You are on page 1of 2

Ang Halayang Ube ni Maya

Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria na abalang-abla sa pagluluto ng
halayang ube.
“Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo, Inay,” wika ni Maya habang lumalakad palapit sa
Ina.
“Pihadong matutuwa na naman ang mga suko ko kapag natikman nila iyan,” may pagmamalaking
wika ni Maya.
Napangiti si Aling Maria sa sinabi ni Myra.
“Salamat anak, natutuwa ako at nagugustuhan mo lahat ng niluluto ko,” wika ng ina.
Matapos maihanda ni Aling Maria ang ilalakong halaya ni Maya, binilhan niya itong mag-ingat.
Kapag naubos nang maaga ang kaniyang paninda, umuuwi siya kaagad upang makapagpahinga.

1. Ano ang uri ng kakanin na tinukoy sa kuwento?


a. bilo-bilo b. halayang ube c. sinukmani d. sumang yakap
2. Sino ang matutuwa kapag natikman ito?
a. Maya b. suki c. mga kalaro ni Maya d. mga kapitbahay ni Maya
3. Sino ang nagsabi? “Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo Inay?”
a. Aling Maria b. Hana c. Maya d. Sonia
4. Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria. Anong salita ang maaaring gamiting
pamalit sa salitang Maya?
a. ako b. ikaw c. kami d. siya
5. Bakit maagang gumising si Maya?
a. maglaro b. magtinda c. tumulong d. umalis
6. Ilang pantig mayroon ang salitang halaya?
a. apat b. dalawa c. isa d. tatlo

Ang Tula ni Emma


ni Dolorosa S. de Castro
“Yehey!” ang malakas na hiyaw ni Emma.
Nanalo kasi ang kaniyang entry sa paligsahan sa paggawa ng tula. Pinamagatan
niya itong Isko Palito. Kaliwa’t kanan ang sa kaniya ay bumabati.
“Ang galing mo Emma,”, ang bati sa kaniya ng mga kaibigan.
“Salamat, inspirado lang talaga ako habang gumagawa ng aking tula,” sagot ni
Emma sa kaibigan.
Bago igawad ang medalya, tinanong si Emma ng isa sa mga hurado, “Sino si Isko
Palito sa iyong buhay?”
“Siya ang superman ng aming buhay, ang aking ama. Hindi niya inaalintana ang
hirap ng buhay, maitaguyod lamang ang pangangailangan naming lahat,” ang matalinong sagot ni
Emma.
Labis na natuwa ang hurado sa kaniyang isinagot. Buong giliw niyang isinabit ang medalya sa leeg ni
Emma.

1. Saan naganap ang kuwento?


a. bahay b. paaralan c. parke d. simbahan
2. Anong kategorya ng pangngalang ang inspirasyon ni Emma?
a. tao b. lugar c. hayop d. pangyayari
3. Sa linyang, “Buong giliw niyan iniabot ang medalya,” anong salita ang maaaring ipalit sa salitang
medalya? a. ito b. iyan c. iyon d. diyan
4. Kung ang salitang katugma ng LIto ay palito, ano naman ang hurado?
a. barado b. kandado c. largado d. pihado
5. Anong salita ang mabubuo kapang pinalitan ang hulihang pantig ng malakas?
a. lumakas b. mabikas c. malasa d. natakas
6. Ano ang unang ginawa ni Emma?
a. Gumawa ng tula.
b. isinumite ang tulang ginawa.
c. Inalam kung kalian isasagawa ang patimpalak.
d. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.
7. Ano ang pangalawa sa huling ginawa ni Emma?
a. Inabot ang medalya. c. Inalam kung kailang isasagaw ang patimpalak.
b. Magpasalamat sa mga hurado. d. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.

You might also like