You are on page 1of 8

LEBEL NG KAKAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA UNANG

BAITANG PANGKAT ILANG-ILANG AYON SA ANG PINADALING


PARAAN NG PAGBASA NI TYSEL

Maricel P. Vargas-Buendicho
Dalubguro I/Batangan Elementary School General Nakar, Quezon
Board of Director, Teacher Researchers Association of Deped-Quezon, Inc.
Best Oral Presenter- Conference of CALABARZON Basic Education Researchers
Teodora Alonzo Realinda Rizal Gabay Mag-aaral (Finalist)

ABSTRAK

Layunin: Ang pag-aaral na ito ay naghangad na mapabasa at matukoy ang lebel ng


kakayanan sa pagbasa gamit ang Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni TYsel.

Disenyo/ Pamamaraan: Ang eksperimental na disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-


aaral na ito. Sumailalim dito ang paggamit assessment tool, frequency counts at pagkuha ng
bahagdan.

Kinalabasan: Matapos gawin ang interbensyon at ibigay ang posttest, nabatid na 10 o 37% ay
nasa Lebel C at 17 o 63% naman ang nasa Lebel D. Walang mag-aaral ang napabilang sa
Lebel A at B. Ang aklat ni TYsel ay angkop na gamitin sa pagpapabasa sa unang baitang. Sa
kinalabasang pagtataya, 100% ng mga mag-aaral ay nakabasa at natukoy ang lebel ng
kanilang kakayanan sa loob ng 5 buwan.

Orihinalidad/ Kahalagahan: Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing batayan ng guro kung


anong uri ng babasahin at pagtataya ang dapat ibigay sa kanyang mag-aaral, gayundin ang
angkop na interbensyon sa mga batang nahihirapang bumasa.

Mga Susing Salita: Lebel ng Kakayanan sa Pagbasa, TYsel

Uri ng Pag-aaral: Aksyon Riserts


I. PANIMULA

Isa sa mga karapatan ng bawat batang Pilipino ay ang makapag-aral at makamtan ang
edukasyon. Ito ay susog sa Artikulo 26 ng 1948 Universal Declaration of Human Rights na
nagpapahayag ng “Everyone has the right to education. Ang edukasyon ay isang matibay na
sandata ng bawat indibidwal na posibleng magtakda ng kanyang kinabukasan, kung kaya’t sa
pagpasok pa lamang ng K-12 Kurikulum, ang bawat bata na may edad na 4.8 ay dapat ng
pumasok sa paaralan upang maihanda sila sa pagtungtong sa unang baitang.

Maraming suliranin ang kinakaharap ng mga guro sa usaping pagpapabasa,


ganunpaman nariyan ang DepEd na patuloy na naglulusad ng mga programa upang
matugunan ang mga ito. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: (1) ang School Readiness
Assessment Test na ibinibigay sa mga batang papasok sa unang baitang upang malaman ang
kanilang kahandaan; (2) Drop Everything and Read (DEAR) kung saan pinauunlad sa mga
mag-aaral ang pagmamahal at kawilihan sa pagbabasa; (3) ang Philippine Informal Reading
Inventory naman ang siyang sumusukat sa bilis o bagal sa pagbasa pati na rin ang antas ng
pag-unawa; (4) ang Read- A-Thon naman ay isang paligsahan na pinauunlad at sinusukat ang
naisaulong kasanayan sa pagbasa; samantalang (5) ang Every Child A Reader Program o
ECARP ay gumagabay sa pagkakaroon na angkop na kagamitang panturo, babasahin at
pagsasanay ng guro. Layunin nito na makabasa ang bawat mag-aaral sa pagsapit sa ikatlong
baitang.

Noong ika-21 ng Enero 2012, itinakda ang Maagang Pagpapatala sa mga mag-
aaral na papasok sa unang baitang. May limampu’t lima (55) mag-aaral ang naitala at
makalipas ang isang buwan ang nasabing mga mag-aaral ay binigyang ng paunang pagsusulit.
Ang kinalabasan ng pagsusulit ang naging basehan upang ang mga mag-aaral ay pangkatin sa
dalawa (2). Dalawampu’t walo (28) ang napabilang sa Pangkat A-Sampagita na kung saan sila
ay handa na at ang dalawampu’t pito (27) naman ang napunta sa Pangkat B-Ilang-Ilang. Wala
ni isa sa huling pangkat ang nakakabasa. Ang mga batang ito ay binubuo ng labing-apat (14)
na mga lalaki at labing-tatlong (13) na mga babae na may kabuuang dalawampu’t pito (27).
Dalawa (2) sa mga mag-aaral ay walang ECE background, Labing-anim (16) naman ang may
ECE background at siyam (9) na umulit.

