You are on page 1of 2

Mga Rason kung Bakit Naiinis ako sa mga Teleserye sa Pilipinas

I. May Akda
Si Jose Caliwag o kilala rin sa pangalan na Teddy Teodosio ay pinanganak taong 1992.
Siya ay isang blogger sa kilalang website na Wordpress at bukod pa roon, siya rin ay isang
musikero, guro, editor at manunulat. Bilang manunulat, ginagamit nya ang pagpapatawa upang
iwaksi ang mundo ng romantikong pag ibig.

Ii. Uri ng akda


Ito ay nakapaloob sa kategoryang komentaryo sapagkat ang isang komentaryo ay
naglalaman ng pananaw ng may akda ukol sa mga isyu sa kanyang paligid. Maari rin itong
magtaglay ng pagpuna, kuro kuro, opinyon, obserbasyon, at sariling saloobin ng may katha.

III. Istilo ng akda


Ang awtor sa binasang komentaryo ay gumamit ng pagpuna sa paglalahad ng kanyang
sariling pananaw ayon sa paksa. Ang mga ginamit din na salita ay madaling unawain at tila ba ay
nakikipag usap lamang sa mga mambabasa.

IV.
Ang mga kwento ng
teleserye sa pilipinas ay Ang mga teleseryeng
paulit ulit na at nawawala na ito ay nagpapakita ng
ang esensya ng orihinalidad masasamang Gawain
Ang mga antagonista
tulad ng karahasan,
sa teleserye ay
kasakiman,
nagbibigay ng
pagsisinungaling at
masamang imahe at
Mga Rason kung Bakit pakiki apid
impluwensya sa
manunuod Naiinis ako sa mga
Teleserye sa Pilipinas

Ang mga eksena sa


Ang mga teleserye sa teleserye ay may bahid ng
Pilipinas ay may sikolohikal realidad at maaring
na epekto sa pag iisip ng makaimpluwensya ang
mga manunuod na maaring maling desisyon ng mga
magdulot ng masama at bida sa mga manunuod
hindi tamang pag uugali
V. mensahe
Nais iparating ng komentaryo na ang mga teleserye sa Pilipinas ay mayroong mga ‘di
magagandang katangian na nakakaapekto sa kalidad nito pati na rin sa mga manunuod. Ang
mga nasabing katangian ay dapat na mabago o maiwasan.

VI. Reaksyon
Isa sa mga malalaking impluwensya sa aming mga kabataan ay ang mga napapanuod
namin sa telebisyon kaya ako ay sumasang ayon sa nilalaman ng akda dahil ang epekto ng
teleserye sa ating mga manunuod ay maaring masama. Hindi rin dapat na tinutularan ang mga
nakikita sa mga ganitong palabas at huwag ibabase ang desisyon sa mga aktor dahil ito ay pag
arte lamang .