You are on page 1of 2

Ang Balagtasan

Balagtasan
Ang Kahulugan ng Balagtasan
Itinuturing na sining ang balagtasan dahil hindi lamang sining ng pagbigkas ang
nabibigyang pansin ng mga manonood sa nagtatalo kundi maging ang kanilang masining na
kumpas ng kamay at ekspresyon ng mukha. Maging ang paraang kanilang ginagawa habang
nagpapalitan ng matuwid ay kakikitaan ng sining.
Isang pagtatalo na ginagamitan ng paraang patula. Ito ang maikling
pagpapakahulugan sa balagtasan. Dahil pagtatalo, ang balagtasan ay nangangailangan ng
paksang pagtatalunan.
Pinagmulan ng Salitang Balagtasan
Nagsimula ang salitang Balagtasan sa orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar,
ang Balagtas dahil nabuo ito sa panahong ipinagdiriwang ang aniobersaryo ng kanyang
kapanganakan. Kung may Bukanegan ang mga Ilocano na hango sa apelyido ni Pedro
Bukaneg, ang kilalang makata ng mga Ilokano; at mag Crisotan ang mga kapampangan na
hango sa apelyido ni Juan Crisostomo Sotto, ang makata ng Kapampangan, higit na nauna
ang salitang Balagtasan sa dalawang salitang nabanggit.
Maikling Kasaysayan ng Balagtasan
Isang maikli ngunit makabuluhan at maklasaysayan ang pinagmulan ng
balagtasan.
Nabuo ang balagtasan dahil sa pagpupulong ng ilang piling manunulat noong
Marso 28, 1924 sa tanggapan ni Rose Sevilla sa Instituto de Mujeres. Pinag-uusapan nila
noon ang gagawin nilang programa bilang pagpupugay sa anibersaryo ng kaarawan ni
Balagtas sa Abril 2.
Noong Abril 6, 1924, apat na araw matapos ipagdiwang ang araw ni balagtas ay
ginanap ang kauna-unahang balagtasan. Isang pagtatalong may iskrip na inihanda ang
bawat sasabihin ng tagapamagitan at ng dalawang nagtatalo. Ito ay nasa paraang patula.
Pagkatapos mabuo ang iskrip ay binibigkas sa ilang piling mambibigkas ng tula. Lubusang
hinangaan ng mga tagapakinig sina Jose Corazon de Jesus na mas lalong kilala bilang
Huseng Sisiw at Florentino Collantes na mas kilala sa bansag na Kuntil-butil.
Dahil isa lamang sa kanila ang dapat hiranging “Hari ng Balagtasan”
napagpasyahan ng komite na nagtatag ng balagtasan na magdaos ng isa pang pagtatalong
patula nang walang iskrip. Ginanap ito noong Oktubre 18, 1925 sa Maynila. Dahil sa
kahusayang humabi ng salita, bumigkas ng may hagod at aliw-iw, at pagpili ng mga salitang
may sukat at tugma ay nagapagpasyahang si Jose Corazon de Jesus ang itinanghal na
kauna-unahang “Hari ng Balagtasan.”
Layunin ng Balagtasan
Ang pangunahing layunin ng balagtasan ay makapagbahagi ng kaisipan at
makapagbigay-aliw sa mga tagapakinig/manonood.
Malimit na gumagamit ng ilang katawa-tawang salita o pahayag ang mga
mambibigkas ng balagtasan. Magkagayunpaman ay hindi mawawala ang kasiningan at
kahusayan nila sa pagbigkas kasabay ng talas ng kanilang diwa at maagap na pagtugon sa
paraang patula.
Katangian ng Balagtasan
Ayon pa kay Villafuerte, may dalawang katangian ang balagtasan: (1) Naghahatid ng
kasiyahan sa pagtuklas ng kariktan ng tula, at (2) Nababasa ng mga mambibigkas ang sining
ng pagpapaliwanag, pangangatuwiran, pagtatalo, pagbibigkas at interpretasyon sa tula.
Ang Paksa ng Balagtasan
Ang mga paksang nauukol sa buhay gaya ng pamilya, pag-ibig, lipunan at politika
ang madalas maging paksa ng balagtasan.
Ang dalawang bagay na malimit pagtalunan sa balagtasan ay ang (1) tahanan o
paaralan, (2) ina o ama, (3) dunong o yaman, (4) pangaral o parusa, (5) bitay o
habambuhay na pagkakabilanggo, (6) guro o sundalo, atbp.
Ang Bumubuo ng Balagtasan
Bukod sa lakandiwa at dalawang mambibigkas ang paksang pagtatalunan ay
napakahalaga sa pagtatanghal ang balagtasan. Dahil dito, napapanahon at mahalagang
paksa lamang ang dapat taglayin ng balagtasan.
Ang Lakandiwa ang nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang nagtatalo. Siya rin ang
(1) ang unang magsasalita at babati sa mga tagapakinig at manonood, (2) ang pormal na
magbubukas ng balagtasan, (3) ang magpapakilala sa dalawang nagtatalo, (4) ang
magbibigay ng desisyon kung sino sa dalawang nagtatalo ang nagwagi, at (5) ang
magpipinid ng balagtasan.
Samantalang ang dalawang nagtatalo ay kailangang humarap ng mga ebidensya at
magpaliwanag nang buong husay upang makumbinsi nila ang Lakandiwa na sa kanila
pumanig.

You might also like