ang Aking
mga propeta at bisyonaryo ng modernong panahon na ito.
Pinapahirapan ni Satanas ang Aking mga alagad na yun sa pagtatanim
ng mga duda sa kanilang isipan tungkol sa Aking mga sugo, dahil gusto
niyang sirain ang kredibilidad ng Aking Banal na Salita. Yun ang
kanyang pakay.

Taimtim nyong ipanalangin na bawat isa sa inyo ay mabigyan ng mga


grasya para respetuhin ang Aking Salita sa pamamagitan ng panulat ng
Aking mahal na mga propeta.

Mga bisyonaryo – huwag na huwag kayong mahuhulog sa bitag na


bumigay sa espiritwal na pagseselos. Wala ito sa lugar at tinutusok
nitong parang patalim ang Aking Puso.

Magmahalan kayo.

Magpakita kayo ng respeto at dignidad para sa isa’t isa sa Ngalan Ko.

Yun ang pinakamahalagang leksyon.

Kung nahihirapan kayong gawin ito, mawawalan ng saysay lahat ng iba


pang gagawin nyo para sa Akin.

Ang inyong Guro at Tagapagligtas

Jesucristo
Hindi Ko makayanang isipin yung mga kaluluwang
kinakaladkad ni Satanas patungo sa Impiyerno

Martes, December 13, 2011 8:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, importante ang mga paghahanda para sa


lahat Kong alagad habang palapit na nang palapit Ang Babala.

Ang lahat ng mananampalatayang yun ay kailangang taimtim na


manalangin para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, para
maiwasan ang hapdi ng Purgatoryo, na mararanasan ng karamihan sa
mga tao sa mundo pagkatapos na pagkatapos na mangyari Ang Babala,
sa loob ng maikling panahon.

Manalangin, ipanalangin nyo yung lahat ng mato-troma pag nakita nila


ang kalagayan ng kanilang mga kaluluwa, sa sandaling ibunyag na sa
kanila ang kanilang mga kasalanan habang nangyayari Ang Babala.
Dapat na maintindihan nila na ang kanilang mga kasalanan ay
kailangang ibunyag sa kanila, bago sila malinis mula sa lahat ng
kasalanan, para makapasok sila sa Aking Bagong Paraiso sa Lupa – ang
Bagong Panahon ng Kapayapaan, Pag-ibig at Kaligayahan, na dapat
manahin ng bawat isa sa Aking mga anak.

Nag-uumapaw sa Kaligayahan ang Aking Puso dahil dala Ko ang


dakilang Regalong ito sa sangkatauhan. Ganun pa man, hindi pa rin
nawawala ang Aking lungkot dahil sa mga yun na basta na lang tatanggi
sa tyansa na magkaroon ng Bagong Buhay na ito.

Kailangan Ko ng napakaraming panalangin, mga anak, para mapigilan si


Satanas na nakawin ang kanilang mga kaluluwa. Patuloy niya itong
gagawin hanggang sa kahuli-hulihang sandali.

Hindi Ko makayanang isipin yung mga kaluluwang aagawin sa Akin, na


nagsisisigaw at nagpapapadyak sa pagtutol habang sila’y kinakaladkad ni
Satanas at ng kanyang mga kampon patungo sa malalalim na lugar ng
Impiyerno.

Tulungan nyo Ako, mga anak, para mapigilan ito sa pamamagitan ng


inyong mga panalangin. Mga anak, kailangang tuluyan nang tanggihan
ng mga kaluluwang ito si Satanas at ang kanyang mga gawi, para sila
makapasok sa Bagong Paraiso. Kailangang lumapit sila sa Akin nang
kusang-loob o huwag na lang.

Dalawa ang kanilang pagpipilian, ang Bagong Paraiso sa Lupa o ang


malalalim na lugar ng walang-hanggang hatol kasama ni
Satanas. Huwag na huwag nyong pagdududahan na meron ngang
Impiyerno, mga anak. Alam nyo ba, bawat umitim na kaluluwa,
pagkamatay, ay kinakaladkad ng mga demonyo ni Satanas tungo sa
Impiyerno at pahihirapan magpakailanman. Ang dami niyang pangako,
yun pala’y gagawa lang siya ng nakakakilabot na kalagayan ng pagdurusa
para sa mga kaluluwang yun. Dahil sa pagkasuklam niya sa
sangkatauhan, ang mga kaluluwang ito ay magdurusa nang higit pa sa
kanilang makakayanan. Pero kailangang magtiis sila magpakailanman.

Di ba alam ng mga kaluluwang ito kung anong idinudulot ng mga


pangako ni Satanas? Di ba nila alam na ang mga kayamanan, kasikatan
at kaakit-akit na materyalismo ay lilikha ng isang maluwag na daan
diretso sa mga braso ni masama?

Gising, lahat kayo, habang nagagawa nyo pa. Iligtas nyo ang inyong
sarili at yung mga kawawa at iniligaw na mga makasalanan, sa
nakakakilabot na wakas na ito ng inyong pag-iral.

Wala na kayong masyadong oras.

Simulan nyo na ngayong araw ang panalangin para sa mga kaluluwang


ito.

Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo
Ang Ikalawang Pagdating ay mangyayari pagkatapos na
pagkatapos ng Babala

Miyerkules, December 14, 2011 7:15 pm

Pinakamamahal Kong anak, kailangang lagi kang manalig sa Akin at


alam mo ba, wala ni isang Mensahe na ibinigay sa iyo ay madudungisan.

Matatag ang hawak sa iyo ng Aking Kabanal-banalang Puso at ang iyong


kamay ay ginagabayan ng Aking Kamay.

Tanging ang Aking Banal na Salita lamang ang maaari mong isulat at
maisusulat mo nga para ibigay ang Aking Mga Mensahe para sa buong
sangkatauhan.

Huwag mo nang patuloy na tangkaing malaman ang petsa ng


Babala. Hindi Ko pwedeng ibunyag ang petsang ito, dahil hindi yun
naaayon sa Loob ng Aking Amang Walang-hanggan. Ang Babala ay
mangyayari sa pinaka-di-inaasahang panahon at pag ang tao ay di
handa. Konting konting panahon na lang, kaya gugulin nyo ang
pinakamaraming oras na pwede para sa inyo, sa taimtim na panalangin
para iligtas ang mga kaluluwa. Lahat ng kaluluwa.

Iniurong na ang parusa, at mangyayari na lang ito pag ang tao ay hindi
nagawang magsisi at napakarami ang bumalik sa kanilang masasamang
asal pagkatapos mangyari Ang Babala.

Nagbigay na ang Aking Ama ng pahintulot na i-anunsyo ang Aking


Ikalawang Pagdating sa loob ng napakaikling panahon sa
Lupa. Mangyayari ito pagkatapos na pagkatapos lang halos ng
Babala. Lahat ng kaluluwa ay kailangang maghanda na nang husto.

Ang sunod na Krusada ng Panalangin para iligtas ang kaluluwa ay ang


sumusunod:

“O Almighty Father, God the Most High,

please have Mercy on all sinners. Open their hearts to accept salvation
and to receive an abundance of graces. Hear my pleas for my own family
and ensure that each one will find favour in Your loving Heart.

O divine heavenly Father, protect all Your children on Earth from any
nuclear war or other acts which are being planned to destroy Your
children. Keep us from all harm and protect us. Enlighten us so we can
open our eyes to hear and accept the Truth of our salvation without any
fear in our souls.”

Hayo na sa Kapayapaan.
Ang inyong nagmamahal na Tagapagligtas

Jesucristo

Ang aking mga anak ay nahubaran sa taong ito ng Paglilinis

Huwebes, December 15, 2011 8:55 pm

Pinakamamahal Kong anak, ang taon ng paglilinis ay halos tapos na at,


dahil dito, ang Aking mga anak sa lahat ng dako ay handa na para sa
Babala.

Marami sa Aking mga anak ay sobrang nagdusa sa 2011. Mga giyera,


karahasan, pagpaslang at pagkasuklam, lahat ng ito ay plinano ng hukbo
ni Satanas, at pumilay at pumatay sa mga mga kaluluwa Kong yun na
mahal sa Akin. Ang masasamang puwersang ito ay magtitiis ng isang
nakakakilabot na parusa pag hindi sila nagsisi pagkatapos mangyari Ang
Babala.
Marami sa Aking mga anak ay nahubaran ng mga materyal na ginhawa
at nagdusa ng mga paghihirap na hindi pa nila dati nararanasan.

