Professional Documents
Culture Documents
Gabay na Tanong:
1. Bakit itinuturing na isang sining ang sining pantanghalan? Ano ang naging pamantayan
o batayan upang masabi itong isang sining?
2. Paano ipinapakita ng sining pantanghalan ang katangi-tanging kasiningan nito ayon sa
anyo, estilo, at dating o epekto sa madla?
Masasabing ang sining pantanghalan ay may iba’t ibang uri at anyo na dinalumat batay
sa iba’t ibang perspektiba o pananaw. Mula rito, makikilala ang iba’t ibang anyo sa pagtatanghal
at mauunawaan din ang pagkakaiba sa estilo mula sa iba’t ibang lente ng pagsipat.
Ang unang uri ng sining pantanghalan ay dula. Ayon kay Pfister (1977), ang drama o
dula ay isang tiyak na lunsaran ng mga kathang-isip o fiksyon na ipinapakita sa pamamagitan
ng pagtatanghal. Ang salitang dula ay nagmula sa salitang Griyego na nangangahulugang
“paggalaw” o “pagkilos,” na kinuha mula sa pandiwang δράω, dráō, gawin o ikilos. Ang pagganap
ng dula sa isang pagtatanghal ay kadalasang isinasagawa ng mga mandudula o tagapagganap sa
tanghalan sa harap ng manonood, na nagpapakita ng isang kolaboratibong anyo ng produksyon at
kolektibong pagtanggap o reception. Dagdag pa ni Bannam (1998), ang dula ay maaaring gumamit
ng musika at sayaw: ang dula sa opera ay kadalasang nilalangkapan ng awit sa buo nitong
pagtatanghal; ang dulang musikal ay kadalasang may diyalogo at mga kanta. Samantalang ang iba
pang uri ng dula ay sinasamahan ng mga kanta o awit habang nagsasalita ang mandudula o
tagapagganap.
Ang ikatlong uri ng sining pantanghalan ay ang dulang kontemporaryo. Ang dulang
kontemporaryo ay itinuturing bilang isang modernong anyo ng pagtatanghal. Ito ay may iba’t ibang
mga hinuhugatan na makabagong perspektiba sa larangan ng sining. Gaya na lamang ng
Dekonstrukyong pananaw na binibigyang-pansin ang pagbuwag sa tradisyunal na anyo ng
pagtatanghal, ang klasismo at romantisismo. Isa pang halimbawang pananaw ay ang Minimalismo
na nagbibigay-puwang sa maliit o kaunting ekspresyon o paggalaw bilang anyo ng pagpapahayag
sa pagtatanghal.
Marami pang mga halimbawa ng umiiral na uri ng pagtatanghal. Masasabing ang mga ito ay
umusbong dahil na rin sa pagbabago ng panahon at iba’t ibang mga pagbabago ng paradigma sa
pagtingin sa larangan ng sining. Maaaring basahin ang artikulo mula sa link na ito:
https://hubpages.com/entertainment/Different-Types-of-Theatre-Art upang malaman ang iba
pang uri nito.
Bukod pa sa iba’t ibang uri ng pagtatanghal, maaring maikategorisa ang sining pantanghalan
batay sa uri ng lipunang nanonood o nakikinig nito. Ito ay maihahanay sa tatlong kategorya:
Pambata, Pangkabataan, at Pangmatanda.
Ang Sining Pantanghalan para sa mga Bata ay mga pagtatanghal na kung saan ay maaaring
itinatanghal ng mga bata o na kahit na sinoman na may layuning maitanghal sa mga manonood na
bata. Kadalasang ang mga paksa rito ay kinapapalooban ng mga aral o mensahe ng
pagpapahalaga. Ang gamit ng wika at bigat ng mga linya ng diyalogo ay masasabing angkop sa
pag-unawa ng mga manonood.
Samantalang ang Sining Pantanghalan para sa mga Kabataan ay mga pagtatanghal na may
layuning maipakita sa mga kabataan. Masasabing ang mga paksa sa pagtatanghal na ito ay tungkol
sa pag-ibig, pag-aaral, pagkakaibigan, at iba pang mga karanasan ng kabataan.
Ang Sining Pantanghalan sa mga Matanda ay may layuning maipakita ang malalim na
diskurso ng panitikan. Ito ay maaari lamang panoorin ng mga matatanda o ng mga nasa hustong
edad sapagkat ang mga paksa rito ay maselan o hindi nararapat na makita ng mga bata. Dito rin ay
makikita ang modernong anyo ng pagtatanghal.
