You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANGAN

UNANG KWARTER NG PAGSUSULIT

Pangalan: ________________________________ Taon at Baitang :______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________ Iskor: ______________________________
I. PAGPIPILI. Piliin at bilugan ang tamang sagot.

1. Grupo ng tao sa isang espesipikong lugar.


a. Speech community b. Idyolek c. Sosyolek d. Dayalek
2. Varayti ng wika na ginagamit ng isang speech community.
a. Speech community b. Idyolek c. Sosyolek d. Dayalek
3. Personal na paggamit ng wika; kakanyahan ng tagapagsalita na gumamit ng isang wika.
a. Idyolek b. Dayalek c. Register d. Estilo
4. Pagbabago sa paggamit ng wika dulot ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita
sa oras ng pagpapahayag.
a. Estilo b. Register c. Mode d. Speech Community
5. Paggamit ng wika na nakabatay sa relasyon ng nagsasalita sa kausap.
a. Register b. Mode c. Estilo d. Speech Community
6. Midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.
a. Register b. Mode c. Estilo d. Speech Community
7. Bahagi ng manwal na nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman nito.
a. Pamagat b. Talaan ng Nilalaman c. Pambungad d. Katawan
8. Nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan
ito tinatalakay.
a. Pamagat b. Talaan ng nilalaman c. Pambungad d. Nilalaman
9. Naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag
tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may kaugnayan sa kompanyang
nagmamay-ari ng manwal.
a. Pambungad b. Nilalaman c. Talaan ng Nilalaman d. Apendise
10. Tumatalakay sa katawan ng manwal, sa mismong pagpapaliwanang ng mga gabay,
pamamaraan at/o alituntunin.
a. Talaan ng Nilalaman c. Apendise c. Nilalaman d. Pambungad
11. Matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga
impormasyon sa pagkontak, mga tala, atbp.
a. Talaan ng Nilalaman c. Apendise c. Nilalaman d. Pambungad
12. Nagsisilbi itong gabay sa mga empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman
hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan.
a. employees’ manual o handbook b. User manual
13. Isang uri ng manwal na kilala rin bilang instruction manual, user guide o owner’s manual na
isang manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang produktong binibili o binubuo
bago gamitin.
a. employees’ manual o handbook b. User manual
14. Uri ng manwal na ang halimbawa nito ay ang mga ipinabasa sa klase gayundin ang katulad ng
faculty manual o students’ manual.
a. employees’ manual o handbook b. User manual
15. Tinatawag itong isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.
a. Liham b. Manwal c. Employees’ manual o handbook d. User manual
16. Ulong-sulat matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa
ahensiyang pagmumulan ng liham; kalimitan itong nagtataglay ng logo ng nasabing kompanya
o institusyon.
17. Bahagi ng liham na nagsasaad kung kailan ito sinulat.
a. Patunguhan b. Petsa c. Apendise d. Pambungad
18. Bahagi ng liham na inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham
at kung sino ang pangunahing ibig patunguhan nito.
a. Katawan ng Liham b. Bating Pambungad c. Patunguhan d. Lagda
19. Maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham.
a. Bating Pangwakas b. Bating Pambungad c. Patunguhan d. Lagda
20. Bahagi ng liham na nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham.
a. Bating Pangwakas b. Bating Pambungad c. Katawan ng Liham d. Pambungad
21. Maiksing pagbati bago wakasan ang liham.
a. Bating Pangwakas b. Bating Pambungad c. Pambungad d. Maiksing Pagbati
22. Dito nakalagay ang pangalan o mismong lagda ng nagpadala ng liham.
a. Patunguhan d. Lagda c. Ulong sulat d. Pamagat
23. Nagtataglay ng mga impormasyon para sa patutunguhan. Isinusulat ito ng isang indibidwal na
may nais iparating sa pagpapadalhan ng liham.
a. Manwal b. Liham c. Ulong Sulat d. Pambungad
II. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.
________ 24. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon ang isang manwal.
________ 25. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal.
________ 26. Hindi kailangan ng talaan ng nilalaman sa isang manwal.
________ 27. Kadalasang pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng manwal.
________ 28. Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa ang isang manwal.
________ 29. Tinatawag na kalatas o sulat ang liham.
________ 30. Isa sa mga uri ng liham ang liham-pangnegosyo.
________ 31. Hindi maaaring maglagay ng kalakip kung susulat ng liham.
________ 32. Iisa lamang ang pormat na ginagamit sa pagsulat ng liham.
________ 33. Hindi mahalaga ang paglalagay ng petsa kung susulat ng liham-pangnegosyo.

III. IDENTIPIKASYON. Punan ang patlang upang maibigay ang hinihingi sa bawat pahayag.
34. Tinatawag na ________________ ang isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang
impormasyon katulad ng mga alituntunin, paraan ng paggamit, proseso, at iba pang detalye hinggil sa
isang paksa na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa.
35. Sa pamamagitan ng ___________________, nabibigyang-ideya ang mga mambabasa ng inisyal
na pagtingin sa kabuuang nilalaman ng isang manwal.
36. Hindi nalalayo sa isang manwal ang isang _________________. Isang halimbawa nito ang hinggil
sa mga benepisyo ng mga manggagawa.
37. Maaaring maglagay ng ________________ sa huling bahagi ng manwal kung saan nakalagay ang
iba pang impormasyong gustong idagdag na maaaring balikan ng mga gumagamit nito.
38. ________________ ang paggamit ng wika sa mga manwal upang malinaw na maihatid ang mga
impormasyong nakasulat dito.
II. ENUMERASYON.
39-45 Magbigay ng pitong bahagi ng isang liham-pangnegosyo.
46-50 Magbigay ng limang bahagi ng manwal.

You might also like