Ang mga pagsubok na ito ay nilikha at inihampas ni Satanas sa


sangkatauhan, pero pinayagan Ko para linisin ang mga
kaluluwa. Malupit, pwede mong isipin, anak Ko, pero kinakailangan
para ihanda ang sangkatauhan at para magkaroon ng kababaang-loob sa
kanilang mga kaluluwa. Ngayon, mas malinis na sila sa Mata Ko, at ang
kanilang mga puso ay nabuksan na para tanggapin ang Katotohanan ng
kanilang buhay na walang-hanggan. Ang ibig sabihin nito’y mas kokonti
na ang magdurusa habang nangyayari Ang Babala dahil dumaan na sila
sa pag-usig na ito.

Handa na ngayon ang Aking mga anak para tanggapin ang Aking
Regalong Awa. Halos dumating na ang panahon sa mundo. Maging
pasensyosa ka, anak Ko. Huwag na huwag mo Akong aasahang
magbigay ng petsa sa mundo, dahil hindi ito para malaman mo gaya ng
sinabi Ko na nang maraming beses sa iyo noon.

Manalig ka ng lubos sa Akin at magkakaroon ka ng kapayapaan.

Dadalhin Ko ang Aking Regalong Babala sa tamang panahon at kung


kailan ito pinaka-di-inaaasahan ng Aking mga anak.

Ang inyong minamahal na Jesus

Manunubos ng Sangkatauhan
Birheng Maria: ang propeta ng pangwakas na panahon ay
ginagabayan ng Kalangitan

Biyernes, December 16, 2011 8:35 pm

Anak ko, dumarating ako para bigyan ng ginhawa ang iyong puso. Ikaw,
ang aking malakas na anak, mula ngayo’y makakayanan mo nang tiisin
ang pagdurusa sa puntong buong-puso mo na itong tatanggapin, kaya
napatunayan na ang iyong katatagan sa laban para ipahayag ang Salita
ng aking mahal na Anak na si Jesucristo.

Pagod na pagod ka na, anak. Bawat araw ay may dalang bago at mas
maraming hamon sa Gawaing ito, at marami rito ay mahirap gawin.

Ngayon na ang panahon para kunin ang iyong armor nang di


natatakot. Lusob at ipaglaban ang aking Anak para siguraduhing ang
Kanyang Banal na Salita ay mabilis na maririnig sa buong mundo, sa
pinakamabilis na paraang pwede mong gawin. Huwag kang mag-
aatubili. Huwag mong papayagang guluhin ka.
Mahal kita, anak ko. Todong protektado ka mula sa pinsala. Di mo ba
napapansin kung paanong halos di ka na naaapektuhan ngayon pag
inaatake ka ng iba dahil sa Gawaing ito? Ito ang grasyang armor.

Labanan mo si Satanas gamit ang iyong hukbo ng mga mandirigma at


tulungan mong iligtas ang buong sangkatauhan.

Ikaw ang tunay na propeta ng pangwakas na panahon, na ginagabayan


ng Kalangitan para tulungang magbalik-loob ang mundo. Agad kang
padadalhan ng tulong. Maghanda. Matuwa, dahil ito’y isang dakilang
Regalo.

Ginagabayan ka sa bawat hakbang mo, kaya manalig ka na lang kay


Jesus at sundin ang aking makalangit na Ama sa lahat ng oras.

Maging matapang ka at matatag, at magmartsa ka nang walang takot sa


iyong kaluluwa.

Ang iyong makalangit na Ina

Reyna ng Mga Anghel


Birheng Maria: Ang Pag-asa ay di dapat talikuran dahil sa
takot

Sabado, December 17, 2011 3:30 pm

Anak ko, kailangang masabihan agad ang mundo tungkol sa Pag-ibig at


Awa ng aking Anak na si Jesucristo para sa bawat tao sa Lupa.

Mahal Niya ang bawat isa, pati na yung maligamgam ang mga kaluluwa
at yung mga di Siya kilala.

Huwag na huwag mong pagdududahan na ang mismong mga taong ito,


na maaaring kulang sa espirito, ay mahal na mahal Niya. Mabibigyan
sila ng malaking pag-asa pag sila’y binalot na ng Awa ng aking Anak.

Magdiriwang ang Langit pag ang mga taong ito ay namulat na sa


Katotohanan habang nangyayari Ang Babala. Sa puntong ito nila
tatanggapin ang Pag-ibig at Pag-asa na ibibigay sa kanila. Ito ang
pinakadakilang Regalong tatanggapin nila sa buong buhay nila sa Lupa.
Anak ko, hinding hindi dapat kokondenahin ng mga tao yung mga di-
nagpaparangal sa aking Ama. Hinding hindi sila dapat mawalan ng pag-
asa para sa mga tumatanggi rin sa aking Anak. Malalim at magiliw ang
pagmamahal ng aking Anak sa mga kaluluwang ito, at ang gusto lang
Niya ay iligtas sila.

Ang pag-asa, anak ko, ay isang Regalo mula sa Diyos Ama. Hindi ito
dapat talikuran dahil sa takot o pagka-negatibo. Walang-hanggan ang
Awa ng aking Anak. Ibibigay ito sa bawat isa sa inyo, at malapit na yung
mangyari.

Pag-asa at tuwa ang dapat mangibabaw sa inyong isip, mga anak, dahil
malapit nang ibigay ng aking Anak ang isang napakadakilang Regalo sa
Kanyang mga anak para iligtas ang mundo.

Gusto Niyang ang buong sangkatauhan ay maging kabahagi ng dakila at


maluwalhating Panahong ito ng Kapayapaan, na naghihintay sa inyong
lahat.

Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na lahat ng kaluluwa sa Lupa


ay mainit na tatanggapin ang mapagmahal na Regalong ito nang may
bukas at mapagkumbabang puso.

Ang Babala ang magiging paraan para maipakita na sa sangkatauhan, sa


wakas, ang Awa ng Diyos.

Pagkatapos nyun, wala nang duda kung gaano kalaki ang pagmamahal at
pagkagiliw Niya sa lahat Niyang anak.
Ang inyong minamahal na Ina

Reyna ng Kalangitan

UL 2 11 14 Manalangin gaya ng di nyo pa kailanman nagawa


noon

Linggo, December 18, 2011 3:10 pm

Pinakamamahal Kong anak, yung mga taong napakalayo sa Akin ang


siyang pinakamalaki Kong pinoproblema.

Bawat pagsisikap ay kailangang gawin ng Aking mga alagad para ikalat


ang Aking Panalangin sa Aking Amang Walang-hanggan, na ibinigay sa
iyo, para ipagmakaawa ang proteksyon para sa kanilang mga kaluluwa
(Crusade Prayer 13).

“O heavenly Father, through the Love of Your beloved Son, Jesus Christ,
whose Passion on the Cross saved us from sin, please save all those who
still reject His Hand of Mercy. Flood their souls, dear Father, with Your
token of Love. I plead with you heavenly Father, hear my prayer and save
these souls from eternal damnation.

Through Your Mercy allow them to be the first to enter the New Era of
Peace on Earth. Amen.”

Hinihimok Ko lahat ng mananampalataya na bumabasa nitong Aking


Mga Banal na Mensahe na ibinigay sa mundo, na manalangin gaya ng di
nyo pa kailanman nagawa noon.

Kailangan Ko ang inyong debosyon para siguraduhing lahat Kong anak


ay tatanggapin ang Aking Regalo nang may pagmamahal at tuwa sa
kanilang puso.

Hindi sila dapat matakot, dahil dumarating Akong dala ang isang Regalo
ng Pag-ibig at Awa.

Ang inyong Jesus

Manunubos at Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan


Ang mga makasalanang lumalapit sa Akin ay nakakatagpo
agad ng tulong

Martes, December 20, 2011 8:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, bakit ba sa pakiramdam ng Aking mga anak


ay sobrang inabandona na sila sa mundo ngayon?

Bakit sila nadidisispira ng lungkot at pag-iisa samantalang ang kailangan


lang naman nilang gawin ay manawagan sa Akin, ang kanilang Jesus,
para bigyan sila ng kaginhawahan?

Bawat isa sa kanila ay kailangang lumapit at hingan Ako ng


tulong. Sasagutin Ko bawat panalangin. Wala ni isang kahilingan ang di
pakikinggan at ang kanilang mga panalangin ay sasagutin ayon sa Aking
Banal na Loob.

Ang daming nakakalimot na pag sila’y lumapit sa Akin, lagi Akong


nakatayong katabi nila.

Bawat kaluluwa sa Lupa ay mahalaga sa Akin.


Kung alam lang sana nila na sobra Kong ikinatutuwa pag nilalapitan nila
Ako para hingan Ako ng tulong.

