You are on page 1of 1

“Sariling Pagkakakakilanlan”

Araw ng Hunyo 11, 2015 isang diskusyon ang naganap na kung saan ay
maraming mga bagay na naman akong natututunan at napagtanto ko rin na may mga
abilidad, kaanyuan, at kakayahan ako na ang tanging nakakaalam lamang ay ang mga
taong nakapaligid sa akin marahil ay hindi ako sigurado na kaya ko itong gawin.
Naragdagan ang aking impormasyon kung paano ko malalampasan ang mga hadlang o
sagabal sa aking pamumuhay sa tulong ng Diyos, pamilya, kaibigan at lalo na ang sarili
ko.

May mga katanungan ang biglang nabuo sa aking isipan ng pagtapos ng diskusyon
ng aking propesora, “Tunay nga bang kilala ko ang sarili ko?”, “Gaano ko kakilala ang
aking sarili?”, mga tanong na panandaliang ko munang pinagisipan na akala ko ay ganun
lamang kadaling sagutin na parang pag reply sayo ng “Who you?”, “Sino to?”, “Sino
kaba?”,” Kilala ba kita?”, mga katanungan na madaling bigyan ng kasagutan, ngunit may
mga bagay na sadya talagang mahirap intindihin. Isa na dito ay ang aking sarili. Mga
tanong na tanging ako lamang ang makakasagot. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay
naiisip ko ang bagay na ito. Siguro dahil napatunayan kong hindi ko pa talaga lubusang
kilala ang sarili ko. Hindi pa pala sapat ang mga bagay na alam kong sapat na. Marami
pa palang bagay at damdamin ang hindi ko alam.

Gaya ng aking nilikha na maikling tula, siguro nga ang buhay na bigay ng Maykapal
ay hindi para mabuhay para sa wala kundi sa paghahanap ng kasagutan. Sino ako?

Tinatanong ko ang aking sarili


Kung kabisado ba ang bawat daliri
Ito po ang aking simpleng katanungan
Na laging naghahanap ng Kasagutan

You might also like