Bintana ng Kaalaman
Gabay na Tanong:
Gabay na Katanungan:
PAANO?
BAKIT?
ANO?
Unang Pagsusulit
I. Pagtukoy
Tukuyin at pangalanan ang mga konsepto mula sa sumusunod nitong kahulugan.
Marami ang mga uri ng sining pantanghalan para sa mga bata at isa na rito ang
pagsasatao. Ang pagsasatao ay isang malikhaing pagtatanghal na nagpapakita ng panggagaya
sa mga sikat na personalidad sa lipunan. Makikita sa pagtatanghal na ito ang kakayahan ng
tagapagganap o mandudula sa pagtatanghal ng mga mahahalagang pahayag na narinig mula
sa isang sikat na personalidad. Nalilinang ng pagtatanghal na ito ang kasanayan sa pakikinig at
kritikal na pag-iisip sa pagsusuri sa kabuluhan ng mga pahayag na itatanghal ng mga
tagapagganap o mandudula.
Gabay na Tanong:
Basahin ang artikulong “Using Poetry to Teach Reading” ni Haga (2005) mula sa link na:
http://www.readingrockets.org/article/using-poetry-teach-reading. Magiging kasangkapan ito
upang masagot ang sumusunod na tanong.
Gabay na Tanong:
Gabay na Tanong:
Gabay na Tanong:
I. Pagtukoy
Tukuyin at pangalanan ang mga konsepto mula sa sumusunod nitong kahulugan.
II. Enumerasyon
Ibigay ang mga hinihinging sagot ng sumusunod na kategorya.
1-8 Mga Sangkap ng Dula
9-13 Mga Elemento ng Dula
14-16 Mga Uri ng Sining Pantanghalan
17-20 Mga Uri ng Teatro o Tanghalan
Gabay na Tanong:
1. Bakit mahalagang makita ang kahalagahan ng sining pantanghalan sa mga
manonood nito?
2. Paano maliligtas ng sining pantanghalan para sa mga bata ang mga bata sa
mundo?
3. Paano naipapakita ng teatro ang halaga nito sa tao/sangkatauhan lagpas sa
layunin lamang nito na magtanghal?
How Theater for Young People Could Save the World ni Lauren Gunderson
March 20th is World Theater for Children and Young People Day. Some of you might be thinking,
“Oh lord, why do we need a day to celebrate actors being silly, wearing bright colors and singing
obnoxiously at squirming kiddos and bored parents?”
But if you think that’s what Theatre for Young People is, you’re missing out on truly powerful,
hilarious, bold, engaging, surprising theater that might just save the world.
Around the world artists are creating a new stripe of Theatre for Young People that combines the
elegance of dance, the innovation of devised theater, the freshness of new plays, the magnetism of
puppetry and the inciting energy of new musicals. Kids have access to more and more mature theatrical
visions premiering from Washington, D.C.’s Kennedy Center to Atlanta’s Synchronicity Theatre to San
Francisco’s Handful Players to Ireland to Adelaide to Kosovo to Cape Town.
These plays range from re-imagined fairy tales and adaptations of favorite books to brand-new
plays and electric new musicals about everything from physics to bullying to the American Civil War.
But how could theater, especially theater for young people, really matter in a world as fraught and
disparity-scattered as ours?
Not to sound overly grand (too late), but so much of the toxicity in this world comes from a
collective draining of empathy. We don’t understand each other, and we don’t want to. But theater invites
us — no, forces us — to empathize.
As my friend Bill English of San Francisco’s SF Playhouse says, theater is like a gym for
empathy. It’s where we can go to build up the muscles of compassion, to practice listening and
understanding and engaging with people that are not just like ourselves. We practice sitting down, paying
attention and learning from other people’s actions. We practice caring.
Kids need this kind of practice even more than adults do. This is going to be their planet and
they’ve got more time to apply that empathy and make a difference. Buddhist roshi Joan Halifax
challenges us to actively and specifically teach children (and vote for presidents with) empathy. Why not
take your child to the theater to do just that.
In fact “Take A Child to the Theatre Today” is the campaign theme of The International
Association of Theaters for Young Audiences for the next three years.
If you take a child to the theater, not only will they practice empathy, they might also laugh
uproariously, or come home singing about science, or want to know more about history, or tell you what
happened at school today, or spend all dinner discussing music, or learn how to handle conflict, or start
becoming future patrons of the arts.
On March 20th, take a child to the theater. Take them all the time. And don’t “sit back, relax, and
enjoy the show.” Lean forward, engage and start changing the world for the better.