You are on page 1of 2

ANG PAGLALAYAG NI MAGELLAN PATUNGO SA PAGTUKLAS

MARSO 16, 1521 nang mamataan ni Ferdinand Magellan ang isla ng Samar sa Pilipinas at nang sumunod na araw ay
dumaong siya sa isla ng Homonhon, ngayon ay bahagi ng Guiuan, Eastern Samar. Inangkin niya ang isla para sa Espanya,
at tinawag itong Isla San Lazaro, at kalaunan ay ang Pilipinas bilang pagbibigay-pugay kay Haring Philip ng Espanya.

Ang unang misang Katoliko ay idinaos sa isla ng Limasawa noong Marso 31, 1521, ng paring Espanyol na si Fr. Pedro
Valderama, at dinaluhan nina Rajah Siagu at Rajah Kolambu na nagsagawa ng pagsasandugo kay Magellan. Bininyagan ni
Fr. Valderama ang dalawang rajah at 400 katutubo noong Abril 14, 1521, sa Cebu na pinagtirikan ni Magellan sa isang
higanteng krus—ngayon ay kilala bilang “Magellan’s Cross”—bilang simbolo ng Kristiyanismo sa bansa at ng mga bagong
Katoliko na may imahen ng Sto. Niño bilang simbolo ng kapayapaan.

Ang mga tripulante ni Magellan ang mga unang Europeo sa Pilipinas. Dumating sila lulan sa limang barko—ang Trinidad,
San Antonio, Concepcion, Victoria, at Santiago. Sa paglalayag ni Magellan, mula sa silangan hanggang sa kanluran,
napatunayang ang mundo ay bilog. Ang kanyang paglalayag para sa pagtuklas ay isinulat sa isang talaan ng Italian
navigator na si Antonio Pigafetta na kasama niya sa paglalayag, at unang nalathala noong 1525 habang ang kabuuan ay
isinapubliko noong 1800, bukod pa sa serye ng panayam sa mga kasama sa paglalayag ni Maximilianus ng Transylvania,
na inilathala noong 1523. Pagkatapos ni Magellan, lima pang paglalayag ng mga Espanyol ang sumunod, sa pagitan ng
1525 at 1542.

Napatay si Magellan sa tama ng mga may palaso na may lason noong Abril 27, 1521, sa kasagsagan ng Battle of Mactan,
ang itinuturing na unang pakikipaglaban ng mga Pilipino kontra sa mga dayuhang mananakop, ng mga katutubo sa isla sa
pangunguna ng datu na si Lapu-Lapu, na tumangging kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya. Isinulat ni Pigafetta at ng
Espanyol na manggagalugad na si Gines de Mafra ang mga pangyayari sa likod ng pagkamatay ni Magellan. Kabilang si
De Mafra sa grupo ng manlalayag ni Magellan noong 1519-1521.

Isinilang sa Oporto, Portugal, noong 1480 sa mayamang angkang Portuguese, nag-aral si Magellan ng cartography
(paggawa ng mapa), astronomiya, at celestial navigation (pagmamaniobra ng barko batay sa posisyon ng mga bituin) sa
Lisbon. Isinugo siya ni Haring Charles ng Espanya upang tumuklas ng rutang pakanluran patungong Maluku o Spice
Islands, na narating ng grupo ni Magellan noong 1521, at nagbunsod sa pagkakatuklas niya sa Pilipinas 495 taon na ang
nakalilipas.

ANG PAGKAKATUKLAS NI MAGELLAN SA PILIPINAS

Noong Setyembre 20, 1519, si Ferdinand Magellan, na isang Portuguese explorer na nagtatrabaho para sa Spain, ay
pinamunuan ang unang ekspedisyon sa layuning ikutin ang buong daigdig para makahanap ng mahahalagang pampalasa,
dinala ang kanyang 241 tauhan, na lulan ng limang barko – ang Trinidad, San Antonio, Concepcion, Victoria, at…

Ika-500 taon ng pagdating ni Magellan

Ika-500 taon ng pagdating ni Magellan

In "Dagdag Balita"

First Mass Day, pista opisyal sa S. Leyte


Pinagtibay ng Kamara ang panukalang nagdedeklara sa Marso 31 ng bawat taon bilang non-working holiday o pista
opisyal sa Southern Leyte, bilang paggunita sa kauna-unahang misa sa bansa na idinaos sa probinsiya may 495 taon na
ang nakalilipas.

TRAIT OF MAGELLAN

Mga Kasama ni Ferdinand Magellan sa Kanyang Paglalakbay

Ferdinand Magellan

Mga Barkong Ginamit Ni Ferdinand Magellan Sa Kanyang Paglalakbay

DUARTE BARBOSA

JUAN DE CARTAGENA

JUAN SEBASTIAN ELCANO

Based on Jim Harvey's speech structures

Ang Trinidad at ang Victoria

CONCEPCION

VICTORIA

SAN ANTONIO

SANTIAGO

ANTONIO PIGAFFETA

PADRE URDANETA

ESTEBAN GOMEZ

ENRIQUE OF MALACCA

LUIS DE MENDOZA

Ang ruta ng paglalakbay ni magellan ng marating Pilipinas

Isinilang si Ferdinand Magellan noong 1480 sa Sabrosa, Portugal. Si Rui de Magalhaes, ang kanyang ama at Alda de
Mesquita, ang kaniyang ina.

paano nakarating si Magellan sa Pilipinas ?

Nakarating sa Pilipinas si Magellan dahil hinahanap nya ang spice island. Ito ay isang isla na malapit sa Pilipinas na puno
ng pampalasa o spices. Nadaanan ni Magellan ang Pilipinas kaya pansamantalang huminto sya rito ngunit noong nakita
nya na ang Pilipinas ay maganda, nagdesisyon syang sakupin ito.

Ito ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang unang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo
ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalupaan sa Silangan kaya't lalo pang nakilala ang mga yaman nito.

More presentations by sherlyn bacani

You might also like