Si Tambelina Paano kaya kung ikaw ay kasinliit lamang ng hinlalaki?
Tiyak na magiging napakahirap ng buhay na
kakaharapin mo dahil sa iyong sobrang kaliitan. Subalit hindi ito nangangahulugan na wala ka nang kakayahan pang makagawa ng mga bagay-bagay. Ganito ang pinatunayan ni Tambelina, ang dalagang sinliit ng hinlalaki, ngunit sa kabila nito ay nakapagligtas ng buhay. Tunay nagang hindi nasusukat sa laki ng kakayahan ng isang tao. May mag-asawa na hindi magkaanak sa loob ng mahabang panah. Ginawa na nila ang lahat ngunit hindi pa rin sila nabiyayaan ng anak. Minsan ay isinangguni nila ang kanilang suliranin sa isang kapitbahay na matandang bruha. Kapalit ng ilang butil na ginto , binigyan nito ang mag-asawa ng isang buto ng halaman para itanim. Itinanim nga ng mag-asawa ang buto at kinabukasan lamang ay may napakagandan bulaklak n lotus na ito. Nilapitan at pinagmasdan ng mag-asawa ang bulaklak. Laking pagkamangha nila nang makita nilang naroroon ang isang kay ganda ngunit ubod ng liit na batang babae. Kinuha ng mag- asawa ang bata at inalagaan nila ito nang mabuti. Pinangalanan nila itong Tambelina (sa Ingles ay Thumbelina, dahil sinlaki lamang ito ng thumb o hinlalaki. Iginawa ng mliag-asawa ng maliliit na kagamitan si Tambelina. Ang kama ay yari sa talulot ng bulaklak. Doon natutulog si Tambelina kung gabi. Sa araw, siya ay naglalaro sa malaking bandehadong may tubig at mga bulaklak at dahon. Kay gandang pagmasdan ni Tambelina habang namamangka sa bandehado. Ang bangka niya ay munting dahon. Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Tambelina, pumasok sa kaniyang tulugan ang isang malaking inahing palaka. Matagal na pala nitong sinusubaybayan si Tambelina mula sa paglalaro nito at maging hanggang sa pagtulog. Hangang-hanga ang palaka sa magandang tinig ni Tambelina kapag umaawit ito. Kinuha ng palaka si Tambelina. Himbing na himbing ito sa pagkakatulog kaya hindi ito nagising. Inuwi ni Inang Palaka si Tambelina sa kanilang tirahan. Ibig niyang ipakasal ito sa kaniyang anak. âKokak! Kokak!â ang tanging nasabi ng binatang palaka nang makita ang napakagandang si Tambelina. âHuwang kang maingay at baka siya magisingâ, sabi ni Inang Palaka sa kaniyang anak. âTiyak na aalis iyang sa oras na magising. Ilalagay natin siya sa pinakamalapad na dahon ng lotus sa ilog. Doo'y hindi siya madaling makaalis.â At gayon nga ang ginawa ng mag-ina. Dahan-dahan nilang inilagay si Tambelina sa pinakamalapad na dahn ng lotus sa ilog. Sumikat ang araw. Nagising si Tambelina. Laking gulat niya. Wala na ang magagandang bulaklak sa kaniyang tirahan. Puos tubihg ang nasa paligid ng malaki at berdeng dahon ng lotus. Iyak nang iyak si Tambelina. Nilapitan siy ni Inang Palaka at ng anak nito. âKokak! Kokak! Huwag kang umiyak, magandang dalaga,â sabi ni Inang palaka. Natakot si Tambelina. Napakalaking hyop ang tingin niya sa inahing palaka. âMasdan mo ang anak ko. Siya ang iyng magiging asawa. Dumito ka muna sa dahon ng lotus na ito hanggang hindi pa nayayari ang ipinagagawa kong silid ninyo ng aking anak.â âKokak! Kokak!â ang tanging sinabi ng anak na palaka . At umalis na ang mag-inang palaka. Iyak nang iyak si Tambelina na nakaupong nag-iisa sa gitna ng dahon. Narining ng mga isda ang sinabi ng inahing palaka. Naawa ang mga isda kay Tambelina kaya nagtulong-tulong ang mga ito hanggang malagot ang tangkay ng lotus at makaalis sa lugar na iyon si Tambelina. Naanod at tinangay ng ago sang dahon, dala si Tambelina. Nakita ng mga ibon si Tambelina. Nag-awitan sila sa tuwa. May isang paru-parong nais tumulong kaya lumipad ito malapit kay Tambelina. Kinalag ni Tambelina ang kanyang laso sa kanyang damit at itinali ang isang dulo nito sa paruparo at ang isang dulo ay sa dahon. Bumilis ang takbo ng dahon. Isang malakiang salagubang ang nakakita kay Tambelina.Bigla siya nitong sinunggaban at nilipad sa itaas ng sanga ng kahoy. Gulat na gulat si Tambelina. Binigy an siya ng salagubang ng uod ng bulaklak na makakain. Alagang â alaga niya ito. Pagkatapos