You are on page 1of 1

“Karapatan mo Bilang Tao”

Bilang isang taong humihinga, bilang isang taong may kaluluwa, bilang isang

taong may sariling pisikal na kaanyuan at bilang isang taong likha ng panginoon

marapat lamang na magkaroon ako ng karapatan bilang tao na karapat-dapat igalang

ng nilalang sa mundo. Masasabi mo ba sa sarili mo na mayroon kang kalayaan?

Kalayaan ang bawat sigaw ng mga mamamayang Pilipino, tanging ikaw lamang ang

makakasagot kung tayo, ikaw at ako ay mayroong kalayaan para sa akin ay simpleng

pamumuhay na nagagawa ko ang mga gusto ko yun ang matuturing kong kalayaan.

Masasabi mo ba sa sarili mon a mayroon kang kapayapaan? Kapayapaan kung

maituturing kung ang paglalapastangan sa mga karapatan ng tao na magbubunga

ng mga gawang di-makatao na humamak sa budhi ng sangkatauhan ay maiibsan

yaon ang Kapayapaan. Masasabi mo bang madaling makamtan ang Katarungan?

Katarungan na hindi lamang pera o kayamanan ang basihan, hindi kapangyarihan o

kataasan ang sukatan kundi sa pantay na paghatol sa bawat kaso, para sa akin ang

pagtrato lamang ng pantay-pantay sa bawat tao masasabi ko nang nakamit ko na ang

katarungan. Kalayaan, Kapayapaan at Katarungan ilan lamang sa Kaparatang Pantao na

kailangan mayroon ang bawat indibidwal na nabubuhay sa ating mundong

ginagalawan.

You might also like