You are on page 1of 3

Ibong Mandaragit ( Kabanata 39)

Miyembro: Abuda, Flores, Giron, Monserrate, Pobre

I. Layunin ng Pag-uulat:

1. Maibahagi ang kwnto sa pamamagitan ng malikhaing paraan.


2. Maenganyo ang mga kaklase na basahin ang nobela.

II. Panimula:
Mga Tanong:
1. Sino ang gumagamit ng lotion na pangpaputi? Bakit ?

III. Katawan

Pagsasalaysay (Mga papel na may mga keywords)

Pumunta si Mando Plaridel sa Estados Unidos. Dito niya nakita ang napaka gandang
mga establisimento, mga produktong hindi mo mabibili sa Pilipinas, maunlad na industriya,
daang bakal at binibigyang pansin ng husto ang demokrasya. Lahat ng ito’y bunga ng
masisipag na paggawa. Sobra sobra ang paghanga niya sa bansang Amerika dahil dito.
Akala ni Mando ay napaka perpekto na ng Amerika dahil sa mga magagandang bagay na
kanyang nakikita. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga puri na maibibigay para sa bansang ito,
may mali pa rin palang mahahanap sa bansang kanyang hinahangaan. Sa kabila ng
pagiging isang demokratikong bansa, laganap ang diskrimasyon dito sa mga itim ang balat o
kung tawagin ay “negro”.

Sa kanyang pamamalagi sa Estados Unidos, nalaman at nakita niya ang mga


diskriminasyon na ginagawa sa mga itim. Sila ay nakabukod palagi sa publiko kahit sila
mismo, ay mga amerikano rin. May sarili silang banyo, sariling kainan at sariling sinehan.
Hindi sila maaring bumoto at kung boboto man sila, hindi Malaya ang kanilang pagboboto.
Kakaonti ang mga trabaho na puwede nilang pasukan at bawal sila pumasok sa ibang mga
establisimento.

Habang nasa Amerika, nakita niya ang dating kaibigan na si Steve. Si steve ay isang itim na
dating sundalo o skaut sa bundok ng Luzon. Walang tumatanggap sa kanya sa trabaho
dahil nga daw siya ay isang itim. Malaki ang respeto ni Mando kay Steve dahil kahit siya ay
inaalipustangan ng sarili niyang bayan, pinagsisilbihan pa rin niya ito. Mapagbigay si Steve,
matulungin at pasensyoso. Pinayuhan ni Mando na bumalik na lang si Steve sa Pilipinas at
doon magsimula muli.

May isa ring nakilala si Mando sa Amerika. Ito ay isa pang Pilipino na nagsikap para
makatapos sa isang unibersidad doon. Gumanda ang kanyang buhay sa Amerika kaya’t
pinagpasyahan niya maging cividadong Amerikano. Pinagpasyahan niya ito dahil takot siya
umuwi ng Pilipinas sa sobrang gulo o baka dahil maraming wala doon na mayroon sa
Amerika. Dahil dito, pinayuhan siya ni Mando. Nagkatagpo ang mga ibang Pilipino sa
Estados Unidos at umusbong ang magiting na panukala ng mga kababayan na nagpatunay
ng kanyang pagka-Pilipino at nagsambit na hindi sila magiging dalahin ng bayan.

Napagtanto ni Mando na ang Pilipino’y Pilipino at di puwedeng maging Amerikano kailan


man. Pinahalagahan niya ang bansang Pilipinas at ang pagiging isang Pilipino.

Ang mga nasa Bond Paper ay:

1. Pumunta si Mando sa Estados Unidos


Dumalo sa isang pagpupulong sa Capitol Hill.
2. Namasyal sa iba’t-ibang lugar, at may nakita na dating kaibigan.
Nagkwentuhan at nagkamustahan sila.

3. Nakatagpo si Mando ng isang Pilipino.

4. Ikinakahiya ng Pilipino ang kanyang lahi.


Nagpayo si Mando.