Lalo pa Akong natutuwa at naliligayahan pag mga makasalanan ang


humihingi ng tawad sa Akin at pinagsisisihan ang kanilang mga
kasalanan.

Ito ang mga kaluluwang nakakatagpo agad ng tulong. Sabihin mo sa


kanila na huwag na huwag silang matatakot na lumapit sa Akin, dahil
Ako Siyang Maawaing-lagi. Ang ginhawang kanilang nararamdaman
pagkatapos, ay isang grasyang Aking ibinibigay sa mga may mapagmahal
at tapat na puso.

Ito ang panahon ng taon na ang Aking Awa ay pinakasaganang


ibinubuhos sa buong mundo. Kaya lapit na kayo ngayon sa Akin para sa
lakas at mga grasyang kinakailangan para tulungan kayong matagalan
ang inyong mga pagsubok sa mundo.

Ang inyong Jesus

Tagapagligtas at Manunubos ng Sangkatauhan


Kahit ang kasalanang pagpatay ay pwedeng patawarin

Miyerkules, December 21, 2011 8:10 pm

Pinakamamahal Kong anak, Ako ito.

Ngayong gabi, dumarating Ako para bigyan ng ginhawa ang mga


makasalanang akala’y di sila karapat-dapat humarap sa Akin.

Nananawagan Ako sa ilan sa inyo na mga kawawa at pinahihirapang mga


kaluluwa, na akala’y sobrang nakakasuklam na ang inyong mga
kasalanan kaya di Ko na kayo pwedeng patawarin.

Maling-mali kayo.

Di nyo ba alam na wala ni isang kasalanan na di Ko pwedeng patawarin?

Bakit kayo takot na takot?


Di nyo ba alam na kahit na ang pinakamalubhang kasalanang pagpatay
ay pwedeng patawarin? Lahat ng kasalanan ay pwedeng patawarin at
patatawarin nga, basta magpakita lang ng taos-pusong pagsisisi.

Naghihintay Ako. Pagbuksan nyo Ako ng inyong puso. Magtapat kayo


sa Akin. Ako na lang siguro ang tunay na kaibigang meron kayo, dahil
sabihin nyo na sa Akin kahit na ano, at hindi pa rin Ako masa-shock.

Ang kasalanan ay isang katunayan ng buhay. Napakakonting kaluluwa,


kasama na yung mga piniling kaluluwa, ang makakapanatili sa kalagayan
ng grasya nang matagal.

Huwag na huwag nyong iisipin na hindi nyo pwedeng ikumpisal ang


inyong mga kasalanan, gaano man kagrabe ang mga ito.

Kung katatakutan nyo ako at patuloy kayong tatalikod, lalo lamang


kayong mapapalayo sa Akin.

Marami sa Aking mga anak ang akala’y di sila karapat-dapat sa Aking


Pagmamahal. Pero mahal Ko naman lahat pati na mga tigasing
makasalanan. Hindi Ko kinukunsinti ang kasalanan. Hinding hindi Ko
yun magagawa. Pero mahal Ko ang makasalanan.

Dahil nga sa kasalanan kaya Ako sinugo sa inyong mundo bilang isang
Tagapagligtas para kayo’y mapatawad.
Para mapatawad, kailangan kayong humingi ng tawad. Pag gusto nyong
mapatawad, kailangan nyo munang maging mababang-loob. Dahil kung
walang kababaang-loob, walang tunay na pagsisisi.

Ako, ang inyong Tagapagligtas, ay nagmamakaawa sa inyo, na huminto


at pag-isipan kung paano kayo namumuhay. Dalawa lang naman ang
paraan. Ang mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng inyong mabubuting
gawa at mahalin ang kapwa, o ang hindi.

Hindi nyo naman kailangang makilala Ako para mahalin Ako, mga
anak. Sa inyong mga gawa, sa inyong pagmamahalan, sa kabaitan at
kagandahang-loob na ipinapakita nyo sa iba, ipinapakita nyo na ang
inyong pagmamahal sa Akin kahit hindi nyo namamalayan.

Mapapatunayan nyo rin ang pagmamahal nyo sa Akin sa pamamagitan


ng kababaang-loob, pag nagpapakita kayo ng tunay na pagsisisi para sa
lahat nyong nagawang kamalian sa inyong buhay.

Sa palagay nyo, ano pa ang paraan para mapalapit kayo sa Aking Puso?

Huwag na huwag kayong matatakot na lapitan Ako. Hindi Ako


kailanman malayo.

Halina kayo sa Akin para mapakain Ko ang inyong kaluluwa at mabigyan


Ko kayo ng kapayaang inyong pinananabikan.

Ang inyong minamahal na Jesus

Birheng Maria: Ang planong tubusin ang sangkatauhan, para


sa Ikalawang Pagdating ay kumpleto na

Huwebes, December 22, 2011 9:30 pm

Anak ko, kailangang ang mundo’y maghanda na para sa aking Anak sa


pamamagitan ng panalangin.
Ang plano ng aking mahal na Anak na tubusin ang sangkatauhan para sa
Ikalawang Pagdating, ay kumpleto na.

Ibinigay na ang panahon para maikalat ang pananampalataya sa


pamamagitan ng Mga Dibinong Mensaheng ito at ng iba pa.

Kahit isang maliit na grupo lang ng mga Kristiyanong may debosyon, na


ipinananalangin yung mga tumatanggi sa aking Anak, ay maaaring
magligtas ng mga kaluluwang ito.

Anak ko, kailangang sabihin mo sa pinakamaraming alagad na pwedeng


sabihan, na manalangin sila para sa proteksyon nung mga kawawang
kaluluwang nasa kasalanan.

Hinihimok ko lahat ng alagad ng aking Anak, na huwag silang


mawawalan ng pag-asa para sa buong sanlibutan.

Maraming kawawang kaluluwa ang hindi alam ang kanilang ginagawa


pag itinatanggi nila ang Pag-iral ng Diyos Amang makalangit.

Ang kanilang isip ay dinidiktahan ng pangangatwirang pan-tao, kung


saan lahat ng bagay ay base sa nakikita ng mata.

Hindi nila nauunawaan na ang Lupa ay isa lang planeta, na nilikha ng


Diyos para sa Kanyang mga anak. Panandalian lang ang lugar na ito.

Ang Bagong Paraiso ang kanilang Tunay na Mana.

Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo ang mga anak na ito, para


hipuin ng Espirito Santo ang kanilang mga kaluluwa at pagningasin ang
pagmamahal sa kanilang puso para sa aking Anak.

Huwag na huwag nyong kakalimutan na ang Pasko ay isang Banal na


Kapistahan para ipagdiwang ang Tagapagligtas na Siyang sinugo para
bigyan kayo, lahat kong anak, ng buhay na walang-hanggan.

Ang inyong Pinagpalang Ina

Reyna ng Kalangitan
Diyos Ama: Ang Aking Anak ay sinusugo para angkinin ang
Kanyang Nararapat na Trono

Sabado, December 24, 2011 6:00 pm

Anak Ko, kung paanong Ako’y nagsugo ng isang Tagapagligtas sa mundo


sa unang beses para sagipin ang sangkatauhan, ganun din ngayon, na
Ako’y handa na muling suguin ang Aking Anak na si Jesus, ang
Manunubos ng sangkatauhan, para iligtas yung mga kaluluwang di na
sana maililigtas pa.

Kailangang maintindihan ng Aking mga anak ang kahulugan ng


parehong mapait at matamis na Sakripisyong ginawa Ko para sa
sangkatauhan nang suguin Ko ang Aking Anak sa unang beses.

Nang mabatid Ko na ang tanging paraan lamang para tubusin ang


sangkatauhan ay ang magsugo ng isang Tagapagligtas, alam Kong hindi
Ako pwedeng umasa sa sinumang propeta o piniling kaluluwa para tiisin
ang ganung Sakripisyo. Nagdisisyon Ako, sa pamamagitan ng Ikalawang
Persona ng Aking Pagka-Diyos, na magsusugo Ako ng isang Anak para
iligtas ang sangkatauhan. Ito na lamang ang tanging epektibong paraan
para hadlangan ang mga plano ni Satanas, ganun nga kalaki ang Aking
Pagmamahal sa Aking mga anak.

Ang subaybayan ang Aking Anak sa kanyang paglaki hanggang sa


pagtanda, ay parehong nakakatuwa at masakit, dahil alam Ko kung ano
ang naghihintay sa Kanya. Pero dahil sa malalim at magiliw na
Pagmamahal na meron Ako para sa bawat isa sa Aking mga anak, bukal
sa Kalooban Kong tiniis ang Sakripisyong ito para iligtas ang Aking
pamilya.