Bawat Vision-Mission ng mga paaralan ay naghahangad na mapataas ang kanilang


performance at mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang mga batang hindi
nakakabasa. Sapagkat ang mga batang hindi makakabasa ay magdudulot ng maraming
suliranin gaya ng pag-uulit, paglalakwatsa, paglawig o pagtagal ng pagtuturong remedyal at
paghinto ng mag-aaral.

Kung kaya’t dahil dito, ang mananaliksik ay nagsagawa ng isang pag-aaral upang matukoy
ang lebel ng kakayanan sa Pagbasa ng mga mag-aaral sa unang baitang gamit ang “Ang
Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni TYsel. Ito ay inaasahang matatapos sa loob ng 5 buwan.
Masasagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral sa unang baitang ayon sa


kanilang kasarian, edad at ECE background?
2. Ano ang lebel ng kakayanan ng mga mag-aaral batay sa Ang Pinadaling Paraan ng
Pagbasa ni TYsel?
3. Sapat ba ang limang buwan upang mapabasa at matukoy ang kakayanan sa Pagbasa
ng mga mag-aaral?
4. May malaking kaugnayan ba ang lebel ng kakayanan sa pagbasa ng mga mag-aaral
batay sa kanilang kasarian, edad at ECE background?

II. KAUGNAY NA LITERATURA

Batay sa International Reading Association, ang pagbasa ay pagkuha ng kahulugan


mula sa mga nakatalang titik o simbolo na nangangailangan ng sumusunod: (a) Ang paglinag
at pananatili ng kawilihan sa pagbasa; (b) Ang paggamit ng istratehiya upang makuha ang
kahulugan ng teksto; (c) Ang sapat na kaalaman o prior knowledge at bokabularyo na tutulong
sa pag- unawa sa teksto; (d) Ang kakayahan sa matatas na pagbasa; (e) Ang istilong gagamitin
upang maunawaan ang salitang di pamilyar; (f) Ang kakayahang umunawa sa mga nakatalang
salita batay sa tunog o pagbigkas nito. 2. Sa Dictionary naman ni Webster, ang pagbasa ay
isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin at iba pa. Ito’y pag-unawa sa
kahulugan ng isang aklat, sulatin at ibang nasusulat na bagay.

Ang Marungko Approach ay gumagamit ng 28 na titik ng makabagong Alpabeto ng Filipino


na itinuturo sa ganitong pagkasunod-sunod : m s a i o b e u t k l y n g ng p r d h w c f j ñ q v x z.

Ayon kina Nooraihan Ali at Josefina Urbano ng Bulacan, gamit ang Panimulang Pagbasa
Dulog Marungko ay nabuo ang mga tagubilin: (1) Bigyan muna ng sapat na kakayahansa
pagbasa bago turuang bumasa. (2) Mahalaga na sa bawat tunog na ituturo ay kasama ang
lahat ng mga tunog na naituro na sa iba’t ibang kombinasyon. (3) Iniiwan sa pagpapasiya ng
guro ang pagtuturo ng malaking titik. Iminumungkahing ituro ito kapag master na ang lahat ng
malilit na titik. (4) Pagbigkas ang mga tunog sa kwento, bugtong, tula, atbp at ganoon din ang
mga panuto. (5) Gumamit ng mga tunay na bagay, larawan, plaskard, tsart,cut-outs, mga laro,
atbp para maging kawili- wili at mapanatili ang interes ng mag-aaral. 6. Ituro ang isang tunog
isang araw para lubusan at nang matutuhan.

III. METODOLOHIYA AT DISENYO NG PANANALIKSIK

Isang sariling gawang aklat na may pamagat na “Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni
TYsel ang gagamitin sa pagpapabasa. Ang nasabing aklat ay bunga ng isang eksperimentong
isinagawa ng may akda sa kanyang tatlong anak na sina Marc Bryx, Marc Bruce at Mytch Belle
ng sila ay tatlong (3) taong gulang pa lamang.