5. Nakakita muli si Mando ng iba pang Pilipino

IV. Talasalitaan( Palaro)

• durungawan-kung san pwedeng dumuwang/lumabas


• asero-bakal na may karbon kaya matigas at matibay
• liwaliwan-lugar na pinanglilibot o pinamamasyal
• angaw-angaw:milyun-milyon
• mulata/mulato-taong ang isang magulang ay puti at isa naman ay negro

V. Halagang Pangkatauhan
- Pagiging MAKABAYAN

VI. Sulinaring Panlipunan

• Diskriminasyon- May isang kompanya na nagsagawa ng interview para sa


bakanteng trabaho. Kitang kita sa interview na mas magaling ang Pinoy ngunit
mas pinili pa rin nila ang Amerikano kesa sa Pinoy.
• Mga Pilipinong pumupunta sa ibang bansa na akalang may pagkakataon sa
buhay at hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.

VII.Pahayag ( Visual Aid gamit ang Power Point presentation)

VII. Pag-uugnay sa Kasalukuyan


VIII.
Ang “Mga Ibong Mandaragit” ay tumutukoy sa mga Pilipinong naninirahan sa ibang Bansa.
Ang iba sa kanila ay mga Overseas Filipino Workers, o mas kilala na OFW.

Pinapahayag ng kwento na maraming mga tao ang mahilig magpanggap. Ang marami
sakanila ay gustong gusto maging banyaga rin.
Katulad ng kasulukuyang sitwasyon, maraming mga Pilipino ang pumupuntang ibang bansa
upang makapag trabaho. Marami sakanila ay umaasang maiahon ang kani kanilang mga
pamilya. Marami din naming nagbabakasakali na maging “citizen” doon. Hindi ito maiiwasan
sapagkat patuloy nang bumababa ang ekonomiya ng bansa. Ang suliraning ito ay lumalaki
sapagkat ang mga Pilipino na nagnanais na guminhawa ang buhay ay hindi na bumabalik
pagkarating sa ibang bansa. Ang iba pa ay nagaapply pa ng green card upang sila’y maging
citizen doon. Malaking problema ito para sa Pilipinas dahil kabilang sa mga Pilipinong
lumilisan para sa ibang bansa ay ang mahuhusay nating mga kababayan na nakatapos ng
magagandang kurso. Mas pinipili nilang magsilbi sa ibang bansa kaysa sa sarili nating
bansa. Ito ang malaking suliranin na hinaharap ng Pilipinas ngayon.
Bilang isang Pilipino, hindi dapat natin ikahiya kung anong itsura natin. Hindi masamang
makihalubilo sa mga dayuhan. Wag lang sana natin kalimutan kung saan tayo lumaki at
pinanganak. Huwag na huwag natin ikakahiya kung ang kulay natin ay kayumanggi at pango
ang ating ilong. Ang mahalaga, may paninidigan tayo at may malasakit sa sariling bansa.
Para sa mga OFW naman, hindi masamang mangrap ng magandang buhay. Hindi rin
masamang iahon ang sarili at pamilya sa kahirapan. Wag lang sana natin kalimutan na
mahalaga parin kung pagsilbihan natin ang sarili natin bayan upang makatulong sa pagunlad
nito. Sa tuwing tayo ay aalis upang magtrabaho sa ibang bansa, lalo lamang lumalala ang
pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

• Ipapanood ang isang bahagi ng pelikulang “Caregiver” na nagpapakita ng mga taong


katulad ng mga Pilipino sa nobela na mas piniling manirahan sa ibang bansa.

Pamagat (Pagpapaliwanag na lamang sa harap ng klase)

Ang ibon ay may iba’t ibang kinakain. May mga ibon na kung tawagin ay ”scavenger”, ang
mga Negro o itim ang katumbas ng mga kinakain ng ibong mandaragit. Ang ibong
mandaragit naman ay sumisimbolo sa mga Amerikano na ”kumakain” o tinatapakan ang
pagkatao ng mga itim.

You might also like