You are on page 1of 3

Rebyuwer para sa Unang Markahan, FPL ( Akademiks)

Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman sa paraang nakalimbag. Anong
makrong kasanayan ang tinutukoy rito?
Pagsusulat
Ito ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. Anong layunin ng
pagsulat ito?
Ekspresibo
Ito ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Ano ang dapat isaalang-alang sa
pagsulat ang tinutukoy nito?
Wika
Si G. Mike Enriquez ay respetadong mamahayag. Siya ay bihasa rin maging sa pangangalap ng mga
totoo, obhetibo at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan. Anong uri ng pagsulat ang
may kaugnayan sa kanya?
Dyornalistik
Ito ang sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Anong uri
ng pagsulat ang tinutukoy rito?
Propesyonal
Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik.
Anong katangian ng akademikong pagsulat ang dapat taglayin nito?
Obhetibo
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Anong pamamaraan ng pagsulat ito?
Impormatibo
Ito ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Anong pamamaraan ng pagsulat
ang tinutukoy rito?
Argumentatibo
Pangunahing layunin nito ang maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon
at isipan ng mga mambabasa. Anong uri ng pagsulat ang tinutukoy nito?
Malikhain
Mahalagang matutuhan ito sapagkat kung marunong nito, may kabuluhan ang isang tao at maituturing na
nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng
edukasyon at pagtatrabaho. Ano ang binibigyang-pansin nito?
Akademikong Pagsulat
Ang sumusunod na pahayag ay uri ang pagsulat. Alin ang hindi kabilang dito?
Paglalahad
Isa sa mga makrong kasanayan na kung saan ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang
kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa. Ano ang tinutukoy nito?
Pagsasalita
Isa sa mga makrong kasanayan na kung saan ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o
nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Anong makrong kasanayan ito?
Pagbabasa
Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong
makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Benepisyong makukuha sa pagsusulat

Ang mga sumusunod na salita ay mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat. Alin ang hindi
kabilang dito?
Pormal

Ito ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Ano ang tinutukoy nito?
Lagom
Si Jessa ay gagawa ng isang tesis. Anong uri ng paglalagom ang kinakailangan niyang matutuhan?
Abstrak
Tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga
kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at kongklusyon. Anong uri ng paglalagom ang tinutukoy nito?
Abstrak
Ito ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento,
salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng panitikan. Ano ito?
Sinopsis
Maituturing din itong isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile.
Bionote

Ito ay kalipunan ng mga salita at pangungusap na nagtataglay ng pangunahing ideya at mga pangalawang
ideya.
Balangkas
Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa
ng mga propesor o mga eksaminer ng panel. Ano ang tinutukoy nito?
Abstrak
Ito ang kadalasang pokus ng bionote.
Academic career
Isang ebalwasyon o pagsusuri sa ebidensya ng isang particular na paksa na ginamit upang makatulong
sa pagpapasya sa pagbuo ng mga patakaran.
Sintesis
Sa pagsulat ng lagom pang-ilang panauhan ang ginagamit dito?
Ikatlo
Sa bahaging ito ng abstrak kadalasan makikita ang bakgrawnd ng pag-aaral.
Panimula
Kalahok sa pag-aaral na ito ang mga piling mag-aaral na may kabuuang bilang na limampu’t isa (51) na
kumukuha ng programang pangkolehiyo na B.A. Filipino at A.B. Filipinolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas.
Kilalanin ang bahagi ng abstrak.
Saklaw at Limitasyon
Dito nakasaad ang mga katanungan na naglalayong sagutin sa pag-aaral.
Layunin
Uri ng komunikasyon na sinusulat at ginagamit upang maghatid ng mga mensahe o kalatas sa mga
taong kasama ng sumusulat ng tanggapan.
Memorandum
Ayon sa kanya, ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Ma. Rovilla Sudaprasert
Ang opisyal na tala ng isang pulong.
Katitikan ng pulong
Ang mga sumusunod na pahayag ay mga hakbang sa sa pagsulat ng adyenda. Isaayos ang tamang
pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo
Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin
Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong
Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng pagdalo
Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail
e-d-b-a-c
Sa ganitong uri ng katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.
Ulat ng katitikan
Ang mga sumusunod na pahayag ay isinasagawa bago ang pagpupulong. Alin ang hindi kabilang dito?
Itala kung anong oras natapos ang pulong.
Tiyakin na ang gagamiting kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng katitikan ng pulong.
Ang mga sumusunod na pahayag ay habang isinasagawa ang pulong. Alin ang hindi kabilang dito?
Gawin agad ang katitikan ng pulong.
Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon.
Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
Ang mga sumusunod na pahayag ay isinasagawa pagkatapos ng pulong. Alin ang hindi kabilang dito?
Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong.
Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon.
Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pulong.
Ayon sa kanya ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing
naglalayong lutas ng isang problema o suliranin
Besim Nebiu
Ayon sa kanya ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang
kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o
posisyon.
Grace Fleming
Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad.
Saang bahagi ng pagsulat ng panukalang proyekto ito makikita?
Balangkas ng panukalang proyekto.
Pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
Pagsulat ng katawan ng panukalang proyekto.
Paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito.
Suriin ang plano ng mga gawain sa pagpapatayo ng proyekto. Saang bahagi ng pagsulat ng panukalang
proyekto ito makikita?
Balangkas ng panukalang proyekto.
Pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
Pagsulat ng katawan ng panukalang proyekto.
Paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito.
Ito ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Panukalang Proyekto
Kapansin-pansing malinaw, maikli at direkta o hindi paligoy-ligoy ang pagkakalahad nito. Anong bahagi ng
panukalang proyekto ang tinutukoy nito?
Balangkas ng panukalang proyekto.
Pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
Pagsulat ng katawan ng panukalang proyekto.
Paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito.
Ang mga sumusunod na pahayag ay pagsulat ng katawan ng panukalang proyekto. Alin ang hindi kabilang
ditto?
Obhetibo
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag
ng mga talaan ng gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
Badyet
Panuto:Isulat ang A kung ang sumusunod na pahayag ay isinasagawa bago ang pulong, B kung habang
isinasagawa ang pulong at C kung pagkatapos ng pulong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
B - Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
B- Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin
ang mga sumang-ayon at ang naging resulta ng botohan.
A- Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
C- Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.
A- Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
C- Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon , pangalan ng komite, uri ng
pulong at maging ang layunin nito.

You might also like