You are on page 1of 1

“Ang pagiging butihing Pilipino”

Isang hindi maitatatwang katangian ng mga Filipino ay ang pagkarelihiyoso at

pananalig sa dakilang lumikha (Faith and Religiosity). Isang napakahalagang katangian

na nagtutulak sa mga Filipino na magkaroon ng tapang sa anumang mga kahirapang

nararanasan sa buhay, pananalig sa Diyos na nagiging sandigan ng bawat Filipino

upang magkaroon ng positibong pananaw na harapin ang bukas at suungin ang

anumang pagsubok at trahedyang maranasan dahil naniniwala ang bawat isa sa atin sa

Diyos at laging bukambibig na may Awa ang Diyos o hindi kaya’y Diyos na ang bahala

sa lahat.

Isang kahinaan ng nakakaraming Filipino ay ang kakulangan sa pagpapahalaga

sa mga bagay na sariling atin, gawang Filipino o kulturang Filipino. Palibhasa’y dumaan

sa mahabang panahon ng pananakop ng mga kanluranin kaya’t hindi kataka-takang

malaki ang impluwensiya ng mga ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula sa

pananamit, istilo ng buhok, maging ng pananalita, maging sap ag-uugali ay

makakanluranin na rin wala na ang dating anino at pananaw na gaya ng laging

binibigkas ng nakakaraming Filipino ang “Pilipinass ako sa isip, sa salita at sa gawa”.

You might also like