You are on page 1of 2

ADAMSON UNIVERSITY (FALCON RUN 7)

Ito ang aking pangalawang beses na makasama sa Adamson University Falcon run. At ito ay napakasayang
experience kasi dito ko lang nararanasan magjogging haha. Masaya kahit nakakapagod at nakakagutom. Madami
ding pumunta at sumali na mga klasmeyts, pati mga faculty members ay nakisali din. Sa simula ay nagpa warm up
muna nagpa zumba. Madami din naming nakisali sa sayaw kaso yung iba nakita ko walang pakem selfie ditto selfie
dun, tapos yung iba nagpapacute lang. At nung nagstart na nga ang contest excited ang lahat nakikita ko sa kanila
na nageenjoy sila, ang iba naman ay hindi na nakisabay sa pagtakbo, yung iba naglalakad na lang, kabilang na ko
dun. May iba pa nga akong nakita na mga magulang mga parents din ng mga klasmeyts na sumali din at nakitakbo.
Nakakatuwa dahil sumusuporta din sila sa mga pacontest ng Adamson. At lalo pang dumami dahil kasama lahat ng
studyante, pati mga Highschool at Grade 11. Lahat ng college students. Madaming mga tumatakbo at karamihan
ay naglalakad lang. Nakakatuwa dahil may ganitong programa ang Damson University na nakakatulong din sa iba.
Hindi lang dahil nagpapasaya sa mga klasmeyts pero dahil din sa mapupunta ang bayad sa mga scholar ng o mga
pinapaaral ng adamson University. Sa mga HIghschool students ay 3kilometers lang, at samin naman na mga
college ay 5kilometers. Mahaba din ang inikot kaya sobrang nakakapagod, nakkapawis at nakakagutom sobra.
Pero may mga patubig naman sa bawat kanto kaya medyo okay naman at nakakatulong sa bawas gutom.
Tumakbo ako kasama mga kaibigan at classmates ko tapos medyo naglakad na lang, ang dami naming nakitang
mga classmates naming dati, pati mga varsity ay tumatakbo at nakikisali din. Nakakatuwa kasi akala nung iba hindi
sila sumasali sa mga ganyan eh. Madami ding mga volunteers na tumutulong sa pagtulong sa pagsabi o pagsuway
sa mga pasaway. Pati mga SA andun din, pati mga PE teachers andun din pati si Father andun din, tumakbo din at
sumali. Hanggang sa natapos namin ang 5kilometers pati yung iba natapos na din, halatang pagod na pagod na
pagod sila at kami na rin, nakakahingal maglakad ng 5kilometers haha. After ng pagtakbo nagsalo na lahat sa field
ulit tapos nanuod ng PepSquad. Tapos ay nagaanounce nan g mga nanalo sa bawat year, nanalo sa bawat
kilometers pati yung mga runner up. At dun po nagtatapos ang lahat dahil after nun ay naguwian na din kaming
lahat. Sana laging may ganitong programa at sana ipagpatuloy pa nila at yung mga tumutulong na volunteers ay
sana hindi magsawa dahil ang ganitong klaseng programa ay nakakatulong sa mga mahihirap. Sa ibang mga
studyante na hindi kaya magaral o hindi kaya pagaralin ng magulang. Nakakatulong ang Adamson sa kanilang mga
scholar students. Bravo Adamson University!

MALICDEM, ROSELLE H. CA 201

You might also like