You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: _________________

Seksyon: ___________________________________ Petsa: ________________

____1. Ito ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang maipahayag nang pakanta.
A. Awiting Bayan B. Epiko C. Kwentong Bayan D. Pabula
____ 2. Ginagamit ito ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing
ilog at iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa o maligno.
A. Awit B. bugtong C. Bulong D. Tugmang de gulong
____ 3. Awiting panghele o pmpatulog ng bata, tinatawag na lullaby sa Ingles
A. Oyayi B. Diyona C. Kundiman D. Kumintang
____ 4. Awiting pag-iibigan ng magkasintahan sa tagalog.
A. Oyayi B. Diyona C. Kundiman D. Kumintang
____ 5. Awit ng pakikidigma o pakikipaglaban. A. Oyayi B. Diyona C. Kundiman D. Kumintang
____ 6. Ito ay mga salitang particular na sa isang pook, may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan
A. Kolokyal B. Balbal C. Lalawiganin D. Pormal
____ 7. Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto.
A. Kolokyal B. Balbal C. Lalawiganin D. Pormal
____ 8. Isa pang uri ng mga salitang di pormal na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
A. Kolokyal B. Balbal C. Lalawiganin D. Pormal
____ 9. Anong katangian ng mga dalaga ang hinahanganaan ng bawat taong makakakita ayon sa Alamat ng Pulo ng Pitong Mkasalanan?
A. Kagandahan B. Kabaitan C. Makikinis D. Lahat ng nabanggit
____ 10. Anong matinding kasalanan ang nagawa ng mga dalaga sa kanilang ama?
A. Sinuway nila ang utos ng kanilang ama. C. Sumama sila sa mga estranghero.
B. Binalewala nila lahat ng mga bilin ng kanilang ama. D. Lahat ng nabanggit
____ 11. Ito ay salitang pinagmulan ng “Alamat” na ang ibig sabihin ay “upang mabasa”.
A. Legend B. Legendus C. Legeism D. Legendary
____ 12.Saan matatagpuan ang pulo ng Pitong Makasalanan?
A. Malapit sa Guimaras B. Malapirt sa Samar C. Babayin ng Leyte D. Malapit sa aklan
____ 13. Ito ay uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o pangyayari.
A. Alamat B. Epiko C. Kwentong Bayan D. Pabula
____ 14. Anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang panggalan o panghalip.
A. Lantay B. Pahambing C. Patulad D. Pasukdol
____ 15. Nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip.
A. Lantay B. Pasahol C. Patulad D. Pasukdol
____ 16. Nagpapakita ng pinakamatindi o pinakamasukdulang katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang bagay.
A. Lantay B. Pasahol C. Patulad D. Pasukdol
____ 17. Ito ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuo ng pahayagan tungkol sa isyu.
A. Showbiz B. Entertainment C. Pangulong Tudling D. Palakasan/ Sports
____ 18. Ito ay bahagi ng editorial kung saan binabanggit ang isyu o balitang tatatlakayin.
A. Panimula B. Katawan C. Wakas D. Banghay
____ 19. Ito ay akdang pampanitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan o pakikipagsapalaran ng mga taong may mahiwagang
kapangyarihan. A. Alamat B. Epiko C. Kwentong Bayan D. Pabula
____ 20. Pinakasikat na Epiko ng mga Ilokano.
A. Biag ni Lam-ang B. Hinilawod C. Mahabarata D. Indarapatra at Sulayman
____ 21. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng tauhan ng isang Epiko?
A. May mabuting kalooban C. Kagila-gilalas at di-matatawaran ang kapanagyarihang taglay
B. Nagbibigay-aral sa mga gawain D. Diyos at Diyosa
____ 22. Isang anyo ng panitikan na nagsasalayasay sa madali, maikli at masining na paraan.
A. Alamat B. Maikling Kwento C. Kwentong Bayan D. Pabula
____ 23. Ang kinahinatnan ng kwento na maaring Masaya o malungkot
A. Tauhan B. Tagpuan C. Wakas D. Kasukdulan
____ 24. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw ____________ maiwasan masira ang mga ngipin.
A. Ngunit B. Upang C. Dahil D. Sapagkat
____ 25.___________hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.
A. Dahil B. Subalit C. Kaya D. Pero
____ 26. Inaantok ka pa ______________hatinggabi ka na natulog kagabi.
A. Habang B. Bago C. Kasi D. Ngunit

You might also like