Ngayong nalalapit na Ang Babala, inihahanda Ko na rin ang Mundo, sa


pamamagitan ng Mga Banal na Mensaheng ito, para mapagmahal na
tanggapin ang Aking Anak sa Ikalawang Beses.

Mga anak, nalalapit na ang Ikalawang Pagdating ng Aking minamahal na


Anak. Sinusugo Siya para angkinin ang Kanyang nararapat na Trono sa
panahong Siya’y Maghahari bilang Hari ng Sangkatauhan.
Ang Maluwalhating Pangyayaring ito ay magiging kamangha-mangha at
ito na ang huling bahagi ng plano para iligtas ang sangkatauhan sa
kasamaang umiiral sa inyong mundo. Malapit nang itapon palayo si
Satanas. Ang kanyang mga alagad at yung mga maitim ang puso ay
masisindak at madidismaya. Aasahan silang pumili sa puntong
yun. Magpatirapa at humingi ng Awa at maligtas. O tanggihan ang
dakilang Regalo, na ibibigay sa kanila. Mga anak, magkaisa, lahat kayo,
at huwag matakot na kayo’y pagtawanan. Kayong lahat ay ginagabayan
ng Espirito Santo at binibigyan ng proteksyon ng mga anghel at mga
santo sa Langit. Nasa sa inyo na, Aking mga alagad, para ipahayag ang
Salita at pangako ng Aking Anak, na Siyang may gusto, na ang Mga
Mensaheng ito ay ikalat sa buong mundo.

Sa pamamagitan din ng inyong mga panalangin, kaya ang mga


nawawalang makasalanan ay masusungkit mula sa mga braso ni
masama.

Mga anak, kayo’y nasa mga unang bahagi ng pangwakas na laban. Ang
ikalawa nyong pagkakataong magkaroon ng kaligtasang walang-hanggan
ay ibinibigay na sa inyo sa pamamagitan ng Awa ng Aking
pinakamamahal na Anak. Huwag nyong sayangin ang pagkakataong
ito. Sumali kayo at makiisa sa inyong pamilya sa Langit para iligtas ang
inyong mga kapatid sa Lupa.

Maging masaya kayo sa Paskong ito, dahil ito’y magiging isang espesyal
na pagdiriwang dahil kailangan nyo nang tulungan ngayon ang mga
kaluluwa para maghanda para sa Ikalawang Pagdating ng Aking Anak,
pagkatapos mangyari Ang Babala.

Mahal Ko kayong lahat, mga anak. Tanggapin nyo ang Aking


Pagmamahal. Akapin nyo Ako, ang inyong Amang Walang-hanggan, Na
gagawin lahat ng pwedeng gawin para dalhin kayong lahat sa Bagong
Panahon ng Kapayapaan.

Diyos Ama

Igalang ang kahalagahan ng Pamilya


Linggo, December 25, 2011 6:00 pm

Ngayong araw, anak Ko, ang selebrasyon ng Aking


Kapanganakan. Espesyal na araw rin ito para sa mga pamilya.

Tandaan nyo, na ang Banal na Pamilya ay isinilang din sa araw na


ito. Ang Banal na Pamilyang ito ay may kinalaman sa mga tao sa buong
mundo ngayon.

Kung paanong lahat ng kaluluwa sa Lupa ay miyembro ng pamilya ng


Aking Amang Walang-hangan, ganun din dapat igalang ng mga tao sa
lahat ng dako, ang kahalagahan ng pamilya.

Sa pamamagitan lamang ng pamilya naisisilang ang tunay na pag-


ibig. Oo nga’t maraming pamilya sa mundo ang nagtitiis ng kaguluhan,
galit at hiwalayan, pero importanteng intindihin ito.

Kung walang mga pamilya, hindi posibleng magkaroon ng buhay.

Ang pamilya ang kumakatawan sa lahat ng kagustuhan ng Aking Amang


Walang-hanggan para sa Kanyang mga anak sa Lupa.

Ang pamilya, pag sama-sama, ay lumilikha ng isang matalik na pag-ibig


na sa Langit lang nakikita. Sirain mo ang pamilya at sisirain mo ang
purong pag-ibig na nananahan sa bawat kaluluwa, na bahagi ng
pamilyang yun.

Gustong-gusto ni Satanas paghiwalayin ang mga pamilya. Bakit? Alam


niya kasi na ang butil ng pag-ibig, na mahalaga para sa espiritwal na pag-
unlad ng sangkatauhan, ay mamamatay pag ang pamilya ay
napaghiwalay.

Ipanalangin nyo naman, mga anak, ang pagkakaisa ng


pamilya. Ipanalangin nyo na ang mga pamilya ay manalangin nang
sama-sama. Manalangin kayo para pigilan si Satanas na makapasok sa
inyong tahanan ng pamilya.

Huwag na huwag nyong kalilimutan na kayong lahat ay miyembro ng


pamilya ng Aking Ama, at dapat nyong gayanin ang pagkakaisang ito sa
Lupa hangga’t maaari. Alam Kong hindi lagi ganito ang kaso, pero lagi
nyong pagsikapang magkaroon ng pagkakaisa ang pamilya para manatili
ang inyong pagmamahal sa isa’t isa.

Kung wala kayong pamilya sa Lupa, tatandaan nyo na kayo’y bahagi ng


pamilyang nilikha ng Aking Ama. Pagsikapan nyong sumali sa pamilya
ng Aking Ama sa Bagong Panahon ng Kapayapaan.

Manalangin kayo para sa mga grasyang kinakailangan para matagpuan


ang inyong nararapat na tahanan sa Bagong Paraisong ito, na
aanyayahan kayo para pumasok dito, sa Aking Ikalawang Pagdating.

Ang inyong minamahal na Jesus

Tagapagligtas ng Sangkatauhan

Inakusahan Ako ng pagbaluktot ng pananampalataya at


paglapastangan sa Diyos nang Ako’y lumakad sa Lupa

Lunes, December 26, 2011 3:50 pm

Ako ang iyong Jesus, na hindi ka kailanman iniiwan, gaano ka man


nagdurusa. Ako ang Alpha at ang Omega, ang Anak ng Diyos na
nagkatawang-tao at ipinanganak ng Kalinis-linisang Birheng Maria.

Pinakamamahal Kong anak, pagtagumpayan mo itong biglang bugso ng


pagdurusa at huwag na huwag mong kakalimutan ang bilang ng mga
kaluluwang inililigtas mo habang pinagdaraanan mo ito.

Ang Aking mga anak ay kailangang dumaan sa paglilinis para ang


kanilang mga kaluluwa ay linisin sa panahong ito. Kaya kailangang
masanay na sila rito. Marami sa Aking mga anak ay nililinis pa bago
mangyari Ang Babala. Balang araw ay maiintindihan din nila kung bakit
ito nangyayari sa kanila, anak Ko.

Lagi mong kasama ang mga anghel, sa paraang di pa dati


nangyari. Dahil ikaw, anak Ko, ay aakit ng pinakamaraming pag-atake
pa kaysa dati, dahil sa Mga Mensaheng ito.
Bawat Salitang sasabihin Ko ngayo’y gugutayin.

Bawat leksyon at Katotohanang Aking sisikaping ibigay ngayon sa


mundo, ay kukuwestyunin at ituturing na mapaglapastangan sa Diyos.

Siniraan din ang Aking Banal na Salita nang ituro Ko ito sa Aking mga
alagad, noong Ako’y naglalakad pa sa Lupa.

Inakusahan Ako ng pagbaluktot ng pananampalataya, paglapastangan sa


Diyos at pagkunsinti sa mga makasalanan, noong Ako’y naglalakad
kasama ng Aking mga kababayan. Ang salita Ko’y hindi tinanggap noon
sa maraming lugar at lalo na sa hanay ng mga pari at mga Pariseo.

Anak Ko, yung mga taong ang yabang kung manukso dahil sa sinasabi
nilang kaalaman tungkol sa Kasulatan, at patuloy na inaatake ang mga
Mensaheng ito, ang mga yun ang pinakagrabe ang ginagawang
paglabag. Buong-yabang nilang ikakatwiran na ang kanilang maling
interpretasyon ng Banal na Ebanghelyo ay mas importante pa kaysa
Katotohanan.

Ang kanilang kayabangan ang hadlang kaya di nila nakikilala ang Aking
Tinig habang ito’y ibinibigay sa mundo ngayon.