Ang bawat aralin sa aklat na ito ay masusing pinag-isipan at pinag-aralan kung kaya’t ito
ay sadyang naaangkop sa mga batang nagsisimula pa lamang bumasa. Ayon sa aklat na ito,
ang Lebel ng Kakayahan sa Pagbasa ay nahahati sa apat (4)-Lebel A, Lebel B, Lebel C at
Lebel D. Ang basehan nito ay ang paraan ng pagbubuo ng pantig sa bawat salita. Pumapaloob
sa Lebel A ang limang (5) patinig, mga salita na binubuo ng mga pantig na nagtatapos sa
patinig na a (katinig+patinig na a) at mga salita sa unang kita kagaya ng ang, ay, may, mga, at,
kay, si, at ng. Ang Lebel B naman ay mga salita na binubuo ng mga pantig na may patinig na
e,I,o,u sa hulihan (katinig+patinig na e,I,o,u). Nasa Lebel C naman ang mga salita na binubuo
ng mga pantig na nagtatapos sa katinig (katinig+patinig+katinig) at (patinig+katinig). Ang mga
mag-aaral sa lebel na ito ay makakabasa na ng mga kwento. Ang Lebel D na may
pinakamataas na label naman ay ang mga salitang binubuo ng mga pantig na nagsisimula o
nagtatapos sa kambal katinig.

Ang nasabing aklat ay may Karapatang Ari at International Standard Book Number
(ISBN) na. Ito ay naisumite na at nabigyan na ng pahintulot para gamitin ng Tagapamanihala
ng mga Paaralan sa Sangay ng Quezon na si G. Tolentino G, Aquino CESO VI.

Ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral ay eksperimental na disenyo ng pananaliksik.


Pumapaloob dito ang paggamit pretest at posttest gayundin ang assessment tool, frequency
counts at pagkuha ng bahagdan. Ang mga sumusunod ay matagumpay na naisagawa upang
matukoy ang lebel ng kakayahan sa Pagbasa ng mga mag-aaral ayon sa “Ang Pinadaling
Paraan ng Pagbasa ni TYsel: (1) Nagsagawa ng School Readiness Assessment Test at Pre-test
sa Pagbasa. (2) Tinaya at ipinaalam sa mga magulang ang kinalabasan ng pagsusulit. (3)
Inihanda ang babasahin at tracking sheet. (4) Isinagawa ang pagtuturong remedyal pagkatapos
ng klase sa umaga at hapon araw-araw. (5) Maingat na itinala ang pag-unlad sa pagbasa gamit
ang tracking sheet. (6) Nagsagawa ng pangwakas na pagsusulit sa pagbasa.

IV. PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN SA DATOS

Ang mga nakalap na datos ay sinuri at inilagay sa akmang talahanayan ng mananaliksik


upang mabigyang linaw ang interpretasyon. Ang paggamit ng frequency at pagkuha ng
bahagdan ay kinailangan.

Talahanayan 1

LEBEL NG KAKAYANAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL BATAY


SA KASARIAN

Lebel ng Kakayahan sa Pagbasa


Kasarian Kabuuan
A B C D
Lalaki 0 0 7 7 14
Babae 0 0 3 10 13
Kabuuan 0 0 10 17 27

Ipinakita sa Talahanayan 1 na may kabuuang 14 na mga lalaki at 7 o 50% sa kanila ay


parehong nasa Lebel C at D. Samantalang sa kabuuang bilang na 13 mga babae, 3 o 23% ang
nasa Lebel C at 10 o 77% naman ang umangat sa Lebel D. Walang mag-aaral ang napabilang
sa Lebel A at B.

Talahanayan 2
LEBEL NG KAKAYANAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL
KAUGNAY SA KANILANG EDAD
Lebel ng Kakayanan sa Pagbasa
Edad Kabuuan
A B C D
6 0 0 1 12 13
7 0 0 5 4 9
8 0 0 3 1 4
9 0 0 1 0 1
Kabuuan 0 0 10 17 27

Ipinakita sa itaas na may kabuuang 27 ang bilang ng mga mag-aaral na sumalang sa


pag-aaral. Labintatlo (13) mag-aaral ang nasa edad na 6, Isa (1) o 8% lamang ang nasa Lebel
C at 12 o 92% naman ang nasa Lebel D. Sa edad na 7 na may kabuuang bilang 9 na mag-
aaral, 5 o 56% ang nasa Lebel C at 4 o 44% naman ang nasa Lebel D. Apat (4) ang may edad
na 8 at 3 o 75% sa kanila ang nasa Lebel C at 1 o 25% lamang ang umakyat sa Lebel D. Isa
(1) lamang ang may 9 na gulang at ito ay pumatak sa Lebel C. Wala ring mag-aaral ang
pumatak sa Lebel A at B.

