You are on page 1of 5

Ma.Cristina Raysa B.

Dabi VII SPA

Ang kalikasan ay isang biyaya na ipinagkaloob ng


Diyos sa atin. Dito tayo kumukuha ng ating mga
pinagkukunang yaman, tulad ng pagkain, tubig, at mga
kagamitan para sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Lahat ng mga kailangan natin ay sa ating
kalikasan nangagaling. Tumutulong din ito para
mapanatiling sariwa ang ating hangin. Nagsisilibi rin
itong tirahan sa mga ligaw na hayop at halaman. Halos
kalahati sa ating mga pangangailangan o kagamitan sa
ngayon ay galing sa kalikasan.
Ngunit, masakit isipin na ang kalikasan na ating
pinahahalagahan ay unti-unti nang nawawala. Ang
tanong, nasaan? Ito ay unti-unting nagbabago. Tayo-
tayo ang nagpapabago sa takbo ng ating kalikasan
ngayon.
Ang problemang ito ay hindi lamang nakakasama sa
atin, kundi pati na yung ibang mga nilalang na may
buhay. Ang sanhi ng pagkasira sa ating kalikasan ay
halos laganap na sa buong mundo.
Kailan pa tayo kikilos? Kung huli na ang lahat? Paano
na ang susunod na henerasyon? Naniniwala ako sa
kasabihan na isinusulat ng isang kauna-unahang
syentipiko at manunulat,na si Rachel Carson," no
organism in biological history has survived for long if
its environment became in some way unfit for it. But no
organism before man has deliberately polluted its
environment."
Ang kalikasan ay maituturing kong pinakamahalaga at
pinakamagandang bagay na ibibnigay ng Diyos sa atin,
ito ay binubuo ng mga lupain, kabundukan, kagubatan
at mga magagandang tanawin na ating makikita. Ika
nga, ito ang nagsisilbing nating buhay at pag-asa.
karamihan sa atin ay umaasa sa kalikasan upang
mabuhay bagamat marami naman sa atin ang sumisira
at winawasak ang ating mahal na inang kalikasan, mga
taong walang magawang mabuti kundi ang
magpahamak ng kapwa niya, mga taong iniisip lamang
ang kanyang sariling kapakanan, mga taong higit kay
satanas kung mag-isip. Hindi ba nila alam na sa bawat
kapabayaan nilang ginagawa ay mahigit libu-libong
mamamayang Pilipino ang binabawian ng
buhay sa pagkagutom at pagka salanta.
Kung ako siguro ang papipiliin mas nanaisin ko pa na
salat sa mga materyal na bagay basta't may kalikasan
lang akong masasandalan sa lahat ng oras.
Kapag tuluyang nasira ang kalikasan tayong mga tao
ang magdurusa at malamang magkaroon ng
delubyo.sana lagi nating tandaan na kapag ang
kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at
hindi matatakasan... tumulong tayo sa pagpepreserba
ng kalikasan para maiwasan ang anumang
kapahamakan sa darating na panahon.
KALIKASAN??Ano ba ito para sa inyo??Ito ba ay isang
bagay LAMANG na dapat paglaruan,sirain at
abusuhin??o isang biyaya ng maykapal na dapat
nating ingatan at pangalagaan?? Kamusta na pala ang
atingkalisan sa atingpanahon ngayon??Ito ba'y
maayos pa at maganda gaya ng dati noong ito ay
ginawa ng ating maykapal??
Sa ating panahon ngayon,mahirap sagutin ang mga
sagot na iyan dahil alam na alam natin na ang ating
kalikasan ay sirang-sira na dahil sa mga maling gawain
ng mga tao. San ba tayo kumukuha ng ating mga
pagkain??di ba sa ating mahal na kalikasan? Paano na
kung bigla nalang itong kunin?may magagawa ba
tayo?
Dapat na tayong magbago,huwag nating hayaan at
hintayin na itoy labis na masira hanggang sa ito'y
mawala. May panahon pa tayo. Huwag nating sayang
iyon. Sabay natin itong ayusin at simulan sa atingmga
sarili.
Beale Emmanuel B. Abecia VII SPA

Bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang trabaho,


pero dito sa asya ang pangunahing trabaho ay ang
agrikulturang trabaho kagaya ng mga pananim,
pangingisda, at marami pa. tayong mga tao at ang mga
likas na yaman ay parehong nakabenepisyo sa isa't-isa
dahil, patuloy tayong nabubuhay, naninirahan,
nakapagpasiya dahil sa kalikasan at ang kalikasan
naman ay nabubuhay dahil tayong mga tao ang nag-
aalaga nito. Nakabenepisyo rin ang kalikasan dahil
napagandahan at binibigyan ng paraan na mapreserba
at ma conserba ito. Sa larawan na nasa ibaba ay
nagpapakita na ginagamit ng tao ang kalikasan sa
panghanapbuhay nila ibinenta nila ang mga ito upang
magkaroon ng pera para sa pamilya at naging
kontribusyon ito para sa atin. Ang kontribusyon ng
likas na kapaligiran sa gawaing pangka-buhayan ng tao
ay ang kapaligiran mismo ang nagbibigay buhay para
sa tao ito ang dahilan na may trabaho ang mga tao.
Nagsisilbing pangkabuhayang trabaho ang kalikasan
para sa tao o dito kinukuha ang hanapbuhay o kaya
naman ay gingawang atraksyon para sa mga turismo .
Dahil sa mga ito nagkakaroon ng pera ang mga
nagtratrabaho at nakapagbigay pagkain at sapat na
mga bagay para sa pamilya. Ang likas na yaman ang
nabibigay ng sapat na produkto para sa atin para may
magamit kaya ang likas na yamn ay may ibinigay na
kontribusyon tayo rin ay may binigay na kontribusyon
dahil tayo ang nag-aalaga sa kanila. Dito naranasan ng
mga tao ang pagsisikap, pagiging matatag, at marami
pang iba sa trabaho para lang sa kanilang pamilya at
para sa magandang kinabukasan. Sila rin ang
tumutulong sa atin dahil kung hindi dahil sa kanilang
mga hanapbuhay wla na tayong makakain at pang
hanapbuhay. kaya nakabenepisyo ang isa't-isa sa
kasalukuyan ngayon unti unti nang nasisira ang likas
na yaman natin kaya kailangan na natin mag tulungan
sa pag alaga at pag protekta nito dahil may
kontribusyon maibigay ang isa't-isa at nakapagbigay
ng magandang resulta para sa kinabukasan ng lahat.

You might also like