You are on page 1of 3

SCRIPT GPTA

BEGINNING
Magandang Tanghali! Mahal na mga magulang, guro, at tagapamahala ng
Burot Integrated School. Isa pong karangalan na maging tagapagsalita sa
pagpupulong na ito. Ako po si Sir Ador L. Isip, tagapaggabay sa ika-limang
baitang. Kami po ay nagagalak na pinaunlakan nyo ang aming imbitasyon
na dumalo sa General Parent-Teacher Conference Meeting ngayong
hapon.

PRAYER
Bago po tayo magpatuloy, inaanyahan ko po ang lahat na magbigay
pugay at magpasalamat sa Dakilang Maylikha na pangungunahan ni
Madam Regina C. Soriano, guro mula sa unang baitang.
At susundan po ito ng pagbibigay galang sa ating watawat sa
pamamagitan ng isang makabayang awitin.
Tayo po ay tumayo.

OPENING REMARKS
Upang magbigay ng kanyang paunang salita, akin pong tinatawagan ang
aming mapagmahal at masipag na ina ng Burot Integrated School, Head
Teacher III, Madam Virginia L. Gaspar.

(Maraming salamat madam!)


Bilang pagsisimula ng taong ito, ang Burot Integrated school ay
nadagdagan ng bagong kapamilya. Isang magaling na tapamahala at isang
masipag na lider mula sa Sto. Cristo Integrated School at ngayon ay siya
naming bagong kasama sa ating paaralan. Mga malugod naming
magulang, guro at tagapamahala, ang bagong punong guro ng Burot
Integrated School, Dr. Cristopher D. Esteban.
(Maraming salamat Sir, nawa ay maging mabunga ang taong ito sa inyong
pamumuno.

At syempre hindi po mawawala ang kinatawan ng Brgy. Burot, akin pong


tinatawagan ang ating mapagkawang-gawang ama ng ating barangay,
Brgy. Captain Mel De Guzman upang magbigay ng kanyang mensahe.

(Maraming salamat sir!)

DISCUSSION OF AGENDA
Sa punto pong ito, akin pong tinatawagan si Ginang Amelia Cruz ang
ating kasalukuyang GPTA Treasurer upang talakayin ang mahahalagang
detalye ng nakaraang proyekto ng GPTA.
(Maraming salamat mam)

ELECTION OF SCHOOL GPTA OFFICERS


Sa mahalagang oras na ito, ay atin pong pagbobotohan ang mga magiging
GPTA officers para sa taong ito. Pangungunahan po ito ni
Madam Mirasol C. Del Rosario at Madam Regina C. Soriano.
Bilang panimula ng kanyang panunungkulan, inaanyayahan po natin si
______________________, ang ating bagong GPTA President para sa
kanyang paunang salita.
(Maraming salamat ______________, and congratulations)

CLOSING REMARKS
Sa pagtatapos ng ating programa, maaari po ba nating bigyan ng
masigabong palakpakan ang mga bagong halal na mga GPTA officers.

ADJOURMENT OF MEETING
Sa aming mga mahal na magulang, kami po ay nagpapasalamat sa inyong
walang sawang pagsuporta sa Burot Integrated School, maging maganda
po sana itong panimula sa mga susunod pa nating pagtitipon. Muli,
maraming salamat po at magandang araw.

You might also like