Huwag mong patulan ang mga kawawang kaluluwang ito, anak Ko, dahil
hindi sila sa Liwanag. Ang malungkot nito, akala nila’y sa Liwanag
sila. Tandaan mo, yung mga nanghahamak at lumalait sa iba sa Ngalan
Ko, ay hindi kumakatawan sa Akin.

Wala man lang silang maipakitang pagmamahal, pang-unawa o


kababaang-loob.

Ang mga pag-atakeng ito ay ginagawa para patigilin ka sa iyong Gawain


at para lumikha ng mga bagong pagdududa sa iyong isip. Ipanalangin
mo ang mga taong ito. Huwag mo silang pansinin. Sa Aking Tinig ka na
lang tumutok, at huwag mong hahayaang maapektuhan sa ganitong
paraan ang Sagradong Gawaing ito. Aktibong kumikilos si Satanas sa
loob ng mga kaluluwang ito, at gagamitin niya lahat ng uri ng madayang
pangangatwiran para sirain itong Mga Mensahe na nagmumula sa Aking
Mga Labi. Pag pinatulan mo o tinugon ang mga atakeng ito, ibinibigay
mo lamang kay Satanas ang kapangyarihang gustong gusto niya.
Lakad na sa kapayapaan. Sa harap lagi ang tingin, at manatiling maging
masunurin sa mga kahilingan Ko sa lahat ng oras. Kung natatandaan
mo, iniregalo mo na sa Akin ang iyong malayang loob. Kaya magpaakay
ka na lang sa Akin. Manalig ka sa Akin nang lubos.

Mahal kita.

Ang iyong Jesus

Birheng Maria: Ang mga paghilab ng panganganak ay


nagsimula na

Martes, December 27, 2011 2:00 pm

Anak ko, ang mga paghilab ng panganganak ay nagsimula na.

Kapanahunan na para isilang ang isang Bagong Mundo, isang Bagong


Simula.

Maraming pagbabagong mangyayari na ngayon sa Lupa na hindi nyo pa


kailanman nasaksihan.

Sinusugo na ng Aking makalangit na Ama ang aking minamahal na Anak


na si Jesucristo para minsan pang sagipin ang sangkatauhan mula sa
kanyang kasamaan.

Anak ko, makakasaksi ka ng sunud-sunod na mga pangyayari, na


ibinunyag na noon sa iyo.

Hindi ka dapat matakot dahil kinakailangan ang paglilinis na ito para


gisingin ang sangkatauhan, kung ang mga kaluluwa ay ililigtas.

Ang mga palatandaan ay magsisimula na gaya ng naipropesiya. Dapat


tanggapin ng aking mga anak ang mga pagbabagong ito nang may
mapagpakumbaba at nagsisising puso.

Manalangin, ipanalangin na talikuran na ng mga kaluluwa ang


kasalanang kayabangan at humingi ng tawad para sa kanilang mga
pagkakasala sa Diyos Ama.
Pag hindi nila tinubos ang kanilang sarili, matindi ang magiging parusa
sa kanila.

Dahil sa laki ng Awa ng aking Anak, bibigyan Niya ng panahon ang aking
mga anak para magsisi.

Pero ngayon pa lang ay kailangan nyo nang ipanalangin lahat ng


kaluluwa para sila’y maging karapat-dapat na pumasok sa Bagong
Panahon ng Kapayapaan.

Ang inyong minamahal na Ina

Maria, Reyna ng Kalangitan

Diyos Ama: Tanggapin nyo itong huling tyansa o harapin nyo


ang isang nakakakilabot na parusa

Miyerkules, December 28, 2011 3:15 pm

Anak Ko, tungkulin mong iparating sa Aking mga anak sa lahat ng lugar,
na kailangang-kailangan nang humingi ng pagtubos.

Dahil sa laki ng Aking Awa, sinusugo Ko ngayon ang Aking Anak para
ialok sa sangkatauhan ang isang huling tyansa para magbalik sa Akin,
ang kanilang makalangit na Ama.

Pwede Kong ibunyag na ang dakilang Awa na ipapakita sa lahat Kong


anak, ay mangyayari nang isang beses lamang.

Silang Aking mga anak ay kailangang tanggapin ang huling


pagkakataong ito na maligtas, o tanggapin na isang nakakakilabot na
parusa ay babagsak sa mundo.

Bawat isang kaluluwa sa Lupa ay malapit nang masaksihan ang mga


palatandaan ng Pagliliwanag ng Konsiyensya.

Bawat isa sa kanila ay mapapaluhod sa hiya pag nakita nila, malamang


sa unang pagkakataon, kung gaano kasakit sa Mata Ko ang kanilang mga
kasalanan.
Para naman dun sa mga may magandang loob at mapagpakumbaba,
tatanggapin nila ang dakilang Awa na ito nang may pasasalamat at
kaginhawahan.

Para naman sa iba, magmumukha itong isang napakahirap na pagsubok


para sa kanila, at marami sa kanila ay tatanggi sa Aking Kamay ng Pag-
ibig at Pakikipagkaibigan.

Agad-agad mong ipanalangin ang mga kaluluwang ito, anak Ko, dahil
kung walang mga panalangin, hindi na sila mabibigyan pa ng ikalawang
pagkakataon.

Aaminin din ng mundo, sa wakas, ang Kapangyarihan ng kanilang


makalangit na Ama, pag ang milagro sa langit ay nasaksihan na ng bawat
tao sa lahat ng lugar.

Halos dinatnan na kayo ng pagsilang ng Bagong Mundo. Sunggaban nyo


na ngayon ang Aking Awa habang magagawa nyo pa. Huwag nyo itong
ipagpaliban hanggang sa huling sandali.

Sali na at makiisa sa Akin para akapin ang Bagong Panahon ng


Kapayapaan, na naghihintay sa lahat ng mabubuting kaluluwang yun na
nagmamahal sa Akin.

Pero dahil sa kadakilaan ng Aking Awa, ang Panalangin na ibinigay ng


Aking Anak sa mundo sa pamamagitan mo, anak Ko, para sa proteksyon
ng mga kaluluwang ito (tingnan sa ibaba ang hango mula sa Krusada ng
Panalangin no. 13) ay magiging napaka-makapangyarihan kaya yung
mga kaluluwang nasa dilim pa rin, ay maaaring maligtas at maliligtas
nga.

“O heavenly Father through the Love of Your beloved Son,


Jesus Christ, Whose Passion on the Cross saved us from sin,
please save all those who still reject His Hand of Mercy. Flood
their souls dear Father with Your token of Love. I plead with
You heavenly Father, hear my prayer and save these souls
from eternal damnation. Through Your Mercy allow them to
be the first to enter the New Era of Peace on Earth. Amen.”
Tandaan nyo, mga anak, ang kapangyarihan ng panalangin at kung
paano nito mababawasan ang parusa.

Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo na ang mundo ay maaaring


maligtas at maliligtas nga, at ang Malaking Pagdurusa ay maiiwasan.

Ang inyong makalangit na Ama

Diyos na Kataas-taasan

Birheng Maria: Ang Aking Rosaryo ay makakapagligtas ng mga


bansa

Huwebes, December 29, 2011 2:15 pm

Anak ko, ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay makakapagligtas ng mga


bansa.

Dapat hindi kalilimutan ng aking mga anak ang kapangyarihan ng aking


Santo Rosaryo.

Dahil sa lakas ng kapangyarihan nito, ginagawa nitong inutil si


manloloko. Wala siyang magagawa laban sa inyo, o sa inyong pamilya,
pag ito’y dinarasal nyo araw-araw.

Sabihin mo naman sa aking mga anak na sila’y magsimula na sa


pagdarasal ng aking Santo Rosaryo mula sa araw na ito para
protektahan, di lamang ang kanilang pamilya, kundi pati ang kanilang
mga komunidad.

Ang Rosaryo ang pinaka-makapangyarihang armas laban sa plano ni


masama na wasakin na lahat niyang pwedeng wasakin dahil ito na ang
mga huling araw niya sa Lupa.

Huwag nyong mamaliitin ang mga kasinungalingang itinatanim niya sa


isipan ng mga tao para ibaling ang aking mga anak palayo sa
Katotohanan. Ang dami, na nasa ilalim ng kanyang impluwensya, ang
magpapapadyak at manlalaban sa Katotohanan ng dakilang Awa ng
aking Anak.
Sa pagdarasal nyo ng aking Santo Rosaryo, mapoprotektahan nyo ang
mga kaluluwang ito laban sa mga kasinungalingan.

Ang kanilang mga puso ay pwedeng mabuksan pa, at mabubuksan nga,


kung maglalaan kayo ng panahon para dasalin ang aking Rosaryo.

