You are on page 1of 7

MAHABANG PAGSUSULIT

FILIPINO 8 (Florante at Laura)

Pangalan: _________________________________________Iskor:__________________
Taon: _____________________________________________Petsa:_________________

PANLAHAT NA PANUTO: Basahin ang mga panuto. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel
ang letra ng tamang sagot..

I. KAALAMAN (KNOWLEDGE)
A. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag.

1. Nang nasa harapan na ni Florante ang dalawang leon, siya ay _________________.


a. Kinabahan at natakot c. natigil sa pag-iyak
b. Patuloy na tumangis d. nanalangin sa Diyos

2. Ipinagdadasal ni Florante na sana ang mga mamamayan ng Albanya ay huwag ____.


a. Kumampi kay Adolfo c. mawalan ng lakas na lumaban
b. Matulad sa kanya d. susunod sa kagustuhan ni Adolfo

3. Petsa ng kapanganakan ni Francisco Baltazar?


A. Abr. 2. 1822 B. Peb. 2, 1877 C. Abr. 2, 1788 D. Peb. 2, 1788

B. Hanapin sa HANAY B ang mga katangian ng mga tauhan sa HANAY A.

HANAY A HANAY B

4. Florante a. Isang prinsipe ng Persya na nagligtas kay Florante sa leon


5. Menandro b. ama ni Florante at tagapayo ng hari ng Albanya
6. Flerida c. anak ni Haring Linseo at katipan ni Florante
7. Adolfo d. ang ama ni Aladin na umagaw sa pagmamahal ni Flerida
8. Laura e. ang guro ni Florante sa Atenas
9. Heneral Osmalik f. anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca
10. Sultan Ali-adab g. ang mahal ni Aladin at pumana kay Adolfo
11. Antenor h. ang buhong sa kasaysayan
12. Aladin i. ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona
13. Duke Briseo j. ang tapat na kaibigan ni Florante
k. ang heneral ng Turko na lumusob sa Albanya

II. PAGPROSESO (PROCESS)


A. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag.

14. Ang pahayag na “mapanglaw na kagubatan ” ay nangangahulugang __________.


a. Tumawa b. malungkot c. lumuha d. humagulhol
15. Nangingibabaw ang damdaming ito kay Florante tuwing nakikinita niya sa alaala na magkasuyo sina
Adolfo at Laura.
a. Paghihinakit b. pagkagalit c. pagseselos d. pang-uuyam
16. Ang sinumang makakita sa kaanyuan ni Florante ay tiyak na _________________.
a. Mahahabag b. matutuwa c. malulungkot d. maiinis

“Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?


Ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay;
Bago’y ang bandila ng lalong kasam’an
Sa Reynong Albanya’y iwinawagayway.”

17. Anong damdamin ang nakapaloob sa saknong?


a. paghihinanakit b. pangamba c. panghihinayang d. pagkaawa
18. Anong pagpapahalaga ang ipinahihiwatig ng saknong?
a. Ibigin ang iyong kaaway
b. Hindi dapat sisihin ang Diyos sa mga masasamang pangyayari
c. Hindi dapat isisi sa kapwa ang masamang kapalaran
d. Maging matatag sa gitna ng mga sulirinin

“Katiwala ako’t ang iyong kariktan


Kapilas ng langit – anaki’y matibay;
Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.”

19. Ang saknong ay nangangahulugang ________________.


a. May binabalak na kataksilan ang dalaga
b. Matibay ang pag-ibig ng dalaga tulad ng langit
c. Hindi niya akalaing ang kagandahan ay daan sa kataksilan
d. Hindi niya akalaing ang kagandahan ng sinta’y maglalaho

“O, sintang labis ng kapangyarihan


Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw nasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.”

20. Ano ang ibig patotohanan ng saknong na ito?


a. Ang pag-ibig ay labis na makapangyarihan
b. Ang hiwaga ng pag-ibig
c. Mahirap matarok ang pag-ibig
d. Harapin ang tunay na pag-ibig

“Ngunit, sa aba ko! Sawing kapalaran!


Ani pang halaga ng gayong suyuan…..
Kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan
Ay humihilig na sa ibang kandungan.”

21. Ang taludtod na may salungguhit ay tumutukoy kay ________________.


a. Aladin b. Menandro c. Florante d. Adolfo
“Ang kanyang tao’y labis ng dalawa
Sa dala kong edad na lalabing-isa
Siyang pinopoon ng buong eskwela
Marunong na sa lahat ng magkakasama.”

22. Sino ang inilalarawan sa pahayag na sinalungguhitan?


a. Menandro b. Aladin c. Florante d. Adolfo

“Bayang walang loob, sintang alibugha


Adolfong malupit, Laurang mandaraya
Magdiwang na ngayo’t manulas sa tuwa
At masusunod na sa akin ang nasa.”

