You are on page 1of 4

1.

(Batang Lito)
Si Lito ang batang mahilig kumain ng kendi at tsokolate ngunit takot
siya sa sipilyo, siya ang batang ayaw magsipilyo.

2- 3. (Nanay at Lito magkausap)


“Lito kumakain ka nanaman ng matatamis. Magsipilyo ka na ng hindi
mabulok ang ngipin mo.” wika ng nanay niya.

Walang sinagot si Lito dahil sa tuwing naririnig niya ang bagay na


sipilyo ay natatakot siya.

4-5. (Lito, sipilyo, basurahan)


Makita lang niya ito ay parang tinutusok ang kanyang gilagid. Kung
anu- anong dahilan ang sinasabi niya sa kanyang Nanay.

Madalas na itapon ni Lito ang kanyang sipilyo at sisigaw ng “Nay,


wala po dito sa banyo ang sipilyo ko.”

6. (panaginip na ni lito)
“Lito, huwag mo akong itapon!” bulong na nagsasalitang sipilyo.

“Nagsasalita ka sipilyo? Paano?” takot na tanong ni Lito.

7-8. (mahiwagang sipilyo)


“Alam mo Lito, madalas mo akong itapon ngunit gusto kong ipaalala
sayo na mahiwaga ako.”
“Akala mo sasaktan ko ang iyong gilagid at babanggain ko ang iyong
mga ngipin pero ito ay makakasanayan mo rin.”

9-10. (bulok ang ngipin, bungi na)


“Ayoko talaga sayo! Takot ako! Nakakasuka pa ang lasa ng kapareha
mo.” galit na sagot niya sa sipilyo.

“Unti- unting mabubulok ang iyong mga ngipin hanggang sa mabungi


na ito at wala ng matitira.” mahiwagang sagot ng sipilyo.

11-12 (gumagalaw na sipilyo nasa bibig ni lito)


Napaisip siya sa sinabi ng mahiwagang sipilyo. “Ayoko pa rin!” paulit-
ulit na sinabi ni Lito.

Habang nagsasalita si Lito gumalaw ito at pumunta sa nakabukang


bibig ni Lito.

13-14 (umiiyak na lito na may sipilyo)


Dali niyang nilinis ang mga ngipin nito. Umiiyak si Lito at masuka suka
habang patuloy ang paglinis ng mahiwagang sipilyo.

Hanggang sa nagising si Lito, ang mahiwagang sipilyo ay panaginip


lang pala.

15-16 (nanay at lito)


Pumunta si Lito sa kusina, nag almusal siya kasabay ang kanyang
nanay.
“Anak magpunta ka na sa banyo pagkatapos kumain. Bilisan at baka
mahuli ka sa klase mo.” paalala ng kanyang nanay.

17-18 (banyo, lito, sipilyo)


Pagpasok sa banyo ay nakita niya ang bagong sipilyo. “Si nanay
naman binili nanaman ako, may itatapon nanaman ako.”

Naalala ni Lito bigla ang kanyang panaginip. “Naku mahiwagang


sipilyo hindi muna kita itatapon pero hindi talaga kita gagamitin.”

19-20 (paaralan sa upuan may mga toothbrush at toothpaste)


Sa paaralan sorpresang mayroong silang sipilyo at tutpeyst sa
kanilang mga upuan.
“Ano ba yan, ikaw nanaman sipilyo? Pati ba naman dito ay
nasusundan mo ako?” naiinis na sabi ni Lito.

21-22 (nagdedemo ang guro)


Ipinakita ng guro ang wastong pagsisipilyo sa klase. Pinapanuod pa sa
kanila ang wastong pagsipilyo ng ngipin.

“Ganoon pala un, nakangiti yung mga bata na nasa palabas.


Mukhang tama si mahiwagang sipilyo hindi masakit.”

23-24 (sabay sabay nagsipilyo si lito nanunuod)


Pinapila ng guro ang buong klase. Pinadala ang mga gamit sa
pagsisipilyo. Lumabas sila at pumunta sa lababo.

Sabay- sabay silang gumamit ng mahiwagang sipilyo. Nakita ni Lito


ang ibang bata na nagsisipilyo at dahang dahang nakigaya na rin.
25-26 (nagsipilyo at nakatingin sa salamin)
“Aba! Hindi pala masakit, parang kinikiliti lang pala ang aking bibig.”
Pagkatapos niyang magsipilyo tumingin siya sa salamin.

“Pumuti ang aking ngipin at ang bango na hininga ko. Tunay ngang
mahiwaga ang sipilyo. Lagi na kitang gagamitin.”

You might also like