Sa kanyang salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa inglis, Kastila at salitang anghel Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alpabeto at sariling letra Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una Anong Oras Na
May isang batang mag-aaral na ang pangalan ay Buknoy.
Siya ay labing isang taong gulang na nasa ikaanim na baiting. Malimit si Buknoy na huli sa pagpasok sa paaralan kung kaya’t ang kanyang guro ay palaging nagtatanong sa tuwing pumapasok sya ng huli. Isang umaga, wala pa rin si Buknoy sa kanyang upuan at nagtanong na naman ang guro sa mga mag aaral. May isang mag aaral ang nakapagsabi na nakita niya si Buknoy na pumasok sa isang compyuteran . Ganun nalang ang pagkamangha ng guro. Sa kalaghatian na ng klase nariyan na si Buknoy at sya ay tinawag ng guro, tinanong , “ Buknoy, bakit ngayon ka lang dumating?” a e kasi mam may pinagawa pa ang inay na dapat kong tapusin. Buknoy, magsabi ng totoo, saan ka ba nanggaling at bakit nahuli ka sa pagpasok? Totoo ba na galling ka sa kompyuteran? Nakayukong sumagot si Buknoy na “ opo mam doon po ako dumaan bago pumasok dito, paumanhin po di ko nap o uulitin maam. Ok Buknoy, basta’t wag mo ng gagawin ang ganung gawain ha? opo maam, sagot ni Buknoy.