You are on page 1of 4

UNANG BMARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO IV

Pangalan:_____________________________________ Score:_________________
Baitang/Seksyon:_______________________________ Petsa:_________________

A.PAKIKINIG
Panuto:Babasahin ko ng dalawang beses ang maikling kwento at sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang letra ng tamang sagot.
___1.Sa pahayag ng matandang babae,”Umuwi ka na,sa loob ng tatlong buwan,mangyari ang nais ng
Iyong asawa.Ayusin mo ang iyong buhay”
a.nagagalit b.nanakot c.nanunuya d.nanghihikayat
___2.Anong damadamin ang ipinahayag sa hulihan ng kwento?
a.kalungkutan b.kapootan c.kasiyahan d.kayabangan
Panuto:Sabihin ang damdaming inilalarawan ng nga pahayag.Isulat ang tamang Letra.
___3.Ang tagal naman ni Jocet!Kanina pa tayo rito. a.malungkutin b.mabait c.mainipin
___4.Limusan mo na ang bata,mukhang hindi pa kumakain putlang putla.
a.maawain b.masayahin c.masungit
___5.Magandang umaga po!Kayp po ba si Gng.Reyes? a.masungit b.magalang c.malungkutin

Panuto:Babasahin ang guro ang talata nang dalawang beses at sagutin ang mga tanong.Isulat ang letra ng
tamang sagot.
___6.Sino ang pamilyang kilala sa pagiging huwaran at modelo.
a.Pamilya Orias b.Pamilya Osias c.Pamilya Tobias d.Pamilya Tpoias
___7.Ilarawan nag kanilang pamilya.Sila ay________.
a.nagdadayaan b.nagkaniya kainiya n c.nagsasakitan d.nagkakaunawaan
___8.Ano ang silbi ng kanilang tahanan sa pamayanan?
a.Hindi sila matanggap b.Tampulan ng usapan c.Nakapinid ang bpintuan ng kanilang tahanan sa lahat
d.Nakabukas sa nagangailangan ang kanilang tahanan
___9.Ano ang karaniwang ipinapakita nag bawat isa? a.pagmumurahan b.pagkakaisa c.pagmamahalan
___10.Bakit pinarangalan nag pamilya Tobias?
a.dahil tampulan ng usapan b.dahil sa pagiging huwaran at modelo sa kanilang komunidad
c.dahil hindi sila tanggap

B.PAGSASALITA:
Panuto:Piliin ang angkop na magagalang na pananalita sa bawat sitwasyon.
___11.Birthday mo.Binigyan ka ng regalo ng biyong tiyahin,Ano ang sasabihin mo?
a.wala pong anuman b.mano po c.salamat po
___12.Hirap na hirap kang abutin ang iyong kailangan aklat sa shelf.Nakita mong may mag-aaral na mas
Mataas kaysa sa iyo na naroon sa silid aklatan.Ano ang sasabihin mo?
a.Hoy!pakiabot nga b.pwede pakiabot c.Ipakiabot na nga po
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot.
___13.Nagbibiruan ang magkakapatid.Ano ang kasarian ng pangngalan ang salitang nasalunguhitan?
a.pambabae b.panlalaki c.di-titak d.walang kasarian
___14.Nakalimutan niyang gawin ang kanyang takdang –aralin.Ang pangngalang ito ay nagsasaad ng
ngalan ng_____. a.tao b.bagay c.hayop d.pangyayari
___15.Kinabukasan,hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang takdang aralin.Ang salitang
nakasalungguhit ay isang________. a. panghalip b. pangngalan c.pang-uri d.pandiwa.
___16.Maramimg katangi-tanging Pilipino ang dapat nating ipagpuri.Ito ay isang uri ng pangngalang_____.
a.Pantangi b.Pang-uri c.pandiwa d.pambalana
___17.Ang puhunang nagmula kay ate niya ay pinilit niyang pinalago.Anong kasarian ang pangalan na ate.
a.panlalaki b.pambabae c.di-tiyak d.walang kasarian
___18.Halika.Kabataan tularan mo ang kanilang halimbawa.Ito ay isang uri ng pangngalang_____
a.Pantangi b.pang-uri c.pandiwa d.pambalana
___19.Magsimba tayo mamayang hapon.Ang salitang tayo ay panghalip na_____
a.pamatlig b.pananong c.panaklaw d.panao
___20.Doon sa dulo ng kalsadang ito makikita mo ang simbahan.Ito ay panghalip na_____.
a.panaklaw b.paari c.pamatlig d.paturol
___21.Umalis Ka___sa kinatatayuan mo.Ano ang tamang panghalip. a.dito b.doon c.dyan d.ito
___22.Sila ay masisipag na mag-aaral.Ano ang panghalip na panao? a.ay b.sila c.mag-aaral d.na
___23.Hayun sa kabilang kalsada ang bahay naming.Anong panghalip ang nasalungguhitan?
a.pananong b.pamatlig c.paari d.panaklaw