ay iniregalo siya nito sa maliliit na salagubang upang maging laruan nila. âNaku, ayaw namin sa kaniya. Kay pangit naman niya. Dadalawa ang paa at walang sungay-sungayanâ, sabi nila. Pinaalis ng maliliit na salagubang si Tambelina sa kanilang tirahan. Inilipad nila ito pababa ng puno at inilagay sa loob ng isang malaking bulaklak. Doon na namuhay si Tambeina. Masaya siya kahit nag- iisa. Gumagawa siya ng duyan mula sa dahon ng damo. Ang kaniyang tulugan ay sa loob ng ubod ng bulaklak. Sa ubod na rin ng bulaklak niya kinukuha ang kaniyang pagkain. Ang iniinom niya ay ang hamog na nasa mga talulot ng bulaklak uwing umaga. Nang dumating ang taglamig, nagkaroon na naman ng problema si Tambelina. Unti-unting nalanta at nalagaas ang mga bulaklak at dahon. Walang natira kundi ang madilaw at tuyong tangkay. Umulan ng yelo at si Tambelina ay nangatog sa ginaw. âNaku, ikaw pala, maliit na ata,â sabi ng butihing Dagang â bukid. âTuoy ka. Dito sa loob ng bahy ko maaalis ang iyong ginaw.â Pinakain at doon na pinatira ni Dagang-bukid si Tambelina. Naliligayahan si Dagang-bukid sa magandang tinig ni Tambelina. Hinayaan niya ito na pumasok sa lihim na lagusan sa kuweba. âMay isang ibon sa dulog ng isang pinto. Huwag kang matakot doon. Iyon ay patay na,â sabi ni Dagang-bukid. Nakita ni Tambelina ang nasabing ibon, Naawa siya rito. DInama niya ang dibdib nito. Tumitibok pa. Kinumutan ni Tambelina ang ibon upang hindi ginawin. Dinalhan niya ito ng inumin. Nang idilat ng ibon ang mga mata, nalaman nito siyaây inalagaan ni Tambelina. âSalamat sa iyo, maliit at magandang bata!â sabi ng ibon. âBumuti ang aking pakiramdam nalis ang aking ng akoây mainitan. Lalong bibilis ang aking paggaling kung akoây makakalabas.â âMalamig pa sa labas. DIto ka mauling,na at aalagaan kita hanggang sa lubos kang gumaling,â sabi ni Tambelina. Doon sa ilalim ng lupa tumira ang ibon habang taglamig. Nang dumating ang tag-init, ang ibon ay ganap nang magaling at malakas. Nagpaalam na kay Tambelina ang ibon. Ibig niyang isama si Tambelina sa paglipad ngunit hindi pumayag ang Dagang-bukid. Kayaât umalis nang mag-isa ang ibon. Lungkot na lungkot si Tambelina. At lalo siyang nalungkot nang malaman niyang ibig ni Dagang- bukid na ipakasal siya sa isang mole, isang uri ng mammal. âSa loob ng apat na lingo ay ikakasal ka na. Magmula sa araw ng iyong kasal, ang lungga sa ilalim ng lupa ang magiging tahanan mo na. Hindi ka dapat makita rito sa ibabaw,â ang babala pa ni Dagang â bukid. Iyak nang iyak si Tambelina. Naalala niya ang ibon na kaniyang inalagaan. Nasaan na kaya ito ngayon? Inisip din ni Tambelina kung ano ang gagawin niya upang hindi matuloy ang kasal. Batid niya na palapit na nang palapit ang araw ng kasal. Isang umaga, habang minamasdan niya ang magandang paligid sa labas ng lungga ay mayroon siyang narinig. âTwit! Twit! Twit! Twit!â ang huni ng ibon. Tumingala si Tambelina sa sanga ng kahoy. Naroon ang ibong kaniyang inalagaan, si Layang-Layang. âTambelina! Tambelina!âtawag ni Layang-Layang, âTapos na ang tag- araw at darating na ang taglamig. Akoây lilipad na sa malayo upang iwasan ang taglamig. Ibig mo bang sumama?â âOo, Layang-Layang, sasama ako. Salamat at bumalik ka,â ani Tambelina. Kumuha si Tambelina ng panali. Sumakay siya sa batok ng ibon at itinali ang sarili rito upang hindi siya mahulog. Lumipad sa malayo ang ibon. Tuwang-tuwa si Tambelina sa nakikita niyang tanawin. Narating nila ang dating tirahan ni Layang-Layang. Ibinaba ni Layang-Layang si Tambelina sa mga bulaklak. Laking tulat ni Tambelina nang makita niya ang isang magandang lalaki na kasinlaki niya. Ang lalaki ay nasa ubod ng bulaklak at may koronang ginto. Nalaman ni Tambelina na marami pang maliliit na babae at lalaki sa mga bulaklak. Ang kaharap niya ay kanilang hari. Nakita ni Layang-Layangsa na masaya si Tambelina sa kaniyang bagong, tahanan, sa piling ng mga katulad niyang maliliit na babae at lalaki, ang mga anghel ng mga bulaklak. Nagpaalam na si Layang-Layang sa kaniyang kaibigan.