You are on page 1of 1

“Ang Araw ng Panimula”

“Start the Day right with a smile” gaya ng kasabihang ito ang June 27, 2015 ay
isang umagang punong-puno ng kagalakan dahil sa unang pagkakataon ako ay
magkakaroon ng panibagong pagkakataon na makakilala ng ba guro sa paaralan na
tahanan ko na sa loob ng dalawang taon ng aking pag-aaral at magkaroon ng bagong
kaibigan at kakilala.
“Bagong karanasan, bagong pakikibaka sa pag-aaral ang aking pangunahing
kaisipan”
Sa pagdating ng aming guro kanyang ipinakilala ang sarili sabay bigay namin ng
isang mainit na pagtanggap lalo na at siya ang aming magiging gabay sa pagtuturo sa
asignatura na NSTP-IIA.
Kasabay nito ay kanyang ipinaliwanag ang mga alintuntunin sa loob ng klase
nagsalaysay ng mga karanasan sa mga nagdaan niyang mga estudiyante, nagpamalas
din siya ng kabaitan at mabuting pakikisama bilang guro sa aming mga estudiyante.
Bilang kanyang paraan upang magkakilala ang bawat isa sa amin kami ay
kanyang ipnares-pares.
Natapos ang unang araw ng aming klase na puno ng galak sa aking isipan at
umaasa akong sa darating pang mga araw ay magiging mas kapana-panabik an gaming
pag-aaral at marami pa kaming matutunan sa aming guro maging sa asignatura naming
NSTP-IIA.
At upang malubos ang aking kagalakan aking ipinahahayag ang aking saloobin
sa isang maikling tula.
“Ang araw ay magiging maliwanag
Kung bawat isa ay makapaghahayag
Ng sariling kagalakan at positibong pananaw
Upang bawat landasin ay magkaroon ng linaw.”

You might also like