Talahanayan 3
LEBEL NG KAKAYANAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL
BATAY SA KANILANG ECE BACKGROUND
Lebel ng Kakayanan sa Pagbasa
ECE Background Kabuuan
A B C D
A-Umulit 0 0 1 1 2
B- May ECE 0 0 1 15 16
C- Walang ECE 0 0 8 1 9
Kabuuan 0 0 10 17 27

Ipinakita sa Talahanayan 3 na may 2 mag-aaral ang umulit at tig 1 o 50% sa kanila ay


napabilang sa Lebel C at D. May kabuuang bilang naman na 16 na mag-aaral ang nagkaroon
ng ECE background, 1 o 6% sa kanila ay nasa Lebel C at 15 o 94% ang nasa Lebel D.
Samantalang sa 9 na walang ECE background, 8 o 89% ang nasa Lebel C at 1 o 11% lamang
ang nasa Lebel D. Maswerteng wala pa ring mag-aaral sa nasa Lebel A at B.

Talahanayan 4
LEBEL NG KAKAYANAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL
BATAY SA ISINAGAWANG PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Pretest Lebel ng Kakayanan sa Pagbasa Posttest
HN N A B C D HN N
Lalaki 14 0 0 0 7 7 0 14
Babae 13 0 0 0 3 10 0 13
Kabuua
n 27 0 0 0 10 17 0 27
Legend: HN-Hindi Nakakabasa N-Nakakabasa

Maliwanag na ipinakita sa Talahanayan 4 na may kabuuang 27 ang bilang ng mga mag-


aaral ang hindi nakakabasa sa isinagawang pretest. Pagkatapos ng pagtuturong remedyal sa
loob ng 5 buwan at ibigay ang posttest, ang 27 mag-aaral ay nakakabasa na. Sampu (10) o
37% sa kanila ay nasa Lebel C at labimpito (17) o 63% naman ang umakyat sa Lebel D. Wala
mag-aaral ang napabilang sa Lebel A at B.

Walang kinalaman ang kasarian, edad, at ECE background sa Lebel ng Kakayanan sa


Pagbasa ayon sa Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni TYsel.

Sa paggamit ng naturang aklat, makakabasa na ang mag-aaral sa loob lamang ng


limang buwan.

V. KONKLUSYON

Batay sa ginawang pag-aaral sa mga mag-aaral sa ay nabatid ang mga sumusunod:

1. Gamit ang aklat ni TYsel, ang mga mag-aaral sa Unang Baitang ay makakabasa na sa
loob lamang ng limang (5) buwan.
2. Mababawasan o mawawala ang mga mag-aaral na hindi nakakabasa lalo’t higit kung
isang buong taong panuruan ang gugugulin sa pagpapabasa.
3. Kinakailangang ang gurong tagapayo ang siyang magpapabasa sa mga batang
nagsisimula pa lamang bumasa.
4. Ang paggamit ng tracking sheet ay makatutulong nang malaki upang maitala ang pag-
unlad ng mga mag-aaral.
5. Walang kaugnayan ang kasarian, edad at ECE background sa lebel ng kakayahan sa
pagbasa.

VI. REKOMENDASYON
Batay sa natuklasan at konklusyon, inirerekomenda ng mananaliksik ang mga
sumusunod.

1. Para sa administrasyon ng paaralan, maglaan ng kaukulang pansin at suporta sa


ginawang pag-aaral na ito at ang programang interbensyon sa pagbasa.
2. Para sa kapwa guro sa Unang Baitang, magkaroon ng sapat na panahon para sa
pagpapabasa sa mga mag-aaral na nag-uumpisa pa lamang. Gumamit ng tracking
sheet upang maingat at organisado at detalyadong maitala ang pag-unlad ng mga mag-
aaral.
3. Gamitin ang Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni TYsel bilang pangunahing babasahin
sa pagpapabasa.
4. Bumuo ng gawaing lilinang sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
5. Ang pagbibigay ng pagtataya sa pagbasa ay ayon sa kanilang lebel ng kakayanan.

VII. MGA SANGGUNIAN

 http://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahulugan-at-kahalagahan-ng-
wika#btnNext

 http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_pagbasa

 http://prezi.com/p2dgsebaylaf/pagbasa/

 http://hay2008.blogspot.com/2007/12/pagbasa-kahulugan-proseso-at-
katangian.html

 http://www.senore.com/Anu-ano-ang-katangian-ng-pagbasa-q105143

You might also like