23. Ano ang nangingibabaw na damdamin sa saknong na ito?


a. Pagkagalit b. pang-uyam c. pagsisisi d. panghihinayang

24. Aling makatotohanang pangyayari ang inilalahad sa saknong?


a. Ang pag-ibig ay napakaligaya kung tapat
b. Ang pagseselos ay bahagi ng pag-iibigan ng magsing-irog
c. Ang pag-ibig ay may karamay sa panahon ng paghihirap
d. Ang pag-iibigan ay nangangailangan ng katapatan at katapangan

B. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Lagyan ng bilang mula 1-10.

25. Matagumpay na nailigtas si Florante ng gererong si Aladin.


26. Naglakad ang gerero sa isang panig ng kagubatan.
27. Natunton ng gererong si Aladin ang kinaroroonan ni Florante.
28. Nagdusa ang kalooban ni Aladin nang marinig ang panaghoy ni Florante.
29. Patuloy ang panangis ni Florante habang siya’y nakatali sa puno.
30. Pinagtangkaang gahasain ni Adolfo si Laura.
31. Kamuntik dagitin ng buwitre si Floante at iniligtas siya ni Menalipo.
32. Namatay ang kanyang mahal na inang si Prinsesa Floresca.
33. Ipinadala si Florante ng kanyang ama na si Duke Briseo sa bansang Athenas.
34. Nagtagpo-tagpo ang apat (Florante, Laura, Aladin at Flerida) sa kagubatan ng Albanya.

III. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag.

35. Sa anong uri ng tula nabibilang ang Florante at Laura?


a. Awit b. oda c. korido d. elehiya
36. Bakit isinulat ang Florante at Laura?
a. Dahil sa karanasan at kasawian nang mapagbintangan siya ni Mariano Kapule
b. Upang mapawi ang kanyang kalungkutan
c. Bilang handog sa kanyang iniibig
d. Upang linangin ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng tula
37. Hindi mawawala sa isip at puso ni Florante si Laura maliban na lamang kung _____.
a. Umibig siya sa iba c. mamatay si Laura
b. Magtaksil sa kanya d. mamatay na siya
38. Bakit nasabi ni Baltazar ang “mabuti pang putulin mo ang mga daliri ng ating mga anak kaysa maging
bokasyon ang paggawa ng tula”?
a. Nabibilanggo ang isang manunulat dahil sa pagsusulat ng katotohanan
b. Walang kaginhawaan sa buhay ang pagiging manunulat
c. Nalalagay sa kapahamakan ang buhay
d. Mahirap maging manunulat
39. Batay sa mga pangyayari sa Florante at Laura, makakamit ang tunay na kalayaan ng isang bansa
kung______________________________.
a. Lahat ng kabataan ay mag-aaral
b. May sapat na kaalaman sa doktrina ng simbahan
c. Ang mga pinuno ay matatalino
d. Ang namumuno ay matalino, tapat sa tungkulin at may pagkakaisa
40. Si Florante ay inihalintulad sa isang halamang lumaki sa tubig na daho’y nalalanta munting di-madilig.
Anong tayutay ang tinatalakay sa pahayag na ito?
a. Metapora c. Simile
b. Apostrope d. pagmamalabis
41. Ang pahayag na”ang dalawang mata’y bukal ang kaparis,” ay nangangahulugang?
a. Labis ang kaligayahan c. walang tigil ang pag-iyak
b. Tigib ng kalungkutan d. matindi ang katuwaan
“Pangimbulo niya’y lalong nag-alab, Nang ako’y tawaging
tanggulan ng syudad”

42. Sino ang tinutukoy ng may salungguhit?


a. Aladin b. Adolfo c. Florante d. Menandro

“Halina, irog ko’t ang damit ko’y tingnan,


Ang hindi mo ibig dapyuhang kalawang;
Kalagin ang lubid at iyong bihisan,
Matinding dusa ko’y nang gumaan-gaan”

43. Ang “Bugtong na anak” ay nangangahulugang____


a. mabait na anak c. nag-iisang anak
b. mahirap na anak d. masamang anak

44. Gagaan-gaan daw ang dusa kung ____________________


a. kakalagin ang lubid c. aalisin ang kalawang sa damit
b. titingnan ang damit d. bibihisan ng damit

“Ang mga mata mo’y kung iyong ititig


dini sa anyo kong sakdalan ng sakit,
upang ding mapigil ang takbong
mabilis
niring abang buhay sa ikapapatid.”
45. Ang hinihingi ng nagsasalita ay ____________________
a. titig ng kinakausap c. ikapapatid ng buhay niya
b. pigilin ang pagtakbo d. alisin ang sakit
46. Kapag natitigan siya ng kinakausap, mapipigil ang ____
a. ikapapatid ng buhay b. takbo ng buhay
b. pagtakbo ng mabilis c. sakit ng katawan

“Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?


Ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay;
Bago’y ang bandila ng lalong kasam’an
Sa Reynong Albanya’y iwinawagayway.”
47. Sa aling taludtod ng tula makikita ang matinding damdamin ni Florante para sa kanyang
kaharian?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
48. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng saknong?
a. Ang pagiging matalino ay kailangang ipagyabang
b. Umaani ng paghanga ang mga taong matatalino
c. Sinasamba ang mga taong magagaling
d. Mas matalino ang bata kaysa matanda

“Moro ako’y lubos na taong magdibdib


At nasasaktan din ng utos ng langit
Una sa puso ko’y kusang natitinik
Natural na ding sa aba’y mahapis.”

49. Anong kaisipan ang nakapaloob sa saknong?


a. Ang moro ay maawain
b. Ang mga moro ay may sariling batas na ipinatutupad
c. Ang pagkaawa sa nahahapis ay batay sa pangyayari
d. Ang pagtulong sa kapwa ay dakilang utos na sinusunod ng anumang relihiyon

“Bayang walang loob, sintang alibugha


Adolfong malupit, Laurang mandaraya
Magdiwang na ngayo’t manulas sa tuwa
At masusunod na sa akin ang nasa.”

50. Ano ang kahulugan ng salitang “alibugha”?


a. Mapagmahal b. tapat c. taksil d. suwail

51. Ano ang ipinahihiwatig ng mga taludtod?

Panganib sa puso’y naging katuwaan,


ang pintong s’yudad pagdaka’y nabuksan

a. nalaya na ang bayan mula sa pakikidigma


b. nabaligtad ang pangyayari na dati ay kinatatakutan
c. matagal na nakapinid ang pinto ng kaharian
d. mapanganganib sa loob ng syudad
52. Ano ang ibig sabihin ng sumusunod?

“na sa mundo’y walang katuwaang lubos


Sa minsang ligaya’t tali ng kasunod
Makapitong lumbay o hanggang matapos?”

a. Ang buhay sa mundo ay walangkatuwaan at kaayusan .


b. Mas maraming pasakit kaysa sa kaligayahan ang buhay dito sa mundo.
c. Walang katapusan ang paghihirap ng tao sa mundo.
d. Ang tao’y walang kasiyahan sa buhay.
53. Ano ang nais ipakahulugan sa sumusunod?
“Sapagkat ang hangin ay hangad sa yaman
Ay mariing hampas ng langit sa bayan?”
a. Ang pinunong sakim sa kayamanan ay malaking pahirap sa mamamayan.
b. Pinarurusahan ng Diyos ang sinumang ganid s kapangyaihan.
c. Malas ang mamamayan sa pagkakaroon ng masamang pinuno.
d. Walang kaunlaran ang bayan sa kamay ng mga tiwaling lide.

54. Alin ang hindi kabilang sa wakas ng Florante at Laura?


a. Naging hari si Florante at reyna si Laura sa Albanya.
b. Bumalik sina Aladin at Flerida sa kaharian ng Persya.
c. Nakulong si Sultan Ali-Adab.
d. Nakabangona ng nalulugami at nangatuwa ang nagpipighati.

Sataguring bunso’t likong paagmamahal


Ang isinasama ng bata’y nunukal.
Ang iba marahil sa kapabayaan
Ng dapat magturong tamad na magulang

55. Batay sa saknong, ano ang dahilan ng pagiging masama ng bata?


a. Sobrang pagpapalayaw
b. Katamaan ng magulang
c. Kapabayaan ng magulang
d. Lahat ng nabanggit
56. Ang pariralang may salungguhit sa saknong ay nangangahulugang:
a. Kaunting pagtingin
b. Maling pagpapalaki
c. Bawal na pagmamahal
d. Maluhong pag-aauga

57. Ang sumusunod na salawikain ay maiuugnay sa saknong maliban sa:


a. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
b. Kung ano ang itinanim, siya ang aanihin.
c. Ang anak na di paluhain, ina ang patatangisin.
d. Kung may isinuksok, may madudukot.

58. Ano ang nais ipakahulugan ng “ Bunso’y katitiis at hinihintay ka ng maraming sakit?”
a. Ang bunsong anak ay tagasalo ng problema ng pamilya.
b. Pinapaunawa sa bata na wala siyang magagawa sa pagsubok kundi magtiis lamang.
c. Ang lahat ng tao ay kailangang maghanda sa mga darating.
d. Maraming sakit ang dumarapo lalo na mga bunsong anak.
59. Ano ang nais tukuyin ng sumusunod na mga taludtod?

“Siyang pamimitik at kusang nagsabog


Ng ningning ang talang kaagaw ni venus”
Anaki ay bagong umahon sa bubo,
Buhok ay naglugay sa perlas ng batok.

a. Ang babaeng kaagaw ni Benus, ang diwatang kagandahan


b. Ang dalagang may mahabang buhok na kinatatakutan ng madla
c. Ang Diyos ng Kagandahan na batang-bata pa at labis na hinahangaan.
d. Isang napakagandang dalagang nasa kasibulan na maihambing kay Benus.

60. B O N U S

You might also like