C.PAGBABASA
Panuto:Basahin ang kwento at sagutin ang sumusunod na tanong.
Nasa Huli ang Pagsisisi
Si Pedro ay ang tipo na bata na hindi mahilig lumabas ng silid.Pagkatapos ng kanyang klase ay diretso na
siyang umuuwi sa kanilang bahay.Isang araw,natana niya sa kanilang Bintana na may bata na naglalaro ng
bola sa labas ng kanilang bahay.Inggit na inggit siya habang tinatanaw niya ang mga batang
nagkakasayahan at nagtatawanan sabay ng pagpapasahan ng bola sa isat-isa.Nais man niyang maglaro,tali
na siya sa kaniyang gawain pampaaralan dahil sa pangaral ng kaniyang magulang na mag-aral muna bago
nag paglalaro.
Isang hapon,hindi natiis ni Pedro ang labis na pagkasabik sa paglalaro.Iniwanan niya ang kaniyang
takdang aralin at lumabas upang makipaglaro sa mga bata sa labas.Sa sobrang tuwa sa ginawang laro
nito,nakalimutan niyang gawin ang kaniyang takdang aralin.Umuwi sya ng hapong-hapong at dahil sa
kapaguran di man lang niya nagawang magpalit ng damit sa pagtulog.
Kinabukasan,hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang mga takdang aralin.Nang tinawag siya
ng kaniyang guro wala siyang naisagot.Walang imik siya sa klase dahil sa nangyari.Hiyang-hiya siya sa sarili
“Pangako ko,tatapusin ko muna ang gawain ko sa klase bago makipaglaro”sambit niya sa sarili pagkatapos
niyang hindi masagot ang tanong ng guro.
___24.Sino ang batang hindi mahilig lumabas sa silid? a.Paul b.Pedro c.Pepe d.Pong
___25 Ano ang natanaw ng bata sa bintana a.mga batang naglalaro b.mga batang nagbabasa
c.mga batang sumasayaw d.mga batang nanonod ng telebisyon
___26.Ano ang nangyari sa klase ng tinawag siya ng kaniyang guro
a.pinagtawanan siya b.natuwa nag kanyang guro c.Naiinggit sa kanya ang mga kaklase d.hindi siya nakasagot
___27.Ano ang ipinangako niya sa sarili?
a. gagawin ang takdang aralin habang naglalar b.Mag-aaral siya nang mabuti para sagutin ang pagsusulit
c.tatapusin niya muna ang laro bago ang takdang aralin
d.tatapusin niya muna ang takdang aralin bago maglaro.
___28.Ano ang aral na natutuhan ni Pedro sa pangyayaring ito?
a.maging masaya sa lahat ng oras b.maging masigla sa paglalaro
c.maging disiplinado sa lahat ng oras d.maging matulungin sa lahat ng oras
Panuto:Piliin ang tamang sagot
___29.Isang araw natanaw niya sa kanilang bintana na may batang naglalaro,Ano ang kahulugan ng natanaw.
a.napansin b.nasilayan c.nadama
___30.Pangako ko,tatapusin ko muna ang gawain ko sa klase bago makipaglaro.Ano ang kasingkahulugan ng
Pangako. a.nais b.sumpa c.hilig
___31.Nakalimutan niyang gawin ang kanyang takdang aralin.Ano ang kasalungat ng nakalimutan?
a.naalala b.naisip c.nasabi