Ngayon pa lang ay ipanalangin nyo na ang aking mga anak, para naman
mabuksan ang kanilang puso sa Katotohanan.

Inyo ring ipanalangin na lahat ng aking anak ay makakatagpo ng lakas


para tanggapin ang Awa ng aking Anak.

Ang inyong minamahal na Ina

Reyna ng Mga Anghel

Lahat na ng klase ng Awa ang ipapakita sa mga yun na hindi


mahal ang Aking Ama

Huwebes, December 29, 2011 3:00 pm

Pinakamamahal Kong anak, lahat Kong anak sa lahat ng dako ay malapit


nang gisingin mula sa isang mahimbing at walang-saysay na pagtulog.

Pagkagising nila sa Babala, maraming kikilabutan.

Sa mga matatakot, ito ang masasabi Ko.

Ipagpasalamat nyo na kayo’y ginigising mula sa kadiliman.

Ikatuwa nyo na ipinapakita sa inyo ang Aking Liwanag ng Awa. Kung


ito’y masakit para sa inyo, isinasamo Ko sa inyo, na tiisin nyo ang
paglilinis na ito nang may kababaang-loob. Dahil kung wala ang
paglilinis na ito, hindi kayo magkakaroon ng buhay na walang-hanggan,
na karapatan nyo naman.

Ipanalangin nyo na kayo’y Aking tulungan sa mahihirap na sandaling ito,


at kakargahin Ko kayo at bibigyan ng lakas na inyong kakailanganin.
Tanggihan nyo ang Aking Kamay ng Awa at napakaikling panahon na
lang ang ibibigay sa inyo para magsisi.

Lahat na ng klaseng Awa ay ipapakita sa mga yun na hindi mahal ang


Aking Ama. Pero alam nyo, paubos na ang Kanyang pasensya.

Isang dakilang Akto ng Aking Awa ang ipapakita. Nasa sa inyo na kung
kayo’y magpapakumbaba at hihingi ng Awa. Hindi naman kayo
pwedeng pilitin para gawin ito.

Ipanalangin nyo, na kung hindi nyo makakayanan ang paglilinis na ito,


ay maipanalangin naman ng iba ang inyong kaluluwa.

Huwag na huwag nyo Akong katatakutan, huwag na huwag nyong


tatanggihan ang Aking Kamay ng Kaligtasan. Dahil kung wala Ako, wala
kayo. Huwag nyo nang hintayin pang magsisigaw para sa Aking
Pagmamahal pag huli na ang lahat para kayo’y matulungan pa.

Ang inyong Tagapagligtas

Jesucristo

Kung wala ang Aking Akto ng Awa, maglalamunan ang mga


bansa

Sabado, December 31, 2011 12:00 pm

(Hango mula sa pribadong mensahe na ibinunyag kay Maria Divine


Mercy, at kasama rito ang ika-16 na Krusada ng Panalangin para
tanggapin ng mga tao ang mga grasyang ibibigay sa kanila ni Jesus
habang nangyayari Ang Babala, at isang pangako na ipapahayag ang
Kanyang Kabanal-banalang Salita sa mundo.)

Anak Ko, patutunayan ng Babala sa lahat ang katunayan ng Mga


Mensaheng ito sa mundo. Huwag na huwag mong pagdududahan ang
mga ito. Walang nadungisan sa mga ito, sa anumang paraan.
Maghanda para sa Babala at sabihan ang inyong pamilya at mga anak na
sila’y magdasal kahit maikli lang, na sila’y humihingi ng tawad para sa
kanilang mga kasalanan.

Bibigyan Ko kayo ngayon ng isang natatanging Krusada ng Panalangin


para sa mundo, para tulungan ang mga kaluluwa. Magpakatatag kayo
habang ibinibigay Ko sa mundo ang dakilang Akto ng Awa.

“O my Jesus, keep me strong during this trial of Your great Mercy. Give
me the graces needed to become little in Your Eyes. Open my eyes to the
Truth of Your promise of eternal salvation. Forgive me my sins and show
me Your Love and Hand of Friendship.

Embrace me into the arms of the holy family so that we can all become
one again. I love you, Jesus, and promise from this day forth that I will
proclaim Your Holy Word without fear in my heart and with purity of
soul, forever and ever. Amen.”

Huwag na huwag nyong katatakutan ang dakilang Aktong ito ng Awa, na


kinakailangang mangyari, dahil kung hindi, ay maglalamunan ang mga
bansa.

Karamihan sa sangkatauhan ay magbabalik-loob, pero ang labanan para


sa mga kaluluwa ay mas lalo pang titindi ngayon.

Ang inyong minamahal na Jesus

Manunubos ng buong Sangkatauhan

2012

Birheng Maria: May panandaliang kapayapaan sa mundo kung


magbabalik-loob ang maiitim ang kaluluwa

Linggo, January 01, 2012 3:00 pm

Anak ko, malapit na ang panahon, pero kailangang magpakita ng


pasensya ang aking mga anak. Lahat ay maaayon sa Banal na Loob ng
aking Ama.
Mga anak, dapat nyong malaman na ang mga puwersa ng kasamaan sa
inyong mundo ay inilalagay sa panganib ang inyong pananampalataya sa
Diyos Ama. Ang masasamang puwersang ito ay hindi mananalo dahil
wala silang kapangyarihan laban sa aking makalangit na Ama. Pero
pahihirapan nila ang kanilang kapwa sa pamamagitan ng pagpatay,
giyera at pag-kontrol.

Ipanalangin nyo na ang maiitim na kaluluwang ito ay agad makita ang


Liwanag ng aking Anak. Kung makita nga nila at sila’y magbalik-loob
habang nangyayari Ang Babala, magkakaroon ng panandaliang
kapayapaan sa Lupa.

Ang aking Anak na si Jesucristo, na Siyang dapat asahan ng lahat ng


kaluluwa para sila’y maligtas, ay naiinip na dahil sa kagustuhan Niyang
dalhin na sa sangkatauhan ang Kanyang dakilang Awa.

Taimtim nyong ipanalangin, aking mga anak, ang kaligtasan ng maiitim


na mga kaluluwang ito, na baka hindi na makalabas nang buhay
pagkatapos ng Babala.

Ang mga kawawang kaluluwang ito ay masisindak, di lamang pag


nasaksihan nila ang kanilang mga kasalanan, kundi pati pag nakita nila
ang kadilimang kanilang kinalalagyan. Sobrang pinalabo na ng
kadilimang ito ang kanilang mga kaluluwa, kaya sa Liwanag ng Awa ng
aking Anak ay mararamdaman nilang sila’y mahina at walang
magagawa.

Marami ang magiging napakahina para hawakan ang Awa na ibibigay ng


aking Anak sa kanila.

Ipanalangin nyo ang mga kaluluwang ito, hinihimok ko kayo. Disidido


ang aking Anak na unahing iligtas ang mga kaluluwang ito. Kailangan
Niya ng mas marami pang panalangin, mga anak.

Kailangan nyong manlimos ng Awa para sa maiitim na mga kaluluwang


ito.

Anak ko, sabihin mo sa aking mga anak na ialay nila ang Krusada ng
Panalangin na ito sa akin, Ang Ina ng Kaligtasan:
“O Immaculate Heart of Mary, Mother of Salvation and Mediatrix of all
graces,

you who will participate in the salvation of humanity from the


wickedness of Satan, pray for us. Mother of Salvation. Pray that all souls
can be saved and will accept the Love and Mercy shown by your Son, Our
Lord, Jesus Christ, Who comes once again to save humanity and to give
us the chance of eternal salvation. Amen.”

Ang inyong minamahal na Ina

Ina ng Kaligtasan

Iisa lamang ang Katotohanan. Iisa ang Liwanag. Lahat ng iba


pa ay isang kasinungalingan.

Linggo, January 01, 2012 5:30 pm

Pinakamamahal Kong anak, alam mo ba, na gaano man kahirap ang


Misyong ito, hindi Ako magmimintis sa paggabay sa iyo.

Ang Tinig Ko ay laging nagpapalakas ng loob mo. Nababagbag ang


damdamin mo ng Aking Espirito kaya wala kang kalaban-laban
dito. Sobrang nababalot ka sa Aking Pagmamahal kaya hindi mo
magawang talikuran Ako o itanggi kaya. Ganun pa man, natitisod ka pa
rin sa daan. Pag sinusubukan mong suriin ang Aking Salita, hindi mo
naman magawa nang tama. Walang pagsusuri, gaano man kadami, ang
makakapagbago sa Katotohanan ng sinasabi Ko.

