You are on page 1of 1

4’ O’CLOCK PRAYER

Panginoon, Ikaw ang aming sandigan at kalakasan. Maraming


salamat po sa pag dalisay na ibinibigay ninyo sa aming lahat upang
makapag-aral. Salamat po at pinagkalooban ninyo kami ng mga gurong
matiyaga at may busilak na puso na handang humubog sa aming isipan sa
araw-araw. Salamat po sa aming mga kamag-aral na siyang kumital sa
tunay na diwa ng pagkakaibigan.

Salamat din po sa aming mga magulang sa tunay na pagkakaloob sa


amin ng mga aming pangangailangan.

Panginoon bigyan mo po kami ng sapat na lakas katalinuhan at


kaalaman na tahakin ang tamang landas upang matupad namin ang mga
pangarap sa buhay. Gabayan ninyo kaming lahat upang malinang ang
aming kaisipan at maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na ituturo
sa amin ng aming mga guro.

Panginoon, hipuin mo ang aming puso na madama ang kababaang


loob at maging maipagkumbaba na tanggapin ang aming pagkakamali,
kasalanan at kahinaan. Gawaran mo po kami ng tamang desisyon sa
ikalulugod ng iyong banal na kalooban.

Panginoon, dalisayan mo po ang aming mga puso na magpatawad ng


naaayon sa iyong kadakilaan. Bigyan mo po kami ng matibay na
paninindigan upang itakwil ang kasamaan sa anumang tukso.

Panginoon salamat po sa patuloy na biyayang ipinagkaloob sa amin.


Salamat sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang malaman
namin ang dahilan ng aming pag-iral. Tulungan mo po kami na maghari sa
aming mga puso’t isipan ang pag-ibig na tatalos sa aming guro, kamag-aral
at mga magulang.

Panginoon ito ang aming hinihiling sa iyong dakilang pangalan.


Amen.

You might also like