Sagutin ang mga tanong


32.Bakit hindi magawa ni Pedro ang paglalaro sa labas?
33.Paano mo maipapakita na ikaw ay isang mabuting mag-aaral?
Sundin ang Panuto
34.Gumuhit ng isang Puso 35.Sa loob nito,Isulat ang pangalan ng iyong mga magulang

D.PAGSUSULAT
Panuto:Punan ang patlang

Ako si(36)_________________________(37)_______taong gulang.Nasa(38)________na baitang.Nag-aral .


(39)._________________________________.Ang aking guro ay si(40)_______________________________.
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
TALAAN NG ESPESIPIKASYON

MGA LAYUNIN BILANG NG AYTEM KINALALAGYAN NG


BILANG
PAKIKINIG
1.Natutukoy ang damdamin ng tagapagsalita ayon sa 5 1-5
tono,diin,bilis at intonasyon
2.Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggan 5 6-10
na balita
PAGSASALITA
1.Nagagamit ng magagalang na pananalita sa ibat- 2 11-12
ibang sitwasyon tulad ng pagbili sa tindahan.
2.Nagagamit ng wasto ang mga pangngalan sa 6 13-18
pagsasalita tungkol sa sarili,sa mga tao,lugar,bagay,at
pangyayari sa paligid.
3.Nagagamit ang ibat-ibang uri ng panghalip sa 5 19-23
usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan
PAGBABASA
1.Nasasagot ang mga tanong sa binasang kwento. 5 24-28
2.Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan 3 29-31
ng pag-uugnay sa sariling karanasan,pormal na
depenisyon,paglalarawan,kasingkahulugan,kasalungat 2 32-33
3.Nasasagot ang tanong na bakit at paano
4.Nakakasunod sa nakasulat na panuto. 2 34-35
PAGSULAT
1.Nakakasulat ng talatang pasalaysay 5 36-40

KEY ANSWER
1.D 11.C 21.C 31.A
2.C 12.C 22.B 32.-
3.C 13.C 23.B 33.-
4.A 14.B 24.B 34.-
5.B 15.B 25.A 35.
6.A 16.A 26.D 36.
7.D 17.B 27.D 37.
8.D 18.D 28.C 38.
9.C 19.D 29.B 39.
10.B 20.C 30.B 40.
Para sa aytem 1-5
May isang pamilya na nakatira sa may tabing dagat.Masaya silang mag-anak.May sariling kubo at sobra
ang inaani sa sariling lupa.
Isang araw,lumapit ang asawa ni Mang Alejandro sa kaniya at nakiusap.”Ipagbili mo na ang ilang bahagi
Ng ating lupa at magtayo ng masmalaking bahay.Lumalaki na nag mga ank natin.
Kaagad kinausap ni Mang Alejandro ang matandang babae na nakatira sa gilid ng bundok.Parang anak
Ang turing sa kanya.Sinabi niya ang problema.
“Umuwi kana.Sa tatlong buwan ay mangyari ang nais ng iyong asawa.Ayusin mo ang iyong buhay”
Naganap ang sinabi ng matanda.Nagkaroon sila ng malaking bahay at lagging sagana sa buhay.

Para sa aytem 6-10


Ang Modelong Pamilya
Pinarangalan ang pamilya Tobias sa pagiging huwaran at modelo sa kanilang komunidad.Namamalas sa
tuwina ang pag-uunawaan ng pamilya.Bukas ang kanilang tahanan sa sinumang nangangailangan.Karaniwan
na sa kanila ang pagpapakita ng pagmamahal sa isat-isa.

You might also like