Walang sinuman, pati na ikaw, anak Ko, ang may karapatang pilipitin
ang kahulugan ng Aking Banal na Salita, para lamang gawin itong
katanggap-tanggap sa inyong mga mata.

Ang pinag-uusapan dito ay ang Aking Salita na nakapaloob sa Banal na


Biblia at ang Aking Salita na nakapaloob sa Mga Mensaheng ito.
Dagdagan mo pa ang iyong pananalig sa Akin, anak Ko. Sabihin mo sa
Aking mga anak at sa lahat Kong minamahal na alagad, na manalig sila
sa Akin nang lubos.

Hindi Ko kailanman bibiguin ang sangkatauhan. Hindi Ko kailanman


tatalikuran ang mga pakiusap ng Aking minamahal na mga anak. Lagi
Kong sasagutin ang mga kawawang kaluluwang humihingi ng Aking
Awa.

Ang hindi Ko kailanman gagawin, anak Ko, ay kausapin ang Aking mga
anak para umayon sa kanilang mga pangangailangan at ibigay sa kanila
ang gusto nilang marinig.

Ang Katotohanan ay kailangang sabihin. Ang Aking Banal na Salita ay


hindi kailanman dapat haluan, o kaya’y pakialaman ang Katotohanan.

Ang Aking Banal na Salita ay hindi kailanman dapat baguhin, palitan o


baluktutin, para maging isang kasinungalingan.

Dapat nyong malaman na ang panahon ng Aking Katarungan ay malapit


na. Alam nyo, dakila ang Aking Awa, pero ang kasamaang nakikita Ko sa
inyong mundo ay nakakadismaya sa Akin.

At ang kasamaang ito ay binibigyang-katwiran nung mga nagpapahayag


pa naman ng Aking Salita at nagsasabing kilala nila Ako.

Ilang daan-taon na nilang binabaluktot ang Aking Mga Aral para iayon
sa kanilang kasakiman, kalaswaan, kayabangan at katakawan.

Sobrang nadudurog ang Aking Puso pag nakikita Ko ang mga akto ng
kasamaang ipinaparada sa harapan Ko, at nasasaksihan Ko kung paano
naloloko at napapapaniwala ang Aking mga anak na ang mga aktong ito
ay katanggap-tanggap sa Mata Ko.

Gising na sa Katotohanan. Ang Aking dakilang Awa ay naroroon para sa


bawat isa sa mga kaluluwa habang nangyayari Ang Babala.

Pero mag-ingat. Yung mga Kristiyanong naniniwala na ang binaluktot


na katotohanan ng Aking Mga Aral ay katanggap-tanggap sa Mata Ko, ay
mabibigla habang nangyayari Ang Babala. Lalabanan nila ang
Katotohanan pag ibinunyag Ko na sa kanila kung gaano sobrang
sinasaktan Ako ng kanilang mga kasalanan.

Hinihimok Ko ang mga taong ito na amining Ako ang Katotohanan at


ang Liwanag. Iisa lamang ang Katotohanan, Iisa ang Liwanag. Ang lahat
ng iba pa ay isang kasinungalingan.

Iksaminin nyo nang tapat ang inyong konsiyensya, mga anak, bago pa
mangyari Ang Babala. Alamin nyo kung paano makikilala ang
Katotohanan bago kayo humarap sa Akin. Dahil sa puntong yun, at sa
puntong yun lang mababawasan ang inyong pagdurusa.

Ang inyong Guro at Manunubos

Tagapagligtas ng buong Sangkatauhan

Jesucristo

Birheng Maria: Panahon para sa Tagumpay ng aking Kalinis-


linisang Puso ay di na nalalayo

Lunes, January 2, 2012 12:00 pm

Anak ko, ang panahon para sa Tagumpay ng aking Kalinis-linisang Puso


ay nalalapit na.

Habang nababawasan ang kapangyarihan ni Satanas, lalo naman siyang


nagiging walang-awa sa paghabol niya sa mga kaluluwa.

Maging ang malalakas na mga kaluluwa ay mahihirapan sa panahong ito,


dahil susubukan ang kanilang pananampalataya hanggang sa
makakayanan nito.

Anak ko, pag ang pananampalataya ng aking mga anak ay sinubukan sa


malupit na paraang ito, hindi sila dapat manghina, kundi manatiling
alerto. Kailangang laging malinis ang kanilang puso.

Kailangan din nilang manahimik pag nakakaramdam sila ng inggit sa


kanilang kaluluwa. Ang inggit at selos ay humahantong sa
pagkasuklam. Ang selos ng mga piniling kaluluwa ay dumarami maging
sa hanay ng mga nagmamahal sa aking Anak. Mga anak, huwag na
huwag kayong bibigay sa tuksong ito, na itinatanim sa inyong puso ni
masama.

Titindi pang lalo ngayon ang isang laganap na selosan ng lahat ng


bisyonaryo at banal na mga sugo sa mundo. Nai-propesiya na ito dahil
ang mga ito ay ilan sa maraming banal ng pangwakas na panahon.

Mahirap ang kanilang kapalaran at sobra silang magdurusa dahil sa mga


tungkuling ibinigay sa kanila.

Anak ko, nananawagan ako sa lahat ng nagpaparangal sa akin, ang


kanilang Mahal na Ina, na manalangin sa akin para sa proteksyon ng
mga bisyonaryo at propeta ng pangwakas na panahon. Kailangan nila
ang inyong mga panalangin. Kung meron man kayong mga pagdududa
tungkol sa mga kaluluwang ito na pinili para ibigay ang Katotohanan sa
mundo, ipanalangin pa rin nyo sila. Lahat naman kayo’y Nilikha ng
Diyos. Kailangang magpakita kayo ng pagmamahal sa isa’t isa. Ipahayag
nyo ang Banal na Salita ng aking Anak pero huwag na huwag sa
ikapipinsala at pang-iinsulto sa ibang mga anak ng Diyos.

Ang mga insulto ay hindi nagmumula sa pag-ibig. Kay manloloko sila


nagmumula, na walang-hanggan ang pagkasuklam niya sa
sangkatauhan. Kung mahal nyo ang aking Anak, at nakakita kayo ng
kapintasan sa ibang kaluluwa, huwag na lang kayong magsalita.

Huwag na huwag kayong maninirang-puri sa Ngalan ng aking Anak.

Ang aking Puso ay parang tinutusok ng patalim pag nakikita ko yung


mga kaluluwang may debosyon sa akin, ang Banal na Ina ng Diyos, pero
sobrang nilalait yung mga bisyonaryong pinili para tumulong magligtas
ng mga kaluluwa.

Manalangin, manalangin, ipanalangin nyo ang mga bisyonaryong pinili


ng Diyos Ama sa mundo ngayon.

Makakatiyak kayo na yung mga nagtitiis ng pinakagrabeng mga insulto,


ang siyang nagsasalita sa Ngalan ng aking Anak.
Yung mga ang mensahe ay mabangis na kinikwestyon, sinisimangutan at
ginugutay-gutay, ang, kalimitan ay, mga piniling kaluluwa.

Sila ang mga pangunahing target ni masama, na sa pamamagitan ng iba,


ay tutudyuin ang mga mananampalataya para talikuran ang mga
propetang ito.

Tandaan nyo, ang mga sugong ito ang kumakatawan sa aking Anak at
ang Kanyang Banal na Salita.

Talikuran nyo ang mga tunay na propeta at tinalikuran nyo na rin ang
Salita ng aking mahal na Anak.

Laging manalangin para makaunawa. Pero huwag na huwag nyong


lalaitin sa harap ng mga tao yung mga Dibinong Mensahe na ibinibigay
sa sangkatauhan para iligtas ang mga kaluluwa mula sa mga apoy ng
Impiyerno.

Hadlangan nyo ang gawain ng mga bisyonaryong ito at hinadlangan nyo


na rin ang kaligtasan ng mga kaluluwa.

Ang inyong minamahal na Ina

Reyna ng Langit

Ina ng Kaligtasan

Diyos Ama: Dalawang bilyong kaluluwa ang magbabalik-loob


dahil sa mga mensaheng ito

Martes, January 3, 2012 3:30 pm

Anak Ko, ang Regalong pangitain ngayong araw, kung saan ipinakita Ko
ang Mukha Ko at ng Aking Anak, ay pambihira.

Pinagpala kang bigyan ng pambihirang Regalong ito mula sa


Kalangitan. Kailangan ito para gawin kang mas malakas. Maiibsan na
ngayon ang iyong pagdurusa at magiging mas malakas ka pa kaysa dati.
Huwag na huwag kang matatakot sa Gawaing ito, dahil siguradong alam
mo na ngayon na lahat ng kapangyarihan sa Lupa ay nasa Aking
makalangit na Mga Kamay. Walang sinumang may kapangyarihan sa
Ama. Kahit si manloloko ay hindi kayang pakialaman o baguhin ang
Aking makalangit na plano para sa sangkatauhan.

Ang Langit ay nagdiriwang dahil sa pagbabalik-loob, na ibinunga ng Mga


Mensaheng ito para sa mundo. Mahigit sa dalawang bilyong kaluluwa
ang ngayo’y magbabalik-loob na bilang isang direktang resulta ng mga
Dibinong Mensaheng ito.

Walang sinumang tao na makakapigil sa Gawaing ito. Pwede nilang


subukan, pero wala ring mangyayari.

Ang Aking dibinong proteksyon ay binabalot lahat ng nagpapahayag ng


Katotohanan ng kaligtasang walang-hanggan.

Huwag susuko, mga anak, gaano man katindi ang inyong maging
pagdurusa. Ang pagdurusa, huwag nyong kalilimutan, ay inilalapit kayo
sa Aking makalangit na Kaharian.

Kayo, Aking mga anak, ay malapit nang matuwa pag naramdaman nyo
ang mga grasyang ibinubuhos sa inyo sa pamamagitan ng Aking Anak.

Maging alerto kayo lagi. Lagi nyong ipanalangin lahat ng kaluluwa, at


huwag na huwag nyong pagdududahan, kahit saglit lang, na Ako ito, ang
inyong Amang Walang-hanggan, Na Siyang nagbibigay sa inyo ng
kapayapaan ng isip, katawan at kaluluwa sa pamamagitan ng Mga
Mensaheng ito. Ituring nyong Sagrado ang Mga Mensaheng ito. Ganun
nga ang mga ito, at lagi silang maaayon sa Aking Salita, na ibinigay na sa
tao simula pa sa simula. Papapag-alaban ng mga ito ang apoy ng inyong
kaluluwa sa mga paraang mahihirapan kayong hindi pansinin. Hayaan
nyong abutin kayo ng Aking Espirito, at mag-relaks kayo. Saka Ko
lamang mahihipo ang inyong kaluluwa para ang isang kislap ng
pagkakilala ay magpaningas sa inyong puso.

Tinatawag Ko kayo, tumakbo kayo patungo sa Akin, para naman maakap


Ko kayo sa tanging paraan na isang Ama lamang ang makakagawa.
Hayaan nyong bigyan Ko kayo ng Aking proteksyon at mga grasya para
bigyan kayo ng sapat na lakas para lumaban kasama ng Aking hukbo,
laban sa kasamaan ng inyong mundo.

Ang Aking hukbo ang magdudulot ng kapayapaang inyong


pinananabikan, at ng pag-ibig na kailangan nyo para pawiin ang inyong
uhaw.

Hayo na sa Kapayapaan, mga anak, sa kaalamang ang Katotohanan ay


nakapaloob sa Mga Mensaheng ito, na Aking inaprubahan para sa buong
mundo.

Kung malinis at mapagkumbaba ang inyong puso, makikilala nyo ang


Aking Pag-ibig. Maging maliit kayo, bilang isang anak, sa Mata Ko. Saka
Ko lamang kayo makakargang parang isang anghel sa Aking Kaharian
pagdating ng tamang panahon.

Hayo na sa kapayapaan. Ihilig nyo ang inyong pagod na ulo sa Aking


Balikat at ibibigay Ko sa inyo ang kaginhawahang inyong pinananabikan.

Mahal Ko kayo, mga anak, bawat isa sa inyo.

Natutuwa Ako, dahil pagdating ng araw para muling magkaisa ang ating
banal na pamilya, buong Kalangitan ay aawit ng papuri at pagluwalhati
magpakailanman.

Diyos Ama

(Pansinin: Tungkol sa 2 bilyong kaluluwa – gustong iparating ni Maria


Divine Mercy na sa isang mas naunang pribadong Mensahe na tinanggap
niya mula sa Diyos Ama, ay sinabi sa kanya na “Dalawang bilyon pang
kaluluwa, na sana’y nawala na, ay maliligtas dahil sa Mga Mensaheng
ito.” Ang naging interpretasyon ng maraming tao, dito sa nauunang
Mensahe, ay dalawang bilyong tao lamang ang maliligtas, at ito’y
mali. Mas marami pa kaysa rito. Ang dalawang bilyong ito ay yung
madadagdag pa lamang.

Malapit Ko nang ipakilala ang Aking Sarili


Miyerkules, January 4, 2012 6:15 pm

Anak Ko, malapit Ko nang ipakilala ang Aking Sarili.

Tapos na ang mga paghahanda, pero kailangan Ko pa ng mas maraming


panalangin para dun sa mga magkakaroon ng masamang kamatayan sa
kalagayan ng kasalanang mortal habang nangyayari Ang Babala.

Hinihimok Ko ang Aking mga alagad na manalangin, manalangin,


manalangin para sa kanilang kawawang mga kaluluwa.

Mahal Ko kayo, mga tapat Kong alagad. Tuwang-tuwa Ako sa


pagmamahal at kalinisan ng puso na nakikita Ko sa inyo. Sobrang
kaginhawahan ang dulot nyo sa Akin, at iniibsan nyo ang Aking
paghihirap. Ang inyong debosyon ay parang langis na panlunas sa Aking
nagnananang Mga Sugat.

Sa mundo, ibinabasura man Ako at tinatanggihan ng napakarami, ang


inyong katapatan naman, mga minamahal Kong mga alagad, ang
nagbibigay sa Akin ng malaking kaligayahan.

Ang Aking pagdurusa ay nakadepende sa lebel ng kawalang-Diyos sa


mundo – itong mundong ang pinararangalan ay ambisyon, pagluwalhati-
sa-sarili at mga pekeng diyos.

Ang Aking Ngalan ay hindi itinuturing na importante. Ang Aking Tinig


ay hindi marinig dahil sa ingay ng mga boses ng mga naloloko-sa-sarili.

Ang lakas nilang sumigaw at ipagyabang ang kanilang mga


makamundong kinita. Pero ang mga bulong naman ng mga minamahal
Kong alagad ay hinahayaan Akong magsalita para marinig ang Aking
Tinig.

Kayo, Aking mga alagad, ay kaisa Ko na ngayon, sa paraang ikakagulat


nyo.

Sige na, anak Ko, at sabihin mo sa Aking minamahal na mga alagad, na


mahal Ko sila at ang Aking mga grasya ay bibigyan sila ng sapat na lakas
para ipahayag ang Aking Banal na Salita sa isang mundong
kinakailangang marinig ang Katotohanan para ang mga kaluluwa’y
maligtas.

Ang inyong minamahal na Jesus

Pagtatangkang magkaroon ng Giyerang Nukleyar sa Silangan

Miyerkules, January 4, 2012 7:20 pm

(Pansinin: Hango ito sa isang natanggap na Mensahe, na ang malaking


bahagi ay personal na Mensahe kay Maria Divine Mercy.)

Pinakamamahal Kong anak, pakinggan mo Ako ngayon habang


ipinararating Ko sa mundo na tatangkain ng mga bansa na wasakin ang
isa’t isa sa Silangan.

Maraming panalangin ang kailangan para siguraduhing ang Giyerang


Nukleyar na ito at iba pang kasuklam-suklam na kasamaan ay
maiwasan. Huwag na huwag nyong kakalimutan na ang panalangin ay
makapangyarihan at pwede nitong mabawasan ang maraming
masasamang pangyayari.

Kailangang ipaalala Ko sa iyo ang Aking kagustuhang magkaroon ng mga


pananalangin para iligtas ang mga kaluluwa.

Kailangan Ko ng mas marami pang kaluluwa, anak Ko, lalo na yung mga
nakatakdang mamatay habang nangyayari Ang Babala.

Siguradong alam mo na ngayon na ito ang Aking pinakamalaking


kagustuhan, at ang mga panalangin ng Aking mga alagad ang siyang
magliligtas ng mga kaluluwang ito.

Hinihimok Ko ang mga prayer group sa lahat ng lugar na taimtim na


manalangin ngayon para sa mga kaluluwang yun.

Ang Diyos, ang Aking Amang Walang-hanggan, ay tutugon ayon sa


inyong mga kahilingan at Siya’y magbibigay ng isang lubid na pansagip
sa kawawang mga kaluluwang ito.

Pagod ka na, anak Ko. Hayo na sa kapayapaan. Magpahinga ka na.


Ang inyong Jesus

You might also like